Ang Nakatagong Motibasyon sa Likod ng “Hindi Pagpuna sa mga Pagkukulang ng mga Tao”

Hunyo 26, 2024

Ni Jiayu, Tsina

Isang mangangaral si Sister Li Le, at sumusubaybay rin siya sa gawain ng aming iglesia. Karaniwan ay magkasundong-magkasundo kami, at sa tuwing masama ang kalagayan ko, nagbabahagi at tumutulong siya sa akin batay sa kanyang karanasan. Kamakailan, natuklasan ko na wala siyang pagpapahalaga sa pasanin sa kanyang tungkulin, at kada linggo, isang beses lang siya nakikipagtipon sa aming mga diyakono at mababaw lang ang nauunawaan niya tungkol sa gawain ng iglesia, pero pagdating sa mga problema sa gawain, bihira niyang hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito nang kasama kami. Nang maisip kong si Li Le ang nangangasiwa sa gawain ng ilang iglesia, kung palagi siyang nasa gayong kalagayan, makakaapekto ito sa gawain ng mga iglesiang iyon. Dapat ko itong banggitin sa kanya, o iulat ang kanyang sitwasyon sa mga nakatataas na lider para maagap nilang maarok ang kanyang kalagayan at makipagbahaginan sila sa kanya at mahikayat siya na magbago. Gayunpaman, naisip ko kung paanong narinig ko kamakailan ang pagbabahagi ni Li Le. Sa tingin niya ay isa lang siyang karaniwang tao sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at na hindi niya gaanong nauunawaan ang propesyonal na gawain, at hindi rin niya masyadong naaarok ang mga prinsipyo ng pagpapalaganap sa ebanghelyo. Naisip niya na medyo nakakapagod para sa kanya ang paggawa ng tungkuling ito. Sa totoo lang, hindi naman mahina ang kanyang kakayahan, at hindi siya ganap na walang kakayahan na makipagtulungan. Sadyang wala lang talaga siyang pagpapahalaga sa pasanin kapag ginagawa niya ang kanyang tungkulin. Hangga’t masigasig niyang naaarok ang ilan sa mga prinsipyo, magagawa niya nang maayos ang kanyang tungkulin. Pero, kung iuulat ko sa mga lider ang kanyang sitwasyon sa pagkakataong ito, at kung hihingin ko na pangasiwaan at subaybayan niya ang gawain ng iglesia, hindi kaya iisipin niya na masyadong malupit ang mga hinihingi ko sa kanya? At masasadlak ba siya sa isang malumbay na kalagayan at hindi na ba niya gugustuhing gawin ang kanyang tungkulin dahil dito? Hindi bale na, naisip ko. Ang pag-arok sa kalagayan ni Li Le ay trabaho ng mga nakatataas na lider. Kahit wala akong sabihin, dapat nilang malaman ang tungkol dito. Nang maisip ko ito, nagpasya akong hindi iulat ang sitwasyon ni Li Le. Kalaunan, nang makipagtipon sa amin si Li Le, may ilang beses na gusto kong ipaalam ang kanyang problema sa paggawa ng kanyang tungkulin, pero natakot ako na sasabihin ni Li Le na masyadong malupit ang mga hinihingi ko. Kung hindi niya ito matatanggap, sisirain nito ang aming relasyon, at magiging iba ang pakikitungo niya sa akin pagkatapos nito. Nang ganoon-ganoon lang, kahit nasa dulo na ng dila ko ang mga salita, nilunok ko na lang ang mga ito.

Hindi nagtagal, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi masyadong mahirap na lutasin ang problema ng mga huwad na lider at anticristo; hindi gumagampan ng aktuwal na gawain ang mga huwad na lider at madali silang matuklasan at makita nang malinaw; ginugulo at ginagambala ng mga anticristo ang gawain ng iglesia at madali ring matuklasan at makita nang malinaw. Ang lahat ng ito ay nauugnay sa problema ng panggugulo sa paggampan ng mga hinirang ng Diyos sa kanilang mga tungkulin, at dapat ninyong iulat at ilantad ang mga gayong tao—sa pamamagitan lamang ng paggawa niyon ninyo mapipigilan ang pagkaantala ng gawain ng iglesia. Ang pag-uulat at paglalantad sa mga huwad na lider at anticristo ay napakahalagang gawain na nagtitiyak na magagampanan nang maayos ng mga hinirang ng Diyos ang kanilang mga tungkulin, at pinapasan ng lahat ng hinirang ng Diyos ang responsabilidad na ito. Hindi mahalaga kung sino ito, basta’t siya ay isang huwad na lider o isang anticristo, dapat siyang ilantad at ibunyag ng mga hinirang ng Diyos, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang inyong responsabilidad. … Maraming taon na kayong nakikinig ng mga sermon, at kahit ngayon ay hindi pa rin ninyo makilatis ang mga huwad na lider at anticristo, sa halip ay handa kayong makihalubilo sa mga anticristo at kumain buong araw nang hindi seryosong pinag-iisipan ang anumang bagay. Sapat na ang gayong pag-uugali para maipakita na hindi kayo tunay na mananampalataya sa Diyos. Una, hindi ninyo minamahal ang katotohanan o tinatanggap ang katotohanan; pangalawa, wala kayong pagpapahalaga sa responsabilidad sa inyong tungkulin, lalong hindi masasabing tapat ninyo itong ginagampanan, at basta lang ninyong binabalewala ang gawain ng iglesia. Mukha kayong gumagampan sa inyong tungkulin ngunit wala kayong natatamong resulta; iniraraos lamang ninyo ang mga pormalidad. Gaano man guluhin at sirain ng mga huwad na lider at mga anticristo ang gawain ng iglesia, wala kayong kaalam-alam, at hindi man lang kayo nababahala rito. … Diniligan kayo ng sambahayan ng Diyos sa loob ng mahabang panahon at marami na kayong napakinggang sermon, at ano ang kinalabasan? Mayroong seryosong problema, kung saan lumitaw ang isang anticristo sa iglesia, pero hindi ninyo ito namamalayan. Ipinapakita nito na hindi man lang kayo nakausad, na kayo ay manhid at mahina ang utak, at na binibigyang-layaw ninyo ang inyong laman. Kayo ay pawang mga bangkay, walang ni isang buhay sa inyo, walang ni isang naghahangad sa katotohanan, sa pinakamainam ay may ilang trabahador lamang sa inyo. Ang makapanampalataya sa Diyos at makinig sa mga sermon sa loob ng mahabang panahon, at pagkatapos ay makihalubilo sa isang anticristo, at hindi ito ilantad o iulat—ano ang pagkakaiba mo sa isang taong hindi nananampalataya sa Diyos? Kayo ay nabibilang sa mga anticristo, kayo ay hindi mga tao ng Diyos; sumusunod kayo sa mga anticristo, sumusunod kayo kay Satanas, at hinding-hindi kayo mga tagasunod ng Diyos. Kahit na hindi ninyo ginawa ang masasamang bagay na iyon na ginawa ng anticristo, pero sumunod kayo sa kanya at pinrotektahan ninyo siya, dahil hindi ninyo siya inilantad o iniulat at sinasabi ninyo na hindi ninyo masyadong nakasalamuha ang anticristo at na hindi ninyo alam kung ano ang kanyang ginagawa. Sa paggawa nito, hindi ba’t ipinagtatanggol ninyo ang anticristo habang dilat na dilat ang inyong mga mata? Gumawa ng napakaraming kasamaan ang anticristo at pinaralisa nito ang gawain ng iglesia, ginambala ang buhay-iglesia hanggang sa lubusang magulo ito, subalit sinasabi ninyo na hindi ninyo alam kung ano ang ginagawa ng anticristo—sino ang maniniwala niyan? Nakita ng sarili niyong mga mata na ginugulo at pinipinsala ng anticristo ang gawain ng iglesia, subalit ganap kayong walang pakialam at wala man lang kayong reaksiyon. Walang naglantad o nag-ulat sa anticristo—lahat kayo ay nabigong gampanan kahit man lang ang maliit na responsabilidad na ito at lubos kayong walang konsensiya at katwiran! Ang lahat ng iglesia ay madalas na nagpapadala ng mga liham na nag-uulat ng mga huwad na lider at mga anticristo—hindi ba ninyo ito nakita kahit kailan? Tanging ang iglesia sa Canada ang tila isang lawa ng hindi dumadaloy na tubig na hindi kailanman nakipag-ugnayan sa Itaas para magbigay ng ulat tungkol sa sitwasyon nito. Kayo ay pawang mga bangkay, walang ni isang buhay sa inyo! Hindi kikilalanin ng Diyos ang gayong iglesia, at kung hindi kayo magsisisi, kayo ay ganap na matatapos at lahat kayo ay matitiwalag(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Traydor, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)). Kung lumilitaw ang isang anticristo sa iglesia at walang ni isang taong tumatayo at nag-uulat tungkol sa kanya, madidismaya at masusuklam ang Diyos. Ipinahayag ng Diyos ang lahat ng katotohanang ito para tustusan tayo. Ang Kanyang mga pagbabahagi tungkol sa mga katotohanan sa pagkilatis sa mga anticristo at mga huwad na lider ay napakadetalyado at komprehensibo. Umaasa Siya na kapag ginugulo ng mga tao ang gawain ng sambahayan ng Diyos, magagawa nating tuparin ang ating responsabilidad at tumindig para pangalagaan ang gawain ng iglesia. Kung nakikita ng isang tao na naaapektuhan ang gawain ng sambahayan ng Diyos at wala siyang kamalayan dito, at wala rin siyang pagpapahalaga sa katarungan at hindi siya tumitindig para pigilan ito o iulat ito sa mga nakatataas, kung gayon, ang ganoong tao ay isang patay na tao na walang konsensiya at isang taong walang bahid ng patotoo. Ang inilalantad ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Nang makita ko na bihira na lang subaybayan ni Li Le ang gawain ng iglesia kamakailan at na nakaapekto na ito sa gawain, dahil nangamba at natakot ako na masira ang aming relasyon, hindi ako naglakas-loob na ipaalam ito sa kanya o na iulat siya sa mga nakatataas. Hindi ko pinangalagaan ang gawain ng iglesia ni katiting, at talagang kinasuklaman ako ng Diyos. Nang maisip ko ito, sinuway ko ang sarili ko sa puso ko, at binuksan ko ang aking laptop, gusto kong iulat ang sitwasyon ni Li Le sa mga nakatataas na lider. Pero mayroon pa rin akong mga pangamba, at naisip ko, “Kung iuulat ko ang problema ni Li Le, tiyak na makikipagbahaginan sa kanya ang mga nakatataas na lider, at malalaman niya na ako ang nag-ulat sa kanya sa mga lider. Ano na lang ang iisipin niya sa akin kung gayon? Iisipin ba niya na pinuna ko ang mga pagkukulang niya habang nakatalikod siya? Kung maghihinanakit siya sa akin, paano pa kami makakapagtulungan sa paggawa ng aming mga tungkulin sa hinaharap?” Sa sandaling naisip ko ang lahat ng ito, binura ko ang mensahe. Naisip ko, “Lahat ng tao ay may masamang kalagayan minsan, at ang lahat ay may mga pagkukulang sa ilang partikular na aspekto. Mas mabuting huwag na lang pagtuunan ng pansin ang maliliit na problema ng iba at iulat ang mga ito. Pagkaraan ng ilang panahon, marahil ay mamamalayan na ni Li Le ang kanyang isyu at magbabago na siya. Mas mabuting huwag ko na lang itong iulat.”

Pagkalipas ng ilang araw, pumunta kami ni Li Le sa isang pagtitipon para magpatupad ng gawain, at muli kong nabasa ang siping iyon ng mga salita ng Diyos: “Diniligan kayo ng sambahayan ng Diyos sa loob ng mahabang panahon at marami na kayong napakinggang sermon, at ano ang kinalabasan? Mayroong seryosong problema, kung saan lumitaw ang isang anticristo sa iglesia, pero hindi ninyo ito namamalayan. Ipinapakita nito na hindi man lang kayo nakausad, na kayo ay manhid at mahina ang utak, at na binibigyang-layaw ninyo ang inyong laman. Kayo ay pawang mga bangkay, walang ni isang buhay sa inyo, walang ni isang naghahangad sa katotohanan, sa pinakamainam ay may ilang trabahador lamang sa inyo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Traydor, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)). Nang makita ko ang mga salitang “mga patay na tao,” para bang tinusok ng karayom ang puso ko. Nang maisip ko na palagi kong hindi naisasagawa ang katotohanan, sinuway ko ang sarili ko sa loob-loob ko. Tahimik akong nagdasal sa puso ko, “Diyos ko, pakiusap, gabayan Mo po ako para mapangalagaan ko ang mga interes ng iglesia at maipaalam kay Li Le ang kanyang problema.” Pagkatapos kong magdasal, nagkataon na nagbabahagi si Li Le tungkol sa kanyang pagpapamalas ng hindi paggawa ng aktuwal na gawain batay sa mga salita ng Diyos. Sinabi niya na, lalo na kapag nakikita niya na napakahusay ng kakayahan ng ilang lider ng iglesia at na hindi siya kasinghusay ng mga ito sa pangangasiwa ng gawain, natatakot siya na mamaliitin siya ng mga ito. Sinabi niya na bilang isang mangangaral, hindi makakapantay ang kanyang mga abilidad sa paggawa sa mga abilidad ng mga lider sa iglesia, kaya hindi niya gaanong sinubaybayan ang gawain ng iglesiang iyon. Napagtanto ni Li Le na ang hindi niya pangangasiwa at pagsubaybay sa gawain ay isang pagpapamalas ng isang huwad na lider. Hindi ba’t lalo ko siyang masasaktan kung ipapaalam ko ang kanyang problema pagkatapos ng sinabi niyang iyon? Iisipin ba niya na hindi ako mapagmahal at na hindi ko isinaalang-alang ang mga damdamin niya? Kaya ang ginawa ko lang ay bigyan siya ng maikli at simpleng paalala. Pagkatapos, naisip ko na mas mabuting iulat ko ang sitwasyon ni Li Le sa mga lider. Sa ganitong paraan, agad na makakapagbahagi sa kanya ang mga lider at matutulungan siya ng mga ito. Kaya, iniulat ko sa mga lider ang ilang sitwasyong nakita ko. Matapos magbahagi sa kanya ang mga lider at ipaalam ng mga ito ang kanyang problema, nagtapat si Li Le sa isang pagtitipon at sinabi niya na kumain at uminom siya ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga huwad na lider, at inamin niya na hindi niya nasubaybayan o napangasiwaan ang gawain at hindi niya nagawa nang maayos ang kanyang trabaho. Kalaunan, medyo mas madalas nang sinusubaybayan ni Li Le ang gawain ng iglesia, at inanalisa niya ang mga dahilan kung bakit hindi nagbunga sa amin ang gawain ng ebanghelyo, sinusubukan niyang lutasin ang mga problemang ito sa praktikal na paraan. Nang makita ko na kayang gumawa ni Li Le ng kaunting aktuwal na gawain, masayang-masaya ako. Pagkatapos, nagnilay-nilay ako, at naisip ko, “Bakit hindi ako kailanman naglakas-loob na ipaalam ang problema ni Li Le o iulat ito sa mga lider? Ano ba mismo ang kumokontrol sa akin dito?”

Habang naghahanap, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “‘Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.’ Naglalarawan ito ng isang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa iba na ikinintal ni Satanas sa mga tao. Nangangahulugan ito na kapag nakikipag-ugnayan ka sa iba, dapat mo silang bigyan ng kaunting laya. Hindi ka dapat maging masyadong malupit sa iba, hindi mo puwedeng ungkatin ang mga dati nilang pagkakamali, kailangan mong panatilihin ang kanilang dignidad, hindi mo maaaring sirain ang magandang pakikitungo mo sa kanila, dapat kang maging mapagpatawad sa kanila, at iba pa. Ang kasabihang ito tungkol sa moralidad ay pangunahing naglalarawan ng isang uri ng pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na nagdidikta sa pakikipag-ugnayan sa mga tao. May isang doktrina sa mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na nagsasabing, ‘Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan.’ Nangangahulugan ito na para maingatan ang isang pagkakaibigan, dapat manahimik ang isang tao tungkol sa mga problema ng kanyang kaibigan, kahit malinaw niyang nakikita ang mga iyon—na dapat niyang sundin ang mga prinsipyo ng hindi paghampas sa mga tao sa mukha o pagpuna sa kanilang mga pagkukulang. Lilinlangin nila ang isa’t isa, pagtataguan ang isa’t isa, iintrigahin ang isa’t isa; at bagama’t alam na alam nila kung anong klaseng tao ang isa’t isa, hindi nila iyon sinasabi nang tahasan, kundi gumagamit sila ng mga tusong pamamaraan para maingatan ang kanilang maayos na samahan. Bakit nanaisin ng isang tao na ingatan ang gayong mga relasyon? Tungkol iyon sa hindi pagnanais na magkaroon ng mga kaaway sa lipunang ito, sa loob ng grupo ng isang tao, na mangangahulugan na madalas na malalagay ang sarili sa mapanganib na mga sitwasyon. Dahil alam mong magiging kaaway mo ang isang tao at pipinsalain ka niya matapos mong punahin ang kanyang mga pagkukulang o matapos mo siyang saktan, at dahil ayaw mong ilagay ang sarili mo sa gayong sitwasyon, ginagamit mo ang doktrina ng mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na nagsasabing, ‘Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.’ Batay rito, kung gayon ang relasyon ng dalawang tao, maituturing ba silang tunay na magkaibigan? (Hindi.) Hindi sila tunay na magkaibigan, lalong hindi sila magkatapatang-loob. Kaya, ano ba talagang klaseng relasyon ito? Hindi ba’t isa itong pangunahing relasyong panlipunan? (Oo.) Sa gayong mga relasyong panlipunan, hindi naihahandog ng mga tao ang kanilang damdamin, ni wala silang malalalim na pag-uusap, ni sinasabi ang anumang gusto nila. Hindi nila masabi nang malakas ang nasa puso nila, o ang mga problemang nakikita nila sa isa’t isa, o ang mga salitang makakatulong sa isa’t isa. Sa halip, pumipili sila ng magagandang bagay na sasabihin, para patuloy silang magustuhan ng iba. Hindi sila nangangahas na sabihin ang totoo o itaguyod ang mga prinsipyo, dahil baka maging sanhi pa ito para mapoot sa kanila ang iba. Kapag walang sinumang banta sa isang tao, hindi ba’t mamumuhay ang taong iyon nang medyo maginhawa at payapa? Hindi ba’t ito ang layon ng mga tao sa pagtataguyod sa kasabihang, ‘Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.’ (Oo.) Malinaw na ito ay isang tuso at mapanlinlang na paraan ng pag-iral, na may elemento ng pagtatanggol sa sarili, na ang layon ay pangalagaan ang sarili. Ang mga taong ganito ang pamumuhay ay walang mga katapatang-loob, walang matatalik na kaibigan na mapagsasabihan nila ng kahit anong gusto nila. Maingat sila laban sa isa’t isa, at tuso, at madiskarte, kinukuha ang kailangan nila mula sa relasyon. Hindi ba ganoon iyon? Sa ugat nito, ang layon ng ‘Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila’ ay para hindi mapasama ang loob ng iba at hindi magkaroon ng mga kaaway, para protektahan ang sarili sa pamamagitan ng hindi pamiminsala sa sinuman. Isa itong diskarte at pamamaraan na ginagamit ng isang tao para hindi siya masaktan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 8). Noon, medyo sumasang-ayon ako sa kasabihang, “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Ito ay dahil tinuruan ako ng kasabihang ito na kapag nakikipag-ugnayan ka sa iba, dapat isaalang-alang mo ang kanilang mga damdamin. Hindi dapat maging masyadong malupit sa iba o punahin ang kanilang mga pagkukulang. Inakala ko na ang mga taong ganito kung kumilos ay mabubuting tao, mga taong may katwiran at moralidad. Nang makita ko ang inilantad ng Diyos, sa wakas ay naunawaan ko na ang kasabihang, “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” ay isang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, at na ang mga namuhay ayon dito ay magiging lubhang tuso, mapanlinlang, makasarili, at kasuklam-suklam. Sa panlabas, ang pagkilos nang ganito ay tila pagsasaalang-alang sa iba, pero ang totoo, ang motibasyon sa likod nito ay ang hindi mapasama ang loob ng mga tao. Kahit napansin ng isang tao ang mga problema ng iba, hindi niya ito babanggitin, kumikilos siya bilang isang mapagpalugod ng tao at pinangangalagaan niya ang kanyang mga ugnayan sa laman. Kapag nakikipag-ugnayan sa mga taong tulad nito, kahit na sa panlabas ay mukhang naingatan nang maayos ang ugnayan ng isang tao sa iba, walang sinseridad sa pagitan nila. Hindi sila nagtutulungan, bagkus ay mapagbantay sila sa isa’t isa at ginagamit nila ang isa’t isa. Namumuhay ako ayon sa pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na tinatawag na, “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Nang makita ko na bihirang subaybayan at pangasiwaan ni Li Le ang gawain ng iglesia nitong huli, noong una, gusto ko itong ipaalam sa kanya o iulat sa mga lider. Pero, naisip ko na hindi dapat punahin ng isang tao ang mga pagkukulang ng iba, at si Li Le mismo ang nagsabi na medyo nakakapagod para sa kanya ang gawain, kaya, kung binanggit ko na hindi niya sinusubaybayan at pinangangasiwaan ang gawain, hindi ba’t magiging kalabisan na ang hinihingi ko sa kanya? Nagdahilan ako sa sarili ko na ang bawat tao ay may masamang kalagayan paminsan-minsan, at may kanya-kanyang kakulangan, at pinili kong manahimik na lang. Nang marinig kong nagtapat si Li Le at inamin niyang hindi niya nasubaybayan ang gawain, natakot ako na kung ipapaalam ko ang kanyang problema pagkatapos ng sinabi niya, magiging parang paglalantad ito sa kanyang mga kahinaan, kaya ilang walang kabuluhang salita lang ang sinabi ko. Sa panlabas, tila isinasaalang-alang ko si Li Le, pero mayroon akong nakatagong kasuklam-suklam na motibasyon. Natakot ako na sasabihin niya na sobra-sobra na ang hinihingi ko sa kanya o na isinusumbong ko siya at pinupuna ang kanyang mga pagkukulang. Kung mapapasama ko ang loob niya dahil sa bagay na ito, maghihinanakit siya sa akin at pakikitaan niya ako ng masamang ugali sa hinaharap, at hindi kami makakapagtulungan nang matiwasay at masaya tulad ng sa ngayon. Para mapangalagaan ang ugnayan ko sa kanya, paulit-ulit kong binitiwan ang pagsasagawa sa katotohanan. Sa panlabas, mukhang napakaganda ng ugnayan namin ni Li Le at mabuting magkaibigan kami, na walang inililihim sa isa’t isa, pero hindi talaga ako tapat o mapagmahal sa kanya. Naisip ko kung paanong kapag nasa masamang kalagayan ako, madalas na nagbabahagi at tumutulong sa akin si Li Le, at kapag nakikita niyang may problema ako, ipinapaalam niya ito sa akin para mapag-alaman ko ito at makapagbago ako, pero upang hindi magkaroon ng kaaway, walang puso akong nanood habang si Li Le ay namumuhay sa loob ng kanyang tiwaling disposisyon at hindi ko siya pinansin, dahil lang sa pagkukunwaring isinasaalang-alang ko siya. Hindi nakita ni Li Le ang kanyang sariling problema at hindi niya agad nabago ang kanyang kalagayan. Nagdusa siya ng mga kawalan sa kanyang buhay pagpasok at naapektuhan ang gawain ng iglesia. Tunay na sobra akong makasarili at kasuklam-suklam! Hindi ko siya isinasaalang-alang sa anumang paraan; malinaw na nakikita ko siya na malapit nang mahulog sa isang hukay at hindi ko siya hinihila pataas. Hindi ba’t isa akong mapagpalugod ng tao, isang taong masama ang puso? Sa pagninilay-nilay tungkol dito, sa wakas ay nagkaroon ako ng kaunting pagkilatis sa satanikong pilosopiya na tinatawag na “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Ginamit ni Satanas ang mga pilosopiyang ito para sa makamundong pakikitungo upang gawing tiwali ang tao at upang maging mapagbantay ang mga tao sa isa’t isa at gamitin nila ang isa’t isa, kung saan sila ay mas lalong nagiging makasarili, walang pakialam, at walang pagkatao. Kung patuloy akong mamumuhay ayon sa moral na alituntuning ito, lalo lang akong magiging mapanlinlang.

Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at naunawaan ko kung ano ang ibig sabihin ng pagpuna sa mga pagkukulang ng mga tao at kung ano ang ibig sabihin ng pagtulong sa mga tao. Sabi ng Diyos: “Ang salita bang ‘punahin’ sa kasabihang ‘kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila’ ay mabuti o masama? Ang salita bang ‘punahin’ ay may antas kung saan tumutukoy ito sa pagkahayag o pagkalantad ng mga tao sa mga salita ng Diyos? (Wala.) Mula sa Aking pagkaunawa sa salitang ‘punahin’ batay sa pag-iral nito sa wika ng tao, wala itong gayong kahulugan. Ang diwa nito ay isang medyo mapaminsalang uri ng paglalantad; nangangahulugan ito na ibunyag ang mga problema at pagkukulang ng mga tao, o ang ilang bagay at pag-uugali na lingid sa kaalaman ng iba, o ilang intriga, ideya, o pananaw na nasa likod. Ito ang kahulugan ng salitang ‘punahin’ sa kasabihang ‘kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.’ Kung ang dalawang tao ay magkasundo at magkatapatang-loob, na walang mga hadlang sa pagitan nila, at kapwa sila umaasa na maging pakinabang at tulong sa isa’t isa, magiging pinakamainam para sa kanila na umupo nang magkatabi at ilantad ang mga problema ng isa’t isa nang bukas at taos-puso. Ito ay nararapat, at hindi ito pagpuna sa mga pagkukulang ng iba(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 8). Binago ng mga salita ng Diyos ang aking maling pananaw sa mga bagay-bagay. Ang “punahin ang kanilang mga pagkukulang” na parte ng “kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” ay isang mapaminsalang paglalantad sa mga problema at kakulangan ng mga tao. Ang motibasyon nito ay hindi para tulungan ang mga tao, at sa halip, nakapaloob dito ang ilang mapanlinlang na intensiyon. Ito ay alang-alang sa pagtamo ng mga di-angkop na layon, at ang pagkilos nang ganito ay mangangahulugan lamang ng pag-atake sa mga tao at pagdudulot sa kanila ng pasakit. Hinding-hindi ito nakapagpapatibay o kapaki-pakinabang sa mga tao. Samantala, ang “paglalantad” na sinasabi ng Diyos ay isang positibong bagay. Ibig sabihin nito ay pagpansin sa problema ng isang tao at taos-pusong pagnanais nais na tulungan siya, at paghihikayat sa kanya na alamin ang kalikasan ng kanyang problema at agad na baguhin ang kanyang mga maling kilos. Ang paglalantad sa mga tao nang ganito ay kapaki-pakinabang para sa kanila, at hindi ito pagpuna sa mga pagkukulang ng mga tao. Nang mapansin ko na nakakaapekto na sa gawain ang problema ni Li Le, kung ipinaalam ko sa kanya ang problema, napansin niya sana ito at nagawa niya sanang magbago, at magawa nang maayos ang kanyang tungkulin. Ang pag-uulat nito sa mga lider ay para din maarok ng mga lider ang sitwasyon ni Li Le at agad siyang matulungan na magbago nang sa gayon ay hindi maaapektuhan ang gawain ng iglesia. Ito ay pagsasagawa sa katotohanan at pagtulong sa mga kapatid. Hindi ito pagpuna sa mga pagkukulang ng mga tao, at lalong hindi ito pagsusumbong sa isang tao habang nakatalikod ito. Ito ay isang positibong bagay. Kapag tinatanggap ng isang tao ang katotohanan, kapag tinutukoy at inilalantad ng iba ang kanyang mga problema, nagagawa niyang magnilay, makakilala, at agad na magbago. Nakabubuti ito sa kanyang sariling buhay pagpasok at sa gawain ng iglesia. Katulad lang ito kay Li Le, na, gamit ang pagtukoy ng mga lider sa kanyang problema at pagtulong sa kanya, nagawa niyang pagnilayan at subukang kilalanin ang kanyang sarili at agad na baguhin ang kanyang saloobin sa kanyang tungkulin. Kapag nahaharap sa mga problema sa gawain ng ebanghelyo, tinatalakay at hinahanap niya ang mga solusyon kasama namin, at pagkatapos ng mga pagbabahaginan, medyo nagkaroon na siya ng landas ng pagsasagawa. Nakita ko na ang pagtukoy at paglalantad sa problema ng isang tao ay hindi pagiging malupit dito, at na ang pagkakaroon ng mga malupit na hinihingi sa isang tao ay nangangahulugan ng hindi pagsasaalang-alang sa kanyang tayog o kakayahan at hindi pagtingin sa kung ginawa ba niya ang kanyang makakaya para makipagtulungan, bagkus, ang pagiging malupit ay tuloy-tuloy na pagkakaroon ng mga hinihingi sa isang tao sa sandaling lumitaw ang kanyang mga paglihis o kakulangan. Dahil sa pagiging mabusisi at paghahanap ng mga kamalian sa iba, nagiging madaling pigilan ang mga tao at nagiging negatibo pa nga sila. Samantala, bilang isang lider at manggagawa, ang pangangasiwa at pagsubaybay sa gawain ng iglesia ay trabaho ni Li Le. Higit pa roon, may kaunti siyang kakayahan, at kahit na hindi siya pamilyar sa gawain ng pagpapalaganap sa ebanghelyo, hangga’t masigasig siyang nag-aaral, maaari siyang maging dalubhasa sa ilang prinsipyo o maaari niyang malutas ang ilang problema kapag nakikipagtuwangan sa mga kapatid sa isang grupo. Namumuhay siya sa kanyang tiwaling disposisyon at hindi gumagawa ng aktuwal na gawain, kaya ang pagtutukoy at pag-uulat ko sa kanyang problema ay normal na pangangasiwa ng mga lider at manggagawa, pero sa halip, mali ang naging paniniwala ko na masyado akong naging malupit sa kanya. Masyadong kakatwa ang ganitong uri ng pananaw sa mga bagay-bagay!

Isang araw, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa ugat na dahilan kung bakit hindi ko isinagawa ang katotohanan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Karamihan sa mga tao ay nais hanapin at isagawa ang katotohanan, ngunit kadalasan ay may pagpapasya at hangarin lamang sila na gawin iyon; hindi nila naging buhay ang katotohanan. Dahil dito, kapag nakahaharap sila ng masasamang puwersa o ng masasamang tao na gumagawa ng masasamang gawa, o ng mga huwad na pinuno at anticristo na gumagawa ng mga bagay sa isang paraang lumalabag sa mga prinsipyo—sa gayon ay nagugulo ang gawain ng iglesia at napapahamak ang mga hinirang ng Diyos—nawawalan sila ng lakas ng loob na manindigan at magsalita. Ano ang ibig sabihin kapag wala kang lakas ng loob? Ibig bang sabihin niyan ay kimi ka o hindi makapagsalita? O hindi mo ito lubos na nauunawaan, at sa gayon ay wala kang tiwalang magsalita? Walang isa man dito; ito una sa lahat ang ibinubunga ng mapigilan ng mga tiwaling disposisyon. Ang isa sa mga tiwaling disposisyong ito na inilalantad mo ay ang mapanlinlang na disposisyon; kapag may nangyayari sa iyo, ang una mong iniisip ay ang sarili mong mga interes, ang una mong isinasaalang-alang ay ang mga ibubunga, kung ito ba ay kapaki-pakinabang sa iyo. Ito ay isang mapanlinlang na disposisyon, hindi ba? Ang isa pa ay makasarili at mababang-uri na disposisyon. Iniisip mo, ‘Ano ang kinalaman sa akin ng kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? Hindi ako isang lider, kaya bakit ako mag-aalala? Wala itong kinalaman sa akin. Hindi ko responsabilidad ito.’ Ang gayong mga saloobin at salita ay hindi mga bagay na sadya mong iniisip, kundi inilalabas ng iyong isip nang hindi mo namamalayan—na tumutukoy sa tiwaling disposisyong nabubunyag kapag ang mga tao ay nahaharap sa isyu(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Kapag naging buhay na ang katotohanan sa iyo, kapag inobserbahan mo ang isang taong lapastangan sa Diyos, walang takot sa Diyos, at pabasta-basta habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, o ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, tutugon ka ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at matutukoy at mailalantad mo sila ayon sa kinakailangan. Kung hindi mo naging buhay ang katotohanan, at nabubuhay ka pa rin sa loob ng iyong satanikong disposisyon, kapag nakatuklas ka ng masasamang tao at mga diyablong nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan ka; isasantabi mo sila, nang walang paninisi mula sa iyong budhi. Iisipin mo pa nga na ang sinumang nagdudulot ng mga kaguluhan sa gawain ng iglesia ay walang kinalaman sa iyo. Gaano man nagdurusa ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, wala kang pakialam, hindi ka nakikialam, o nakokonsiyensiya—ginagawa ka nitong isang taong walang konsensiya o katwiran, isang hindi mananampalataya, isang trabahador. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom ang sa Diyos, at tinatamasa ang lahat ng nagmumula sa Diyos, ngunit pakiramdam mo ay walang kinalaman sa iyo ang anumang pinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos—ginagawa ka nitong isang traydor na kumakagat sa kamay na nagpapakain sa iyo. Tao ka ba kung hindi mo pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Isa itong demonyo na isiniksik ang sarili sa iglesia. Nagpapanggap kang naniniwala sa Diyos, nagkukunwaring isang hinirang na tao, at nais mong samantalahin ang sambahayan ng Diyos. Hindi mo isinasabuhay ang buhay ng isang tao, mas para kang halimaw kaysa tao, at malinaw na isa ka sa mga hindi mananampalataya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang tunay kong sitwasyon. Nakita ko na wala akong katotohanan, na namumuhay ako sa isang mapanlinlang at makasariling satanikong disposisyon. Kapag nangyayari sa akin ang mga bagay-bagay, iniisip ko lang ang sarili kong mga interes at hindi ko man lang pinangalagaan ang gawain ng iglesia. Malinaw kong nakita na walang pagpapahalaga sa pasanin si Li Le kapag ginagawa niya ang kanyang tungkulin, na bihira niyang subaybayan at pangasiwaan ang gawain, at naapektuhan na nito ang normal na pag-usad ng gawain ng iglesia. Kung isa akong taong may pagkatao at may konsensiya, agad ko itong ipapaalam kay Li Le at iuulat ko ito sa mga nakatataas, pero upang mapangalagaan ang ugnayan ko sa kanya, noong ilang beses na magsasalita na sana ako, ginamit ko lang ang palusot na “Madalas namang nakikipagkita kay Li Le ang mga lider, kaya, kung wala akong sasabihin, maaarok pa rin nila ang kalagayan niya” bilang dahilan para manahimik. Nang gusto kong sabihin sa mga nakatataas na lider ang tungkol sa problema ni Li Le, natakot ako na mapasama ang loob niya at nakaisip ako ng tila magandang dahilan, sinabi ko, “Ang bawat isa ay nagkakaroon ng masamang kalagayan paminsan-minsan, at hindi dapat labis-labis ang hinihingi sa iba.” Nag-iimbento ako ng kung anu-ano para hindi ko isagawa ang katotohanan. Talagang masyado akong mapanlinlang, napakatuso ko! Tinamasa ko ang pagtutustos at pagpapastol ng napakaraming salita ng Diyos; kung mayroon pa akong kaunting pagkatao at konsensiya, nang makita kong nakakaranas ng mga kawalan ang gawain ng iglesia, dapat akong tumindig, at dapat kong gawin ang anumang makakaya ko para mapangalagaan ito. Kung nasabi ko kaagad kay Li Le ang problema niya, mas maaga sana niya itong nalaman at naitama, at hindi sana matagal na naantala ang gawain. Ang lahat ng ito ay mga bunga ng pagiging makasarili at kasuklam-suklam at hindi pagsasagawa sa katotohanan. Paano magiging karapat-dapat sa pagliligtas ng Diyos ang isang taong makasarili na gaya ko? Kung hindi ko mabilis na iwinaksi ang mga tiwaling disposisyong ito, tiyak na itataboy at ititiwalag ako ng Diyos sa huli. Dagdag pa rito, palagi akong naniniwala noon na ang pagtukoy sa problema ni Li Le ay isang bagay na ang mga nakatataas na lider ang mangangasiwa. Mali rin ang pananaw kong ito. Ang pangangalaga sa gawain ng iglesia ay ang responsabilidad ng bawat taong hinirang ng Diyos. Bilang miyembro ng sambahayan ng Diyos, responsable ako sa pangangasiwa sa gawain ng mga lider at manggagawa, at kapag nakikita ko na gumagawa ang mga lider o manggagawa ng isang bagay na labag sa mga prinsipyo o hindi kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia, dapat ko itong tukuyin at dapat kong tuparin ang aking responsabilidad. Nang maunawaan ko ang mga ito, ayaw ko nang mamuhay pa sa aking tiwaling disposisyon, at nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako para makahanap ako ng landas ng pagsasagawa.

Nabasa ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kung isa itong pagkilos na naaayon sa mga prinsipyo, hindi gaanong mahalaga kung pinasasama nito ang loob ng mga tao o kung nagsasanhi ito na mapuna ka habang ikaw ay nakatalikod; kung isa itong pagkilos na hindi naaayon sa mga prinsipyo, kung gayon, kahit pa sa pamamagitan ng paggawa nito ay nagkakamit ka ng pagsang-ayon at nakakasundo mo ang lahat, pero hindi mo ito mapangatwiranan sa harap ng Diyos, ikaw ay nawalan. Kung pinapanatili mo ang magandang ugnayan sa karamihan, pinapasaya at pinapalugod ang mga tao, at kung nakakatanggap ka ng kanilang papuri, pero sinasalungat mo ang Diyos, ang Lumikha, kung gayon ay isa kang dakilang hangal. Kaya, anuman ang gawin mo, dapat malinaw mong maunawaan kung ito ba ay naaayon sa mga prinsipyo, kung ito ba ay nakalulugod sa Diyos, kung ano ang saloobin ng Diyos dito, kung ano dapat ang iyong maging paninindigan, kung anong mga prinsipyo ang dapat mong itaguyod, kung paano nagtagubilin ang Diyos, at kung paano mo ito dapat gawin—dapat malinaw muna sa iyo ang tungkol dito(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 24). “Kung taglay mo ang mga motibasyon at pananaw ng isang mapagpalugod ng mga tao, kung gayon, sa lahat ng bagay, hindi mo makakayang isagawa ang katotohanan at sumunod sa prinsipyo, at lagi kang mabibigo at matutumba. Kung hindi ka mapupukaw at hindi mo hahanapin ang katotohanan kailanman, isa kang hindi mananampalataya, at hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan at ang buhay. Ano, kung gayon, ang dapat mong gawin? Kapag naharap ka sa ganitong mga bagay, dapat kang manalangin sa Diyos at tumawag sa Kanya, magmakaawa para sa kaligtasan, at hilingin na bigyan ka Niya ng higit pang pananampalataya at lakas, na bigyan ka ng kakayahang sumunod sa mga prinsipyo, magawa ang dapat mong gawin, mapangasiwaan ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo, matatag na manindigan sa posisyong kinatatayuan mo, protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at pigilan ang anumang pinsala na dumating sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kung kaya mong maghimagsik laban sa sarili mong mga interes, dangal, at kinatatayuan ng isang mapagpalugod ng mga tao, at kung ginagawa mo ang dapat mong gawin nang tapat at buong puso, kung gayon, matatalo mo na si Satanas at matatamo ang aspektong ito ng katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng landas ng pagsasagawa. Sa mga bagay na nangyayari sa akin, kailangan kong hanapin kung paano kumilos alinsunod sa mga prinsipyo. Hindi ko maisagawa ang katotohanan o mailantad ang mga problema ng isang tao dahil natakot akong mapasama ang loob niya. Kung gagawin ko ito, kahit na maiingatang mabuti ang ugnayan ko sa kanya, ang paglabag sa mga prinsipyo ng katotohanan at pagsasanhi ng mga kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos ay isang bagay na sumasalungat sa Diyos. Mahal ng Diyos ang mga dalisay at matapat na tao na, kapag nakikitang nakararanas ng mga kawalan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ay nagagawang pangalagaan ang gawain ng iglesia nang hindi iniisip ang kanilang sariling mga interes. Nang maunawaan ko ang mga ito, tahimik akong nagpasya, na sa hinaharap, kapag may napansin akong isang bagay na nakakasira sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi na ako pwedeng maging duwag para lang maprotektahan ang sarili ko. Kahit na hindi tanggapin ng ibang tao ang tinutukoy kong problema, kahit pakitaan niya ako ng masamang ugali, o magkaroon siya ng pagkiling laban sa akin dahil dito, hindi ako dapat mapigilan nito. Ang motibasyon ko ay tulungan ang iba at pangalagaan ang mga interes ng iglesia. Positibong bagay ito, at hindi ako dapat magpapigil sa aking tiwaling disposisyon. Kung palagi nating isinasaalang-alang ang ating mga sariling interes, hindi natin madadaig ang ating tiwaling disposisyon; kaya, dapat tayong magdasal at umasa sa Diyos, hilingin sa Kanya na bigyan tayo ng higit na pananalig at lakas para magawa nating bitiwan ang ating mga pansariling interes, maging matapat na tao, at tuparin ang ating responsabilidad. Sa ganitong paraan lamang tayo magkakaroon ng pag-asang maligtas.

Kalaunan, sinadya kong magsagawa bilang isang matapat na tao. May panahon noon na si Shen Qing, isang sister na naging katuwang ko, ay bihirang magsubaybay sa gawain ng pagdidilig. May isang tagadilig, na sa mga personal na kadahilanan, ay hindi nakapagdilig sa mga baguhan sa loob ng dalawang linggo, at hindi alam ni Shen Qing ang tungkol dito. Naisip ko na si Shen Qing ang namamahala sa gawain ng pagdidilig, at na dapat mayroon siyang pagkaarok sa mga kasalukuyang sitwasyon sa gawain ng mga tagadilig at na dapat niyang agad na lutasin ang mga problema sa gawain ng pagdidilig. Kailangan kong sabihin kay Shen Qing ang tungkol sa kanyang mga problema para mapag-alaman at maitama niya kaagad ang mga ito, para hindi maantala ang pagdidilig sa mga baguhan. Pero naisip ko na kung isa-isa kong tutukuyin ang mga problemang ito, hindi ba ito matatanggap ni Shen Qing? Karaniwan naman siyang gumagawa ng ilang gawain, kaya baka sa pagkakataon lang na ito siya hindi nakapagsubabay sa tamang oras, at pagkatapos ay magbabago na siya. Napagtanto ko na gusto ko na namang pangalagaan ang mga ugnayan ko sa iba. Naisip ko ang mga salita ng Diyos na nabasa ko noon: “Kung kaya mong maghimagsik laban sa sarili mong mga interes, dangal, at kinatatayuan ng isang mapagpalugod ng mga tao, at kung ginagawa mo ang dapat mong gawin nang tapat at buong puso, kung gayon, matatalo mo na si Satanas at matatamo ang aspektong ito ng katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mahal ng Diyos ang matatapat na tao. Ngayong napansin ko ang problema ni Shen Qing, dapat ko itong banggitin sa kanya. Ito ay pangangalaga sa gawain ng iglesia at hinding-hindi ito mapaminsala. Kahit pa hind niya ito tanggapin at pakitaan niya ako ng masamang ugali, hindi ko pagsisisihan ang pagtupad sa aking responsabilidad. Nagdasal ako sa Diyos at hiniling ko sa Kanya na bigyan ako ng higit pang lakas para maisagawa ang katotohanan. Pagkatapos magdasal, ipinaalam ko kay Shen Qing ang lahat ng problemang napansin ko, at noong una, hindi niya ito tinanggap, nangangatwiran siya sa akin at ipinagtatanggol ang kanyang sarili, kaya tinukoy ko ang mga pagpapamalas niya ng hindi paggawa ng aktuwal na gawain batay sa mga salita ng Diyos at nagbahagi ako sa kanya tungkol sa landas ng pagsusubaybay sa gawain. Kinabukasan, nagtapat si Shen Qing at sinabi niya na sa pamamagitan ng pagtukoy ko sa kanyang problema, sa wakas ay napagtanto niya na naging pabasta-basta siya sa paggampan sa kanyang tungkulin at na handa siyang magbago. Pagkatapos, naging mas aktibo si Shen Qing sa paggawa ng kanyang tungkulin, at nagsimula siyang magsubaybay nang mabuti sa gawain ng tagadilig. Nang makita kong nagawa ni Shen Qing na magbago, masayang-masaya ako. Sa wakas ay naisagawa ko ang katotohanan. Magmula noon, handa na akong umasa sa Diyos at magsagawa para maging isang tunay na mabuting tao.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pasakit Ng Pagsisinungaling

Ni Ni Qiang, Myanmar No’ng Oktubre 2019, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa mga pagtitipon, nakita...