Paano Tayo Makasisiguro na ang Kidlat ng Silanganan ay ang Tunay na Daan?

Mayo 28, 2020

Ni Mingbian

Sa mga nagdaang taon, Ang Kidlat ng Silanganan ay bukas na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong salita at isinasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Ang pagpapakita ng Kidlat ng Silanganan ay nagpayanig sa buong relihiyosong mundo, at marami sa nagnanais na magpakita ang Diyos ay nakarinig sa mga pgbigkas ng Makapangyarihang Diyos at kinikilala ang mga ito na tinig ng Diyos. Natitiyak nila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na bumalik at isa-isang lumapit sa harap ng Makapangyarihang Diyos. Ang pagpapakita ng Kidlat ng Silanganan ay tumupad sa talatang ito ng Bibliya: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Ang “kidlat” ay katotohanan, ang salita ng Diyos; “kumikidlat sa silanganan” ay nangangahulugang ang katotohanan ay lumabas mula sa Tsina, at “nakikita hanggang sa kalunuran” ay nangangahulugan na umabot na ito sa Kanluran; “ang pagparito ng Anak ng tao” ay tumutukoy sa nagkatawang-taong Diyos na nagpapakita at gumagawa sa Silangan—sa Tsina—at sa wakas ay napalawak ang Kanyang gawin sa Kanluran. Ang mga salitang ito ay natutupad na ngayon. Gayunpaman, dahil naniniwala sila sa mga kasinungalingan ng CCP at mga pagkondena ng mga pastor at mga elders sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, maraming mga kapatid ang hindi maglakas-loob na mag-imbestiga sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagtataka sila, kung ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan at ang pagpapakita at gawain ng Diyos, bakit hinahatulan ito ng gobyernong Tsina at ng mga pastor at elders ng simbahan? Tunay bang ang Kidlat ng Silanganan ang pagpapakita at gawain ng nagbalik na Panginoong Jesus? Pagtutuunan natin ang paksang ito sa sumusunod na pagbabahagian.

Ang Tunay na Daan ay Dumadanas ng Pag-uusig Simula Pa Noong Unang Panahon

Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama(1 Juan 5:19). “At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa(Juan 3:19–20). Nang may katumpakan ng isang siruhano, inilalantad ng Panginoong Jesus ang kasamaan at kadiliman ng mundong ito, na ipinapakita na ang lahat ng sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng dominyon ni Satanas at hindi maparaya ang pag-iral ng Diyos. Sa Kapanahunan ng biyaya, personal na naging laman ang Panginoong Jesus at gumawa sa lupa upang tubusin ang sangkatauhan, at Siya ay ipinako sa krus ng mga pinunong Hudyo ng relihiyon sa pakikipagsabwatan sa mga awtoridad ng Roma. Malinaw na ang sangkatauhan ay naging napakatiwali at masasama na hayagang tinanggihan at nilabanan ang Diyos. Ngayon, ang Makapangyarihang Diyos ay dumating sa mga huling araw at ipinahayag ang lahat ng mga katotohanang makakapagpakamit sa tao ng ganap na kaligtasan, ngunit Siya din ay nagdurusa ng labis na pagkondena at pagsuway sa mga kamay ng relihiyosong mundo at gobyerno ng Tsina, at tinanggihan ng henerasyon ito. Eksaktong tinutupad nito ang mga salitang ito mula sa Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Ang pamahalaan ng Tsina ay isang pamahalaang ateyistiko, ang mismong kakanyahan nito ay ang pagsalungat sa Diyos, at sa gayon ang pagkondena nito sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kataka-taka. Gayunpaman, ang mga pastor at elders sa mundo ng relihiyon ngayon ay naghihintay lahat sa pagbabalik ng Panginoon, kaya’t bakit hindi nila hinanap o sinisiyasat ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ngunit sa halip ay labis na kinakalaban at hinahatulan Siya? Ito ay nararapat na maingat na isaalang-alang. Sa katunayan, maraming mga pastor at elders ang nakakita ng awtoridad at kapangyarihan sa mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Gayunman, kapag nakikita nila na ang napakaraming tao na naghihintay sa Diyos na magpakita ay nakilala mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na Siya ay tunay na ang nagbalik na Panginoong Jesus, at pagkatapos ay lumapit sa harap ng Makapangyarihang Diyos paisa-isa, ang mga pastor at elders na ito ng mundo ng relihiyon ay natatakot na ang lahat ng mananampalataya ay susunod sa Makapangyarihang Diyos, at kung gayon ay wala nang susunod o i-idolo sa kanila. Upang mapanatili ang kanilang sariling mga posisyon at kabuhayan, ipinagkukunwari nilang “bantayan ang tunay na daan at protektahan ang kawan” habang walang-habas na hinahatulan ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at tumitindig sa daan ng mga mananampalataya na nagsisiyasat sa tunay na daan. Makikita natin mula sa katunayan na ang pagpapakita at gawain ng parehong pagkakatawang-tao ng Diyos ay hinatulan ng relihiyosong mundo na naging madilim at masama na humantong hanggang sa pagtakda ng sarili nito laban sa Diyos. Samakatuwid, may katiyakan na ang Diyos ay hahatulan at uusigin ng mga puwersa ni Satanas sa Kanyang pagdating sa masamang mundong ito upang maisagawa ang Kanyang gawain.

Kaya kapag sinisiyasat natin ang tunay na daan, anong saloobin ang dapat nating gawin kapag nahaharap sa pagkondena at pagsuway ng mga pinuno ng relihiyosong mundo? Kung iisipin natin ang tungkol kay Pedro, Juan, at iba pang mga alagad noong mga unang panahon, hindi sila pikit-matang naniwala sa mga kasinungalingan ng mga pinuno ng relihiyon na hinahatulan ang Panginoong Jesus, ngunit sa halip sila ay mapagpakumbabang naghangad na makinig sa tinig ng Panginoon. Nang makilala nila ang mga salita ng Panginoong Jesus na ang katotohanan, na ang tinig ng Diyos, pinakawalan nila ang kanilang mga paniwala at sumunod sa Panginoon, na sa huli ay tinatanggap ang kaligtasan ng Panginoon. Ito ay tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan(Mateo 7:7). Kung nais nating malaman kung ang Kidlat ng Silanganan ay ang tunay na daan, dapat nating tingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at basahin ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Ito ang tanging paraan upang makarating sa katotohanan ng bagay na ito. Kung pikit-matang maniniwala tayo sa sinasabi ng mga pastor at elders, malamang na sinusundan natin ang mga yapak ng ordinaryong mga Hudyo sa kapanahunan ni Jesus, kasama ang mga Fariseo, na lumalaban at tumatanggi sa Panginoong Jesus, naiwawala ang pagkakataon na masiyasat ang tunay na daan at magpakailanmang hindi matatanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

Paano Tayo Makakasiguro na Ang Kidlat ng Silanganan ay ang Tunay na Daan?

Paano Tayo Makakasiguro na Ang Kidlat ng Silanganan ay ang Tunay na Daan? Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang pinaka-pangunahing prinsipyo sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, sa ganitong paraan, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag ng katotohanan o hindi, sino ang pinatototohanan, at kung ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at maling daan ay nangangailangan ng maraming aspeto ng pangunahing kaalaman, kung saan ang pinakasaligan ay ang pagsasabi kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala. Sapagka’t ang sangkap ng paniniwala ng tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala niya sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugan na ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at ng katawang-tao, nguni’t dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at ang Salita na naging tao, sa gayon ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na diwa pa rin ng Diyos. Kaya’t, sa pagkilala kung ito ay tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, kung saan pagkatapos nito ay dapat mong tingnan kung naroon ang katotohanan sa daang ito o wala. Ang katotohanang ito ay ang disposisyon sa buhay ng normal na pagkatao, na ang ibig sabihin, yaong hiniling sa tao nang lalangin siya ng Diyos sa pasimula, ang sumusunod, ang buong normal na pagkatao (kasama ang katinuan ng tao, panloob-na-pananaw, karunungan, at ang pangunahing kaalaman ng pagiging tao). Ibig sabihin, kailangan mong tingnan kung madadala ba ng daang ito ang tao sa buhay ng normal na pagkatao o hindi, kung ang katotohanan na sinasalita ay kailangan ayon sa realidad ng normal na pagkatao o hindi, kung ang katotohanang ito ay praktikal at tunay o hindi, at kung ito ay talagang pinaka-napapanahon o hindi. Kung mayroong katotohanan, makakaya nitong dalhin ang tao sa normal at tunay na mga karanasan; higit pa rito, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, ang katinuan ng tao ay lubos na nagiging ganap, ang buhay ng tao sa laman at ang espirituwal na buhay ay nagiging lalong higit na maayos, at ang emosyon ng tao ay nagiging lalong higit na normal. Ito ang ikalawang prinsipyo. Mayroong isa pang prinsipyo, na kung nadaragdagan ba ang pagkakilala ng tao sa Diyos o hindi, kung ang pagdanas ng ganoong gawain at katotohanan ay may kakayahang pumukaw ng pag-ibig sa loob niya para sa Diyos, at madala siya upang maging mas malapit sa Diyos o hindi. Sa ganito masusukat kung ito ang tunay na daan o hindi. Ang pinakasaligan ay kung ang daang ito ay makatotohanan sa halip na higit-sa-karaniwan, at kung ito ay nakapagkakaloob ng buhay ng tao o hindi. Kung ito ay kaayon sa mga prinsipyong ito, maaaring mabuo ang konklusyon na ang daang ito ang tunay na daan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos).

Malinaw na sinabi ng mga salita ng Diyos na mayroong tatlong pangunahing mga prinsipyo upang makilala ang sa pagitan ng tunay na daan at maling daan. Una, tingnan kung ang daan ay may gawain ng Banal na Espiritu. Ang Diyos ay Espiritu, at kahit na ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao, ang Kanyang kakanyahan ay nananatili na Kanyang Espiritu, kung gayon ang gawain ng Diyos ay dapat na kaagapay ang gawain ng Banal na Espiritu. Pangalawa, tingnan kung ang daan ay may katotohanan. Alam nating lahat na ang salita lamang ng Diyos ang katotohanan; ang katotohanan ay maaaring maging tunay nating buhay, ito ang prinsipyo na namamahala sa ating pag-uugali, ating asal, at nang ating pagsamba sa Diyos, at pinahihintulutan tayong mapanumbalik ang wastong pagkatao. Pangatlo, tingnan kung ang daan ay makagagawa sa mga tao na magkaroon ng pataas na pataas na kaalaman sa Diyos. Sapagkat ang gawain ng Diyos ay ginawa ng Diyos Mismo, dahil ang lahat ng ipinahayag Niya ay kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, at dahil sa tuwing nagpapakita ang Diyos at gumagawa upang mailigtas ang tao ay sinasabi Niya sa tao ang Kanyang kalooban at kung ano ang hinihingi Niya; mas higit na binabasa natin ang mga salita ng Diyos at mas nararanasan ang Kanyang gawain, lalong lumalakas ang ating pananampalataya sa Diyos at mas lumalago ang ating kaalaman tungkol sa Diyos.

Nang dumating ang Panginoong Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, halimbawa, ipinagkaloob Niya ang maraming biyaya sa tao, pinagaling Niya ang mga maysakit at pinalayas ang mga demonyo, at dinala Niya ang daan ng pagsisisi sa sangkatauhan. Tinuruan Niya ang tao na mangumpisal at magsisi, mahalin ang kanyang kapwa tulad ng pagmamahal niya sa sarili, magdala ng kanyang krus, maging mapagpasensya at mapagparaya, patawarin ang iba ng pitumpung beses na makapito, mahalin ang Diyos nang buong puso at isipan, at iba pa. Ang mga turo na ito mula sa Panginoong Jesus ay mga salita na hindi masasalita ng sinumang tao. Bago dumating ang Panginoong Jesus at ipinahayag ang katotohanan, ang mga nabuhay sa ilalim ng batas ay alam lamang kung paano mabuhay; wala silang pag-unawa sa mga katotohanan tungkol sa kung paano mahalin at magpatawad sa iba. Ngunit sa pagsunod sa Panginoon at pagsasagawa ng Kanyang mga turo, nakita nila na ang salita ng Panginoong Jesus ay ang katotohanan at maipakikita nito sa mga tao ang landas ng pagsasanay. Naunawaan din ng mga tao sa pamamagitan ng gawain ng Panginoong Jesus na ang disposisyon ng Diyos ay punong-puno ng awa at kagandahang-loob, at naging handa silang lumingon sa Panginoon. Sa kabila ng katotohanan na ang gawain ng Panginoong Jesus sa oras na iyon ay patuloy na nakatagpo ng paghatol, paglaban, at pag-uusig sa mga kamay ng mga punong pari, eskriba, at Fariseo, ang bilang ng mga tagasunod ng Panginoong Jesus ay lalong lumaki. Sa huli, ang mga pinuno ng relihiyon na ito ay nakipagsabwatan sa mga awtoridad ng Roma upang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, na naniniwala na sa paggawa nito, mabubuwag nila ang gawain ng Panginoong Jesus. Ang mga taong tunay na naniniwala sa Diyos, gayunpaman, ay nakakita mula sa Kanyang gawain at mga salita na ang Kanyang gawain ay nagmula sa Diyos, at kaya sinundan nila Siya ng may pusong umaapaw sa pananampalataya at pinalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon, gaano man inusig sa panahong iyon ng mga awtoridad ng Roma at ang relihiyosong mundo. Ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus ay nakarating na sa pinakamalayo na abot ng sansinukob at bawat sulok ng mundo, at walang puwersa ang maaaring pigilan ito. Makikita natin mula sa bunga ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus na ang Kanyang gawain ay nagmula sa Diyos at ito ang tunay na daan.

Katulad nito, kung nais nating kumpirmahin kung ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang tunay na daan o hindi, makikita natin kung ang katotohanan ay ipinahayag sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, kung mayroon itong gawain ng Banal na Espiritu, at kung hinahayaan nito ang mga tao na magkaroon ng mas malaking kaalaman tungkol sa Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating sa mga huling araw, at sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ipinahayag Niya ang lahat ng mga katotohanan na nagpahintulot sa tao na matamo ang pagdadalisay at kumpletong kaligtasan; Ginagawa Niya ang hakbang ng gawain upang hatulan at linisin ang tao, at inililigtas Niya tayo mula sa isang buhay ng pagdurusa sa siklo ng pagkakasala at pagkumpisal. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang ang Diyos ay naging tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, naghahatid Siya ng iba pang katotohanan sa tao, nagpapakita ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin na lupigin ang tao at iligtas mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Sinasabi sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanang tulad ng misteryo ng anim-na-libong-taong planong pamamahala ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, kalalabasan at patutunguhan ng sangkatauhan, ang kahulugan ng ma-rapture, kung paano makilala ang totoong Cristo mula sa mga huwad na Cristo, ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan kay Satanas, kung paano itatapon ang mga kadena ng kasalanan, at kung paano matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan. Ang lahat ng mga katotohanan na ito ay ipinahayag ng Diyos batay sa ating mga pangangailangan, ang mga ito ay mga katotohanan na mas mataas kaysa sa mga nasa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi lamang nila sinasabi sa atin ang mga hiwaga ng Kanyang gawain ng pamamahala, ngunit inilalantad din nila ang ating mga satanikong disposisyon, tulad ng pagmamataas, pagiging malisyoso, pagkamakasarili, panlilinlang, at kasamaan. Sa pamamagitan ng pagsasailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nakikita natin kung paano kinamumuhian ng Diyos ang katiwalian ng tao, napagtanto natin ang matuwid at banal na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng pagkakasala, at magkakaroon tayo ng isang puso na may takot sa Diyos. Tayo kung gayon ay hindi na maglalakas-loob na gumawa ng mga kasalanan at labanan ang Diyos, naging handa tayong talikuran ang ating laman at isagawa ang katotohanan, at unti-unting nagsisimula tayong mabuhay ng may ilang pagkakatulad sa pagkatao. Natuto din tayo na tunay na pahalagahan na, kung walang paghatol at pagkastigo ng Diyos, hinding-hindi natin malalaman ang mga satanikong disposisyon na malalim na nakaugat sa loob natin; maaari lamang tayong maging katulad ng mga nasa relihiyon, na walang hanggan na nakakulong sa siklo ng pagkakasala at pagkumpisal. Kahit na naniniwala tayo sa Diyos hanggang sa pinakadulo, hindi pa rin natin makakamit ang buong kaligtasan mula sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagdanas sa gawaing ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, makikita natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi lamang maawain at mapagmahal, ngunit higit pa rito, ito ay matuwid at maringal, at hindi tinatanggap ang anumang pagkakasala. Hindi alintana kung ang disposisyon ng Diyos ay maawain at mapagmahal o matuwid at maringal, palaging naglalaman ito ng dakilang kaligtasan ng Diyos para sa tao.

Sa karagdagan, kung ito ang gawain ng Diyos o ang tunay na daan, ito ay nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu at itinataguyod ng Banal na Espiritu, at walang puwersa ng kaaway ang makakahadlang ng gawain ng Diyos. Simula ng nagpakita ang Makapangyarihang Diyos at nagsimulang gumawa sa Tsina noong 1991, ang gobyerno ng Tsina at ang relihiyosong mundo ay hindi tumigil sa paglaban at pag-uusig sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Gayunpaman, ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ay hindi napigilan ng mga puwersang ito ng kaaway, at sa loob ng maikling panahon ng dalawampu’t kakatwang taon, lumaganap ito sa buong buong Mainland China pati na rin sa maraming iba pang mga bansa sa buong mundo. Ang aklat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ay matagal ng nasa online at isinalin sa mahigit na dalawampung wika, bukas na ipinangangaral at nagpapatotoo sa buong sangkatauhan. Mga Pelikula, palabas sa sayaw, sketches at diyalogo ng komiks na lahat ay nagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, pati na rin mga karanasang patotoo ng mga kapatid na sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos at nakaranas ng paglilinis at pagbabago ng kanilang mga tiwaling disposisyon, ay nailathalang lahat online. Maraming mga tunay na mananampalataya na nagnanais upang magpakita ang Diyos ay narinig ang tinig ng Diyos at napanood ang mga karanasang patotoo na ito—ang kaliwanagan ay pumasok sa kanilang buhay. Natitiyak nila na ang mga salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang pagbigkas ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, na ang Kidlat ng Silanganan ay ang tunay na daan. Isa-isa, sila ay sumailalim sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga simbahan ng CAG ay naitatag na ngayon sa maraming mga bansa sa buong mundo, at ito ay ganap na tinutupad ang propesiyang ito ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27).

Mga kapatid, mula sa bunga ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, makakatiyak tayo na ang Kidlat ng Silanganan ay may gawain ng Banal na Espiritu at ang pagpapahayag ng katotohanan, at sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng Diyos, ang ating kaalaman sa Diyos ay magpapatuloy sa paglago. Ang Kidlat ng Silanganan ay ang tunay na daan, ang pagpapakita at gawain ng nagbalik na Panginoong Jesus. Kung kaya nating sundan o hindi ang mga yapak ng Kordero at pagpapalain ng Diyos ay depende sa ating indibidwal na pagpili. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). “Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa panahon ng mga huling araw, at hindi dapat maging isang tao na lumalapastangan sa Banal na Espiritu dahil sa takot kayong malinlang. Hindi ba’t masyadong kaawa-awa ang gayon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi ang katotohanan, hindi ang daan, at hindi ang pagpapahayag ng Diyos, sa kahuli-huliha’y mapaparusahan ka, at hindi magtatamo ng mga pagpapala. Kung hindi mo matatanggap ang gayong katotohanang sinambit nang lantaran at napakalinaw, hindi ba’t hindi ka naaakma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba’t isa kang tao na hindi pinapalad nang sapat upang makabalik sa harapan ng luklukan ng Diyos? Pag-isipan mo ito! Huwag magpadalus-dalos at mapusok, at huwag ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip alang-alang sa iyong hantungan, alang-alang sa iyong mga inaasahan, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang iyong sarili. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

Tingnan ang Pahina ng Tampok: Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano ang Matalinong Dalaga?

Mga Nilalaman 1. Ang lahat ng binigkas ng Diyos ay katotohanan. Makapagbibigay ito ng kinakailangang kabuhayan sa mga tao, at...