Ang mga Pasikot-Sikot sa Aking Paglalakbay Papunta sa Diyos

Pebrero 13, 2023

Ni Sun Yu, China

Naging Kristiyano ako noong taong 2000. Madalas na nagbabahagi ng mga sermon sa amin ang mga pastor mula sa South Korea. Sa isang samba, binasa ng isang pastor ang isang sipi ng Kasulatan, pagkatapos ay sinabi sa amin na maging matiisin at matiyaga sa lahat ng bagay—na hindi sa pakikinig sa mga sermon, kundi sa pagsasagawa ng mga ito tayo nagdadala ng kaluwalhatian sa Diyos. Saka pa lang tayo makapapasok sa kaharian ng langit. Mula noon, sinimulan kong pakitunguhan ang pamilya at mga kaibigan ko nang may pagmamahal at kabaitan. Kung may nagpapasama ng loob ko, nagdarasal ako sa Panginoon para tulungan akong mapatawad sila. Minsan o dalawang beses, hindi ito naging problema. Pero sa paglipas ng panahon, hindi ko ito mapanindigan. Minsan naiinis ako, at nasesermunan ko sila sa ilang maliit na bagay. Nakokonsensya ako pagkatapos niyon. Sa paulit-ulit na pagkakasala at pangungumpisal, hindi ako makawala sa mga gapos ng kasalanan. Kung magkagayon, dadalhin ba ako sa kaharian pagparito ng Panginoon? Lumapit ako sa pastor ko para magtanong kung paano lutasin ang problema ng kasalanan. Sinabi niya sa akin na mangumpisal at magsisi—higit na magdasal, magbasa pa ng Bibliya, at maging matiisin at matiyaga. Sa tuwing sinasabi niya ito, nang hindi ako itinuturo sa isang partikular na landas, nadidismaya ako. Naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal(Levitico 11:45). At sinasabi sa mga Hebreo, “Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon(Mga Hebreo 12:14). Naramdaman ko na ang isang tulad ko—na laging nagkakasala at nangungumpisal, na hindi naisasagawa ang mga salita ng Panginoon—ay hindi makapapasok sa kaharian ng langit. Araw-araw akong miserable. Kalaunan, napansin ko na laganap sa simbahan ang inggit at kompetisyon. Dahil nag-aagawan sa pulpito, sa isang samba ay itinapon sa sahig ng isang mangangaral ang Bibliya ng isang nakatatandang mangangaral, at itinaboy ito. May ilang taong nagnenegosyo pa nga sa simbahan. Naisip ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Nasusulat, ang Aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan; ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga tulisan(Mateo 21:13). Paano tataglayin ng ganoong simbahan ang gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba’t ito ay pugad ng mga magnanakaw? Naramdaman ko na walang makukuhang panustos mula sa mga sambang iyon at hinding-hindi malulutas ang problema ko sa pagkakasala. Nais kong makahanap ng simbahan na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Dinala ako ng ate ko sa ilan pang ibang simbahan, pero lahat sila ay nasa pare-parehong kalagayan. Nang tanungin ko sila kung paano makatakas sa kasalanan, wala sa kanilang makapagturo ng landas. Sinabi nila na napatawad na tayo ng Panginoong Jesus—na kailangan lang nating magdasal at magsisi. Nakaramdam ako ng kahungkagan doon. Ni ayaw ko nang dumalo pa sa mga samba. Isang araw, may bigla akong naisip: Baka hindi gumagawa ang Diyos sa mga simbahan banda rito? Nang bumisita ang mga Koreanong pastor, mukha silang relihiyoso—pumupunta hanggang China para umakay sa mga simbahan. Napakalaki ng kanilang pananampalataya. Gumagawa ba ang Diyos sa mga simbahan sa Korea? Maghahanap ako ng simbahan na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu roon.

Noong 2007, dinala namin ng ate ko ang mga pamilya namin sa Korea. Ipinakilala niya ako sa isang simbahan kung saan maraming Chinese ang dumadalo sa mga samba. Tinutulungan ng mga miyembro ng simbahan ang mga Chinese na makahanap ng trabaho, para makapaghanapbuhay kami. Talagang mapagmahal ang mga miyembro ng simbahang iyon, kaya dumalo ako sa mga samba roon—baka taglay nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa isang samba, sinabi ng pastor, “Sa pinakahuling paglalakbay ko sa China, nabalitaan kong nagbalik na ang Diyos, na Siya ay nagpakita at gumagawa sa China, at tinatawag na Makapangyarihang Diyos. Pero ang China ay isang atrasadong bansa. Ang mga tao roon ay ignorante. Napakadakila ng Diyos—bakit Siya magpapakita at gagawa roon? Marami ang nagpapalaganap ng pangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Huwag kayong makinig. Sa tayog na kasingbaba ng sa inyo, sa sandaling masangkot kayo, hindi na kayo makalalabas.” Nang marinig kong sinabi niya ito, lubusan akong sumang-ayon. Napakaraming simbahan sa China ang hindi nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu. Inaapi ng pamahalaan doon ang mga mananampalataya, at ang mga Chinese ay sumasamba sa mga diyus-diyosan. Maaari bang magpakita at gumawa ang Diyos sa China? Imposible iyon.

Hindi nagtagal, nalaman ko na bagamat mahusay mangaral ang pastor, ibang usapin naman ang ginagawa niya pagkatapos; hindi niya isinasagawa ang daan ng Panginoon. Sobra akong pinanghinaan ng loob. Nang tanungin ko ang pastor kung paano lutasin ang pagkamakasalanan, iritado niyang sinabi, “Lahat ay tiwali. Normal lang na magkasala. Mangumpisal ka sa Panginoon, at patatawarin ka. Dahil handa kang magsisi, pinatawad na ng Panginoon ang mga kasalanan mo.” Yamot na yamot ako sa sinabi ng pastor. Bakit parehong-pareho ang sinasabi niya sa mga Chinese na pastor? Hindi maiwawaksi ang kasalanan sa isang iglap. Dapat magkaroon ng kahit kaunting pagbabago. Bakit pa tayo mangungumpisal, kung wala naman tayong babaguhin? Hindi ba’t ginagawa tayo niyon na kapareho lang ng mga hindi mananampalataya? Kung gayon, mayroon bang anumang kabuluhan ang pananalig? Paulit-ulit akong nadismaya, pero ayaw kong sumuko. Naniniwala ako na hindi ako isasantabi ng Panginoon, na isang araw ay makahahanap ako ng simbahan na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Maraming beses kong pinag-isipan ang isyung ito pagkatapos niyon. Habang naglalakad sa mga lansangan, naghahanap ako ng mga krus, ng mga Kristiyanong simbahan, at kapag nakaririnig ako ng mga positibong bagay tungkol sa mga sermon ng sinumang pastor, sinusuong ko ang hangin, ulan, niyebe, o yelo, kumakapit sa kaunting pag-asa, para makinig, nananabik na malutas ang kalituhan ko. Binisita ko ang mahigit 40 simbahan sa Korea ngunit hindi ako nakahanap ng ni isa na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Walang sinuman sa mga pastor ang makalutas sa problema ko. Sa kalituhan, nagpabaling-baling ako sa mga gabi nang walang tulog. Nanawagan ako mula sa puso ko, “Panginoon ko, nasaan Ka ba? Iniwan Mo na ba ako?” Noong mga taong iyon, sobrang bigat ng pakiramdam ko sa puso ko—nanlulumo ako, at nasasaktan.

Sa gitna ng pasakit na ito at kawalan ng pag-asa, noong Hunyo 2015, pumunta sa bahay ko ang ate ko at masayang sinabi sa akin, “May maganda akong balita! Matagal nang nagbalik ang Panginoon. Nagpakita siya at gumagawa sa China, nagpapahayag ng maraming katotohanan. Nakarating na ang ebanghelyo sa Korea ngayon.” Naisip ko, “Gumagawa ang Diyos sa China? Paano nangyari iyon?” Matigas kong sinabi, “Sinabi sa amin ng isang pastor noong 2009 na imposibleng gagawa ang Diyos sa China, dahil atrasado ang China at ang mga tao roon ay ignorante. Ang Diyos ay marangal at dakila—bakit Siya gagawa sa China?” Pagkatapos ay naghugas na lang ako ng pinggan. Inilabas niya ang isang aklat at matiyagang sinabi, “Ang aklat na ito, Ang Balumbon na Binuksan ng Kordero, ay naglalaman ng mga salitang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw. Babasahin ko ang ilan dito para sa iyo.”

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos. Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Kung mananatiling nakagapos ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi nila maaalis kailanman ang kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi nila malalaman ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung palaging mabubuhay ang mga tao sa gitna ng kasaganaan ng biyaya, ngunit wala sa kanila ang daan ng buhay na nagtutulot sa kanila na makilala ang Diyos at mapalugod Siya, hindi nila Siya tunay na matatamo kailanman sa kanilang paniniwala sa Kanya. Kaawa-awa talaga ang ganitong uri ng paniniwala. Kapag natapos mo nang basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo na ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, madarama mo na ang mga hangaring taglay mo sa loob ng maraming taon ay natupad na rin sa wakas. Madarama mo na ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harapan; ngayon mo lamang natitigan ang Kanyang mukha, narinig ang Kanyang personal na mga pagbigkas, napahalagahan ang karunungan ng Kanyang gawain, at tunay na nadama kung gaano Siya katotoo at kamakapangyarihan sa lahat. Madarama mo na maraming bagay kang nakamtan na hindi pa nakita ni natamo ng mga tao noong nakalipas na mga panahon. Sa panahong ito, malinaw mong malalaman kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang umayon sa kalooban ng Diyos. Siyempre pa, kung kakapit ka sa mga pananaw ng nakaraan, at aayawan o tatanggihan mo ang katunayan ng pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, mananatili kang walang napala, walang natamo, at sa huli ay ipapahayag kang nagkasala ng paglaban sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasakop sa gawain ng Diyos ay aangkinin sa ilalim ng pangalan ng pangalawang Diyos na nagkatawang-tao—ang Makapangyarihan sa lahat. Matatanggap nila ang personal na patnubay ng Diyos, na nagtatamo ng mas marami at mas matataas na katotohanan, at ng tunay na buhay. Mamamasdan nila ang pangitaing hindi pa nakita kailanman ng mga tao noong araw: ‘At ako’y lumingon upang makita ang tinig na kumausap sa akin. At nang ako’y lumingon, nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang Anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang Kaniyang ulo at ang Kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang Kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang Kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang Kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa Kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa Kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang Kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi’ (Pahayag 1:12–16). Ang pangitaing ito ay pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos sa Kanyang kasalukuyang pagkakatawang-tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Sa pakikinig dito, natigilan ako. Inihayag nito ang mga misteryo ng Aklat ng Pahayag. Napakamaawtoridad nito—walang taong makabibigkas ng mga salitang iyon. Naisip ko ang awtoridad na ginamit ng Panginoong Jesus sa pagsasalita nang pumarito Siya para gumawa, at gusto kong malaman kung ang mga ito nga ba ay mga pahayag ng Diyos. Biglang nabuhayan ang espiritu ko, at nagsimula akong makinig nang mabuti. Lalo na nang basahin ng ate ko ang ilang propesiya mula sa Pahayag, iniisip ko na hindi ito mga bagay na kayang bigyang-kahulugan ng sinumang tao. Sinasabi sa atin ng Pahayag, “Narito, ang Leon ng angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat, at kalagan ang pitong tatak nito(Pahayag 5:5). Tanging ang Kordero, ang Diyos lamang ang makapagbubunyag ng mga misteryong ito. Ito ba ang salita ng Diyos? Posible bang nagpakita Siya at gumagawa sa China? Mahahanap ko kaya sa aklat na iyon ang sagot sa gumugulo sa isip ko sa loob ng maraming taon? Labis nitong napukaw ang interes ko. Noon lang din, binasa ito ng ate ko: “Ito rin ang katuparan ng mga salitang ito sa Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.’ Ang mga salitang ito ay kumakatawan sa paunang yugto ng gawain na sinimulan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Naging mas interesado ako dahil doon—hindi ba’t ito ang propesiya sa Aklat ng Pahayag? Natupad na ba ang mga propesiya sa Pahayag? Ito ba ay mga salita ng Diyos? Dahil gusto kong basahin ito nang maigi, hiniling ko sa ate ko na iwan ito sa akin. Tuwang-tuwa ako nang iabot niya sa akin ang aklat. Sabik akong buksan ito. Pero mayroon din akong ilang alalahanin. Naaayon nga kaya ang aklat na ito sa Kasulatan? Pareho kong inilagay sa kama ang isang Bibliya at ang aklat na ito, ikinukumpara ang mga ito. Sa aklat, nabasa ko ang siping ito. “Kapag nakapasok Ako sa bagong langit at lupa ay saka Ko kukunin ang isa pang bahagi ng Aking kaluwalhatian at ihahayag muna ito sa lupain ng Canaan, na magiging sanhi ng pagkislap ng liwanag sa buong mundo, na nakalubog sa napakadilim na gabi, upang maaaring lumapit sa liwanag ang buong mundo; upang maaaring humugot ng lakas mula sa kapangyarihan ng liwanag ang lahat ng tao sa buong mundo, na nagpapaibayo at muling nagpapakita ng Aking kaluwalhatian sa bawat bansa; at upang maaaring matanto ng buong sangkatauhan na matagal na Akong naparito sa mundo ng mga tao at matagal Ko nang dinala ang Aking kaluwalhatian mula sa Israel patungong Silangan; sapagkat ang Aking kaluwalhatian ay sumisikat mula sa Silangan at ito ay dinala mula sa Kapanahunan ng Biyaya hanggang sa araw na ito. Ngunit sa Israel Ako lumisan at doon Ako nagmula nang dumating Ako sa Silangan. Kapag unti-unti nang pumuputi ang liwanag ng Silangan ay saka lamang magsisimulang magliwanag ang kadiliman sa buong mundo, at saka lamang matutuklasan ng tao na matagal Ko nang nilisan ang Israel at muli Akong bumabangon sa Silangan. Dahil minsan na Akong bumaba sa Israel at kalaunan ay nilisan Ko ito, hindi na Ako maaaring isilang na muli sa Israel, dahil namumuno ang Aking gawain sa buong sansinukob at, bukod pa rito, kumikidlat mula sa Silangan patungong Kanluran. Dahil dito bumaba na Ako sa Silangan at dinala Ko ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Dadalhin Ko sa lupain ng Canaan ang mga tao mula sa buong mundo, kaya nga patuloy Akong bumibigkas ng mga salita sa lupain ng Canaan upang kontrolin ang buong sansinukob. Sa pagkakataong ito, walang liwanag sa buong mundo maliban sa Canaan, at nanganganib na magutom at ginawin ang lahat ng tao. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay binawi Ko ito, sa paraang ito ay dinadala ang mga Israelita sa Silangan at ang buong sangkatauhan sa Silangan. Dinala Ko na silang lahat sa liwanag para muli nila itong makasama, at makasalamuha, at hindi na nila kailangan pang hanapin ito. Ipapakita Kong muli ang liwanag sa mga naghahanap dito at ang kaluwalhatiang tinaglay Ko sa Israel; ipapakita Ko sa kanila na matagal na Akong bumaba sakay ng puting ulap sa gitna ng sangkatauhan, ipapakita Ko sa kanila ang napakaraming puting ulap at kumpul-kumpol na saganang mga bunga, at, bukod pa rito, ipapakita Ko sa kanila ang Diyos na si Jehova ng Israel. Ipapakita Ko sa kanila ang Guro ng mga Hudyo, ang pinakahihintay na Mesiyas, at ang buong anyo Ko na pinag-uusig ng mga hari sa lahat ng panahon. Gagawa Ako sa buong sansinukob at magsasagawa Ako ng dakilang gawain, na inihahayag ang Aking buong kaluwalhatian at ang lahat ng Aking gawa sa tao sa mga huling araw. Ipapakita Ko ang kabuuan ng Aking maluwalhating mukha sa mga naghintay nang maraming taon para sa Akin, sa mga nanabik na pumarito Ako sakay ng puting ulap, sa Israel na nanabik na muli Akong magpakita, at sa buong sangkatauhan na umuusig sa Akin, para malaman ng lahat na matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, at wala na ito sa Judea. Sapagkat sumapit na ang mga huling araw!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob). Pagkatapos ay ikinumpara ko ito sa isang propesiya sa Bibliya: “Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Tumugma ito sa mga salita ng Panginoong Jesus—ito ay lubusang naaayon sa Bibliya. Sino pa bukod sa Diyos ang makapagbubukas ng mga misteryong ito? Naakit ako ng mga salitang ito—habang paparami ang nababasa ko, mas lalo ko pang gustong magbasa. Pakiramdam ko ay mahahanap ko sa aklat na ito ang sagot sa kalituhan sa puso ko.

Binasa ko ang isa pang sipi pagkatapos niyon. “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos—sapagka’t kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang ‘Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.’ At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga kuru-kuro ng tao, at lalong hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpapasya at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang payo nito, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan). Dalawang magkasunod na beses kong binasa ang siping ito. Iniisip ko na saanman matatagpuan ang tinig ng Diyos, matatagpuan din ang Kanyang mga yapak. Doon nagpapakita ang Diyos. Talaga bang mga salita ng Diyos iyon? Walang sinuman maliban sa Diyos ang makapagsasabi ng ganoon. Iyon ang binabasa nila sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya marahil ay gumagawa ang Diyos sa iglesiang iyon. Nasabik ako, at patuloy na nagbasa.

Kalaunan, nakita ko ang siping ito. “Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang halimbawa ng mga diktador na pamumuno: ang China, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya ay tinutugis ng namumunong partido ng China sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding pagdurusa, walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan. Sa kabila nito, ipinagpapatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang binabalak: Binibigkas Niya ang Kanyang tinig at ipinapalaganap ang ebanghelyo. Walang sinuman ang makakaarok sa pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos. Sa China, isang bansa na itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang mga gawain at salita, dahil inililigtas ng Diyos ang bawat isang miyembro ng sangkatauhan hangga’t maaari(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Pero noong binasa ko ang bahaging ito, “Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang halimbawa ng mga diktador na pamumuno: ang China,” agad akong huminto, na dismayado. Habang nakatutok ang mga mata ko sa dalawang pangungusap na iyon, iniisip ko nang iniisip, “Ang Diyos, sa China? Paano nangyari iyon? Baka hindi ko dapat basahin ito—paano kung maligaw ako?” Pero naisip ko na tila tinig ng Diyos ang mga salitang ito. Kung hindi ko ito sisiyasatin, at talagang nagbalik na ang Panginoon, hindi ba’t mapalalampas ko ang pagkakataon ko? Sobra akong nag-aalinlangan at hindi ko mapigilang magtaka: Bakit magpapakita at gagawa ang Diyos sa China? Ikinumpara ko ito sa Bibliya at binasa ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Tumutukoy ba ang “silangan” sa China? Pero napakaatrasado ng China, at may lubos na kapangyarihan ang ateismo sa bansa. Maaari bang magpakita at gumawa ang Diyos sa China? Napakalinaw na isinaad ng aklat na ito na ganoon na nga. Nag-aalangan pa rin ako—dapat ba akong magpatuloy, o sumuko na? Pagkatapos ay naisip ko kung gaano ako nahirapan sa aking paghahanap, sa lahat ng taong iyon. Kaya hangga’t may kaunting pag-asa, hindi ako pwedeng sumuko. Kaya nagpasya akong pumunta sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para magsiyasat.

Kinabukasan, pumunta ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nasa kalagitnaan ng sermon ang isang brother, nagsasalita tungkol sa mismong iniisip ko—kung paano mapalaya mula sa kasalanan. Binabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga demonyo ay pinalayas sa tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin, ngunit ang tiwaling mga disposisyon sa kalooban ng tao ay nanatili pa rin. Ang tao ay pinagaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang gawain ng kung paano maiwawaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon sa loob ng tao ay hindi pa nagawa. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, ngunit ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay wala nang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang daan ng buhay, at ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging kaayon ng kalooban ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makalaya mula sa kasalanan. Saka lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Nagbahagi siya, “Makikita natin mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lamang ng Diyos ang gawain ng pagtubos. Ipinalaganap ng Panginoong Jesus ang ebanghelyo ng kaharian, sinasabi sa mga tao na mangumpisal at magsisi. Pinagaling niya ang mga maysakit, pinalayas ang mga demonyo, at pinatawad ang mga kasalanan ng mga tao. Nagkaloob din Siya ng walang hanggang biyaya sa sangkatauhan. Sa huli, ipinako Siya sa krus bilang handog para sa kasalanan para sa buong sangkatauhan. Magmula noon, para mapatawad sa kasalanan at matamasa ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos, ang kailangan lang nating gawin ay magdasal at mangumpisal. Ito ang gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya, ang pagkumpleto ba ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay nangangahulugan na tapos na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos? Syempre hindi. Ang gawain ng pagtubos ay pinatawad lamang tayo sa ating mga kasalanan, pero hindi nalutas ang ugat ng ating pagkamakasalanan at ang ating makasalanang kalikasan. Hindi pa rin natin maiwasang magkasala palagi. Mayabang tayo, nagpapakitang-gilas tayo, nagsisinungaling at nandaraya tayo. Kung minsan ay nakakaramdam tayo ng inggit at poot. Namumuhay tayo sa isang kalagayan ng pagkakasala sa araw at pangungumpisal sa gabi na hindi tayo makawala. Sinasabi sa Hebreo 12:14, ‘Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon.’ Ang Diyos ay banal at matuwid. Paanong tayo, na napakarumi at tiwali, ay karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit? Pumarito na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol, para malutas ang ating makasalanang kalikasan, para tulutan tayong ganap na maiwaksi ang mga gapos at paghihigpit ng kasalanan, maging malinis, at madala tayo sa kaharian ng Diyos. Tinutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). ‘Hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Sa mga huling araw, nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong salita, ipinapahayag ang lahat ng kinakailangang katotohanan para dalisayin at ganap na iligtas ang sangkatauhan. Hinahatulan at inilalantad Niya ang lahat ng ating tiwaling disposisyon na laban sa Diyos at ang ating satanikong kalikasan, ganap na ibinubunyag ang ugat ng ating pagiging makasalanan at paglaban sa Diyos. Itinuturo din Niya tayo patungo sa landas ng pagwawaksi sa kasalanan, at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos. Ang tanging paraan para makita ang katotohanan ng ating katiwalian ay ang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, pagkatapos ay makokonsensya tayo, mapopoot sa ating sarili, at magsisisi sa Diyos, mapapalaya sa katiwalian at malilinis. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang tanging landas natin para madalisay, mailigtas, at makapasok sa kaharian ng langit.”

Labis na nakapagbibigay-liwanag na marinig ang pagbabahagi ng brother na ito, parang naalis ang isang napakabigat na pasanin ko. Lumalabas na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos at pinatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, pero nananatili pa rin ang makasalanang kalikasan sa loob niya. Ang pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang tanging paraan para malutas ang problema ng kasalanan, para makatakas sa mga gapos at paghihigpit ng kasalanan, maging malinis, at maging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaghahayag ng mga misteryo ng Kanyang gawain ng pamamahala, at ang Diyos lamang ang ganap na makapaglilinis at makapagliligtas sa sangkatauhan. Nakasiguro ako na ito ang gawain ng Diyos—natuwa ako.

Kinabukasan, binasahan ako ng isang sister mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Matapos basahin ito, nagbahagi siya sa akin at nagpatotoo na nagbigay sa akin ng higit na kalinawan. Sa mga huling araw, nagpapahayag ang Diyos ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol para lutasin ang makasalanang kalikasan ng tao. Kung hindi natin tatanggapin ang paghatol ng Diyos, bagkus ay gugulin ang buong buhay natin sa loob ng relihiyon, hindi tayo makakatakas sa kasalanan at malilinis. Dahil sa awa at biyaya ng Diyos, sa wakas ay natagpuan ko ang landas tungo sa pagiging malinis sa kasalanan. Sobrang saya ko, hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Binalikan ko ang nakaraang walong taon, kung paanong nagpunta ako sa napakaraming simbahan, malalaki at maliliit, naghahanap ng landas para maalis ang kasalanan at makapasok sa kaharian ng langit. Pero sa bawat pagkakataon, pumapasok ako nang may pag-asa, at umaalis nang nabibigo. Ang biyaya ng Diyos ang nagtulot sa akin na marinig ang Kanyang tinig at masaksihan ang Kanyang pagpapakita. Labis akong pinagpala! Pakiramdam ko ay isa akong nawawalang bata na sa wakas ay nakabalik na sa kanyang nanay makalipas ang ilang taon ng pagpapalaboy-laboy. Hindi maipaliwanag ang kapayapaan at kasiyahan na nararamdaman ko.

Gayunpaman, mayroon pa rin akong kaunting kalituhan na hindi pa nalulutas. Tinanong ko ang sister na ito, “Napakaignorante ng mga Chinese at lumalaban sila sa Diyos. Bakit magpapakita at gagawa roon ang Diyos sa mga huling araw?” Binasa niya ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa akin. “Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, iyon ang simula; ang yugto na ito ng gawain ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga taong hinirang sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at wakasan ang kapanahunan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay itataboy, ang liwanag ay papapasukin, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar na ito ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilala nang mayroong Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat tao ay lubusan nang nakumbinsi, ang katotohanang ito ay gagamitin upang isagawa ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay mayroong isinasagisag: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng anim na libong taon ng pamamahala ay ganap nang magwawakas. Sa oras na ang mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba pang lugar. Kung gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa China ang nagtataglay ng makabuluhang pagsasagisag. Kinakatawan ng China ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa China ay kumakatawan sa lahat ng sa laman, kay Satanas, at sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang pinakaginawang tiwali ng malaking pulang dragon, ang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang tipikal na halimbawa ng lahat ng tiwaling pagkatao. Hindi ito nangangahulugan na ang ibang mga bansa ay walang mga suliranin ni anuman; ang mga kuru-kuro ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama’t ang mga tao sa mga bansang ito ay maaaring mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, tiyak na kinakalaban nila Siya. … Sa mga tao sa China naipapamalas nang pinakabuong-buo at nabubunyag ang katiwalian, karumihan, ng pagiging hindi matuwid, pagtutol, at pagiging suwail sa lahat ng iba’t ibang mga anyo nito. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay salat at pinakapaurong. Ang kanilang katayuan ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay may isinasagisag, at matapos maisagawa ang kabuuan ng gawain ng pagsusuri na ito, ang susunod na gawain ng Diyos ay magiging higit na madali. Kung matatapos ang hakbang na ito ng gawain, ang susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na magawa na ang hakbang na ito ng gawain, lubos nang nakamit ang malaking tagumpay, at ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob ay ganap nang nagwakas. Sa katunayan, kapag nagtagumpay na ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakikilos Ko kayo bilang modelo at huwaran(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 2). Pagkatapos ay nagbahagi siya, “Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Pinakamakabuluhan para sa Diyos na magpakita at gumawa sa China sa mga huling araw. Ang gawain ng Diyos ngayon ay ang gawain ng paghatol at paglilinis. Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan para ilantad ang laban-sa-Diyos, satanikong kalikasan ng tao, at ang ating iba’t ibang tiwaling disposisyon. Ipinapakita Niya sa atin ang Kanyang matuwid, maharlika, at napopoot na disposisyon na hindi nalalabag. Kaya kailangan Niyang piliin iyong mga pinakatiwali at lumalaban sa Diyos para gawin silang halimbawa. Ang paggawa kasama ang mga taong ito ang tanging paraan para mabunyag ang bawat uri ng katiwalian sa sangkatauhan at higit na maipakita ang Kanyang kabanalan at pagiging matuwid. Sa ganoon Niya matatamo ang pinakamahusay na mga resulta sa Kanyang gawain ng paghatol. At saka, ang China ang pugad ng malaking pulang dragon. Ang malaking pulang dragon ang sagisag ni Satanas—ito ang mga taong pinakalubos na ginawang tiwali ni Satanas. Kaya ang China ang sentro ng kasamaan sa mundo at ang mga Chinese ang pinakatiwali. Sila ang pinakahigit na nagtatatwa at lumalaban sa Diyos, at ang may pinakamasamang pagkatao. Ang mga Chinese ang ehemplo ng tiwaling sangkatauhan. Ang pagpapakita ng Diyos, paggawa, at pagpapahayag ng mga katotohanan sa China, paglalantad ng bawat katiwalian at pagrerebelde ng mamamayang Chinese ay higit na kayang lupigin ang sangkatauhan. Mas mabisa nitong maipapakita ang diwa at katotohanan kung gaano kalubhang ginawang tiwali ni Satanas ang tao. Isa pa, sa pamamagitan ng paggawa sa pinakamarumi, pinakatiwali, pinakalaban-sa-Diyos na bansa, sa pamamagitan ng paglupig, pagdalisay, at pagbago sa mga pinakaignorante at pinakatiwaling tao ng China, mas madaling maliligtas ang mga tao sa ibang bansa. Ang paggawa ng Diyos sa ganitong paraan ay nagbibigay-daan sa sangkatauhan na makita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos at ganap na mapaniwala. Inihahayag nito ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, pati na rin ang Kanyang karunungan at walang hanggang kapangyarihan.”

Pagkatapos niyon, nagbasa pa siya ng mga salita ng Diyos. “Ang mga tao sa Tsina ay hindi kailanman naniwala sa Diyos; hindi nila napaglingkuran si Jehova kailanman, at hindi napaglingkuran si Jesus kailanman. Sunud-sunuran lamang sila, nagsusunog ng insenso, nagsusunog ng papel na joss, at sumasamba kay Buddha. Sumasamba lamang sila sa mga diyos-diyosan—napakasuwail nilang lahat. Kaya, kapag mas mababa ang posisyon ng mga tao, mas nagpapakita ito na ang nakakamit ng Diyos mula sa inyo ay higit pang kaluwalhatian. … Ayon sa mga kuru-kuro ng tao, kailangan Akong maisilang sa isang magandang bansa upang ipakita na nagmula Ako sa mataas na katayuan, upang ipakita na malaki ang Aking kahalagahan, upang ipakita ang Aking karangalan, kabanalan, at kadakilaan. Kung naisilang Ako sa isang lugar na nakikilala Ako, sa isang pamilyang nabibilang sa mataas na lipunan, at kung mataas ang Aking posisyon at katayuan, tatratuhin Ako nang napakaayos. Hindi iyan makakabuti sa Aking gawain, at ihahayag pa rin kaya ang gayon kadakilang kaligtasan kung nangyari iyon? Lahat ng nakakakita sa Akin ay susundin Ako, at hindi sila madurungisan ng dumi. Dapat naisilang Ako sa ganitong klaseng lugar. Iyan ang inyong pinaniniwalaan. Ngunit isipin ninyo ito: Pumarito ba ang Diyos sa lupa para masiyahan, o para gumawa? Kung gumawa Ako sa gayon kadali at komportableng lugar, matatamo Ko kaya ang Aking buong kaluwalhatian? Makakaya Ko kayang lupigin ang lahat ng Aking nilikha? Nang pumarito ang Diyos sa lupa, hindi Siya kabilang sa mundo, at hindi Siya naging tao upang masiyahan sa mundo. Ang lugar kung saan ipapakita ng paggawa ang Kanyang disposisyon at magiging pinakamakahulugan ay ang lugar kung saan Siya isinilang. Banal man o marumi ang lupain, at saan man Siya gumagawa, Siya ay banal. Lahat ng bagay sa mundo ay nilikha Niya, bagama’t lahat ay nagawa nang tiwali ni Satanas. Gayunpaman, lahat ng bagay ay pag-aari pa rin Niya; nasa mga kamay Niya ang lahat ng iyon. Pumupunta Siya sa isang maruming lupain at gumagawa roon upang ihayag ang Kanyang kabanalan; ginagawa lamang Niya ito alang-alang sa Kanyang gawain, na ibig sabihin ay tinitiis Niya ang malaking kahihiyan upang gawin ang gayong gawain upang iligtas ang mga tao ng maruming lupaing ito. Ginagawa ito upang magpatotoo, para sa kapakanan ng buong sangkatauhan. Ang ipinapakita sa mga tao ng gayong gawain ay ang katuwiran ng Diyos, at mas naipapakita nito ang pangingibabaw ng Diyos. Ang Kanyang kadakilaan at pagkamatuwid ay nakikita sa pagliligtas ng isang grupo ng hamak na mga tao na nililibak ng iba. Ang maisilang sa isang maruming lupain ay ni hindi man lang nagpapatunay na Siya ay hamak; tinutulutan lamang nitong makita ng lahat ng nilikha ang Kanyang kadakilaan at Kanyang tunay na pagmamahal para sa sangkatauhan. Habang mas ginagawa Niya ito, mas inihahayag nito ang Kanyang dalisay na pagmamahal, ang Kanyang perpektong pagmamahal sa tao. Ang Diyos ay banal at matuwid. Kahit isinilang Siya sa isang maruming lupain, at kahit kapiling Niya sa buhay ang mga taong iyon na puno ng karumihan, gaya noong namuhay si Jesus sa piling ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ba ginawa ang Kanyang buong gawain upang manatiling buhay ang buong sangkatauhan? Hindi ba lahat ng iyon ay upang magtamo ng dakilang kaligtasan ang sangkatauhan? Dalawang libong taon na ang nakararaan, namuhay Siya sa piling ng mga makasalanan sa loob ng ilang taon. Iyon ay alang-alang sa pagtubos. Ngayon, namumuhay Siya sa piling ng isang grupo ng marurumi at hamak na mga tao. Ito ay alang-alang sa kaligtasan. Hindi ba para sa kapakanan ninyong mga tao ang Kanyang buong gawain? Kung hindi para iligtas ang sangkatauhan, bakit Siya nabuhay at nagdusa kasama ng mga makasalanan sa loob ng napakaraming taon pagkatapos maisilang sa isang sabsaban? At kung hindi para iligtas ang sangkatauhan, bakit Siya magbabalik sa katawang-tao sa ikalawang pagkakataon, isisilang sa lupaing ito kung saan nagtitipon ang mga demonyo, at mamumuhay sa piling ng mga taong ito na lubhang nagawang tiwali ni Satanas? Hindi ba tapat ang Diyos? Anong bahagi ng Kanyang gawain ang hindi naging para sa sangkatauhan? Anong bahagi ang hindi naging para sa inyong tadhana? Ang Diyos ay banal—hindi iyan mababago! Hindi Siya narungisan ng dumi, bagama’t pumunta Siya sa isang maruming lupain; lahat ng ito ay maaari lamang mangahulugan na ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan ay lubhang hindi makasarili at ang pagdurusa at kahihiyang Kanyang tinitiis ay napakatindi!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inapo ni Moab).

Pagkatapos ay nagbahagi siya: “Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw, pagpapakita at paggawa sa China ay lubos na makabuluhan. Ang mga Chinese ang mga taong pinakahigit na lumalaban at napopoot sa Diyos. Sila ang pinakahigit na walang kakayahan at pagkatao, pero nagkatawang-tao ang Diyos doon, pumunta sa China para gumawa, nagpapahayag ng katotohanan nang may labis na pagpaparaya at pasensya. Tiniis ng Diyos ang napakalaking kahihiyan para iligtas sila, ang mga pinakamarumi at pinakatiwaling tao. Higit pa nitong ibinubunyag kung gaano kamapagpakumbaba at katago ang Diyos, at ipinapakita sa atin ang Kanyang kabanalan at pagiging matuwid, ang Kanyang di-makasarili, tunay na pagmamahal sa sangkatauhan. Higit pa rito, makikita natin na ang Diyos ang Panginoon ng sangnilikha. May awtoridad Siya na gawin ang Kanyang gawain sa alinmang bansa, sa kahit na sinumang tao, pero saang bansa man Siya magpakita at gumawa, para sa buong sangkatauhan ang gawain Niya—ito ay para iligtas ang buong sangkatauhan. Sa mga huling araw, nagpakita ang Makapangyarihang Diyos at gumagawa sa China, nagpapahayag ng mga katotohanan. Nakagawa na Siya ng grupo ng mga mananagumpay, at ngayon ay lumalaganap sa buong mundo ang Kanyang ebanghelyo. Ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay parang isang napakalaking liwanag na nagniningning mula sa Silangan hanggang Kanluran. Parami nang parami ang mga nakaririnig sa tinig ng Diyos, dagsa-dagsang bumabaling sa Makapangyarihang Diyos, tinatanggap ang paglilinis at pagliligtas ng Diyos. Kung susundin natin ang ating mga kuru-kuro at imahinasyon, iniisip na dahil nasa Israel ang nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, Siya ang Diyos ng mga Israelita at hindi Siya magpapakita at gagawa sa China, kung gayon, hindi ba iyon paglilimita sa Kanya? Sinabi ng Diyos, ‘Magiging dakila ang Aking pangalan sa mga Hentil(Malakias 1:11). Kung gayon, paano iyon matutupad? Sa mga huling araw, ang pagkakatawang-tao ng Diyos at paggawa sa China, kung saan namumuno ang ateismo, ay ganap na winawasak ang mga kuru-kuro ng tao. Ipinapakita nito sa atin na ang Diyos ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi Siya rin ang Diyos ng mga Hentil. Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan, hindi lamang ng iisang bansa o iisang tao. Ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa China, pagpapakita at paggawa roon, ay labis na makabuluhan!”

Napahiya talaga ako matapos marinig ang pagbabahagi niya. Hindi ko nauunawaan ang gawain ng Diyos, kundi sumunod lang sa mga pastor sa paglilimita sa Diyos, iniisip na imposibleng gagawa Siya sa China. Masyado akong mayabang at ignorante! Nakakatakot ang isipin man lang iyon. Salamat sa biyaya ng Diyos, naging mapalad ako na marinig ang tinig Niya at matanggap ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Kung hindi, lilimitahan ko pa rin ang Diyos batay sa sarili kong mga kuru-kuro, kokondenahin ang Kanyang pagpapakita at gawain, at hindi ako magkakaroon ng pag-asa na makamit ang Kanyang kaligtasan. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Diyos mula sa kaibuturan ng puso ko. Personal ko ring naranasan ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan(Mateo 7:8). Napakatotoo ng mga salitang ito, at tapat ang Diyos. Hangga’t naghahanap tayo, aakayin at bibigyang-liwanag tayo ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon.