Ang Landas Patungo sa Kaharian ng Langit

Agosto 3, 2022

Ni Marcelita, Philippines

Tungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit, marami ang nag-iisip na dahil may pananampalataya tayo sa Panginoon at napatawad na ang ating mga kasalanan, pagparito ng Panginoon ay dadalhin Niya tayo diretso sa kaharian ng langit. Naniniwala ang iba na ang mga banal lang ang makakakita sa Panginoon, iniisip nila, “Hindi natin maiwasang palaging magkasala at hindi pa natin naalis ang mga kadena ng kasalanan, kaya maaari ba talaga tayong makapasok sa Kanyang kaharian?” Sa tanong na ito, maaaring sabihin ng ilan na sa kabila ng ating pagiging makasalanan, ang Panginoong Jesus ang ating walang hanggang handog para sa kasalanan, kaya patatawarin Niya tayo basta’t ipinagtatapat natin ang ating mga kasalanan, at pagkatapos ay hindi na Niya tayo ituturing na makasalanan, kaya magagawa nating makapasok sa Kanyang kaharian. Pero sa palagay ko kahit na napatawad na ng Panginoon ang ating mga kasalanan, sinasabi sa mga Kasulatan: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan” (Mga Hebreo 10:26). Pinatutunayan nito na hindi patatawarin ng Panginoon ang ating mga kasalanan nang walang kondisyon magpakailanman. Kaya paano talaga tayo makapapasok sa kaharian ng langit? Hindi ko ito kailanman maintindihan hanggang mabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at matagpuan ang landas ng pagpapadalisay at pagpasok sa kaharian ng Diyos.

Ipinanganak ako sa isang Kristiyanong pamamahay, at nagsisimba kasama ang aking mga magulang mula sa murang edad. Aktibo rin akong nakilahok sa mga aktibidad sa simbahan. Bilang isang nasa hustong gulang, mas lalo kong masigasig na ginugol ang sarili ko para sa Panginoon. Minsan sinasamahan ko pa ang pastor na magdaos ng mga pagtitipon para manalangin sa labas ng bayan. Pero sa kabila ng lahat ng aking sigasig, hindi ako nakakakuha ng anumang tunay na kasiyahang espirituwal. Palaging tungkol sa pare-parehong bagay ang mga sermon ng pastor. Walang bago o nagbibigay ng kaliwanagan. At sa akin, hindi ko nagawang mamuhay ayon sa mga katuruan ng Panginoon. Palagi akong nasa siklo ng pagkakasala at pagtatapat. Halimbawa, nang makita ko na binigyan ng nanay ko ang mga kapatid ko ng mga regalo o pera pero bihira akong bigyan ng kahit ano, naging mainggitin ako at nagalit at nagreklamo tungkol sa kanya. Sa aking pagseserbisyo para sa simbahan, sa tuwing bibigyan ako ng pastor ng mga gawain, maiisip ko na marahil ay pinapaboran niya ako. Mapupuno ako ng pagmamalaki at mamaliitin pa ang ibang kapwa-manggagawa. Sinasabi sa mga Kasulatan: “Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Pero nagkakaroon pa rin ako ng mainggitin, nakamumuhi at mapanghamak na mga saloobin na ito. Hindi ko kayang makisama nang maayos sa aking pamilya, lalo na ang mahalin ang iba na gaya ng aking sarili at makasundo ang lahat ng tao. Hindi ko natamo ang kabanalan. Banal ang Panginoon, kaya paanong ang isang tulad ko ay pupurihin ng Panginoon at makapapasok sa Kanyang kaharian? Naguluhan talaga ako, kaya humingi ako ng tulong sa aking pastor at mga kaibigan sa simbahan. Pero ang sabi lang ng pastor, “Bilang mga mananampalataya, napatawad na ang ating mga kasalanan. May bisa magpakailanman ang handog para sa kasalanan ng Panginoong Jesus. Kaya para sa lahat ng ating kasalanan na nagawa sa nakaraan at sa hinaharap, hangga’t nagdarasal at nagtatapat tayo sa Panginoon, patatawarin Niya tayo nang walang kondisyon. Pagkatapos ay ituturing tayo ng Panginoon bilang walang kasalanan at pahihintulutan tayong pumasok sa Kanyang kaharian. Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya sa Panginoon.” Gayunman hindi nalutas ng mga salita ng pastor ang aking pagkalito. Pinapatawad nga ng Panginoon ang ating mga kasalanan, pero bakit sinasabi rin sa Biblia na “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan” (Mga Hebreo 10:26)? Pinatutunayan nito na hindi magpakailanmang patatawarin ng Panginoon ang ating mga kasalanan nang walang kondisyon. Wala akong nakamit na anumang kalinawan, kaya maaari ko lang aliwin ang aking sarili sa pag-iisip na: Ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan at walang katapusan, kaya marahil ay tama ang pastor. Hangga’t nagdarasal at nagtatapat ako, hindi Siya magagalit sa akin dahil sa mga kasalanang iyon, at pagparito ng Panginoon ay dadalhin Niya ako sa kaharian ng langit. Pagkatapos noon, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng Biblia at pagdalo sa mga seremonya, umaasa na makapapasok ako sa Kanyang kaharian pagparito ng Panginoon.

Nakilala ko kalaunan online sina Sister Wang at Sister Li. Maraming beses kaming lahat na nagkuwentuhan, pinapalakas ang loob at inuudyukan ang isa’t isa sa aming pananampalataya at nagbabahagi ng aming mga saloobin. Isang araw, tinanong ako ni Sister Wang, “Ano ang pinakainaasahan mo bilang isang mananampalataya?” Nang wala ni katiting na alinlangan, sinabi ko, “Ang makapasok sa kaharian ng Diyos, siyempre!” Pagkatapos ay tinanong niya, “Kung gayon alam mo ba kung anong klase ng mga tao ang maaaring makapasok sa kaharian ng Diyos?”

Nang sabihin niya iyon, naisip ko sa sarili ko, “Ito mismo ang naguguluhan ako. Sinasabi lahat ng aking pastor at mga kaibigan sa simbahan na dahil nabautismuhan kami sa ngalan ng Panginoon, napatawad na ang aming mga kasalanan at maaari kaming pumasok sa kaharian ng langit. Nangangahulugan ba ang tanong na ito na may iba siyang opinyon?” Pagkatapos sinabi niya, “Iniisip ko dati na sa ating pananampalataya, hangga’t tinatanggap natin ang pangalan ng Panginoon, nagdarasal at nagtatapat tayo sa Kanyang pangalan, patatawarin ng Panginoon ang ating mga kasalanan at pagparito Niya, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit. Pero napagtanto ko kalaunan na kahit na napatawad na ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon, puwede pa rin tayong magkasala at labanan Siya. Halimbawa, hinihingi ng Panginoon na mahalin natin ang iba na gaya ng ating sarili, magsagawa ng pagtitimpi, maging asin at ilaw para luwalhatiin Siya, pero palagi tayong nadadawit sa mga argumento tungkol sa hamak na maliliit na bagay. Sinisisi natin ang Panginoon at pinagtataksilan Siya sa harap ng mga pagsubok. Gumagawa lang tayo at gumugugol ng ating sarili para makapasok sa Kanyang kaharian. Ito ay transaksiyonal. Ang pamumuhay sa ganitong paraan ay hindi naaayon ni bahagya sa kalooban ng Panginoon. Malinaw na isinasaad sa mga Kasulatan: ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal(Levitico 11:45). ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man(Juan 8:34–35). Ang Diyos ay banal at matuwid at ang kaharian ng langit ay nasa ilalim ng Kanyang pamamahala. Isa itong banal na lupain. Hindi pahihintulutan ng Diyos ang marurumi na dungisan ang Kanyang banal na lupain. Iyong mga palaging nagkakasala at lumalaban sa Panginoon ay mga alipin pa rin ng kasalanan, at hinding-hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Napakalinaw na sinabi sa atin ng Diyos, na sa ating pananampalataya kailangan nating palayain ang ating mga sarili sa dumi at makamit ang pagpapadalisay para makapasok sa Kanyang kaharian.”

Labis akong naantig sa pagbabahagi ni Sister Wang. Nagbalik-tanaw ako sa lahat ng mga taon ng aking pananampalataya. Nagbabasa ako ng Biblia araw-araw at nagdarasal sa Panginoon, ipinagtatapat ang aking mga kasalanan nang hindi mabilang na beses, gayon pa man nasa siklo pa rin ako ng pagkakasala at pagtatapat. Maraming beses akong nakipagtalo sa aking mga magulang tungkol sa maliliit na bagay at nainggit sa mga kapatid ko. Sa simbahan, mapangmaliit at mapanghamak ako sa ibang miyembro ng simbahan. Matapos ang mga taon ng pananampalataya, ni hindi ko maisagawa ang batayang pagtitimpi. Walang alinlangang hindi ako nadalisay at hindi karapat-dapat sa kaharian ng langit!

Kaya sinabi ko kay Sister Wang, “Tama ka. Sa ating pananampalataya, malimit tayong nagsisinungaling at nagkakasala at hindi mapalaya ang ating sarili mula sa kasalanan. Talagang ganyan din ako. Noon pa man ay talagang nagpalito na ito sa akin. Kapag palagi tayong nagkakasala, maaari ba talaga tayong makapasok sa kaharian ng Diyos? Hiningi ko ang payo ng aking pastor at ibang miyembro ng simbahan, pero hindi ako kailanman nakakuha ng isang kasiya-siyang sagot. Sa pamamagitan ng aming pagbabahagi, nagkakamit na ako sa wakas ng kaunting pagkaunawa. Ang mga mananampalataya na palaging nagkakasala at hindi pa nadalisay ay hindi maaaring makapasok sa kaharian ng Diyos. Pero hindi ko pa rin maunawaan, bakit patuloy tayong nagkakasala yamang napatawad na ng Panginoon ang ating mga kasalanan bilang mga mananampalataya?”

Bilang sagot sa tanong ko, binasa ni Sister Wang ang ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaari lamang na ituring na hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag nito. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa katawang tao, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, inihahayag nang walang katapusan ang kanyang satanikong disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay walang hanggan ang bisa sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. … Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; wala siyang paraan para kilalanin ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim, at kailangan niyang umasa sa paghatol ng salita upang makamit ang ganitong resulta. Sa ganitong paraan lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Pagkatapos ay nagbahagi siya sa akin, sabi niya: “Noong Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, hindi ang gawain ng pagpapadalisay o pagbabago ng sangkatauhan. Alam nating lahat na sa bandang dulo ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay nanganganib na patayin dahil sa hindi pagsunod sa kautusan. Hindi natiis ng Diyos na makita ang mga taong pinapatay dahil dito, kaya Siya ay naging tao at ipinako sa krus bilang isang handog para sa kasalanan para sa sangkatauhan, na tinutubos ang mga tao sa kanilang mga kasalanan. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa pagliligtas ng Panginoong Jesus at pagtatapat at pagsisisi, napatawad ang mga kasalanan ng mga tao at hindi na sila naharap sa kamatayan sa ilalim ng kautusan. Maaari din nilang matamasa ang masaganang biyaya, kapayapaan at kaligayahang ipinagkaloob ng Panginoon. Ang pagpapatawad na ito ng mga kasalanan ay tumutukoy sa pagiging napalaya mula sa pagkondena at kamatayan sa ilalim ng kautusan. Pero hindi iyon nangangahulugan na malaya ang tao sa kasalanan, o na ang tao ay hindi na muling magkakasala. Napatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya, pero ang ating makasalanang kalikasan ay malalim pa ring nakaugat sa loob natin. Puno tayo ng kayabangan, panlilinlang, kasamaan, pagiging marahas, at iba pang satanikong disposisyon. Sumasalungat pa nga tayo sa sarili nating konsensya, nagsisinungaling at nanloloko para protektahan ang ating sariling mga interes. Kapag hindi kumikilos ang mga tao sa paraang gusto natin sa kanila, nagagalit tayo at sinasaway sila. Nakikipagpaligsahan tayo para sa katayuan at naghahanap ng pakinabang, mainggitin tayo at palaaway. Hinahabol din natin ang masasamang makamundong kalakaran at nilalasap ang mga kasiyahan ng laman, at iba pa. Alam natin na ang pagkakasala ay hindi pagsunod sa kalooban ng Panginoon at malimit tayong humaharap sa Panginoon para magsisi at magtapat, pero pagkatapos ay patuloy lang tayong nagkakasala. Ang lahat ng ito ay bunga ng ating satanikong kalikasan. Kung hindi natin lulutasin ang pangunahing sanhi ng ating makasalanang kalikasan, ang ating mga kasalanan ay magiging parang masamang damo na pinutol sa tangkay, tumutubo uli mula sa ugat. Para lubusang malutas ang ugat ng ating pagiging makasalanan, kailangan natin ang paghatol at pagpapadalisay ng Diyos sa mga huling araw. Iyon lang ang paraan para malutas ang ating makasalanang kalikasan at maging karapat-dapat tayo sa kaharian ng langit.”

Matapos makinig sa pagbabahagi ni Sister Wang, naunawaan ko na ang pagpapatawad ng mga kasalanan ay nangangahulugan lang na pinatawad ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, hindi na hindi tayo makasalanan. Hindi rin ito nangangahulugan na patatawarin ng Panginoon ang ating mga kasalanan magpakailanman tulad ng sinabi ng aking pastor. Napakapraktikal ng kanyang pagbabahagi, at ganap na nakaayon sa Biblia: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan” (Mga Hebreo 10:26). Ang sinabi ng pastor ay iniiwan akong naguguluhan dati. Banal ang Panginoon. Dadalhin ba talaga Niya tayo sa Kanyang kaharian kahit na palagi tayong nagkakasala? Hindi ko ito maintindihan at wala akong nakitang alternatibong landas, kaya nagtiwala lang ako sa sinabi ng pastor at patuloy na pinag-aralan ang Biblia at nagdasal at nagtapat, umaasa na pagparito ng Panginoon ay hindi Niya titingnan ang aking kasalanan kundi ay diretso akong dadalhin sa Kanyang kaharian. Ngayong naaalala ko, isa iyong hindi kapani-paniwalang kuru-kuro. Nasabi ni Sister Wang na gagampanan ng Panginoon ang gawain ng paghatol para dalisayin ang tao sa Kanyang pagbabalik, kaya nagmadali akong tanungin siya kung paano mismo gagampanan ng Diyos ang gawaing ito.

Matiyaga siyang sumagot, “Naglalaman ang Biblia ng maraming propesiya tungkol dito. Halimbawa: ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). ‘Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios(1 Pedro 4:17). Ipinapakita ng mga bersikulo na ito na ipapahayag ng Diyos ang katotohanan para hatulan at dalisayin ang sangkatauhan sa mga huling araw, na ganap na palalayain sila mula sa kasalanan at dadalisayin at babaguhin ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Sa gayon lang magiging karapat-dapat ang tao na makapasok sa kaharian ng Diyos. Nagbalik na ngayon ang Panginoong Jesus bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Ipinahahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos para malutas ang makasalanang kalikasan at mga satanikong disposisyon ng tao, at sa huli ay maligtas ang sangkatauhan mula sa impluwensiya ni Satanas.”

Ipinakita sa akin ni Sister Wang ang dalawang video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). “Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Nagbahagi si Sister Wang, sabi niya: “Sa mga huling araw, ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na dumadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan at inilalantad ang mga misteryo ng gawain ng pamamahala ng Diyos, tulad ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang mga misteryo ng mga pangalan ng Diyos, ang mga misteryo ng pagkakatawang-tao, at kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol. Nililinaw din Niya ang lahat ng katotohanan na dapat nating isagawa sa ating pananampalataya, halimbawa, kung paano lumikha ng isang normal na relasyon sa Diyos, kung paano isabuhay ang normal na pagkatao, kung paano mahalin at magpasakop sa Diyos, kung paano manampalataya at maglingkod sa Diyos na nakaayon sa Kanyang kalooban, at marami pa. Hinatulan at inilantad din ng Diyos ang makasalanan at lumalaban sa Diyos na kalikasan ng tiwaling sangkatauhan at lahat ng uri ng satanikong disposisyon. Sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos, makikita natin kung gaano tayo labis na nagawang tiwali ni Satanas, kung paanong tayo ay puspos ng mga satanikong disposisyon tulad ng kayabangan, panlilinlang, at kasamaan. Hindi natin isinasabuhay ang ni kaunting wangis ng pagkatao, kundi ay mga sagisag lang tayo ni Satanas at hindi karapat-dapat na mamuhay sa harap ng Diyos. Maaari din nating malaman ang matuwid at hindi nalalabag na disposiyon ng Diyos, simulang kamuhian at kasuklaman ang ating sarili at magsisi sa Diyos. Pagkatapos ang ating mga tiwaling disposisyon ay maaaring unti-unting madalisay at magbago, at maaari tayong magkamit ng kaunting pagkatakot at pagpapasakop sa Diyos.” Matapos iyon, ibinahagi ni Sister Wang ang kanyang karanasan ng pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Sa pananampalataya niya noon, naisip niya na yamang nagugol niya ang sarili, maraming isinuko, dumanas ng mga paghihirap at gumawa ng mga sakripisyo para sa Panginoon, na mas mahal niya ang Panginoon at mas magaling kaysa sa ibang tao. Sinamantala niya ito at minaliit ang iba, iniisip na siya ang pinakanagmamahal sa Panginoon at pinakanababagay na makoronahan at magantimpalaan. Matapos matanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, binasa niya ang mga salita ng Diyos na hinahatulan at inilalantad ang sangkatauhan. Nakita niya ang sumusunod na sipi: “Ang pinakamabuting gawin ay maglaan kayo ng higit na pagsisikap sa katotohanan ng pagkilala sa sarili. Bakit hindi kayo nagugustuhan ng Diyos? Bakit kasuklam-suklam sa Kanya ang inyong disposisyon? Bakit pinupukaw ng inyong pananalita ang Kanyang galit? Sa sandaling magpamalas kayo ng katiting na katapatan, pinupuri ninyo ang inyong sarili, at humihingi kayo ng gantimpala para sa maliit na ambag; hinahamak ninyo ang iba kapag nakapagpakita kayo ng kaunting pagsunod, at nawawalan kayo ng galang sa Diyos kapag may simpleng gawain kayong naisasakatuparan. … Lubos na nababatid na naniniwala kayo sa Diyos, magkagayunma’y hindi kayo nakaayon sa Diyos. Lubos na nababatid na hindi kayo karapat-dapat, patuloy pa rin kayong nagyayabang. Hindi ba ninyo nadarama na nabawasan na nang kaunti ang inyong katinuan kaya wala na kayong kontrol sa sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). Nagdalamhati at napahiya siya matapos itong basahin. Pagkatapos ay napagtanto niya na palagi siyang nagpapalaki ng sarili at hinahamak ang iba, iniisip pa na karapat-dapat siyang makoronahan, dahil nasa ilalim siya ng kontrol ng kanyang mapagmataas na satanikong kalikasan. Napagtanto niya na ang kanyang paggugol ay transaksiyonal, para makatanggap ng mga pagpapala, hindi dahil sa pagmamahal sa Diyos o para mapalugod Siya. Naunawaan niya ang kanyang kayabangan, pagiging makasarili, at pagiging kasuklam-suklam pati na rin ang kasalaulaan ng kanyang pananampalataya. Nakita niya na puno pa rin siya ng mga satanikong disposisyon at hindi pa nagbago ni kaunti, at walang kahihiyan at di-makatwiran siyang umasa na pagpapalain at makapapasok siya sa kaharian ng langit. Kinamuhian at kinasuklaman niya ang kanyang sarili, at hindi na inisip na mas magaling siya kaysa sa sinuman. Hindi siya nangahas na magmalaki tungkol sa pagmamahal niya sa Diyos o hingin na koronahan Niya siya. Sa halip, tinanggap niya ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos nang matapat, hinangad na alisin ang kanyang tiwaling disposisyon, at gawin ang kanyang makakaya para matupad ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha.

Matapos marinig ang pagbabahagi ni Sister Wang, nagkaroon ako ng mas mabuting pagkaunawa sa kung paano ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Naisip ko na napakapraktikal ng kanyang karanasan at patotoo at lubhang nakatulong para sa akin. Pagkatapos lang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos saka naharap ni Sister Wang ang kanyang mapagmataas na disposisyon, at napagtanto na ang disposisyong ito ang nagdulot sa kanya na maging palalo at mapanghamak sa iba. Ganoon din ako. Pinaboran ako ng pastor at hiningan ako ng tulong, kaya akala ko mas magaling ako kaysa sa aking mga brother at sister at minaliit sila. Sa bahay, inisip ko palagi na dapat umiinog sa akin ang buhay ng lahat. Mapagmataas din iyon. Naisip kong maaari din akong madalisay at mabago sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Nagkuwentuhan kami hanggang sa gabing-gabi na. Nagkamit ako ng maraming espirituwal na tustos at kasiyahan.

Kalaunan, gumawa ako ng malawakang pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nalaman ko na hindi lang inilalantad ng mga salita ng Diyos ang katotohanan sa likod ng mga misteryo ng gawain ng Diyos, kundi dinedetalye rin ng mga ito kung paano aalisin ang mga tiwaling disposisyon, paano mamumuhay ng makabuluhang buhay, at marami pang ibang aspeto ng katotohanan. Napagtanto ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ang tinig ng Diyos. Lubos akong nakasiguro na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus at pormal kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagbabalik-tanaw ako sa mga taong iyon ng pamumuhay sa kasalanan, walang lakas na alisin ang aking sarili mula sa mga kamay nito, kung gaano ako naguluhan tungkol sa kung paano makapasok sa kaharian ng langit, at ngayon natagpuan ko na sa wakas ang landas sa pagpapadalisay at sa kaharian ng langit! Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon.

Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...