Ang Pagpupunyaging Maging Matapat na Tao

Mayo 13, 2021

Ni Wei Zhong, Tsina

Ilang taon na ang nakalilipas, nagbukas ako ng isang appliance repair shop sa amin. Ginusto kong maging matapat na negosyante at kumita lang ng kaunting pera para magkaroon ng sapat ang pamilya ko. Pero pagkaraan ng ilang panahon na palagi akong abala sa trabaho, nakita ko na sapat lang ang kinita ko para makaraos ang pamilya ko, walang paraan para makaipon. Kung minsan mas maliit pa ang buwanang kita ko kaysa sa bagitong manggagawa. Laging nagrereklamo sa akin noon ang asawa ko tungkol doon, na sinasabi na masyado raw akong matapat at hindi ako marunong magnegosyo. Nakisali pa ang bayaw ko. Sabi niya, “Nabubuhay tayo sa panahon ng pera, at paano man ninyo gawin iyon, kailangan mong kumbinsihin ang mga tao na ibigay sa iyo ang pera nila para maituring na may kakayahan ka.” May sinabi rin siyang mga bagay na gaya ng “Walang kayamanan kung walang katusuhan,” at “Pera ang nagpapaikot sa mundo” para gisingin ako at sumunod sa kalakaran, magnegosyo tulad ng iba at huwag maging matigas ang ulo. Akala ko may punto sila, pero hindi ko talaga magawang lokohin ang mga kostumer ko. Pakiramdam ko hindi iyon kakayanin ng konsiyensya ko kailanman.

Kalaunan ay napansin ko na si Mr. Qian, ang may-ari ng appliance repair shop na malapit sa shop ko, ay halos walang anumang mga teknikal na kasanayan. Kaya lang niyang kumpunihin ang maliliit na sira, pero may malaking karatula siyang nakasabit sa harapan sa labas na may nakasulat na “Primera-klaseng mga Pagkumpuni para sa Lahat ng Appliance.” Marami siyang naakit na magpagawa sa gayong paraan. Tatanggap siya ng trabaho at siya ang nagkukumpuni kapag simple lang ang sira. Kung hindi niya kaya, ipapadala lang niya iyon sa ibang repair shop at makikihati siya sa kita. Medyo malaki ang kinita niya sa gayong paraan. Minsan habang nag-uusap kami, ikinuwento niya kung paano siya kumita ng pera. Sabi niya, kung nasira ang isang maliit na piyesa ng appliance, maaari mong palitan na lang ang lahat ng piyesa para makasingil ka ng mas malaki. Walang alam ang mga kostumer. Sabi niya, nabubuhay raw kami sa isang lipunang nakatuon sa pera, at “Hindi mahalaga kung puti o itim ang pusa, basta’t nakakahuli ito ng daga.” Sinabi rin niya na kapag kaya mong kumita ng pera, ibig sabihin ay may kakayahan ka, kung hindi, gaano ka man kabuting tao, hahamakin ka. Nang marinig ko ang “matalinong pananaw” ng lalaking ito, naisip ko, “Ito ang panahon ng buhay natin. Gagawin ng ibang mga tao ang kahit ano para magkapera at hindi totoo iyang integridad, kaya anong buti ang idudulot nito kung ako lang ang matapat? Bukod pa riyan, wala akong napala sa pagiging matapat sa negosyante. Nagkukumpuni ng mga bagay-bagay ang lalaking ito kagaya ko at maganda ang buhay niya. Maganda ang buhay ng buong pamilya niya, pero sapat lang ang kinikita ko para makaraos kami. Mukhang naging masyadong matigas ang ulo ko. Dapat akong humanap ng mga paraan para kumita nang mas malaki para gumanda ang buhay ng pamilya ko.” Pagkatapos niyon, nagsimula akong matuto mula sa “mga tagumpay” ng aking mga kasamahan at lihim kong dinaya ang mga kostumer ko. Hindi ako napakali, pero hinayaan ko na lang iyon para kumita ako nang mas malaki.

Isang araw, may pumasok na isang kostumer para magpakumpuni. Habang inaalis ko ang sirang piyesa, inalis ko rin ang ilang piyesang hindi naman sira para isipin niya na mas maraming sira, at hindi niya mahahalata kapag siningil ko siya nang mas malaki. Totoong-totoo ang lumang kasabihan na, “May sala gaya ng isang magnanakaw.” Noong una, talagang kabado ako at kumakabog ang puso ko, takot na baka mahuli niya ako at sitahin noon mismo. Nakakahiya iyon. Pero nagkunwari lang akong kalmado at pinalitan ko ang lahat ng piyesang iyon. Nang oras na para magbayad, makapal ang mukhang siningil ko siya ng 50% pa kaysa dati kong presyo. Nakayuko ako nang gawin ko iyon, hindi ako nangahas na tingnan siya sa mga mata, pero sa gulat ko, binayaran niya iyon nang walang imik. Sa wakas ay nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na siya. Basang-basa ng pawis ang mukha at likod ko at hindi ako napakali. Pero nang makita ko ang ekstrang perang nakuha ko, biglang nawala ang pakiramdam na iyon.

Mula noon nagsimula na akong mag-isip ng lahat ng uri ng panloloko para malakihan ko ang singil sa mga kostumer. Nakonsiyensya ako noong una, pero lihim kong pinalakas ang loob ko para patuloy akong kumita ng ekstra. Naisip ko, “Hindi puwedeng maging mabait akong masyado—‘Tulad ng hindi nagiging maginoo ang isang lalaking makitid ang pag-iisip, hindi masasabi na ang tunay na lalaki ay walang kamandag.’ Kailangan kong maging matalino kung nais kong kumita. Bukod pa riyan, ginagawa ito ng lahat, hindi lang naman ako.” Sa katagalan, naglaho ang bigat ng konsiyensya at naging mas magaling at sopistikado ako sa aking “mga kasanayan” sa pagkita ng pera. Natutuhan ko ring basahin ang nasa isip ng tao at makiramdam, na tinatrato ang iba’t ibang tao sa iba’t ibang paraan. Natuto ako ng iba pang mga panloloko. Kapag may pumasok na mayamang kostumer, binubuyo ko sila, at sinasabi ko ang gusto nilang marinig at binobola ko sila para mas madali ko silang masingil nang mas malaki. Kapag may kostumer akong balisang-balisa, nagkukunwari ako na napakahirap kumpunihin ng sira at talagang nakatutok ako, pagkatapos ay sadya kong binabagalan ang trabaho. Sa gayong paraan, inaalok na lang nila ako ng mas malaking pera. Mas matalino ang ilang kostumer, kaya nag-iisip ako ng dahilan para iwanan nila ang appliance sa akin at balikan ito sa ibang araw, at pagbalik nila sinasabi ko na may nakita akong iba pang mga problema. Mas malaki ang kinikita ko nang di-gaanong nagpapakahirap. Sa gayon, patuloy akong nag-isip ng mga paraan para masingil nang sobra ang mga kostumer. Mas malaki ang kinikita ko at mas komportable ang buhay ko, pero hindi maligaya o masaya ang puso ko. Sa halip, tuwing maiisip ko ang kasuklam-suklam at tiwaling mga bagay na ginawa ko, natatakot ako at hindi mapakali. Kung minsan iniisip ko, “Dapat, tumigil na lang ako. Hindi na ako dapat manloko sa negosyo. Gaya ng sabi nila, ‘Ang kabutihan ay sinusuklian ng kabutihan, at ang kasamaan ng kasamaan.’ Pagbabayaran ko ito.” Pero nang maisip ko ang lahat ng perang nasa mga kamay ko, hindi ko talaga magawang tumigil.

Noong lalo akong nagiging masama at manhid, ibinahagi sa akin ng kapatid kong babae ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Matapos tanggapin ang gawain ng Diyos, nagsimula akong makitipon sa mga kapatid at magbasa ng mga salita ng Diyos nang madalas. Minsa’y nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Makapangyarihang Diyos sa isang pagtitipon: “Naraanan na ng tao ang mga panahong ito na kasama ang Diyos, ngunit hindi niya alam na ang Diyos ang namumuno sa tadhana ng lahat ng bagay at buhay na nilalang, ni kung paano ipinaplano at pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Naging mailap ito sa tao noon pa man hanggang ngayon. Bakit? Hindi dahil tagung-tago ang mga gawa ng Diyos, ni dahil kailangan pang maisakatuparan ang Kanyang plano, kundi dahil napakalayo ng puso’t espiritu ng tao sa Diyos, hanggang sa patuloy pa ring nagsisilbi ang tao kay Satanas kahit sinusunod niya ang Diyos—at hindi pa rin niya alam iyon. Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos, at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagkalinga ng Diyos. Sa halip, nais nilang umasa sa paninira ni Satanas, ang diyablo, para makaangkop sa mundong ito, at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging parangal na niya kay Satanas at siyang bumubuhay rito. Higit pa rito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging lugar na kung saan si Satanas ay makakapanirahan at naging akmang palaruan niya ito. Sa gayon hindi alam ng tao na nawawala ang kanyang pag-unawa sa mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at kahulugan ng buhay ng tao. Ang mga batas ng Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao, at tumitigil siya sa paghahanap o pakikinig sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, hindi na nauunawaan ng tao kung bakit siya nilikha ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos. Sa gayo’y nagsisimula ang tao na labanan ang mga batas at utos ng Diyos, at nagiging manhid ang kanyang puso’t espiritu…. Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha, at nawawala sa tao ang ugat na orihinal niyang taglay: Ito ang pighati ng sangkatauhang ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Nababanaag ang realidad sa mga salita ng Diyos. Kahit medyo malaking pera ang kinita ko sa mundo at mas maginhawa ang buhay ko kaysa rati, hungkag at masakit ang aking kalooban, at lahat ng iyon ay dahil nailayo ko ang aking sarili sa Diyos, sinalungat ko ang hinihingi Niya sa tao, at namuhay ako ayon sa mga panuntunan ni Satanas para mabuhay. Noong una kong buksan ang negosyo, kumita ako nang may malinis na konsiyensya, at kahit hindi malaki ang kinita ko, payapa ako. Kaya lang naimpluwensyahan ako ng aking kapaligiran. Nang makita kong yumayaman ang iba sa lihim na mga paraan, sinimulan ko ring tanggapin na “Walang kayamanan kung walang katusuhan,” “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” at “Hindi kalahatan ang pera, pero kapag wala ka nito, wala kang magagawa,” at iba pang gayong mga panuntunan para mabuhay na nagmula kay Satanas. Sinunod ko ang masasamang kalakaran at tinalikuran ang sarili kong mga pangunahing prinsipyo para magkapera, na binabalewala ang aking konsiyensya para dayain ang mga kostumer para magbigay sila ng mas malaking pera. Nasa mga kamay ko ang pera, pero nakaw ang lahat ng iyon. Tuwing maiisip ko ang kasuklam-suklam at imoral na mga bagay na nagawa ko, kinikilabutan ako sa sarili ko at hindi ako matahimik. Nabuhay ako sa takot na isang araw ay may taong maglalantad sa akin, na tutuligsain ako. Kung malasin talaga, baka isumbong pa ako sa pulis. Palagi akong ninenerbiyos. Masaklap ang ganitong paraan ng pamumuhay. Pero noong araw na iyon ay naunawaan ko na lahat ay dahil nabubuhay ako ayon sa pilosopiya ni Satanas. Iyon ang bunga ng magapos at malinlang ng mga panuntunan ni Satanas. Kung hindi sa patnubay ng mga salita ng Diyos, hindi ko makikita kailanman ang realidad kung paano ako sinisira ni Satanas.

Pagkatapos ay binasa ng isang sister ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos para sa akin: “Dapat ninyong malamang gusto ng Diyos yaong mga tapat. Sa diwa, matapat ang Diyos, at kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang mali at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya, kung kaya gusto ng Diyos yaong mga lubos na tapat sa Kanya. Ang katapatan ay nangangahulugang pagbibigay ng puso mo sa Diyos, pagiging wagas sa Diyos sa lahat ng mga bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi pagtatago kailanman ng katotohanan, hindi pagsusubok na malinlang yaong mga nasa itaas at nasa ibaba mo, at hindi paggawa ng mga bagay upang manuyo lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa mga kilos at mga salita mo, at hindi paglilinlang sa Diyos o sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). “Hinihingi ng Aking kaharian ang mga tapat, ang mga hindi mapagkunwari o mapanlinlang. Hindi ba’t ang mga tunay at tapat na tao ay hindi sikat sa mundo? Mismong kabaligtaran Ako. Katanggap-tanggap na lumapit sa Akin ang matatapat na tao; nalulugod Ako sa ganitong uri ng tao, at kailangan Ko rin ang ganitong uri ng tao. Ito mismo ang Aking pagiging matuwid(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 33). Pagkatapos ay ibinahagi niya ito: “Ang Diyos ay tapat sa diwa. Gusto Niya at pinagpapala ang matatapat. Sa ating mga pakikitungo sa iba sa mundo, namumuhay tayo ayon sa batas ni Satanas, ‘Huwag gumawa nang walang gantimpala.’ Ang ating mga salita at gawa ay pawang para sa pansariling pakinabang, at nagsisinungaling at nanlilinlang tayo nang walang habas. Hindi natin alam kung ano ang ibig sabihin ng maging mabuting tao. Pero iba ang pananampalataya sa Diyos ngayon. Hinihiling Niya na maging matatapat tayo, na magsabi ng totoo, at maging matuwid. Hinihiling Niya na tanggapin natin ang Kanyang pagsisiyasat sa ating bawat salita at gawa, na maging bukas tayo at walang bahid-dungis, at huwag nating subukang linlangin o dayain ang Diyos o tao. Matatapat na tao lang ang may tunay na wangis ng tao, at sila lang ang maaaring magpatotoo at lumuwalhati sa Diyos.” Nalaman ko mula sa mga salita ng Diyos na gusto Niya ang matatapat na tao at kinailangan kong kumilos ayon sa Kanyang mga hinihiling. Nagsimula akong magsalita nang tapat sa mga kapatid, at hindi sila linlangin, pero nag-alala pa rin ako pagdating sa negosyo. Nadama ko na mas madaling maging matapat na tao sa mga kapatid, pero kapag ginawa ko iyon sa negosyo ko, liliit nang husto ang kita ko at baka kailanganin ko pang magsara. Pero kung patuloy kong dadayain at lilinlangin ang mga tao gaya ng dati, hindi ba taliwas iyon sa kalooban ng Diyos? Kaya, ano ang dapat kong gawin? Pinag-isipan ko itong mabuti at nakipagkasundo sa sarili ko: Magiging matapat na tao ako sa iglesia, pero itutuloy ko pa rin ang dati kong gawi sa negosyo ko.

Isang araw pumasok ang isang matandang lalaki dala ang kanyang TV, na sinasabing parang mas malabo ang palabas sa TV niya. Tiningnan ko iyon at nakita ko na luma na ang mga color tube at kailangan nang palitan, pero hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Dinagdagan ko lang ang boltahe ng filament para magamit pa niya iyon nang matagal-tagal, pagkatapos ay maaari kong palitan ang mga iyon kapag umulit ang problema. Sa gayong paraan kikita ako ng ekstrang 30 yuan para sa pagkumpuni. Pagkaraan ng dalawang linggo, nagkaroon nga ng problema ang TV at muli iyong ipinakumpuni sa akin ng lalaki, na sinasabing hindi maganda ang trabaho ko. Sabi ko sa kanya, luma na ang mga color tube at kailangan nang palitan. Nagulat ako na nahalata niya ang maliit na pakana ko. Hindi niya ibinigay ang 30 yuan na bayad sa pagkumpuni at pagalit na sinabi, “Iho, kailangan kang maging tapat sa negosyo. Huwag kang masyadong ganid!” Talagang napahiya ako noon pero nagkibit-balikat na lang ako nang hindi nag-iisip. Kalaunan ay may pumuntang isang matandang babae na may dalang sirang microwave, at may nakita akong maliit na sirang piyesa roon. Naisip ko na kaya kong ayusin iyon at maningil ng makatwirang bayad. Pero naisip ko na medyo may-kaya siya, kaya hindi malaking bagay kung sisingilin ko siya nang mas malaki. Kailangan mong kunin ang kaya mong makuha. Pero bumalik siya sa shop pagkaraan ng ilang araw at sinabing, “Napakalaki ng siningil mo sa akin para sa microwave na iyon. Makonsiyensya ka naman. Nakikita ng langit ang ginagawa natin!” Talagang sumama ang pakiramdam ko matapos niya akong pagalitan at naisip ko ulit ang sinabi ng lalaking iyon. Medyo nagalit ako. Napagtanto ko rin na ginagamit ng Diyos ang mga bagay sa paligid ko para balaan ako upang makapag-isip-isip ako at kilalanin ang sarili ko.

Pagkatapos noon, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ano man ang iyong ginagawa, gaano man kalaki o kaliit ang isang bagay, at ginagawa mo man iyon upang gampanan ang iyong tungkulin sa pamilya ng Diyos o para sa sarili mong mga lihim na dahilan, kailangan mong isipin kung naaayon ang ginagawa mo sa kalooban ng Diyos, at kung ito ba ay isang bagay na dapat gawin ng isang taong makatao. Kung ganito ang paghahanap mo ng katotohanan sa lahat ng ginagawa mo, isa kang taong tunay na nananalig sa Diyos. Kung taimtim mong tinatrato ang bawat bagay at bawat katotohanan sa ganitong paraan, magkakamit ka ng mga pagbabago sa iyong disposisyon. Iniisip ng ilang tao na kapag gumagawa sila ng isang personal na bagay, maaari nilang basta balewalain ang katotohanan, gawin ito ayon sa gusto nila, gawin ito sa anumang paraang nagpapasaya sa kanila at sa anumang paraang makakabuti sa kanila. Wala sila ni katiting na konsiderasyon kung paano nito maaapektuhan ang pamilya ng Diyos, ni wala silang konsiderasyon kung ang ginagawa nila ay naaangkop sa banal na kawastuhan. Sa huli, kapag tapos na sila sa bagay na ito, nagdidilim ang kanilang kalooban at hindi sila mapakali, bagama’t hindi nila alam kung bakit. Paghihiganti ba ito na hindi nararapat? Kung gumagawa ka ng mga bagay na hindi sinasang-ayunan ng Diyos, nagkasala ka sa Diyos. Kung hindi mahal ng isang tao ang katotohanan, at madalas nilang ginagawa ang mga bagay ayon sa sarili nilang kalooban, madalas silang magkakasala sa Diyos. Ang gayong mga tao ay karaniwang hindi sinasang-ayunan ng Diyos sa kanilang ginagawa, at kung hindi sila magsisisi, hindi malayong parusahan sila(“Ang Paghahanap sa Kalooban ng Diyos ay Alang-alang sa Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at natatamo ang katotohanan, ang likas na pagkatao ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa likas na pagkataong iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katungkulan? Bakit ka mayroong gayon katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban mo ang lason ni Satanas. Tungkol naman sa kung ano ang lason ni Satanas, lubos itong maipapahayag sa mga salita. Halimbawa, kung tatanungin mo ang ilang masamang tao kung bakit sila gumawa ng kasamaan, sasagot sila: ‘Dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili, at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Maaari silang gumawa ng mga bagay-bagay para sa ganito at ganoong layunin, ngunit ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang sarili. Iniisip ng lahat ng tao na dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili at bahala na ang iba, dapat mabuhay ang mga tao para sa sarili nilang kapakanan, at gawin ang lahat ng makakaya nila para magkaroon ng magandang posisyon alang-alang sa pagkain at marangyang pananamit. ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang buhay at ang pilosopiya ng tao, at kinakatawan din nito ang likas na pagkatao. Ang mga salitang ito ang mismong lason ni Satanas, at kapag isinapuso ito ng mga tao, nagiging kalikasan na nila ito. Ang kalikasan ni Satanas ay inilalantad sa pamamagitan ng mga salitang ito; lubos itong kinakatawan ng mga ito. Ang lasong ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging pundasyon din nila sa buhay, at ang sangkatauhang ginawang tiwali ay patuloy nang pinangingibabawan ng lasong ito sa loob ng libu-libong taon(“Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nang mabasa ko ito, talagang nakikita ko na nakikita ng Espiritu ng Diyos ang lahat. Hindi ko kailanman sinabi kaninuman ang aking damdamin, pero lubos na nahayag ang mga ito sa mga salita ng Diyos. Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na hinihiling Niya na ibigay natin ang ating puso sa Kanya. Ginagawa man natin ang ating tungkulin sa bahay ng Diyos o ginagawa ang sarili nating mga gawain, kailangan nating isagawa ang Kanyang mga salita. Pero pinili ko ang isasagawa kong katotohanan sa aking buhay. Nakita ko na nagustuhan ng Diyos at ng mga kapatid nang maging tapat ako sa iglesia, kaya handa akong gawin iyon. Pero sa negosyo ko, akala ko malulugi ako at hindi ito makakabuti sa personal kong mga interes. Nakita ko na inuna ko lang ang personal kong interes. Nalaman ko na ang panlilinlang ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos, pero ginawa ko pa rin ang anumang gusto ko, anumang magsisilbi sa sarili kong mga interes. Paano iyan naging isang taong may pananampalataya? Pagkatapos ay natanto ko na ang “Bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” at “Gagawin ng tao ang lahat para yumaman” ay masasamang panuntunan para mabuhay na nakaimpluwensya at naging likas sa akin. Inakala ko na hindi posibleng makaraos ako sa buhay kung hind ako mamumuhay ayon dito. Pero ang totoo, sa pamumuhay nang gayon, nakakuha lang ako ng personal na pakinabang at materyal na kasiyahan. Pero isang masamang paraan iyon ng pamumuhay, na walang anumang dangal. Nagalit at nagdamdam sa akin ang mga tao, at kinasuklaman at kinamuhian akong lalo ng Diyos. Inisip ko kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit(Mateo 18:3). At sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Iwaksi mo na sa lalong madaling panahon ang lahat ng iyong kaisipan at mga pagtataya at simulang seryosohin ang Aking mga hinihingi; kung hindi, gagawin Kong abo ang lahat ng tao nang sa gayon ay mawakasan na ang Aking gawain at, sa pinakamalala ay ipawalang-saysay ang Aking mga taon ng paggawa at pagdurusa, sapagkat hindi Ko madadala ang Aking mga kaaway at yaong mga tao na umaalingasaw sa kasamaan at may anyo ni Satanas sa Aking kaharian o dalhin sila sa susunod na kapanahunan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno). Ang Diyos ay banal at matuwid, at gusto Niyang maangkin ang matatapat na tao. Yaong mga laging nagsisinungaling at nanlilinlang, yaong may masasamang disposisyon, na likas na lumalaban sa Diyos at tumatangging magsisi ay lilipulin ng Diyos. Hinding-hindi sila makakapasok sa Kanyang kaharian. Kung hindi pa rin ako nagsisi, kundi patuloy na namuhay ayon sa mga pilosopiya at panuntunan ni Satanas, baluktot at gumagawa ng hindi makatarungan, aalisin ako sa huli. Habang nasasaisip iyan, agad akong nagdasal sa Diyos, “Makapangyarihang Diyos, naniniwala ako sa Iyo, pero wala Kang puwang sa puso ko. Namumuhay pa rin ako ayon sa mga panuntunan ni Satanas. Ayaw ko nang manlinlang. Gusto kong magsisi at maging matapat na tao.”

Minsan pagkatapos noon, may dinalang TV ang dalawang kabataan sa shop ko para ipakumpuni. Habang tinitingnan ko iyon, naulinigan ko sila na tahimik na nag-uusap sa labas mismo: “Kung alam lang natin na walang kuwenta ang lugar na iyon, hindi na sana tayo nagsayang ng dalawang araw. Tingnan natin kung kaya itong kumpunihin ng lalaking ito.” Nang marinig ko ito, naisip ko, “Mag-aagawan ang iba pang mga may-ari ng shop kung marinig nila iyan, kaya madali ko silang mahihingan ng ekstrang 20 o 30 yuan. Sayang naman kung hindi ko kukunin ang perang bumabagsak sa kandungan ko. Sa susunod na lang ako magiging matapat. Hindi naman magagalit ang Diyos kung ngayon lang ako magsisinungaling.” Pero naalala ko ang pasiya ko noon sa harap ng Diyos, at naisip ko ang Kanyang mga salita: “Kung hindi mahal ng isang tao ang katotohanan, at madalas nilang ginagawa ang mga bagay ayon sa sarili nilang kalooban, madalas silang magkakasala sa Diyos. Ang gayong mga tao ay karaniwang hindi sinasang-ayunan ng Diyos sa kanilang ginagawa, at kung hindi sila magsisisi, hindi malayong parusahan sila(“Ang Paghahanap sa Kalooban ng Diyos ay Alang-alang sa Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nadama ko na binabalaan ako noon ng Diyos. Hindi ako maaaring patuloy na gumawa ng mali. Kailangan kong magsisi at maging tapat na tao. Sa gayon, naningil lang ako ng regular na bayad matapos kong kumpunihin iyon. Nang makita ko ang masasayang ngiti sa mukha ng mga kostumer, nadama ko na ang pagiging matapat at walang bahid-dungis na tao ay pamumuhay nang malaya.

Sa isa pang pagkakataon nang kumpunihin ko ang TV ng isang ginang, ang siningil ko ay 50 yuan, pero binigyan niya ako ng 100 at ayaw nang magpasukli. Tumanggi ako, gayunma’y nagtaka ako. Bakit napakalaki niyang magbigay? Pagkatapos ay sinabi niya sa akin, “Sabi sa akin noong taong una kong pinuntahan sira na ang motherboard at naniningil ng 400 yuan para palitan iyon, pero hindi ako kumagat. Kalaunan ay inirekomenda ka sa akin ng isang kakilala ko, at sabi ay matapat ka raw at hindi ka sobrang maningil sa mga kostumer. Ngayo’y nakita kong totoo nga pala.” Nang marinig ko siyang sabihin ito, naisip ko, “Hindi naman sa mabuting tao tao, binago lang ako ng mga salita ng Diyos kaya naisasabuhay ko ang wangis ng tao.”

Nagbago rin ang pananaw ko tungkol sa mga bagay-bagay dahil sa mga salita ng Diyos at sa pagiging matapat na tao. Akala ko dati ay walang paraan para maging matapat na negosyante, na hindi ako kikita ng pera, at na malulugi ako at magsasara. Pero nang magsimula akong maging matapat ayon sa mga salita ng Diyos, hindi lang ako hindi nalugi, kundi dumami pa ang mga kostumer ko bawat araw. Galing pa sa malalayong lugar ang ilan, at sinasabi ng lahat na inirekomenda ako ng isang tao. Hindi pa ako nagpaanunsiyo kailanman sa anumang paraan o hiningan ng kostumer ang iba. Lahat ng iyon ay dahil isinagawa ko ang mga salita ng Diyos, dahil naging tapat ako at may integridad tulad ng hinihiling ng Diyos, na kumikita lang nang tapat, kaya ko nakuha ang tiwala ng mga kostumer. Pagpapala talaga ng Diyos iyon mula sa pagsasagawa ng katotohanan. Naisip ko tuloy ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag nabubuhay ang mga tao sa mundong ito, sa ilalim ng impluwensya ng katiwalian ni Satanas, imposible silang maging matapat; mas lalo lamang silang magiging mapanlinlang. Gayunman, maaari ba tayong mabuhay sa mundong ito o hindi kung magiging matapat tayo? Babalewalain ba tayo ng iba? Hindi; mabubuhay tayo tulad ng dati. Ito ay dahil hindi tayo umaasa sa panlilinlang para makakain o makahinga. Sa halip, nabubuhay tayo sa hininga at buhay na ipinagkaloob ng Diyos. Tinanggap lamang natin ang katotohanang salita ng Diyos at mayroon tayong mga bagong panuntunan kung paano mamuhay, at mga bagong mithiin sa buhay, na hahantong sa mga pagbabago sa pundasyon ng ating buhay; binabago lamang natin ang mga paraan at pamamaraan ng ating pamumuhay para mabigyang-kasiyahan natin ang Diyos at maghangad ng kaligtasan. Walang anumang kinalaman dito kung ano ang ating kinakain, ano ang ating isinusuot, o saan tayo nakatira; ito ang ating espirituwal na pangangailangan(“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply