Ang Karanasan sa Pagsasagawa ng Katotohanan
Di pa nagtatagal ang nakalipas, narinig ko ang “Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay”, na umakay sa aking maunawaan na yaon lamang mga nagsasagawa ng katotohanan ang maaaring magkamit ng katotohanan at sa dulo ay siyang magmay-ari ng katotohanan at pagkatao kaya nagtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Mula noon, sinadya ko nang pagsikapang talikdan ang aking laman at isagawa ang katotohanan sa araw-araw kong buhay. Ilang panahon pagkatapos noon, masaya kong natuklasan na maaari kong isagawa ang ilang katotohanan. Halimbawa, sa nakaraan natatakot akong ipakita sa iba ang madilim na bahagi ng sarili ko. Ngayon, sinasadya kong maging bukas sa aking mga kapatid, hinihimay ang aking masamang disposisyon. Noon, nang ako ay pinungos at pinakitunguhan, gagawa ako ng mga dahilan at iiwas sa pananagutan. Ngayon, gumawa ako ng kusang pagsisikap upang itatwa ang sarili ko sa halip na subuking bigyang-katwiran ang aking masamang asal. Sa nakaraan, kapag ako’y nakararanas ng pakikipag-alitan sa aking mga kapwa manggagawa, ako’y nagiging makitid mag-isip, mababaw, at matampuhin. Ngayon, kapag nakatagpo ako ng ganitong mga kalagayan, tatalikdan ko ang aking laman at gagamit ng pagpaparaya at pagpapaumanhin sa iba. … Sa tuwing naiisip ko ang aking pag-usad sa pagsasagawa ng katotohanan, nararamdaman ko ang matinding saya. Naisip ko na ang kakayahan kong magsagawa ng ilang katotohanan ay nangangahulugang ako ay isang tunay na tagapagsagawa ng katotohanan. Sa ganitong paraan, di ko namamalayang ako ay naging mapagmataas at mapagmapuri sa sarili.
Isang araw, nasumpungan ko ang sumusunod na mga salita ng Diyos: “May ilang mga tao ang nagsasabi: ‘Pakiramdam ko nakakayanan kong isagawa ang ilang katotohanan ngayon, hindi naman sa hindi ko naisasagawa ang anumang katotohanan. Sa ilang mga kapaligiran, nakakagawa ako ng mga bagay alinsunod sa katotohanan, na nangangahulugang ako ay naibibilang na isang tao na nagsasagawa ng katotohanan, at ako ay naibibilang na isang tao na nagtataglay ng katotohanan.’ Sa totoo lang, kasalungat ng mga katayuan sa nakaraan, o kasalungat noong ikaw ay unang naniwala sa Diyos, mayroong kaunting pagbabago. Sa nakaraan, wala kang naunawaang anuman, at hindi mo alam kung ano ang katotohanan o kung ano ang tiwaling disposisyon. Ngayon alam mo ang ilang mga bagay at ikaw ay nagkakaroon ng ilang mabubuting mga pagsasagawa, subali’t ito ay maliit na bahagi lamang ng pagbabago; ito ay hindi tunay na isang pagbabago ng iyong disposisyon, sapagka’t hindi mo kayang isakatuparan ang nauuna at malalim na mga katotohanan na kinapapalooban ng iyong kalikasan. Kasalungat sa iyong nakaraan, talagang mayroon kang kaunting pagbabago, nguni’t ang pagbabagong ito ay isang maliit na pagbabago lamang ng iyong pagkatao; kapag inihambing sa pinakamataas na estado ng katotohanan, ikaw ay malayo sa pamantayan. Ibig sabihin nito ay hindi mo natutumbok ang pamantayan kapag isinasagawa ang katotohanan” (“Pag-unawa sa Likas na Pagkatao ng Isang Tao at Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Matapos kong basahin ang mga salitang ito, hindi ko napigilang matulala. Ang lahat ng nagawa ko ay iilang mabuting mga gawi? Napakalayo ko pa sa tunay na pagsasagawa ng katotohanan? Kung gayon, naisip ko, ano ang ibig sabihin ng tunay na pagsasagawa ng katotohanan? Sinimulan kong maghanap ng tunay na sagot sa tanong na ito. Sa bandang huli, nabasa ko ang isang sermon na nagsasabing: “Yaong mga nagkukusang isagawa ang katotohanan ay makakaya ang halaga at kusang-loob na tatanggapin ang mga paghihirap na kaakibat. Maliwanag, ang kanilang puso ay puno ng kaligayahan at kasiyahan. Yaong mga kusang-loob na nagsasagawa ng katotohanan ay hindi kailanman dadaan lamang sa mga galaw dahil hindi nila ginagawa ito bilang palabas lamang. Ang konsensya at katuwiran nilang taglay bilang karaniwang mga tao ay pumipilit sa kanilang gawin ang kanilang bahagi bilang mga nilalang ng Diyos. Para sa kanila, ang pagsasagawa ng katotohanan ay siyang buod ng pagiging tao; ito ay ang katangiang dapat taglayin ninumang may normal na pagkatao” (Ang pagbabahagi Mula sa Itaas). Pagkatapos basahin ito, sa wakas ay naunawaan ko: Ang mga tunay na nagsasagawa ng katotohanan ay maaaring magsagawa ng katotohanan dahil nauunawaan nila ang layon sa paggawa nito. Alam nila na ang pagsasagawa ng katotohanan ay siyang ibig sabihin ng pagiging tao, isang katangian na dapat taglayin ng mga tao. Sa gayon, hindi nila ito ginagawa bilang palabas; nakikita nila ito bilang kanilang tungkulin. Payag silang magtiis ng mga paghihirap at magbayad; wala na silang pansariling mga layon at nais. Nguni’t paano ko isinasagawa ang katotohanan? Kapag ibinubunyag ko ang aking masasamang disposisyon, maaaring ako’y naging tahasan at ibinunyag ang mga ito sa aking mga kapatid, nguni’t sa puso ko ay iniisip ko: “Kita mo paano ko isinasagawa ang katotohanan? Nagagawa kong ilahad ang aking masasamang disposisyon. Ginagawa akong higit na mabuti kesa sa inyo, ha?” Nang ako’y pungusin at pakitunguhan, maaaring hindi ako nagsabi ng mga dahilan nang malakas, nguni’t sa loob ko ay sinasabi ko: “Kita mo? Hindi na ako gumagawa ng mga dahilan. Bumuti na ako nang husto. Malamang na karapat-dapat na akong maging isang taong handang tumanggap ng katotohanan ngayon, ha?” Kapag nakakaalitan ko ang aking mga kasamang manggagawa, maaaring sadya kong pinipigilan ang sarili at umiwas sa anumang mga pagbulalas, ngunit sa puso ko iniisip ko: “Kita mo? Hindi na ako tulad noon, mababaw at makitid ang isip. Nagbago na ako, ha?” … Kapag naiisip ko paano ko isinasagawa ang katotohanan, sa wakas ay natanto ko na hindi ko tunay na isinasagawa ang katotohanan. Puno ako ng sarili kong mga hangarin at mga kagustuhan. Ginagawa ko ito bilang palabas. Gusto kong hangaan ako ng ibang tao at purihin ako. Paano ko masasabing isinasagawa ko ang katotohanan dahil nauunawaan ko ang kahalagahan nito? Paano ko ginagawa ito upang bigyang-kasiyahan ang aking Diyos? Ginagawa ko ito para sa sarili kong kasiyahan at magpasikat sa iba. Nililinlang at dinadaya ko ang Diyos. Sa katunayan, pinagtataksilan ko ang katotohanan. Ang tinatawag na aking “pagsasagawa ng katotohanan” ay pagsunod lamang sa mga alituntunin. Ito ay isang paggamit ng hinahon, isang pagtigil ng ilang masamang mga gawi. Ito ay isang pagbabagong paimbabaw lamang. Ako ay naging at kasalukuyang malayo pa ring makatugon sa mga batayang kailangan sa isang nagsasagawa ng katotohanan. Gayunman, hindi lamang na walang-kahihiyang inisip ko na ako ay isang nagsasagawa ng katotohanan, ako rin ay naging mapagmapuri sa sarili bilang isang bunga. Ang ugali ko ay totoong lumampas na sa takda!
O Diyos, salamat sa Iyong kaliwanagan at paggabay. Salamat sa Iyo sa pagpapakita sa akin na ako ay hindi tunay na tagapagsagawa ng katotohanan at ang pagsasakatuparan ko ng katotohanan ay hindi sumasapat sa Iyong mga batayan. Mula sa araw na ito at sa hinaharap, nahahanda akong suriin ang aking sariling mga layunin at tangnan ang sarili ko sa mga panuntunanng kailangan upang isagawa ang katotohanan. Aalisin ko sa sarili ang mga karumihan at maging tunay na tagapagsagawa ng katotohanan.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.