Pagkilala sa Awtoridad at Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos sa Buhay

Mayo 13, 2021

Ni Xinxin, USA

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang kaalaman tungkol sa awtoridad ng Diyos, kapangyarihan ng Diyos, sariling pagkakakilanlan ng Diyos, at diwa ng Diyos ay hindi makakamit sa pamamagitan ng pag-asa sa iyong imahinasyon. Dahil hindi ka makakaasa sa imahinasyon para malaman ang awtoridad ng Diyos, kung gayon, sa anong paraan mo makakamit ang tunay na kaalaman tungkol sa awtoridad ng Diyos? Ang paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos, sa pamamagitan ng pagbabahagian, at sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos. Samakatuwid, magkakaroon ka ng unti-unting karanasan at pagpapatunay sa awtoridad ng Diyos at magtatamo ka ng paunti-unting pagkaunawa at nadaragdagang kaalaman tungkol rito. Ito lamang ang tanging paraan para makamit ang kaalaman tungkol sa awtoridad ng Diyos; walang mga madaliang paraan. Ang paghingi sa inyo na huwag itong ilarawan sa isip ay hindi katulad ng pagpapaubaya sa inyo na maupong walang ginagawa at maghintay ng pagkawasak, o pagpigil sa inyo sa paggawa ng anumang bagay. Ang hindi paggamit ng utak ninyo para mag-isip at maglarawan sa isip ay nangangahulugang hindi paggamit ng pangangatwiran para maghinuha, hindi paggamit ng kaalaman para magsuri, hindi paggamit sa siyensya bilang basehan, bagkus ay pagpapahalaga, pagpapatunay, at pagkumpirma na ang Diyos na iyong pinaniniwalaan ay may awtoridad, kinukumpirma na hawak Niya ng kataas-taasang kapangyarihan sa iyong kapalaran, at ang Kanyang kapangyarihan ay nagpapatunay sa lahat ng sandali na Siya ang tunay na Diyos Mismo, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, sa pamamagitan ng katotohanan, sa pamamagitan ng lahat ng bagay na hinaharap mo sa buhay. Ito ang tanging paraan para magkamit ang sinuman ng pagkaunawa sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Akala ko ang pagdanas ng isang mabigat na pangyayari o pagsaksi sa mga himala ang tanging paraan para malaman ang awtoridad ng Diyos. Napakalimitado ng pagkakaintindi ko sa awtoridad ng Diyos. Nalaman ko mula sa mga salita ng Diyos na ang pinakaimportante sa pagkilala sa Kanyang awtoridad ay ang pagdanas ng Kanyang mga salita sa pangkaraniwang buhay, at sa pagdanas ng Kanyang mga salita, makikita natin ang Kanyang awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Sa ganoong paraan tumitibay ang ating pananampalataya sa Diyos.

Noong nakaraang taon biglang pineste nang matindi ang halos ikaapat na bahagi ng ektarya ng mga kamatis na itinanim ng pamilya namin at kinain ng mga ito ang lahat—iyong bunga, mga bulaklak, at dahon. Talagang nag-alala ako kaya kinausap ko ang pamilya ko kung papaano namin maaalis ang mga ito. Sisirain ng mga pamatay-peste ang lupa at mag-iiwan ng mga carcinogen, at kahit na anong itanim namin doon ay magiging delikadong kainin. Sinubukan namin silang hulihin gamit ang mga kamay namin, pero sobrang bilis nilang dumami. Tatlo o apat na araw kaming nagtrabaho, pero hindi naman nabawasan ang mga ito. Mas dumami pa nga. Dali-dali akong sumubok ng ibang paraan para maalis ang mga ito. Kahit na nagdasal ako sa Diyos nang mangyari iyon, hindi ko naintindihan ang Kanyang awtoridad at panuntunan, kaya wala Siyang puwang sa puso ko. Hindi ko alam kung paano umasa sa Diyos at hanapin ang Kanyang kalooban. Hindi pa ako nakakita ng ganoong insekto dati, pero ilang dekada na akong nagtatanim at marami akong karanasan sa pagkokontrol ng peste. Naisip ko na malalagpasan ko ito kung patuloy ko itong pag-aaralan. Isa-isa kong sinubukan ang mga alam kong paraan, pero walang gumana sa anim o pitong paraan na sinubukan ko. Sa ilang dekada ko ng pagtatanim, hindi pa ako nakakita ng insekto na napakahirap tanggalin. Palagi kong nasosolusyonan ang mga peste noon, pero ngayon wala ni isa sa mga pinaghirapan kong paraan ang gumana. Kinalaunan, sinabi sa akin ng kaibigan ko na isang propesor sa pamantasan ng pagsasaka ang nagsabing magaling na pangontra sa peste ang neem oil kaya bumili agad ako, pero hindi rin gumana iyon. Wala na akong maisip na ideya at wala pa rin akong nahahanap na solusyon. Nang mga sumunod na araw ay kada umaga ko itong pinupuntahan at nakita ko ang lahat ng mga tanim kong kamatis na sinira ng mga insekto. Laging nalalagas iyong bulaklak noong iba, iyong dulo ng ibang dahon ay tuyot na, at iyong ibang bunga ay nabubulok na. Miserable ako. Araw-araw akong tinulungan ng mga kapatid na itanim ang mga kamatis na iyon. Ang dami nilang ginawa—pagbuo ng balag, paggupit, at pagtulos ng mga halaman, pero noong namumunga na ang mga kamatis at malapit na ang malaking anihan, biglang sumalakay ang mga insektong ito. Naisip ko na siguradong bagsak ang anihan nang taon na iyon. Noong nakita kong balot ng insekto ang mga pananim, hindi ko alam ang gagawin ko. Ang kapitbahay kong si Wang ay maraming karanasan sa pagtatanim at maraming alam tungkol sa mga peste, kaya naisip ko na baka matulungan niya ako. Tinanong ko siya, pero sabi niya, “Wala pa akong nakitang katulad nito sa tatlumpung taon kong pagtatanim. Nag-i-spray ako ng mga pamatay-peste tatlong beses sa isang araw at pinatay lang nito ang mga tanim kong kamatis, hindi ang mga insekto.” Kaawa-awang sinabi ng isa ko pang kabitbahay na si Zhang, “Tatlo o apat nang pamatay-peste ang pinaghalu-halo ko pero wala pa ring makapatay sa kanila!” Nawalan ako ng pag-asa nang marinig ko iyon. Isa itong salot, at wala nang paraan para maalis ang mga ito. Parang ang lahat ng tanim kong kamatis ay masisira na. Pakiramdam ko’y wala na akong magagawa, kaya nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko! Hindi ko na alam ang gagawin sa nangyayaring ito. Wala na akong maisip na paraan. Pakiusap, liwanagan at gabayan Mo ako para malaman ko kung papaano ko haharapin ito at anong aral ang dapat kong matutunan.”

Nabasa ko minsan ang mga salitang ito ng Diyos sa isang pagtitipon: “Sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at kontrol ng Diyos, lahat ng bagay ay nalilikha o naglalaho ayon sa Kanyang mga saloobin; lumilitaw ang mga batas na namamahala sa pag-iral ng mga ito, at lumalago at dumarami ang mga ito sa pagtalima sa mga batas na ito. Walang tao o bagay na hindi saklaw ng mga batas na ito. Bakit ganito? Ang tanging sagot ay ito: Ito ay dahil sa awtoridad ng Diyos. O, sa ibang salita, ito ay dahil sa mga saloobin ng Diyos at mga salita ng Diyos; dahil sa mga pansariling kilos ng Diyos Mismo. Nangangahulugan ito na ang awtoridad ng Diyos at isip ng Diyos ang pinagmumulan ng mga batas na ito na nag-iiba at nagbabago sang-ayon sa Kanyang mga saloobin, at ang mga pag-iiba at mga pagbabagong ito ay nagaganap o lumilipas na lahat alang-alang sa Kanyang plano. Gamiting halimbawa ang mga epidemya. Kumakalat ang mga ito nang walang babala. Walang sinumang nakaaalam sa mga pinagmulan ng mga ito o sa tiyak na dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito, at tuwing umaabot ang isang epidemya sa isang partikular na lugar, ang mga tiyak na mapapahamak ay hindi makatatakas sa sakuna. Nauunawaan ng agham ng tao na ang epidemya ay idinudulot ng paglaganap ng mga mabagsik at nakapipinsalang mikrobyo, at ang bilis, saklaw at paraan ng pagkalat ng mga ito ay hindi nahuhulaan o nakokontrol ng agham ng tao. Bagama’t nilalabanan ng mga tao ang mga epidemya sa pamamagitan ng lahat ng posibleng paraan, hindi nila mapipigil kung aling mga tao o hayop ang di-maiiwasang maapektuhan kapag lumaganap ang mga epidemya. Ang tanging magagawa ng mga tao ay ang subukang hadlangan, labanan, at saliksikin ang mga ito. Subalit walang nakaaalam sa mga ugat na sanhi na magpapaliwanag sa simula o katapusan ng anumang epidemya, at walang sinumang makapipigil sa mga ito. Sa harap ng paglitaw at paglaganap ng isang epidemya, ang unang hakbang na isinasagawa ng mga tao ay ang gumawa ng isang bakuna, ngunit kadalasang kusang nawawala ang epidemya bago pa maging handa ang bakuna. Bakit nawawala ang mga epidemya? Sinasabi ng ilan na nakontrol na ang mga mikrobyo, samantalang sinasabi ng iba na namatay ang mga ito dahil sa pagbabago ng panahon…. Kung mapaninindigan man ang mga ligaw na haka-hakang ito, ang agham ay hindi makapaghain ng paliwanag at hindi makapagbigay ng tiyak na sagot. Hindi dapat maniwala ang sangkatauhan sa mga haka-hakang ito, gayundin sa kawalan ng pagkaunawa at takot sa mga epidemya ng sangkatauhan. Sa huling pagsusuri, walang sinumang nakaaalam kung bakit nagsisimula ang mga epidemya o kung bakit natatapos ang mga ito. Sapagkat nananalig lamang ang sangkatauhan sa agham, ganap na umaasa rito, at hindi kinikilala ang awtoridad ng Lumikha o tinatanggap ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, kailanman ay wala silang matatamong sagot(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Ang Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay. Ang lahat ay nasa Kanyang mga kamay. Malaki man o maliit, nakikita o hindi, buhay man o patay, ang lahat ay umiiral o nawawala sa oras na magbago ang kalooban ng Diyos. Ang lahat ng kalamidad ay nasa pamamahala ng Diyos. Hindi alam ng mga tao kung saan nanggagaling ang mga salot at peste o kung paano maiiwasan ang mga ito. Hindi natin alam kung kailan sila mawawala. Ang lahat ng ito ay nasa pamamahala ng Diyos. Pero hindi ko talaga naintindihan ang awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kaya noong pineste ang mga tanim kong kamatis hindi ako agad lumapit sa Diyos para humingi at umasa sa Kanya, sa halip ay sinubukan kong maghanap ng solusyon sa sarili kong pamamaraan. Walang nangyari doon, pero hindi pa rin ako lumapit sa Diyos o umasa sa Kanya. Nawalan ako ng pag-asa at wala akong magawa nang malaman kong kahit ang mga pamatay-peste ay hindi gumagana. May tiwala ako sa Diyos at nagdasal ako sa Kanya, pero wala Siyang puwang sa puso ko. Akala ko kaya kong alisin ang mga insektong ito nang mag-isa. Napakamapagmataas at ignorante ko. Tapos napagtanto ko na ang Diyos ang nagpapasya kung kailan sila lalabas at kailan sila aalis. Wala tayong magagawa roon. Hindi ko pa rin naintindihan kung ano’ng kalooban ng Diyos sa pagsalakay ng pesteng iyon pero alam ko na kailangan ko lang gawin ang parte ko at ipagpasa-Diyos na lang ang mga insekto. Kailangan kong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Ang pagkaunawang iyon ay nagdala sa akin ng kapayapaan. Nagdasal ako sa Panginoon, handa nang magpasakop at maranasan ang Kanyang isinaayos.

Pumunta ako sa bukid makalipas ang ilang araw at marami akong nakitang mga sapot ng gagamba sa mga tanim kong kamatis. Inisip ko kung saan sila nanggaling. Tiningnan ko ito nang mabuti at nakita kong may mga maliliit na gamu-gamo sa sapot, naalala ko na gustong kainin ito ng mga gagamba. Kapag walang gamu-gamo, hindi na magkakaroon ng itlog, at mababawasan na ang mga insekto. Napagtanto kong mas kakaunti na ang mga insekto kumpara noong nakaraang dalawang araw. Alam kong ang Diyos ang may gawa noon, dinala niya ang mga gagamba para kainin ang mga insekto. Labis-labis ang pasasalamat ko sa Diyos! Makalipas ang pito o walong araw, nakita ko na wala nang mga insekto sa mga bunga, tangkay, bulaklak, at dahon ng tanim kong kamatis. Masayang-masaya ako. Hindi ko naisip na sa loob lang ng ilang araw makakain ng mga gagamba ang lahat ng insektong iyon. Napakamakapangyarihan talaga ng Diyos! Kung hindi ko nakita iyon gamit ang sarili kong mga mga mata, hindi ako maniniwalang totoo iyon. Punong-puno ako ng pasasalamat at papuri sa Diyos. Ang mga taong hindi naniniwala ay hindi naiintindihan ang pamamahala at awtoridad ng Diyos. Sa siyensya lamang sila naniniwala at dumedepende para malaman at maiwasan ang mga kalamidad pero hindi nila lubusang naiintindihan ang mga ito. Wala silang maaasahan, wala silang magagawa sa oras ng kalamidad, kaya ang kanilang mga pananim ay lubhang nagdurusa. Pero noong lumapit ako sa Diyos, handa nang magpasakop at umasa sa Kanya, ginamit Niya ang mga hamak na gagambang ito para kainin ang lahat ng mga insekto, walang hirap nitong sinolusyunan ang salot. Ito ang nagpakita sa akin na pinamamahalaan at pinakikilos ng Diyos ang lahat. Napakatalino Niya at makapangyarihan! Noong oras na para mahinog ang mga kamatis, akala ko magiging pangit ang ani noon dahil sa mga peste, pero nagulat ako dahil ang laki ng naging ani. Kamangha-mangha ang paraan ng Diyos! Tulad lang ito ng sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Kanyang mga gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Bawat isa sa mga batas at tuntunin na ito ay sagisag ng Kanyang mga gawa, at bawat isa ay naghahayag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang hindi magpapasaklaw ng kanilang sarili sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan? At sino ang hindi magpapasakop ng kanilang sarili sa Kanyang mga plano? Lahat ng bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at bukod pa rito, lahat ng bagay ay nabubuhay sa ilalim ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Ang Kanyang mga gawa at Kanyang kapangyarihan ay nag-iiwan sa sangkatauhan na walang pagpipilian kundi kilalanin ang katunayan na Siya ay totoong umiiral at nagtataglay ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Dahil dito, talagang naranasan ko na ang awtoridad at karunungan ng Diyos ay nasa lahat ng dako. Ang klima, araw, at ulan ay pinamamahalaan ng Diyos pati na ang bawat uri ng insekto. Walang sinumang nilikha ang may kakayahang kontrolin ang alin man sa mga iyon. Sa bawat detalye ng nilikha ng Diyos at pamamahala sa lahat ng bagay, makikita talaga natin ang Kanyang kakaibang awtoridad. Napakarunong at makapangyarihan Niya! Sabi ko sa sarili ko na kahit ano’ng mangyari sa hinaharap, kailangan kong magtiwala sa Diyos at intindihing mabuti ang Kanyang mga gawa.

Makalipas ang dalawang buwan nagtanim kami ng isang kumpol ng amaranth, at pagkalipas ng ilang linggo ay may green patch na lumabas. Naisip ko na magkakaroon kami ng magandang ani. Pero isang umaga, sinabi sa akin ng asawa ko na may mga uod ng diamondback moth sa mga halaman at sinabihan niya akong ayusin ito. Nang marinig ko iyon ay natakot ako. Ang mga uod na iyon ay mahirap hulihin at mabilis silang dumami. Lumalaki sila sa loob lang ng isa o dalawang araw. Lumaki na sila dati sa ibang mga tanim namin na melon noon at mahigit isang dosenang paraan na ang sinubukan ko, pero walang gumana. Kinain nila ang lahat ng aming mga gulay sa loob lang ng ilang araw at ang lumalago naming mga tanim ay nasayang. Bahagya akong nag-alala, inisip ko kung kakainin nila ang lahat ng tanim naming amaranth sa loob ng ilang araw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagdasal agad ako sa Diyos at humingi ng gabay para maintindihan ko ang Kanyang kalooban.

Kinalaunan ay nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Si Job ay nagtaglay at naghanap ng mga bagay na ito kahit nang hindi nakikita ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos; bagaman hindi niya kailanman nakita ang Diyos, naintindihan niya kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, at naintindihan din niya ang karunungan na pinapairal ng Diyos. Kahit hindi niya kailanman narinig ang mga salita na sinabi ng Diyos, alam ni Job na ang mga gawa ng paggantimpala sa tao at pagbawi mula sa tao ay nanggagaling lahat sa Diyos. Bagama’t ang mga taon ng kanyang buhay ay hindi naiiba sa buhay ng mga pangkaraniwang tao, hindi niya hinayaan ang pagiging pangkaraniwan ng kanyang buhay na maapektuhan ang kanyang kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, o maapektuhan ang kanyang pagsunod sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Sa kanyang mga mata, ang mga batas ng lahat ng bagay ay puno ng mga gawa ng Diyos, at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay maaaring makita sa anumang bahagi ng buhay ng isang tao. Hindi niya nakita ang Diyos, ngunit nagawa niyang maunawaan na ang mga gawa ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at sa kanyang pangkaraniwang panahon sa lupa, sa bawat sulok ng kanyang buhay, nagawa niyang makita at maunawaan ang pambihira at kahanga-hangang mga gawa ng Diyos, at nagawa niyang makita ang nakamamanghang mga pagsasaayos ng Diyos. Ang pagkakatago at katahimikan ng Diyos ay hindi humadlang sa pagkaunawa ni Job sa mga gawa ng Diyos, at hindi rin nito naapektuhan ang kanyang kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang kanyang buong buhay ang naging katuparan ng dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, na nakatago sa gitna ng lahat ng bagay. Sa kanyang araw-araw na buhay narinig din niya at naintindihan ang tinig ng puso ng Diyos, at ang mga salita ng Diyos, na tahimik sa gitna ng lahat ng bagay, subalit nagpapahayag ng tinig ng Kanyang puso at ng Kanyang mga salita sa pamamagitan ng pamamahala sa mga kautusan sa lahat ng bagay. Kung gayon, nakikita mo na kung ang mga tao ay may pagkatao at paghahangad na katulad ng kay Job, maaari nilang makamit ang pagkaunawa at kaalaman na tulad ng kay Job, at maaari nilang makuha ang pagkaunawa at kaalaman tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, gaya ng nakuha ni Job(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Nalaman ko sa mga salita ng Diyos na pinagtuunan ni Job sa kanyang pang-araw-araw na buhay ang pag-intindi sa awtoridad ng Diyos at pagdanas sa pamamahala at kapangyarihan ng Diyos sa lahat. Sa pamamagitan nito, nalaman niya na ang lahat ay nagmumula sa Diyos, at pinamamahalaan at kinokontrol Niya ang lahat ng bagay at ang kapalaran ng sangkatauhan. Walang dudang nalaman ni Job na nakuha niya ang lahat ng kayamanang iyon dahil sa biyaya at pamamahala ng Diyos at hindi dahil sa kanyang kasipagan. Nang mawala sa kanya ang kanyang kayamanan, naniwala rin siyang ganap itong pinahintulutan ng Diyos. Ano man ang ibinibigay at kinukuha ay pinamamahalaan at pinagpapasyahan ng Diyos. Kaya hindi siya nagreklamo, sa halip ay pinuri niya ang Diyos. Pero kapag may nangyayari na mahirap o hindi ko gusto, hindi ko magawang tanggapin ito at magpasakop sa Diyos. Nalaman ko na walang lugar ang Diyos sa puso ko at kulang ako sa pananampalataya. Nakaramdam ako ng hiya dahil dito at naintindihan ko na pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang lahat ng ito. Gusto ng Diyos na malaman ko ang Kanyang kapangyarihan at pamamahala at tunay na magpasakop sa Kanya sa pang-araw-araw kong buhay. Kung maaalis man namin ang mga insekto at kung ano man ang mangyayari sa amaranth ay pawang nasa kamay ng Diyos. Tulad na lang ng lumang kasabihan, “Tao ang nagtatanim ng buto, nguni’t Langit ang nagpapasya sa ani.” Alam kong dapat kong pabayaang mangyari ang mangyayari, matutuhan na hanapin ang kalooban ng Diyos, at magpasakop sa Kanyang pagsasaayos. Gumaan ang pakiramdam ko sa isiping iyon at taimtim akong nagdasal sa Diyos, “O Diyos ko, naniniwala akong kung ano man ang mangyayari sa amaranth ay nasa Inyo nang mga kamay. Bibitiwan ko ang aking mga plano at pag-aalala, daranasin ko ang Iyong mga salita sa kapaligirang ito at susundin Kita.” Pagkatapos noon, may ilang bagay kaming sinubukan para maalis ang uod, pero walang gumana. Pero kalmado ako. Alam kong ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at kahit na hindi kami magkaroon ng magandang anihan, kalooban iyon ng Diyos. Nagpasakop ako sa Kanyang pagsasaayos. Makalipas ang ilang araw ay pumunta ako sa taniman ng gulay kung saan nakita ko ang ilang kawan ng mga maya na kinakain ang mga insekto sa amaranth. Namangha akong makita na nagbubukas muli ang Diyos ng isang landas para sa akin at nilulutas ang problemang hindi ko malutas nang mag-isa. Napakalaki ng pasasalamat ko sa Diyos! Pagkalipas pa ng dalawang araw, ang lahat ng uod ay nakain na ng mga maya. Napakasaya namin, at paulit-ulit kaming nagpasalamat at pinuri ang Diyos. Talagang napakamakapangyarihan ng Diyos!

Kinalunan, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan para mabalanse ang mga ito, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay ng mga kabundukan at mga lawa, ng mga halaman at ng lahat ng uri ng mga hayop, ibon, at insekto. Ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang na mabuhay at magparami sa ilalim ng mga batas na Kanyang itinatag. Walang isa mang bagay na nilikha ang makakalabag sa mga batas na ito, at hindi maaaring labagin ang mga batas. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran na maaaring ligtas na makapanatiling buhay at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX). Nalaman ko mula sa mga salita ng Diyos na noong nilikha Niya ang lahat ng bagay, binalanse Niya ang kundisyon ng kanilang pamumuhay sa lahat ng pamamaraan para ang bawat bagay na may buhay na nasa Kanyang pamamahala ay namumuhay at nagpaparami sa maayos na paraan, sinusuportahan at binabalanse ang isa’t isa, tulad ng napagpasyahan ng Diyos. Walang pwedeng sumuway sa mga alituntuning ito na ginawa ng Diyos. Ginawa ng Diyos ang lahat ng hayop, halaman, at insekto para maging balanse ang ekolohiya para protektahan ang ating kapaligiran at magbigay ng kaayusan. Kung wala ang mga pagsasaayos na ito ng Diyos, kung wala ang mga alituntuning Kanyang itinakda, ang mga hayop at insekto ay magkakagulo at guguluhin noon ang ating buhay. Hindi tayo mabubuhay. Metikuloso ang mga pagsasaalang-alang ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay naghahayag ng Kanyang dakilang kapangyarihan, karunungan, at pagiging kamangha-mangha at higit pa roon, ng Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan. Akala namin, walang solusyon sa mga insekto na nasa aming mga tanim, pero ginamit ng Diyos ang mga maya at gagamba para kainin ang mga ito para matamasa namin ang pagkaing ibinigay ng Diyos para sa amin. Ang lahat ng ginawa ng Diyos ay mayroong layunin, kahit na ang mga simpleng gagamba at maya ay mayroong sariling misyon. Ginagamit sila ng Diyos para balansehin ang kapaligiran. Ginagawa ng Diyos na konektado ang lahat ng bagay. Para mas maayos tayong makapamuhay.

Kalaunan, may mga maliliit at kulay itim na insekto at kulisap kaming nakita sa ibang mga gulay na itinatim namin. Nagdasal ako sa Diyos at naisip ko ang mga palaka na likas na kalaban ng mga kulisap na iyon. Nagpakawala kami ng limang palaka sa bukid at sa loob lang ng dalawang buwan, dumami sila ng halos tatlumpu. Kumonti nang kumonti ang mga kulisap at nagkaroon kami ng magandang ani. Sobra akong nagpasalamat sa Diyos dahil dito. Naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Bagama’t ang pariralang ‘awtoridad ng Diyos’ ay tila hindi maarok, hindi naman mahirap unawain ang awtoridad ng Diyos. Kasa-kasama Siya ng tao sa bawat minuto ng buhay nito at ginagabayan ito sa araw-araw. Kaya, sa tunay na buhay, tiyak na makikita at mararanasan ng bawat tao ang pinakakonkretong aspeto ng awtoridad ng Diyos. Ang konkretong aspetong ito ay sapat nang katibayan na tunay na umiiral ang awtoridad ng Diyos, at ganap nitong pinahihintulutan ang tao na makilala at maunawaan ang katotohanan na ang Diyos ay nag-aangkin ng ganitong awtoridad(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Akala ko dati, kailangan kong dumanas ng mabibigat na pangyayari para maintindihan ang awtoridad ng Diyos kaya hindi ko binigyang-pansin na maranasan ito sa maliliit na bagay sa pang-araw-araw na buhay. Pagkatapos noon, nalaman ko na ang awtoridad ng Diyos ay hindi kasinghirap na maintindihan katulad ng iniisip ko. Ang kanyang awtoridad at kapangyarhihan ay palaging nariyan at kasama natin sila sa ating pang-araw-araw na buhay. Malaki man ito o maliit, hangga’t pinagtutuunan nating maranasan ang mga salita ng Diyos, makikita natin ang Kanyang awtoridad.

Sa loob ng mga nakaraang buwan noong hinaharap ko iyong mga salot na iyon, ang alam ko lang noong una ay dumepende sa mga karanasan at kaalaman ko na ayon sa siyensya, pero wala namang naitulong iyon. Nang nagpasakop ako sa Diyos at naranasan ko ang Kanyang mga salita, nakita ko ang Kanyang mga gawa at nagkamit ako ng praktikal na pagkaunawa sa awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Tumibay rin ang pananampalataya ko sa Diyos. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Walang Hanggang Pagdurusa

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lahat ng kaluluwang ginawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng nasasakupan ni Satanas....