Ang mga Kahihinatnan ng Hindi Paghahangad ng Buhay Pagpasok

Abril 25, 2024

Ni Han Qing, Tsina

Noong Setyembre ng 2023, inaresto ng mga pulis ang sister na katuwang ko. Nang panahong iyon ay lider ako ng isang iglesia, at nang nakita kong namumuhay sa takot ang mga kapatid at na kailangan nila ng tulong at suporta, at na ang gawain ng pag-aasikaso sa naging epekto ng pang-aaresto ay talagang nangangailangan na mapangasiwaan, sobra akong nabalisa, at nagsimula akong maging sobrang abala sa paglilipat ng mga aklat, sa pakikipagbahaginan at sa paglutas sa mga kalagayan ng mga kapatid, at sa pagdidilig at pagsuporta sa mga baguhan. Noong panahong iyon, araw-araw ay lumalabas na ako bago magbukang-liwayway, at gabi-gabi akong nagpupuyat. Kahit na madalas akong nakakaramdam ng sobrang pagod, kapag nakikita kong bumubuti ang kalagayan ng mga kapatid kaya nagagawa na nila nang normal ang kanilang mga tungkulin, at maayos na nalilipat ang mga aklat sa ligtas na bahay, masayang-masaya ako, at naisip ko, “Sa gayong mga mapanganib na sitwasyon, napapangasiwaan ko nang maayos ang mga bagay-bagay, at walang anumang dinanas na kawalan ang gawain ng iglesia. Kung patuloy akong makikipagtulungan sa ganitong paraan, tiyak na matatanggap ko ang pagliligtas ng Diyos sa huli.” Nang maisip ko ito, mas masigasig kong ginawa ang tungkulin ko. Pagkagising ko tuwing umaga ay dumidiretso na ako sa pagtitipon at para isakatuparan ang gawain, pero kung naaayon ba sa mga prinsipyo ang gawaing ginagawa ko, halos hindi ko iyon pinagninilay-nilayan. Kahit na nagbigay ako ng kaunting oras para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, palagi kong iniisip kung aling sipi ng mga salita ng Diyos ang makalulutas sa mga kalagayan ng mga kapatid, at napakadalang kong ikumpara ang mga salita ng Diyos sa aking kalagayan. Minsan, napagtanto kong pinagtuunan ko lang ang paggawa sa gawain, at napakadalang kong hinahanap ang katotohanan at pinagninilayan ang aking sarili; pero kapag nakikita ko ang pag-usad sa gawain, pakiramdam ko ay hindi mahalaga kung kaunti lang ang kinain at ininom ko sa mga salita ng Diyos o kung hindi ko hinanap ang katotohanan; hangga’t ginawa ko nang maayos ang gawain, sapat na iyon. Bukod doon, napakarami pa ring kailangang gawin na gawain ng iglesia, kaya patuloy akong nagpakaabala sa mga gawain.

Kalaunan, napili ang isang sister para maging katuwang ko. Dahil bago siya sa ilang gawin, maraming gawain na ako lang ang gumawa. Kapag oras na para talakayin ang gawain, napansin kong hindi nagkukusa ang sister, kaya nagkaroon ako ng negatibong opinyon sa kanya, at malupit ang tono ko sa pakikipag-usap sa kanya. Napansin ko kung gaano ko siya nalilimitahan, at hindi ko pinagnilayan ang sarili ko. Naniwala akong hindi ito isang malubhang problema, at na hindi nito maaantala ang paggawa ko sa aking tungkulin. Napakarami ko pang gawain na dapat asikasuhin; paano pa ako makakahanap ng oras para hanapin ang katotohanan at lutasin ang kalagayan ko? Paano kung maglaan ako ng oras para dito at maantala ang gawain? Ang pagtupad sa aking tungkulin at pagkamit ng mga resulta ang pinakamahalaga. Kalaunan, patuloy akong nagpakaabala sa gawain. Isang araw, tinatalakay ko ang gawain sa dalawang diyakono. Pareho silang matagal bago magsalita, at hindi nila aktibong ipinahahayag ang opinyon nila, kaya medyo nabalisa ako: “Kung hindi ninyo ipapahayag ang pananaw ninyo habang tinatalakay ang gawain, makakatulong ba iyon?” Pinagsabihan ko sila, “Mga brother, kung palagi kayong hindi magpapahayag ng mga pananaw ninyo, paano natin tatalakayin ang gawaing ito?” Nang matapos ako, napayuko ang isa sa mga brother at mukhang nahihiya. Maraming gayong katulad na sitwasyon ang nangyari noong panahong iyon. Sa sandaling makita kong hindi ipinahahayag ng mga brother ang pananaw nila, hinahamak ko sila. May isang kapatid na nakakaramdam ng pagiging medyo negatibo at sinabi na, “Matanda na ako at mabagal ang kilos ko—hindi ko na kayang makipagsabayan sa iyo, at hindi ko kayang tuparin nang maayos ang tungkuling ito.” Sa realidad, alam kong bago ang mga brother sa tungkuling ito, at normal lang na hindi nila maunawaan o magawa ito. Hinikayat at tinulungan ko dapat sila. Subalit hindi ko naisip na napakalaking problema na sabihin ang ginawa ko: Hindi ko naman sila hinihingan nang sobra, gusto ko lang sana na maging mas maagap pa sila nang kaunti sa paggawa sa kanilang tungkulin. Kaya hindi ko masyadong pinagtuunan ang paglutas dito. Inisip ko, “Hindi magbabago sa isang iglap ang tiwaling disposisyon ng isang tao. Dapat ko nang lutasin ang mga problema sa gawain habang may panahon pa ako. Kung hindi ko gagawin ang gawain, paano ako magkakamit ng mga resulta?” Dahil tinatapos ko lang ang mga gawain, at hindi ko kailanman pinagtuunan ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos at paghahanap sa katotohanan, o ang pagkatuto ng mga aral mula sa mga nangyayari, naging hungkag ang pakiramdam ng kalooban ko. Minsan, isang nanganganib na pamilya ang isinaayos ko na mag-ingat sa mga aklat ng mga salita ng Diyos, at nang malaman iyon ng nakatataas na lider, pinungusan niya ako dahil hindi ko ginawa ang mga bagay nang ayon sa mga prinsipyo. Pakiramdam ko ay naagrabyado ako kaya patuloy akong nakipagtalo at nakipaglaban. Nang makita ng lider na hindi ko ito tatanggapin, sinabi niya, “Abalang-abala kang gumagawa ng maraming bagay, pero ginagawa mo ang mga bagay nang walang mga prinsipyo, lagi kang kumikilos ayon sa kalooban at karanasan mo—mapipinsala nito ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Gayundin, kapag pinupungusan ka, wala kang saloobin ng pagpapasakop at paghahanap, at hindi ka nagninilay-nilay sa sarili. Makakausad ka ba nang ganyan?” Kalaunan, pinagnilay-nilayan ko ang sarili kong pagganap, at napagtanto kong lagi kong pinagtutuunan ang pagpapakaabala at paggawa sa gawain—wala talaga akong masasabing kahit na anong buhay pagpasok. Lumapit ako sa Diyos sa panalangin, at hiniling ko sa Diyos na akayin ako na malaman at lutasin ang mga isyu ko.

Habang naghahanap ako, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Walang ginawang gawain ang Diyos sa panahon ng mga huling araw na walang kaugnayan sa Kanyang mga salita, nagsalita Siya sa buong panahon, gumamit ng mga salita sa buong panahon para gabayan ang tao hanggang sa kasalukuyan. Siyempre, habang nagsasalita, gumamit din ng mga salita ang Diyos para panatilihin ang Kanyang kaugnayan sa mga sumusunod sa Kanya, gumamit Siya ng mga salita para gabayan sila, at napakahalaga ng mga salitang ito para sa mga nagnanais na maligtas, o sa mga ninanais ng Diyos na maligtas, gagamitin ng Diyos ang mga salitang ito para magawa ang katunayan ng kaligtasan ng sangkatauhan. Maliwanag naman na kahit tingnan pa sa aspeto ng kanilang nilalaman o sa dami ng mga ito, kahit anong uri pa ito ng mga salita, at kahit anong bahagi pa ng mga salita ng Diyos ang mga ito, napakahalaga ng mga ito sa bawat taong nagnanais na maligtas. Ginagamit ng Diyos ang mga salitang ito para makamit ang pinakamahalagang epekto ng Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala. Para sa sangkatauhan—sa sangkatauhan man ng kasalukuyan o ng hinaharap—ay napakahalaga ng mga ito. Gayon ang saloobin ng Diyos, gayon ang layon at kahalagahan ng Kanyang mga salita. Kaya ano ang dapat gawin ng sangkatauhan? Dapat makipagtulungan ang sangkatauhan sa mga salita at sa gawain ng Diyos, at huwag balewalain ang mga ito. Pero hindi ganoon ang paraan ng pananalig ng ilang tao sa Diyos: Kahit ano pa ang sabihin ng Diyos, para bang walang kinalaman sa kanila ang mga salita ng Diyos. Hinahangad pa rin nila kung ano ang gusto nila, ginagawa kung ano ang gusto nila, at hindi hinahanap ang katotohanan batay sa mga salita ng Diyos. Hindi ganito ang pagdanas sa gawain ng Diyos. May iba na hindi nakikinig kahit ano pa ang sabihin ng Diyos, na may iisang paninindigan lamang sa kanilang puso: ‘Gagawin ko ang anumang hinihingi ng Diyos, kung sinasabi ng Diyos na pumunta ako sa kanluran, pupunta ako sa kanluran, kung sinasabi Niyang pumunta ako sa silangan, pupunta ako sa silangan, kung sinasabi Niya na mamatay ako, ipapakita ko sa Kanya ang pagkamatay ko.’ May isa nga lang problema: Hindi nila nauunawaan ang mga salita ng Diyos. Iniisip nila, ‘Napakarami ng mga salita ng Diyos, dapat mas madaling unawain ang mga ito, at dapat sabihin ng mga ito sa akin kung ano ang eksaktong dapat gawin. Magagawa kong sundin ang Diyos sa puso ko.’ Kahit gaano pa karaming salita ang sabihin ng Diyos, sadyang nananatiling walang kakayahan ang gayong mga tao na maunawaan ang katotohanan, ni hindi sila makapagsalita tungkol sa kanilang mga karanasan at kaalaman. Para silang mga karaniwang tao na walang kahit anong nauunawaan tungkol sa mga espirituwal na bagay. Sa tingin ba ninyo ay mahal ng Diyos ang gayong mga tao? Nais ba ng Diyos na maging maawain sa gayong mga tao? (Hindi.) Siguradong ayaw Niya. Ayaw ng Diyos sa gayong mga tao. Sinasabi ng Diyos, ‘Nagsalita na Ako ng libu-libong salita na hindi pa nasasabi. Paanong, gaya ng isang bulag at bingi, hindi mo pa nakita ni narinig ang mga ito? Ano ba talaga ang iniisip mo sa iyong puso? Nakikita kita bilang isang taong labis lamang na naghahangad sa mga pagpapala at sa magandang hantungan—hinahangad mo ang mga layon na katulad ng kay Pablo. Kung ayaw mong makinig sa Aking mga salita, kung hindi mo nais sumunod sa Aking daan, bakit ka sumasampalataya sa Diyos? Hindi kaligtasan ang habol mo, ang habol mo ay ang magandang hantungan at ang paghahangad para sa mga pagpapala. At dahil ito ang binabalak mo, ang pinakaangkop para sa iyo ay ang maging tagapagsilbi.’ Sa katunayan, ang pagiging tapat na tagapagsilbi ay pagpapamalas din ng pagsunod sa Diyos, pero ito ang pinakamababang pamantayan. Ang pamamalagi bilang tapat na tagapagsilbi ay mas mainam kaysa sa malugmok sa kapahamakan at pagkawasak gaya ng isang hindi mananampalataya. Lalo na’t kailangan ng sambahayan ng Diyos ng mga tagapagsilbi, at ang makapagserbisyo sa Diyos ay itinuturing din bilang isang pagpapala. Mas mabuti ito—hindi hamak na mas mabuti—kaysa maging alipores ng mga haring diyablo. Subalit hindi ganap na nakalulugod sa Diyos ang pagseserbisyo sa Diyos, dahil ang gawain ng paghatol ng Diyos ay para iligtas, linisin, at gawing perpekto ang mga tao. Kung kontento na ang tao sa pagseserbisyo lamang sa Diyos, hindi ito ang layuning nais makamit ng Diyos sa paggawa sa mga tao, ni hindi ito ang epektong nais makita ng Diyos. Pero matindi ang pagnanais ng mga tao, mga hangal at bulag sila: Nagayuma, nilamon sila ng ilang maliit na pakinabang, at binabalewala nila ang mahahalagang salita ng buhay na sinambit ng Diyos. Ni hindi nila sineseryoso ang mga ito, lalong hindi pinapahalagahan ang mga ito. Ang hindi pagbabasa ng mga salita ng Diyos o ang hindi pagpapahalaga sa katotohanan: matalino ba ito o hangal? Makakamit ba ng mga tao ang kaligtasan sa ganitong paraan? Dapat maunawaan ng mga tao ang lahat ng ito. May pag-asa lang sila sa kaligtasan kung isasantabi nila ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon at tututok sa paghahangad sa katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananalig sa Diyos). Inilalantad ng Diyos na pinagtutuunan lamang ng mga tao ang mga panlabas na kilos. Paano man magbahagi ang Diyos, palagi silang may saloobing hindi interesado sa mga salita ng Diyos, at hindi nila pinagtutuunan ang pagkain at pag-inom sa Kanyang mga salita, o ang paghahanap sa katotohanan sa Kanyang mga salita. Ang pananalig sa Diyos sa ganitong paraan ay hindi talaga pagdanas sa gawain ng Diyos. Kung ihahambing ang pag-uugali ko sa mga salita ng Diyos, nakita kong ganoon ako mismo. Akala ko ay gagawin ko ang anumang sabihin ng iglesia na gawin ko, at na kung gagawin ko nang maayos ang mga bagay, malulugod sa akin ang Diyos at matatanggap ko ang pagsang-ayon Niya. Dahil dito, habang ginagawa ko ang aking tungkulin, pinagtuunan ko lamang ang paggawa sa mga bagay. Ganap kong binalewala ang mga salita ng Diyos, at nadama ko pa ngang maaantala ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos ang paggawa ko sa aking tungkulin. Alam kong napakaraming salita na ang ipinahayag ng Diyos sa panahon ng Kanyang gawain sa mga huling araw upang hayaan ang mga taong hangarin ang katotohanan at ang pagbabago sa disposisyon, para sa huli ay makamit nila ang katotohanan at matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Subalit dahil hindi ko minamahal ang katotohanan, naghahangad pa rin ako ayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon ko, inakala kong sapat na ang tapusing gawin ang mga bagay. Kaya, nang mabunyag ang katiwalian ko sa aking pakikipagtuwangan sa iba, hindi ko hinanap ang katotohanan para lutasin ito. Ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan at inilalantad ang lahat ng uri ng tiwaling disposisyon ng mga tao, at naghahanda Siya ng mga tunay na sitwasyon para maranasan natin, para maunawaan natin ang katotohanan, maiwaksi natin ang katiwalian, at para linisin tayo. Ito ang pagmamahal ng Diyos! Kung gusto Niya lang na magtrabaho at magserbisyo ang mga tao, hindi na Niya kailangang gumawa nang paunti-unti hanggang ngayon, at hindi na Niya kailangan pang magkatawang-tao, magpahayag ang katotohanan, at magtiis ng napakaraming paghihirap. Marami na akong nabasang mga salita ng Diyos pero hindi ko pa rin naunawaan ang layunin ng Diyos sa pagliligtas sa mga tao, hindi pa rin nagbabago ang tiwaling disposisyon ko. Ako ang mismog klase ng ordinaryong tao na binanggit sa mga salita ng Diyos. Kung magpapatuloy ako nang ganito, kahit na gumawa ako ng mas maraming gawain, sa huli ay hindi ako maliligtas. Kalaunan, lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “Makapangyarihang Diyos, dahil sa paglalantad ng Iyong mga salita, nabatid ko sa wakas ang mga maling pananaw ko sa paghahangad sa aking pananampalataya sa Diyos. Handa akong magsisi at magbago. Pakiusap, akayin Mo po akong makalabas sa aking mga maling pananaw, na magsikap sa Iyong mga salita, hangarin ang katotohanan, at tumuon sa buhay pagpasok.”

Kalaunan, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Nasa ganitong uri ng kalagayan ang karamihan ng mga tao ngayon: Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong gugulin ang aking sarili para sa Diyos at magbayad ng halaga para sa Kanya. Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong talikdan ang lahat para sa Diyos; dapat kong tapusin ang ipinagkatiwala Niya sa akin, at kailangan kong gampanang mabuti ang aking tungkulin. Ang kalagayang ito ay pinangingibabawan ng layuning magtamo ng mga pagpapala, na isang halimbawa ng paggugol sa sarili para sa Diyos na pawang para sa layunin ng pagkakamit ng mga gantimpala mula sa Kanya at pagkakamit ng isang korona. Hindi nagtataglay ng katotohanan ang mga puso ng ganoong mga tao, at tiyak na binubuo lamang ng ilang salita ang kanilang pagkaunawa ng doktrina na ipinangangalandakan nila saan man sila mapadako. Ang landas nila ay ang landas ni Pablo. Ang pananampalataya ng ganoong mga tao ay isang kilos ng palagiang mabigat na gawain, at nararamdaman nila sa kaibuturan na kung higit silang gumagawa, higit na mapatutunayan ang kanilang katapatan sa Diyos; na kung higit na marami silang ginagawa, higit na tiyak na malulugod ang Diyos; at kung higit na marami silang ginagawa, higit silang magiging karapat-dapat na pagkalooban ng isang korona sa harap ng Diyos, at mas malalaking pagpapala ang matatamo nila. Iniisip nila na kung makakaya nilang tiisin ang pagdurusa, mangangaral, at mamamatay para kay Cristo, kung makakaya nilang ihandog ang mga sarili nilang buhay, at kung makakaya nilang makumpleto ang lahat ng mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, kung gayon ay sila ang magiging mga taong magtatamo ng pinakamalalaking pagpapala, at tiyak na pagkakalooban sila ng mga korona. Ito ang tiyak na nailarawan ni Pablo sa isip at ito ang kanyang hinangad. Ito ang mismong landas na nilakaran niya, at sa ilalim ng paggabay ng ganoong mga saloobin isinagawa ni Pablo ang paglilingkod sa Diyos. Hindi ba nagmula ang gayong mga saloobin at mga layunin sa isang satanikong kalikasan? Katulad lamang ito ng mga makamundong tao, na naniniwalang dapat nilang itaguyod ang karunungan habang nasa lupa, at na pagkatapos makamtan ito ay mamumukod-tangi sila sa madla, magiging mga opisyal, at magkakaroon ng katayuan. Iniisip nila na sa sandaling mayroon na silang katayuan, matutupad na rin nila ang kanilang mga ambisyon at maiaangat na nila ang kanilang mga negosyo at pamilya sa isang partikular na antas ng kasaganahan. Hindi ba’t lahat ng hindi mananampalataya ay tumatahak sa landas na ito? Yaong mga pinangingibabawan ng ganitong satanikong kalikasan ay maaari lamang maging katulad ni Pablo sa kanilang pananampalataya. Iniisip nila: ‘Dapat kong itakwil ang lahat upang gugulin ang sarili ko para sa Diyos. Dapat akong maging tapat sa harap ng Diyos, at sa huli, tatanggapin ko ang pinakamalalaking gantimpala at mga pinakadakilang korona.’ Ito rin ang katulad na pag-uugali ng mga makamundong tao na naghahangad ng mga makamundong bagay. Wala talaga silang anumang ipinagkaiba, at magkatulad sila ng kalikasan. Kapag may ganitong uri ng satanikong kalikasan ang mga tao, sa mundo sa labas, maghahangad silang magtamo ng kaalaman, pagkatuto, katayuan, at mamukod-tangi sa madla. Kung naniniwala sila sa Diyos, hahangarin nilang magkamit ng mga dakilang korona at malalaking pagpapala. Kung hindi hinahangad ng mga tao ang katotohanan kapag naniniwala sila sa Diyos, siguradong tatahakin nila ang landas na ito. Isa itong di-nababagong katunayan, batas ito ng kalikasan. Ang landas na tinatahak ng mga taong hindi hinahangad ang katotohanan ay tuwirang salungat sa landas ni Pedro(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Inilalantad ng Diyos na tinatalikuran at ginugugol ng mga tao ang sarili nila sa kanilang pananalig sa Diyos at sa pagganap sa kanilang tungkulin para makatanggap ng mga pagpapala at ng magandang kalalabasan at destinasyon para sa kanilang sarili—ang motibasyon nila ay ang makatanggap ng mga pagpapala. Nang nagnilay-nilay ako, natuklasan kong ganito mismo ang mga pananaw ko sa paghahangad. Naniwala akong ang paggawa ng maraming gawain at tungkulin, ang pagtupad sa mga gampaning ipinagkatiwala sa akin ng mga lider at ang pagkamit ng mga resulta ay hahantong sa pagsang-ayon ng Diyos, at magkakaroon ako ng magandang kalalabasan at destinasyon. Dahil dito, buong puso akong sumabak sa pagtapos ng mga gawain, at nagpakaabala ako araw-araw sa gawain. Naisip ko si Pablo, na tumuon lang sa pangangaral at paggawa ng gawain. Malayo ang nilakbay niya at nagbayad siya ng malaking halaga, pero hindi niya isinagawa ang mga salita ng Diyos, at hindi man lang nagbago ang tiwaling disposisyon niya. Sa paggawa niya sa lahat ng ito, nakikipagtawaran lang siya sa Diyos dahil umaasa siyang makatatanggap siya ng korona at ng mga gantimpala. Sa huli, nagpatotoo pa siya sa sarili niya, sinabi niya, “Sapagkat sa akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang” (Filipos 1:21). Sinalungat niya ang disposisyon ng Diyos kaya pinalayas at pinarusahan siya ng Diyos. Kung magbabalik-tanaw ako sa panahong iyon, tinatahak ko pala noon ang landas ni Pablo: Umasa ako sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon, naniwala ako na basta’t gumagawa ako ng mas maraming gawain at tumutupad ng mga tungkuling ipinagkatiwala sa akin, nagkakamit ng mga resulta, tiyak na bibigyan ako ng Diyos ng magandang destinasyon sa huli. Sa ganitong paraan, pinagtuunan ko lamang na tapusin ang mga gawain, at pakiramdam ko pa nga noon ay maaantala ako ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos. Nagbunyag ako ng mapagmataas na disposisyon, pinigilan ko ang iba, pero hindi ko pinagtuunan ang paglutas. Ginusto ko lang na ipagpalit sa mga pagpapalang mula sa Diyos ang mababaw na sakripisyo at paggugol ko, at ang mga resulta ng gawain ko. Paano nito matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos? Sa panlabas, mukha akong walang tigil sa paggawa araw-araw, at tila tapat ako sa aking tungkulin, pero sa katunayan, hindi ko ito ginagawa para mapalugod ang Diyos, o alang-alang sa gawain ng iglesia; sa halip, nagpaplano ako para sa aking sariling kalalabasan at destinasyon, sinasamantala ko ang Diyos, tinatangka kong makipagtawaran sa Kanya—ito ang kinapopootan ng Diyos. Kung naghangad pa rin ako nang may makasariling puso at maruruming layunin, at hindi man lang nagbago ang tiwaling disposisyon ko, sa huli, tiyak na palalayasin ako ng Diyos.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Anuman sa buhay ni Pedro na hindi nagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos ay nakaligalig sa kanya. Kung hindi iyon nakalugod sa kalooban ng Diyos, nakadama siya ng taos na pagsisisi, at naghanap ng angkop na paraan para mapagsikapan niyang mapalugod ang puso ng Diyos. Kahit sa pinakamaliit at pinaka-walang-kabuluhang mga aspeto ng kanyang buhay, kusa pa rin niyang pinalugod ang kalooban ng Diyos. Gayon din siya katindi pagdating sa kanyang dating disposisyon, laging mahigpit sa kanyang mga hinihingi sa kanyang sarili upang sumulong nang mas malalim sa katotohanan. … Sa kanyang paniniwala sa Diyos, hinangad ni Pedro na bigyang-kasiyahan ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinangad na magpasakop sa lahat ng nagmula sa Diyos. Wala ni katiting na reklamo, nagawa niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, gayundin ang pagpipino, kapighatiankanyang buhay, at walang isa man dito na maaaring magpabago sa kanyang pusong mapagmahal sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pagmamahal sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilikha? Sa pagkastigo man, paghatol, o kapighatian, lagi kang may kakayahang maging mapagpasakop hanggang kamatayan, at ito ang dapat makamit ng isang nilikha, ito ang kadalisayan ng pagmamahal sa Diyos. Kung makakamtan ng tao ang ganito, siya ay isang kuwalipikadong nilikha, at wala nang ibang mas nagbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Lumikha. Ipagpalagay nang nakakagawa ka para sa Diyos, subalit hindi ka nagpapasakop sa Diyos, at hindi mo kayang tunay na mahalin ang Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang hindi natupad ang tungkulin ng isang nilikha, kundi ikokondena ka rin ng Diyos, dahil ikaw ay isang taong hindi nagtataglay ng katotohanan, na walang kakayahang magpasakop sa Diyos, at naghihimagsik sa Diyos. Pinahahalagahan mo lamang ang paggawa para sa Diyos, at hindi mo pinahahalagahan ang pagsasagawa ng katotohanan o pagkilala sa iyong sarili. Hindi mo nauunawaan o nakikilala ang Lumikha, at hindi ka nagpapasakop o nagmamahal sa Lumikha. Ikaw ay isang taong likas na mapaghimagsik laban sa Diyos, kaya nga ang gayong mga tao ay hindi minamahal ng Lumikha(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Sinasabi ng mga salita ng Diyos na anumang maliliit na bagay ang nakaharap ni Pedro sa buhay, nagawa pa rin niyang hanapin ang katotohanan at hangaring mapalugod ang Diyos. Napagnilayan din niya agad ang mga tiwaling disposisyong ibinunyag niya, at habang gumagawa siya ay pinagtuunan niya ang sarili niyang pagpasok. Nagdala siya ng pasanin para sa atas ng Diyos at para sa kanyang sariling buhay pagpasok—matagumpay ang landas na tinahak niya. Subalit ang pinagtuunan ko lang ay ang pagpapakaabala at paggawa sa gawain, hindi ang paghahanap sa katotohanan. Kapag nagbubunyag ako ng katiwalian, hindi ko ito sineseryoso, hindi ko pinagnilay-nilayan at kinilala ang sarili ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagbabago—kabiguan ang tinahak kong landas. Sa realidad, dapat magbayad ng halaga ang mga tao at gugulin ang sarili nila para sa Diyos: Ito ang kanilang tungkulin, hindi ito katulad ng inakala ko, na sapat nang tapusin ko ang gawain. Ang paghahanap sa katotohanan kapag may mga nangyayari, ang pagtuon sa pagkilala sa sariling katiwalian at mga kakulangan ng isang tao sa proseso ng paggawa niya sa tungkulin, ang paghahanap sa katotohanan para lutasin ang kanyang tiwaling disposisyon, at paggamit sa katotohanan bilang pamantayan para sa pagkilos at pag-asal—ito lamang ang magdudulot ng pag-usad sa buhay. Bagama’t hindi malulutas sa isang iglap ang tiwaling disposisyon ko, dapat kong pagtuunan ang pagkilala rito at pagbabago ng landas ko, pagnilay-nilayan ang sarili ko batay sa mga salita ng Diyos, hanapin ang mga prinsipyong dapat kong sundin, at magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos.

Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Gaano man kaabala sa kanilang mga tungkulin ang mga taong naghahangad sa katotohanan, nagagawa pa rin nilang hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga problemang nararanasan nila, at makipagbahaginan tungkol sa mga bagay na hindi malinaw sa kanila sa mga sermong narinig nila, at patahimikin ang kanilang puso araw-araw upang magnilay kung kumusta ang naging pagganap nila, pagkatapos ay pag-isipan ang mga salita ng Diyos at manood ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. May mga nakakamit sila mula rito. Gaano man sila kaabala sa kanilang mga tungkulin, hinding-hindi nito nahahadlangan ang kanilang pagpasok sa buhay, ni naaantala ito. Natural para sa mga taong nagmamahal sa katotohanan na magsagawa nang ganito. Ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi hinahanap ang katotohanan at hindi handang patahimikin ang kanilang sarili sa harap ng Diyos upang pagnilayan at kilalanin ang kanilang sarili, abala man sila sa kanilang tungkulin at anuman ang problemang maranasan nila. Kaya, abala man sila o walang gaanong ginagawa sa kanilang tungkulin, hindi nila hinahangad ang katotohanan. Sa katunayan, kung gusto ng isang tao na hangarin ang katotohanan, at kung inaasam niya ang katotohanan, at dinadala ang pasanin ng pagpasok sa buhay at pagbabago sa kanyang disposisyon, mapapalapit siyang lalo sa Diyos sa puso niya at magdadasal siya sa Diyos, gaano man siya kaabala sa kanyang tungkulin. Tiyak na magkakamit siya ng kaunting kaliwanagan at kaningningan ng Banal na Espiritu, at lalago nang walang hinto ang kanyang buhay. Kung hindi minamahal ng isang tao ang katotohanan at hindi siya nagdadala ng anumang pasanin ng pagpasok sa buhay o pagbabago sa kanyang disposisyon, o kung hindi siya interesado sa mga bagay na ito, hindi niya makakamit ang kahit ano. Ang pagninilay-nilay sa kung anong mga pagbuhos ng katiwalian ang mayroon ang isang tao ay isang bagay na dapat ginagawa kahit saan, anumang oras. Halimbawa, kung ang isang tao ay nagpakita ng katiwalian habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, sa kanyang puso, dapat siyang magdasal sa Diyos, at pagnilayan ang kanyang sarili, at kilalanin ang kanyang tiwaling disposisyon, at hanapin ang katotohanan upang lutasin ito. Usapin ito ng puso; wala itong epekto sa kasalukuyang ginagawa. Madali ba itong gawin? Depende iyon sa kung isa kang taong naghahangad sa katotohanan. Ang mga taong hindi minamahal ang katotohanan ay hindi interesado sa mga usapin ng paglago sa buhay. Hindi nila pinag-iisipan ang gayong mga bagay. Ang mga taong naghahangad sa katotohanan lang ang handang pagsikapan ang paglago sa buhay; sila lang ang madalas na pinagninilayan ang mga problemang talagang umiiral, at kung paano hahanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga problemang iyon. Sa katunayan, ang proseso ng paglutas ng mga problema ay siyang proseso rin ng paghahangad sa katotohanan. Kung madalas na nakatuon ang isang tao sa paghahanap sa katotohanan upang lumutas ng mga problema habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, at nakalutas na siya ng marami-raming problema sa loob ng ilang taon ng gayong pagsasagawa, tiyak na pasado sa pamantayan ang kanyang pagganap sa kanyang tungkulin. Ang mga taong gaya niya ay mas higit na kaunti ang pagbuhos ng katiwalian, at nagkamit sila ng mas tunay na karanasan sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. Kaya naman nagagawa nilang magpatotoo para sa Diyos. … Kung hinahangad ba ng isang tao ang katotohanan ay hindi nakadepende sa kung gaano siya kaabala sa kanyang tungkulin o kung gaano karaming oras ang mayroon siya; nakadepende ito sa kung minamahal ba niya ang katotohanan sa puso niya. Ang totoo, may parehong dami ng oras ang lahat ng tao; ang naiiba ay kung saan ito ginugugol ng bawat tao. Posibleng sinumang nagsasabing wala siyang oras na hangarin ang katotohanan ay ginugugol ang kanyang oras sa mga kasiyahan ng katawan, o na abala siya sa kung anong panlabas na aktibidad. Hindi niya ginugugol ang oras na iyon sa paghahanap sa katotohanan upang lumutas ng mga problema. Ganito ang mga taong pabaya sa kanilang paghahangad. Naaantala nito ang malaking bagay sa kanilang pagpasok sa buhay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). Nakita ko ang landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos: Maglaan ng panahon araw-araw para kainin, inumin, at pagbulay-bulayan ang mga salita ng Diyos, pagnilayan ang sarili ko, kung anong katiwalian ang ipinakita ko ngayong araw, kung anong mga bagay ang ginawa ko nang walang mga prinsipyo—hindi mahalaga kung matagal ko itong gagawin o hindi, basta’t makaaani ako ng mga pakinabang. Kapag hindi ako abala sa paggawa sa aking tungkulin, maaari akong maglaan ng oras para basahin ang mga salita ng Diyos, at kung abala naman ako ay maaari akong tumuon sa paggawa sa aking tungkulin, dalhin ang mga salita ng Diyos sa totoong buhay para isagawa at danasin ang mga iyon. Dati, pagdating sa espirituwal na debosyon o paghahanap sa mga salita ng Diyos para lutasin ang kalagayan ko, idinadahilan ko na wala akong oras. Sa realidad, hindi ito dahil sa abala ako sa paggawa sa aking tungkulin at wala akong oras magbasa ng mga salita ng Diyos; kundi dahil hindi ko mahal ang katotohanan at pinagtutuunan ko lang na tapusin ang mga gawain. Kahit na hindi ako abala sa aking tungkulin, hindi pa rin ako tumutuon sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos o sa paghahanap sa katotohanan para lutasin ang aking mga tiwaling disposisyon. Ngayon ay nauunawaan ko na, sa realidad ay hindi magkahiwalay ang paggawa ng isang tao sa tungkulin at ang kanyang buhay pagpasok. Habang ginagawa natin ang ating tungkulin, hinahanap natin ang katotohanan para lutasin ang mga isyu at ang ating tiwaling disposisyon—lahat ng ito ay kinasasangkutan ng buhay pagpasok. Kailangan nating gawin ang gawaing dapat nating gawin, pero hindi natin maaaring balewalain ang buhay pagpasok. Pagkatapos nito, pinagtuunan ko na ang pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, ang paghahanap sa katotohanan, at pagninilay-nilay sa sarili ko. Sinamantala ko ang ilang bakanteng oras. Habang kumakain, naglalakad, o naglalaba ako, pinagninilay-nilayan ko rin ang kalagayan ko at ang mga salita ng Diyos—basta’t gusto kong maghangad at maghanap, palaging may panahon para doon. Kalaunan, pinagnilayan ko rin ang sarili ko. Palagi kong hinahamak ang mga katuwang ko, at madalas na mainit ang ulo ko—anong klaseng isyu ito? Lumapit ako sa Diyos para manalangin, at may nakita akong mga sipi sa mga salita ng Diyos para kainin at inumin na may kinalaman sa kalagayan ko mismo. Alam kong dahil sa mapagmataas kong kalikasan kaya mainitin ang ulo ko, at na napakatataas ng hinihingi ko sa iba. Matanda na ang brother na katuwang ko, at hindi pa niya nagagawa ang tungkuling ito dati. Normal na medyo mabagal ang kilos niya. Palagi akong may mga hinihingi sa kanya ayon sa mga sarili kong pamantayan, at mapanghamak ang tono ng pananalita ko sa kanya. Hindi ko ginamit ang perspektiba niya para isaalang-alang ang mga bagay, at hindi ko hinarap ang mga usapin ayon sa iba’t ibang sitwasyon ng tao. Sa ganitong paraan, kapag nakikipag-usap ako sa iba, palagi kong pinadarama sa kanila na sila ay napipinsala at napipigilan. Talagang sobra akong walang katwiran. Nang mapagtanto ko ito, sinimulan ko sa wakas na seryosohin ang problemang ito, Sa susunod na talakayan namin sa gawain, kapag nakita kong mabagal tumugon ang mga brother, matatrato ko na nang tama ang sitwasyong iyon at mabibigyan ko sila ng kaunting panahon para mag-isip. Maibabahagi ko na nang may higit na detalye ang mga kaukulang prinsipyo sa abot ng makakaya ko, at kapag nagtatanong sila sa akin, maaari akong matiyaga na makipagbahaginan sa kanila at hanapin ang katotohanan at sabay-sabay kaming papasok. Kalaunan, kapag may mga nangyayari ay sinisimulan kong pagtuunan ang pagsusuri kung ano ang ibinunyag ko. Kapag may mga mali akong kaisipan o ideya, o kapag nagbunyag ako ng isang tiwaling disposisyon, sadya akong nananalangin sa Diyos at hinahanap ko ang mga nauugnay na katotohanan para lutasin ito, sa halip na tratuhin ang mga bagay ayon sa aking tiwaling disposisyon.

Kalaunan, may pagkakataong naging abala na naman ako sa tungkulin. May ilang kapatid na sumalungat sa mga prinsipyo sa kanilang mga kilos at kinailangang bahaginan at ilantad. Gayundin, may ilang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo na kinailangan palaganapan ng ebanghelyo. Nang makita kong kailangan gawin ang lahat ng gawaing ito, ang una kong naisip ay magmadali at gawin iyon. Noon ko biglang naisip kung paanong dati ay lagi ko lang iniisip na tapusin ang mga gawain, pumupunta kung saan ako kailangang pumunta at ginagawa kung ano ang kailangan kong gawin, pero wala akong natatamong kahit na anong pakinabang. Hindi na pwedeng gawin ko na naman iyon, kailangan kong hanapin ang mga prinsipyo. Kaya kumalma ako at pinagbulayan ko ang mga pagpapamalas ng mga kapatid, hinanap ko ang ilang salita ng Diyos at inisip ko kung paano magbahagi at maglantad para magkamit ng mga resulta at ipaalam sa kanila ang diwa ng problema. Tungkol sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, nalaman ko rin kung ano ang kanilang pangunahing isyu at hinanap ko ang nauugnay na katotohanan para makapaghanda. Sa pamamagitan ng paghahanap na ito, naunawaan ko ang ilang katotohanang prinsipyo na hindi ko nauunawaan dati, nagtamo ako ng ilang pakinabang at nagkamit ng ilang resulta sa aking tungkulin. Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto ko ang kahalagahan ng pagbibigay pansin sa buhay pagpasok at sa paghahanap ng mga katotohanang prinsipyo habang ginagawa ko ang aking tungkulin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Lihim na Nakatanim nang Malalim sa Puso Ko

Salamat sa Diyos para sa pagliliwanag na ito, na ibinangon ako mula sa pagkakabulag. Kung hindi, marahil ay nililinlang pa rin ako ng aking sariling kasinungalingan—nagpapagewang-gewang kasama ng bulag na ambisyon patungo sa aking sariling napipintong pagbagsak. Talaga namang nakakatakot! Sa prosesong ito, napagtanto ko ring sa loob ng pagpapalit sa akin, pinoprotektahan ako ng Diyos at pinagkalooban ako ng kaligtasan.