Ang Pagprotekta sa Gawain ng Iglesia ay Tungkulin ko

Nobyembre 28, 2022

Ni Yixun, Hapon

Nung Disyembre ng nakaraang taon, kinailangang maghalal ng iglesia ng isang bagong lider. Isang araw, narinig kong sinabi ng mga lider, “Dapat nating i-promote si Sister Liu. Sa sumunod na pulong, babasahin natin ang mga pagsusuri ng mga tagaloob kay Sister Liu, at pagkatapos ay pwede nang bumoto ang mga kapatid.” Nung marinig ko ang balita, gulat na gulat ako, at naisip ko, “Si Sister Liu? Gustung-gusto kaya niyang sumikat at magkaroon ng katayuan. Noon, naiinggit siya sa kapareha niyang si Sister Cheng, kaya minaliit at hinusgahan niya ito nang lantaran. Bunga nito, hindi nasiyahan ang mga kapatid kay Sister Cheng at hindi sinuportahan ang gawain niya, na nakagambala sa gawain ng iglesia. Maraming beses na nakipagbahaginan sa kanya ang mga lider, pero hindi siya nagbago, at sa huli’y natanggal siya. Kahit na pagkatapos ng gano’n katinding pagpupungos at pagwawasto, hindi pa rin niya pinagnilayan ang kanyang sarili. Ngumingiti pa rin siya na parang walang nangyari, at walang pagkaunawa o pagkamuhi sa kanyang sarili. Dahil hindi niya pinagtuunan ang paghahanap ng katotohanan at pagninilay sa kanyang sarili pagkatapos noon, paanong ang isang taong tulad niya ay nararapat maging lider? Ang pagpili sa isang lider ng iglesia ay isang malaking bagay. Ang pagiging mabuti o masama ng isang lider ng iglesia ay direktang nakakaapekto sa pagpasok sa buhay ng lahat ng hinirang ng Diyos sa iglesia. Kung hindi pinagtutuunan ng isang lider ang paghahanap ng katotohanan, paano niya maaakay ang mga kapatid sa mga realidad ng katotohanan? Talaga bang nararapat si Sister Liu na maging isang lider?” Pero naisip ko, “Wala akong naging ugnayan sa kanya sa loob ng halos dalawang taon. Maaari kayang nagsisi at nagbago na siya ngayon? Sinasabi ng mga prinsipyo sa pagpili ng mga lider na ‘yong mga lider na natanggal dahil sa mga paglabag nila noon ay pwede pa ring maihalal kung nagpapakita sila ng tunay na pagsisisi at nakakagawa ng praktikal na gawain. Hindi ko pwedeng limitahan ang iba, at kailangan ko silang tingnan sa paraan na kaya nilang magbago. Kung gustong i-promote ng mga lider si Sister Liu, baka nagsisi at nagbago na nga siya. Karaniwang sinusuri at pinangangasiwaan ng mga lider ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo.” Pagkatapos noon, hindi ko na ito masyadong inisip.

Makalipas ang ilang araw, oras na para magpulong. Nagbahagi sa amin ang mga lider tungkol sa mga prinsipyo ng paghahalal ng mga lider at binasa ang mga pagsusuri ng mga tagaloob tungkol kay Sister Liu. Nang marinig kong nagkomento ang ilang kapatid na hindi niya maayos na tinanggap ang katotothanan, at hindi siya gano’n karesponsable sa kanyang tungkulin, medyo nadismaya ako. Naisip ko, “kung hindi tinatanggap ni Sister Liu ang katotohanan, papaano siya magiging isang lider?” Medyo ‘di ako mapalagay rito, pero naisip ko, “Maya-maya’y ibibigay na ng mga lider ang buod ng pangkaraniwang pag-uugali niya at sasabihin sa amin kung paano niya pinagnilayan ang mga paglabag niya dati at naunawaan ang kanyang sarili, hindi ba?” Pero hindi ito binanggit kahit kailan ng mga lider. Sa huli, tinanong nila ang lahat kung may anuman kaming opinyon tungkol sa pagpromote ni Sister Liu. Tahimik ang lahat. Walang sumagot. Gusto kong ipaalam sa kanila ang mga nasa isip ko, pero binasa na ng mga lider ang mga pagsusuri, nagbahagi tungkol sa mga prinsipyo, at hindi nila naramdamang may anumang mali kay Sister Liu. Kung magbabanggit ako ng mga pagdududa sa sandaling ito, hindi ba’t ipapahiya nito ang mga lider nang lantaran? Ano ang iisipin ng mga lider sa akin kung gayon? Iisipin ba nilang sinasadya kong gumawa ng mga problema at ginagawang mahirap ang mga bagay-bagay para sa kanila? Iisipin ba nilang kinakalaban ko sila? Ayokong mapasama ang loob ng mga lider. At katatanggal ko lang kamakailan. Kung magbabanggit ako ng pagtutol pagkatapos noon, iisipin kaya ng lahat na sinusubukan kong magpasimulagbunsod ng alitan at sinasamantala ang mga pagkakamali ng iba para makipaglaban sa posisyon ng lider? ‘Di bale na, sa isip-isip ko, masyado itong magulo. Kung walang ibang magsasalita, dapat ako rin. Isa pa, ang pagpopromote ng isang lider ay hindi isang maliit na bagay. Ang pamumuno ay dapat suriin ayon sa mga prinsipyo, at ang pinakamahusay na tao ang dapat piliin. Kaya hindi na ako nagsalita. Pagkatapos ng pagpupulong, medyo ‘di ako mapalagay, pero nangyari na ito. Inalo na lang ang sarili ko sa pagsasabing, “Napagpasyahan na ito. Kung hindi siya angkop, mapapalitan siya.” Hindi ko na ito inisip pa, at lumipas na ang isyu.

Isang araw, binanggit ito ng ilang kapatid sa akin, at sinabi rin nila na medyo naghihinala sila kung may tunay na kaalaman at pagsisisi si Sister Liu tungkol sa kanyang mga paglabag noon. Nabanggit din sa mga talakayan na nung tinanggal at pinalitan si Sister Liu, wala siyang kamalayan sa kanyang mga sariling paglabag, hindi nagnilay, at mukhang hindi isang taong naghahanap ng katotohanan. Kung hindi niya pinagtuunan ang paghahangad at paghahanap ng katotohanan, paano niya maaakay ang iba na maunawaan ang katotohanan at pumasoksa mga realidad nito? Ipinaalalasa akin ng talakayang ito ang isang sipi ng salita ng Diyos, “Ano ang sanhi ng paglitaw ng kategorya ng mga tao na mga pinuno at manggagawa, at paano sila lumitaw? Sa malaking antas, kailangan sila para sa gawain ng Diyos; sa mas maliit na antas, kailangan sila para sa gawain ng iglesia, kailangan sila ng hinirang na mga tao ng Diyos. … Ang kaibahan sa pagitan ng mga lider at manggagawa at ng iba pang mga taong hinirang ng Diyos ay ang isang natatanging katangian lamang sa mga tungkuling ginagampanan nila. Pangunahing nakikita ang natatanging katangiang ito sa kanilang mga tungkulin ng pamumuno. Halimbawa, gaano man karami ang mga tao na nasa isang iglesia, ang lider ang pinuno. Ano ang ginagampanang papel ng lider na ito sa mga miyembro? Pinamumunuan niya ang lahat ng hinirang sa iglesia. Ano ang epekto niya sa buong iglesia? Kung tumahak ang lider na ito sa maling landas, susundan ng mga taong hinirang ng Diyos sa iglesia ang lider tungo sa maling landas, na magkakaroon ng malaking epekto sa kanilang lahat. Halimbawa si Pablo. Pinamunuan niya ang marami sa mga iglesiang itinatag niya at ang mga taong hinirang ng Diyos. Noong naligaw si Pablo, naligaw rin ang mga iglesia at ang mga taong hinirang ng Diyos na pinamunuan niya. Kaya, kapag naliligaw ang mga lider, hindi lang sila ang naaapektuhan, kundi ang mga iglesia at ang mga taong hinirang ng Diyos na pinamumunuan nila ay naaapektuhan din(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinisikap Nilang Kumbinsihin ang mga Tao). Habang pinagninilayan ko ang salita ng Diyos, mabigat ang loob ko. Ang lider ng iglesia ay ang pinuno ng buong iglesia. Ang pagiging mabutii o masama ng isang lider ng iglesiaiglesia ay direktang nauugnay sa pagkaunawa ng buong iglesia sa katotohanan at kung maililigtas ito ng Diyos. Kung ang isang taong naghahanap ng katotohanan ay pinili bilang lider, kaya nilang maging responsable sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid niya, gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga suliranin sa kanilang pagpasok sa buhay, magbahagi tungkol sa sarili nilang kaalaman ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, at unti-unting gabayan at akayin ang mga tao papunta sa mga realidad ng katotohanan. Kung ang isang taong hindi naghahanap ng katotohanan ay hinirang bilang lider, sila mismo ay hindi nagsasagawa ng katotohanan, kaya hindi nila maaakay ang kanilang mga kapatid papunta sa katotohanan. Kaya lang nilang magsalita ng mga titik at doktrina para lituhin at bihagin ang mga tao. Sa gayong paraan, hindi ba’t napapahamak at nasisira ang mga hinirang na tao ng Diyos? Kahit na hindi pa natin mailalarawan si Sister Liu bilang isang taong hindi naghahanap ng katotohanan, batay sa mga pagsusuri ng tagaloob at sa kanyang dating pag-uugali, sa ngayon, hindi siya nararapat na maging isang lider ng iglesia. Kung napromote siya bilang lider sa panahong ito, hindi ito makabubuti para sa mga hinirang na tao ng Diyos o sa gawain ng iglesia.

Nang gabing iyon, ako at ang ilang kapatid ay nakipag-ugnayan sa mga lider para ibahagi ang aming mga iniisip at alalahanin sa kanila. Nangako ang mga lider na masusi silang magsisiyasat ulit, at muling susuriin ang mga bagay-bagay ayon sa sitwasyon. ‘Di nagtagal, sa pamamagitan ng masusing pagsisiyasat sa totoong pag-uugali ni Sister Liu at ng pagsusuri sa kanya ng mga tagaloob, nakita ng mga lider na walang tunay na pagkaunawa si Sister Liu tungkol sa kanyang mga nakaraang paglabag, hindi niya pinagnilayan ang kanyang sarili nung nangyari ang mga bagay-bagay, at nahirapang tanggapin ang katotohanan. Sabi ng mga lider, “Hindi namin alam ang totoong sitwasyon ni Sister Liu dati. Nakita lang namin na epektibo siya sa kanyang tungkulin, kaya inakala naming nagsisi na siya. Ngayon, batay sa nalaman namin, nakikita namin na hindi talaga nararapat maging isang lider si Sister Liu.” Nang marinig ko ang resultang ito, hindi ko maipalawanag ang nararamdaman ko. Pinagsisihan ko na hindi ko kaagad ipinahayag ang mga pasubali ko sa tamang oras. Kung sinabi ko ito nang mas maaga, at nahusgahan ng lahat si Sister Liu ayon sa kanyang totoong sitwasyon, hindi sana lilitaw ang mga problemang ito. Pero natakot akong mapasama ang loob ng mga lider at manggagawa, at na mapagkamalan ng iba na nagdudulot ako ng gulo dahil gusto kong maging isang lider. Sa huli, para maprotektahan ang sarili ko, umatras ako na parang isang duwag. Hindi ko talaga isinagawa ang katotohanan, ni nipinrotektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang inisip at pinrotektahan ko lang ay ang mga personal kong interes. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam!

Kalaunan, naghanap ako ng ilang salita ng Diyos na nauugnay sa kalagayan ko. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ano ang disposisyon kapag hindi umaako ng responsibilidad ang mga tao sa kanilang gawain? Ito ay disposisyon ni Satanas, ito ay isang tusong disposisyon. Ang pinaka-kapansin-pansing bagay sa mga pilosopiya ng tao sa pamumuhay ay ang pagiging tuso. Iniisip ng mga tao na masasaktan nila ang damdamin ng iba at hindi mapangangalagaan ang kanilang mga sarili kung hindi sila tuso; iniisip nila na kailangan nilang maging tuso upang hindi makapanakit o makapagpasama ng loob ng sinuman, sa gayon ay mapananatili nilang ligtas ang kanilang mga sarili, mapangangalagaan ang kanilang mga kabuhayan at magkakaroon ng matatag na katatayuan sa mga tao. Ganito kumilos ang mga tao sa mundo ng mga di-mananampalataya; bakit kaya ganito pa rin kayo kumilos sa sambahayan ng Diyos? Wala kayong kibo kahit na makita ninyong may pumipinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, na nangangahulugang: ‘Kung may ibang gustong umalma tungkol dito, hayaan ninyo sila—ngunit ako, hindi aalma. Hindi ko sasaktan ang damdamin ninuman at hindi ako maglalakas-loob magsalita.’ Ito ay kawalan ng pananagutan at pagiging tuso at ang mga ganoong tao ay hindi dapat pinagkakatiwalaan. … Tanging ang mga nagmamahal sa katotohanan at nagtataglay ng realidad ng katotohanan ang kayang tumulong kapag kinailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos at ng mga hinirang, sila lamang ang kayang tumayo, nang buong tapang at nakatali sa tungkulin, upang magpatotoo sa Diyos at ibahagi ang katotohanan, na inaakay ang hinirang na mga tao ng Diyos sa tamang daan, at tinutulutan silang maging masunurin sa gawain ng Diyos; at ito lamang ang isang saloobin ng pagkakaroon ng responsibilidad at pagpapamalas ng pagmamalasakit sa kalooban ng Diyos. Kung wala kayong ganitong ugali at pabaya sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay at iniisip ninyong ‘Gagawin ko ang mga bagay na saklaw ng aking sariling tungkulin ngunit wala na akong pakialam sa iba pa. Kung may tinanong ka sa akin, sasagutin kita—kung nasa kundisyon ako. Kung wala naman, hindi kita sasagutin. Ito ang ugali ko,’ kung gayon, ito ay isang uri ng tiwaling disposisyon, hindi ba? Para lamang pangalagaan ang sariling posisyon, reputasyon, pagpapahalaga sa sarili at para lamang pangalagaan ang mga bagay na may kaugnayan sa pansariling interes—pinangangalagaan ba ng isang tao kung gayon ang isang makatuwirang layunin? Pinangangalagaan ba nila ang mga positibong bagay? Sa likod ng mga hamak at mga makasariling motibong ito ay ang disposisyon ng pagkayamot sa katotohanan. Karamihan sa inyo ay madalas na nagpapahayag ng mga ganitong uri ng pag-uugali at sa sandaling may makaharap kayong may kaugnayan sa mga kapakanan ng pamilya ng Diyos, nagsisinungaling kayo at sinasabing ‘Hindi ko nakita,’ o ‘Hindi ko alam,’ o ‘Hindi ko pa nabalitaan.’ Kung hindi mo talaga alam o nagkukunwari ka lamang, kung, kapag nasa pinakamahalagang sandali, ibinubunyag mo ang ganitong klaseng tiwaling disposisyon, mahirap sabihin kung isa kang taong tunay na naniniwala sa Diyos; para sa Akin, isa kang taong nalilito sa kanyang paniniwala, o kaya naman ay isang walang pananalig. Walang dudang hindi ka isang taong nagmamahal sa katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Tumagos sa puso ko ang mga salita ng Diyos. Ibinunyag ng Diyos na ang mga taong iresponsable sa kanilang mga tungkulin ay may tusong disposisyon. Nang makita ko ang salitang “tuso,” naisip ko ang mga mapanlinlang na salita at gawa ni Satanas. Ganito naipamalasangang ipinakita ng kalagayan ko at ganito ang disposisyon ko. Tuso ako at mapanlinlang, at wala akong sinseridad sa Diyos. Sa usapin ng pagkakahalal kay Sister Liu, hindi ako nagkulang sa kaliwanagan o pagkakilala sa bagay na ito. Malinaw na mayroon akong mga pagtutol at pagdududa tungkol sa pagkapromote ni Sister Liu bilang lider, at malinaw kong naunawaan ang kapahamakan na nakaabang sa iglesia at sa mga hinirang na tao ng Diyos kung maling lider ang naihalal. Pero dahil sa tuso at mapanlinlang kong kalikasan, natakot akong mapahiya at mapasama ang loob ng mga mga lider at manggagawa kung magsasalita ako, at nag-alala rin ako na iisipin ng iba na gusto kong maging lider at magkakaroonna sila ng masamang impresyon sa akin. Para protektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan, para depensahan ang sarili ko, pinili kong magbulag-bulagan at nagbigay-lugod sa tao para hindi sumama ang loob nila. Wala ako ni katiting na takot sa Diyos. Masyadong kaswal at iresponsable kong tinrato ang gawain ng sambahayan ng Diyos! Kahit hindi ako sigurado kung may kakayahang mamuno si Sister Liu no’ng panahong iyon, sana’y nagtanong ako at nagsisayat nang mas maraming detalye. Hindi magiging mga pagtutol ang mga katanungan ko, ni hindi sadyang gagawing mahirap ng mga ito ang mga bagay-bagay para sa mga lider, pagsisiyasat ito sa mga katunayan at pagpoprotekta sa mga halalan ayon sa mga prinsipyo. Kung mas maaga kong nasiyasat si Sister Liu, at nalaman na hindi niya pinagnilayan ang kanyang mga nakaraang paglabag, hindi pa rin tinatanggap ang katotohanan, at hindi nararapat na maging lider, napigilan ko sana ito sa oras. Ang paggawa niyon ay pag-ako ng responsibilidad sa sarili ko, pati na sa gawain ng iglesia at sa mga buhay ng mga hinirang ng Diyos. Pero sa mga usaping kasinghalaga ng mga halalan sa iglesia, mga sariling interes ko lang ang isinaalang-alang ko. Hindi ko man lang pinrotektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Wala lang talaga akong konsensya o katwiran, at likas na hindi ko mahal ang katotohanan. Pagkatapos ng mga taon ng paniniwala sa Diyos, namumuhay pa rin ako sa mga satanikong lason tulad ng, “Kapag alam mong may mali, tumahimik ka na lang,” at “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.” Ang prinsipyo ko ay palaging “pansariling interes at pansariling pakinabang.” Ako ay makasarili, kasuklam-suklam, tuso, mapanlinlang, at may mga maligoy na iniisip. Naniwala ako na sa pagsunod ng satanikong lohikang ito, wala akong masasaktan, at masisiguro ko ang impluwensiya ko sa maraming tao. Pero inoobserbahan ng Diyos ang mga gawa at kilos ko, at dahil dito, kinasuklaman at kinokondena ng Diyos ang pag-uugali ko. Naisip ko kung paanong puspusang nagbahagi sa atin ang Diyos sa mga nakaraang taon, tungkol sa kung paano makakilala ng mga huwad na lider at mga anticristo, sa kahalagahan ng paghalal ng mabubuting lider ng iglesia, sa mga responsibilidad sa gawain ng pamumuno sa iglesia, at samarami pang ibang aspeto ng katotohanan. Ginawa ito ng Diyos para tulutan tayong matuto na makakilala ng mga tao at bagay, at nang sa gayon ay mas mapanatili nating lahat nang maayos ang buhay-iglesia at maprotektahan ang gawain ng iglesia. Pero pagkatapos marinig ang napakaraming sermon, hindi ko isinapuso ang mga salita ng Diyos. Nang mangyari ang mga bagay-bagay, namuhay pa rin ako sa mga satanikong pilosopiya at hindi maisagawa ang katotohanan. Habang iniisip ito, sobra akong nalungkot at nakonsensya. Naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Gaano man nagdurusa ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, wala kang pakialam, hindi ka nakikialam, o nakokonsiyensiya—ginagawa ka nitong isang taong walang budhi o pakiramdam, isang walang pananalig, isang tagapagserbisyo. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom ang sa Diyos, at tinatamasa ang lahat ng nagmumula sa Diyos, ngunit pakiramdam mo ay walang kinalaman sa iyo ang anumang pinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos—ginagawa ka nitong isang traydor na kumakagat sa kamay na nagpapakain sa iyo. Tao ka ba kung hindi mo pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Isa itong demonyo na isiniksik ang sarili sa iglesia. Nagpapanggap kang naniniwala sa Diyos, nagkukunwaring isang hinirang na tao, at nais mong samantalahin ang sambahayan ng Diyos. Hindi mo isinasabuhay ang buhay ng isang tao, at malinaw na isa ka sa mga walang pananalig(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Tunay Lamang na Nagpapasakop sa Diyos ang May Pusong May Takot sa Kanya). Mula sa salita ng Diyos, naramdaman ko ang Kanyang poot at pagkasuklam sa mga makasariling taong tulad ko. Nakaramdam din ako ng matinding pagsisisi sa ginawa ko. Talagang tama ang Diyos. Isa lang akong pabigat tagapagsa sambahayan ng Diyos. Maraming taon na akong naniniwala sa Diyos at nagtatamasa ng pagdidilig at pagtustos ng salita ng Diyos, pero walang lugar sa puso ko ang Diyos, at kahit kailan hindi ako kaisang puso ng Diyos. Sa napakahalagang panahon, hindi ko naprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Alam na alam kong may problema sa halalan, pero wala man lang akong lakas ng loob na sabihin ang totoo. Basta ko pa ring pinaniwalaan na pwede naman siyang matanggal ‘pag lumabas na hindi siya tama para sa gawainng tao. Ito ba ang pag-uugali na dapat taglayin ng isang mananampalataya ng Diyos? Hindi ba’t isa lang akong ‘di mananampalataya, isang walang pananalig? Ang isang tunay na miyembro ng hinirang ng Diyos ay itinuturing na sa kanila ang mga gawain ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng pagkakataon, at kayang tumayo sa tabi ng Diyos at protektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Pero hindi ko itinuring ang sarili ko bilang isang miyembro ng sambahayan ng Diyos. Wala akong pakialam sa gawain ng iglesia at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kapag may napapansin akong problema, hindi ako nagtatanong tungkol dito. Hindi ko man lang maisakatuparan ang mga pangunahing responsibilidad ng isang mananampalataya ng Diyos. Papaano pa makikilala ng Diyos ang gayong pananampalataya? Habang iniisip ito, nawasak ang puso ko, at kusang tumulo ang mga luha ko. Kinamuhian ko ang sarili ko sa hindi pagkakaroon ng konsensya o katwiran. Nagdasal ako sa Diyos nang may luha sa mga mata ko, “Diyos ko! Masyado na po akong ginawang tiwali ni Satanas. Tanging mga personal na interes lang ang iniisip ko, at hindi mapanatili ang gawain ng sambahayan ng Diyos, na naging dahilan para mahadlangan ko ang gawain ng halalan. Napakamakasarili ko po at kasuklam-suklam! Diyos ko, gusto ko pong magsisi.”

Kalaunan, nabasa ko sa salita ng Diyos na ang, “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, o katayuan. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung ikaw ba ay naging hindi dalisay sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging matapat, natupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito at intindihin ang mga ito, at magiging mas madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyunal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi maging napakaganda ng mga resulta—ngunit naibuhos mo na ang iyong buong pagsisikap. Sa lahat ng ginagawa mo, hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling paghahangad o kagustuhan. Sa halip, binibigyan mo ng palagiang pagsasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi mo ginagampanan nang mahusay ang iyong tungkulin, naiwasto naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, magiging pasado sa pamantayan ang tungkulin mo at magagawa mong pumasok sa realidad ng katotohanan. Ito ang pagpapatotoo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). “Gawin mo ang lahat ng bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos at hindi ang anumang nakasasama sa kapakanan ng gawain ng Diyos. Ipagtanggol mo ang pangalan ng Diyos, ang patotoo ng Diyos, at ang gawain ng Diyos. Dapat mong panindigan at panagutan ang anumang may kaugnayan sa mga kapakanan ng bahay ng Diyos, o ang may kinalaman sa gawain ng bahay ng Diyos at pangalan ng Diyos. Bawat isa sa inyo ay may ganitong pananagutan, ganitong katungkulan, at ito ang dapat ninyong gawin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tungkol sa mga Atas Administratibo ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). Binigyan ako ng isang landas ng pagsasagawa ng salita ng Diyos. Kapag nangyayari ang mga bagay, dapat kong bitiwan ang katayuan at imahe ko, unahin ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at tuparin ang responsibilidad ko. Kapag nakikita kong napapahamak ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, dapat kong itaguyod ang mga prinsipyo at interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi matakot na mapasama ang loob ng mga tao. Kahit na hindi ko makita nang malinaw ang ilang bagay, dapat kong pagtuunan ang paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan at protektahan ang mga interes ng iglesia. Tulad na lang ng pagkapromote ng lider na ito, hindi ko makita nang malinaw ang mga bagay-bagay o hindi makasiguro, kaya nagsalita dapat ako, naghanap, nagsiyasat kasama ang mga kapatid. Hindi ako dapat nag-alala kung ano ang iisipin ng iba o ng mga lider ko. Dapat sana ayakong bumaling ako sa Diyos at tinanggap ang Kanyang pagsisiyasat. Kapag tama ang mga layunin, sa pagpoprotekta ng gawain ng iglesia at mga interes ng mga kapatid, walang sinuman ang huhusga at kokondena sa akin. Nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Kalaunan, nagbahagi ako at naghanap kasama ang mga kapatid, at nalaman ko na mayroon akong ibang maling pananaw. Akala ko na ang iba’t ibang desisyon ng aking mga lider ay ginawa ayon sa mga prinsipyo at hindi dapat kwestyunin. Kapag hindi ako sumang-ayon, sinasadya kong gawing mahirap ang mga bagay-bagay para sa kanila, at ipahiya at kontrahin sila. Sa totoo lang, hindi talaga naaayon ang pananaw ko sa katotohanan. Ito’y lubos na nakabatay sa aking imahinasyon. Sa mga debosyonal ko, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na nagturo sa akin ng mga tamang prinsipyo tungkol sa mga lider at manggagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag itinaas ng ranggo at nilinang ang isang tao sa iglesia para maging lider, itinataas lamang siya ng ranggo at nililinang sa literal na paraan; hindi ito nangangahulugan na karapat-dapat na siyang lider, o mahusay na lider, na kaya na niyang gawin ang gawain ng isang lider, at kayang gawin ang tunay na gawain—hindi ganoon. Hindi malinaw na nakikita ng karamihan sa mga tao ang tungkol sa mga bagay na ito, at tinitingala nila ang mga itinaas ng ranggong ito na umaasa sa kanilang mga imahinasyon, pero isa itong pagkakamali. Kahit ilang taon pa silang maaaring nanalig, taglay nga ba talaga ng mga itinaas ng ranggo ang realidad ng katotohanan? Maaaring hindi. Nagawa ba nilang isakatuparan ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos? Maaaring hindi. Alam ba nila ang kanilang responsibilidad? Taglay ba nila ang pananagutan? Kaya ba nilang magpasakop sa Diyos? Kapag may nakaharap silang isang isyu, nagagawa ba nilang hanapin ang katotohanan? Walang nakakaalam sa lahat ng ito. … Hindi dapat umasang masyado ang mga tao o humingi ng mga bagay na hindi makatotohanan sa mga itinataas ang ranggo at nililinang; hindi makatwiran iyan, at hindi patas sa kanila. Maaari ninyong subaybayan ang kanilang gawain, at kung may madiskubre kayong mga problema o bagay na labag sa mga prinsipyo habang nagtatrabaho sila, maaari ninyong ipaalam ang isyu at hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga bagay na ito. Ang hindi ninyo dapat gawin ay hatulan, kondenahin, batikusin, o ihiwalay sila, dahil nasa panahon sila ng paglinang, at hindi sila dapat ituring na mga taong nagawa nang perpekto, lalo nang hindi mga taong perpekto, o bilang mga taong nagtataglay ng realidad ng katotohanan. Sila ay katulad ninyo: Ito ang panahon na sinasanay sila. Ang pagkakaiba ay na mas marami silang gawaing ginagawa at responsibilidad kaysa mga ordinaryong tao. May responsibilidad at obligasyon silang gumawa ng mas maraming gawain; mas malaki ang halagang kanilang binabayaran, mas marami silang hirap, mas maraming pasakit, mas maraming problemang nilulutas, nagpaparaya sa pamimintas ng mas maraming tao, at siyempre pa ay mas malaki ang kanilang pagsisikap, mas kakaunti ang tulog, kakaunti ang kinakain, at di-gaanong nakikipaghuntahan, kaysa normal na mga tao. Ito ang espesyal sa kanila; maliban dito, katulad sila ng sinumang iba pa. Ano ang saysay ng pagsasabi Ko nito? Para sabihin sa lahat na dapat nilang harapin nang tama ang pagtataas ng ranggo at paglilinang ng iba’t ibang uri ng mga taong may talento sa sambahayan ng Diyos, at hindi sila dapat maging malupit sa kanilang mga hinihingi sa mga taong ito. Natural, dapat ay maging makatotohanan din ang mga tao sa kanilang opinyon tungkol sa kanila. Kahangalan ang magbigay ng sobrang pagpapahalaga o pagpipitagan sa kanila, ni hindi makatao o makatotohanan ang maging lubhang mabagsik sa inyong mga hinihingi sa kanila. Kaya ano ang pinakamakatwirang paraan ng pakikitungo sa kanila? Ang isipin na sila ay mga ordinaryong tao at, kapag may problemang kailangang saliksikin, makipagbahaginan sa kanila at matuto mula sa mga kalakasan ng isa’t isa at punan ang isa’t isa. Dagdag pa rito, responsibilidad ng lahat na subaybayan kung gumagawa ba ang mga lider at manggagawa ng totoong gawain, kung ginagamit ba nila ang katotohanan upang lumutas ng mga problema; ito ang mga pamantayan at prinsipyo sa pagsukat kung ang isang lider o manggagawa ba ay kuwalipikado(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Pinipili at nililinang ang mga lider ng iglesia mula sa mga hinirang na tao ng Diyos. Hindi sila mga perpektong tao, at nagsasanay pa rin sila. Nasa proseso pa rin sila ng paghahanap ng katotohanan at pagbabago ng disposisyon. Ang mga paglihis at pagkakamali sa kanilang gawain ay hindi maiiwasan. Dapat itong tratuhin nang tama ng mga hinirang na tao ng Diyos at dapat silang magkaroon ng responsibilidad na pangasiwaan at protektahan ang kanilang gawain. Kung ang ginagawa ng mga lider ay hindi tama o nakapipinsala sa gawain, dapat banggitin ng mga hinirang ng Diyos ang isyu at dapat silang makipagtulungan sa mga lider para makumpleto ang gawain ng iglesia. Isa rin itong tungkulin na dapat ding gampanan ng mga hinirang na tao ng Diyos. Sa tuwing naghahalal tayo ng isang lider, bakit tayo nagbabasa ng napakaraming pagsusuri ng mga tagaloob, at bakit kailangang bumoto ng mga hinirang na tao ng Diyos? Dahil alam ng mga hinirang na tao ng Diyos ang mga katunayan. Kung wala ang pakikipagtulungan ng mga hinirang na tao ng Diyos, ang pagsusuri ng mga lider at manggagawa ay madaling magkamali. Tanging kapag ang karamihan sa mga hinirang ng Diyos ay nagdadala ng pasanin at tumutupad sa kanilang mga responsibilidad magiging medyo tumpak at naaayon sa mga prinsipyo ang pagpili sa mga lider. Pero hindi ko nakita ang mga bagay ayon sa mga katunayan. Batay sa mga sarili kong kuro-kuro, inakala ko na ang mga opinyon at desisyon ng mga lider ay ginawa ayon sa mga prinsipyo at walang magiging problema. Lubos na katawa-tawa ang pananaw ko! Masyadong mataas ang tingin ko sa mga lider. Pikit-mata akong nakinig at sumunod sa kanila nang walang anumang prinsipyo. Labis na kahangalan at kamangmangan ito! Tanging pagkatapos lang mabasa ang salita ng Diyos ko napagtanto kung paano tratuhin nang tama ang mga lider. Hindi ako dapat bulag na makinig at sumunod sa kanila. Kung ang kanilang ginagawa ay tama at naaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, dapat akong tumanggap at sumunod. Hindi ito pagsunod sa isang tao o lider, ito ay pagsunod sa katotohanan. Kung ang sinasabi o ginagawa nila ay hindi naaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, kahit na anong posisyon sila bilang isang lider, dapat ko itong tanggihan—tanggihan na sundin ito, buksan ang puso ko, magbahagi, at magsiyasat kasama ng iba hanggang maunawaan naming lahat ang problema. Ito ay pagprotekta sa mga interes ng iglesia. Kung kaya ng lahat na tratuhin nang seryoso ang mga prinsipyo ng katotohanan, makipagtulungan nang maayos sa mga lider, at tuparin ang kanilang mga responsibilidad, ang gawain ng iglesia at buhay-iglesia ng mga hinirang na tao ay masisiguro at mapapanatili. Kung katulad sa akin ang pananaw ng lahat at bulag na tinitingala ang mga lider at manggagawa, iniaasa ang lahat ng mga problema sa mga lider at manggagawa, walang pakialam kahit sa mga importanteng bagay gaya ng paghalal ng mga lider, nagsasagawa gaya mismo ng sinasabi ng mga lider, hindi tinutupad ang kanilang mga sariling responsibilidad, hindi nakikipagtulungan sa mga lider para bantayan ang mga bagay-bagay, at hindi naghahanap o nagsasalita kapag alam nilang malinaw na hindi tama ang mga bagay-bagay, kung gayon, hindi lang sila mawawalan ng sarili nilang tungkulin, kundi malamang na pipili rin sila ng mga maling lider. Magdadala lang ito ng kapahamakan at pagkasira sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid. Kasabay nito, natutuhan ko na sa mga bagay na hindi ko nauunawaan, dapat kong hanapin ang katotohanan nang may puso na takot sa Diyos hanggang sa malinaw kong maunawaan ang tanong. Hangga’t tama ang ating mga intensyon, para maprotektahan ang gawain ng iglesia, kahit na ‘di tayo sumasang-ayon sa ating mga lider, hindi tayo nagdudulot ng gulo o lumalaban sa ating mga lider, hinahanap natin ang katotohanan at sinisiyasat ang isyu sa tamang paraan, at pinoprotektahan din ang gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kung ang lider ay ang tamang tao, matatanggap niya ang katotohanan at hindi mang-aapi ng kahit sino dahil dito. Kung sinusupil ng isang lider ang iba dahil sa magkakaibang opinyon, pinatutunayan nito na hindi tinatanggap ng lider ang katotohanan, na makakatulong din sa atin na makabuo ng pagkakilala. Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, nagsimulang sumigla at gumaan ang loob ko. Alam ko na ngayon kung paano makipagtulungan sa mga lider at protektahan ang gawain ng iglesia.

Minsan, isinumbong at inilantad ng mga kapatid si Li, sinasabing napakamakasarili niya at sakim, at na madalas niyang sinasamantala ang mga kapatid at hinihingan ang mga ito ng mga bagay-bagay. Natuklasan ng mga tao na siya ay kasuklam-suklam at isang napakasamang impluwensya. Ayon sa mga prinsipyo, dapat siyang alisin. Matapos siyasatin at patunayan ng mga lider ang ulat, natukoy na totoo ito, pero sinabi ng mga lider na epektibo siya sa gawain ng ebanghelyo at pwedeng manatili para gampanan ang kanyang tungkulin. Nang marinig ko ito, naalala ko ang ilang dating pag-uugali ni Li sa kanyang tungkulin. May masama siyang disposisyon, hindi siya makatwiran sa mga ginagawa, at nagpipilitng na siya dapat ang may huling salita. Kapag may sinumang pumupuna sa mga problema sa kanya, gumaganti siya at pinarurusahan sila, at hindi niya talaga tinatanggap ang katotohanan. Sa huli, natanggal din siya. Kahit nagkaganoon, hindi nagsisi si Li, sakim pa rin siya, at madalas pa ring nanghihingi ng mga bagay-bagay sa mga kapatid. Ayon sa mga prinsipyo, isa siyang target sa pagpapaalis. Gayunpaman, may ilan pa rin akong inaalala. Masama ang pagkatao niya, tuso siya at sakim, at kung mananatili siya sa iglesia, gagawa siya ng mas marami pang kasamaan at gagambalain ang gawaing pang-ebanghelyo. Kung hihintayin namingmagkaroon ito ng malaking epekto sa gawain bago namin ito asikasuhin, hindi ba’t magiging masyadong huli na ‘yon? Naisip ko, “Dapat ko bang sabihin sa mga lider ang tungkol dito?” Pero naisip ko rin, “Kayang suriin at subaybayan ng mga lider ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo. Kung magsasalita ako ngayon, ano ang iisipin nila sa akin? Iisipin kaya nilang may problema ako sa mga pagsasaayos nila? Walang sinuman ang nagsalita, kaya ‘di bale na, hindi na rin ako magsasalita.” Nang naisip ko ito, hindi ako mapalagay. Naalala ko ang karanasan ko kamakailan, at napagtanto na pinoprotektahan ko na naman ang mga sarili kong interes. Kaya tahimik akong nagdasal sa Diyos para hilinging magkaroon ako ng mga tamang intensyon, matanggap ko ang pagsisiyasat ng Diyos, at maprotektahan ang gawain ng iglesia, anuman ang iisipin ng iba sa akin. Kaya, ipinahayag ko ang mga alalahanin ko at naghanap kasama ang lahat. Nang matapos ako, nagbigay rin ang ibang kapatid ng ilang mungkahi. Pagkatapos, nagsiyasat ang mga lider at natukoy na hindi nararapat na manatili si Li sa iglesia, kaya siya ay inalis sa iglesia ayon sa mga prinsipyo. Nang makita ko kung paano ito pinangasiwaan, nakaramdam ako ng katiwasayan. Nakita ko na ang hindi pamumuhay sa mga satanikong pilosopiya at ang pagsasagawa ng katotohanan ay ang tanging paraan para mamuhay bilang isang tunay na tao at nang may dignidad. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...