Manatiling Tapat sa Katotohanan, Hindi sa Damdamin

Hulyo 9, 2022

Ni Jiaming, Tsina

Isang araw ng Hulyo 2017, nakatanggap ako ng sulat mula sa aking lider ng iglesia na nagsasabing nag-aalis ang iglesia ng mga hindi mananampalataya, at hinihiling sa akin na magsulat ng pagtatasa sa pag-uugali ng kapatid ko. Nagulat ako, at medyo kinabahan. Paaalisin na ba ng iglesia ang kapatid ko? Kung hindi, bakit nila ako pinagsusulat tungkol sa kanyang pag-uugali? Alam kong hindi siya nagbabasa ng salita ng Diyos o dumadalo ng mga pagtitipon sa kanyang libreng oras, sa halip ay palagi siyang lumalabas at nakikipagsiya kasama ng mga kaibigan niya, sumusunod sa mga makamundong kalakaran, at hindi nagpapakita ng interes sa mga usapin ng pananampalataya. Sinabihan pa niya ako na huwag masyadong magtuon sa pananampalataya, kundi lumabas-labas din, tulad niya. Sinubukan kong magbahagi ng mga salita ng Diyos sa kanya, pero hindi siya nakinig at nainis pa nga siya at sinabing, “Tama na! Walang nang saysay ang pagsabi sa akin ng mga bagay na ito. Wala akong pakialam!” Pagkatapos ay natulog na siya. Maraming beses nag-alok ang mga kapatid ng pagbabahagi sa kanya, pinapayuhan siyang basahin ang mga salita ng Diyos at pumunta sa mga pagtitipon, pero ayaw niya itong tanggapin. Sinabi niyang masyadong mahigpit ang pananalig sa Diyos, na palagi niyang kailangang humanap ng oras para dumalo sa mga pagtitipon, at na ang pagsapi niya noon sa iglesia ay hindi naman niya kagustuhan—ginawa niya lang ito bilang pampalubag-loob sa nanay namin. Ganito siya noon pa man. Kung ito ang titingnan, talagang isa siyang hindi mananampalataya, at naaayon ito sa mga prinsipyo kung aalisin siya sa iglesia. Pero malapit kami noon pa man. Simula noong maliliit pa kami, palagi niya akong tinitirhan kapag may kinakain siyang masarap, at hinahatian ako kapag binibigyan siya ng pera ng mga tao. Isang beses, bilang parusa ay hindi ako agad pinauwi ng isang guro, at napaiyak ang kapatid ko sa sama ng loob. Karamihan sa mga magkakapatid sa nayon namin ay hindi ganito kalapit sa isa’t isa. Nang maisip ko ang lahat ng iyon, hindi ko makayang magsulat tungkol sa mga problema niya; ayaw kong masira ang pagsasamahan namin. Kung magiging tapat ako sa inaasal niya, at sa huli ay paaalisin siya ng iglesia, hindi ba’t mawawalan siya ng pagkakataong mailigtas. Hindi ba’t magiging malupit at walang-puso ako kapag ginawa ko iyon? Paano kapag nalaman niyang nagsulat ako tungkol sa kanya, at hindi na niya ako kausapin kahit kailan? Nagpasya akong magsulat ng mas positibong bagay, sinasabi na nagbabasa siya minsan ng salita ng Diyos, at bagama’t hindi siya pumupunta sa mga pagtitipon, sa puso niya ay naniniwala pa rin siya sa Diyos. Mabibigyan siya niyon ng pagkakataon. Kapag nabasa iyon ng lider, baka mas bahaginan pa siya at hindi na siya mapaalis. Pero kung hindi ako matapat tungkol sa kanyang ugali, pagsisinungaling iyon at pagtatago sa katotohanan. Ililigaw niyon ang mga kapatid namin at maaantala ang gawain ng iglesia. Sa isang panig ay ang gawain ng iglesia, at sa kabila naman ay ang kapatid ko. Hindi ko alam kung aling panig ang pipiliin? Masama talaga ang loob ko at hindi ko magawang huminahon nang sapat para magawa ang tungkulin ko. Nagiging blanko ang isip ko kapag naiisip kong magsusulat ako tungkol sa inaasal niya; hindi ko alam kung paano magsisimula. Habang mas iniisip ko ito, lalong hindi ko malaman ang gagawin, kaya tahimik akong nanalangin, “Diyos ko, gusto ko pong maging patas sa pagtasa sa aking kapatid, pero napipigilan ako ng damdamin ko, kaya hindi ko ito magawa. Pakigabayan po ako na hindi mapagharian ng damdamin sa pagharap ko rito, at sa halip ay sumunod sa Iyong salita.”

Nabasa ko ang siping ito ng salita ng Diyos pagkatapos magdasal: “Labis na makasarili yaong mga nagkakaladkad tungong simbahan sa kanilang mga lubusang walang pananampalatayang anak at kamag-anak, at nagpapakita lamang sila ng kabaitan. Nakatuon lamang ang mga taong ito sa pagiging mapagmahal, naniniwala man sila o hindi o kung layunin man ito ng Diyos. Dinadala ng ilan ang kanilang esposa sa harap ng Diyos, o kinakaladkad ang kanilang mga magulang sa harap ng Diyos, at sumasang-ayon man sa kanila o hindi ang Banal na Espiritu o gumagawa sa kanila, walang taros silang nagpapatuloy sa ‘pag-ampon ng matatalinong tao’ para sa Diyos. Anong pakinabang ang maaaring makamit mula sa pagpapaabot ng kabaitan sa mga walang pananalig na ito? Kahit na nagsusumikap sila, na walang presensya ng Banal na Espiritu, na sundan ang Diyos, hindi pa rin sila maililigtas tulad ng maaaring paniwala ng tao. Yaong mga makakayang tumanggap ng kaligtasan sa totoo ay hindi ganoon kadaling matamo. Lubos na walang kakayahan na magawang ganap ang mga tao na hindi sumailalim sa gawain at mga pagsubok ng Banal na Espiritu, at hindi nagawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao. Samakatuwid, mula sa sandaling simulan nilang sundan sa turing ang Diyos, salat sa presensya ng Banal na Espiritu ang mga taong iyon. Dala ng kanilang mga kalagayan at tunay na katayuan, hindi sila magagawang ganap nang gayon-gayon lamang. Sa gayon, nagpapasya ang Banal na Espiritu na huwag gumugol ng gaanong sigla sa kanila, o nagkakaloob Siya ng anumang kaliwanagan o ginagabayan sila sa anumang paraan; pinahihintulutan lamang Niya silang makisunod, at ilalahad sa huli ang mga kalalabasan nila—sapat na ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, naunawaan ko na ang kagustuhang magsabi ng magagandang bagay tungkol sa kapatid ko para mapanatili siya sa iglesia at bigyan siya ng pagkakataong maligtas ay pangangarap ko lang nang gising. Malinaw na malinaw na sinasabi sa atin ng salita ng Diyos na iyong mga hindi tunay na sumusunod sa Diyos, na naniniwala sa Kanya sa pangalan lamang, ay hindi maililigtas. Inililigtas lamang ng Diyos iyong mga nagmamahal at tumatanggap sa katotohanan. Ang ganoong uri lamang ng tao ang makakapagkamit ng presensya at gawain ng Banal na Espiritu, makakaunawa at makakatamo ng katotohanan, at sa huli ay maliligtas ng Diyos at makakaligtas sa mga sakuna. Sa diwa, ang mga hindi mananampalataya ay nasusuklam sa katotohanan. Hinding-hindi nila matatanggap ang katotohanan, at gaano katagal man silang manalig, hindi kailanman nagbabago ang kanilang mga perspektibo, pananaw sa buhay, at mga prinsipyo. Tulad lamang sila ng mga walang pananampalataya. Hindi sila kinikilala ng Diyos, at hindi nila kailanman matatamo ang pagbibigay-liwanag at paggabay ng Banal na Espiritu. Maaari silang sumunod hanggang sa wakas, pero hinding-hindi nila mababago ang kanilang disposisyon sa buhay—hindi sila maililigtas. Nang inisip ko ang ugali ng kapatid ko, hindi niya minamahal ang katotohanan, tutol siya rito. Pinahalagahan niya ang mga makamundong kasiyahan tulad ng isang walang pananampalataya, at hindi ang pagbabasa ng salita ng Diyos o pagpunta sa mga pagtitipon, at lalong hindi ang paggawa ng kanyang tungkulin. Madalas pa nga niyang sabihin, “Ang pananalig sa Diyos ay walang kabuluhan. Hindi mahalaga kung naniniwala ka o hindi.” Ayaw niyang pakinggan ang pagbabahagi ninuman, at nayayamot siya sa labis na pagbabahagi. Batay sa kanyang pangkalahatang pag-uugali, isa siyang hindi mananampalataya, at hindi talaga siya kikilalanin ng Diyos. Hinding-hindi niya matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu o makakamit ang pagkaunawa sa katotohanan. Gaano man kaganda ang isulat ko tungkol sa kanya para mapanatili siya sa iglesia, hinding-hindi siya maliligtas. Dahil sa puntong ito ay natukoy kong isang siyang hindi mananampalataya, kung madadala ako ng damdamin at pagtatakpan siya para mapanatili siya sa iglesia, hindi ba’t malinaw na nilalabag ko ang mga prinsipyo? Kung hindi ko isusulat nang patas at tumpak ang pagtatasa sa aking kapatid batay sa mga katunayan, kundi sa halip ay ililigaw ko ang aking mga kapatid na panatilihin sa iglesia ang isang tao na dapat maalis, hindi ba ito paghadlang sa gawain ng iglesia? Nang matanto kung gaano kalubha ang mga kahihinatnan, alam kong kailangan kong bitiwan ang aking mga damdamin, sundin ang mga prinsipyo, at bigyan ang iglesia ng tumpak na impormasyon tungkol sa aking kapatid—iyon lamang ang aayon sa mga layunin ng Diyos. Nang malaman ito, isinulat ko ang pagtatasa sa aking kapatid at ibinigay ito sa lider, pakiramdam ko na sa wakas ay nagawa ko na ang tama. Sa huli, ayon sa mga prinsipyo, inalis siya ng iglesia, at mahinahon kong tinanggap ang resultang iyon. Salamat sa patnubay ng salita ng Diyos, hindi ako kumilos ayon sa damdamin ko at pinrotektahan ang aking kapatid, ngunit sa halip ay tinasa siya nang patas at nang walang pagkiling. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos.

Pagkatapos, noong Hulyo 2021, hiniling sa akin ng lider ng iglesia na sumulat ng pagtatasa sa aking nanay. Naisip ko kung paanong hindi niya ibinabahagi ang ebanghelyo ayon sa mga prinsipyo kamakailan, kaya muntik nang maaresto ang ilang kapatid. Nang tukuyin ng iba ang kanyang problema, hindi niya ito tinanggap, sa halip ay walang katapusang nakipagtalo sa kung ano talaga ang nangyari. Hindi na nangahas ang mga kapatid na magbanggit ng anumang isyu sa kanya pagkatapos noon. Sa katunayan, hindi iyon ang una o pangalawang pagkakataon na gumawa ng gulo ang aking nanay. Isang beses, sa isang pagtitipon, hiniling ng isang lider sa isa pang sister, imbes na sa nanay ko, na basahin ang salita ng Diyos. Sinabi ng nanay ko na inaapi siya ng lider at na isang huwad na lider ito. Napansin ng isang sister kung gaano siya kaingay at hiniling sa kanya na hinaan ang boses niya at bigyang-pansin ang paligid. Inakusahan ng nanay ko ang sister na sinusubukan lang siyang hanapan ng mali, at sinabihan itong huwag nang bumalik sa susunod. Walang humpay siyang nakikipagtalo tungkol sa mga napakaliliit na bagay at gumagawa ng gulo sa mga pagtitipon. Naging panggulo na siya sa buhay-iglesia. Maraming beses siyang binahaginan at tinabasan ng mga kapatid, umaasa na magninilay siya at magsisisi, pero ayaw niyang tanggapin ito. Binabaluktot pa niya ang mga katunayan, sinasabing pinapalaki ng mga tao ang isang maliit na maling bagay na sinabi niya. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan. Ayon sa mga prinsipyo, ang taong may ganitong pag-uugali ay dapat na ibukod para sa pagninilay-nilay sa sarili upang hindi niya magambala at maapektuhan ang mga pagtitipon ng mga kapatid. Alam kong dapat akong magsulat nang tumpak tungkol sa kanyang pag-uugali para sa iglesia sa lalong madaling panahon, pero naisip ko kung gaano niya kinamumuhian ang mapahiya at kung paano siya nagwawala. May tendensiya siyang huwag pansinin ang sinumang pumupuna sa kanya. Kung malalaman niya na nagsulat ako tungkol sa mga isyu niya, matatanggap ba niya ito? Hindi ba’t nakakahiya ito para sa kanya kung malaman niya na sinabi ko ang mga bagay na iyon tungkol sa kanya? Magiging negatibo ba siya at isusuko ba niya ang kanyang pananampalataya? Habang mas iniisip ko ito, lalong sumasama ang loob ko at lagi kong naiisip ang lahat ng paraan na nagpakita siya ng pagmamahal at malasakit sa akin. Minsan, noong maliit pa ako at nilagnat nang mataas sa kalagitnaan ng gabi, pinasan niya ako sa likod niya at dinala sa doktor sa katabing nayon. Napakataas ng lagnat ko na natakot ang doktor na tignan ako, kaya noong gabi ring iyon ay pinasan ako ng nanay ko papunta sa ospital sa bayan. Palagi niya akong tinutulungan sa lahat ng bagay sa buhay ko, iniisip ang bawat maliliit na detalye. Isinilang niya ako at pinalaki, ibinahagi ang ebanghelyo sa akin, dinala ako sa harap ng Diyos, at sinuportahan ako sa aking tungkulin. Napakabuti niya sa akin—kung ibubunyag ko siya, hindi ba’t pagiging walang puso iyon? Hindi ba’t masakit iyon para sa kanya? Kung malalaman ng iba na personal kong ibinunyag ang kanyang paggambala sa buhay-iglesia, pupunahin ba nila ako sa pagiging masyadong malupit at walang awa sa sarili kong nanay? Sasabihin ba nila na isa akong masamang anak na walang utang na loob. Alam kong ang nanay ko ay hindi ang klase ng tao na tumatanggap ng katotohanan, pero napakamaalaga niya sa akin. Siya ang aking sariling ina, kung tutuusin. Kaya, bagama’t lagi akong tinutulak ng lider na isulat ang kanyang pagtatasa, patuloy ko itong ipinagpapaliban. Noon, isa kaming pamilya ng mga nananalig. Kumakanta kami ng himno at nagdarasal nang magkakasama, nagbabasa ng salita ng Diyos at nag-uusap tungkol sa aming mga nararamdaman. Napakasaya ng panahong iyon, at minsan ang mga alaalang iyon ay bumabalik sa isip ko. Pero ngayon, napaalis na ang kapatid ko, at malamang na ibubukod ang nanay ko para makapagnilay-nilay sa kanyang sarili. Miserable ako at hindi ko alam kung paano harapin ang sitwasyon. Wala akong ganang gampanan ang tungkulin ko, at hindi ako nakaramdam ng pasanin na hanapin ang katotohanan para tulungan ang mga kapatid sa kanilang mga problema. Nagpapatangay lang ako sa agos sa mga pagtitipon, lumilipad ang isip at hindi makapagbahagi tungkol sa kahit ano. Iniraraos ko lang ang mga araw, talagang nagdurusa. Alam kong wala ako sa mabuting kalagayan, kaya lumapit ako sa Diyos at nanalangin, hinihiling sa kanya na gabayan ako na makaalis sa pagiging negatibo ko para hindi ako malimitahan ng damdamin ko.

Kalaunan, nabasa ko ang salita ng Diyos: “Anong mga isyu ang may kaugnayan sa mga damdamin? Una ay kung paano mo sinusuri ang iyong sariling mga kapamilya, at kung paano mo hinaharap ang mga bagay na ginagawa nila. Natural na kasama rito sa ‘ang mga bagay na ginagawa nila’ kapag kanilang ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, kapag hinuhusgahan nila ang mga tao kapag nakatalikod ang mga ito, kapag lumalahok sila sa ilang pagsasagawa ng mga hindi mananampalataya, at iba pa. Kaya mo bang harapin ang mga bagay na ito nang patas? Kapag kailangan mong magsulat ng isang pagsusuri sa iyong mga kapamilya, magagawa mo ba ito nang obhetibo at patas, nang isinasantabi ang iyong sariling mga damdamin? May kinalaman ito sa kung paano mo hinaharap ang iyong mga kapamilya. Dagdag pa rito, nagkikimkim ka ba ng mga damdamin sa mga taong kasundo mo o sa mga dati nang tumulong sa iyo? Kaya mo bang tingnan ang kanilang mga kilos at asal sa isang obhetibo, patas, at tumpak na paraan? Kung ginagambala at ginugulo nila ang gawain ng iglesia, magagawa mo bang agad na iulat o ilantad sila pagkatapos mo itong malaman?(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 2). “Ipagpalagay, halimbawa, na ang mga kamag-anak o magulang mo ay mga mananampalataya sa Diyos, at dahil sa paggawa ng masama, paglikha ng mga kaguluhan, o hindi pagkakaroon ng anumang pagtanggap sa katotohanan, napaalis sila. Gayunpaman, hindi ka mapagkilatis sa kanila, hindi mo alam kung bakit sila napaalis, at masamang-masama ang loob mo, at panay ang reklamo mo na ang sambahayan ng Diyos ay walang pagmamahal at hindi patas sa mga tao. Dapat kang manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan, pagkatapos ay kilatisin kung anong uri ba talaga ng mga tao ang mga kamag-anak mong ito batay sa mga salita ng Diyos. Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan, matutukoy mo sila nang tumpak, at makikita mong tama ang lahat ng ginagawa ng Diyos, at na Siya ay isang matuwid na Diyos. Kung magkagayon ay wala ka nang magiging reklamo, at magagawa mo nang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, at hindi mo na susubukang ipagtanggol ang mga kamag-anak o magulang mo. Ang punto rito ay hindi ang putulin ang inyong pagiging magkamag-anak; ito ay para lamang matukoy kung anong klaseng mga tao sila, at para magawa mo silang makilatis, at malaman mo kung bakit sila itiniwalag. Kung talagang malinaw ang mga bagay na ito sa iyo sa puso mo, at tama ang mga pananaw mo, at naaayon sa katotohanan, kung gayon ay magagawa mong pumanig sa Diyos, at ang mga pananaw mo sa usapin ay magiging ganap na tugma sa mga salita ng Diyos. Kung hindi mo magawang tanggapin ang katotohanan o tingnan ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos, at pumapanig ka pa rin sa mga relasyon at pananaw ng laman kapag tinitingnan ang mga tao, hindi mo kailanman maiwawaksi ang relasyong ito sa laman, at tatratuhin mo pa ring kamag-anak ang mga taong ito—mas malapit pa sa iyo kaysa sa mga kapatid mo sa iglesia, kung magkagayon ay magkakaroon ng kontradiksyon sa pagitan ng mga salita ng Diyos at ng iyong mga pananaw tungkol sa iyong pamilya sa usaping ito—isang tunggalian pa nga, at sa gayong mga sitwasyon, magiging imposible na pumanig ka sa Diyos, at magkakaroon ka ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos. Kaya, para makamit ng mga tao ang pagiging kaayon ng Diyos, una sa lahat, dapat munang naaayon sa mga salita ng Diyos ang kanilang mga pananaw ukol sa mga usapin; dapat magawa nilang tingnan ang mga tao at bagay batay sa mga salita ng Diyos, tanggapin na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at magawang isantabi ang mga tradisyonal na kuru-kuro ng tao. Kahit ano pang mga tao o bagay ang kinakaharap mo, dapat mong mapanatili ang mga pananaw at perspektibang kapareho ng sa Diyos, at ang iyong mga pananaw at perspektiba ay dapat nakaayon sa katotohanan. Sa ganitong paraan, ang mga pananaw mo at ang paraan ng pakikitungo mo sa mga tao ay hindi magiging laban sa Diyos, at magagawa mong magpasakop sa Diyos at maging kaayon ng Diyos. Hinding-hindi na magagawa ng gayong mga tao na muling lumaban sa Diyos; sila mismo ang mga taong ninanais ng Diyos na makamit(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Matukoy ang Kalikasang Diwa ni Pablo). Tinulungan ako ng salita ng Diyos na maunawaan na hindi natin matatasa ang mga bagay o tao mula sa emosyonal na pananaw. Dapat tayong sumunod sa katotohanan ng salita ng Diyos upang mabatid ang kalikasang diwa ng isang tao, at kung anong uri siya ng tao. Ito ang tamang paraan upang matasa ang isang tao, na tinitiyak na hindi tayo mabibiktima ng damdamin. Palagi kong sinusuri ang sitwasyon tungkol sa aking nanay mula sa emosyonal na pananaw, iniisip kung paano niya ako isinilang at kung paano niya ako minahal at inalagaan. Pinahirapan ako nito nang husto na kunin ang panulat at magsulat ng isang makatotohanang pagsusuri. Ngunit sinasabi ng Diyos na kailangan natin ng pagkakilala sa mga tao batay sa kanilang kalikasang diwa; ang kakayahang makilala ang kanilang kalikasang diwa ay ang tanging paraan upang palayain ang ating sarili mula sa damdamin at tratuhin sila nang patas at naaayon sa mga prinsipyo. Anong uri ng tao talaga ang aking ina? Siya ay masigasig at nagmamalasakit sa iba sa kanyang pang-araw-araw na buhay, ngunit nangangahulugan lamang iyon na siya ay madamayin. Inalagaan niya ako nang husto, pero ibig sabihin lamang niyon na tinupad niya ang responsibilidad ng isang ina. Pero likas siyang mayabang at hindi tumatanggap ng katotohanan. Naging mapanghusga at mapanlaban siya sa sinuman na nagtukoy ng kanyang mga isyu o nagpungos sa kanya, at nagmamaktol siya dahil dito. Kapag malala ito, nakikipag-away pa siya sa iba at walang humpay silang guguluhin, na nakakasakal sa iba. Batay sa kanyang pag-uugali, kung patuloy siyang makikipagtipon kasama ang mga kapatid, tiyak na magagambala niya ang buhay-iglesia at mapipigilan ang pagpasok sa buhay ng iba. Kung ibubukod siya para sa pagninilay-nilay sa sarili ayon sa mga prinsipyo, muling magkakaroon ng maayos na mga pagtitipon ang lahat, at magiging isang babala sa kanya ang pagsasaayos na iyon. Kung magninilay siya talaga at makikilala ang kanyang sarili, magiging kapaki-pakinabang ito para sa kanyang buhay. Pero kung lalabanan at tatanggihan niya ito, o iiwanan pa niya ang kanyang pananalig, siya ay malalantad at matitiwalag. Sa gayon ay makikita ko nang mas malinaw ang kanyang kalikasang diwa, magiging halata agad kung masama man siya o mabuti, at mawawalan na ako ng dahilan para subukang panatilihin siya sa iglesia. Sa puntong iyon, naunawaan ko ang layunin ng Diyos. Isinaayos ng Diyos ang sitwasyong ito nang umaasa na magkakaroon ako ng pagkilala at matututunang makita ang kalikasang diwa ng mga tao ayon sa Kanyang salita para maisantabi ko ang damdamin ko sa mga pagkilos ko at mapakitunguhan ko ang mga tao ayon sa prinsipyo.

Pagkatapos nito, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong mapaghimagsik sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananampalataya, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at tinatrato sila nang may konsensiya at pagmamahal, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba kakampi ng mga demonyo? Kung umabot na ang mga tao sa puntong ito at hindi pa rin nila mapag-iba ang mabuti sa masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang pagnanais na hangarin ang mga layunin ng Diyos o magawang kunin bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng budhi at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa pagpapahalaga sa katarungan? Kung bumabagay ka sa mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba mapaghimagsik kung gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Nagtataglay ba ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng budhi ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Inilantad ng salita ng Diyos ang mismong kalagayan ko. Alam kong naniwala sa Diyos ang nanay ko sa loob ng maraming taon pero hindi niya tinatanggap ang katotohanan, at nang sinubukan ng iba na tulungan siya sa kanyang mga isyu, para pungusan siya, hindi niya matanggap na mula ito sa Diyos. Palagi siyang nakikipagtalo sa bawat maliliit na bagay at nanggagambala sa buhay-iglesia, naglilingkod bilang kampon ni Satanas. Pero hindi ako tumindig at hindi ko siya inilantad, patuloy ko lang siyang pinagtatakpan at pinagtatanggol. Inakala ko na ang hindi paglalantad sa kanya o hindi pagsusulat ng makatotohanang pagtatasa ang tamang gawin. Sa aktwal, nagpapakita ako ng pagmamahal at pagkakonsensiya para kay Satanas, hindi isinasaalang-alang nang kahit kaunti ang gawain ng iglesia o kung magdudusa man ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Pumapanig ako kay Satanas at nagsasalita para kay Satanas. Hindi ba’t ito ang tinatawag ng Diyos na “sinasadyang labanan ang Diyos”? Walang prinsipyo ang pagmamahal ko at hindi ko alam ang tama sa mali—ito ay isang nalilitong pag-ibig. Pinagtatanggol ko ang nanay ko, pinapahintulutan siyang patuloy na gambalain ang buhay-iglesia. Naging bahagi ako ng kasamaan niya. Sa pagkilos nang ganito, hindi ba’t sinasaktan ko ang iba at ang sarili ko? Binulag ako ng aking damdamin, naparalisa nito. Ilang beses akong hinimok ng lider na magsulat ng pagtatasa ng aking nanay, pero patuloy kong ipinagpapaliban ito at inantala ang gawain ng iglesia. Nang mapagtanto ko ito, nakonsensiya talaga ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan na mapigilan ako ng damdamin ko habang hinaharap ang sitwasyong ito. Ano ang tunay na problema? Lumapit ako sa Diyos para manalangin at maghanap, hinihiling sa Kanya na gabayan ako na maunawaan ang aking mga isyu.

Nagbasa ako ng isang sipi ng salita ng Diyos, na nakatulong sa akin na magkaroon ng higit na kabatiran sa aking sarili. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao sa iba ayon sa hinihingi ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahanap ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban; ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot at naghihimagsik sa Diyos—ito ang mga taong kinasusuklaman ng Diyos, at dapat din natin silang kasuklaman. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. … Kung itinatatwa at sinasalungat ng isang tao ang Diyos, na siya ay isinusumpa ng Diyos, ngunit siya ay magulang o kamag-anak mo, at sa tingin mo ay hindi naman siya mukhang masamang tao, at maayos ang pagtrato niya sa iyo, baka hindi mo magawang kamuhian ang taong iyon, at baka manatili siyang malapit mong kaugnayan, hindi nagbabago ang relasyon ninyo. Ikababahala mo na marinig na kinamumuhian ng Diyos ang gayong mga tao, at hindi mo magagawang pumanig sa Diyos at malupit na tanggihan ang taong iyon. Lagi kang napipigilan ng mga damdamin, at hindi mo ganap na mapakawalan ang mga ito. Ano ang dahilan nito? Nangyayari ito dahil masyadong matindi ang iyong mga damdamin, at hinahadlangan ka ng mga itong maisagawa ang katotohanan. Mabait sa iyo ang taong iyon, kaya hindi mo maatim na kamuhian siya. Makakaya mo lang siyang kamuhian kung sinaktan ka nga niya. Ang pagkamuhing iyon ba ay aayon sa mga katotohanang prinsipyo? Gayundin, ginagapos ka ng tradisyunal na mga haka-haka, na iniisip na isa siyang magulang o kamag-anak, kaya kung kamumuhian mo siya, kasusuklaman ka ng lipunan at lalaitin ng publiko, kokondenahing walang paggalang, walang konsiyensiya, at ni hindi nga tao. Iniisip mo na magdurusa ka ng pagkondena at kaparusahan ng langit. Kahit gusto mong kamuhian siya, hindi iyon kakayanin ng konsiyensiya mo. Bakit gumagana nang ganito ang konsiyensiya mo? Ito ay dahil isang paraan ng pag-iisip ang naitanim na sa kalooban mo buhat nang ikaw ay bata pa, sa pamamagitan ng pamana ng iyong pamilya, ang turong ibinigay sa iyo ng mga magulang mo, at ang indoktrinasyon ng tradisyonal na kultura. Ang paraang ito ng pag-iisip ay nakaugat nang napakalalim sa puso mo, at dahil dito ay nagkakaroon ka ng maling paniniwala na ang paggalang sa magulang ay ganap na likas at may katwiran, at na ang anumang minana mo mula sa mga ninuno mo ay palaging mabuti. Una mo itong natutunan at nananatili pa rin itong nangingibabaw, na lumilikha ng isang malaking sagabal at kaguluhan sa iyong pananampalataya at pagtanggap sa katotohanan, na iniiwan kang walang kakayahan na isagawa ang mga salita ng Diyos, at mahalin ang minamahal ng Diyos at kapootan ang kinapopootan ng Diyos. Alam mo sa puso mo na ang buhay mo ay nagmula sa Diyos, hindi mula sa iyong mga magulang, at alam mo rin na ang mga magulang mo ay hindi lamang hindi nananalig sa Diyos, kundi nilalabanan ang Diyos, na kinapopootan sila ng Diyos at dapat kang magpasakop sa Diyos, pumanig sa Kanya, ngunit hindi mo lang talaga magawang kapootan sila, kahit na gusto mo. Hindi mo ito malagpasan, hindi mo mapatatag ang puso mo, at hindi mo maisagawa ang katotohanan. Ano ang ugat nito? Ginagamit ni Satanas ang ganitong uri ng tradisyonal na kultura at mga haka-haka ng moralidad upang igapos ang mga kaisipan mo, ang isip mo, at ang puso mo, na iniiwan kang walang kakayahan na matanggap ang mga salita ng Diyos; ikaw ay inari na ng mga bagay na ito ni Satanas, at ginawa kang walang kakayahan na tanggapin ang mga salita ng Diyos. Kapag nais mong isagawa ang mga salita ng Diyos, ginugulo ng mga bagay na ito ang kalooban mo, na nagdudulot na salungatin mo ang katotohanan at ang mga hinihingi ng Diyos, at ginagawa kang walang lakas na iwaksi ang impluwensiya ng tradisyonal na kultura. Pagkatapos mong magsikap nang ilang panahon, nagkokompromiso ka: pinipili mong paniwalaan na ang mga tradisyonal na haka-haka ng moralidad ay tama at naaayon sa katotohanan, kaya tinatanggihan o tinatalikuran mo ang mga salita ng Diyos. Hindi mo tinatanggap ang mga salita ng Diyos bilang katotohanan at binabalewala mo ang mailigtas, dahil pakiramdam mo ay nabubuhay ka pa rin sa mundong ito, at makakaligtas ka lang sa pamamagitan ng pagsandig sa mga taong ito. Dahil hindi mo kayang tiisin ang ganting-paratang ng lipunan, mas nanaisin mong piliin na isuko ang katotohanan at ang mga salita ng Diyos, hinahayaan ang sarili mo sa mga tradisyonal na haka-haka ng moralidad at sa impluwensiya ni Satanas, pinipiling magkasala sa Diyos at hindi isagawa ang katotohanan. Hindi ba’t ang tao ay kahabag-habag? Hindi ba nila kailangan ang pagliligtas ng Diyos?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Naunawaan ko mula sa salita ng Diyos na hinihingi Niya sa atin na mahalin ang minamahal Niya at kamuhian ang kinamumuhian Niya. Minsan ding sinabi ng Panginoong Jesus: “Sino ang Aking ina? At sino-sino ang Aking mga kapatid? … Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at Aking kapatid na babae, at ina(Mateo 12:48, 50). Minamahal ng Diyos iyong mga naghahangad ng katotohanan at kayang tanggapin ito. Ito lamang ang mga uri ng tao na dapat kong tawaging kapatid, ang tanging uri na dapat kong mahalin, at tulungan nang may pagmamahal. Ang lahat ng tutol sa katotohanan at hindi kailanman nagsasagawa nito ay pawang mga hindi mananampalataya, hindi mga kapatid. Kahit na sila ay ang ating mga magulang o kamag-anak, dapat natin silang kilalanin at ilantad batay sa mga katotohanang prinsipyo. Hindi ito nangangahulugan na hindi mo sila dapat itrato bilang iyong mga magulang, o hindi mo sila pagmamalasakitan sa hinaharap, pero ang ibig sabihin nito ay dapat maging makatwiran at patas ang pakikitungo mo sa kanila, ayon sa kanilang kalikasang diwa. Pero ang “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig” at “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?” ay mga satanikong lason na nanuot na sa akin. Wala akong prinsipyo sa pakikitungo ko sa mga tao, at palagi kong pinoprotektahan at pinapanigan ang pamilya ko batay sa damdamin. Noong sinusulat ko ang pagtatasa sa kapatid ko, alam kong inilantad na niya ang sarili na hindi mananampalataya at dapat nang mapaalis sa iglesia, pero nadala ako sa mga damdamin ko at ayaw kong isulat ang katotohanan. Gusto kong itago ang mga katotohanan at linlangin ang mga kapatid ko. Noong hiniling sa akin ng lider na magsulat ng pagtatasa sa nanay ko, alam kong nakagagambala siya sa buhay-iglesia at na dapat akong magsulat nang tumpak at walang pagkiling na pagtatasa para matulungan ang lider na ilantad at paghigpitan siya. Pero sa pag-iisip sa kanya bilang nanay ko, at kung gaano siya kabuti sa akin, natakot ako na kung magsusulat ako nang matapat tungkol sa kanyang pag-uugali, palagi akong makokonsensiya at hindi ko ito makakayanan. Natakot din ako na iisipin ng iba na malupit ako at walang awa. Puno ng mga pag-aalinlangan at pangamba, patuloy ko itong ipinagpapaliban. Nakita ko na ang mga satanikong lason na ito ay malalim na nakaugat sa aking puso, itinatali ako sa mga damdamin ko. Ginawa nila akong walang prinsipyo sa pakikitungo sa iba at pinigilan ako sa pagtataguyod ng gawain ng iglesia. Pumapanig ako kay Satanas, nagrerebelde at lumalaban sa Diyos. Ang totoo, ang nanay at kapatid ko ay parehong hindi mananampalataya, at ang paglalantad ng kanilang ugali ang makatarungang bagay na dapat gawin. Ito ay pagprotekta sa gawain ng iglesia at pagsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Ito ay pagmamahal sa minamahal ng Diyos, at pagkamuhi sa kinamumuhian ng Diyos, at isang patotoo sa pagsasagawa ng katotohanan. Ngunit nakita ko ang pagsasagawa ng katotohanan at paglalantad kay Satanas bilang isang negatibong bagay; tinuring ko itong kawalan ng puso, kawalan ng konsensya, at pagtataksil. Gulong-gulo ako! Napagkamalan kong puti ang itim, mabuti ang masama. Ginapos ako ng mga damdamin ko at napuno ng pagkanegatibo dahil dito, nang walang motibasyon na gawin ang aking tungkulin. Kung wala ang maagap na pagbibigay-liwanag at paggabay ng Diyos, nasira na sana ako ng mga damdamin ko. Halos naging katapusan ko na ang pamumuhay sa mga damdamin ko. Napakamapanganib niyon!

Nang maglaon, nagnilay pa ako sa sarili ko, na natatanto na ang aking pag-aatubili na magsulat tungkol sa aking nanay ay nagmula sa isa pang maling pagkaunawa—na ang paglalantad sa kanya ay pagiging walang puso, dahil pinalaki niya ako nang may gayong kabaitan. Nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na nagpabago sa aking pananaw rito. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang nabubuhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Sumunod, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mabuhay sa loob ng ordinasyon ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanyang paglaki hanggang sa kanyang pagtanda. Sa prosesong ito, walang nakadarama na lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala sila na lumalaki siya sa ilalim ng mapagmahal na pangangalaga ng kanyang mga magulang, at na ang likas na pag-uugali niya sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang likas na pag-uugali niya sa buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng kanyang pag-iral, at na mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang naaalala ang tao, kaya nga inaaksaya niya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala ni isa sa sangkatauhang ito na pinangangalagaan ng Diyos gabi’t araw ang nagkukusang sambahin Siya. Patuloy lang ang Diyos sa paghubog sa tao, nang walang anumang inaasahan, tulad ng naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa kanyang panaginip at biglang matatanto ang halaga at kahulugan ng buhay, ang halagang katumbas ng lahat ng naibigay ng Diyos sa kanya, at ang sabik na kahilingan ng Diyos na bumalik ang tao sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Natutunan ko mula sa mga salita ng Diyos na kung titingnan, ang nanay ko ang nagsilang at nagpalaki sa akin, at siya ang nag-alaga sa akin sa buhay ko. Pero ang totoo, ang pinagmulan ng buhay ng tao ay ang Diyos, at ang lahat ng tinatamasa ko ay ibinigay ng Diyos. Ang Diyos ang nagbigay sa akin ng buhay, at nagsaayos ng pamilya at tahanan para sa akin. Pagsasaayos din ng Diyos ang nagtulot sa akin na marinig ang Kanyang tinig at lumapit sa Kanya. Dapat na pinasasalamatan ko ang Diyos, at dapat kong isagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay na nangyayari sa akin para palugurin ang Diyos at masuklian ang Kanyang pagmamahal. Hindi ako dapat pumanig sa pamilya ko at kumilos para kay Satanas, hinahadlangan ang gawain ng iglesia. Naalerto ako nang mapagtanto ito. Kailangan kong lumapit sa Diyos para magsisi, at hindi ko maaaring patuloy na sundin ang mga damdamin ko. Pagkatapos niyon, tumpak kong inilantad ang pag-uugali ng nanay ko na gumagambala sa buhay-iglesia.

Pagkalipas ng isang buwan, nahalal akong maging lider ng iglesia. Nalaman ko na hindi pa rin lubos na nakikilala ng ilang miyembro ng iglesia ang pag-uugali ng aking nanay. Naisip ko, “Dapat ko silang kausapin tungkol sa kung paano naging nakakagambala ang aking nanay sa buhay iglesia, para matuto silang kilalanin at tratuhin siya ayon sa mga katotohanang prinsipyo.” Pero nang gagawin ko na, nagtalo ang kalooban ko. Kung, sa panahon ng pagbabahaginan, ang mga kapatid ay nakapagkamit nga ng pagkilala sa pag-uugali ng nanay ko, tatalikuran ba nila siya? Ikasasama ba ito ng loob ng nanay ko? Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang magsabi ng kahit ano. Napagtanto kong muli akong pinipigilan ng damdamin at naalala ko ang salita ng Diyos na nabasa ko dati—na dapat kong mahalin ang minamahal ng Diyos at kamuhian ang Kanyang kinamumuhian. Nagdulot ang nanay ko ng mga problema sa buhay-iglesia, at iyon ay isang bagay na kinamumuhian ng Diyos. Hindi ko siya pwedeng patuloy na pagtakpan dahil sa pagmamalasakit ko. Responsibilidad kong ilantad at himayin ang sitwasyon, nang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, upang magkaroon ng pagkakilala ang mga kapatid. Kaya nagbahagi at naghimay ako sa kung paano ginambala ng nanay ko ang buhay-iglesia, at nagkaroon ng kaunting pagkakilala ang iba at natuto ng ilang aral. Karamihan sa mga tao ay sumang-ayon na dapat siyang ihiwalay para sa pagninilay sa sarili. Matapos maisagawa ito, gumaan ang pakiramdam ko at napayapa. Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso para sa patnubay at pagbibigay-kaliwanagan ng Kanyang salita sa pagtulong sa akin na maunawaan ang katotohanan, mahanap ang mga prinsipyo na isasagawa, at maunawaan kung paano pakikitunguhan ang mga kapamilya ko. Kung wala iyon, mapipigilan pa rin ako ng damdamin, makagagawa ng mga bagay para labanan ang Diyos. Ipinakita sa akin ng mga karanasang ito na sa pagtrato sa mga tao at pagharap sa mga sitwasyon sa loob ng iglesia, lahat ito ay dapat gawin ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ito lamang ang naaayon sa layunin ng Diyos. Ito ang tanging paraan upang makaramdam ng kalayaan at kapayapaan ng kalooban. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Gamot Para sa Inggit

Ni Xunqiu, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng mga masuwaying disposisyon, nakakahiya ang...