Ang Kawalang-Takot sa Diyos ay Isang Mapanganib na Landas

Hulyo 9, 2022

Ni Molly, Espanya

Simula noong nakaraang taon, tinanggap ko ang responsibilidad sa gawain ng pagdidilig sa iglesia. Minsan sa isang pagtitipon, binigyan ako ng ilang feedback ni Brother William, na superbisor ng gawain ng ebanghelyo, na sinasabi na nitong huli ay marami-rami ang mga bagong nananalig na lumiliban sa mga pagtitipon, at na may mga problema kami sa pagdidilig na kailangang pag-aralan at itama sa lalong madaling panahon. Nagawa kong tanggapin ang kanyang feedback noong una. Tinalakay ko ang mga problema sa mga kapatid at ginawa ko ang lahat ng kaya ko para gawin ang mga kinakailangang pagbabago at itama ang mga bagay-bagay, pero bawat buwan ay umaalis pa rin ang mga baguhan sa mga grupo sa iba’t ibang kadahilanan. Muling sinabi sa akin ni William na iresponsable ako sa aking tungkulin at na hindi ko nalutas ang mga isyu sa gawain ng pagdidilig. Naisip ko, “Nagawa ko na ang lahat ng makakaya ko para ayusin ang mga ito at nagawa ko ang dapat kong gawin, kaya bakit sa akin ka nakatutok? Hindi ba paghahanap lang ito ng mali? Bukod diyan, maraming dahilan para lumiban ang mga bagong nananalig sa mga pagtitipon. May mga kuru-kurong panrelihiyon pa rin ang ilan na hindi pa nalutas, na nangangahulugang hindi mo malinaw na naibabahagi ang katotohanan kapag nagpapalaganap ng ebanghelyo, kaya bakit hindi mo pinagninilayan ang sarili mong mga isyu? Kung nakapagbahagi ka nang maayos, mas kaunti sana sa mga baguhan ang umalis sa mga grupo.” Kaya, nagkaroon ako ng hinanakit kay William at binalewala ko ang kanyang mungkahi. Nagulat ako nang iulat kalaunan ng ilang kapatid na nag-eebanghelyo ang mga problemang ito sa isang nakatataas na lider. Hindi ko pinagnilayan ang sarili ko nang mabalitaan ko ito, pero natakot ako na matapos marinig ng lider ang balita tungkol sa sitwasyon, baka isipin niya na hindi ako gumagawa ng praktikal na gawain, na isa akong huwad na lider. Kung mapaalis ako, masyadong nakakahiya iyon. Hindi ba nila ako itsinitsismis sa lider? Mas nagalit ako nang mas maisip ko iyon at lalo pang sumama ang loob ko sa kanila. Nang magmungkahi silang muli sa akin kalaunan, pakiramdam ko nagpapasimula lang sila ng gulo at hindi ko sila pinansin.

Minsan, sa isang pagtitipon, nagbigay ng partikular na opinyon ang isang diyakono ng pagdidilig tungkol sa mga kapatid na nag-eebanghelyo, na sinasabi na hindi pa nila nalutas ang mga kuru-kurong pangrelihiyon ng mga baguhan, at na pagiging iresponsable iyon. Kung naging malinaw sana ang kanilang pagbabahagi, dadalo ang mga bagong nananalig sa mga pagtitipon. Ito mismo ang pakiramdam ko, kaya agad akong sumagot, “Oo nga, ipinasa sa atin ang mga baguhang iyon para diligan samantalang mayroon pa rin silang mga kuru-kurong pangrelihiyon. Paano natin sila matagumpay na madidiligan?” Pagkasabi ko niyon, nagsimulang magsalita ng kung anu-ano ang lahat ng tagadilig. Medyo nabalisa ako, iniisip kung ang ginagawa ko ay ipinapasa ko ang sisi sa iba at hinuhusgahan sila nang patalikod. Pero naisip ko pagkatapos, totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko na masyadong inisip iyon. Minsan habang tinatalakay ko ang gawain sa isang diyakono ng pagdidilig, bigla niyang sinabing, “Kailangan kong umalis, kasi gusto ni Brother Jackson na magkasama naming lutasin ang mga kuru-kurong panrelihiyon ng isang taong nagsisiyasat sa tunay na daan.” Inisip ko na lagi na lang sinasabi ng mga kapatid na nag-eebanghelyo na mayroon kaming mga problema, kaya bakit nila kailangan ang tulong namin kahit sa isang bagay na tulad ng paglutas ng mga kuru-kurong panrelihiyon? Kaya sinabi ko, “Hindi niya kayang gawin iyong mag-isa? Bakit ka ba niya kailangang isali sa lahat ng bagay? May sarili kang trabaho. Kung hindi niya kayang gawin iyong mag-isa, ibig sabihin niyon ay wala siyang kakayahan.” Kinabahan ako matapos sabihin iyon: Bakit ko nasabi iyon? Gustong magpatulong ni Jackson sa pagbabahagi ng ebanghelyo para maging epektibo iyon. Normal lang iyon. Nag-uudyok ako ng mga problema sa pagitan nila. Hindi ba paggambala iyon sa gawain ng iglesia? Sa pag-iisip na ito, agad kong itinama ang sarili ko at sinabing, “Sige lang.” Nang pag-isipan ko iyon pagkatapos ng nangyari, medyo natakot ako, kaya nagdasal ako sa Diyos, na hinihiling sa Kanya na bigyan ako ng kaliwanagan na makilala ang aking sarili.

Nabasa ko ang ilang salita ng Diyos sa isang pagtitipon kinabukasan: “Paano ba masusing sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga tao? Hindi Siya tumitingin gamit lamang ang Kanyang mga mata; nagtatakda Siya ng mga kapaligiran para sa iyo, hinahaplos ng Kanyang mga kamay ang iyong puso. At bakit Ko ba sinasabi ito? Dahil kapag nagtatakda ang Diyos ng kapaligiran para sa iyo, tinitingnan Niya kung nakararamdam ka ng pag-ayaw at pagkasuklam, o kagalakan at pagsunod; tinitingnan Niya upang makita kung pasibo kang naghihintay, o nagkukusa kang maghanap ng katotohanan; tinitingnan ng Diyos kung paano nagbabago ang iyong puso at mga iniisip, at kung saang direksiyon lumalago ang mga ito. Minsan, positibo ang lagay ng loob mo, kung minsan naman ay negatibo ito. Kung magagawa mong tanggapin ang katotohanan, kung gayon sa kaibuturan mo, matatanggap mo mula sa Diyos ang mga tao, pangyayari, bagay at iba’t ibang sitwasyong isinasaayos Niya para sa iyo, at mahaharap mo ang mga ito nang tama. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa iyong isipan, magbabago ang bawat kaisipan, ideya at asal mo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos—at magiging malinaw ang lahat ng ito sa iyo, at susubaybayan ang mga ito ng Diyos. Wala kang sinumang nasabihan ng mga bagay na ito, o naipanalangin tungkol sa mga ito. Naisip mo lamang ang mga ito sa iyong puso, sa iyong sariling mundo—subalit alam na alam ito ng Diyos, at kasinglinaw ng araw ang mga ito sa Kanya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Mula sa salita ng Diyos naunawaan ko na ginagamit ng Diyos ang mga sitwasyong pinasisimulan Niya para obserbahan ang ating puso, para makita kung naiinis tayo at lumalaban kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, o kung hinahanap at isinasagawa natin ang katotohanan. Kung lagi tayong kontra at tutol sa mga bagay na isinasaayos ng Diyos at umaasa sa isang tiwaling disposisyon sa ating mga kilos, parami nang parami ang magagawa nating mga paglabag at kalaunan ay itatakwil at aalisin tayo ng Diyos. Sa paggunita sa mga kaganapan nitong huli, sa tuwing nagmumungkahi ang mga kapatid na iyon na nag-eebanghelyo, mas inisip ko ang tama at mali, at pinuna ko sila at ang kanilang mga kilos. Hindi ko talaga hinanap ang katotohanan at nagkaroon pa ako ng mga hinanakit sa kanila. Naging mapanghusga ako kapag nakatalikod sila na kasama ang iba pang mga kapatid. Ganoon bang kumilos ang isang nananalig? Sa aking pag-uugali at mga kilos, pinahihina at ginugulo ko ang gawain ng iglesia, na paggawa ng masama. Natakot ako nang matanto ko ito, kaya umusal ako ng isang tahimik na dalangin: “Diyos ko, hinuhusgahan ko ang mga kapatid kapag nakatalikod sila, na lumilikha ng pagkakawatak-watak. Nalabanan Kita. Handa akong pagnilayan ang sarili ko. Gabayan Mo sana ako.”

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Dapat gawin ng mga naniniwala sa Diyos ang mga bagay-bagay nang maingat at masinop, at lahat ng ginagawa nila ay dapat maging alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos at makalugod sa Kanyang puso. Hindi dapat maging matigas ang kanilang ulo, na ginagawa ang anumang gusto nila; hindi iyan nababagay sa banal na kaangkupan. Hindi dapat magwala ang mga tao, na iwinawagayway ang bandila ng Diyos kung saan-saan habang nagyayabang at nanggagantso kahit saan; ito ang pinakasuwail na uri ng pag-uugali. May mga panuntunan ang mga pamilya, at may mga batas ang mga bansa—hindi ba lalo na sa sambahayan ng Diyos? Hindi ba higit na mas mahigpit pa ang mga pamantayan nito? Hindi ba higit na mas marami pa itong atas administratibo? Ang mga tao ay malayang gawin ang gusto nila, ngunit ang mga atas administratibo ng Diyos ay hindi maaaring baguhin kung kailan gustuhin. Ang Diyos ay isang Diyos na hindi nagpapalampas ng kasalanan ng mga tao; Siya ay isang Diyos na nilalagay sila sa kamatayan. Hindi pa ba ito alam talaga ng mga tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). “Ang mga taong nagsasagawa ng katotohanan, sa bandang huli, ay maliligtas at gagawing perpekto dahil sa katotohanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, sa bandang huli, ay maghahatid ng pagkawasak sa kanilang sarili dahil sa katotohanan. Ito ang wakas na naghihintay sa mga nagsasagawa at hindi nagsasagawa ng katotohanan. Pinapayuhan Ko ang mga hindi nagpaplanong isagawa ang katotohanan na lisanin ang iglesia sa lalong madaling panahon upang hindi na makagawa ng mas marami pang kasalanan. Pagdating ng panahon, magiging huli na ang lahat para magsisi. Lalo na, yaong mga naggugrupu-grupo at lumilikha ng pagkakawatak-watak, at yaong mga lokal na maton sa loob ng iglesia, ay kailangang lumisan nang mas maaga. Ang mga taong iyon, na may likas na pagkataong kasingsama ng mga lobo, ay walang kakayahang magbago. Mas mabuti pang lisanin nila ang iglesia sa pinakamaagang pagkakataon, at huwag nang gambalaing muli ang normal na buhay ng mga kapatid kailanman, at sa gayon ay maiwasan nila ang parusa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). “Hinihimok Ko kayong magkaroon ng mas mahusay na pag-unawa sa nilalaman ng mga atas administratibo, at magsikap alamin ang disposisyon ng Diyos. Kung hindi, mahihirapan kayong panatilihing tikom ang mga labi ninyo, masyado kayong malayang dadaldal nang may magarbong pananalita, at hindi sinasadyang malalabag ninyo ang disposisyon ng Diyos at masasadlak sa kadiliman, na mawawalan ng presensiya ng Banal na Espiritu at ng liwanag. Sapagkat wala kayong prinsipyo sa mga kilos ninyo, sapagkat ginagawa at sinasabi mo ang hindi dapat, tatanggap ka ng naaangkop na ganti. Dapat mong malamang kahit wala kang prinsipyo sa salita at gawa, lubhang maprinsipyo ang Diyos sa dalawang ito. Pagkakasala sa Diyos, hindi sa isang tao, ang dahilan ng pagkakatanggap mo ng ganti. Kung sa buhay mo ay marami kang nagawang paglabag sa disposisyon ng Diyos, nakatakda kang maging anak ng impiyerno. Para sa tao, maaaring mukhang gumawa ka lamang ng iilang gawang salungat sa katotohanan, at wala nang iba. Gayunpaman, alam mo ba na sa mga mata ng Diyos ay isa ka nang taong wala nang nauukol na handog para sa kasalanan? Sapagkat nilabag mo ang mga atas administratibo ng Diyos nang higit sa isang beses at, bukod dito, ay walang ipinakitang tanda ng pagsisisi, wala nang ibang pagpipilian kundi masadlak ka sa impiyerno, kung saan pinarurusahan ng Diyos ang tao. … Kung sa mga ikinikilos mo ay hindi mo nalalabag ang disposisyon ng Diyos, at hinahanap mo ang kalooban ng Diyos, at may mapitagang puso para sa Diyos, kung gayo’y abot sa pamantayan ang pananampalataya mo. Sinumang hindi gumagalang sa Diyos at walang pusong nanginginig sa takot ay malamang na lalabag sa mga atas administratibo ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos, nabahala ako at natakot. Walang pinalalampas na paglabag ang disposisyon ng Diyos. May mga atas administratibo at kinakailangan ang Diyos sa sambahayan ng Diyos. Ang pagsasalita at pagkilos nang walang takot sa Diyos, na tulad ng isang hindi nananalig, paghusga at pag-atake sa iba, laging pagbubuo ng mga pangkat para magkawatak-watak ang mga tao, at panggugulo sa gawain ng iglesia ay pagiging kampon ni Satanas. Hindi kailanman pababayaan ng Diyos ang isang taong katulad noon na manatili sa loob ng iglesia. Ganap siyang walang pagkatao at hindi niya iniingatan ang gawain ng iglesia, kaya malamang na maalis siya kalaunan at maparusahan ng Diyos sa paggawa ng labis na kasamaan. Sa paggunita sa mga kaganapan nitong huli, nang tukuyin ni William ang ilang problema sa aking tungkulin, nagmula iyon sa Diyos, at kapaki-pakinabang sa gawain. Pero hindi ko pinagnilayan ang aking sarili o nilutas ang mga problemang ito sa tamang oras, at sa halip ay naging mapanuri at mapanghusga ako, na iniisip na sadyang naghahanap siya ng mali, kaya nainis ako sa kanya. Nang malaman ko na sinabi ng ilang kapatid na nag-eebanghelyo ang tungkol sa mga isyu sa nakatataas na pamunuan, hindi pa rin ako nagsikap na magsisi kahit paano, at naisip ko na pinagtsitsismisan nila ako, kaya talagang may pagkiling ako laban sa kanila. Sa isang pagtitipon, nang magpahayag ng pagkadismaya sa mga kapatid na nag-eebanghelyo ang isang diyakono ng pagdidilig, sa halip na ibahagi ang katotohanan para tulungan siyang magnilay sa sarili niyang mga isyu, pinalala ko pa ang sitwasyon, na ginagamit iyon bilang isang pagkakataon para maakit ang mga kapatid na husgahan sila, at ipinaako ko sa kanila ang buong responsibilidad sa hindi pagdalo ng mga baguhan. Humantong ito sa pagkiling ng mga tagapagdilig laban sa kanila, na sinusundan ang halimbawa ko na magreklamo tungkol sa kanila at punahin sila. Nang gustong patulungin ni Jackson ang isang tagapagdilig na brother sa pagbabahagi ng ebanghelyo, sinunggaban ko ang pagkakataong siraan ang mga kapatid na nag-eebanghelyo, at kutyain sila nang hindi iniingatan ang mga interes ng iglesia kahit paano. Nakita ko na wala akong anumang pagpipitagan sa Diyos. Hindi ko lang hindi tinatanggap ang katotohanan, nagpapasimula pa ako ng gulo, nanghuhusga, at sinisiraan ang mga tao para protektahan ang sarili kong karangalan at katayuan. Bumubuo ako ng isang pangkat, gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Diyos! Sa katunayan, binigyan ako ng paulit-ulit na paalala ng mga kapatid na nag-eebanghelyo para tulungan akong makita ang mga isyu at malutas ang mga iyon nang mabilis para normal na makadalo ang mga baguhan sa mga pagtitipon. Ganoon ang pag-iingat sa gawain ng iglesia. Pero hindi man lang ako tumanggap ng mga rekomendasyon, at ginusto ko lang protektahan ang aking katayuan at reputasyon. Hindi ko nilutas ang mga tunay na problema, na humantong sa mga problemang hindi nalutas at maraming baguhang hindi dumadalo sa mga pagtitipon. Ang aking mga kilos at pag-uugali ay nangangahulugan na dapat tinanggal ako. Napuspos ako ng pagsisisi nang matanto ko ito. Sa aking kalooban, nagdasal ako sa Diyos, na determinadong tunay na magsisi.

Sa isang pagtitipon kalaunan, ipinagtapat at ibinahagi ko ang aking pag-uugali nitong huli na pagiging mapanuri, mapanghusga, at sinisiraan ang mga tao kapag nakatalikod sila, para tulungan din ang mga kapatid na makapag-ingat sa mga bagay na ito. Nagsimula rin nilang mamalayan na noong panahong iyon, namumuhay sila ayon sa isang tiwaling disposisyon at hinuhusgahan nila ang mga tao kapag nakatalikod sila, at kung paanong nakaantala sa gawain ng pagdidilig ang hindi pakikipagtulungan sa mga kapatid na nag-eebanghelyo. Handa silang baguhin ang kanilang mga maling kalagayan. Mas lalo pa akong nakonsensya nang marinig ko ang kanilang pagbabahagi. Bilang isang lider, marami na akong nakitang baguhan na hindi dumadalo sa mga pagtitipon at umaalis pa sa grupo ang ilan. Hindi ko lang hindi inakay ang iba na magnilay-nilay, na pag-aralan kung saan kami nagkakamali, at hanapin sa katotohanan ang kalutasan, kundi nanguna ako sa pagpuna sa iba, na ipinaaako sa iba ang responsibilidad, at bumubuo ng isang pangkat sa loob ng iglesia. Hindi lang ako gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Diyos, inaakay ko pa ang iba na labanan ang Diyos. Talagang hindi ako karapat-dapat na maging lider!

Pagkatapos, inisip ko kung bakit ko naatim na gawin ang mga bagay na ito na nakagambala sa gawain ng iglesia. Anong disposisyon ba talaga ang kumokontrol sa akin? Tapos isang araw ay nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos na inilalantad ang pagkasuklam ng mga anticristo sa katotohanan na nakatulong sa akin na maunawaan ang aking sarili. Sabi sa mga salita ng Diyos, “Ang karaniwang pag-uugali ng mga anticristo sa pagwawasto at pagtatabas ay masidhing tanggihang tanggapin o aminin iyon. Gaano man karaming kasamaan ang ginagawa nila o gaano mang pinsala ang ginagawa nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos at sa pagpasok sa buhay ng hinirang na mga tao ng Diyos, hindi sila nakakaramdam ni katiting na pagsisisi o na may pagkakautang silang ano man. Mula sa pananaw na ito, mayroon bang pagkatao ang mga anticristo? Talagang wala. Nagdudulot sila ng samu’t saring pinsala sa hinirang na mga tao ng Diyos at nagdadala ng matinding pinsala sa gawain ng iglesia—kitang-kita itong maliwanag pa sa sikat ng araw ng hinirang na mga tao ng Diyos, at nakikita nila ang sunod-sunod na masasamang gawa ng mga anticristo. At gayunpaman hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang katunayang ito; nagmamatigas silang tumatangging aminin na mali sila o na sila ang may pananagutan. Hindi ba ito indikasyon na sawang-sawa na sila sa katotohanan? Ganoon na lamang katindi ang pagkayamot ng mga anticristo sa katotohanan. Gaano man karaming kasamaan ang gawin nila, tumatanggi silang aminin ito, at nananatili silang hindi nagpapasakop hanggang sa huli. Pinatutunayan nito na hindi kailanman sineseryoso ng mga anticristo ang gawain ng sambahayan ng Diyos o tinatanggap ang katotohanan. Hindi nila nagawang maniwala sa Diyos; mga kampon sila ni Satanas, na naparito para gambalain at guluhin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Reputasyon at katayuan lamang ang laman ng puso ng mga anticristo. Naniniwala sila na kung aaminin nila ang kanilang pagkakamali, kakailanganin nilang managot, at kung magkagayon, lubhang makokompromiso ang kanilang katayuan at reputasyon. Bilang resulta, lumalaban sila nang may saloobin ng ‘magkaila hanggang mamatay.’ Anumang mga paghahayag o pagsusuri ang ginagawa ng mga tao, ginagawa nila ang makakaya nila upang itanggi ang mga ito. Kung sinasadya man o hindi ang kanilang pagtanggi, sa madaling salita, sa isang banda, inilalantad nito ang kalikasan at diwa ng mga anticristo na nayayamot at namumuhi sa katotohanan. Sa isa pang banda, ipinapakita nito kung gaano pinahahalagahan ng mga anticristo ang kanilang sariling katayuan, reputasyon, at mga interes. Samantala, ano ang kanilang saloobin ukol sa gawain at mga interes ng iglesia? Pagkutya at pagtanggi sa responsibilidad. Walang-wala silang konsensya at katwiran. Ipinapakita ba ng pag-iwas ng mga anticristo sa responsibilidad ang mga problemang ito? Sa isang banda, ang pag-iwas sa responsibilidad ay pinatutunayan ang kanilang diwa at kalikasan na nayayamot at napopoot sa katotohanan, habang sa isa pang banda, ipinapakita nito ang kawalan nila ng konsensya, katwiran, at pagkatao. Gaano man napipinsala ng kanilang pangingialam at masasamang gawain ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid, hindi sila nakadarama ng paninisi sa sarili at hindi kailanman naliligalig nito. Anong uri ng nilalang ito? Kahit ang pag-amin sa bahagi ng kanilang pagkakamali ay maituturing bilang pagkakaroon nila ng kaunting konsensya at katinuan, ngunit wala ni katiting na ganoong pagkatao ang mga anticristo. Kaya ano sila sa palagay ninyo? Ang diwa ng mga anticristo ay ang diyablo. Gaano mang pinsala ang kanilang ginagawa sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi nila ito nakikita. Hindi sila nababahala nito ni bahagya sa kanilang mga puso, ni hindi nila sinisisi ang kanilang mga sarili, at lalong hindi nakakaramdam ng pagkakautang. Hinding-hindi ito ang dapat na makita sa mga normal na tao. Ito ang diyablo, at ang diyablo ay walang anumang konsensya o katinuan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Sa pagbasa sa mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga anticristo, nakita ko na nasusuklam at nasusuya talaga sila sa katotohanan sa kalikasan. Gaano man nila pinsalain ang gawain ng iglesia, ayaw nilang aminin ito. Hindi lang nila ayaw tanggapin ang katotohanan at pagnilayan ang sarili para makilala nila ang kanilang sarili kapag iwinawasto sila, kundi sinisikap pa nilang protektahan ang kanilang karangalan at katayuan, na nagdadahilan at ipinapasa sa iba ang responsibilidad nang walang anumang panunurot ng budhi kahit paano. Talagang mga diyablo sila. Dapat tanggapin ng mga lider ang pangangasiwa ng mga kapatid at lutasin sa oras ang mga problema kapag natuklasan ang mga ito. Iyon ang hinihingi ng Diyos at responsibilidad at tungkulin iyon ng isang lider. Gayunman, hindi ko ginawa nang maayos ang gawaing pagdidilig, at hindi ako nakaramdam ng utang na loob o pagsisisi tungkol sa pagpapabaya ko sa aking tungkulin, subalit pinuna ko pa rin at hinusgahan ang iba, na itinuturing ang kanilang mga paalala at tulong bilang pagtatangkang hanapan ako ng mali. Kapag nakokompromiso ng kanilang mga pag-uulat ng mga problema ang aking reputasyon at katayuan, inaatake ko pa sila kapag nakatalikod sila, na sinusubukang hikayatin ang iba na ibukod sila, ginagambala at sinisira ang gawain ng iglesia. Hindi ko inilalabas ang galit ko sa sinumang tao sa aking mga kilos at pag-uugali, kundi sa halip ay ibinubunton ko ang galit ko sa gawain ng iglesia, gumagawa ng kasamaan at nilalabanan ang Diyos! Sinumang makatwirang tao na may konsensya na napungusan at naiwasto dahil sa hindi maayos na pagdidilig sa mga baguhan, na humantong sa pag-alis ng ilan sa grupo, ay makokonsensya at makadarama ng utang na loob, at magpapasakop at magninilay-nilay sa sarili. Maaari nilang gustuhing ipagtanggol ang kanilang sarili sa una, pero tatanggapin nila iyon kalaunan, susuriin ang mga problema, at pagkatapos ay aalagaan ang mga bagong nananalig. Pero nang makita ko ang gayon kalalaking problema sa aking tungkulin, ayaw kong tanggapin ang mga paalala at tulong ng iba, nagdahilan lang ako at ipinasa ko ang responsibilidad sa iba. Para maprotektahan ang aking katayuan, ayaw kong tumanggap ng kahit katiting na responsibilidad. Inisip ko lang ang sarili kong mga interes, hindi ang mga interes ng iglesia. Talagang wala akong pagkatao. Nagpakita ako ng disposisyon ng isang anticristo. Namumuhi at nayayamot ako sa katotohanan. Nang matanto ko ito, lalo akong nagsisi at nanghinayang.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. “Ang sumusunod na talata ay nakatala sa Aklat ni Jonas 4:10–11: ‘At sinabi ni Jehova, “Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga Ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawampung libong katao na hindi marunong makakilala ng kanilang kanang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?”’ Ang mga ito ang aktwal na sinabi ng Diyos na si Jehova, naitala mula sa pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ni Jonas. Bagaman ang pag-uusap na ito ay maigsi lamang, ito ay puno ng pagkalinga ng Lumikha sa sangkatauhan at ng Kanyang pag-aatubili na bitiwan ang sangkatauhan. Ang mga salitang ito ay nagpapahayag ng tunay na saloobin at mga nararamdaman ng Diyos sa Kanyang puso para sa Kanyang sangnilikha. Sa pamamagitan ng mga salitang ito na malinaw at tiyak, na ang katulad ay madalang marinig ng tao, ay inilalahad ng Diyos ang Kanyang tunay na mga layunin para sa sangkatauhan. Ang palitan na ito ay kumakatawan sa saloobin na taglay ng Diyos sa mga mamamayan ng Ninive—ngunit anong uri ng saloobin ito? Ito ang saloobin na Kanyang taglay sa mga taga-Ninive bago at pagkatapos ng kanilang pagsisisi at ang saloobin na ipinakitungo Niya sa sangkatauhan. Nasa loob ng mga salitang ito ang Kanyang mga kaisipan at Kanyang disposisyon(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). “Bagaman ipinagkatiwala kay Jonas ang pagpapahayag ng salita ng Diyos na si Jehova sa mga taga-Ninive, hindi niya naunawaan ang mga layunin ng Diyos na si Jehova, ni naunawaan ang Kanyang mga pag-aalala at mga inaasahan para sa mga mamamayan ng lungsod. Sa pamamagitan ng mahigpit na pangangaral na ito, nais ng Diyos na sabihin sa kanya na ang sangkatauhan ay produkto ng sariling mga kamay ng Diyos, at ang Diyos ay naglaan ng maingat na paggawa sa bawat isang tao, na nasa balikat ng bawat isang tao ang mga inaasahan ng Diyos, at na tinamasa ng bawat isang tao ang panustos ng buhay ng Diyos; para sa bawat isang tao, binayaran ng Diyos ang halaga ng maingat na paggawa. Ang mahigpit na pangangaral na ito ay nagsabi rin kay Jonas na pinahahalagahan ng Diyos ang sangkatauhan, na gawa ng Kanyang sariling mga kamay, tulad din ng pagpapahalaga ni Jonas sa kikayon. Hinding-hindi sila iiwanan ng Diyos nang gayon-gayon lamang, o sa huling posibleng sandali; lalo na’t napakaraming bata at mga inosenteng hayop sa loob ng lungsod. Kapag nakikitungo sa mga bata at inosenteng produktong ito ng paglikha ng Diyos, na hindi man lamang matukoy ang kaibahan ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa, lalong hindi malubos maisip na tatapusin ng Diyos ang kanilang buhay at pagpapasyahan ang kanilang kalalabasan sa gayong madaliang paraan. Umasa ang Diyos na makita silang lumaki; umasa Siya na hindi sila lalakad sa parehong landas na nilakaran ng kanilang mga nakatatanda, na hindi na nila kakailanganin pang muling marinig ang babala ng Diyos na si Jehova, at na magbibigay sila ng patotoo tungkol sa nakaraan ng Ninive. Lalong higit pa rito, umasa ang Diyos na makita ang Ninive pagkatapos nitong magsisi, na makita ang hinaharap ng Ninive kasunod ng pagsisisi nito, at higit na mahalaga, na makita ang Ninive na muling namumuhay sa ilalim ng awa ng Diyos. Samakatuwid, sa mata ng Diyos, ang mga nilikhang ito na hindi matukoy ang kaibahan ng kanilang kanan sa kaliwang kamay ay ang kinabukasan ng Ninive. Sila ang babalikat sa kasuklam-suklam na nakaraan ng Ninive, tulad ng kanilang pagbalikat sa mahalagang tungkulin ng pagpapatotoo sa kapwa nakaraan at hinaharap ng Ninive sa ilalim ng paggabay ng Diyos na si Jehova(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Nang mabasa ko ang salita ng Diyos, napahiya at nahiya ako. Mula sa pag-uusap ng Diyos at ni Jonas, nakita ko ang pagmamahal at awa ng Diyos para sa tao. Kilalang-kilala ng Diyos ang lahat ng tao sa Ninive at nagpakahirap Siya talaga para sa bawat isa sa kanila. Ayaw Niyang isuko sila hanggang sa huling sandali. Naisip ko kung paano natanggap kailan lang ng mga bagong nananalig na nasa ilalim ng aking responsibilidad ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi nauunawaan ang katotohanan, at imposibleng maging matatag sa harap ng paggambala at maling patnubay ng mga anticristo sa mundo ng relihiyon. Inisip ng mga kapatid kung paano magtulungan nang may iisang puso’t isipan para suportahan ang mga baguhan upang mag-ugat sila sa tunay na daan sa lalong madaling panahon. Iyon ang dahilan kaya paulit-ulit nila akong binibigyan ng mga mungkahing iyon at tinutukoy ang mga problema. Pero tumanggi akong tanggapin ang mga bagay na ito at nakamasid lang ako habang maraming bagong nananalig ang hindi dumadalo sa mga pagtitipon dahil sa aking pagiging iresponsable, at hindi ako nakonsensya—paano pa ako naging tao! Umusal ako ng isang dalangin: “Diyos ko, hindi ko pababayaan ang responsibilidad ko, at handa akong magsisi, umasa sa Iyo na makahanap ng mga solusyon at suportahan ang mga bagong nananalig na ito sa pamamagitan ng pagdidilig sa kanila nang mabuti.”

Pagkatapos niyon, tinalakay ko sa mga kapatid ang mga isyu sa aming gawaing pagdidilig. Nagdaos kami ng mga pagtitipon para sa mga baguhan na lumulutas sa mga problemang ito at binigyang-diin namin ang mga katotohanan gaya ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos at ang kabuluhan ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, pati na kung bakit kailangan ng Diyos na pumarito sa katawang-tao para gumawa. Pagkatapos naming magbahaginan, sinabi ng isang baguhan, “Napakarami kong kuru-kuro noong una, pero hindi na ngayon, salamat sa pagbabahagi mo ng salita ng Diyos. Sana magkaroon pa tayo ng mas maraming pagbabahaginan dahil marami pa ring ibang hindi nakakaunawa rito.” Pagkatapos ay sinabi ng isang brother, “Dati-rati ay talagang lito ako tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at iniisip kong umalis sa grupo ng pagtitipon. Pero pagkatapos kong marinig ang pagbabahagi mo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, malinaw na sa akin ang lahat ngayon. Masayang-masaya ako, at dadalo ako sa iba pang mga pagtitipon. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!” Talagang naantig akong marinig ang mga bagay na ito, pero kasabay nito, nakonsensya rin ako talaga. Kung tinanggap ko lang ang mga mungkahi ng iba at gumawa ako ng mas maraming praktikal na gawain noon, na nilulutas ang mga paghihirap at problema ng mga baguhan, hindi sana nanghina at umalis sa grupo ang ilan. Pagkatapos niyon, nagtapat ako kay William tungkol sa katiwaliang ipinakita ko, at nagtapat din siya tungkol sa sarili niyang kalagayan at mga problema sa kanyang gawaing pang-ebanghelyo. Sabi niya gusto niyang magbago. Sa sandaling iyon, naglaho ang hadlang sa pagitan namin at lubhang guminhawa ang pakiramdam ko. Pagkatapos nito, nagsimula akong sadyang magsikap na makipag-ugnayan sa mga kapatid na nag-eebanghelyo, at kahit may kaunting di-pagkakaunawaan, iisa ang mithiin naming lahat: diligan nang maayos ang mga baguhan para mabilis silang magkaroon ng pundasyon sa tunay na daan.

Pagkatapos, minsan ko pang inisip kung paano haharapin ang mga puna sa hinaharap na magiging ayon sa kalooban ng Diyos. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kapag tinatabasan at iwinawasto, ano ang dapat malaman man lang ng mga tao? Dapat maranasan ang pagtatabas at pagwawasto para magampanan nang husto ang tungkulin ng isang tao—hindi puwedeng wala ito. Isa itong bagay na dapat harapin ng mga tao sa araw-araw at maranasan nang madalas sa kanilang pananampalataya sa Diyos at pagtatamo ng kaligtasan. Walang sinuman ang maaaring hindi matatabas at mawawasto. Ang pagtatabas at pagwawasto ba sa isang tao ay isang bagay na may kinalaman sa kanilang kinabukasan at kapalaran? (Hindi.) Para saan ba ang pagtatabas at pagwawasto sa isang tao? Ang mga ito ba ay para kondenahin ang mga tao? (Hindi, ito ay para tulungan ang mga tao na maunawaan ang katotohanan at magampanan ang kanilang tungkulin ayon sa mga prinsipyo.) Tama iyon. Iyon ang pinakatamang pagkaunawa ukol dito. Ang pagtatabas at pagwawasto sa isang tao ay isang uri ng disiplina, isang uri ng pagtutuwid, pero isa rin itong uri ng pagtulong sa mga tao. Ang pagtatabas at pagwawasto ay magtutulot sa iyo na mabago mo kaagad ang mga maling paghahangad mo. Tinutulutan ka nitong agarang matanto ang mga problemang kasalukuyang mayroon ka, at tinutulutan kang makita kaagad ang mga tiwaling disposisyong inilalantad mo. Anu’t anupaman, nakakatulong sa iyo ang pagtatabas at pagwawasto para matupad mo ang iyong mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo, inililigtas ka nito sa tamang oras para hindi ka makagawa ng mga pagkakamali at malihis ng landas, at pinipigilan ka nito na makapagdulot ng mga trahedya. Hindi ba ito ang pinakamalaking tulong sa mga tao, ang kanilang pinakamalaking lunas? Dapat magawang tratuhin nang tama ng mga may konsensya at katwiran ang pagwawasto at pagpupungos sa kanila(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Nalinaw sa akin ng mga salita ng Diyos na ang mapungusan at maiwasto ay hindi pagtatangka ng isang tao na pahirapan o kondenahin tayo. Ito’y para tulungan tayong mas pagnilayan ang ating sarili, mabilis na lutasin ang ating mga maling kalagayan o problema sa ating tungkulin, at gawin nang sapat ang ating tungkulin. Isa ito sa mga paraan na binabago at nililinis tayo ng gawain ng Diyos, at isang bagay na kailangan nating maranasan para maligtas. Kapag pinupungusan, iwinawasto, at inilalantad, dapat kong ituring ang mga bagay na ito na nagmumula sa Diyos, harapin ang mga ito nang maayos, at pagnilayan ang sarili ayon sa mga salita ng Diyos; naaayon ito sa kalooban ng Diyos. Nang maunawaan ko ito, naliwanagan ako, at nalaman ko kung paano pahahalagahan ang mga paalala at tulong ng mga kapatid sa hinaharap.

Pagkatapos noong minsan, sinabi sa akin ni William na may ilang bagong nananalig na hindi nakikitipon at sinusuportahan ng sinuman. Hindi niya alam kung bakit. Gusto niyang siyasatin ko ang sitwasyon at tingnan kung ano ang problema. Naisip ko sa sarili ko, “Nabigyan na namin ang hindi dumadalong mga baguhang ito ng maraming tulong at suporta, at naghanap ng mga prinsipyo na kasama ng mga lider. Sinukuan na namin sila matapos makumpirma na wala silang pananalig, kaya ano pa ang kailangang alamin?” Pero inakala ko na iniisip niya ang mga interes ng iglesia sa paalalang ito, at inaako ang responsibilidad para sa bawat baguhan. Dapat muna akong magpasakop dito at tingnan kung ano talaga ang nangyayari, pagkatapos ay itama ang mga bagay-bagay sa lalong madaling panahon kung may mga problema. Kasunod nito, siniyasat ko ang mga detalye ng sitwasyon, at kahit kalaunan ay nakumpirma ko na wala talaga silang pananalig, nakakita ako ng ilang problema sa aming gawain ng pagdidilig. Natulungan ako noong makita na talagang napakaraming makakamit sa pagtanggap ng mga mungkahi at pagpapasakop, kung hindi ay hindi ko sana nakita ang mga problema o naitama ang mga iyon sa oras, at na magsasanhi iyon ng mga kawalan sa gawain ng iglesia.

Ipinakita sa akin ng mga karanasang ito na ang pagtanggap sa mga paalala at mungkahi ng mga kapatid sa aking tungkulin ay maaaring makatulong nang malaki sa aking sarili at sa gawain. Kung lagi kong tatanggihan at isusuka ang katotohanan, hindi lang ako pipigilan niyong baguhin ang aking tiwaling disposisyon, kundi mapipinsala ko rin ang gawain ng iglesia. Sa gayo’y itatakwil at aalisin ako ng Diyos sa huli. Kasabay niyon, naunawaan ko rin na anuman ang maranasan ko, gaano man ito hindi naaayon sa sarili kong mga kuru-kuro, dapat akong magkaroon ng takot sa Diyos at hindi sadyang kumilos o magsalita nang pikit-mata. Kailangan kong magdasal sa Diyos at hanapin ang mga prinsipyo ng pagkilos para maiwasan kong gumawa ng masama.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman