Pagkatanto ng Aking Pagkamakasarili

Marso 15, 2025

Ni Xing Yue, Italy

Ako ang namamahala sa pagdidilig ng ilang grupo sa iglesia. Isang araw, si Sister Liu, isang lider ng grupo, ay nagpadala sa akin ng mensahe na nagsasabing ang isang baguhan, si Sister Fang, na kanyang dinidiligan, ay hindi na dumadalo sa mga pagtitipon kamakailan, at hindi siya tumutugon sa mga mensahe. Nadiligan ko na si Sister Fang noon, at magkakilala kami. Gusto ni Sister Liu na kontakin ko siya at tanungin kung mayroon siyang anumang suliranin. Naisip ko, “Ito na ang pang-apat na beses na nakipag-ugnayan ka sa akin ngayong buwan. Gumugol na ako ng maraming oras sa pakikitungo kay Sister Fang pagkatapos ng lahat ng pagkakataong hiniling mo sa akin na tulungan at suportahan siya. Masyado na akong abala sa pagdidilig ng ibang baguhan. Hindi ba’t ang paggugol ng lahat ng oras ko sa kanya ay nakakasagabal sa aking tungkulin? Ang mga baguhang responsibilidad ko ay mayroon pa ring maraming hindi nalulutas na problema. Ikaw ang nakatalaga sa pagdidilig kay Sister Fang, kaya ikaw dapat ang umaalalay sa kanya. Kung hindi pa rin dumadalo nang regular si Sister Fang sa mga pagtitipon pagkatapos ng ganito katagal na panahon, baka hindi ka maingat sa tungkulin mo. At saka, kung pupunta ako para makipagbahaginan sa kanya, walang makakaalam na ako ang gumawa ng trabaho. Mas mabuting gugulin ko ang oras ko sa mga baguhan na responsibilidad ko. Kung didiligan ko nang maayos ang mga taong ito at ipapakitang epektibo ako sa tungkulin ko, tiyak na sasabihin ng mga lider na ginagampanan ko ang tungkulin ko at ginagawa ko ang aking makakaya.” Nang maisip ko ito, sinabi ko kay Sister Liu na may marami pang problemang dapat lutasin ang mga baguhang dinidiligan ko, kaya ang maipapangako ko lang ay ang mag-iwan ng mensahe kay Sister Fang, pero hindi ko masisigurong may oras ako para makipagbahaginan sa kanya.

Matapos kong sabihin ito, medyo nakonsensya ako at hindi mapalagay. Pinangangalagaan ko ba ang gawain ng iglesia sa ginagawa kong ito? Isinasagawa ko ba ang katotohanan? Naisip ko ang salita ng Diyos, “Ang konsiyensiya at katwiran ay dapat kapwa maging bahagi ng pagkatao ng isang tao. Ang mga ito ay kapwa pinakabatayan at pinakamahalaga. Anong klaseng tao ang isang taong walang konsiyensya at walang katwiran ng normal na pagkatao? Sa pangkalahatan, siya ay isang taong walang pagkatao, isang taong sukdulan ng sama ang pagkatao. Kung mas bubusisiin ang mga detalye, anong mga pagpapamalas ng kawalan ng pagkatao ang ipinapakita ng taong ito? Subukang suriin kung anong mga katangian ang matatagpuan sa gayong mga tao at anong partikular na mga pagpapamalas ang ipinapakita nila. (Makasarili sila at salbahe.) Ang mga taong makasarili at salbahe ay basta-basta lang sa kanilang mga pagkilos, at walang malasakit sa mga bagay na wala silang pansariling kinalaman. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga kapakanan ng tahanan ng Diyos ni nagpapakita sila ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos. Wala silang pinapasang kabigatan ukol sa pagpapatotoo sa Diyos o sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, at hindi sila responsable. Ano ang iniisip nila tuwing mayroon silang ginagawa? Ang unang iniisip nila ay, ‘Malalaman ba ng Diyos kung gagawin ko ito? Nakikita ba ito ng ibang mga tao? Kung hindi nakikita ng ibang mga tao na nagsisikap ako nang husto at masipag akong nagtatrabaho, at kung hindi rin ito nakikita ng Diyos, kung gayon walang silbi ang aking paggugol ng gayong pagsisikap o pagdurusa para dito.’ Hindi ba ito lubos na makasarili? Isa rin itong mababang-uring klase ng layunin. Kapag nag-iisip at kumikilos sila sa ganitong paraan, may papel bang ginagampanan ang kanilang konsiyensya? Nababagabag ba ang konsiyensiya nila rito? Hindi(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Ang ipinahayag ng mga salita ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Lubos akong napahiya at nakonsensya. Sa lahat ng ginawa ko, isinaalang-alang ko lamang kung kapaki-pakinabang ito sa sarili ko at kung nakikita ito ng mga tao. Hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam! Hindi dumadalo si Sister Fang sa mga pagtitipon, kaya kailangan niya ng suporta, tulong, at ang pagdidilig at pagtustos ng mga salita ng Diyos. Mas pamilyar kami ni Sister Fang sa isa’t isa, kaya mas mabuting tulungan ko siya, pero ang iniisip ko lang ay ang oras at lakas na kakailanganin kong gugulin, kung makukuha ko ba ang papuri, at kung anong pakinabang ang makukuha ko rito. Nang maisip ko ang katunayang hindi ito makikita ng mga lider kung magbabayad ako ng halaga para sa bagay na ito, gumawa ako ng mga pagdadahilan para maiwasan ito, nang hindi iniisip kung magiging pasibo si Sister Fang at tatalikuran ang pananampalataya niya. Naisip ko kung gaano kalaki ang pagsisikap ng Diyos sa pagliligtas ng tao, at kung paanong kasabay nito ay nagmamatyag si Satanas nang mabuti sa lahat at sinusubukang gamitin ang lahat ng uri ng mga panlilinlang para pigilan ang mga tao sa pagsunod sa Diyos. Kung ang mga baguhan ay hindi dumadalo sa mga pagtitipon, kailangan nating lahat na magkaisa sa ating layon, umasa sa Diyos, makipagbahaginan ng katotohanan sa mga baguhan, lutasin ang iba’t ibang suliranin at problema nila, at tulungan silang bumuo ng pundasyon sa tunay na daan sa lalong madaling panahon. Pero hindi ko man lang isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Malinaw kong nakita na hindi pumupunta si Sister Fang sa mga pagtitipon, at na siya ay nanganganib na umatras sa kanyang paniniwala, pero pinili kong magsawalang-kibo at huwag pansinin ito. Wala talaga akong pagkatao. Makasarili ako at labis na nakakasuklam. Habang iniisip ito, lalo akong nakonsensya at nanlumo. Naisip kong hindi pwedeng maging ganito ako kasama. Kailangan kong makipagtulungan kay Sister Liu at suportahan si Sister Fang.

Noong gabing iyon, nag-iwan ako ng mensahe para kay Sister Fang para magtanong tungkol sa kalagayan niya. Kinabukasan, sumagot si Sister Fang sa mensahe ko, nagsabing may mga nangyari sa kanya kamakailan, at napakanegatibo ng pakiramdam niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang pumunta sa mga pagtitipon o hindi. Tinanong ko siya kung anong mga suliranin ang dinaranas niya, pero nag-alinlangan siyang sabihin sa akin. Naisip kong malamang na medyo malaki ang problema niya. Kung walang pagbabahaginan para malutas ito sa lalong madaling panahon, nanganganib siyang gumawa ng maling hakbang at umatras. Pero alam ko rin ang ugali niya. Kung walang pakikipag-usap at gabay nang mahabang panahon, mahirap para sa kanya na buksan ang kanyang puso. Nagkataon na itinalaga ako sa mas maraming baguhan noong nakaraang mga araw, kaya napakaabala ko. Kung gugugulin ko ang lahat ng oras ko sa paglutas ng kanyang kalagayan, hindi ko madidiligan ang mga baguhan na responsibilidad ko sa tamang oras. Kung may mga problema sila, hindi ba’t responsibilidad ko iyon? Kung magiging hindi ako gaanong epektibo sa pagganap ng tungkulin ko, ano ang iisipin ng mga lider sa akin? Habang iniisip ko ito, nag-alinlangan na naman ako. Gusto kong ipasa ang paglutas ng isyung ito sa ibang kapatid. Sa sandaling iyon, biglang nag-offline si Sister Fang at hindi na sumagot sa mga mensahe. Nang makita ko ito, naisip ko sa sarili ko na naibigay ko na ang katanungan, at wala akong magagawa kung ayaw niya itong sabihin sa akin, kaya hindi na ako nagtanong sa kanya tungkol dito.

Kinabukasan, isang baguhan na dinidiligan ko ang hindi sumagot sa mensahe ko. Medyo namroblema ako, kaya dali-dali akong nagtungo para alamin ang tungkol sa kanyang mga suliranin, sa takot na hindi siya pumunta sa mga pagtitipon. Sa oras na ito, bigla kong napagtanto na naging iresponsable ako sa hindi pagpapatuloy sa pagtatanong kay Sister Fang kahapon, at medyo nakonsensya ako. Narito ang isang baguhan na may mga problema, isang tao na direktang responsibilidad ko, at naglaan ako ng oras para suportahan at tulungan siya, pero para sa isang taong wala sa saklaw ng responsibilidad ko, naisip ko na kung gugugol ako ng kaunti pang sobrang oras, maaantala ko lang ang sarili kong tungkulin. Bakit ako naging napakamakasarili? Nang maisip ko ito, nanalangin ako sa Diyos para hilingin sa Kanya na gabayan ako na maunawaan nang mas malalim ang sarili ko. Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na makita nang mas malinaw ang isyung ito. Sabi ng salita ng Diyos, “Paano naipapamalas ng pagkatao ng mga anticristo ang pagiging makasarili at ubod ng sama nito? Sa anumang bagay na kapaki-pakinabang sa kanilang katayuan o reputasyon, nagsisikap silang gawin o sabihin ang anumang kailangan, at kusang-loob silang nagtitiis ng anumang pagdurusa. Pero pagdating sa may kinalaman sa gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, o pagdating sa may kinalaman sa gawain na kapaki-pakinabang sa paglago ng buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, lubos nilang binabalewala ito. Kahit kapag ang masasamang tao ay nanggagambala, nakikialam, at gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan, dahilan kaya lubhang naaapektuhan ang gawain ng iglesia, nananatili silang walang ginagawa at walang pakialam, na para bang walang kinalaman ito sa kanila. At kung may nakatuklas at nag-ulat ng masasamang gawa ng isang masamang tao, sinasabi nilang wala silang nakita at nagmamaang-maangan sila. … Kahit ano pa ang suungin nilang gawain, hindi kailanman iniisip ng uri ng tao na isang anticristo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang isinasaalang-alang lamang nila ay kung maaapektuhan ba ang kanilang sariling mga interes, ang iniisip lamang nila ay ang medyo magaan na gawaing nasa harapan nila na napapakinabangan nila. Para sa kanila, ang pangunahing gawain ng iglesia ay isang bagay lamang na ginagawa nila sa libre nilang oras. Hinding-hindi talaga nila ito sineseryoso. Wala silang gana sa kanilang pagsisikap, ginagawa lamang ang gusto nilang gawin, at ginagawa lamang ang gawain na mapanatili ang sarili nilang posisyon at kapangyarihan. Sa paningin nila, ang anumang gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos ay hindi mahalaga. Anuman ang mga paghihirap ng ibang mga tao sa kanilang gawain, anuman ang mga isyung matuklasan at maiulat sa kanila, gaano man katapat ang kanilang mga salita, walang pakialam ang mga anticristo, hindi nila isinasangkot ang kanilang sarili, na para bang wala itong kinalaman sa kanila. Lubos silang walang malasakit sa mga nagaganap sa iglesia, gaano man kahalaga ang mga kaganapang ito. Kahit pa nga nasa harapan na nila mismo ang problema, hinaharap lang nila ito nang pabasta-basta. Kapag tuwiran lamang silang iwinasto ng Itaas at inutusang ayusin ang isang problema ay saka lamang sila padabog at totohanang magtatrabaho nang kaunti at magpapakita ng resulta sa Itaas; pagkatapos na pagkatapos nito, magpapatuloy sila sa sarili nilang gawain. Wala silang interes at walang pakialam patungkol sa gawain ng iglesia, patungkol sa mahahalagang bagay na may mas malalawak na konteksto. Binabalewala pa nga nila ang mga problemang natutuklasan nila, at nagbibigay sila ng mga walang ganang sagot o ginagamit ang kanilang mga salita upang balewalain ka kapag tinatanong sila tungkol sa mga problema, hinaharap lamang ang mga ito nang may labis na pag-aatubili. Pagpapamalas ito ng pagiging makasarili at masama, hindi ba? Higit pa rito, anuman ang tungkuling ginagampanan ng mga anticristo, ang iniisip lamang nila ay kung ikaaangat ba nila ito; hangga’t patataasin nito ang kanilang reputasyon, pinipiga nila ang kanilang utak makaisip lamang ng paraan kung paano matutuhan ito, at kung paano ito isasakatuparan; ang iniintindi lamang nila ay kung magiging bukod-tangi ba sila dahil dito. Anuman ang gawin o isipin nila, iniisip lamang nila ang sarili nilang katanyagan at katayuan. Anuman ang tungkuling ginagampanan nila, nakikipagkumpitensya lamang sila para makita kung sino ang mas mataas o mas mababa, kung sino ang mananalo at sino ang matatalo, kung sino ang mas may reputasyon. Ang mahalaga lamang sa kanila ay kung gaano karaming tao ang mataas ang tingin sa kanila, gaano karami ang sumusunod sa kanila, at kung gaano karaming tagasunod ang mayroon sila. Hindi nila kailanman ibinabahagi ang katotohanan o nilulutas ang mga totoong problema. Hindi nila kailanman iniisip kung paano gawin ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo kapag ginagampanan ang tungkulin ng isang tao, kung naging matapat ba sila, kung natupad ba nila ang kanilang mga pananagutan, kung nagkaroon ba sila ng paglihis, o kung mayroon bang anumang mga problema, ni hindi nila pinag-iisipan kung ano ang hinihingi ng Diyos, at kung ano ang kalooban ng Diyos. Hindi nila binibigyang-pansin ni bahagya ang lahat ng bagay na ito. Determinado lang silang nagsisikap at gumagawa ng mga bagay-bagay alang-alang sa katayuan at katanyagan, upang maisakatuparan ang sarili nilang mga ambisyon at ninanais. Pagpapamalas ito ng pagkamakasarili at pagiging ubod ng sama, hindi ba? Lubos nitong inilalantad kung paanong ang kanilang mga puso’y nag-uumapaw sa sarili nilang mga ambisyon, kagustuhan, at walang katuturang hinihingi; lahat ng ginagawa nila ay naiimpluwensyahan ng kanilang mga ambisyon at pagnanais. Kahit ano pa ang gawin nila, ang motibasyon at pinag-uumpisahan ay ang sarili nilang mga ambisyon, kagustuhan, at walang katuturang hinihingi. Ito ang pinakatipikal na pagpapamalas ng pagiging makasarili at ubod ng sama(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus). Ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay tumatagos nang malalim at ginawa akong miserable. Isinasaalang-alang lamang ng mga anticristo ang kanilang sariling mga interes sa lahat ng kanilang ginagawa. Hangga’t nakikinabang sila sa isang bagay, pinag-iisipan nila ito nang husto at nagsusumikap sila para maisakatuparan ito. Handa silang tiisin ang anumang pagdurusa para rito. Samantalang para sa mga bagay na hindi nila pinakikinabangan, ayaw nilang magsikap. Hindi nila talaga pinangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at sila’y sadyang makasarili at kasuklam-suklam. Para sa isang anticristo, ang isang tungkulin ay isang kasangkapan lamang para makamit ang kanilang mga pansariling mga layunin. Ang lahat ng kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sariling mga pagnanasa. Wala silang pakialam kung gaano karaming tao ang makakalapit sa Diyos o kung ang mga problema ng ibang tao ay malulutas. Ang tanging inaalala nila ay kung sila ba ay lubos na igagalang ng iba at kung namumukod-tangi sila sa karamihan. Ginagawa nilang kasangkapan ang kanilang tungkulin na ginagamit nila upang hangarin ang sarili nilang reputasyon at katayuan, at lahat ng kapatid nila ay nagiging biktima ng kanilang paghahangad. Hindi ba’t ang mga kilos ko ay katulad ng isang anticristo? Noong nahirapan si Sister Fang at nangailangan ng tulong, pakiramdam ko’y nag-aaksaya ako ng oras sa pakikibaghaginan sa kanya. Tingin ko’y hindi ako makakakuha ng papuri para sa oras at lakas na ginugol ko sa pag-aasikaso nito, at na wala akong mapapala, kaya nag-alangan akong gawin ito. Kahit na atubili ko itong ginawa, hindi ko pinagbutihan ang paggawa nito. Nang hindi sumagot si Sister Fang sa mensahe, hindi na ako nagtanong pa o nag-alala tungkol sa nangyari. Inisip ko pa nga na wala akong magagawa kung hindi ko siya makontak. Alam ko na kung hindi malulutas sa kaagad ang mga suliranin ni Sister Fang, siya ay nanganganib na umatras sa kanyang pananampalataya, pero sinubukan ko pa ring linlangin ang konsensya ko at iniraos lang ang gawain. Hindi ba’t pagsira ito ng pagkakataon ng sister ko na mailigtas? Kapag ang mga baguhan na pinangangasiwaan ko ay nahaharap sa mga suliranin, nagagawa kong mag-isip nang husto para makahanap ng solusyon, dahil may kaugnayan ito sa pagiging epektibo ko sa aking tungkulin at kung lubos akong igagalang ng mga lider at mga kapatid. Handa akong magdusa at magbayad ng halaga para sa sarili kong imahe at mga interes, pero kapag wala akong mapapala, kahit na makita ko ang isang baguhan na ginugulo ni Satanas, nabubuhay sa kadiliman, at nasa panganib na mabihag ni Satanas, wala man lang akong ginawa para rito. Paano masasabing may anumang pagkatao ako? Ako ang responsable sa pagdidilig ng mga baguhan. Kapag may anumang mga paghihirap o problema ang mga baguhan, obligasyon kong lutasin ang mga ito. Lalo na kapag mahina at pasibo ang mga baguhan, kailangan ko silang suportahan sa tamang panahon para matulungan silang bumuo ng pundasyon sa tunay na daan. Pero hinati ko ang mga tungkulin ko sa kung ano ang iyo at ang akin. Pakiramdam ko’y hindi ko ito tungkulin kung hindi ako ang direktang may responsibilidad dito. Hindi ko isinaalang-alang ang pangkalahatang gawain ng iglesia, lalo na ang kalagayan ng baguhan. Kung umatras siya dahil iresponsable ako, hindi ba’t gumagawa ako ng kasamaan? Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam! Naisip ko kung bakit ang mundong ito ay nagiging mas madilim at mas masama, at kung bakit ang mga tao ay nagiging mas tiwali. Ito ay dahil ang mga tao ay namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” at “Huwag kailanman gumising nang maaga maliban kung mayroong kaugnay na kapakinabangan.” Matagal nang naging likas sa mga tao ang mga bagay na ito. Ang bawat isa ay nagsusumikap para sa kanilang sariling interes, nabubuhay para sa kanilang sarili, at isinasakripisyo pa nga ang mga interes ng iba para sa kanilang sariling mga interes habang sila ay lalong nagiging makasarili at mapanlinlang. Bagama’t naniniwala ako sa Diyos at tinutupad ko ang tungkulin ko sa sambahayan ng Diyos, hindi ko pa nakamit ang katotohanan. Namumuhay pa rin ako sa mga satanikong pilosopiya, lagi akong maramot sa aking oras at lakas, at hangad ko lamang ang aking mga pansariling interes. Pagdating sa sarili kong mga interes, handa akong magbayad ng anumang halaga, at kung hindi ako nakikinabang, binabalewala ang mga bagay-bagay, o kahit na atubili kong ginagawa ang mga bagay, hindi ko ito pinagbubutihan at iniraraos ko lang ang gawain. Nakita kong hindi ako taos-puso sa Diyos, itinuring ko ang tungkulin ko bilang isang kasangkapan para itaguyod ang sarili kong reputasyon at katayuan, at ginamit ko ang tungkulin ko para malaman ang aking sariling halaga. Tinatahak ko ang landas ng mga anticristo.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na nagsasabing, “Ano ang pamantayan kung paano hinahatulan ang mga gawa ng isang tao bilang mabuti o masama? Depende ito sa kung taglay ba nila o hindi, sa kanilang mga iniisip, pagpapahayag, at kilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng realidad ng katotohanan. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi mo ito isinasabuhay, walang duda, isa kang masamang tao. Ano ang tingin ng Diyos sa masasamang tao? Ang mga iniisip at ipinapakita mong mga kilos ay hindi nagpapatotoo sa Diyos, ni ipinapahiya si Satanas o tinatalo ito; sa halip, pinapahiya ng mga ito ang Diyos, at puno ng mga markang nagpapahiya sa Diyos. Hindi ka nagpapatotoo para sa Diyos, hindi mo ginugugol ang sarili mo para sa Diyos, ni hindi mo ginagampanan ang responsibilidad at mga obligasyon mo sa Diyos; sa halip, kumikilos ka para sa iyong sariling kapakanan. Ano ang kahulugan ng ‘para sa iyong sariling kapakanan’? Ang eksaktong ibig sabihin nito ay para sa kapakanan ni Satanas. Samakatuwid, sa bandang huli, sasabihin ng Diyos, ‘Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.’ Sa mga mata ng Diyos, hindi ka nakagawa ng mabubuting gawa, sa halip ay naging masama ang iyong asal. Hindi lamang nito mabibigong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos—kokondenahin din ito. Ano ang hinahangad na makamit ng isang taong may gayong paniniwala sa Diyos? Hindi ba mabibigo sa huli ang gayong paniniwala?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi sinusukat ng Diyos ang pagganap ng mga tao sa kanilang mga tungkulin batay sa kung gaano karaming pagdurusa ang kanilang tinitiis o kung anong halaga ang ibinabayad nila, kundi batay ito sa pagsasagawa nila ang katotohanan, kung ang mga motibo ba nila sa paggawa ng mga bagay ay pinangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at kung sila ba ay nagpapatotoo at nagbibigay-kasiyahan sa Diyos. Kung ang kanilang mga layunin sa pagganap ng kanilang tungkulin ay para mamukod-tangi sa karamihan at magmukhang mabuti, kung gayon, gaano man karami ang kanilang pagdurusa, hindi sasang-ayon ang Diyos, at ikokondena sila ng Diyos bilang mga gumagawa ng kasamaan. Naisip ko kung paanong nagsawalang-kibo lang ako at wala akong pakialam dahil hindi ako personal na makikinabang nang si Sister Fang ay ginugulo ni Satanas, noong siya ay labis-labis na nanghihina at higit na nangangailangan ng tulong. Sa paggawa ng tungkulin ko nang ganito, inabala ko ang sarili sa isang personal na pagpupunyagi. Hindi ko talaga sinikap na malugod ang Diyos. Kung hindi ako magsisisi, sa bandang huli, kamumuhian lang ako at palalayasin ng Diyos. Nang maunawaan ko na ito, nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako sa pagbitaw ng aking pagkamakasarili at sa paggawa ng lahat ng aking makakaya para suportahan si Sister Fang. Pagkatapos kong magdasal, nag-iwan ako ng isa pang mensahe para sa kanya, at nagulat ako nang mabilis siyang sumagot. Noong una, nag-atubili siyang buksan ang kanyang puso, kaya nanalangin ako sa Diyos, nakipag-usap sa kanya tungkol sa sarili kong karanasan, at unti-unti siyang ginabayan. Kalaunan, nagtapat siya at sinabing nalinlang ang kanyang pamilya ng mga tsismis at kasinungalingan ng Partido Komunista kamakailan, kaya hinadlangan at inusig nila siya para pigilan siya na maniwala sa Diyos. Dama niyang napipigilan siya, kaya atubili siyang dumalo sa mga pagtitipon. Binasa ko sa kanya ang ilang sipi ng salita ng Diyos at nakipagbahaginan sa kung paano isagawa ang katotohanan para mapalugod ang Diyos kapag ginugulo ni Satanas, pati kung paano manindigan, magpatotoo, at ipahiya si Satanas. Bago ko namalayan, tatlong oras na ang lumipas, at madaling araw na, pero nagpasalamat si Sister Fang sa Diyos na naging masigla siya nang gabing iyon at hindi siya nakaramdam ng pagod, at sinabi niyang gusto niyang pumunta sa susunod na pagtitipon. Nang marinig ko ang sinabi niya, sobrang naantig ako. Wala akong ginawa kundi gumugol lang ng ilang oras sa pagbabahagi ng mga salita ng Diyos sa kanya, at nagbago ang kanyang saloobin. Ang lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos. Natanto ko na sa pamamagitan ng pagsasantabi ng aking mga personal na interes, pagsasagawa ng katotohanan, at pagtupad sa aking tungkulin, magkakaroon ako ng patnubay ng Diyos, at gagaan at mapapayapa ang puso ko.

‘Di nagtagal, isang sister ang lumapit sa akin at sinabing ang isang baguhan na responsibilidad niyang diligan ay hindi dumadalo sa mga pagtitipon, at hindi niya alam kung paano siya magbahagi at tulungan ito. Dahil alam niyang nadiligan ko na ang baguhan na ito dati, gusto niyang tulungan, suportahan, at bahaginan ko ang baguhang ito. Nang mangyari ito, medyo nag-atubili ako. Naisip ko, “Para malutas ang problema ng baguhan, kailangan kong gumugol ng maraming oras sa pakikipagbahaginan sa kanya. Naging abala ako kamakailan, at ang mga baguhan na responsibilidad ko ay nangangailangan din ng pagdidilig at suporta. At saka, medyo matagal na akong hindi nakikipag-ugnayan sa baguhang ito, kaya kung kakausapin ko siya, baka hindi niya ako sasagutin, kaya kailangan ko pa bang maglaan ng oras?" Nang mapansin ko ang sarili ko na may ganitong mga kaisipan, napagtanto kong muli kong pinoprotektahan ang sarili kong mga interes, kaya tahimik akong nagdasal sa Diyos, kinalma ko ang sarili ko, at tumigil sa pangangatwiran sa sarili ko. Kalaunan, nabasa ko ang siping ito ng salita ng Diyos, “Kapag nakikitaan ka ng pagkamakasarili at pananamantala, at natatanto mo iyon, dapat kang manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Ang unang bagay na dapat mong mabatid ay na kung tutuusin, ang pagkilos sa ganitong paraan ay isang paglabag sa mga prinsipyo ng katotohanan, nakakapinsala ito sa gawain ng iglesia, ito ay makasarili at kasuklam-suklam na pag-uugali, hindi ito ang nararapat gawin ng normal na mga tao. Dapat mong isantabi ang sarili mong mga interes at pagkamakasarili, at dapat mong isipin ang gawain ng iglesia—iyan ang kalooban ng Diyos. Matapos pagnilayan ang iyong sarili sa pamamagitan ng panalangin, kung tunay mong natatanto na ang pagkilos nang gayon ay makasarili at kasuklam-suklam, magiging madali nang isantabi ang sarili mong pagkamakasarili. Kapag isinantabi mo ang iyong pagkamakasarili at pananamantala, magiging matatag ka, magiging payapa, masaya, at madarama mo na dapat magkaroon ng konsensya at katuturan sa kung paano ka umasal, na dapat mong isipin ang gawain ng iglesia, na hindi ka dapat tumutok sa sarili mong mga interes, na napakamakasarili, kasuklam-suklam, at walang konsensya o katuturan. Ang hindi makasariling pagkilos, pag-iisip sa gawain ng iglesia, at paggawa ng kung ano lang ang nakakalugod sa Diyos ay matuwid at marangal, at magbibigay ng saysay sa iyong pag-iral. Sa pamumuhay nang ganito sa lupa, nagiging bukas ka at matapat, namumuhay ka nang may normal na pagkatao, at may tunay na wangis ng tao, at hindi lang malinis ang iyong konsensya, kundi karapat-dapat ka rin sa lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Habang lalo kang namumuhay nang ganito, lalo kang magiging matatag, lalo kang magiging payapa at masaya, at lalo kang sisigla. Sa gayon, hindi ba’t makakatapak ka na sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Itinuro ng salita ng Diyos ang isang malinaw na landas para aking pagsasagawa. Ang mga tunay na naniniwala sa Diyos ay kayang isantabi ang kanilang mga personal na interes at protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa hanggang sa abot ng kanilang makakaya kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, samantalang ang mga makasarili at kasuklam-suklam, at nagpapakana para sa kanilang sariling interes habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, ay pipiliin lamang na bigyang-kasiyahan ang kanilang mga pansariling interes. Nangyari sa akin ito bilang pagsubok mula sa Diyos. Gustong makita ng Diyos kung paano ako mamimili sa bagay na ito. Sa pagkakataong ito, hindi na ako pwedeng maging makasarili at kasuklam-suklam at sarili lang ang iniisip. Kailangan kong isagawa ang katotohanan para malugod ang Diyos. Nang maisip ko ito, napakalma ko ang puso ko at nagpadala ako ng mensahe sa baguhan kasabay ang taimtim na pagdarasal para sa kanya. Kapag nagsasagawa ako nang ganito, panatag na panatag ako. Nang malaman kong nagawa ko na ang lahat ng aking makakaya, pakiramdam ko’y wala akong pagsisisihan. Talagang natanto ko na dapat kong gawin ang tungkulin ko nang hindi inaalala ang aking mga pansariling pakinabang at pagkalugi, at na dapat kong gawin ang lahat ng aking makakaya para tuparin ang mga responsibilidad ko. Sa ganitong paraan lamang ako makapamumuhay nang matuwid.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Liitan ang Font Size
Lakihan ang Font Size
Pumasok sa Full Screen
Lumabas sa Full Screen