Makita ang Aking mga Magulang sa Kung Sino Talaga Sila
Mula noong bata pa ako, palagi ko nang itinuturing na mga huwaran ang mga magulang ko sa pananampalataya sa Diyos. Sa aking palagay, talagang masigasig sila sa kanilang pananampalataya at handa silang magsakripisyo. Hindi nagtagal matapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, iniwan ng nanay ko ang isang napakagandang trabaho para gawin ang tungkulin niya nang full time. Mayroon siyang ilang kasanayan at kaalaman at handang magbayad ng halaga, kaya palagi siyang may mahahalagang tungkulin sa iglesia. Ipinagkanulo ng isang Hudas ang pamilya namin kalaunan, kaya nagtago kami ng mga magulang ko noong bata pa ako para hindi kami maaresto ng CCP. Gayunpaman, patuloy nilang ginagawa ang tungkulin nila. Kasabay nito, namuhay sila nang simple, at ang karaniwang ugali nila ay mukhang deboto at espirituwal, at madalas kong marinig sa mga miyembro ng iglesia na mabuti ang pagkatao ng mga magulang ko, na sila ay mga tunay na mananampalataya, at na sila ay mga taong naghangad ng katotohanan. Kinailangan kong mahiwalay sa mga magulang ko noong 10 taon ako dahil sa paniniil ng CCP at bagamat hindi na namin magawang magkita-kita, palagi kong pinananatili itong napakagandang impresyon ko sa kanila. Talagang hinangaan at sinamba ko sila, at pakiramdam ko ay napakatibay ng pananalig nila sa Diyos, na sa lahat ng sakripisyo nila, tiyak na hinangad nila ang katotohanan at may mabuti silang pagkatao, at tiyak sinang-ayunan sila ng Diyos. Sa tingin ko pa nga ay sila ang mga taong maaaring maligtas. Talagang ipinagmalaki kong magkaroon ng gayong mga magulang.
Kalaunan, nangibang-bansa kaming lahat dahil sa pag-uusig ng CCP. Nang makipag-ugnayan ako agad sa kanila pagkatapos niyon, nakita ko na gumagawa pa rin sila ng mga tungkulin sa ibang bansa. Lalo na nang malaman ko na naging superbisor ang nanay ko sa marami-raming proyekto, mas lalo ko pa siyang hinangaan. Matagal na panahon nang mananampalataya ang mga magulang ko, nakaranas ng napakaraming bagay, at ngayon ay isinasakatuparan nila ang gayon kahahalagang tungkulin. Nakasiguro ako na sila ay mga naghahangad ng katotohanan, na may tayog sila, kaya matapos ito, kapag mayroon akong anumang uri ng kalagayan o paghihirap, makakapunta ako sa kanila upang magpatulong. Napakaganda nito.
Kalaunan, paminsan-minsan ay nagbabahaginan kami tungkol sa mga kamakailang kalagayan ng bawat isa. Isang beses, sinabi ng tatay ko na gumagawa siya ng isang gampanin na, sa tingin niya, ay hindi nangangailangan ng anumang teknikal na kasanayan, at na palagi siyang umaasa na mailipat sa ibang tungkulin. Nagkataon naman na nasa parehong kalagayan ako noong panahong iyon, kaya nagbahaginan kami at nagbahagi ng ilan sa mga salita ng Diyos na papasukin nang magkasama. Sa paglipas ng panahon, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na naging mapili ako sa aking tungkulin, at na handa akong gampanan ang mga tungkulin na nagbibigay sa akin ng pagkakataon na magkaroon ng karangalan at mga benepisyo, ngunit kung hindi ko matamo ang mga bagay na ito, pabaya ako. Naging napakamakasarili ko, kasuklam-suklam, at hindi taos-puso sa Diyos. Kinamuhian at kinasuklaman ko ang sarili ko at nagawa kong makalaya sa kalagayang iyon. Pero nanatili sa ganitong kalagayan ang tatay ko, at talagang wala siyang ganang gawin ang tungkulin niya. Nalito ako. Yamang mahigit isang dekada na siyang mananampalataya, dapat may kaunting tayog na siya, kaya bakit hindi niya malutas ang problemang ito ng pagiging mapili sa kanyang tungkulin? Napagtanto ko rin na madalas kapag kinakausap ko ang mga magulang ko tungkol sa aking mga paghihirap at problema, bagamat pinadadalhan nila ako ng ilang salita ng Diyos at binabahaginan ng pananaw nila tungkol sa mga bagay-bagay, ang sinasabi nila ay hindi talaga nakakatulong na malutas ang aking mga problema. Unti-unti kong nadama itong hindi tiyak na pakiramdam na hindi naman talaga nila nauunawaan ang katotohanan gaya ng inaakala ko. Kalaunan, lahat ng kapatid ay nagsusulat ng mga sanaysay para magpatotoo sa Diyos. Naisip ko na dahil matagal na silang nananampalataya, malamang ay marami na ang karanasan ng mga magulang ko, lalo na ang nanay ko. Siniil siya ng isang anticristo at maling itiniwalag sa iglesia, pero patuloy siyang nagpalaganap ng ebanghelyo sa abot ng kanyang makakaya. Matapos tanggaping muli sa iglesia, ibinigay niya ang lahat sa anumang tungkuling mayroon siya. Naranasan din niyang matanggal at mailipat nang ilang beses, kaya malamang ay marami na siyang karanasan. Naisip ko na dapat siyang magsulat tungkol sa mga karanasang ito sa lalong madaling panahon para makapagpatotoo sa Diyos. Kaya, sinimulan kong himukin ang nanay ko na sumulat ng sanaysay sa sandaling may pagkakataon siya, pero palagi siyang umiiwas na gawin ito, sinasabing gusto naman niya, pero masyado raw siyang abala sa tungkulin niya at hindi niya maipanatag ang sarili niya na gawin ito. Patuloy ko siyang hinihimok, pero wala siyang isinulat na kahit ano. Minsan, sinabi niya sa akin na gusto niyang sumulat ng isang sanaysay, pero hindi niya maiayos ang mga ideya niya at hindi niya alam kung saan magsisimula, kaya gusto niyang pag-usapan namin iyon. Napakasaya ko. Talagang gusto kong marinig ang lahat ng karanasan niya sa nakalipas na mga taon. Pero talagang nagulat ako matapos pag-usapan ang mga nangyari sa kanya at ang katiwaliang naipakita niya, hindi siya nagsalita tungkol sa anumang tunay na pagkaunawa, kundi sa halip ay marami siyang sinabing negatibong bagay, na nililimitahan ang kanyang sarili. Parang masakit talaga para sa kanya na maalala ang ilan sa kanyang mga karanasan noon, na para bang wala siyang ibang nagawa kundi ang magpasakop. Hindi ko siya narinig na nagkuwento ng anumang tunay na bagay na nakamit niya mula rito. Talagang nayamot ako pagkatapos naming mag-usap. Naisip ko na kung talagang nagkaroon siya ng pag-unawa o mga pakinabang, gaano man kasakit o kanegatibo ang karanasan noong panahong iyon, hangga’t kumakain at umiinom siya ng mga salita ng Diyos, naghahanap sa katotohanan, nauunawaan ang kalooban ng Diyos, at nagkakamit ng tunay na pagkakilala sa kanyang sarili at sa Diyos, kung ganoon, sa kalaunan, ay magkakaroon siya ng ilang matatamis na sentimyento at kaunting kasiyahan sa huli. Ngunit kung pag-uusapan ang tungkol sa kanyang mga karanasan noon, tila nasasaktan at negatibo pa rin siya, at tila ang kanyang pagkaunawa sa kanyang sarili ay masyadong sentimental at hindi praktikal. Nangangahulugan ba ito na wala siyang tunay na karanasan? Bigla kong napagtanto—hindi kataka-takang nag-aatubili siyang magsulat ng isang sanaysay na nagpapatotoo sa Diyos. Ang pagsasabing wala siyang oras ay isang panakip lamang. Ang totoong dahilan ay hindi niya natamo ang katotohanan o wala siyang anumang nakamit, kaya hindi siya nakapagsulat ng isang karanasang batay sa patotoo. Ang tatay ko naman, bagamat handa siyang magsagawa sa pagsusulat ng mga sanaysay, ang kanyang mga pagsisikap ay puno ng mga bagay na walang kabuluhan, at walang gaanong tungkol sa kanyang tunay na pagkakilala sa sarili o kung ano ang kanyang nakamit mula sa kanyang mga karanasan. Tila hindi ito tumutugma sa kanyang mga taon ng pananampalataya. Naalala ko ang sinabi ng Diyos: “Kung maliligtas ka ay hindi depende sa kung gaano ka na katanda o ilang taon ka nang nagtatrabaho, at lalo nang hindi ito depende sa kung gaano karami ang mga kredensyal mo. Bagkus, depende ito sa kung nagbunga na ang iyong paghahabol. Kailangan mong malaman na yaong mga naliligtas ay ang ‘mga puno’ na nagbubunga, hindi ang mga puno na may malalagong dahon at saganang bulaklak subali’t hindi nagbubunga. Kahit nakagugol ka na ng maraming taon sa paggala-gala sa mga lansangan, ano ang halaga niyon? Nasaan ang iyong patotoo?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7). Isa iyong pagmumulat para sa akin. Totoo iyon. Gaano man katagal nang nananampalataya sa Diyos ang isang tao, gaano man karaming gawain ang kanilang nagagawa, o gaano man karaming bagay ang kanilang nararanasan, kung wala pa silang anumang tunay na mga nakamit mula sa kanilang pinagdaanan, at kung wala silang natatamong anumang katotohanan at hindi sila nakapagpapatotoo, nangangahulugan iyon na wala silang buhay. Ang ganoong uri ng tao ay hinding-hindi maliligtas, kahit na manampalataya sila hanggang sa pinakahuli. Nang napagtanto ko ito, hindi ko mailarawan ang nararamdaman ko. Ang imaheng mayroon ako sa mga magulang ko bilang mga taong “nakakaunawa sa katotohanan” at “may tayog” ay nasira sa unang pagkakataon. Hindi ko maunawaan. Pagkaraan ng lahat ng taong iyon ng pananampalataya at lahat ng kanilang sakripisyo, bakit hindi pa rin nila nakamit ang katotohanan? Hindi ko napigilang maiyak nang palihim. Bagamat hindi ko na sila masyadong hinangaan pagkatapos niyon, naisip ko pa rin na ano’t anuman, matapos ang lahat ng taong iyon ng sakripisyo, kahit papaano ay nangangahulugan ito na nagkaroon sila ng disenteng pagkatao at tunay silang mga mananampalataya. Kung makagagawa sila ng isang tungkulin nang maayos at makapagsisimulang hangarin ang katotohanan ngayon, maaari pa rin silang maligtas. Pero may nangyaring ilang bagay na muling nagpabago ng tingin ko sa kanila.
Isang araw, nalaman kong natanggal ang tatay ko dahil palagi siyang pabasta-basta sa kanyang tungkulin, umiiwas sa mahihirap na gampanin, at hindi nakakakuha ng magagandang resulta. Hindi nagtagal pagkatapos niyon, nalaman kong tinanggal din ang aking nanay dahil sa pagkakaroon ng masamang pagkatao, hindi pagtataguyod ng mga interes ng iglesia, sa pagkakaroon ng napakayabang na disposisyon, at dahil sa hindi pagganap ng positibong papel sa kanyang tungkulin. Noong oras na iyon ay nabigla ako at halos hindi makapaniwala, iniisip ko na, “Paano ito nangyari? Hindi ba’t ang hindi magawa ang isang tungkulin ay katumbas ng pagiging nalantad at napalayas? Mayroon ba silang masamang pagkatao? Ang lahat ng nakakakilala sa aking mga magulang noon ay laging nagsasabi na sila ay may napakabuting pagkatao; kung hindi, paanong nakapagsakripisyo sila nang labis?” Talagang naguluhan ako, at patuloy na naglalabasan ang lahat ng uri ng alalahanin at pangamba. Iniisip ko kung kumusta na sila, kung sila ba ay nasasaktan o nagdurusa. Habang mas iniisip ko iyon, mas lalo akong nalulungkot at nanlulumo. Bagamat alam kong malamang ay isinaayos ito ng iglesia batay sa mga prinsipyo, at na nararapat lang ito, nahihirapan akong tanggapin ito, iniisip na, “Nananampalataya ang mga magulang ko sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, napakarami nilang pinagdaanan, kinailangan nilang magtago dahil sa pang-uusig ng CCP, at mula noong maliit ako, mas matagal kaming magkakahiwalay kaysa sa magkakasama. Labis akong umasa na muli kaming magkakasama sa kaharian pagkatapos ng gawain ng Diyos. Pero ngayon…. Matapos danasin ang napakaraming taon ng paghihirap at paggawa ng napakaraming gawain, bakit napakadali nilang natanggal?” Habang mas pinag-iisipan ko iyon, mas lalong sumasama ang loob ko, hindi ko napigilan ang sarili ko sa muling pag-iyak. Sa ilang araw na iyon, wala akong magawa kundi mapabuntong-hininga at wala akong motibasyon sa aking tungkulin. Sa tuwing naiisip ko ang bagay na iyon, sumasama ang loob ko at nawawala ang buong lakas ng katawan ko. Parang bigla akong nawawalan ng motibasyon sa paghahangad. Alam kong mali ang kalagayan ko, at patuloy kong sinasabi sa aking sarili nang makatwiran, “Siguradong nararapat lang ang pagkakatanggal kina Nanay at Tatay, ang Diyos ay matuwid.” Ngunit hindi ko lang ito matanggap sa puso ko at hindi ko maiwasang subukang mangatwiran sa Diyos, iniisip na, “May mga kapatid na hindi nakagawa ng anumang tunay na kontribusyon sa gawain ng iglesia o nakagawa ng anumang makabuluhang tungkulin, pero nagagawa pa rin nila ang kanilang mga tungkulin, kaya bakit natanggal ang mga magulang ko? Anuman ang mga isyu na mayroon sila, kahit na wala silang nakamit sa lahat ng taon na iyon, nagsikap pa rin sila, kaya’t hindi ba sila maaaring makakuha ng isa pang pagkakataon, alang-alang sa lahat ng kanilang paghihirap at sa gawaing kanilang nagawa?” Alam kong mali ang kalagayan kong ito, pero hindi pa rin sumusuko ang puso ko, at wala akong anumang motibasyon na hanapin ang katotohanan. Kaya’t lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “Diyos ko, labis akong nasasaktan. Pakiusap, liwanagan at gabayan Mo ako para maunawaan ko ang Iyong kalooban.”
Kalaunan, tinanong ko ang isang sister kung paano lutasin ang kalagayan ko, at hindi ko napigilang maiyak habang ipinapaliwanag ko iyon lahat sa kanya. Nagbahagi siya sa akin, “Tinanggal ang mga magulang mo, pero hindi sila pinaalis o itiniwalag. Bakit masyadong masama ang loob mo? Dapat mong makita na nakapaloob dito ang pagmamahal ng Diyos. Binibigyan sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi.” Sa wakas ay namulat ako nang sabihin niya iyon. Totoo nga. Hindi kailanman sinabi ng Diyos na ang pagkakatanggal ay nangangahulugang naalis o napalayas ang isang tao. Napakaraming kapatid ang nagsisimula lamang magnilay, manghinayang, at tunay na magsisi at magbago pagkatapos nilang matanggal. Pagkatapos niyon, muli silang tumatanggap ng tungkulin sa iglesia. Ano’t anuman, ang pagkakaroon ng isang tungkulin ay hindi naggagarantiya na maliligtas ka. Kung hindi mo hahangarin ang katotohanan, maaari ka pa ring palayasin ng Diyos. Sa katunayan, ang matanggal ay nagbibigay sa mga magulang ko ng pagkakataong magnilay at magsisi, pero inakala ko na ang matanggal ay kapareho ng malantad at mapalayas. Hindi nakaayon sa katotohanan ang pananaw na ito! Nang isipin ko ito sa gayong paraan, mas gumaan ang pakiramdam ko, ngunit masyado pa ring sumasama ang loob ko tungkol dito sa tuwing naiisip ko ito kalaunan. Palagi kong nararamdaman na masyadong naging mahigpit ang iglesia sa kanila.
Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag mas kulang ang iyong pag-unawa sa isang partikular na bagay, mas dapat kang magkaroon ng pusong may takot sa Diyos at maka-Diyos, at madalas kang lumapit sa Diyos para hanapin ang Kanyang kalooban at ang katotohanan. Kapag hindi mo nauunawaan ang mga bagay-bagay, kailangan mo ang kaliwanagan at patnubay ng Diyos. Kapag nahaharap ka sa mga bagay na hindi mo nauunawaan, kailangan mong hilingin sa Diyos na higit na gumawa sa iyo. Ito ang mabubuting layunin ng Diyos. Kapag mas lumalapit ka sa Diyos, mas lalong mapapalapit ang puso mo sa Diyos. At hindi ba totoo na kapag mas malapit ang puso mo sa Diyos, mas lalong mananahan dito ang Diyos? Kapag mas nasa puso ng isang tao ang Diyos, mas nagiging mabuti ang kanyang paghahangad, ang landas na kanyang tinatahak, at ang kalagayan ng kanyang puso” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananalig sa Diyos). Medyo mas kumalma ako matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos, kapag hindi mo gaanong nauunawaan ang isang bagay, mas lalo mong dapat hanapin ang katotohanan nang may-takot-sa-Diyos na puso. Sa ganitong paraan lamang patuloy na bubuti ang kalagayan mo. Kung iisipin ang pagkakatanggal sa mga magulang ko, alam ko mula sa doktrina na iyon ang angkop na gagawin ng iglesia at hindi ako dapat magreklamo o manghusga, at sinikap kong iwaksi iyon sa isipan ko, pero hindi ko pa rin talaga nalutas ang mga maling pagkaunawa ko o ang pagkakalayo ko sa Diyos. Sa tuwing iniisip ko ang bagay na iyon, mayroon pa rin akong hindi maipaliwanag na sakit at kirot. Sa puntong ito, naunawaan ko na kapag nakatagpo tayo ng isang bagay na hindi natin naiintindihan o nauunawaan, kailangan nating aktibong hanapin ang katotohanan, huwag kumapit sa mga tuntunin at pigilan ang ating sarili, at hayaang lumipas ang mga bagay nang may malabong pag-iisip—hindi malulutas ang mga problema sa ganoong paraan. Sa katunayan, hindi ko talaga masyadong kilala ang mga magulang ko. Nakita ko lang sa panlabas na nagsasakripisyo sila at ginugugol nila ang kanilang sarili, at narinig ko ang iba na nagsasabi ng magagandang bagay tungkol sa kanila, ngunit ito ay talagang may kinikilingan at may pinapanigan. Dapat kong marinig ang higit pa tungkol sa kanila mula sa mga kapatid na nakakausap nila kamakailan, hindi lamang umasa sa sarili kong mga nararamdaman. Sinimulan kong tingnan ang mga detalye ng pag-uugali ng aking mga magulang sa kanilang mga tungkulin. Binasa ko ang kanilang mga sanaysay at mga pagsusuri ng iba sa kanila. Sinabi nila na ang aking tatay ay pabasta-basta sa kanyang mga tungkulin at iniiwasan ang anumang mahirap, at na ayaw niyang magsikap sa anumang bagay na may kinalaman sa pisikal na pagdurusa, at na kahit mayroon siyang mga kasanayan, palagi siyang naging pasibo sa kanyang tungkulin nang walang gaanong nakakamit. Ilang beses na siyang natanggal at inilipat, ngunit hindi niya ginawa nang maayos ang alinman sa mga tungkuling nilipatan niya. Nang ipangaral niya ang ebanghelyo nang maglaon, pabasta-basta pa rin siya at umiiwas sa mabibigat na trabaho. Wala siyang anumang natatapos kung wala ang pangangasiwa ng superbisor. Kapag tinutukoy ng mga kapatid ang mga problema sa kanyang tungkulin, hindi siya nagninilay-nilay sa sarili, at palagi siyang nagdadahilan, sinasabing tumatanda na siya at may mga problema sa kalusugan, at na hindi akma ang tungkuling iyon sa kanyang mga kalakasan, kaya’t normal lang na may mga isyu, at masyadong mataas ang ekspektasyon ng iba sa kanya. Bilang resulta, tinanggal siya noong hindi siya kailanman nakakuha ng magagandang resulta sa kanyang tungkulin. At bagamat tila masigla talaga ang nanay ko at kaya niyang magbayad ng halaga sa kanyang tungkulin, ginagampanan lang niya ang mababaw na gawain at talagang iniraraos lang ang tungkulin. Hindi siya gumawa ng praktikal na gawain at nakaantala sa pagsulong ng gawain. Bagamat marami siyang ginawang gawain, mayroong maraming problema, na nagdulot ng malalaking kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Dagdag pa rito, palagi niyang pinagtatakpan ang kanyang sarili at pinoprotektahan ang kanyang sariling mga interes sa halip na ang sa iglesia. Halimbawa, ang ilang bagay ay kinailangang asikasuhin kaagad, at mas makabubuti na siya ang pumunta, ngunit nagpapadala siya ng iba, natatakot na makapanakit ng damdamin ng ibang tao, na nakapipigil sa gawain ng iglesia. Sinabi rin ng mga kapatid na talagang mayabang ang disposisyon niya at matigas ang ulo niya. Ginamit niya ang kanyang karanasan bilang saklay, ginagawa ang anumang gusto niya nang hindi iyon tinatalakay sa iba. Hindi rin niya magawang tanggapin ang mga mungkahi ng iba, ayaw niyang makialam ang iba sa sarili niyang gawain, at walang bukas na komunikasyon, at hindi sigurado ang mga kapatid sa mga partikular na detalye ng kung paano niya ginagawa ang maraming bagay. At sa sandaling may gumawa ng isang bagay na hindi naaayon sa mga nais niya, sumisiklab ang galit niya at pinagagalitan niya ang taong iyon, kaya’t dama nitong napipigilan niya ito. Naramdaman ng isang brother na lubha itong napipigilan, kaya’t sinabi nito sa kanya, “Sister, wala akong kakayahan. Tiyak na nahihirapan kang makipagtulungan sa akin, patawad!” At sinabi ng ilang iba pa na: “Kung hindi lang para sa tungkulin ko, hinding-hindi ko na gugustuhing makipag-ugnayan sa isang taong katulad niya.” Kapag tinutukoy ng iba ang mga problema niya, hindi siya handang tanggapin ito. Talagang may pagkiling din siya at ayaw niya sa sister na nangasiwa sa gawain niya. Palagi niyang iniisip na ang ibang tao ang nagpapahirap sa kanya at na hindi siya kayang tratuhin nang patas ng mga ito. Nagulat ako nang mabasa ko ang mga pagsusuring ito. Ayaw ko talagang maniwala na ganoon nga ang mga magulang ko.
Kalaunan, nabasa ko ito mula sa mga salita ng Diyos: “Ang konsiyensiya at katwiran ay dapat kapwa maging bahagi ng pagkatao ng isang tao. Ang mga ito ay kapwa ang pinakabatayan at pinakamahalaga. Anong klaseng tao ang isang taong walang konsiyensiya at walang katwiran ng normal na pagkatao? Sa pangkalahatan, siya ay isang taong walang pagkatao, isang taong sukdulan ng sama ang pagkatao. Kung mas bubusisiin ang mga detalye, anong mga pagpapamalas ng kawalan ng pagkatao ang ipinapakita ng taong ito? Subukang suriin kung anong mga katangian ang matatagpuan sa gayong mga tao at anong partikular na mga pagpapamalas ang ipinapakita nila. (Makasarili sila at salbahe.) Ang mga taong makasarili at salbahe ay basta-basta lang sa kanilang mga pagkilos, at walang malasakit sa mga bagay na wala silang pansariling kinalaman. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga kapakanan ng sambahayan ng Diyos, ni hindi sila nagpapakita ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos. Wala silang dinadalang pasanin sa pagganap sa kanilang mga tungkulin o sa pagpapatotoo sa Diyos, at hindi sila responsable” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). “Kapag ang isang tao ay may mabuting pagkatao, tunay na puso, konsiyensiya, at katwiran, ang mga ito ay hindi walang kabuluhan o malalabong bagay na hindi nakikita o nahahawakan, ngunit sa halip ang mga ito ay mga bagay na maaaring matuklasan kahit saan sa pang-araw-araw na buhay; lahat ng ito ay mga bagay ng realidad. Sabihin na ang isang tao ay mahusay at perpekto: Isa ba iyong bagay na nakikita mo? Hindi mo makita, mahawakan, o kahit makinita kung ano ang maging perpekto o dakila. Ngunit kung sasabihin mong makasarili ang isang tao, nakikita mo ba ang mga kilos ng taong iyon—at tumutugma ba siya sa paglalarawan? Kung ang isang tao ay sinasabing matapat na may tunay na puso, nakikita mo ba ang pag-uugaling ito? Kung ang isang tao ay sinasabing mapanlinlang, buktot, at napakasama, nakikita mo ba ang mga bagay na iyon? Kahit na ipikit mo ang iyong mga mata, maaari mong maramdaman kung ang pagkatao ng isang tao ay normal o kasuklam-suklam sa pamamagitan ng kung ano ang sinasabi niya at kung paano siya kumikilos. Samakatuwid, hindi isang walang kabuluhang parirala ang ‘mabuti o masamang pagkatao.’ Halimbawa, ang pagiging makasarili at napakasama, kabuktutan at panlilinlang, pagmamataas at pag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba ay lahat ng bagay na maaari mong maunawaan sa buhay kapag nakaugnayan mo ang isang tao; ito ang mga negatibong elemento ng pagkatao. Kaya, maaari bang ang mga positibong elemento ng pagkatao na dapat taglayin ng mga tao—tulad ng katapatan at pagmamahal sa katotohanan—ay mapansin sa pang-araw-araw na buhay? Kung ang isang tao man ay may kaliwanagan ng Banal na Espiritu; kung makatatanggap man siya ng patnubay ng Diyos; kung taglay man niya ang gawain ng Banal na Espiritu—nakikita mo ba ang lahat ng bagay na ito? Natutukoy mo ba ang lahat ng ito? Ano ang mga kondisyong dapat mataglay ng isang tao para matamo ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, matanggap ang patnubay ng Diyos, at makakilos nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng bagay? Dapat magkaroon siya ng tapat na puso, mahalin ang katotohanan, hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, at maisagawa ang katotohanan sa sandaling maunawaan na niya ito. Kapag mayroon ng mga kondisyong ito, ibig sabihin ay may kaliwanagan ng Banal na Espiritu, nagagawang maunawaan ang mga salita ng Diyos, at madaling naisasagawa ang katotohanan. Kung ang isang tao ay hindi tapat na tao at hindi nagmamahal sa katotohanan sa kanyang puso, mahihirapan siyang matamo ang gawain ng Banal ng Espiritu, at kahit pa ibahagi mo sa kanya ang katotohanan, wala iyong kahahantungan. Paano mo masasabi kung tapat na tao ang isang tao? Hindi mo lang dapat tingnan kung nagsisinungaling ba siya at nandaraya, kundi ang pinakamahalaga ay tingnan kung nagagawa ba niyang tanggapin ang katotohanan at isagawa ito. Iyon ang pinakasusi. Noon pa ma’y nagpapalayas na ng mga tao ang sambahayan ng Diyos, at sa puntong ito, marami na ang pinalayas. Hindi sila matatapat na tao, lahat sila’y mapanlinlang na mga tao. Minahal nila ang mga bagay na hindi matutuwid, hindi talaga nila minahal ang katotohanan. Kahit gaano karaming taon na silang naniwala sa Diyos, hindi nila maunawaan ang katotohanan o mapasok ang realidad nito. Lalo namang walang kakayahan ang mga gayong tao na totohanang magbago. Samakatuwid, hindi talaga maiiwasan na sila’y palayasin. Kapag nakakahalubilo mo ang isang tao, ano ang una mong titingnan? Tingnan mo kung tapat ba siya sa salita at sa gawa, kung minamahal ba niya ang katotohanan at kaya ba niyang tanggapin ang katotohanan. Napakahalaga ng mga ito. Madali mong makikita ang diwa ng isang tao hangga’t kaya mong matukoy kung isa ba siyang tapat na tao, kung nagagawa ba niyang tanggapin ang katotohanan at isagawa ito. Kung ang bibig ng isang tao ay puno ng matatamis na salita, ngunit wala siyang totoong ginagawa—kapag dumating na ang oras para gumawa ng isang bagay na totoo, iniisip lamang niya ang kanyang sarili at hindi ang iba—anong klase ng pagkatao ito? (Pagiging makasarili at pagiging napakasama. Wala siyang pagkatao.) Madali ba para sa isang tao na walang pagkatao na magkamit ng katotohanan? Mahirap ito para sa kanya. … Huwag ninyong pansinin ang sinasabi ng gayong mga tao; dapat ninyong tingnan ang kanilang ipinamumuhay, ang kanilang ibinubunyag, at ang kanilang saloobin kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, pati na ang kanilang kalagayang panloob at ang kanilang minamahal. Kung ang pagmamahal nila sa sarili nilang katanyagan at pakinabang ay nakahihigit sa kanilang katapatan sa Diyos, kung ang pagmamahal nila sa kanilang sariling katanyagan at pakinabang ay nakahihigit sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung ang kanilang pagmamahal sa sarili nilang katanyagan at pakinabang ay nakahihigit sa konsiderasyong ipinapakita nila para sa Diyos, nagtataglay ba ang gayong mga tao ng pagkatao? Hindi sila mga taong may pagkatao. Nakikita ng iba at ng Diyos ang kanilang paggawi. Napakahirap para sa gayong mga tao na matamo ang katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na, upang masuri kung mabuti o masama ang pagkatao ng isang tao, kailangan nating tingnan ang kanilang saloobin sa kanilang tungkulin at sa katotohanan. Mahal ng mga may mabuting pagkatao ang katotohanan at isinasaalang-alang nila ang kalooban ng Diyos sa kanilang tungkulin. Tinatrato nila ang kanilang tungkulin nang responsable, mapagkakatiwalaan sila, at pinoprotektahan nila ang mga interes ng iglesia. Ang mga may masamang pagkatao ay talagang makasarili at ubod ng sama, sariling mga interes lang ang iniisip nila. Iniraraos lang nila ang kanilang tungkulin, sinusubukang magpakatamad, at puro salita lang, nang walang natatapos na tunay na gawain. Maaari pa nga nilang balewalain o ipagkanulo ang mga interes ng iglesia para protektahan ang sarili nilang mga interes. Nang suriin ko ang pag-uugali ng mga magulang ko batay sa mga salita ng Diyos, nalaman ko na hindi talaga sila mga taong may mabuting pagkatao na gaya ng inakala ko. Katulad lang ng tatay ko—bagamat gumawa siya ng ilang sakripisyo sa panlabas, wala siyang pasanin sa tungkulin niya, sa halip ay nagiging pabasta-basta siya at umiiwas sa mahirap na gawain. Kapag kailangang magbayad ng halaga, naghahanap siya ng maraming dahilan para alagaan ang katawan niya, at hindi niya iniisip ang mga pangangailangan ng iglesia. Sa kanyang tungkulin, kinailangan pang palagi siyang pangasiwaan at himukin. Talagang pasibo siya. Ang nanay ko naman, bagamat palagi siyang abala, kayang magdusa at magbayad ng halaga para sa tungkulin niya, at tila may natatapos siyang ilang gawain, wala man lang mga tunay na resulta sa kanyang mga tungkulin, at ginawa lang niya ang mga ito para magpakitang-tao. Mukha siyang abalang-abala at nakatuon sa pagiging mahusay, pero ang totoo ay naghahanap lang siya ng mga mabilisang pakinabang at lahat iyon ay para sa sarili niyang reputasyon at katayuan. Wala siyang may-takot-sa-Diyos na puso sa kanyang gawain at nagsanhi ito ng malalaking kawalan sa mga interes ng iglesia. Sa mga bagay na sangkot ang mga interes ng iglesia, alam niyang siya ang pinakaangkop na tao para sa trabaho pero pilit niyang ipinapagawa ang mga iyon sa iba. Nakita ko na hindi man lang niya pinoprotektahan ang mga interes ng iglesia sa mahahalagang bagay, at na hindi niya kaisang-puso ang Diyos. Nakita ko lang na marami siyang natapos na gampanin at nagbayad ng malaking halaga, pero hindi ko tiningnan ang kanyang mga motibo sa pagbabayad ng halagang ito o kung may nakamit ba siyang anuman sa paggawa ng mga gampaning ito, kung may naiambag ba talaga siya sa iglesia, o kung mas malaking kapinsalaan ang nagawa niya kaysa sa kabutihan. Nakita ko sa wakas na ang pagsusuri sa kung mabuti o masama ang pagkatao ng isang tao ay hindi tungkol sa kung gaano karaming sakripisyo o pagsisikap ang tila nagawa na nila, kundi ito ay higit na tungkol sa kung tama ba ang kanilang mga motibo, kung taos-puso ba nilang iniisip ang gawain ng iglesia o ginagawa ang mga bagay-bagay para sa sarili nilang reputasyon at katayuan. Maaaring hindi nauunawaan ng mga taong may mabuting pagkatao ang katotohanan, pero mabuti ang kanilang layunin at sinusunod nila ang kanilang konsiyensiya. Kaisang-puso sila ng sambahayan ng Diyos at kaya nilang protektahan ang mga interes ng iglesia kapag may mga nangyayari, kaya’t nakapagkakamit sila ng magagandang resulta. Pero ang mga may masamang pagkatao, gaano man sila mukhang nagsasakripisyo at nagpapakapagod, o gaano man sila kagaling magsalita, ang totoo ay pabasta-basta lang sila sa lahat ng kanilang ginagawa, nagsasaalang-alang at nagpaplano lang para sa sarili nilang mga interes nang hindi talaga taos-pusong iniisip ang mga interes ng iglesia, kaya naman marami silang nakakaligtaan sa kanilang gawain at wala talagang anumang tunay na naisasagawa. Marahil ay may ilang bagay silang naisasagawa sa pamamagitan ng pag-asa sa kanilang mga kaloob o karanasan, pero sa katagalan, mas dumarami ang kawalan kaysa sa mga nakamit na naidulot ng paggamit sa ganitong uri ng tao, dahil ang kanilang pagkatao at katangian ay mababa. Hindi sila maaasahan at hindi gumagawa ng tunay na gawain. Hindi mo alam kung kailan sila maaaring magdulot ng mga kawalan sa gawain ng iglesia. Nang mapatanto ko iyon, lubos akong nakumbinsi na hindi mabuti ang pagkatao ng mga magulang ko.
Palagi kong naiisip kung gaano karami ang tinalikdan nila sa kanilang pananampalataya, kasama na ang isang talagang komportableng buhay, patuloy na ginagawa ang kanilang tungkulin sa loob halos ng dalawang dekada ng mga pagsubok, na kahit hindi nila hinangad ang katotohanan, kahit papaano ay tunay silang mga mananampalataya at mga taong may mabuting pagkatao. Pero sa totoo lang, napakaraming tao ang kayang magkunwaring tinitiis ang paghihirap, pero maaaring magkaiba ang mga motibasyon at diwa ng bawat tao sa paggawa nito. Hindi ko nakita kung ano ang nag-uudyok sa kanilang magdusa at gumugol o kung may natamo ba talaga silang anuman sa kanilang mga tungkulin. Tiningnan ko lang ang mga panlabas nilang sakripisyo at pagsisikap at inakala ko na tunay silang mga mananampalataya na may mabuting pagkatao. Naging mababaw at hangal talaga ako sa aking mga pananaw! Bilang mga mananampalataya sa lahat ng taon na ito, bagamat nagdusa tayo sa pang-uusig ng Partido Komunista at sa pasakit ng pagkakahiwa-hiwalay na mga pamilya, labis din nating natamasa ang biyaya ng Diyos. Hindi lang tayo pinagkakalooban ng Diyos ng napakaraming katotohanan, kundi binibigyan Niya tayo ng saganang panustos na kailangan natin sa buhay. Ang isang taong tunay na may konsiyensiya at katwiran ay dapat gagawin ang lahat para magampanan ang kanyang tungkulin at masuklian ang pagmamahal ng Diyos. Pero pagkaraan ng lahat ng taon na iyon ng pananampalataya at pagkaunawa sa napakaraming doktrina, wala pa ring pinakabatayang pagpapahalaga sa pasanin o responsabilidad ang mga magulang ko sa kanilang mga tungkulin na dapat sana ay mayroon sila. Ni hindi nila pinrotektahan ang mga interes ng iglesia. Batay sa ikinilos nila, ang pagtanggal sa kanila ng iglesia ay ganap na pagiging matuwid ng Diyos. Ang pangasiwaan sila sa ganitong paraan ay hindi lamang nakabubuti para sa gawain ng iglesia, kundi nakabubuti rin para sa kanila. Kung ang pagkadapa at pagkabigo sa gayong paraan ay makatutulong sa kanila na pagnilayan at kilalanin ang kanilang sarili at bumaling sa Diyos, baguhin ang kanilang saloobin sa kanilang mga tungkulin, magiging kaligtasan iyon para sa kanila at pagbabago sa kanilang landas ng pananampalataya. Kung patuloy silang kikilos sa dati nilang gawi, nang walang anumang pagninilay-nilay sa sarili, pagsisisi, o pagbabago, talagang maaari silang malantad at mapalayas. Nagunita ko ang sinabi ng Diyos: “Kung gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at kung gaano man kalayo ang dapat niyang lakarin sa kanyang landas ay itinakda ng Diyos, at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … 6). Sa puntong ito, ang tanging magagawa ko ay tukuyin ang mga problemang nakita ko at gawin ang lahat para matulungan sila, pero tungkol sa landas na kanilang piniling tahakin, hindi ko dapat alalahanin iyon. Mas sumigla ang aking puso nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, at hindi na ako nakaramdam ng sama ng loob o nasaktan para sa kanila. Nagawa ko nang harapin nang tama ang usapin.
Nabasa ko ang marami pang salita ng Diyos kalaunan: “Kailangan mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga sumisipsip sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Talagang nakaaantig para sa akin ang mga siping ito. Ang tanging pamantayan ng Diyos sa paghuhusga kung maaaring iligtas ang mga tao ay kung taglay ba nila ang katotohanan at nabago ang kanilang mga disposisyon. Gumawa na ang Diyos sa lahat ng taon na ito at nagpahayag ng napakaraming katotohanan, nagbibigay ng napakapartikular at napakadetalyadong pagbabahagi tungkol sa landas ng pagpasok sa katotohanang realidad at pagkakamit ng kaligtasan. Hangga’t kayang mahalin at tanggapin ng isang tao ang katotohanan, may pag-asang matamo ang pagliligtas ng Diyos. Ngunit, kung kontento na ang isang tao sa mga panlabas na sakripisyo kahit pagkaraan ng mga taon ng pananampalataya, nang hindi isinasagawa ang katotohanan o binabago ang kanilang disposisyon, kung gayon, hindi nila tinatanggap ang katotohanan, kundi nayayamot sila rito. Para sa gayong klaseng tao, gaano man sila nagsasakripisyo o ilang taon man silang gumagawa, o gaano man karaming mahalagang tungkulin ang nagampanan nila, kung hindi pa nila natamo ang katotohanan at buhay o nabago ang kanilang tiwaling disposisyon sa huli, at kung lumalaban at naghihimagsik pa rin sila sa Diyos, ginugulo at ginagambala ang gawain ng iglesia, hindi sila maliligtas. Ang mga gumagawa ng maraming kasamaan ay parurusahan ng Diyos, at pinagpapasyahan iyon ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Habang iniisip ko iyon, lalo akong naliwanagan kung paano umabot sa puntong ito ang mga magulang ko. Bagamat isinuko na nila ang kanilang tahanan at mga trabaho, at nagsikap sila nang husto, hindi nila minahal ang katotohanan. Sila ay pabasta-basta at sutil sa kanilang tungkulin, at hindi sila nagnilay-nilay o kumilala sa kanilang sarili batay sa mga salita ng Diyos. Nang tukuyin ng mga kapatid ang mga isyu sa kanila, hindi sila nagpasakop, nagdahilan sila, inisip na sinusubukan ng ibang tao na pahirapan sila sa buhay, at na sobra-sobra ang mga ekspektasyon ng mga ito sa kanila. Ipinakita nito sa akin na nayayamot sila sa katotohanan at ayaw nila itong tanggapin, kaya naman hindi nagbago ang kanilang mga disposisyon pagkaraan ng napakaraming taon ng pananampalataya. Sa halip, habang tumatagal ang panahon nila bilang mga mananampalataya at dumarami ang mga karanasan nila sa gawain, mas lalong tumitindi ang kanilang mayabang na disposisyon. Nakita ko sa saloobin nila sa katotohanan na ang lahat ng sakripisyo nila ay hindi para makamit ang katotohanan at buhay, kundi atubili nilang ginawa ang mga iyon, para pagpalain. Katulad lang ni Pablo, lahat ng ginawa niya ay para makipagtawaran sa Diyos. Hindi siya isang tunay na mananampalataya na taos-pusong ginugol ang kanyang sarili para sa Diyos. Sa wakas ay naging malinaw sa akin na kung taos-puso mang nananampalataya sa Diyos ang isang tao, may mabuting pagkatao, at maaaring maligtas ay dapat hinuhusgahan ayon sa saloobin niya sa katotohanan. Hindi tamang husgahan siya ayon sa dami ng kanyang mga panlabas na sakripisyo, gaano karami ang nagawa niya, o anong uri ng mga tungkulin ang nagampanan niya. Bagamat maaaring hindi makagawa ang ilang kapatid ng malalaking kontribusyon sa iglesia, at mukhang hindi mahalaga ang kanilang mga tungkulin, matatag sila sa kanilang mga tungkulin, ibinubuhos nila ang kanilang buong puso at lakas sa mga ito. Ang pokus nila sa kanilang tungkulin ay ang paghahanap sa katotohanan at pagninilay-nilay sa kanilang tiwaling disposisyon, at pagkatapos nila itong mapagtanto, magkakaroon sila ng personal na pagsisisi at maisasagawa ang katotohanan, at makagagawa sila ng mga pagbabago sa kanilang tiwaling disposisyon. Ang ganitong uri ng tao ay kayang manindigan sa sambahayan ng Diyos. Habang mas iniisip ko ito, mas lalo kong nakikita na talagang matuwid ang Diyos. Ang pamantayan ng Diyos sa pagsusuri sa mga tao ay hindi nagbago kailanman. Kaya lang, nangarap ako ng gising tungkol sa kaligtasan. Palagi kong inakala na hindi dapat talikdan o palayasin ng Diyos iyong mga tila nakagawa ng malalaking sakripisyo at nagsikap nang husto, kahit na walang silang anumang naiambag. Pero nakita ko talaga ang pagiging matuwid ng Diyos sa kaso ng mga magulang ko. Hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay batay sa mga damdamin o haka-haka at imahinasyon, bagkus ay ginagamit Niya ang mga pamantayan ng katotohanan para hatulan at tingnan ang bawat tao. Maging ang mga taong nakahawak ng mahahalagang tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay kasali. Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, mas masigla at malaya ang pakiramdam ng puso ko.
Nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Balang araw, kapag nauunawaan mo na ang ilan sa katotohanan, hindi mo na iisipin na ang nanay mo ang pinakamabuting tao, o na ang mga magulang mo ang pinakamabubuting tao. Matatanto mo na mga miyembro din sila ng tiwaling sangkatauhan, at na pare-pareho ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Ang tanging nagbubukod sa kanila ay na magkadugo kayo. Kung hindi sila naniniwala sa Diyos, kapareho sila ng mga hindi mananampalataya. Hindi mo na sila titingnan mula sa pananaw ng isang kapamilya, o mula sa pananaw ng inyong ugnayan sa laman, kundi mula sa panig ng katotohanan. Ano ang mga pangunahing aspetong dapat mong tingnan? Dapat mong tingnan ang kanilang mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos, ang kanilang mga pananaw tungkol sa mundo, ang kanilang mga pananaw tungkol sa paglutas ng mga problema, at ang pinakamahalaga, ang kanilang saloobin ukol sa Diyos. Kung sisiyasatin mo nang tumpak ang mga aspetong ito, malinaw mong makikita kung sila ay mabubuti o masasamang tao. Isang araw ay maaaring malinaw mong makita na sila ay mga taong may mga tiwaling disposisyon katulad mo. Maaari pa ngang maging mas malinaw na hindi sila ang mababait na tao na may tunay na pagmamahal sa iyo na tulad ng inaakala mo, at na hindi ka nila talaga maaakay sa katotohanan o sa tamang landas sa buhay. Maaaring malinaw mong makita na ang nagawa nila para sa iyo ay walang gaanong pakinabang sa iyo, at na wala itong silbi sa pagtahak mo sa tamang landas sa buhay. Maaaring makita mo rin na marami sa kanilang mga pagsasagawa at opinyon ay salungat sa katotohanan, na sila ay makalaman, at na kinasusuklaman, inaayawan at kinamumuhian mo sila dahil dito. Kung makikita mo ang mga bagay na ito, matatrato mo na nang tama ang iyong mga magulang sa puso mo, at hindi ka na mangungulila at mag-aalala sa kanila, at makakaya mo nang mamuhay nang malayo sa kanila. Nakumpleto na nila ang kanilang misyon bilang mga magulang, kaya hindi mo na sila ituturing na pinakamalapit na mga tao sa iyo o iidolohin sila. Sa halip, ituturing mo silang mga ordinaryong tao, at sa panahong iyon, hindi ka na magpapaalipin nang lubusan sa iyong damdamin at talagang makakahiwalay ka na sa iyong damdamin at pagmamahal sa pamilya” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Paglutas Lamang sa Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago). “Maraming tao ang dumaranas ng hindi kinakailangang emosyonal na pagdurusa; sa totoo lang, lahat ng ito ay hindi kailangan at walang saysay. Bakit Ko sinasabi ito? Ang mga tao ay palaging napipigilan ng kanilang damdamin, kaya hindi sila makapagsagawa ng katotohanan at makapagpasakop sa Diyos; dagdag pa rito, ang mapigilan ng damdamin ay hindi talaga kapaki-pakinabang sa paggawa ng tungkulin at pagsunod sa Diyos ng isang tao, at higit pa rito, ito ay isang malaking hadlang sa pagpasok sa buhay. Kaya, walang kabuluhan ang magdusa sa pagpigil ng damdamin, at hindi ito naaalala ng Diyos. Kaya paano mo palalayain ang iyong sarili sa walang-kabuluhang pagdurusang ito? Kailangan mong maunawaan ang katotohanan at mahalata at maunawaan ang diwa ng mga relasyon sa laman na ito; pagkatapos ay magiging madali sa iyo na makalaya sa mga pagpipigil ng mga damdamin ng laman. … Nais gamitin ni Satanas ang pagkagiliw upang pigilan at gapusin ang mga tao. Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, madali silang malilinlang. Kadalasan, para sa kapakanan ng kanilang mga magulang at mga mahal sa buhay, hindi sila masaya, umiiyak sila, nagtitiis sila ng mga paghihirap, at nagsasakripisyo sila. Ito ang kanilang moral na kamangmangan; matapang nila itong tinitiis, at inaani nila ang kanilang itinatanim. Ang magdusa sa mga bagay na ito ay walang halaga—isang walang saysay na pagsisikap na hindi man lang maaalala ng Diyos—at maaaring sabihin ng isang tao na nasa impiyerno siya. Kapag talagang nauunawaan mo ang katotohanan at nahahalata mo ang kanilang diwa, magiging malaya ka; mararamdaman mo na ang pagdurusa mo noon ay kaignorantehan at kamangmangan. Hindi mo sisisihin ang sinuman; sisisihin mo ang iyong sariling pagkabulag, ang iyong kahangalan, at ang katunayan na hindi mo naunawaan ang katotohanan o nakita nang malinaw ang mga bagay-bagay” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Paglutas Lamang sa Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago). Talagang nakaaantig para sa akin na mabasa ang mga salita ng Diyos. Lubos tayong nauunawaan ng Diyos. Ang lahat ng luha at walang-kabuluhang pagdurusa ko ay dahil masyado akong emosyonal at hindi ko nakita ang mga bagay-bagay nang malinaw. Dati-rati, hindi ko naunawaan ang katotohanan o wala akong pagkakilala sa mga magulang ko, at inakala ko lang na talagang magaling at kahanga-hanga sila, na sila ay aking mga huwaran, at na dapat kong sikaping tularan sila. Inakala ko pa nga na sila ay mga taong nakaunawa sa katotohanan at malapit nang maligtas, pero nang tingnan ko sila batay sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, napagtanto ko sa wakas na maling-mali ang mga pananaw ko at sa wakas ay nagkamit ako ng kaunting pagkakilala sa kung anong klaseng tao talaga sila. Marami akong nakita sa kanila na bukod sa hindi ko hinangaan, kinasuklaman ko rin. Tumigil na ako sa pagsamba at pagtingala sa kanila, at tumigil na ako sa pagdusa at pag-iyak para sa kanila. Nakikita ko na sila sa obhektibo at tumpak na paraan.
Sa pamamagitan ng pagkalantad ng sitwasyong ito, nakita ko sa wakas na masyado akong emosyonal. Noong namumuhay ako ayon sa pagmamahal sa laman, iniisip ko lang kung gaano kaya nasasaktan at nagdurusa ang mga magulang ko, at hindi ko matanggap kung paano sila pinangasiwaan ng iglesia. Punong-puno ako ng pagtutol, at nagreklamo pa nga ako na hindi matuwid ang Diyos. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit kinasusuklaman ng Diyos ang mga emosyonal na ugnayan sa pagitan ng mga tao. Ito ay dahil kapag ang mga tao ay namumuhay sa mga damdaming ito, nalilito sila sa tama at mali, mabuti at masama, nagiging malayo sila sa Diyos at nagrerebelde sila laban sa Diyos. Hindi ko kilala ang sarili ko noon. Nang makita ko ang mga kapatid na umiiyak sa loob ng maraming araw dahil sa natanggal ang kanilang mga kamag-anak, naalis, o natiwalag, minaliit ko sila. Inisip ko na kung sa akin mangyayari ang gayong bagay, hindi ako magiging ganoon kahina. Pero nang maharap talaga ako sa ganoon mismong bagay, mas naging mahina pa ako kaysa sa iba, at nalugmok ako. Hindi lang ako umiyak nang ilang beses, kundi namuhay din ako sa pagkanegatibo at nakaapekto iyon sa tungkulin ko. Talagang naging hangal ako at walang muwang, at medyo hindi makatwiran. Dahil sa karanasang ito, nagtamo ako sa wakas ng kaunting pagkaunawa sa mga kapatid na nahirapang makatakas sa kanilang mga emosyon, at nagkaroon ako ng kaunting pagkahiya sa dati kong kamangmangan at pagyayabang. Natutunan ko rin na may katotohanang mahahanap sa lahat ng nangyayari, na palaging may pagkakataong magkaroon ng pagkakilala at matuto ng aral, at na kailangan nating tratuhin ang lahat sa ating paligid, maging ang ating mga magulang, nang naaalinsunod sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Sa gayon ay hindi natin sila tatratuhin ayon sa ating mga emosyon at imahinasyon, o gagawin ang mga bagay-bagay para labanan ang Diyos. Salamat sa Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.