Pagbangon sa Madilim na Pang-aapi

Mayo 17, 2018

Ni Mo Zhijian, Tsina

Isinilang ako sa isang mahirap at malayong bundok na lugar kung saan kami ay nagsunog ng insenso at sinamba si Buddha sa napakaraming henerasyon. May mga templong Budista sa buong lugar na kung saan lahat ng pamilya ay pupunta upang magsunog ng insenso; walang sinuman ang naniwala kailanman sa Diyos. Noong 1995, ako at ang aking asawa ay nasa isa pang bahagi ng bansa kung saan kami ay naniwala sa Panginoong Jesus; pagkatapos naming bumalik nagsimula kaming magbahagi ng ebanghelyo at ang bilang ng mga tao na tumanggap dito ay unti-unting dumami nang mahigit sa 100 tao. Dahil parami nang parami ang mga taong naniwala sa Diyos, naalarma ang lokal na pamahalaaan. Isang araw noong 1997, tinawag ako ng pulisya upang pumunta sa lokal na himpilan ng pulisya, na kung saan ay naghihintay sa akin ang hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad ng Bayan, ang hepe ng Kawanihan ng Pambansang Seguridad, ang hepe ng Kawanihan ng Relihiyon at ang pinuno ng himpilan ng pulisya at pati na rin ang ilang opisyal na pulis. Tinanong ako ng hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad: “Bakit ka naniniwala sa Diyos? Kanino ka mayroong kaugnayan? Saan nanggaling ang mga Biblia? Bakit hindi kayo pumunta sa Three-Self Church para sa mga pagtitipon?” Sinabi ko: “Nilikha ng Diyos ang mga tao, lahat ng sikat ng araw, hangin, at tubig ay nilikha ng Diyos; batas ng langit at lupa na maniwala sa Diyos ang mga tao at sambahin Siya. Malinaw na ipinapahayag din ng pambansang saligang batas na ang mga mamamayan ay may kalayaan sa relihiyon; bakit hindi ninyo kami payagan na malayang maniwala sa Diyos?” Sinabi ng hepe ng Kawanihan ng Relihiyon: “May mga limitasyon sa kalayaan sa relihiyon, tulad ng isang maliit na ibon sa loob ng isang hawla; kahit hindi nakatali ang mga pakpak at paa nito, maaari lamang itong gumalaw sa loob ng hawla.” Nang marinig ko siyang magsalita ng mga kamaliang ito, nagngitngit ako at pagalit na sinabi: “Kung gayon ay nagsisinungaling ang pambansang pamahalaan sa mga tao nito!” Nang marinig nilang sabihin ko ito, alam nilang mali sila at walang anumang masabi, kaya pinahintulutan na lamang nila akong makauwi sa bahay. Noong panahong iyon, hindi ko alam ang diwa ng pag-uusig ng pamahalaan ng CCP sa mga mananampalataya hanggang noong 1999 nang tanggapin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagdanas ng mas malupit na pag-uusig mula sa pamahalaan ng CCP nakita ko nang malinaw na ang CCP ay ang sagisag ni Satanas na masamang espiritu; ito ang kaaway ng Diyos na binanggit sa Biblia: “At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanlibutan(Pahayag 12:9).

Pagkatapos lamang ng alas-singko ng umaga noong Hunyo 28, 2002, naghanda ako para sa isang pagtitipon kasama ang ilang kapatiran nang biglang narinig namin ang malakas na pagkatok sa pinto. Mabilis naming itinago ang mga aklat ng salita ng Diyos at binuksan ang pinto. Hindi inaasahan, nang bumukas ang pinto, nagmadaling pumasok ang humigit-kumulang na isang dosenang pulis. Mayroon silang mga de-koryenteng baton at baril sa kanilang mga kamay at pinuwersa kami nang sama-sama, pinatingkayad kami at ipinalagay ang aming mga kamay sa aming mga ulo. Matapos kaming pigilin ng masasamang pulis na ito, tulad ng mga bandidong pumapasok sa isang nayon, pumasok sila sa bawat kuwarto at ginulo ang lahat; kinuha nila ang aming mga kumot at damit at itinapong lahat ito sa sahig. Dati na akong nakapanood ng mga eksena sa TV ng organisadong krimen at mga bandidong nandarambong at nagnanakaw, ngunit hindi ko kailanman inaasahan na ang “pulisya ng mga tao” ay kikilos tulad ng masasamang maniniil at bandido sa TV. Sa oras na iyon lubha akong natakot at nag-alala na matutuklasan nila ang mga aklat ng salita ng Diyos. Patuloy akong nanalangin sa aking puso at hiniling sa Diyos na bantayan at ingatan kami. Pagkatapos manalangin, nakita ko ang kahanga-hangang mga gawa ng Diyos. Hinalughog nila ang buong bahay at naghanap at kinumpiska ang aming mga personal na gamit, ngunit hindi nila nakita ang mga aklat ng salita ng Diyos. Alam kong ito ay ang pagkamakapangyarihan at pag-iingat ng Diyos at alam ko na ang Diyos ay kasama namin, at nadagdagan ang aking pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos nito, dinala nila kami sa himpilan ng pulisya at sa gabi, inilipat nila kami sa isang sentro ng detensiyon at ikinulong kami. Pagkalipas ng tatlong araw, ang bawat isa sa amin ay pinagmulta ng pulisya ng 300 yuan na kailangan naming bayaran upang makalaya. Sa nakita kong pagkilos ng pamahalaan ng CCP na tulad ng mga walang pakundangan at hindi makatwirang mandaragit na nagtanggal sa mga tao ng kanilang kalayaan sa relihiyon, nadama ko ang labis na sama ng loob at hindi ko maiwasang isipin ang mga salita ng Diyos: “Sa loob ng libu-libong taon, ito ang naging lupain ng karumihan. Hindi matitiis ang karumihan nito, napakalungkot dito, naglipana ang mga multo sa buong paligid, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,[1] walang-awa at malupit, niyuyurakan ang bayang ito ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; ang amoy ng pagkabulok ay bumabalot sa lupain at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.[2] Sino ang makakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? … Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Sa abandonadong lugar na ito ng China, nagsabit ng mga kartilon ang namumunong partido ng China na itinataguyod ang “kalayaan sa relihiyon at kalayaan sa mga karapatang pantao,” ngunit talagang inuusig nila ang Diyos nang walang pagpigil at inaaresto at inuusig nila ang mga taong sumusunod sa Diyos. Hindi nila pinapayagan ang mga tao na maniwala sa Diyos at tahakin ang tamang landas ng buhay; sabik silang alisin ang lahat ng mananampalataya sa isang mabilis na pagsalakay. Hindi kami lumabag sa batas o gumawa ng anumang masama; ang ginawa lang namin ay ibahagi ang ebanghelyo upang bigyang-daan ang mga tao na lumapit upang makilala ang Diyos at sambahin ang Diyos at lumayo mula sa kanilang mga buhay sa kadiliman at sakit. Ngunit nais ng pulisya ng CCP na arestuhin kami, pigilan kami at pagmultahin kami, sa halip na atupagin ang masasamang tao na sangkot sa prostitusyon, pagpatay at pagsunog, at pandaraya at panunuba; pinayagan nila ang masasamang taong ito na makatakas sa kanilang mga krimen. Isinasaalang-alang ang mga katunayan, nakita ko na ang pamahalaan ng CCP ay isang grupong makademonyo na lumaban sa Diyos, binulag ang mga tao at dinaya ang mga tao; sila ang mga kaaway ng Diyos.

Noong Nobyembre 28 ng parehong taon, ang ilang kapatiran at ako ay nagbahagi ng ebanghelyo sa isang lider ng relihiyon. Subalit kami ay isinumbong ng isang masamang tao at humigit-kumulang sa isang dosenang pulis ang pumaligid sa aming gusali at nagpilit pumasok sa pinto. Mayroon silang mga baril at baton sa kanilang mga kamay at sumigaw sila: “Walang gagalaw! Itaas ang inyong mga kamay!” Kinapkapan nila ang aming mga katawan at ninakaw ang aming pera at mahahalagang bagay na nagkakahalaga ng higit sa 5,000 yuan. Iniutos nila sa amin na ilagay ang aming mga kamay sa aming mga ulo at tumingkayad na nakaharap sa dingding. Dalawang kabataang babae noong panahong iyon ang natakot at sinabi ko sa kanila: “Wala tayong ginawang anumang masama, huwag kayong matakot.” Sa sandaling sinabi ko iyon, ilang pulis ang agad na sumugod sa akin at binugbog ako ng kanilang mga kamao at paa, kaya natumba ako sa sahig. Hinalughog nila ang lahat ng kuwarto at ginawa nilang magulo ang mga ito. Mas salbahe at mabagsik sila kaysa sa mga bandidong nagnanakaw sa isang nayon. Isang kapatid na babae sa silid ang hindi lumabas at isang masamang pulis ang sumugod at hinawakan siya nang mahigpit at hinila siya palabas. Nakita ng isa pang masamang pulis na medyo maganda siya at nagsimulang abusuhin siya sa pamamagitan ng paghipo sa kanyang buong katawan. Walang lakas na humagulgol ang kapatid na babae at sa kabutihang-palad ay dumating ang may-ari ng gusali sa tamang oras upang itigil ito, na nagbigay-daan sa kapatid na babae na makatakas sa pamimilit. Sa oras na ito nakikita ko nang malinaw na ang mga sawikain tulad ng “ang pulis ng mga tao ay para sa mga tao at kung mayroon kang anumang kagipitan, tumawag sa pulis” at “ang pulisya ay ang mga tagapagtanggol ng mga tao” ay pawang mga kasinungalingan. Ang mga masasamang pulis na ito ay ganap na isang grupo ng mga lokal na sanggano at masasamang-loob! Pagkatapos, ikinulong nila kami sa sasakyan ng pulisya at dinala kami sa himpilan ng pulisya. Pagkatapos ay ipinosas kami sa pasilyo nang dalawang araw at dalawang gabi na walang ibinigay sa amin na pagkain o inumin. Paulit-ulit na lamang akong mananalangin sa aking puso at humihiling sa Diyos na gabayan kami at bigyan kami ng pananampalataya at lakas upang maging saksi kami sa kapaligirang ito. Nang maglaon, nagtanong ang masasamang pulis sa isang kapatid na lalaki, at nang hindi sila nasiyahan sa kanyang mga sagot, malakas na itinulak siya sa lupa ng ilang masasamang pulis habang ang isang masamang pulis ay pinuno ng dumi ng aso ang kanyang bibig. Lubhang nagalit ang kalagayang pangkaisipan ng kapatid na lalaki. Sa pagkakita ng kahabag-habag na sitwasyong ito, lubhang nabalisa ang aking puso at sumiklab ang galit sa kalooban ko. Ninais kong masugod at magutay-gutay ko sila nang pira-piraso, ngunit pinatnubayan ng salita ng Diyos ang aking puso: “Nakadarama Ako ng bahagyang simpatya para sa Aking mga kapatirang lalaki at babae na ipinanganak din sa lupaing ito ng karumihan, at kaya sumibol sa loob Ko ang pagkamuhi sa malaking pulang dragon. … Lahat tayo ay mga biktima nito. Sa kadahilanang ito, namumuhi Ako rito mula sa kaibuturan ng Aking kalooban, at hindi na Ako makapaghintay na wasakin ito. Gayunpaman, kapag muli Akong nag-iisip, wala ring mangyayari rito at magdadala lang ito ng kaguluhan sa Diyos, kaya bumabalik Ako sa mga salitang ito—itinalaga Ko ang Aking puso sa paggawa sa Kanyang kalooban—ang ibigin ang Diyos. … sa gayon ay isabuhay ang isang nagliliwanag at nagniningning na buhay na puspos ng kabuluhan. Sa ganito, makakaya Kong mamatay nang walang mga pagsisisi, nang may pusong puno ng kaluguran at kaginhawahan. Nais mo bang gawin iyon? Ikaw ba ay isang tao na may ganoong uri ng pagpapasya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … 2). Naging dahilan ang salita ng Diyos upang maging mahinahon ako, at sa pagsisikap na maunawaan ang salita ng Diyos, naunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Lubhang kinamumuhian na ng Diyos ang masasamang demonyong ito, nais Niyang wasakin agad silang lahat, ngunit upang makumpleto ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at perpektuhin tayo, kailangan Niyang gamitin ang mga pagsisikap ni Satanas. Ginagamit ng Diyos ang pag-uusig nito upang pahintulutan tayo na maintindihan ito, sa gayon ay pinahihintulutan tayong lubusang makita ang kasuklam-suklam na mukha at makademonyong sangkap ng pamahalaan ng CCP. Sa gayon maaari nating talikuran ito at kumalas sa ating pakikipag-ugnayan dito at lubusang ibaling ang ating matapat na puso sa Diyos. Palaging tinitiis ng Diyos ang nagngangalit na pagtugis ng CCP upang makakuha ng mas mahusay na mga resulta sa Kanyang gawain, kaya ano itong dapat kong pagdusahan ng kaunti upang matamo ko ang kaligtasan bilang bahagi ng paglikha? Niliwanagan ako ng Diyos at binigyan ng pananampalataya at lakas; gusto kong tularan si Cristo at maging matatag na tuparin ang kalooban ng Diyos—hanapin ang pag-ibig sa Diyos! Sa oras na ito ay ninais ko lamang na aakayin at pangangalagaan kami ng Diyos upang maging saksi para sa Diyos sa pamamagitan ng mga pag-uusig ni Satanas; ninais kong magagamit namin ang aming pag-ibig para sa Diyos para magantihan ang mga pandaraya ni Satanas upang kahiya-hiya itong mabibigo.

Sa ikatlong gabi, inilipat kami ng masasamang pulis sa Kawanihan ng Pampublikong Seguridad ng Bayan at tinanong kami buong gabi. Gumamit muna ang pangalawang tagapangasiwa ng mga salitang papuri upang hikayatin ako, na sinasabing: “Magsalita ka! Mayroon kang asawa, mga anak, at mga magulang sa bahay na kailangan ka upang alagaan sila; kung magmamadali at magsasalita ka, puwede ka nang umuwi, OK?” Matapos marinig ang mga salitang ito, tila natukso ako, at naisip ko: “Kung sasabihin ko sa kanila ang ilang hindi mahalagang bagay, maaari na akong umalis at hindi na kailangang manatili rito at magdusa.” Sa sandaling iyon, ginising ako ng mga salita ng Diyos: “Tungo sa yaong mga hindi nagpakita sa Akin ni katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, hindi na Ako magiging maaawain, sapagkat natatakdaan ang abot ng habag Ko. Higit pa rito, wala Akong gugustuhin sa sinumang minsan na Akong ipinagkanulo, mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila. Ito ang disposisyon Ko, hindi alintana kung sino man ang taong iyan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Sa pamamagitan ng makaharing mga salita ng Diyos, parang makikita ko ang Diyos na nakatingin sa akin, naghihintay na tumugon ako. Dahil dito, mabilis kong pinawi ang inisip at sinabi ko sa matatag na katuwiran: “Hindi ko binalak na umalis magmula nang ako ay napunta rito!” Nang makita ng masamang pulis na ang kanyang panlilinlang ay hindi gumana, inilantad niya ang kanyang orihinal na makademonyong mukha, at itinaas ng pangalawang tagapangasiwa ang isang timba ng kaning-baboy sa ibabaw ng aking ulo na parang ibubuhos ito sa akin. Sinabi ko sa kanya: “Gumagamit kayo ng malupit at hindi pangkaraniwang parusa upang makakuha ng pagtatapat na may pagbabanta.” Nang marinig niyang sinabi ko ito, bigla siyang napatigil at ibinaba ang kaning-baboy nang hindi ito ibinuhos sa akin. Isa pang masamang pulis na nakasuot ng balat na sapatos ang tumapak sa aking hinlalaking daliri sa paa gamit ang kanyang takong at pinaikot-ikot na may puwersa hanggang sa makakaya niya. Kumalat ang matinding sakit sa aking buong katawan at wala akong magagawa kundi sumigaw sa sakit. Basa ng pawis ang mga damit sa katawan ko, ngunit umusok sa galit ang masamang pulis at nagpatuloy na pumadyak at gumulong hanggang natanggal ang kuko ng aking hinlalaki sa paa. Sa oras na ito, naluray at duguan na ang aking hinlalaking daliri sa paa. Sa aking labis na sakit, paulit-ulit akong sumigaw sa Diyos, hinihiling sa Diyos na ingatan ang aking puso upang hindi ako susuko kay Satanas at upang magagawa kong maging saksi sa Kanya. Mas higit pa rito ang kalupitan ng demonyo; nakita ko ang isang kapatid na lalaki na bumalik mula sa pagtatanong at siya ay pinahirapan na hanggang sa bingit ng kamatayan; ang buong katawan niya ay may galos at lamog at parang siya ay mamamatay na. Natakot ang masamang pulisya na siya ay maaaring mamatay, kaya atubili nilang pinalaya ang lalaki. Nang maglaon, dinala nila ako kasama ang isang kapatid na lalaki at babae sa pangkat ng SWAT ng lungsod para sa karagdagang pagtatanong.

Nang dumating kami sa pangkat ng SWAT, pinuwersa kami ng masamang pulisya na hubarin ang aming mga damit at ipinosas nila ang aming mga kamay at nilagyan ng mga kadena ang aming mga paa. Pagkatapos ay pinuwersa nila kaming lumukso nang tatlong ikot sa paligid ng patyo upang hiyain kami. Pagkatapos, pinaghiwa-hiwalay nila kami ng mga selda ng bilangguan. Lahat ng taong nakakulong sa mga selda ng bilangguan ay mamamatay-tao, lahat sila ay parang mga demonyo at halimaw. Iniutos ng masamang pulisya sa mga bilanggo na pahirapan ako, ngunit dahil sa pag-iingat ng Diyos, hindi lang ako sa hindi inapi ng mga bilanggo, talagang inalagaan pa nila ako. Pagkatapos ng apat na araw, sinubukan akong puwersahin ng masamang pulisya upang ipagkanulo ang Diyos at ibenta ang kapatiran, ngunit hindi ako magsasalita. Dinala nila ako at ang isa pang kapatid na lalaki at kinaladkad kami patungo sa patyo kung saan nila kami pinosasan at nilagyan ng mga kadena ang aming mga paa. Nilagyan kami ng mga itim na bag sa ibabaw ng aming mga ulo at ibinitin nila kami sa isang puno sa gitna ng patyo. Sa pagkahumaling ng kalupitan, nilagyan nila ng mga langgam ang buong puno, na patuloy na gumapang sa aming mga katawan at kinakagat kami. Ang labis na pagpapahirap ng libu-libong kagat ng langgam ay katulad ng labis na pagpapahirap ng libu-libong pana na tumatama sa puso, na ginawang mas kaakit-akit ang kamatayan kaysa sa mabuhay. Ang magagawa ko lang ay ang manalangin sa Diyos upang ingatan ang aking puso at espiritu nang buo kong lakas, upang ibibigay Niya sa akin ang kalooban at lakas sa aking pagdurusa, binibigyang-daan ako upang labanan ang pagkakanulo sa Diyos. Sa oras na ito, lumitaw sa aking isip ang mga salita ng Diyos: “… upang mapuno ng Aking kaluwalhatian ang kosmos, lahat ng tao ay kailangang magdusa ng huling paghihirap para sa Akin. Nauunawaan mo ba ang Aking kalooban? Ito ang huling hinihingi Ko sa tao, na ibig sabihin, umaasa Ako na lahat ng tao ay makapagpatotoo nang malakas at matunog sa Akin sa harap ng malaking pulang dragon, na maialay nila ang kanilang sarili sa Akin sa huling pagkakataon, at matupad ang Aking mga kinakailangan sa huling pagkakataon. Talaga bang magagawa ninyo ito? Hindi ninyo kinayang palugurin ang Aking puso noong araw—maaari kaya ninyong putulin ang huwarang ito sa huling pagkakataon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 34). Pinuno ng lakas ang aking puso ng mga salita ng Diyos. Nagdusa ang Diyos sa pagtugis sa lahat ng maaaring paraan ng pamahalaan ng CCP upang iligtas kami. Wala Siyang unan at walang lugar na matatawag na tahanan. Ngayon nagagawa kong magdusa kasama si Cristo; ito ang pag-ibig ng Diyos at ang pagpaparangal ng Diyos para sa akin. Hangga’t nakapagbibigay ako ng luwalhati sa Diyos, magiging masaya ako at handang mamatay. Umasa ako sa salita ng Diyos upang malampasan ang bawat minuto at segundo ng sakit. Nakabitin kami sa puno nang dalawang araw at dalawang gabi. Sa ikatlong araw, hindi ko na talaga ito matatagalan. Noong panahong iyon ay simula ng taglamig at umulan noon at ang tanging suot ko ay isang damit na walang suson. Nakapaa akong ibinitin nang patiwarik at wala akong anumang kinain o ininom. Gusto ko nang mamatay dulot ng pagdurusa sa pagkagutom at ginaw pati na rin ang hindi matiis na sakit; ang maaari ko lamang gawin ay manalangin nang lahat ng mayroon ako. Natakot ako nang matindi na dahil sa mga kahinaan ng aking laman, hindi ko na magagawang tiisin ang pagdurusa at ipagkakanulo ang Diyos. Sa gitna ng aking sakit, naalala ko ang alagad na si Esteban mula sa Kapanahunan ng Biyaya. Binato siya ng maraming tao hanggang mamatay dahil ipinalaganap niya ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Bago siya namatay, hiniling niya sa Diyos na tanggapin ang kanyang espiritu. Dahil dito, nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos, napakahina ng aking laman at ngayon ay nagtamo ako ng sakit na higit sa kaya kong tiisin. Ninanais ko na kukunin Mo ang aking espiritu, dahil mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ipagkanulo Ka.” Matapos manalangin, naganap ang pinakahindi-inaasahang himala: Nagkaroon ako ng karanasang lumabas sa katawan at dinala ako sa isang parang na damuhan. Mayroong malagong luntiang damuhan kahit saan at sa palibot ay mga baka at tupa. Ang kondisyon ng pag-iisip ko ay lalong nasa kaginhawahan at hindi ko mapipigilang purihin nang malakas ang Diyos: “Nagpakita na ang Diyos na nagkatawang-tao sa China, nagpapahayag ng katotohanan upang hatulan at linisin ang mga tao. Gaya ng isang matalim na espada, ang Kanyang mga salita ay punung-puno ng awtoridad, humahatol, naglilinis, at naghahatid ng kaligtasan sa Kanyang mga tao. Purihin ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos sa paggamit ng malaking pulang dragon para paglingkuran Siya, paggawa ng isang grupo ng mga mananagumpay, at pagtalo sa mga puwersa ni Satanas. Purihin ang matuwid na disposisyon ng Diyos dahil lubos itong nahayag. Purihin ang Makapangyarihang Diyos dahil sa pagiging mapagpakumbabang nakatago at lubhang kaibig-ibig! Purihin ang Makapangyarihang Diyos! Ang Iyong mga gawa ay tunay na kamangha-mangha! Purihin ang Makapangyarihang Diyos para sa kaluwalhatiang Kanyang nakamit. Kumikidlat mula sa Silangan hanggang sa Kanluran, at naaakit ang matatalinong dalaga sa liwanag. Nagbabalik ang mga tao ng bawat bansa at lupain sa harap ng Diyos, yumuyukod para sambahin ang Diyos at tinatanggap ang Kanyang paghatol. Purihin ang Diyos sa pagbalik sa mga huling araw upang ipagkaloob sa sangkatauhan ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Purihin ang matuwid na paghatol ng Diyos para sa paglilinis at paghahatid ng kaligtasan sa sangkatauhan. Purihin ang Diyos dahil natapos na Niya ang Kanyang dakilang gawain at lahat ay naisagawa na ng Kanyang mga salita. Lahat ng bansa at lahat ng tao ay umaawit ng papuri sa mahal na Makapangyarihang Diyos. Bawat nilikha ng Diyos ay pumaparito upang purihin ang Makapangyarihang Diyos. Purihin Ka, Makapangyarihang Diyos! Lahat ay pumaparito upang purihin Ka! Purihin Ka! Purihin ang Makapangyarihang Diyos!” (“Pinupuri ng Lahat ng Bansa at Lahat ng Tao ang Makapangyarihang Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Habang ganap kong ibinabad ang aking sarili sa hindi mapapantayang galak na ito at nabuhay sa mga hangganan ng kalayaan, ang sakit, gutom at ginaw ng pagiging nakabitin mula sa puno pati na rin ang sakit ng pagkagat ng mga langgam ay nawalang lahat. Nang magising ako, iyon ay ikatlong gabi na at ibinaba na ako ng masamang pulisya mula sa puno. Ibinitin ako nang tatlong araw at hindi lang ako hindi namatay, napuno rin ako ng espiritu. Ito talaga ang makapangyarihang lakas at mapaghimalang pag-iingat ng Diyos! Taos-puso akong nagpasalamat at nagpuri sa Diyos.

Sa ikaapat na araw, tinanong ako muli ng masamang pulisya at sinubukan akong puwersahin upang ipagbili ko ang aking mga kapatid; pinuwersa rin nila ako na aminin na naniwala ako sa isang Xie Jiao, na nagdudulot sa aking ipagkanulo ang Diyos at iwanan ang tunay na daan. Sa kaliwanagan ng Diyos ay naisip ko ang salita ng Diyos: “Habang sumasailalim sa mga pagsubok, normal sa mga tao ang manghina, o maging negatibo ang kalooban, o hindi malinawan ang kalooban ng Diyos o ang landas ng kanilang pagsasagawa. Ngunit ano’t anuman, kailangan mong magkaroon ng pananampalataya sa gawain ng Diyos, at huwag itanggi ang Diyos, gaya ni Job(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Binigyan ako ng tapang ng mga salita ng Diyos na isagawa ang katotohanan at magpatotoo sa Diyos. Kahit ano pa, hindi ko matitiis ang Diyos o malalapastangan ang Diyos. Kaya, sinabi ko nang matapang at may tiwala: “Sumasampalataya ako sa Makapangyarihang Diyos, na tanging tunay na Diyos na namamahala sa lahat ng bagay! Hindi ako naniniwala sa Xie Jiao, kayo ang nagpapasama sa katotohanan at lumalansi sa akin!” Pagkatapos itong marinig ng isang masamang pulis, nagalit siya bigla at kumuha ng isang mahabang kahoy na bangkito at nagsimula akong bugbugin nito hanggang kamatayan. Binugbog niya ako hanggang sa punto na dumura na ako ng dugo. Nakahandusay akong paralisado at walang malay sa sahig. Nang makita nilang wala akong malay, binuhusan nila ako ng malamig na tubig upang gisingin ako at magpatuloy na bugbugin ako. Sa panahong ito ng makademonyo at hindi makataong pambubugbog, ang harap ng aking dibdib at ang aking likod ay ganap na itim at asul at nagtamo ako ng sobrang panloob na pinsala. Pagkaraan ng isang linggo, ang ihi ko ay pawang dugo at ang kanan kong bato ay malubhang napinsala (kahit hanggang ngayon ito ay labis pa ring masakit). Pagkaraan ng isang buwan, walang makitang ebidensiya ang masamang pulisya, kaya gumawa sila ng mga huwad na kasulatan at pinuwersa akong lagdaan ito. Pagkatapos ay ikinulong nila ako sa sentro ng detensiyon ng lungsod. Pagkaraan ng tatlong buwan, kinasuhan nila ako ng “paglabag sa pagpapatupad ng batas panlipunan” at sinentensiyahan ako ng isang taon ng pagbabago sa pamamagitan ng pagtrabaho. Sa kampo ng pagtrabaho, nabuhay ako ng isang buhay na hindi makatao. Araw-araw ay gutom ako at kailangan kong magtrabaho nang labindalawang oras o higit pa bawat araw. Madalas akong inapi at kinutya ng pulisya ng bilangguan; gumagamit sila ng mga de-kuryenteng baton sa akin o ikinukulong ako sa isang maliit at madilim na silid. Kung hindi dahil sa pagbabantay sa akin at pangangalaga ng Diyos, marahil ako ay pinahirapan hanggang kamatayan ng masamang pulisya. Noong Nobyembre 7, 2003, natapos na ang aking sentensiya at ako ay pinalaya mula sa impiyerno sa lupa.

Pagkatapos maranasan ang malupit na pag-uusig na iyon, sa wakas ay nakita ko nang malinaw na ang mga pagpapahayag ng pamahalaan ng CCP na “ang partido komunista ay dakila, maluwalhati at tama” at “may kalayaan sa relihiyon ang China” bukod sa iba pang mga kasabihan, ay talagang mga pahayag lamang ng masamang balak na linlangin ang publiko at lokohin ang mga mamamayan. Talagang kinamumuhian ko itong lumang demonyo mula sa kaibuturan ng aking puso. Nagsasalita ito ng mga salitang nakakapuri at gumagawa ng sobrang masasamang bagay. Upang ipagbawal ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at gawin ang China na isang lugar na hindi naniniwala sa Diyos, tinutugis at pinapatay nito ang mga mananampalataya nang walang pagpipigil. Naabot na ng antas ng kalupitan nito ang tugatog at ginawang nagngingitngit sa galit ang mga tao! Naaalala ko ang tungkol sa kung paano ako palaging malupit na pinahirapan at pinuwersang magtapat at malupit na pinagdusa ng mga demonyo noong ako’y sumailalim sa proseso ng interogasyon. Sa ilang okasyon ay nawalan ako ng malay at kung hindi dahil sa pag-iingat ng Diyos, marahil ay labis na pinahirapan na ako hanggang kamatayan ng mga demonyong iyon. Sa panahon ng aking pinakamatinding kahinaan, patuloy na pinalakas ang loob ko ng salita ng Makapangyarihang Diyos: “Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng isang bagay na matatag upang maasahan ko! Binigyang-daan ako nito na tamasahin ang kaliwanagan at paggabay ng mga salita ng Diyos sa panahon ng aking labis na sakit at kahinaan, na ang tanging paraan para malalampasan ko itong madilim at pangmatagalang panahong ito. Kahit na naranasan ko ang maaresto at mausig nang maraming beses ng pamahalaan ng CCP, at dumanas ang laman ko ng walang awang kalupitan at pagdurusa, tunay kong nauunawaan ang maraming katotohanan na hindi ko naunawaan noong nakalipas at nakikita ko nang malinaw ang makademonyong diwa ng reaksiyunaryong kasamaan ng pamahalaan ng China. Naranasan ko rin ang tunay na pag-ibig sa akin ng Makapangyarihang Diyos at natikman ang makapangyarihang karunungan at mga kahanga-hangang gawain ng Diyos. Pinupukaw ako nito na hangarin na mahalin ang Diyos at palugurin ang Diyos. Ngayon, ginagampanan ko pa rin ang aking tungkulin sa iglesia gaya ng ginawa ko noong nakalipas; sinusunod ko ang Diyos sa tamang landas ng buhay, hinahanap ko ang katotohanan at hinahangad na mabuhay nang isang makahulugang buhay.

Mga Talababa:

1. Ang “nagpaparatang nang walang batayan” ay tumutukoy sa mga paraan kung paano pinipinsala ng diyablo ang mga tao.

2. Ang “mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga paraan kung saan pinahihirapan ng diyablo ang mga tao ay lalo nang malupit, at kontrolado nang labis ang mga tao na wala na silang makilusan.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply