Ang Pag-uusig at Paghihirap ay Tumulong sa Akin upang Lumago

Mayo 16, 2018

Baituo    Lungsod ng Dezhou, Probinsya ng Shandong

Dati, alam ko lamang na ang karunungan ng Diyos ay isinasagawa batay sa masasamang balak ni Satanas, na ang Diyos ay isang matalinong Diyos at si Satanas ay kailanman ang natalong kaaway ng Diyos sa teorya, ngunit wala akong aktwal na pang-unawa o kaalaman. Pagkatapos, sa loob lamang ng isang kapaligiran na isinaayos ng Diyos ay nakamit ko ang ilang mga tunay na karanasan ng aspetong ito ng katotohanan.

Ako ay nasa isang pulong isang hapon, nang biglang ang isang pinuno ng distrito ay nagmamadaling tumakbo palapit sa akin at sinabi, “Ang iyong ina ay tinangay ng malaking pulang dragon. Huwag ka munang umuwi. Ang iglesia ang mag-aayos ng isang pamilyang kukupkop sa iyo.” Ang balitang ito ang tumimo sa akin tulad ng isang biglaang kidlat at lubhang yumanig sa akin na biglang akong natuliro. Ano? Ang aking ina ay tinangay ng malaking pulang dragon? Paano siya pahihirapan ng malaking pulang dragon? Magagawa ba niyang matiis ang mga ito? Maaaring hindi ko na makitang muli ang aking ina. Anong gagawin ko? Sa pag-iisip-isip sa mga bagay na ito, ang aking puso ay nagdusa at hindi ko mapipigilang lumuha. Pagkaraang matapos ang pagpupulong, ako ay dinala sa isinayos na kukupkop na pamilya at, matapos akong tumahan, ang aking mga saloobin ay muling bumalik sa aking ina. Sa bahay, ako ang pinakamalapit sa aking ina. Kahit na sinubukan ng aking di-naniniwalang ama na pilitin ako upang isuko ang Diyos, hindi ako pinansin ng aking ate dahil sa aking paniniwala sa Diyos at ang lahat ng aking iba pang mga kamag-anak ay iniwan ako, hindi ako nakadama nang lungkot, dahil kasama ko pa rin ang aking inang naniniwala rin sa Diyos. Maging espirituwal o pisikal, ang aking ina ay laging nangangalaga sa akin, nagpalayaw sa akin, at madalas akong tinulungan. Sa tuwing mayroon akong mga problema ay maaari ko siyang laging kausapin tungkol sa mga ito; maaari mong sabihin na siya ang aking bato. Ngunit ngayon ang tangi kong maaaring sandalan ay tinangay ng malaking pulang dragon. Nadama ko na parang biglang ako ay naging isang ulila, hindi alam kung paano tahakin ang hinaharap na daan, ni di alam kung kanino pupunta kapag nakaranas ako ng mga paghihirap. Sa mga sumunod na araw, nanangis ako nang buong araw, namuhay sa patuloy na sakit at nakadama ng panlulumo. Habang ako ay namumuhay sa ganitong kalagayan, hindi kayang palayain ang aking sarili, mayroong isang patnubay sa kaibuturan: “Nais mo ba talagang mamuhay ng palagian sa kadiliman, pahintulutan si Satanas na gawin kang isang hangal? At talaga bang hindi mo gustong unawain ang Diyos sa Kanyang gawain at mamuhay sa liwanag?” Ginising agad ako ng mga salitang ito. Tama iyon, napag-isip ko. Talaga bang ako ay palaging mabubuhay nang tulad nito sa kadiliman, pinapahintulutan si Satanas na gawin akong hangal? Hindi, hindi ito maaari! Ang sitwasyong ito na sumapit sa akin ay tiyak na upang mapanghawakan ang kagandahang-loob ng Diyos. Pagkatapos, nagpunta ako sa harap ng Diyos ng maraming beses upang manalangin at upang hanapin ang Diyos, na humihiling sa Diyos na liwanagan ako nang sa gayon mauunawaan ko ang Kanyang kalooban.

Pagkaraan ng ilang panahon, natuklasan ko na sinimulan ko na pumasok sa ilang katotohanan na hindi ko dating naunawaan at hindi nagawang isagawa. Dati akong laki sa layaw sa bahay at pagkain, damit at natuon ang karamihan ng aking oras sa pagliliwaliw. Ang aking laman ay hindi maaaring magdusa at hindi kayang magtiis ng katiting na paghihirap. Sa ilang araw matapos kong umalis ng bahay at nanirahan sa kumukupkop na pamilya, hindi ko na magagawa ang anumang bagay na gusto ko, hindi ko na magagawa ang ayon sa aking kagustuhan tulad nang ginawa ko sa bahay. Unti-unti, ang aking mga likas na layaw at mga masamang kaugalian ay nabawasan, at napagtanto ko na ang magkaroon ng pagkain at damit sa buhay ay ang maging kuntento. Nagkamit din ako ng isang pananaw sa kahulugan ng laman, hindi na muli na magpatuloy upang hanapin ang kasiyahan ng laman, at natutuhan ko na ang paghahanap para masiyahan ang Diyos ay ang pinakamahalagang bagay na magagawa ng isang nilikha. Dati, kapag nasa bahay ang aking ina, hindi mahalaga kahit ako may pisikal na mga isyu o problema sa aking buhay, palagi akong nakasandal sa kanya at hinayaan ko siyang tulungan ako na malutas ang mga ito. Kapag ako ay may kinaharap na problema, hindi ako nagdarasal sa Diyos, hindi naghahanap ng katotohanan, ni hindi ako nagkaroon ng isang normal na relasyon sa Diyos. Matapos tangayin ang aking ina, wala ako ni isang masasandalan kapag ako ay naharap sa mga paghihirap. Pumupunta lamang ako sa harapan ng Diyos nang mas madalas upang manalangin sa Kanya, kumain at uminom ng mas maraming mga salita ng Diyos, para hanapin ng Kanyang kalooban nang mas madalas. Unti-unti, ang lugar sa aking puso na pinanahanan ng aking ina ay naging mas maliit, habang ang lugar ng Diyos sa aking puso ay mas lumaki. Nadama ko na ang Diyos ay maaaring makatulong sa akin anumang oras na kailangan ko, na hindi ko kayang iwan ang Diyos kahit sa isang sandali. Dagdag pa rito, natutuhan ko ring umasa sa panalangin at umasa sa aking paghahangad sa katotohanan upang lutasin ang aking mga problema, at natikman ko ang pakiramdam ng kapayapaan, kasiguruhan at pagkamaaasahan na nagmumula dahil sa kasama ko ang Diyos. Noong ako ay nanirahan sa bahay, kahit na alam ko na ang mga mananampalataya at di-mananampalataya ay dalawang uri ng mga tao na hindi magkaayon sa bawat isa, nadama ko pa rin na para bang ang aking mga magulang at ang aking ate lamang ang aking pamilya, at lagi kong tiningnan ang aking mga kapatid na lalaki at babae sa iglesia bilang mga taga-labas, palaging nakakaramdam ng ilang distansya sa pagitan namin. Pagkatapos gamitin ng Diyos ang kapaligiran para “palayasin” ako sa aking bahay, kasama ko ang aking mga kapatid na lalaki at babae sa aking kumukupkop na pamilya mula umaga hanggang gabi, at nadama ang kanilang mga pag-aalala at pangangalaga sa akin, ang kanilang pagpaparaya at pag-unawa. Nagsalita kami sa parehong wika, nagsalo sa parehong mga hangarin at nagtulungan sa bawat isa sa buong buhay; mula sa aking puso, nadama ko na ito ang aking tanging tunay na pamilya, na ang akin lamang mga kapatid sa iglesia ay ang aking ama, ina at mga kapatid. Wala nang anumang paghihiwalay sa pagitan ko at ng aking mga kapatid sa iglesia, walang distansya, at naranasan ko ang init na nanggagaling mula sa pagkakaroon ng isang malaking pamilya. Sa pamamagitan ng kapaligirang ito kapiling ang aking mga kapatid, natutuhan ko rin kung paano natin maaaring mahalin ang isa’t isa, patawarin ang isa’t isa at suportahan ang isa’t isa sa buhay, upang ang aking mga karaniwang pagkatao ay manumbalik muli. Ang katotohanang ito ang hindi ko kayang isagawa dati, noong nanirahan ako sa bahay at umaasa sa mga pagpupulong at mga pangaral. Matapos tangayon ang aking ina ng malaking pulang dragon at ako ay napilitang umalis ng bahay, sa ganitong mga pambihirang pangyayari at lingid sa aking kaalaman, ginawa ng Diyos ang katotohanang ito sa kalooban ko at dahan-dahang pinalalim ang aking pang-unawa ng mga ito. Sa pagpukaw ng pagpasok ko sa katotohanang ito, ang puso ko na naghangad mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos ay naging lalong mas malakas at ang aking pagnanais mabuhay sa aking buong buhay para sa Diyos ay naging mas lalong walang tinag. Ang pagkatao ko noon—na naniwala sa Diyos ngunit walang layunin, na nanghihina sa tuwing may problemang dumating—ay sumasailalim sa isang unti-unting pagbabago. Ang talagang ipinagkaloob sa akin ng Diyos ay higit pa sa maaari kong maiisip, at ang aking puso ay naging puno ng pasasalamat at papuri para sa Kanya.

Isang araw, noong panahon ng aking espiritwal na debosyon, binasa ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Sa paggawa ng lahat ng gawaing ito, hindi lamang tinulutan ng Diyos na si Jehova ang mga tao, na nagawang tiwali ni Satanas, na matanggap ang Kanyang dakilang pagliligtas, kundi tinulutan din silang makita ang Kanyang karunungan, pagiging makapangyarihan sa lahat, at awtoridad. Bukod dito, sa huli, hahayaan Niyang makita nila ang Kanyang matuwid na disposisyon—na pinarurusahan ang masasama at ginagantimpalaan ang mabubuti. Nilabanan na Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi Siya natalo kailanman. Ito ay dahil Siya ay isang matalinong Diyos, at ginagamit Niya ang Kanyang karunungan batay sa mga pakana ni Satanas. … Isinasagawa pa rin Niya ang gawain sa ganito ring makatotohanang paraan hanggang sa araw na ito; dagdag pa rito, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ipinapakita rin Niya ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan sa lahat(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw). Ang mga salita ng Diyos ay biglang nagliliwanag sa aking puso, at hindi ko maiiwasan kundi ilabas ang isang buntong-hininga mula sa aking kalooban: Ang Diyos ay tunay na isang marunong na Diyos! Talagang ang gawain ng Diyos ay kahanga-hanga at di-inaasahan! Ang sitwasyong ito ngayon ay dumating sa akin at, sa panlabas, ito ay mukhang wari bang tinangay ang aking ina nang malaking pulang dragon, kinuha ang aking tanging sandigan, ginawang mahirap para sa akin na bumalik ng bahay, sinubukan nang walang kabuluhan para gamitin ito para hadlangan ang aking paniniwala sa Diyos at upang ako ay gumuho, o lalong manghina at sumuko sa pamamagitan ng pananakot sa akin ng impluwensya nito. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay sinasanay batay sa mga masamang balak ni Satanas, at ginamit ito ng Diyos nang lubusan. Kinuha Niya ako mula sa aking maalwang kinalalagyan at, sa pamamagitan ng kapalagirang ito, pinahinahon ang aking kalooban, ginawang perpekto ang aking kaloobang danasin ang paghihirap, sinanay ako para magkaroon ng kakayahang mabuhay ng mag-isa, tinuruan ako kung paano isabuhay ang normal na pagkatao at kung paano maging isang tunay na tao; ang katotohanang ito ay isang bagay na hindi ko kayang maunawaan, walang paraan para makamit sa isang kapaligiran ng kaalwanan at kaginhawaan. Sa pamamagitan ng kapaligirang ito, pinausbong ng Diyos ang Kanyang katotohanan at kung ano Siya sa buhay sa kalooban ko, nang sa gayon ay hindi lamang sa hindi ako sumuko dahil sa mga pag-uusig ng malaking pulang dragon ngunit, sa kabaligtaran, nakamtan ko ang katotohanan na ibinigay sa akin ng Diyos at dinala ako sa ilalim ng pagliligtas ng Diyos. Higit pa rito, sa pamamagitan ng pag-uusig ng malaking pulang dragon, nakita ko ang ganid, malupit na mukha at ang reaksyonaryo nitong kalikasan na lumalaban sa Diyos nang higit pang malinaw. Mula sa aking puso, kinamuhian ko ito nang higit pa, at ang aking puso na naghangad na ibigin ang Diyos ay naging mas lalong malakas.

Nagpapasalamat ako sa Diyos! Mula sa karanasang ito, ako ay nagkamit ng ilang mga praktikal na pang-unawa ng pagka-mapangyarihan at dakilang kapangyarihan ng Diyos, at nagkamit ng ilang mga praktikal na karanasan ng katotohanang ang karunungan ng Diyos ay sinanay batay sa masasamang balak ni Satanas. Naintindihan ko na ang lahat ng bagay na sumasapit na hindi sumasang-ayon sa mga pagkaintindi ng tao na naglalaman ng mabuting intensiyon ng Diyos. Gaano man ipinapatupad ni Satanas ang masasama nitong balak, ang Diyos ay kailanman magiging marunong na Diyos at si Satanas ay kailanman magiging talunang katunggali ng Diyos. Ayon sa pagkakaunawang ito, ang kalooban kong susundin ang Diyos ay mas matatag ngayon, at ako’y puspos ng pananampalataya para sa nakaambang daan!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman