Ang Paggawa ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Paghahangad ng Katotohanan

Hunyo 1, 2022

Ni Song Yu, Netherlands

Ilang taon na ang nakararaan, sinimulan kong gawin ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Alam kong dahil sa pagtataas ng Diyos kaya’t nagagawa ko ang tungkuling ito. Pinasalamatan ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso dahil sa pagbibigay Niya sa akin ng ganoong pagkakataon, at nagpasya akong sasandig ako sa Diyos para magampanan ko nang mabuti ang tungkuling ito. Kaya’t araw-araw ay gumugol ako ng maraming oras sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos para sangkapan ang sarili ko ng katotohanan at pagsubok na unawain ang mga prinsipyo. Kung mayroon akong hindi naunawaan, nagtatanong ako sa isang tao. Hindi nagtagal, kaya ko nang isagawa na mag-isa ang tungkulin ko. Noong panahong iyon, matindi ang motibasyon ko sa aking tungkulin, at paganda nang paganda ang mga resulta. Makalipas ang ilang panahon, nahalal akong lider ng grupo. Masayang-masaya ako, at naisip ko, “Kailangan kong magbayad ng mas malaking halaga, doblehin pa ang mga pagsisikap ko, at magsikap na ipalaganap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa mas maraming tao. Ito lang ang magpapakita na responsable at epektibo ako sa aking tungkulin, at na hinahanap ko ang katotohanan. Sa ganoong paraan, tiyak na sasang-ayunan at hahangaan ako ng mga kapatid ko.”

Sa mga sumunod na ilang buwang iyon, halos pagkagising ko pa lang ay abala na ako sa tungkulin ko. Minsan, sa sobrang pagkaabala ko ay nakalilimutan ko pa ngang kumain. Karaniwan ko ring binabalewala ang pagdedebosyonal at pagbabasa ng salita ng Diyos. Pakiramdam ko ay kinakain ng mga debosyonal at pagbabasa ng salita ng Diyos ang oras na kailangan ko para sa tungkulin ko, at naaapektuhan nito ang pagiging epektibo ng tungkulin ko. Sa mga pulong, habang pinakikinggan ko ang mga kapatid na magbasa ng mga salita ng Diyos at magbahagi ng mga karanasan nila, ang iniisip ko lang ay ang tungkol sa tungkulin ko. Hindi ko magawang payapain ang puso ko at pagtuunan ang pagninilay sa salita ng Diyos, lalo na ang makinig sa iba na magbahagi ng kanilang mga karanasan at pag-unawa. Hindi ko napagtanto ang mga tiwaling disposisyong inilalantad ko. Unti-unti akong naging mapagmataas at hindi ko kayang makipagtrabaho nang maayos sa iba sa aking tungkulin. Nang makita kong hindi nagawa nang maayos ang gawain ng sister na ipinareha sa akin, minaliit ko siya. Pakiramdam ko ay dalawang taon na siyang nagpapalaganap ng ebanghelyo, pero hindi siya kasing galing ko, na isang baguhan. Kung mas matagal pa akong magsasagawa, tiyak na magiging mas magaling ako sa kanya. Minsan, kapag sa tingin ko ay tama ako, gusto kong sundin ang sarili kong mga ideya, kaya’t ayaw kong ipaalam iyon sa kanya o kausapin siya tungkol sa mga bagay-bagay. Kapag gusto niyang malaman ang pag-usad ng gawain ko, ayaw ko rin itong sabihin sa kanya, dahil nangamba ako na kapag dumating ang mga lider namin para tanungin ang tungkol sa gawain, siya ang makapagsasabi ng mga detalye ng pag-usad ng gawain, at na aagawin niya ang atensyon sa akin. Lagi ko ring sinasabi sa harap ng mga lider namin na ang sister na ipinareha sa akin ay iresponsable sa kanyang tungkulin. Nang malaman ng mga lider ang tungkol sa kalagayan ko, nagbahagi sila sa akin tungkol sa katotohanan ng maayos na pakikipagtulungan, sinasabi sa akin na ang hindi ko pagtalakay ng mga bagay-bagay sa kapareha ko, pangmamaliit sa kanya, at pagtuon sa mga pagkukulang niya, ay pagpapakita ng pagmamataas. Pero hindi ko talaga kilala ang sarili ko. Inaakala ko pa rin na ang dahilan kung bakit hindi kami makapagtrabaho nang maayos nang magkasama ay dahil iresponsable siya, kaya’t minaliit ko siya. Nakita ng mga lider na hindi ako natututo ng mga aral kapag may mga nangyayari sa akin, kaya’t iwinasto nila ako dahil sa pagiging masyadong mapagmataas at wala sa katwiran, at sinabing ang pagpapatuloy ko nang ganito ay makaaapekto sa aking tungkulin. Sinabihan nila akong pagnilayan ang aking sarili. Pakiramdam ko ay agrabyadong-agrabyado ako, iniisip kong, “Araw-araw akong nagpupuyat para isagawa ang tungkulin ko, at epektibo ako sa tungkulin ko. Ano naman kung maglantad ako ng kaunting tiwaling disposisyon? Bakit iwinawasto ako nang ganito gayong napaka-epektibo ko sa tungkulin ko?” Nanlumo ako, kaya’t lumapit ako sa Diyos at nagdasal para hilingin sa Diyos na gabayan ako na maunawaan ang Kanyang kalooban.

Isang araw, sa gitna ng aking mga debosyonal, nabasa ko ang salita ng Diyos: “Paano mo dapat suriin kung hinahanap ba ng isang tao ang katotohanan? Ang pangunahing bagay na dapat tingnan ay kung ano ang inilalantad at ipinamamalas niya sa pagganap ng kanyang mga tungkulin at ang mga kilos niya. Mula rito, makikita mo ang disposisyon ng isang tao. Mula sa kanyang disposisyon, makikita mo kung may natamo ba siyang anumang pagbabago o may nakamit na anumang pagpasok sa buhay. Kung walang ibang inilalantad ang isang tao kundi mga tiwaling disposisyon kapag kumikilos siya at wala man lang kahit anong mga realidad ng katotohanan, tiyak na hindi siya isang taong naghahanap ng katotohanan. May pagpasok ba sa buhay ang mga hindi naghahanap ng katotohanan? Wala, wala talaga. Ang mga bagay na ginagawa nila araw-araw, ang pagpaparoo’t parito nila, paggugol, pagdurusa, ang halagang binabayaran nila, kahit ano pa ang ginagawa nila, lahat ito ay pagbibigay-serbisyo, at sila ay mga tagapagsilbi. Kahit ilang taon pang naniniwala sa Diyos ang isang tao, ang pinakamahalaga ay kung mahal ba niya ang katotohanan. Makikita kung ano ang minamahal at hinahangad ng isang tao mula sa kung ano ang pinakagusto niyang gawin. Kung karamihan sa mga bagay na ginagawa ng isang tao ay umaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan at sa mga hinihingi ng Diyos, isa itong taong nagmamahal at naghahanap sa katotohanan. Kung naisasagawa niya ang katotohanan, at ang mga bagay na ginagawa niya sa araw-araw ay para magampanan ang kanyang tungkulin, may pagpasok siya sa buhay, at nagtataglay ng mga realidad ng katotohanan. Maaaring hindi angkop ang kanyang mga kilos sa ilang partikular na bagay, o maaaring hindi niya tumpak na naiintindihan ang mga prinsipyo ng katotohanan, o maaaring may kinikilingan siya, o kung minsan ay maaaring mayabang siya at inaakalang mas matuwid siya kaysa sa iba, ipinagpipilitan ang sarili niyang mga pananaw, at bigong tanggapin ang katotohanan, pero kung nagagawa niyang magsisi kalaunan at isagawa ang katotohanan, walang pagdududang pinatutunayan nito na may pagpasok siya sa buhay at hinahanap niya ang katotohanan. Kung ang ipinapakita ng isang tao habang ginagampanan niya ang kanyang tungkulin ay pawang mga tiwaling disposisyon, isang bibig na puno ng kasinungalingan, isang pag-uugaling mapanupil, malayaw, nag-uumapaw na kayabangan, na siya ang nasusunod sa kanyang sarili, at ginagawa niya kung ano ang maibigan niya, kung, kahit gaano man karaming taon siyang naniniwala sa Diyos o gaano man karaming sermon ang narinig niya, walang kahit bahagya mang pagbabago sa mga tiwaling disposisyong ito sa huli, tiyak na hindi ito isang taong naghahanap ng katotohanan. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, na sa panlabas ay hindi masasamang tao, at gumagawa naman ng ilang mabubuting gawa. Sadyang marubdob silang naniniwala sa Diyos, pero hindi man lang nagbabago ang kanilang mga disposisyon sa buhay, at wala sila ni kaunting karanasan o patotoo na maibabahagi. Hindi ba kaawa-awa ang gayong mga tao? Matapos ang napakaraming taon ng paniniwala sa Diyos, wala sila ni bahagya mang karanasan at patotoo. Ito ay tagapagsilbi lang talaga. Tunay ngang kaawa-awa sila!(“Tanging sa Paghahanap Lamang ng Kaatotohanan may Pagpasok sa Buhay” sa Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Mula sa salita ng Diyos naging malinaw sa akin na ang mga taong hindi naghahangad ng katotohanan ay walang pagpasok sa buhay. Araw-araw, wala silang inilalantad kundi mga tiwaling disposisyon. Kahit na kaya nilang magsumikap sa kanilang gawain, magdusa, at magbayad ng halaga, sila ay nagseserbisyo lamang. Ang ganoong mga tao ay hindi magbabago gaano man karaming taon silang sumasampalataya. Sila ay gumagawa lang ng serbisyo. Nang malaman kong sinasabi ng Diyos na ang mga taong hindi naghahangad ng katotohanan ay nagseserbisyo lamang, labis akong nalungkot. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Pakiramdam ko ay ako ang ganitong klaseng tao na inihahayag ng Diyos. Kaya kong magdusa at magbayad ng halaga bawat araw sa aking tungkulin, pero hindi ko hinangad ang katotohanan o pinagtuunan ang pagbabago ng mga disposisyon ko. Pakiramdam ko ay sayang sa oras ang regular na pagbabasa ng salita ng Diyos at pagdarasal sa Diyos. Sa mga pulong kasama ang aking mga kapatid, hindi ko magawang payapain ang puso ko at pagnilayan ang salita ng Diyos, lalo na ang pagtuunan ang pakikinig sa iba na magbahagi ng kanilang karanasan at pag-unawa sa salita ng Diyos. Nang maghayag ako ng isang mapagmataas na disposisyon sa tungkulin ko, hindi ako lumapit sa Diyos para hanapin ang katotohanan at lutasin iyon. Sa halip, itinuon ko ang paningin ko sa kapareha ko, sinamantala ang kanyang mga pagkukulang, at talagang hindi inunawa ang aking sarili. Nang ipaalam ng mga lider ko ang mga problema ko, nakipagtalo ako at ipinagtanggol ko ang sarili ko. Inakala ko pa nga na dahil epektibo kong nagawa ang tungkulin ko, hindi ako dapat iwasto ng mga lider kahit na naglantad ako ng isang tiwaling disposisyon. Tinitingnan ang mga kilos at asal ko, wala akong nakita na mga pagpapamalas ng paghahangad ng katotohanan. Nang may mga bagay na nangyari sa akin, hindi ko tinanggap ang mga iyon mula sa Diyos o natuto ng mga aral mula sa mga iyon, at hindi ko hinanap ang katotohanan para lutasin ang sarili kong mga tiwaling disposisyon. Ang tanging isinabuhay ko ay mga satanikong disposisyon. Kahit na kasalukuyan akong epektibo sa aking tungkulin, sa mga mata ng Diyos, nagsusumikap at gumagawa lamang ako ng serbisyo. Dati, akala ko na basta’t nagbabayad ako ng malaking halaga at epektibo ako sa tungkulin ko, ibig nitong sabihin ay hinahangad ko ang katotohanan, at sasang-ayunan ako ng Diyos. Hindi ko napagtanto na sarili ko lang itong ilusyon. Hinahatulan ng Diyos kung hinahangad ng isang tao ang katotohanan hindi batay sa kanyang panlabas na pagdurusa at paggugol, ngunit sa halip ay sa kung isinasagawa niya ang salita ng Diyos, at kung kumikilos siya alinsunod sa mga prinsipyo. Kung mananatiling hindi nalulutas ang aking tiwaling disposisyon, at nakikitungo pa rin ako sa mga tao alinsunod sa aking mapagmataas na disposisyon, at isinasagawa lang ang tungkulin ko para maghangad ng katanyagan at katayuan, tiyak na hindi sasang-ayunan ng Diyos ang aking mga kilos o asal. Nang maunawaan ko ito, kinain at ininom ko ang mga bahagi ng salita ng Diyos ukol sa kung paano lutasin ang mapagmataas na disposisyon, kung paano makipagtulungan nang maayos, at kung paano matakasan ang mga gapos ng katanyagan at katayuan. Sa pamamagitan ng paghahayag ng salita ng Diyos, nakita ko sa wakas na masyado ngang mapagmataas ang disposisyon ko. Palagi kong kinukumpara ang mga kalakasan ko sa mga kahinaan ng kapareha ko. Pakiramdam ko lagi ay mas magaling ako sa kanya at minamaliit ko siya. Ang pagkahilig ko sa pagtalakay sa kanyang mga pagkukulang sa harap ng mga lider namin at pangmamaliit ko sa kanya ay mga paraan na nakipagpaligsahan ako sa kanya para sa katanyagan at katayuan. Sa sandaling mapagtanto ko ito, maagap akong nagtapat sa kapareha ko para magbahagi tungkol sa katiwalian ko. Unti-unti, nagawa namin ng kapareha ko na maayos na magtrabaho nang magkasama, at mas maayos ding umusad ang gawain. Napagtanto ko rin na sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos kaya naging napakaepektibo ko sa gawain. Hindi ko dapat akuin ang pagkilalang ito para sa aking sarili para tuparin ang sarili kong mga ambisyon na maghangad ng katanyagan at katayuan. Kailangan kong ibigay ang lahat ng kaluwalhatiang ito sa Diyos. Pagkatapos ng karanasang ito, labis ang pagpapasalamat ko sa Diyos. Kung wala ang paghatol at paghahayag ng salita ng Diyos, at ang pagtatabas at pagwawasto sa akin, hindi ko talaga mapagninilayan ang aking sarili, at hindi ko mapagtatanto ang malalalang kahihinatnan ng paggawa ko para lang sa katanyagan at katayuan, at hindi pagtuon sa pagpasok sa buhay. Kung nagpatuloy ako nang ganoon, tuluy-tuloy na magiging mas mapagmataas lang ang aking disposisyon. Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, sinimulan kong sadyang pagtuunan ang pagpasok sa buhay, isinusulat kung ano ang ipinakita at inisip ko sa aking tungkulin, at naghanap para kumain at uminom ng mga nauugnay na salita ng Diyos. Matapos magsagawa nang ganito nang ilang panahon, pakiramdam ko ay mas malapit na ang kaugnayan ko sa Diyos, nagkaroon ako ng mga pakinabang sa aking mga tungkulin, at naging masaya ang pakiramdam ko.

Kalaunan, napili ako bilang isang lider. Alam kong marami akong mga pagkukulang, mababaw na pag-unawa sa katotohanan, at walang taglay na mga realidad nito, kaya’t nangamba akong hindi ko magagawang magbahagi ng katotohanan para lumutas ng mga problema, na makaaantala sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Kaya’t madalas kong inilalapit sa Diyos ang mga problema at paghihirap ko sa panalangin, hinahanap ang katotohanan, sinusubukang alamin ang aking katiwalian, at hinahanap ang mga prinsipyo sa pagharap sa mga problema mula sa salita ng Diyos. Noong panahong iyon, pakiramdam ko ay marami akong natamo sa aking tungkulin. Kalaunan, natuklasan ko na ilang lider at manggagawa ang matinding tinabasan at iwinasto dahil sa pagiging iresponsable at hindi epektibo sa kanilang mga tungkulin, at mayroong tuluy-tuloy na mga pagtatanggal sa ilan sa mga katrabaho at kapareha ko dahil hindi sila gumagawa ng praktikal na gawain, at nang matanggal sila, sinabi sa lahat ang dahilan. Alalang-alala ako na isang araw, kung hindi ko gagawin nang mabuti ang gawain ko, matatanggal at malalantad ako ng aking mga kapatid, at malalaman ng lahat kung anong klase ng tao talaga ako. Magiging labis na kahiya-hiya iyon! Paano ko haharapin ang mga kapatid ko sa hinaharap? Ayaw kong mapahiya sa paglalantad at pagtatanggal sa akin. Hindi ko namamalayan, nagsimulang magbago ang pag-uugali ko, at pakiramdam ko’y bilang isang lider, palaging nakatutok sa iyo ang mga mata ng iyong mga kapatid, at sinusubaybayan ka rin ng mga kapareha mo. Magtatagal ka lang bilang isang lider at makakukuha ng suporta at pagsang-ayon ng lahat kung epektibo ka sa iyong tungkulin. Kung hindi ka epektibo, hindi magtatagal ay mahahayag at matitiwalag ka. Kaya’t mas nagsikap akong gawin ang tungkulin ko. Araw-araw, pagkagising na pagkagising ko sa umaga, kakausapin ko ang mga kapatid ko tungkol sa gawain nila. Sinubaybayan ko ang pag-usad ng gawain nila, inimbestigahan ang anumang mga problema o paglihis sa bawat aspeto ng gawain, hinanap kung saan nagkukulang ng pag-usad, hinanap kung paano lulutasin ang mga problema, at iba pa. Unti-unti, isinantabi ko sa likod ng aking isipan ang pagbabasa ng salita ng Diyos, pakikipaglapit sa Diyos, paggawa ng mga tala ng debosyonal, pagninilay sa aking sarili, at pagkilala sa aking tiwaling disposisyon araw-araw. Minsan ay napagtanto ko na nakapaghayag ako ng ilang tiwaling disposisyon, at na kailangan kong lumapit sa Diyos, kumain at uminom ng Kanyang salita, at pagnilayan ang aking sarili, pero naisip kong matagal ang pagbabasa ng salita ng Diyos, pagninilay, at pag-iisip-isip, kaya’t para pagaanin ang loob ko, sinabi ko sa sarili ko, “Ang mga tiwaling disposisyon ay malalim na nakaugat at hindi malulutas nang ilang araw lang. Isa iyong mahabang proseso. Ang hindi paglutas sa katiwaliang inilalantad ko ay hindi makaaapekto sa mga tungkulin ko sa ngayon. Sa kasalukuyan, ang epektibo at mahusay na pagsasagawa ng tungkulin ko ang pinakamahalagang bagay. Babasahin ko ang salita ng Diyos para lutasin ang problema kapag may panahon ako. Hindi ko kailangang madaliin ang paglutas ng aking tiwaling disposisyon.” Sa ganitong paraan ay nagpakaabala ako sa aking gawain bawat araw. Hindi nagtagal, hiningi ng sambahayan ng Diyos na magsulat ang mga lider at manggagawa ng mga artikulo ng patotoo sa karanasan sa buhay, pero hindi ko iyon sineryoso. Pakiramdam ko ay hindi ito mahalaga. Maayos at epektibo kong ginawa ang aking gawain, at ito mismo’y isa nang patotoo. Isa pa, abala ako sa aking tungkulin, at wala na akong lakas para magsulat ng mga artikulo. Paminsan-minsan, naiisip kong hindi tama ang kalagayan ko, na hindi ako dapat maging laging abala sa gawain at hindi umuusad sa paghahangad ko ng katotohanan at pagpasok sa buhay. Kung nakagawa na ako ng napakaraming gawain pero wala akong natamong katotohanan, at hindi ako nagkaroon ng pag-usad sa pagpasok sa buhay, hindi ba’t isa iyong kawalan? Nang malaman ko ang problemang ito, nagkaroon ako ng bugso ng lakas. Regular akong nagsagawa ng debosyonal nang ilang panahon, at kumain at uminom ng salita ng Diyos para lutasin ang katiwaliang inihayag ko. Pero matapos iyong ipagpatuloy nang ilang panahon, nang makita kong matanggal ang dalawa sa mga kapareha ko dahil sa hindi paggawa ng praktikal na gawain at paghahangad ng makamundong kaginhawahan, bigla na namang hindi mapalagay ang puso ko. Agad kong sinimulang magbigay ng isandaan at dalawampung porsyento sa gawain para makita kung may anumang mga paglihis o pagkakamali sa tungkulin ko, at nagsimula akong magtrabaho nang walang humpay. Sa ganoong paraan, kapag nagtanong ang mga nakatataas na lider tungkol sa iba’t ibang gampanin, agad akong makasasagot at makikita nila na gumagawa ako ng praktikal na gawain.

Dahil lagi akong abalang-abala sa gawain, at hindi ko pinagtuunan ang pagsisiyasat at paglutas sa aking mga tiwaling disposisyon, patuloy akong naging mas mapagmataas, hindi ko hinanap ang katotohanan kapag may mga nangyayaring bagay-bagay, at ginawa ko ang lahat alinsunod sa mga sarili kong ideya. Isa sa mga tagapangasiwa ng paggawa ng video na pinamamahalaan ko ay madalas nagpapaliban-liban sa kanyang tungkulin at sarili lang ang sinusunod sa grupo, kaya’t iniutos sa akin ng mga nakatataas na tanggalin siya. Pero naisip ko na mayroon siyang ilang kaloob at kakayahan, at na makaaapekto sa pag-usad at mga resulta ng paggawa ng video ang pagtatanggal sa kanya, kaya’t matagal ko siyang hindi tinanggal. Bilang resulta, paulit-ulit na kailangang baguhin ang video na ginawa nila, na nakaantala sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa huli, direkta siyang tinanggal ng mga nakatataas sa akin. Nang makita ko na direktang naapektuhan ng pagmamataas at pagmamatigas ko ang gawain ng sambahayan ng Diyos, sa wakas ay medyo natauhan ako. Paano ko nagawang maging masyadong mapagmataas at mapilit sa sarili kong paraan sa ganoon kalaking bagay? Bakit hindi ko naisip na magdasal sa Diyos at maghanap ng mga prinsipyo? Tapos ay naisip ko ang kalagayan ko sa panahong ito. Sa sobrang abala ko sa paggawa araw-araw ay hindi na ako napalapit sa Diyos kahit kaunti. Wala akong gana at wala akong ingat sa pagbabasa ng salita ng Diyos. Naglantad ako ng katiwalian, pero nabigo akong hanapin ang katotohanan o lutasin iyon agad, at nang dumating ang panahon na kailangang harapin ang mga problema, hindi talaga ako nagdasal sa Diyos, at umasa lang ako sa personal kong panghusga para malutas ang mga bagay-bagay.

Nakikita na namumuhay na naman ako sa isang kalagayan ng pagtatrabaho lamang at hindi paghahanap sa katotohanan, labis akong nabalisa, pero hindi ko alam kung paano iyon aayusin. Isang araw, nabasa ko sa salita ng Diyos, “Ang pinakadakilang karunungan ay ang hingin ang tulong ng Diyos at umasa sa Diyos sa lahat ng bagay(“Ang mga Mananampalataya ay Dapat Munang Makaaninag sa Masasamang Kalakaran ng Mundo” sa Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Totoo iyon. Pwede akong magdasal sa Diyos, sumandig sa Diyos, at hilingin sa Kanyang gabayan ako na makilala ang aking sarili. Kaya madalas kong inilalapit sa Diyos ang aking mga paghihirap sa panalangin. Palagi ko ring pinagninilayan at pinag-iisipan kung bakit hindi pa rin nalulutas ang problemang ito. Minsan, habang nagdedebosyonal, nabasa ko sa salita ng Diyos, “Sa konteksto ng gawain ngayon, gagawin pa rin ng mga tao ang kaparehong uri ng mga bagay gaya ng kinakatawan ng mga salitang ‘higit na dakila ang templo kaysa sa Diyos.’ Halimbawa, itinuturing ng mga tao ang pagtupad ng kanilang tungkulin bilang kanilang trabaho; itinuturing nila ang pagpapatotoo sa Diyos at ang pakikipaglaban sa malaking pulang dragon bilang mga pagkilos na pulitikal sa pagtatanggol sa mga karapatang pantao, para sa demokrasya at kalayaan; ginagawa nilang karera ang kanilang tungkulin na gamitin ang kanilang mga kakayahan, nguni’t itinuturing nila ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan bilang isang piraso lang ng relihiyosong doktrina na susundin; at iba pa. Hindi ba sadyang katulad ang mga gawing ito ng ‘higit na dakila ang templo kaysa sa Diyos’? Ang pinagkaiba, dalawang libong taon na ang nakaraan, isinasagawa ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa pisikal na templo, nguni’t ngayon, isinasagawa ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa mga di-nahahawakang mga templo. Ang mga taong nagpapahalaga sa mga patakaran ay itinuturing ang mga patakaran na higit na dakila kaysa sa Diyos, ang mga taong umiibig sa katayuan ay itinuturing ang katayuan na higit na dakila kaysa sa Diyos, ang mga umiibig sa kanilang karera ay itinuturing ang kanilang karera na higit na dakila kaysa sa Diyos, at iba pa—ang lahat ng kanilang mga pagpapahayag ang nag-udyok sa Akin upang sabihing: ‘Pinupuri ng mga tao ang Diyos bilang pinakadakila sa pamamagitan ng kanilang mga salita, nguni’t sa kanilang mga mata ang lahat ng bagay ay higit na dakila kaysa sa Diyos.’ Ito ay dahil sa sandaling makakita ng pagkakataon ang mga tao sa kanilang daan ng pagsunod sa Diyos upang maitanghal ang sarili nilang mga talento, o upang maisagawa ang sarili nilang gawain o sarili nilang karera, inilalayo nila ang kanilang mga sarili mula sa Diyos at inilalagak ang kanilang mga sarili sa minamahal nilang karera. At tungkol naman sa ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, at sa Kanyang kalooban, matagal nang naitapon ang mga bagay na iyon(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pinakaugat kung bakit palagi akong abala sa gawain ay dahil naghahangad ako ng katanyagan at katayuan. Nang makita kong matanggal ang ilang lider at katrabaho ko dahil sa hindi paggawa ng praktikal na gawain, inisip ko na kung gagawa ako ng mas maraming praktikal na gawain, hindi ako matatanggal, maiingatan ko ang posisyon ko bilang lider, hindi ako malalantad at masusuri ng iba, at hindi ako mapapahiya. Itinuring kong mas mahalaga ang reputasyon at katayuan ko kaysa sa paghahanap sa katotohanan, kaya’t sabik ako na mas magsagawa ng tungkulin ko at mas magtrabaho. Inisip ko na basta’t nakikita ng mga kapatid na kinukumusta ko ang gawain at nilulutas ko ang mga problema, at na isa akong mabuting lider na kayang gumawa ng praktikal na gawain, tiyak na susuportahan at sasang-ayunan ako ng lahat, at magkakaroon ako ng puwang sa iglesia. Habang tutok na tutok ako sa paghahangad ko ng katanyagan at katayuan, isinantabi ko ang mga hinihingi ng Diyos sa likod ng aking isipan. Hinihingi ng Diyos sa mga tao na hangarin ang katotohanan at pagpasok sa buhay, pero hindi ko talaga iyon sineryoso. Kumapit ako sa kung ano ang inakala kong tama, at maling inisip ang mga bagay tulad ng “Ang mga tiwaling disposisyon ay malalim na nakaugat, hindi kailangang madaliin ang paglutas ng mga tiwaling disposisyon,” at “Ang kaunting katiwaliang ito ay hindi makaaapekto sa mga tungkulin ko, ang pinakamahalaga ay ang mga resulta,” at “Abalang-abala ako sa tungkulin ko ngayon, wala akong oras, kakain at iinom ako ng salita ng Diyos at hahangarin ang katotohanan kapag may oras ako.” Ginamit ko ang mga salitang ito bilang mga katwiran at dahilan para hindi pagtuunan ang paghahangad sa pagpasok sa buhay, at bilang katwiran ko para magtrabaho para sa paghahangad ng reputasyon at katayuan. Pinagsikapan ko ang sarili kong pinagpupunyagian bilang bahagi ng pagsasagawa ng aking tungkulin, at buong araw ang ginugugol ko sa pag-iisip na mas magtrabaho at magkaroon ng mas maraming resulta. Gusto kong gamitin ang paraang ito para pag-ingatan ang katayuan at mga interes ko, at para tuparin ang mga ambisyon at pagnanasa ko. Talagang kasuklam-suklam at kahiya-hiya ako!

Kalaunan, nakabasa ako ng ilan pang sipi ng salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting kabatiran sa aking maling paghahangad. Sabi ng Diyos, “Matapos niyang maranasan ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng maraming taon, halos walang ipinagbago si Pablo. Nanatili pa rin siya halos sa kalagayan ng kanyang likas na pagkatao, at siya pa rin ang dating Pablo. Kaya lamang, matapos magtiis ng paghihirap sa maraming taon ng paggawa, natuto siyang ‘gumawa,’ at natutong magtiis, ngunit ang kanyang dating likas na pagkatao—ang likas niyang hilig na makipagpaligsahan at pumatay—ay nanatili pa rin. Matapos gumawa sa loob ng napakaraming taon, hindi niya alam ang kanyang tiwaling disposisyon, ni hindi niya naalis sa kanyang sarili ang kanyang dating disposisyon, at malinaw pa rin iyong nakita sa kanyang gawain. Mas marami lamang siyang karanasan sa paggawa, ngunit hindi siya kayang baguhin ng gayon katiting na karanasan at hindi kanyang baguhin ang kanyang mga pananaw tungkol sa pag-iral o sa kabuluhan ng kanyang pinagsisikapang matamo. … Maaari mang mailigtas ang tao o hindi ay hindi nakasalalay sa kung gaano karaming gawain ang kanyang ginagawa, o kung gaano siya nakalaan, kundi sa halip ay natutukoy sa kung alam niya o hindi ang gawain ng Banal na Espiritu, kung kaya niya o hindi na isagawa ang katotohanan, at kung nakaayon o hindi ang kanyang mga pananaw sa pagsisikap na matamo ang katotohanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). “Kung marami kang ginawang gawain, at nakamit ng iba ang iyong mga turo, ngunit ikaw mismo ay hindi nagbago, at hindi nagbahagi ng anumang patotoo, o nagkaroon ng anumang tunay na karanasan, sa gayo’y sa katapusan ng iyong buhay, wala pa rin sa iyong mga nagawa ang nagpapatotoo, nagbago ka na nga ba? Isa ka bang taong naghahangad na matamo ang katotohanan? Sa pahanong iyon, kinasangkapan ka ng Banal na Espiritu, ngunit nang kasangkapanin ka Niya, ginamit Niya ang bahagi mo na maaaring gamitin para gumawa, at hindi Niya ginamit ang bahagi mo na hindi magagamit. Kung hinangad mong magbago, unti-unti kang magagawang perpekto habang kinakasangkapan ka. Subalit walang tinatanggap na responsibilidad ang Banal na Espiritu kung makakamit ka o hindi sa huli, at depende ito sa pamamaraan ng iyong paghahangad. Kung walang mga pagbabago sa iyong personal na disposisyon, iyan ay dahil mali ang iyong pananaw tungo sa paghahangad. Kung hindi ka gantimpalaan, sarili mo nang problema iyon, at dahil hindi mo mismo naisagawa ang katotohanan at hindi mo matupad ang naisin ng Diyos. Kaya nga, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa personal mong mga karanasan, at walang mas mahalaga kaysa sa personal mong pagpasok! Sa huli ay sasabihin ng ilang tao, ‘Napakarami kong nagawang gawain para sa Iyo, at bagama’t maaaring wala akong nagawang naging tanyag, naging masigasig pa rin ako sa aking mga pagsisikap. Hindi Mo ba ako maaaring papasukin na lamang sa langit para kainin ang bunga ng buhay?’ Kailangan mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga humihingi ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito! Kailangan mong hangarin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahangad ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto. Kung umaasa ka lang sa mga gantimpala, at hindi mo hinahangad na baguhin ang iyong sariling disposisyon sa buhay, lahat ng iyong pagsisikap ay mawawalan ng saysay—at ito ay isang katotohanang hindi mababago!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). “Mula sa pagkakaiba sa mga kakanyahan nina Pedro at Pablo dapat mong maunawaan na lahat ng hindi naghahangad ng buhay ay gumagawa nang walang saysay! Naniniwala ka sa Diyos at sumusunod sa Kanya, kaya nga sa puso mo ay kailangan mong mahalin ang Diyos. Kailangan mong isantabi ang iyong tiwaling disposisyon, kailangan mong hangaring matupad ang naisin ng Diyos, at kailangan mong gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Dahil naniniwala at sumusunod ka sa Diyos, dapat mong ialay ang lahat sa Kanya, at hindi ka dapat gumawa ng mga personal na pagpili o paghingi, at dapat mong makamit ang katuparan ng naisin ng Diyos. Dahil ikaw ay nilikha, dapat mong sundin ang Panginoong lumikha sa iyo, sapagkat ikaw ay likas na walang kapamahalaan sa iyong sarili, at walang kakayahang kontrolin ang sarili mong tadhana. Dahil isa kang taong naniniwala sa Diyos, dapat kang maghangad ng kabanalan at pagbabago. Dahil ikaw ay isang nilalang ng Diyos, dapat kang sumunod sa iyong tungkulin, at manatili sa iyong lugar, at huwag kang lumampas sa iyong tungkulin. Ito ay hindi upang pigilan ka, o supilin ka sa pamamagitan ng doktrina, kundi sa halip ay ang landas na makakatulong upang magampanan mo ang iyong tungkulin, at makakamit ito—at dapat makamit—ng lahat ng gumagawa ng katuwiran(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Matapos basahin ang salita ng Diyos, napagtanto ko sa wakas na ang pananaw ko sa kung ano ang dapat hangarin sa aking paniniwala ay maling-mali. Hindi nakasalalay sa dami ng trabahong ginagawa ng isang tao o kung gaano kataas ang katayuan niya sa iglesia kung matatamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pinakamahalagang bagay ay kung hinahangad niya ang katotohanan at nagtatamo siya ng pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay. Kung gumagawa ka lang para sa reputasyon at katayuan, kahit na mapanatili mo ang katayuan mo nang ilang panahon, kung walang pag-unawa sa katotohanan at tunay na karanasan sa buhay, imposibleng magtagal sa sambahayan ng Diyos. Darating ang panahon na matitiwalag ka. Tingnan ninyo si Pablo. Kahit na naglakbay siya at ginugol ang kanyang sarili sa loob ng maraming taon, nagdusa nang matindi, nangaral ng ebanghelyo at nagkamit ng maraming tao, ang lahat ng gawain niya ay alang-alang sa katanyagan, katayuan, mga gantimpala, at mga korona. Hindi talaga niya hinangad ang katotohanan at hindi nagbago ang kanyang tiwaling disposisyon. Si Pablo ay masyadong mapagmataas at nakikipagkumpitensya, at minaliit niya ang lahat ng apostol. Palagi siyang nagpapatotoo na mas mataas siya sa lahat ng ibang apostol, at masyadong mapagmataas na nawala na talaga siya sa katwiran. Hindi kailanman hinangad ni Pablo na baguhin ang disposisyon niya sa buhay, at wala siyang anumang pag-unawa sa kanyang kalikasan ng paglaban sa Diyos. Itinuring din niyang puhunan ang kanyang gawain at pagdurusa para makipagtransaksyon sa Diyos. Unti-unting naging mapagmataas ang disposisyon niya, at nagpatotoo pa nga siya na namuhay siya tulad ni Cristo. Tinahak ni Pablo ang landas ng anticristo ng paglaban sa Diyos. Sa huli, nalabag niya ang disposisyon ng Diyos, at naranasan niya ang parusa ng Diyos. Noon pa man ay hinangad ko na ang katanyagan at katayuan, at hindi ko pinagtuunan ang pagbabago ng aking disposisyon sa buhay. Hindi ba’t tinatahak ko ang parehong-parehong landas ni Pablo? Nang makita kong sunud-sunod na tinatanggal ang mga kapareha ko, nangamba ako na matatanggal din ako, kaya’t lalo pa akong nagtrabaho. Nang nagkaroon ng ilang resulta ang gawain ko, pakiramdam ko ay magaling ang ginawa ko, at patuloy akong naging mas mapagmataas, at isinagawa ko ang tungkulin ko nang hindi hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan. Inutusan ako ng mga nakatataas sa akin na tanggalin ang tagapangasiwa ng paggawa ng video alinsunod sa prinsipyo, pero iginiit ko ang sarili kong mga ideya, at hindi ako handang tanggalin siya, na nagresulta sa mga pagkaantala sa pag-usad ng gawain, at pagkapinsala ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang pagmamataas at pagpipilit ko ng sarili kong mga pananaw ay direktang nakaugnay sa palagi kong paghahangad ng katanyagan at katayuan, at hindi pagtutuon sa pagpasok sa buhay. Habang lalo kong hinahangad ang katanyagan at katayuan, lalong nababawasan ang puwang ng Diyos sa puso ko. Hindi ko hinanap ang katotohanan nang may mangyaring mga bagay-bagay. Lubos akong sumandig sa aking sarili. Dati, naisip ko na kung mas marami akong gagawing praktikal na gawain, hindi ako matatanggal. Pero ngayon ay napagtanto ko na sa pagtuon lang sa gawain at paghahangad sa reputasyon at katayuan, at hindi paglutas sa aking mga tiwaling disposisyon, patuloy lang akong mas magiging mapagmataas at lalong lalaban sa Diyos. Kung magpapatuloy ako nang ganito, mahahayag at matitiwalag ako ng Diyos tulad ni Pablo. Tinatrato ng Diyos ang lahat nang patas at matuwid. Ang mga pwedeng pumasok sa kaharian ng Diyos ay ang lahat ng mga taong naghahanap at nagsasagawa ng katotohanan, at binabago ang kanilang disposisyon sa buhay. Kung sumasampalataya ka sa Diyos sa loob ng maraming taon nang hindi nagkakaroon ng ni katiting na pagbabago sa disposisyon sa buhay, ng ni katiting na karunungan ng Diyos o ng anumang tunay na patotoo ng karanasan sa buhay, ang gayong mga tao ay hindi pwedeng pumasok sa kaharian ng Diyos. Ito ay tinutukoy ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Nagbabalik-tanaw sa aking sarili, pinagtuunan ko lang ang gawain para mapanatili ang reputasyon at katayuan ko, gumawa ako ng mga dahilan at katwiran para sa hindi paghahangad sa katotohanan, tulad ng “Ang mga tiwaling disposisyon ay malalim na nakaugat at hindi malulutas magdamag” at “Ang kaunting katiwaliang ito ay hindi makaaapekto sa mga tungkulin ko, ang pinakamahalaga ay ang mga resulta ng gawain ko.” Wala sa mga salitang ito ang nakaayon sa katotohanan. Ang mga tiwaling disposisyon ay malalim na nakakintal at hindi mababago sa isang iglap, pero kailangang mahukay ang mga iyon nang paunti-unti sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan, masuri sa pamamagitan ng pagsasagawa ng salita ng Diyos, at pagkatapos ay dapat na makahanap ng isang landas ng pagsasagawa sa salita ng Diyos. Unti-unti nating matatamo ang katotohanan at malulutas ang katiwalian sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa at pagdanas sa salita ng Diyos. Kung hindi malulutas ang ating mga tiwaling disposisyon, makagagawa tayo ng mga bagay na aantala sa gawain ng sambahayan ng Diyos sa anumang oras at lugar. Paanong hindi makaaapekto ang mga tiwaling disposisyong ito sa ating tungkulin? Dahil sa pagmamataas at pagnanasa kong gawin ang tungkulin ko alinsunod sa sarili kong mga ideya, ang kabiguan kong tanggalin agad ang tagapangasiwang hindi gumagawa ng praktikal na gawain ay nagdulot ng malaking pinsala sa gawain. Hindi ba’t isa itong malinaw na halimbawa? Isa pa, palagi kong idinadahilan ang tungkulin ko para hindi kumain at uminom ng mga salita ng Diyos o lumapit sa Diyos para pagnilayan ang aking sarili. Hindi ba’t panlilinlang ito sa aking sarili pati na sa iba? Ang proseso ng pagsasagawa ng tungkulin ng isang tao, sa totoo lang, ay pinakamagandang paraan para maranasan ang gawain ng Diyos. Nagsisimula ang pagpasok sa buhay sa pagsasagawa ng tungkulin ng isang tao. Ang iba’t ibang kalagayang nahahayag habang isinasagawa mo ang iyong tungkulin, pati na ang mga ideya at pananaw na lumalabas, ay maaaring iharap sa Diyos para mapagnilayan, mahanapan ng katotohanan, at makuhanan ng mga aral. Hindi talaga ito kakain ng ganoon karaming oras. Pinagtuunan ko lang ang gawain, naghangad ng katanyagan at katayuan, at hindi hinangad ang pagpasok sa buhay. Masyado akong bulag at walang nalalaman! Nang matanto ko ang mga bagay na ito, sumumpa ako sa harapan ng Diyos na hindi na ako magtatrabaho para sa sarili kong katanyagan at katayuan, at mas hahanapin ko ang katotohanan at pagpasok sa buhay.

Nabasa ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing, “Pagdating sa inyong pananampalataya sa Diyos, bukod pa sa maayos na pagganap ng inyong tungkulin, ang susi ay ang maunawaan ang katotohanan, pumasok sa realidad ng katotohanan, at mas magsikap pang makapasok sa buhay. Kahit ano pang mangyari, may mga aral na matututunan, kaya huwag ninyong hayaang basta-basta ito makalampas. Dapat kayong magbahaginan sa isa’t isa tungkol dito, at pagkatapos kayo ay mabibigyan ng kaliwanagan at matatanglawan ng Banal na Espiritu, at magagawa ninyong maunawaan ang katotohanan. Sa pamamagitan ng pagbabahagi, magkakaroon kayo ng landas ng pagsasagawa at malalaman ninyo kung paano maranasan ang gawain ng Diyos, at nang hindi ninyo namamalayan, malulutas ang ilan sa inyong mga problema, uunti nang uunti ang mga bagay na hindi mo nakikita nang malinaw, at dadami nang dadami ang mauunawaan mong katotohanan. Sa ganitong paraan, lalago ang tayog mo nang hindi mo namamalayan. Dapat kang magkusa na gumugol ng pagsisikap sa katotohanan at ilagay ang iyong puso sa katotohanan. … Ang mga laging nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita ng doktrina, nag-uulit ng mga salawikain, nagsasabi ng matatayog na bagay, sumusunod sa mga tuntunin, at hindi kailanman tumututok sa pagsasagawa ng katotohanan ay walang nakakamit, kahit ilang taon na silang naniniwala. Sino ang mga taong may nakakamit? Ang mga taos-pusong gumaganap ng kanilang tungkulin at handang isagawa ang katotohanan, na itinuturing na kanilang misyon ang ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, na masayang ginugugol ang kanilang buong buhay para sa Diyos at hindi nagpapakana para sa sarili nilang kapakanan, na ang mga paa ay matatag na nakatapak sa lupa at sinusunod ang mga pangangasiwa ng Diyos. Nagagawa nilang maintindihan ang mga prinsipyo ng katotohanan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin at pinagsisikapan nilang gawin nang maayos ang lahat, na nagbibigay-daan para makamit nila ang epekto ng pagpapatotoo sa Diyos, at matupad ang kalooban ng Diyos. Kapag may nakakaharap silang mga paghihirap habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, nananalangin sila sa Diyos at sinusubukang arukin ang kalooban ng Diyos, nagagawa nilang sundin ang mga pangangasiwa at pagsasaayos na mula sa Diyos, at sa lahat ng ginagawa nila, hinahanap at isinasagawa nila ang katotohanan. Hindi sila nag-uulit ng mga salawikain o nagsasabi ng matatayog na bagay, kundi tumututok lang sila sa paggawa ng mga bagay-bagay nang matatag na nakaapak ang mga paa sa lupa, at sa metikulosong pagsunod sa prinsipyo. Nagsisikap sila sa lahat ng ginagawa nila, at pinagsisikapan nilang maunawaan ang lahat, at sa maraming bagay, nagagawa nilang isagawa ang katotohanan, pagkatapos ay nagkakaroon sila ng kaalaman at pagkaunawa, at nagagawa nilang matutuhan ang mga aral at talagang may nakakamit. At kapag may mga mali silang saloobin, nananalangin sila sa Diyos at hinahanap ang katotohanan para malutas ang mga ito; kahit ano pang mga katotohanan ang nauunawaan nila, pinapahalagahan nila ang mga ito sa kanilang puso, at nakapagsasalita tungkol sa kanilang mga karanasan at patotoo. Nakakamit ng gayong mga tao ang katotohanan sa huli(“Pagpasok sa Buhay ang Pinakamahalaga sa Pananalig sa Diyos” sa Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Sa salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa para hangarin ang katotohanan. Kapag may mga bagay-bagay na nangyayari, kailangan nating lumapit sa Diyos para magdasal, magnilay, hanapin ang katotohanan, at kilalanin ang ating mga sarili. Kailangan nating harapin ang bawat bagay nang taimtim at matuto ng mga aral mula sa mga iyon. Isinagawa ko ang pagpasok sa mga bagay na ito. Noong panahong iyon, ibinahagi ng sambahayan ng Diyos na dapat magsulat ang mga lider at manggagawa ng mga artikulo ng karanasan sa buhay, at na kung hindi nila kayang sabihin ang patotoong batay sa karanasan nila, kung gayon, kahit may katayuan sila, hindi sila pwedeng maging kapaki-pakinabang, at darating ang panahon na matitiwalag sila. Mas naunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa mga lider at manggagawa na hangarin ang katotohanan at magkaroon ng pagpasok sa buhay. Ang mga lider na hindi naghahangad sa katotohanan ay hindi maaaring magtagal, at mahahayag at matitiwalag pagdating ng panahon. Dati, abala lang ako sa gawain, at hindi ko pinagtutuunan ang sarili kong pagpasok sa buhay. Ni hindi pa nga ako nakasulat ng isang nararapat na artikulong patotoo. Sa katunayan, dumaan ako sa ilang problema at pagkabigo, ilang pagwawasto at pagtatabas sa pagsasagawa ng aking tungkulin. Naglantad ako ng maraming tiwaling disposisyon. Kung gusto kong hangarin ang katotohanan at pagtuunan ang aking pagpasok sa buhay, kailangan ko munang magsimula sa pagsusulat ng mga artikulo. Una kong pinili ang pagtatabas at pagwawasto na nag-iwan ng pinakamalalim na tatak sa akin at pinagnilayan kung ano talaga ang dahilan kung bakit ako tinabas at iwinasto. Kapag kumakain ako, naglalaba, at bago matulog, pinagninilayan ko kung anong mga tiwaling disposisyon ang nalantad ko, anong mga bahagi ng salita ng Diyos ang kinain at ininom ko, kung anong mga maling kaisipan at pananaw ang napagtanto ko mula sa salita ng Diyos, at anong mga landas ng pagsasagawa ang natagpuan ko. Habang mas nag-iisip ako, lalo iyong lumilinaw, na mas nagpapalinaw sa mga aral na dapat kong matutuhan, at nagtamo ako ng isang mas praktikal na pagkaunawa sa aking mga tiwaling disposisyon. Sa pagsusulat ng mga artikulo, nadama ko na kaya kong payapain ang aking sarili sa harap ng Diyos, kumain at uminom ng Kanyang salita, at pagnilayan at kilalanin ang aking sarili, lahat ng iyon ay labis na nakatutulong sa aking pagpasok sa buhay. Dati ay masyado akong walang kaalam-alam. Inakala kong masasayang lang ang oras ko sa paghahangad ng pagpasok sa buhay at pagsusulat ng mga artikulo at maaapektuhan ang pagiging epektibo ko sa aking tungkulin. Ngayon ay nakikita ko na hindi ako nagiging hindi epektibo dahil doon, sa katunayan, kapaki-pakinabang iyon sa aking tungkulin. Dati, lagi akong nagtatrabaho para sa reputasyon at katayuan, madalas ay nag-aalalang mawala iyon sa akin. Natakot ako na kung magkamali ako, sasama ang tingin ng mga lider sa akin. Kapag mayroong mga paglihis at pagkakamali sa tungkulin ko, at ipinaalam ng mga lider ko ang mga problema ko o tinabas at iwinasto nila ako, inaamin ko na ang pagtatabas at pagwawasto ay para sa kabutihan ko, para tulungan akong makilala ang aking sarili, pero palagi akong nanlulumo dahil doon. Naghihinala rin ako na iisipin ng mga lider ko na wala akong kakayahan, na hindi ako mahusay magtrabaho, at wala akong kakayahang gumawa ng anumang gawain, o kung matutuklasan ng mga lider ko ang napakarami kong problema, iyon na ang magiging katapusan ng aking tungkulin. Madalas, ang pakiramdam ko’y nagpapasan ako ng mabigat na dalahin. Nang pinagtuunan ko ang pagpasok sa buhay at ang pagkatuto ng mga aral mula sa kapaligiran ko araw-araw, hindi ako masyadong nalulumbay kapag ipinaaalam ng mga lider ang mga paglihis at pagkakamali sa gawain ko, at hindi ako laging nag-aalala kung ano ang tingin sa akin ng mga lider ko. Sa halip, lagi kong pagninilayan kung bakit may mga paglihis ako sa aking tungkulin at kung alin sa aking mga tiwaling disposisyon o maling pananaw ang nagdulot ng pagkakamali, at kapag naunawaan ko ang mga iyon, nakakaramdam ako ng pagsisisi, hinahanap ko ang landas sa salita ng Diyos at inaayos nang mabilis ang mga bagay-bagay. Nang magsagawa ako sa ganitong paraan, hindi na nakapapagod ang tungkulin ko tulad ng dati.

Natikman ko ang tamis kapag pinagtutuunan ang pagpasok sa buhay, kaya’t lumapit ako sa Diyos at nagdasal, nagsasabing pagninilayan ko ang aking sarili batay sa salita ng Diyos at mas hahangarin ang katotohanan. Minsan, kung medyo abala ako sa tungkulin ko, at wala akong oras para kumain at uminom ng salita ng Diyos sa umaga, kung ganoon sa oras ng pagkain o bago ako matulog, pagninilayan ko ang kalagayang isinasabuhay ko kamakailan, kung anong katiwalian ang inilalantad ko, at anong mga bahagi ng salita ng Diyos ang dapat kong basahin para mapagnilayan ang sarili ko. Sa sandaling mapag-isipan kong mabuti ang mga bagay na ito, babasahin ko ang mga nauugnay na bahagi ng salita ng Diyos kapag may oras ako. Hindi na ako nag-iisip tulad ng dati, na hindi mahalaga kung hindi malutas sa kasalukuyan ang mga problema ng aking mga tiwaling disposisyon at na unti-unti kong malulutas ang mga iyon kalaunan kapag may oras na ako. Pagkalipas ng ilang panahon, natuklasan ko na naging mas sensitibo na ako sa mga kaisipang inilalantad ko, patuloy akong nakakikita ng ilang paglihis na lumilitaw sa aking tungkulin, at nakahahanap ako ng mga landas ng pagsasagawa sa salita ng Diyos. Patuloy kong mas nadarama na napakahalaga ng paghahanap sa katotohanan sa pananampalataya ko sa Diyos. Napakahalaga na maranasan natin ang gawain ng Diyos sa isang praktikal na paraan at subukang mabuti na maunawaan ang lahat. Basta’t sinusubukan natin ang lahat ng makakaya natin, tinitiis ang dalahin natin sa pagpasok sa buhay, at inaasam natin ang katotohanan, matatanggap natin ang patnubay ng Diyos. Pwede rin tayong maghanap ng katotohanan at matuto ng mga aral sa lahat ng nangyayari sa ating paligid.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Huling Pagkamulat

Ni Lin Min, Tsina Noong 2013, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Napakasigasig ko noong panahong ‘yon....

Leave a Reply