Hindi Ko Na Iniiwasan ang Tungkulin Ko
Isang araw noong kalagitnaan ng Agosto sa nakaraang taon, sinabi sa akin ng isang lider na gusto niya akong mamahala sa ilang gawain ng iglesia at tinanong kung payag ba akong subukan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko iyon. Ang pag-ako sa gawain ng iglesia ay nangangahulugang hindi lamang paglutas sa iba’t ibang isyu at suliranin ng mga kapatid sa pagpasok sa buhay, kundi paggabay at pagtulong sa kanila sa mga gampanin sa gawain. Malaking responsibilidad iyon. Kung hindi magagawa nang maayos ang tungkuling iyon at maaantala ang gawain, o magdudulot ng pagkagambala at talagang makakapinsala sa mga interes ng iglesia, hindi lang ako maiwawasto, kundi matatanggal pa o mapapalayas. Tapos hindi ko matatamo ang isang magandang kalalabasan at kahahantungan. Naisip ko kung paano natanggal ang huling dalawang tao sa puwestong iyon. Hindi ko alam ang gawain at walang sinabi ang kakayahan ko sa kanila, kaya naisip ko na magkakaroon ng maraming problema kung tatanggapin ko ito. Mas gugustuhin kong gumawa ng isang tungkulin lang para hindi ako magpapasan ng ganoon kabigat na responsibilidad. Gusto kong tanggihan ito, pero pakiramdam ko rin ay hindi magiging makatwiran na gawin iyon at dapat akong magpasakop, kaya atubiling tinanggap ko ito. Hindi ako mapakali nang gabing iyon, hindi makatulog. Talagang na-stress ako. Paulit-ulit kong iniisip na bilang tagapamahala sa gawain ng mga iglesia, magkakaroon ako ng mas maraming patnubay at tulong at mas mabilis na makakausad. Pero ang tungkuling iyon ay napakalaking responsibilidad. Kung hindi ako maayos gumawa, maaari rin akong malantad at mapapalayas din nang mas mabilis. Pakiramdam ko ay mas walang panganib kung hindi ko tatanggapin ito. Kaya nagpasya ako, at tinawagan ang lider kinabukasan para sabihing, “Mababa lang ang tayog ko, kaya hindi ko kaya ang gawain. Natatakot akong maantala ko ang gawain, kaya sa tingin ko, dapat kang maghanap ng iba.” Sinabi sa akin ng lider na kailangan kong mas maghanap at pagnilayan ang mga motibo ko sa pag-iwas sa tungkuling iyon. Matapos ibaba ang telepono, lumuhod ako at nanalangin, “Diyos ko, natatakot po akong pangasiwaan ang gawain ng ilang iglesia. Natatakot akong mapapalayas ako kapag hindi ako makagawa nang maayos, kaya nasa kalagayan po ako ng pag-iingat at maling pagkaunawa. Diyos ko, gabayan Mo po ako upang maunawaan ang Iyong kalooban.” Pagkatapos ay nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos. “Kapag gumaganap ng kanilang tungkulin, ang ilan ay madalas na nasa kalagayan ng pagiging negatibo at pasibo, o lumalaban at may maling pagkaunawa. Lagi silang natatakot na malalantad at mapapalayas sila, at napipigilan sila ng kanilang hinaharap at tadhana. Hindi ba ito ang pagpapahayag ng isang isip-batang tayog? (Oo.) Laging sinasabi ng ilang tao na natatakot silang hindi nila magagampanang mabuti ang kanilang tungkulin, at kung hindi susuriing mabuti ang mga detalye, maaaring isipin ng isang tao na tapat naman sila. Ano ba talaga ang ipinag-aalala nila sa kanilang mga puso? Nag-aalala sila na kung hindi nila magagawa nang mabuti ang kanilang tungkulin, mapapalayas sila at hindi sila magkakaroon ng huling destinasyon. Sinasabi ng ilang tao na natatakot silang maging mga tagapagsilbi. Kapag naririnig iyon ng ibang mga tao, iniisip nilang ayaw ng mga taong iyon na maging mga tagapagsilbi at gusto lang ng mga itong magampanan nang mabuti ang tungkulin bilang isa sa mga tao ng Diyos. Iniisip ng mga tao na may paninindigan ang mga ito. Ang totoo, sa kanilang mga puso, iniisip ng mga taong iyon na takot maging mga tagapagsilbi na, ‘Kapag naging tagapagsilbi ako, mapapahamak lang din ako sa huli at hindi magkakaroon ng huling destinasyon, at hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng langit.’ Ito ang ipinahihiwatig ng kanilang mga salita; nag-aalala pa rin sila tungkol sa kanilang kahihinatnan at huling destinasyon. Kapag sinabi ng Diyos na sila ay mga tagapagsilbi, hindi nila gaanong pinagsisikapan ang pagganap sa kanilang tungkulin. Kapag sinabi ng Diyos na isa sila sa Kanyang mga tao at napuri sila ng Diyos, medyo mas pinaglalaanan nila ng pagsisikap ang paggawa sa kanilang tungkulin. Ano ang problema rito? Ang problema ay kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, hindi sila kumikilos ayon sa prinsipyo ng katotohanan. Lagi nilang isinasaalang-alang ang sarili nilang mga hinaharap at kapalaran, at lagi silang napipigilan ng titulong ‘tagapagsilbi.’ Bunga nito, hindi nila magawa nang mabuti ang kanilang tungkulin, at wala silang lakas para isagawa ang katotohanan. Lagi silang namumuhay sa pagkanegatibo, at hinahanap ang kahulugan sa likod ng mga salita ng Diyos para siguruhin kung sila ba ay mga tao ng Diyos o mga tagapagserbisyo. Kung sila ay mga tao ng Diyos, kaya nilang gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin. Kung sila ay mga tagapagserbisyo, pabaya at pabasta-basta sila, nagpapausbong sila ng maraming negatibong bagay, at nakokontrol sila at hindi makaalis dito. Kung minsan, matapos silang maiwasto nang matindi, sinasabi nila sa kanilang sarili, ‘Wala nang pag-asa para sa akin, ganito na talaga ako. Gagawin ko na lang kung ano ang kaya ko.’ At nang may pasibo, negatibo, at masasamang isipin, nilalabanan nila ito at labag sa loob na ginagampanan ang kanilang tungkulin. Maayos ba nilang magagampanan ang kanilang tungkulin?” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). “Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling mga kapakanan; kapag tinatalikdan nila ang mga bagay-bagay at ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, ito ay para pagpalain, at kapag tapat sila sa Kanya, ito ay para gantimpalaan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa hangaring pagpalain, gantimpalaan, at makapasok sa kaharian ng langit. Sa lipunan, nagtatrabaho ang mga tao para sa kanilang pansariling pakinabang, at sa sambahayan ng Diyos, gumagawa sila ng tungkulin para pagpalain. Alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala kaya tinatalikdan ng mga tao ang lahat at nakatatagal sa matinding pagdurusa: Wala nang mas maganda pang katibayan ng satanikong kalikasan ng tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang mismong kalagayan ko. Sa pagharap sa tungkulin, sinabi kong mababa ang tayog ko at takot akong hindi makagawa nang maayos at maantala ang gawain, pero ang totoo ay isinasaalang-alang ko lang ang mga pansarili kong interes. Nang makitang tinanggal at pinalayas ang iba matapos gawin ang tungkuling ito, pakiramdam ko ay may malaking panganib sa pag-ako nito. Kung hindi ako gumawa nang maayos, ginagambala ang mga bagay-bagay at inaantala ang gawain ng iglesia, hindi lang ito magiging paglabag at matatanggal ako, kundi mapapalayas ako kapag naging malubha ito. Tapos hindi ko maaabot ang dapat kong kalalabasan at kahahantungan. Kaya, nakahanap ako ng dahilan na tanggihan ang tungkulin para protektahan ang kinabukasan at hantungan ko, sinasabi na tila makatwiran na takot akong maantala ang gawain ng iglesia. Gusto ko lang ng tungkulin na may kaunting responsibilidad para hindi lamang ako makagaganap ng tungkulin, sa huli ay magkakaroon ako ng magandang hantungan. Lubos akong napasailalim ng mga lason ni Satanas na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” at “Hangarin lang na maiwasan ang mga pagkakamali, hindi dakilang pagkilala” kapag namumuhay sa ganoong kalagayan. Ang binabasehan ko sa lahat ay pansarili kong interes, ang sarili ko. Gagawin ko ang isang tungkulin na may pakinabang sa akin, hindi ‘yung wala, gustong magbayad ng maliit na halaga at makuha ang mga pagpapala ng Diyos bilang kapalit. Iyon ay pagiging transaksyonal sa Diyos, at talagang makasarili at kasuklam-suklam ito.
Nabasa ko ang mas marami pang salita ng Diyos kalaunan. “Kinalulugdan Ko ang mga hindi mapaghinala sa iba, at gusto Ko ang mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; nagpapakita Ako ng labis na pagkalinga sa dalawang uri ng mga taong ito, dahil matatapat silang mga tao sa Aking paningin. Kung mapanlinlang ka, magiging malihim at mapaghinala ka sa lahat ng tao at bagay, kaya ang pananampalataya mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananampalataya. Sa kakulangan ng tunay na pananampalataya, mas lalo kang salat sa tunay na pagmamahal. At kung malamang na pagdudahan mo ang Diyos at sinasadya mong gumawa ng haka-haka tungkol sa Kanya, kung gayon walang kaduda-dudang ikaw ang pinakamapanlinlang sa lahat ng tao. Nag-iisip-isip ka kung maaaring maging katulad ng tao ang Diyos: makasalanang di-mapapatawad, mababaw ang pagkatao, salat sa pagiging makatarungan at katwiran, walang pagkaunawa sa katarungan, mahilig sa mapanirang mga kaparaanan, taksil at tuso, nalulugod sa kasamaan at kadiliman, at iba pa. Hindi ba’t ang dahilan kaya may ganitong kaisipan ang mga tao ay sapagkat wala sila ni bahagyang kaalaman sa Diyos? Kasalanan talaga ang ganitong uri ng pananampalataya! Mayroon pa ngang ibang naniniwala na ang mga nagbibigay-lugod sa Akin ay ang mga nambobola at sumisipsip, at hindi tatanggapin sa tahanan ng Diyos at mawawalan ng lugar doon ang mga walang kasanayan sa ganoong mga bagay. Ito lamang ba ang tanging kaalamang nakuha ninyo pagkatapos ng maraming taon? Ito ba ang nakamit ninyo? At hindi tumitigil sa mga maling pagkaunawang ito ang kaalaman ninyo sa Akin; mas malala pa ay ang kalapastanganan ninyo sa Espiritu ng Diyos at pinagmumukha ninyong masama sa Langit. Ito ang dahilan kaya sinasabi Kong magdudulot lamang ng lalong paglayo ninyo sa Akin at higit pang pagsalungat sa Akin ang pananampalatayang tulad ng sa inyo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa). Habang pinagbubulay-bulayan ang mga salita ng Diyos at pinagninilayan ang sarili ko, nakita ko na likas talaga akong tuso. Inisip ko na mas malaki ang panganib sa isang mahalagang tungkulin na may maraming responsibilidad, kaya malalantad at mapapalayas ako kaagad kapag nagkamali ako, at maititiwalag pa nga. Iniisip ko ang sambahayan ng Diyos gaya ng mundo, at ang Diyos gaya ng makasanlibutang hari. Pakiramdam ko ay ang paggawa ng tungkulin ay mapanganib, na maaari akong bumagsak sa kahit katiting na kapabayaan. Para bang wala sa katwirang pinaglalaruan lang ng Diyos at ginugulo ang mga tao, at ang pagpapagawa sa akin ng isang mahalagang tungkulin ay para ilantad at palayasin ako, para itulak ako patungo sa hukay ng apoy. Hindi ako naniwala sa pagiging matuwid ng Diyos, kundi nag-iingat lang at may maling pagkaunawa sa kanya. Iyon ay paglapastangan sa Diyos! Sa katunayan, tinatrato ng sambahayan ng Diyos ang mga tao sa maprinsipyong paraan. May kilala akong lider ng iglesia, si Sister Brenda, na matagal nang mananampalataya, at kahit medyo kulang siya sa kakayahan, naging responsable siya sa tungkulin niya. Nang tinabas siya at iwinasto, nagawa niyang tanggapin ito at magpasakop, at maghanap ng pagbabago. Binigyan siya ng iglesia ng responsibilidad para sa mahalagang gawain. Minsan, nagpromote siya ng isang tao na maging lider ng grupo, pero lumabas na ang taong iyon ay talagang tuso at hindi gumagawa ng praktikal na gawain, at talagang nakakagambala ito sa gawain ng iglesia. Matapos malaman iyon, seryoso siyang iwinasto ng kanyang lider dahil sa paghirang sa taong iyon nang walang pinagbabatayang prinsipyo at hindi pagsusubaybay sa gawain nito. Iyon ang ginagawa ng isang huwad na lider. Pero hindi siya tinanggal ng lider dahil doon. Sa halip, matiyaga itong nakipagbahaginan sa kanya gamit ang nauugnay na mga prinsipyo ng katotohanan at tinulungan siyang makita ang kanyang mga pagkakamali at kapintasan. At nandoon ang isang bagong halal na lider na si Sister Lila, na walang gaanong karanasan, pero may mahusay na kakayahan at dalisay na pagkaunawa, at kayang tuparin ang ilang bagay sa tungkulin niya. Pero hindi niya alam ang mga prinsipyo at hindi siya nakakilala sa iba nang naging lider siya, kaya muntik na niyang itiwalag ang isang tao bilang anticristo dahil sa sobrang yabang nito. Nang malaman ito ng lider niya, hindi siya tinanggal nito, kundi inilantad at iwinasto siya, ipinatanto sa kanya ang bigat ng problema, nakipagbahaginan sa nauugnay na mga prinsipyo ng katotohanan at tinulungan siyang matutong makakilala. Nakita ko na ang mga lider sa iglesia ay hindi tinatanggal at pinapalayas kapag napag-alamang nagbubunyag ng katiwalian o nagkakamali sa gawain nila. Sa halip, binibigyan sila ng tulong at binabahaginan, o iwinawasto, para maunawaan nila ang katotohanan at maarok ang mga prinsipyo. Hangga’t may kakayahan sila, kayang tanggapin ang katotohanan, at may pasanin sa kanilang tungkulin, kahit na may mga kabiguan at mga paglabag, binibigyan sila ng iglesia ng pagkakataong magsisi, at hindi sila tinatanggal dahil lamang sa isang bagay. Patuloy silang nililinang para masanay sila sa kanilang tungkulin. Ang ilang tao ay hindi maabilidad sa trabaho dahil kulang sila sa kakayahan, pero hindi sila pinapalayas ng iglesia. Inililipat sila sa isang angkop na tungkulin batay sa kanilang kakayahan at tayog. Ngunit para sa mga taong tuso sa kanilang tungkulin, na hindi naghahanap ng katotohanan, kahit na wala silang mahalagang tungkulin, sila ay malalantad at mapapalayas. At ang ilang tao ay hindi talaga nagsisisi pagkatapos nilang matanggal, kundi nagrereklamo at sila ay mapanghusga, nagkakalat ng mga kuru-kuro at ginagambala ang iglesia. Ang ganoong klaseng mga tao ay nililinis at itinitiwalag. Nakikita ko na matuwid ang disposisyon ng Diyos at maprinsipyo ang sambahayan ng Diyos sa pakikitungo nito sa mga tao. Ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos ay nakapaloob sa lahat ng ito. Naniwala ako sa Diyos nang hindi Siya nakikilala, at gumagawa ng ispekulasyon tungkol sa Kanya. Inakala ko na malalantad at mapapalayas ako kung pamamahalaan ko ang mga iglesiang iyon. Napakakakatwa ng pagkaunawa ko, at ito ay ganap na pagbaluktot sa kalooban ng Diyos. Iyon ay isang maling pagkaunawa at paglapastangan sa Diyos, at ito ay pagtanggi sa pagiging matuwid Niya. Kung wala ang paghatol ng mga salita ng Diyos, hindi ko sana makikita kung gaano kaseryoso ang isyung iyon, kundi nanatili sa pamumuhay sa kalagayang laban sa Diyos.
Tapos, isang araw, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos. “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang mapagpala ay kapag ang isang tao ay nagawang perpekto at nagtatamasa ng mga biyaya ng Diyos matapos magdanas ng paghatol. Ang maisumpa ay kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago matapos silang magdanas ng pagkastigo at paghatol, iyon ay kapag hindi pa sila nagawang perpekto kundi pinarusahan. Ngunit napagpala man sila o naisumpa, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang mapagpala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Natutunan ko mula sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos na ang pagiging pinagpala o pagdanas ng sakuna ay ganap na walang kaugnayan sa kung ano ang tungkulin ng isang tao. Ang isang tungkulin ay atas ng Diyos sa mga tao, at tama at natural lang na gampanan nila ito. Kapag tinanggal at pinalayas ang isang tao, ito ay dahil hindi sila naghahanap ng katotohanan sa kanilang pananampalataya o nagpapasakop sa Diyos, kundi nahuhuramentado sa kanilang tungkulin, gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Diyos. Ganoon lang din ang dalawang taong namahala na natanggal dati. Isa sa kanila ay natanggal unang-una dahil wala siyang mabuting pagkatao at hindi niya tinatanggap ang katotohanan ni katiting. Nag-udyok din siya ng alitan, bumuo ng mga paksyon, at pinahirapan ang iba, na lubhang gumagambala sa gawain ng iglesia. Inasikaso ito ng iglesia batay sa kanyang kalikasan at diwa, at mga katunayan ng kanyang masamang gawain. Ang isa naman ay talagang may mayabang na disposisyon at palaging nagmamataas at nagpapakitang-gilas. Nagagalak din siya sa mga pakinabang ng katayuan at hindi gumawa ng praktikal na gawain. Lubha nitong naantala ang gawain ng iglesia, kaya siya natanggal. Umabot sila sa puntong iyon hindi dahil ipinahamak sila ng kanilang mga tungkulin. Lahat ng ito ay dahil sila ay hindi gumawa ng praktikal na gawain at nasa maling landas. Hindi ko tiningnan ang mga dahilan at konteksto ng kanilang mga pagkakatanggal o naunawaan ang mga katunayan. Inakala ko lang na inilantad at pinalayas sila dahil napakahirap ng kanilang mga tungkulin, at nagkaroon pa ako ng maling akala na dahil hindi ako kasinghusay nila, siguradong mapapalayas ako kung tinanggap ko ang mahalagang tungkuling iyon. Napakakakatwang pananaw!
Pagkatapos noon, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos. “Dapat ninyong gawin ang inyong sariling tungkulin sa abot ng inyong makakaya nang may bukas at tapat na mga puso, at maging handang magbayad ng anumang kinakailangang halaga. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi pababayaan ng Diyos ang sinumang nagdusa o nagbayad para sa Kanya. Ang ganitong uri ng matibay na paniniwala ay karapat-dapat panghawakan, at nararapat lamang na hindi ninyo ito kailanman kalimutan. Sa ganitong paraan Ko lamang mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo. Kung hindi, magpakailanman kayong magiging mga taong hindi Ko makakayang ipagpalagay ang Aking isipan, at magpakailanman kayong magiging mga layon ng Aking pag-ayaw. Kung masusunod ninyong lahat ang inyong konsensya, at ibibigay ang inyong lahat para sa Akin, nang walang hindi pagsusumikapan para sa Aking gawain, at mag-uukol ng buong buhay na pagsusumikap sa Aking gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t laging lulukso sa tuwa ang Aking puso dahil sa inyo? Sa ganitong paraan, lubos Kong mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, hindi ba? Nakapanghihinayang na ang tanging nagagawa ninyo ay hamak at katiting na bahagi lamang ng Aking inaasahan. Yamang ganito ang kalagayan, ano’t may lakas kayo ng loob na hingin sa Akin ang inyong inaasam?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan). Natutunan ko mula sa mga salita ng Diyos na pineperpekto Niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang tungkulin, at kung mahalaga man ito o hindi, nangangailangan man ito ng pagtanggap ng responsibilidad at pagsuong sa panganib, kailangan nating magpasakop at ibigay ang lahat-lahat natin sa pagsasagawa rito. Kung mas maraming problema ang nalalantad sa pamamagitan ng isang tungkulin, magiging mas kapaki-pakinabang para sa atin na magnilay-nilay at makita ang sarili nating katiwalian at mga kapintasan. Pagkatapos ay magagamit natin iyon para hanapin ang katotohanan, matutuhan ang mga prinsipyo, at unti-unting pumasok sa realidad ng katotohanan. Lahat ng iyon ay nakakamtan sa pamamagitan ng tungkulin. Kung hindi natin gagawin ang isang tungkulin o tinatanggihan natin ito, takot na tanggapin ang responsibilidad, hindi malalantad ang tiwaling disposisyon at mga kamalian natin. Hindi tayo magkakamit ng pagkaunawa sa ating mga maling pananaw at satanikong kalikasan, lalong hindi malulutas ang mga ito sa pamamagitan ng paghahanap ng katotohanan. Maaari tayong manalig hanggang sa pinakawakas, pero hinding-hindi natin makakamit ang katotohanan at matatamo ang pagbabago sa disposisyon, at lalong hindi tayo maililigtas at magagawang perpekto. Ang pagpapagawa sa akin ng isang mahalagang tungkulin na maging responsable sa gawain ng ilang iglesia ay nagbibigay sa akin ng pagkakataong magsanay. Magkamali man ako sa tungkulin ko o matabasan at maiwasto, isa pa rin itong magandang pagkakataon na makilala ang sarili ko at makapasok sa realidad ng katotohanan. Naginhawahan ako nang mapagtanto ang lahat ng ito, kaya sinabi ko sa lider na handa akong tanggapin ang tungkulin. Sa tungkulin ko pagkatapos noon, madalas dumadalaw ang lider para suriin ang gawain ko, at dahil sa patnubay at tulong niya, unti-unti kong natutunan ang ilang prinsipyo at katotohanan at nagkamit ng higit na kalinawagan sa sarili kong mga pagkukulang. Minsan noong isinasagawa ko ang isang gawain, hindi ako nakipagbahaginan o pinangasiwaan ito nang maayos, na humantong sa mga problema sa gawain at nagdulot ng ilang kawalan. Natakot akong maiwasto o papapanagutin ng lider kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol dito, pero alam na alam ko na hindi ko maitatago ang mga katunayan. Kailangan kong eksaktong iulat ang problema at tanggapin kung paano man ako pakikitunguhan ng iglesia. Nang marinig ng lider ang kailangan kong sabihin, hindi niya ako iwinasto, kundi nakipagbahaginan siya sa akin ng ilang prinsipyo ng katotohanan para makita ko kung saan ako nagkamali at maunawaan ang ilang prinsipyo at detalye kung paano gagawin nang maayos ang tungkuling iyon. Bagamat may ilang pagkakamali at isyu sa gawain ko pagkatapos noon at kung minsan ay malubha akong tinatabasan at iwinawasto ng lider, hindi ako tinanggal o pinalayas dahil sa paggawa ng ilang pagkakamali, gaya ng inakala ko. Talagang naranasan ko na ang paggawa ng tungkuling iyon ay nakatulong sa aking makabawi sa mga kamalian ko, at iyon ang pag-ibig ng Diyos!
Hindi nagtagal, naharap ako sa panibagong pagsubok. Isang araw, inatasan ako ng lider ng isang gampanin na may kinalaman sa kung paano ginagastos ang mga handog. Nastress talaga ako nang marinig ito at naisip ko na kung may mangyayaring mali na magdudulot ng malubhang kawalan sa mga handog ng Diyos, iyon ay talagang pagbukas sa mga pintuan ng impiyerno, at hindi ko matatamo ang isang magandang kahihinatnan at destinasyon! Hindi, naisip ko na dapat kong sabihin sa lider na hindi ko ito kayang tanggapin. Pero ako ang taong pinakaangkop sa gawain, kaya kung iiwasan ko ito, maaantala niyon ang gawain ng iglesia. Hindi ko alam ang gagawin ko. Talagang nagtatalo ang kalooban ko. Gusto kong maghanap ng dahilan na hindi ito gawin, pero medyo nakonsensya ako. Napagtanto ko na muli ko na namang isinasaalang-alang ang sarili kong kinabukasan at kapalaran, kaya nagmadali akong magdasal: “Diyos ko, natatakot po akong umako ulit ng responsibilidad at gusto kong iwasan ang tungkuling ito. O Diyos, hindi ako pwedeng maging makasarili at isaalang-alang lamang ang sarili kong mga interes. Pakiusap, gabayan Mo po ako na magpasakop.” Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos pagkatapos noon. “Ngayon, kung ano ang kinakailangan sa inyo na kamtin ay hindi mga karagdagang hinihingi, kundi ang tungkulin ng tao, at ang kailangang gawin ng lahat ng tao. Kung kayo ay walang kakayahan na gampanan man lamang ang inyong tungkulin, o magawa ito nang mainam, hindi ba’t pinahihirapan ninyo lamang ang inyong mga sarili? Hindi ba’t sinusuyo ninyo ang kamatayan? Paano pa kayo makakaasa na magkaroon ng hinaharap at mga posibilidad? Ang gawain ng Diyos ay ginagawa para sa kapakanan ng sangkatauhan, at ang pakikipagtulungan ng tao ay ibinibigay para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos. Pagkatapos na nagawa ng Diyos ang lahat ng nararapat Niyang gawin, ang tao ay kinakailangang maging pursigido sa kanyang pagsasagawa, at makipagtulungan sa Diyos. Sa gawain ng Diyos, ang tao ay hindi dapat magkulang sa pagsisikap, nararapat mag-alay ng kanyang katapatan, at hindi dapat magpasasa sa napakaraming kuru-kuro, o maupo nang walang-kibo at maghintay ng kamatayan. Kayang isakripisyo ng Diyos ang Kanyang Sarili para sa tao, kaya bakit hindi maibigay ng tao ang kanyang katapatan sa Diyos? May iisang puso at isip ang Diyos tungo sa tao, kaya bakit hindi makapag-alok ng kaunting pakikipagtulungan ang tao? Gumagawa ang Diyos para sa sangkatauhan, kaya bakit hindi magampanan ng tao ang ilan sa mga tungkulin niya para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos? Nakarating na ang gawain ng Diyos nang ganito kalayo, gayunman kayo ay nakakakita pa rin ngunit hindi kumikilos, kayo ay nakakarinig ngunit hindi gumagalaw. Hindi ba’t ang mga taong ganyan ay ang mga layon ng kapahamakan? Nailaan na ng Diyos ang Kanyang lahat para sa tao, kaya bakit, ngayon, hindi pa rin magampanan ng tao nang masigasig ang kanyang tungkulin? Para sa Diyos, ang Kanyang gawain ay ang Kanyang uunahin, at ang gawain ng Kanyang pamamahala ay ang pinakamahalaga. Para sa tao, ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pagtupad sa mga kinakailangan Niya ay kanyang unang prayoridad. Ito ay dapat maunawaan ninyong lahat” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Pagkatapos kong basahin ito, naunawaan ko na ang tungkuling ito ay hinihingi ng Diyos sa akin at isang responsibilidad na dapat kong tuparin. Tungkulin ko na tapusin ito. Kung iiwasan at tatanggihan ko ang tungkuling ito para protektahan ang sarili kong kinabukasan at hantungan, mawawalan ng halaga ang buhay bilang isang nilikha at ang ganoong klaseng pananalig ay hindi makakakuha ng pagsang-ayon ng Diyos. Biyaya ng Diyos na nakakaganap ako ng tungkulin sa iglesia, pero hindi ko man lang isinaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at ginusto kong tanggihan ang tungkulin, labag sa konsensya ko. Pagiging walang konsensya ito, at hindi ako karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos. Talagang nakonsensya ako nang maisip ko iyon at nadama kong handa na akong bitawan ang sarili kong mga interes at tanggapin ito. Medyo mahirap noong una kong simulan ito. Walang nakahanap ng magandang paraan, at nagpatuloy na walang pag-usad ang gawain. Wala rin akong magandang solusyon, at medyo nabalisa ako, kaya’t nanalangin ako sa Diyos, at nakipagbahaginan at naghanap kasama ang mga kapatid. Sa pamamagitan ng maayos na pagtutulungan ng bawat isa at sa patnubay ng Diyos, nakahanap talaga kami ng landas kaagad, at nakagawa ng kaunting pag-usad sa gawain. Nang makita ko ito, paulit-ulit akong nagpasalamat sa Diyos.
Pinatibay ng karanasang ito ang pananampalataya ko sa Diyos at nakita ko na anuman ang tungkulin ko, ito ay isang responsibilidad at obligasyon na dapat kong tanggapin. Hindi ko ito dapat tanggihan dahil sa takot na managot. Iyon ay talagang kawalan ng pagkatao. Naranasan ko rin na biyaya ng Diyos na nakakaganap tayo ng tungkulin natin, at hangga’t tama ang ating mga motibo, umaako tayo ng pasanin, at tumutuon tayo sa paghahanap ng katotohanan at pagsunod sa mga prinsipyo, mas marami tayong makakamit sa gawain ng Banal na Espiritu at huhusay nang huhusay ang paggawa natin sa ating tungkulin.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.