Pinapanata ang Aking Buhay sa Debosyon

Setyembre 30, 2019

Zhou Xuan    Lalawigan ng Shandong

Noong Abril 3, 2003, pumunta ako kasama ang isang kapatid para bisitahin ang isang bagong mananampalataya. Itong bagong mananampalataya ay hindi tiyak ang tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at sa huli’y isinumbong kami. Bilang resulta, apat na masasamang nakasibilyang pulis ang dumating at mapusok na pinilit kaming dalawa na pumasok sa kanilang sasakyan at dinala kami sa estasyon ng pulisya. Sa daan, sobra ang kaba ng puso ko, dahil may dala akong pager, isang bahagi ng listahan ng mga pangalan ng miyembro ng aming iglesia, at isang talaan. Natatakot ako na matutuklasan ng masamang pulis ang mga bagay na ito at mas lalo akong natakot na tatawagan ng aking mga kapatid ang aking pager, samakatuwid patuloy at dali-dali akong nanalangin sa Diyos nang taos-puso: “O Diyos, ano ang dapat kong gawin? Humihingi ako sa Iyo ng daan para makawala ako at huwag hayaang mahulog ang mga bagay na ito sa mga kamay ng masamang pulis.” Kasunod nito, kinuha ko ang mga bagay mula sa aking bag at tahimik na inilipat ang mga ito sa aking baywang at sinabi na masama ang aking tiyan at kailangan kong gumamit ng palikuran. Minura ako ng masamang pulis na sinasabing: “Puro ka kalokohan!” Sa aking paulit-ulit na kahilingan, inutusan nila ang isang babaeng pulis para bantayan ako habang ako’y papunta sa palikuran. Nang tinanggal ko ang aking sinturon, nahulog ang pager at agad kong pinulot ito at itinapon ito sa tubo ng alkantarilya. Dahil natakot ako noon na matutuklasan ng babaeng pulis ang bag sa aking baywang, hindi ko ito itinapon sa tubo, sa halip ay inilagay ito sa basurahan; naisip ko na gagamitin kong muli ang palikuran sa gabi at pagkatapos itatapon ito sa kubeta. Sa kinalabasan, hindi na ako kailanman nakabalik sa palikurang iyon. Lumabas na nakita ng masamang pulis ang bag na aking itinapon sa basurahan.

Ako at ang kapatid ay ikinulong ng masamang pulis sa isang kuwarto at pinahubad sa amin ang lahat ng aming mga damit para makapkapan nila kami. Binulatlat pa nila ang aming mga buhok para makita kung may itinago kaming anumang bagay. Nang matapos sila sa paghahanap, pinosasan at ikinulong nila kami sa kuwarto. Nang sumapit ang gabi, pinaghiwalay kami ng masamang pulis para sa matinding interogasyon; tinanong nila ako: “Tagasaan ka? Ano ang pangalan mo? Kailan ka dumating dito? Ano ang ginagawa mo rito? Saan ka nakatira? Ano ang pinaniniwalaan mo? Ano ang pangalan ng taong kasama mo?” Dahil hindi sila nasiyahan sa aking mga sagot, galit na sinabi ng masamang pulis: “Nagpapakita kami ng kaluwagan sa yaong mga umaamin at kabagsikan sa yaong mga lumalaban. Kung hindi ka magsasabi ng katotohanan, sisisihin mo lang ang iyong sarili! Magsalita ka! Sino ang inyong pinuno? Ano ang ginagawa mo? Magsalita ka at magiging maluwag kami sa iyo.” Sa nakikita kung paano sila mala-demonyong mabagsik na tumingin, tahimik akong gumawa ng isang pagpapasiya: Talagang hindi ako magiging Judas, hindi ko ibebenta ang aking mga kapatid at hindi ko ibebenta ang mga interes ng pamilya ng Diyos. Nang nakita nila na wala silang makukuha kahit anuman mula sa akin, naligalig sila at nagsimulang suntukin at tadyakan ako nang galit na galit na sinasabi: “Dahil wala ka namang sinasabing anumang bagay, tuturuan ka namin ng leksyon sa pamamagitan ng panliligalig sa iyo hanggang maging isang naka-unat na agila!” Pagkatapos biglang nagkaroon muli ng pagbugso ng marahas na panununtok at pananadyak. Maya-maya, inutusan ako ng isa sa kanila na umupo sa lapag, at pinosasan ang aking mga kamay at pinilipit ang mga ito papunta sa aking likod nang mahigpit hangga’t kaya niya. Pagkatapos ay inilagay niya ang isang upuan sa aking likod at gumamit ng lubid para igapos ang aking mga kamay sa likod ng upuan. Ginamit niya ang kanyang mga kamay at ibinuhos ang lahat ng kanyang lakas pababa, na matinding nagdidiin sa aking mga braso. Agad-agad, parang mababali ang aking mga braso; napakasakit nito na napahiyaw ako nang nakakatulig. Paulit-ulit nilang ginanito ang aking mga braso na walang hintong pinapahirapan ako ng ilang oras. Maya-maya, hindi ko na ito nakaya at kumibot mula ulo hanggang paa. Nang nakita nila ito, sinabi nila: “Huwag kang magpanggap na para kang baliw, ilang beses na naming nakita ito dati. Sino sa tingin mo ang iyong tinatakot? Sa tingin mo ba na sa paggawa nito ay mapapakawalan ka?” Nakita nila na kumikibot pa rin ako at sinabi ng isang masamang pulis: “Pumunta ka sa palikuran at lagyan ng kaunting tae ang kanyang bibig, tingnan natin kung kakainin niya ito o hindi.” Gumamit sila ng patpat para makakuha ng kaunting tae at ipinahid ito sa aking bibig at ipinakain ito sa akin; bumubula pa rin ang aking bibig at nakita nila na ako’y kumikibot pa rin, kaya ibinaba nila ako mula sa upuan. Hindi ko matiis ang pananakit ng buo kong katawan na para bang pinulikat ako mula ulo hanggang paa at sumigaw ako sa sakit habang ako’y paralisadong nakahiga sa sahig. Matapos ang mahabang oras, nagsimulang gumalaw muli ang aking mga kamay at braso. Natakot ang masamang pulis na baka iumpog ko ang aking ulo sa pader at patayin ang aking sarili, kaya binigyan nila ako ng helmet. Maya-maya, kinaladkad nila ako pabalik sa maliit na bakal na kuwarto. Umiyak at nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos, napakahina ng aking laman. Nais kong protektahan Mo ako. Kahit pa gaano ako inuusig ni Satanas, mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ipagkanulo Ka tulad ni Judas. Hindi ko ibebenta ang aking mga kapatid o ang interes ng pamilya ng Diyos. Handa akong maging saksi para sa Iyo upang ipahiya iyong matandang Satanas.”

Sa ikatlong araw, kinuha ng masamang pulis ang talaan at listahan ng mga pangalan ng miyembro ng iglesia na aking itinapon sa basurahan at ako’y tinanong. Nang nakita ko ang mga bagay na ito, lalo akong hindi mapakali at punong-puno ng pagsisi sa sarili at panghihinayang. Galit ako na ako’y naging napakaduwag at nangingimi na hindi ako nagkaroon ng sapat na lakas ng loob ng mga oras na iyon para itapon ang bag sa tubo ng alkantarilya, kung saan naging resulta nitong malubhang kinahinatnan. Mas lalo pa akong nagalit na hindi ako nakinig sa mga pagsasaayos ng pamilya ng Diyos at dinala ang mga bagay na ito sa pagtupad ng aking tungkulin, na nagdulot sa iglesia nitong malaking gulo. Sa sandaling iyon, nais ko lang umasa sa Diyos upang harapin ang lahat ng nasa harap ko. Higit pa riyan, nais kong umasa sa Diyos na lupigin si Satanas.Sa oras na ito, naisip ko ang isang himno: “Naglalakad sa Landas ng Pagmamahal sa Diyos”: “Wala akong pakialam kung mahirap ang landas ng pananalig sa Diyos, Isinasagawa ko lang ang Kanyang kalooban bilang bokasyon ko; lalong wala akong pakialam kung tumanggap man ako ng mga pagpapala o magdanas ng kasawian sa hinaharap. Ngayong nagpasiya na ako na mahalin ang Diyos, magiging tapat ako hanggang wakas. Anumang mga panganib o paghihirap ang nakakubli sa likod ko, anuman ang kahinatnan ko, para masalubong ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, Sinusundan ko nang husto ang mga yapak ng Diyos at patuloy na nagpupunyagi” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Tahimik akong humuni ng kantang ito at ang aking puso ay nagkaroong muli ng pananalig at kapangyarihan. Tinanong ako ng masamang pulis: “Sa iyo ba ang mga bagay na ito? Maging tapat ka sa amin, tatratuhin ka namin nang patas. Isa kang biktima at naloko. Ang Diyos na iyong pinaniniwalaan ay masyadong malabo at malayo, isa itong pantasya. Mabuti ang partidong komunista, at dapat kang umasa sa partido at sa gobyerno. Kung mayroon kang anumang problema, maaari kang lumapit sa amin at tutulungan ka naming lutasin ito. Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng trabaho, matutulungan ka rin namin. Ipagtapat mo lang sa amin ang lahat ng bagay tungkol sa inyong iglesia; sabihin mo sa amin kung ano ang ginagawa ng mga taong ito sa iyong listahan. Saan sila nakatira? Sino ang nakatataas sa iyo?” Nakita ko ang kanilang kasinungalingang panlilinlang at sinabi: “Hindi akin ang mga bagay na ito, hindi ko alam.” Nang nakita nila na hindi ako magbubunyag ng anuman, lumabas ang kanilang tunay na mukha at binugbog nila ako nang matindi hanggang sa bumagsak ako at nagpatuloy na binugbog ako nang marahas at ibinuhos ang lahat ng kanilang lakas para kaladkarin ako sa aking mga posas. Mas kinakaladkad nila ako, lalong humihigpit ang mga posas at humihiwa sa aking laman. Sa sobrang sakit nito napaiyak ako nang malakas at malupit na sinabi ng masamang pulis: “Pagsasalitain ka namin, pipigain ka namin nang dahan-dahan na parang toothpaste para makapagsalita ka!” Sa wakas, kinuha nila ang parehong kamay ko at iginapos ang mga ito na nakaharap sa likod ng upuan at pinaupo ako sa lapag. Sinuntok nila ako at ibinuhos ang kanilang lakas at diniinan pababa ang aking mga braso; nakaramdam ako ng hindi matiis na nakakapasong sakit na parang mababali ang aking mga braso. Pinahirapan ako ng masamang pulis at umangil sa akin: “Magsalita ka!” Sinabi ko nang walang pag-aatubili: “Hindi ko alam!” “Kapag hindi ka nagsalita papatayin ka namin; kung hindi ka magsasalita, huwag kang umasa na mabubuhay pa; ikukulong ka namin ng sampung taon, dalawampung taon, buong buhay mo; huwag kang umasa kailanman na makakalabas pa!” Nang narinig ko ito, isang ideya ang lumitaw sa aking isipan: dapat akong magpasiya na maging handa na mapunta sa kulungan habambuhay. Maya-maya naisip ko ang isang himno “Nais Kong Makita ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos”: “Mamahalin ko ang Diyos at magiging tapat ako sa Kanya at tatapusin ko ang aking misyon upang luwalhatiin ang Diyos. Determinado akong manindigan nang matatag sa patotoo sa Diyos, at hinding-hindi ako susuko kay Satanas. Ah, maaaring sumabog ang aking utak at dumaloy ang aking dugo, ngunit hindi mawawala ang tapang ng mga tao ng Diyos. Ang mga payo ng Diyos ay nasa puso, determinado akong pahiyain ang diyablong si Satanas” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Naliwanagan ako ng Diyos, ginagawa akong matibay at matapang at nagbibigay sa akin ng pananalig at determinasyon na magdusa sa lahat ng bagay at maging patotoo sa Diyos. Bilang resulta, ang pakana ng masamang pulis ay hindi nanaig; pinahirapan nila ako hanggang sa sila’y mapagod, at pagkatapos dinala nila ako pabalik sa bakal na kuwarto.

Pagkalipas ng ilang araw, pinahirapan ako ng masamang pulis hanggang wala na akong lakas. Ako’y nasa lubos na pagkawala sa sarili at ang aking mga kamay at braso ay manhid. Sa pagharap dito sa malupit at hindi makataong pagpapahirap, lalo akong natakot na ang masamang pulis ay babalik at tatanungin ako. Sa sandaling naisip ko ito, walang magawa ang aking puso kundi manginig sa takot. Hindi ko talaga alam kung ano pa ang gagamitin nila para pahirapan ako, at hindi ko alam kung kailan matatapos itong interogasyon. Maaari lamang akong magpatuloy na magdasal sa aking puso sa Diyos at hilingin sa Diyos na protektahan ang aking puso at bigyan ako ng lakas at kapangyarihan upang tiisin ang pagdurusa para makakaya kong maging saksi para sa Diyos at biguin si Satanas sa lubos na kahihiyan.

Nang nakita ng masamang pulis na hindi ako aamin, sumama sila sa Pambansang Brigada ng Seguridad at sa Kagawaran ng Pampublikong Seguridad para ako’y tanungin. Mayroong higit sa dalawampung tao roon na nagpapalitan sa pagtatanong sa akin araw at gabi na sinusubukang mapuwersa akong umamin. Noong araw na iyon, dalawang masamang pulis mula sa Pambansang Brigada ng Seguridad na nagtanong na sa akin dati ang pumunta sa akin at paunang mabait na nagsalita na sinasabing: “Kapag nagsabi ka ng katotohanan, pakakawalan ka namin at gagarantiyahan namin ang iyong kaligtasan. … Tanging ang partidong komunista ang maaaring magligtas sa iyo, at hindi ka maaaring iligtas ng Diyos….” Nang nakita ng isa sa kanila na hindi ako magsasabi ni isang salita, nabalisa siya at nagsimulang sigawan ako nang may pagmumura, na napaupo ako sa sahig. Tinadyakan niya ako sa hita nang malakas sa abot ng kanyang makakaya gamit ang balat na sapatos na nagdulot ng hindi matiis na sakit. Isa pang masamang pulis ang nagtanong sa kanya: “Kamusta na, nagsasalita ba siya?” Sinabi niya: “Napakatigas ng ulo niya, kahit paano mo siya bugbugin at hindi siya magsasalita.” Mabagsik na sinabi ng tao: “Kapag hindi siya nagsalita, bugbugin mo siya hanggang mamatay!” Ang masamang pulis ay pinagbantaan ako na nagsasabing: “Hindi ka ba magsasalita? Kung gayon papatayin ka namin!” Sinabi ko: “Nasabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin, hindi ko alam!” Nagalit siya nang sobra na mukhang lubos siyang nabaliw, pagkatapos siya’y umungal na parang isang mabangis na hayop at nagsimulang bugbugin at pagsisipain ako. Sa wakas siya’y napagod sa pambubugbog sa akin at nakakita ng lubid na kasing kapal ng daliri at ibinalot ito sa paligid ng kanyang kamay nang ilang beses. Walang humpay niyang hinagupit ang aking mukha nang paulit-ulit na sinasabing: “Hindi ka ba naniniwala sa Diyos? Ikaw ay nagdurusa, kaya bakit hindi dumarating ang iyong Diyos at iligtas ka? Bakit hindi Siya dumating at kalagan ang iyong mga posas? Nasaan ang iyong Diyos?” Nagngalit ang aking mga ngipin at tiniis ang sakit. Tahimik akong nanalangin sa aking puso sa Diyos: “O Diyos! Kung bubugbugin nila ako ngayon hanggang mamatay, hindi ako kailanman magiging tulad ni Judas. Gusto kong sumama Ka sa akin at protektahan ang aking puso. Handa akong ibigay ang aking buhay para tumayong saksi para sa Iyo at ipahiya ang matandang Satanas.” Naisip ko ang isang himno “Tanging Kahilingan Ko ay Masiyahan ang Diyos”: “Lubos at ganap akong nakalaan, nakalaan sa Diyos na walang takot sa kamatayan. Laging higit sa lahat, ang Kanyang kalooban. Hinaharap ko’y ’di alintana, magkaro’n man o mawalan, Nais ko lang na ang Diyos ay masiyahan. Taglay ko ang matibay na patotoo, hinihiya si Satanas sa kal’walhatian ng Diyos. Nangangakong pag-ibig ng Diyos suklian. Sa puso ko, pinupuri ko Siyang walang-humpay. Nakita ko na ang Araw ng katuwiran, lahat ng nasa lupa, saklaw ng katotohanan. Matuwid ang disposisyon ng Diyos karapat-dapat purihin ng sangkatauhan. Iibigin ko Makapangyarihang Diyos magpakailanman, at itataas ko ang Kanyang pangalan” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Ipinikit ko ang aking mga mata at tiniis ang baliw na pagpapahirap at pambubugbog ni Satanas. Sa sandaling iyon, para bang nakalimutan ko ang tungkol sa aking sakit. Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang labis na pagpapahirap. Hindi na ako nangahas na isipin ang tungkol dito, at hindi ko na nga maiisip ang tungkol dito. Ang tanging bagay na maaari kong gawin ay walang tigil na manalangin at umiyak sa Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay din sa akin ng patuloy na pananalig: “Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 26). “At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno(Mateo 10:28). Naisip ko ang tungkol sa kung paano ang malaking pulang dragon ay isa lamang papel na tigre na nakatakdang matalo sa mga kamay ng Diyos. Kung hindi ito hinayaan ng Diyos, hindi darating ang kamatayan sa akin; kapag wala ang pahintulot ng Diyos, wala ni isang hibla ng aking buhok ang mawawala. Naisip ko rin itong mga salita ng Diyos: “Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19). Ang kapangyarihan ng salita ng Diyos ay walang hanggan at nagpalaki sa aking pananalig; nagkaroon ako ng determinasyon para labanan si Satanas hanggang sa katapusan. Nang napagod ang masamang pulis sa pambubugbog sa akin, tinanong niya ako ulit: “Magsasalita ka ba?” Matatag kong sinabi: “Kahit pa bugbugin ninyo ako hanggang kamatayan, hindi ko pa rin alam!” Nang marinig iyon ng masamang pulis, wala siyang magawa. Ibinato niya ang lubid at sinabi: “Napakatigas talaga ng ulo mo, tulad ng isang mola. Magaling ka talaga, wala kang sasabihing anumang bagay kahit pa mamatay ka. Saan mo nakuha itong matinding lakas at pananalig? Talagang mas matindi ka pa Liu Hulan kaysa kay Liu Hulan. Nang narinig kong sinabi niya ito, para bang nakita ko na matagumpay na nakaupo ang Diyos sa Kanyang trono, pinapanood na napapahiya si Satanas. Bahagya akong umiyak at bahagyang pinuri ang Diyos: O Diyos, sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Iyong kapangyarihan, kaya kong mangibabaw kay Satanas, ang demonyo! Pagdating sa mga katunayan, nakikita ko na Ikaw ay lubos na makapangyarihan at walang kapangyarihan si Satanas; laging matatalo si Satanas sa ilalim ng Iyong kontrol. Kung hindi mo ito hahayaan, hindi makakaya ni Satanas na pahirapan ako hanggang kamatayan. Sa sandaling ito, naliwanagan na naman ako ng mga salita ng Diyos: “Ang disposisyon ng Diyos ay nabibilang sa Tagapamahala ng lahat ng bagay at mga buhay na nilalang…. Ang disposisyon Niya ay ang sagisag ng awtoridad … Higit pa riyan, isa itong sagisag Niya na hindi maaaring[a] madaig o masalakay ng kadiliman at ng anumang puwersa ng kaaway …(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos). Sa pagkakaroon ng karanasan sa malupit na pag-uusig ng malaking pulang dragon, tunay kong nakita ang pagmamahal ng Diyos at kaligtasan para sa akin at naranasan ko ang kapangyarihan at awtoridad ng salita ng Diyos. Kapag wala ang salita ng Diyos na gumagabay sa akin sa bawat hakbang ng buong daan at sa pamamagitan lang ng pagtitiwala sa aking sariling lakas, magiging imposible para sa akin na mapagtagumpayan ang pagpapahirap at pambubugbog ng malaking pulang dragon. Gayon din, ipinakita nito sa akin ang mahina at nagulping imahe ng malaking pulang dragon. Nakita ko sa malademonyong diwa ng pagiging hindi makatao nito at kawalang-bahala sa buhay at kinasuklaman ko ito at isinumpa ito sa aking puso. Ninais kong lubos na putulin ang lahat ng koneksyon dito at sundin si Cristo at paglingkuran si Cristo hanggang sa walang-hanggan.

Nang sumunod na araw, dumating ang masamang pulis at tinanong ulit ako, talagang nasorpresa sila at sinabi: “Anong mali sa iyong mukha?” Nang tumingin ako sa salamin, hindi ko makilala ang sarili ko; hinampas ng masamang pulis ang aking mukha gamit ang lubid ng nakaraang araw at ito’y namaga nang todo at nangitim at asul tulad ng isang oso na panda. Nang nakita ko na nagbago ang aking mukha na hindi na makilala, nakaramdam ako ng mapait na pagkapoot para sa malaking pulang dragon at ginawa ang aking resolusyon na maging patotoo. Talagang hindi ko maaaring hayaan na ang pakana nito ay mangibabaw! Nabugbog nang todo ang aking mga binti na hindi ako makalakad at kapag pumunta ako sa palikuran, nakikita ko na ang pareho kong mga binti ay wala nang naiwang normalidad, itim at asul ang lahat. Sinabi ng isa sa masasamang pulis: “Hindi mo kailangang magdusa nang ganito; kung nagsalita ka, hindi mo na kailangang magdusa; ginagawa mo ito sa iyong sarili! Isipin mo ito; umamin ka at iuuwi ka namin sa iyong asawa at anak na babae.” Matapos itong marinig na sinabi niya, kinapootan ko siya sa kaibuturan. Maya-maya, binago nila ang kanilang paraan at nagsimulang naghalinhinan sa pamamagitan ng hindi pagpapatulog sa akin buong araw at buong gabi. Kapag nagisimula na akong makatulog, sisigaw sila at mag-iingay para gisingin ako; sinubukan nilang sirain ang aking kalooban sa pamamagitan ng hindi pagpapatulog sa akin para makapagsasalita ako nang wala sa sarili, at magulomg kalagayan ng isip. Nagpasalamat ako sa Diyos sa pagprotekta sa akin. Kahit pa ang masamang pulis ay patuloy na ginigising ako nang apat na araw at apat na gabi, hindi mahalaga kung paano nila ako tinanong, nagtiwala ako sa Diyos para sa tatag at pananalig, hindi lamang na hindi lumilipad ang aking isip, ngunit napakaalerto ko pa. Habang paulit-ulit akong tinanong ng masamang pulis, lalo pang nawalan sila ng sigla at nasiraan ng loob. Nagsimula silang nagsagawa ng walang-siglang interogasyon; nagmura at nagreklamo sila, nagalit sila na nagdulot ako sa kanila na mawala ang kanilang gana, na hindi makapagpahinga nang mabuti, at magdusa kasama ko, pakiramdam nila na sila ay napakamalas. Sa huli, ang ginawa lang nila ay impormal akong tinanong at wala nang paghahangad para tanungin ako nang husto. Dito sa yugto ng laban, bigo muling nagtapos si Satanas.

Hindi lang doon natapos ang masamang pulis, sinubukan nila akong akitin. Dumating ang isang masamang pulis at nilagay ang kanyang daliri sa ilalim ng aking baba, kinuha ang aking kamay at sinabi ang aking pangalan. Sa isang “mainit” na tinig kanyang sinabi: “Napakaganda mo; hindi sulit na magdusa ka nang todo rito. Anumang problema mayroon ka, matutulungan kitang lutasin ang mga ito. Walang napuntahan ang iyong pananalig sa Diyos. May dalawa akong bahay, isang araw, dadalhin kita roon para magkaroon ng kaunting kasiyahan; tayong dalawa ay maaaring bumuo ng tambalan. Kapag umamin ka, magiging malaya ka. Anuman ang iyong gusto, matutulungan kita. Hindi kita tatratuhin nang hindi patas….” Nang marinig ko itong mga nakapandidiri, masagwang kasinungalingan, pakiramdam ko ay nasusuka ako at agad walang pag-aatubiling tinanggihan siya. Wala siyang ibang magawa kundi umurong na ang kanyang buntot ay nasa pagitan ng kanyang mga binti. Ipinaintindi nito sa akin nang mabuti itong mga kalunos-lunos at walang-kahihiyan na kung tawagi’y mga “pulis ng mga tao.” Para makamit ang kanilang mga sariling layunin; gumagamit sila ng mga kalunos-lunos at masasagwang paraan nang walang anumang pakiramdam ng kahihiyan; wala silang anumang dignidad o integridad; sila’y mga tunay na masamang maruming espiritu!

Sunod-sunod ang tusong pakana ng masamang pulis at sinamantala nila ang mga miyembro ng aking pamilya para subukan akong pilitin, na sinasabing: “Naniniwala ka lang sa Diyos, hindi mo iniisip ang iyong asawa, anak na babae, mga magulang, at iba pang miyembro ng pamilya; ang iyong anak na babae ay papasok sa paaralan balang-araw at maghahanap ng trabaho. Kung magpipilit ka sa iyong pananampalataya, ito’y direktang makakaapekto sa kanyang inaasahan sa hinaharap. Hahayaan mo bang mangyari ito sa kanya? Hindi mo iniisip ang tungkol sa kanya; may puso ka ba para hayaan siyang masangkot dito?” Kasunod nito, dinala nila sa loob ang aking asawa, anak na babae, at tiyahin para hayaan silang subukan at kumbinsihin ako. Nang makita ko ang aking anak na babae na hindi ko nakita nang ilang taon, di-mapigilang umagos ang aking mga luha. Sa sandaling ito, nagdasal ako sa Diyos nang may buo kong lakas: “O Diyos, hinihingi ko sa Iyo na protektahan mo ang aking puso, dahil ang aking laman ay masyadong mahina. Sa oras na ito, hindi ako maaaring mabiktima ng mga panloloko ni Satanas at hindi ako maaaring matukso ni Satanas na madala ng aking mga emosyon; hindi ko maaaring ipagkanulo ang Diyos o ibenta ang aking mga kapatid; hinihingi ko lang sa Diyos na samahan ako at bigyan ako ng pananalig at kapangyarihan.” Sinabi ng tiyahin ko sa akin: “Bilisan mo at magsalita na, bakit ba napakahangal mo? Sulit ba ang pagdurusang ito dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Sino ang mag-aalaga sa iyo kapag may nangyari? Nag-aalala sa iyo ang iyong ina at ama, nag-aalala sila sa iyo araw-araw, hindi sila makakain o makatulog nang mabuti. Kailangan mo kaming isipin at bumalik at mamuhay kasama namin. Huwag kang maniwala sa Diyos. Tingnan mo kung anong mga paghihirap ang iyong pinagdusahan dahil sa iyong paniniwala sa Diyos; bakit ka mag-aabala?” Kahit na ako’y mahina, ako’y protektado ng Diyos at kinikilala ko na ito’y isang espirituwal na laban at makikita ko ang mga pandaraya ni Satanas; ang mga salita ng Diyos ay nagpaalala sa akin sa aking puso na: “… kailangan mong mapalugod ang Diyos, bagama’t maaaring mapait ang iyong pagluha o nag-aatubili kang mawalay sa anumang bagay na minamahal mo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Sa mga oras na iyon, sinabi ko sa kanya: “Tiya, huwag mo akong subukang kumbinsihin, nasabi ko na ang lahat ng bagay na dapat kong sabihin sa kanila. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin sa kanila. Maaari nila akong tratuhin sa kung papaano nila ako gustong tratuhin, bahala sila. Hindi kayo dapat nag-aalala sa akin. Dapat na kayong bumalik!” Nang nakita ng masamang pulis ang aking matatag na saloobin, wala silang ibang nagawa kundi hayaang bumalik ang aking pamilya. Ang mga balak at pakana ng masasamang pulis ay nabigo at masyado silang nagalit na nagngalit ang kanilang mga ngipin at sinabi: “Wala ka talagang puso! Napakamakasarili mo. Wala ka talagang kalikasan ng pagiging tao. Nasaan ang iyong Diyos? Kung Siya ay lubos na makapangyarihan sa lahat, bakit ka Niya hinahayaang magdusa rito? Bakit hindi dumating ang iyong Diyos at iligtas ka? Kung talagang may Diyos, bakit hindi Siya dumating at kalagan ang iyong mga posas at iligtas ka? Nasaan ang Diyos? Huwag hayaang maloko ka ng mga kasinungalingang ito, huwag kang hangal. Hindi pa huli para gumising ka at makita ang katotohanan. Kapag hindi ka umamin, ilalagak ka namin sa kulungan ng maraming taon!” Ang mga kasinungalingan ng masamang pulis ay nagpa-isip sa akin ng tanawing ipinapako sa krus ang Panginoong Jesus. Personal na dumating ang Diyos at kinuha ang katawang-tao para tubusin ang buong sangkatauhan; ang lahat ng Kanyang ginawa ay para sa kapakanan ng tao; gayon pa man, kinutya Siya, siniraan, pinaratangan, minura, ininsulto, at pinaslang ng mga Fariseo at ng yaong mga nasa kapangyarihan. Nagdusa ang Diyos ng matinding kahihiyan para mailigtas ang sangkatauhan, at sa huli’y ipinako sa krus para sa sangkatauhan. Ang lahat ng sakit na dinanas ng Diyos ay para sa sangkatauhan at ngayon ang sakit na aking dinaranas ay kung ano ang dapat kong danasin. Dahil mayroon akong lason ng malaking pulang dragon, sa isang dako, ginagamit ng Diyos itong pagkakataon para subukan ako, at sa kabilang dako para hayaan ako na tunay na maintindihan ang masamang kalikasan ng malaking pulang dragon at, upang kamuhian at ipagkanulo ang malaking pulang dragon, at para buong-pusong sundin ang Diyos. Tulad ng sinasabi ng salita ng Diyos: “Hinahangad ng Diyos na gamitin ang isang bahagi ng gawain ng masasamang espiritu upang perpektuhin ang isang bahagi ng tao, upang ang mga taong ito ay maaaring lubusang makakita sa kaloob-looban ng mga gawa ng mga demonyo, at tulutan ang bawat isa na tunay na maunawaan ang kanilang mga ninuno. Tanging sa ganitong paraan ganap na makakalaya ang mga tao, hindi lamang tinatalikdan ang pamana ng mga diyablo, kundi pati ang mga ninuno ng mga diyablo. Ito ang orihinal na hangarin ng ganap na paggapi ng Diyos sa malaking pulang dragon, upang gawin na lahat ng tao ay nakikilala ang tunay na anyo ng malaking pulang dragon, lubusang pinupunit ang maskara nito, at nakikita ang tunay nitong anyo. Ito ang ninanais ng Diyos na makamit, at ito ang Kanyang huling layunin sa lupa kung saan para dito ay nakagawa Siya ng napakaraming gawain; nilalayon Niyang tuparin ito sa lahat ng tao. Ito ay tinatawag na pagmamaniobra ng lahat ng bagay para sa layunin ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 41).

Sa huli, ipinadala ako ng masamang pulis sa kulungan at ikinulong ako bilang isang kriminal nang isang buwan. Sa loob ng buwan na ito, tinanong nila ako ng isa pang beses. Sa dalawang araw at dalawang gabi, hindi nila ako pinatulog at hindi ako binigyan ng sapat na makakain. Kung minsan hindi nila ako bibigyan ng anumang pagkain, ngunit wala pa rin itong saysay. Ang malaking pulang dragon ay nagpapahirap at nagpaparusa sa mga tao na tulad nito nang walang katapusan! Nang natapos ang aking pagkakakulong, sinentensiyahan nila ako ng dalawang taon ng reporma sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa “paniniwala sa Xie Jiao at panggugulo sa kaayusan ng lipunan” nang walang anumang ebidensiya. Bago ako pumunta sa kampo ng pagtatrabaho, nagpadala sa akin ang pamilya ko ng 2,000 yuan para sa mga gastusin sa pamumuhay, ngunit nilustay nila ang lahat ng ito. Ang mga demonyong ito ay talagang mga Satanas at masasamang espiritu na nauhaw sa dugo at buhay ng tao. Purong kasamaan ito! Sa bansa ng malaking pulang dragon, walang batas; ang anumang bagay na sinasalungat nito, kaya nitong patayin at samantalahin ayon sa kagustuhan nito; makagagawa ito ng mga kriminal na paratang kapag gugustuhin nito para kumontrol ng mga tao at usigin ang mga tao. Ang malaking pulang dragon ay madayang nagkakanulo at nambibitag ng mga tao, pumapatay ito ng mga inosenteng tao, gumagawa ito ng isang bagay mula sa wala, at di-patas itong nagbabansag ng mga tao. Sila ang mga tunay at totoong kulto, mga grupo sila ng mga organisadong kriminal at mga gangster na naghahatid ng mga kalamidad at sakuna sa sangkatauhan. Sa dalawang taon sa kampo ng pagtatrabaho, nakita ko ang masamang pulis ng gobyerno ng Tsina na pangunahing nag-aabuso at inuutusan ang mga trabahador na parang mga alipin. Pinapakain nila ang mga tao ng mga pinasingawang lumpia at sopas na gulay sa bawat araw; araw at gabi, pinagtatrabaho nila kami nang sobra sa oras. Araw-araw ay sobra-sobra ang pagod ko at hindi nakakatanggap ng anumang kabayaran. Kung hindi ako maayos na nagtrabaho, matatanggap ko ang kanilang mabagsik na pagpula at kaparusahan (pinahabang mga sentensiya, paghihigpit sa pagkain, sapilitang pagtayo nang walang galaw). Sa mga panahong ito, hindi pa rin ako nilulubayan ng masamang pulis, tinanong nila ako na sinusubukang mapaamin ako sa kalagayan ng iglesia. Masakit ko itong kinapootan, umaasa sa pananalig at kapangyarihan mula sa Diyos, galit kong sinabi: “Binugbog at pinarusahan na ninyo ako; ano pa ba ang gusto ninyo? Nasabi ko na ang lahat ng bagay na dapat kong sabihin; maaari ninyo akong tanungin nang sampu, dalawampung taon, at hindi ko pa rin alam ang anumang bagay. Kalimutan na ninyo ang tungkol dito!” Nang narinig nila ito, yamot nilang sinabi: “Hindi ka na magagamot, maghintay ka na lang dito!” Sa wakas, umalis ang masasamang pulis na ang kanilang mga buntot ay nasa pagitan ng kanilang mga binti.

Matapos maranasan ang hindi makataong pagpapahirap ng malaking pulang dragon at malupit na pagtrato pati na rin ang hindi patas na pamumuhay sa kulungan nang dalawang taon, malinaw kong nakita na ang diwa ng malaking pulang dragon ay kasinungalingan, kasamaan, kapalaluan, at kalupitan. Mababa pa ito sa hayop na pantrabaho. Umaabot pa sila hanggang sa paglalagay ng mga bandera na nagsasabing “kalayaan sa relihiyon,” pagkatapos ay tinutugis at inuusig nila ang mga taong hinirang ng Diyos sa bawat posibleng paraan. Desperado nilang ginugulo at binubuwag ang gawain ng Diyos. Sila’y mga mamamatay-tao na pumapaslang nang walang kakurap-kurap, sila’y mga bandidong magnanakaw sa ilalim ng balabal ng “kawanggawa, katarungan, kapayapaan at pagkamatuwid.” Sa katapusan, ang kanilang mga maskara ay lubusang napunit sa pamamagitan ng karunungan ng gawain ng Diyos, at nailantad sa liwanag ang kanilang buktot na malademonyong mukha para maaari kong mabuksan ang saklaw ng aking pananaw at magising mula sa aking panaginip. Tulad lamang ng mga salita na sinasabi ng Diyos: “Sa loob ng libu-libong taon, ito ang naging lupain ng karumihan. Hindi matitiis ang karumihan nito, napakalungkot dito, naglipana ang mga multo sa buong paligid, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,[1] walang-awa at malupit, niyuyurakan ang bayang ito ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; ang amoy ng pagkabulok ay bumabalot sa lupain at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.[2] Sino ang makakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, binubulag nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwala na ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na para bang ito ay di-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; samantala, ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, at iiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kaya nakita kailanman ng mga taong nakatira sa ganitong bayan ng mga multo ang Diyos? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao nang walang pakundangan, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Sinusuklian nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, wala silang konsensya, at tinutukso nila ang mga walang-muwang upang mawalan ng katwiran. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8).

Ang Makapangyarihang Diyos ay walang hanggang marunong, walang hanggan ang kapangyarihan at kamangha-mangha, at si Satanas, ang malaking pulang dragon, ay walang hanggang kasuklam-suklam, marumi, at walang-kakayahan. Kahit pa gaano kalupit at hindi makontrol, at kahit pa gaano ito manlaban at magrebelde, lagi itong magiging instrumento para sa Diyos upang sanayin ang Kanyang mga taong hinirang. At saka, ito’y nakatakdang mapabagsak ng Diyos sa impiyerno bilang walang-hanggang kaparusahan. Tinatangka nitong baliin ang kalooban ng mga tao sa pamamagitan ng hindi makataong pag-uusig para ilayo ng mga tao ang kanilang mga sarili sa Diyos at itakwil ang Diyos. Ngunit ito’y mali! Ang pag-uusig nito ay tiyak na nagpapakita sa atin nang ganap na diwa ng demonyo. Inaantig tayo nito para lubusan itong ipagkanulo at magkaroon ng pananalig at lakas ng loob para sundin ang Diyos sa tamang landas ng buhay. Lagi akong magtitiwala sa marunong at makapangyarihang Diyos. Simula ngayon, kahit ano pang mga natatagong panganib at problema ang nasa hinaharap, matatag kong susundin ang Diyos hanggang sa katapusan at ganap na magpatotoo sa Kanya upang mapahiya ang malaking pulang dragon.

Mga Talababa:

1. Ang “nagpaparatang nang walang batayan” ay tumutukoy sa mga paraan kung paano pinipinsala ng diyablo ang mga tao.

2. Ang “mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga paraan kung saan pinahihirapan ng diyablo ang mga tao ay lalo nang malupit, at kontrolado nang labis ang mga tao na wala na silang makilusan.

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “ito ay simbolo ng pagiging walang kakayahang maging.”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, Tsina Isang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Nang si Mama ay Makulong

Ni Zhou Jie, Tsina Labinlimang taong gulang ako nang tumakas kami ng mama ko mula sa aming bahay. Naaalala ko na malalim na ang gabi nang...