Hindi Madaling Tunay na Kilalanin Ang Iyong Sarili
Nakita ko sa mga salita ng Diyos na mahal ng Diyos ang taong tapat at kinamumuhian ang mga taong mapanlinlang at tanging mga tapat na tao ang tatanggap ng Kanyang papuri. Kaya, pinagsikapan kong maging tapat na tao, at sadyaing isagawang magsalita nang tama, maging walang-kinikilingan at praktikal, at hanapin ang katotohanan sa mga bagay-bagay sa paglalahad ko ng mga usapin. Sa aking gawain, kamalian man o pagkukulang, ay aking isinasaad nang detalyado sa pinuno. Sinasadya ko ring himayin at ilantad ang aking sariling katiwalian. Tuwing ito ay aking isinasagawa, naramdaman kong ako’y nagkaroon ng kaunting pagbabago at nakuha ko nang kaunti ang pagkakawangis ng pagiging isang tapat na tao.
Sa pagbabahagi sa kamakailang pagpupulong ng mga kasamahan sa trabaho, na pinag-usapan kung paano namin matututuhang tukuyin ang iba’t ibang uri ng mga tao sa aming paglilingkod sa Diyos, tinanong ako ng pinuno: “XX, anong uri ka ng tao sa palagay mo?” Inisip ko sa aking sarili: nagkaroon ako ng mga kaunting pagbabago kamakailan lamang, kaya itinuturing akong isang simple at bukas na tao. Para sa likas na masama, hindi naman ako ganoon kasama. Sa likas na mabuti, hindi ko angkin ang lahat ng mabuting katangian, ngunit kahit papaano dama ko na ako’y simple, tapat at walang pusong mapangmasama. Kaya, sumagot ako ng: “Kung pag-uusapan, maituturing ako na isang simple, tapat na taong may mabuting kalooban.” Sinabi ng pinuno: “Sa tingin mo ay may mabuti kang kalooban, at ikaw ay medyo simple at tapat. Kaya talagang pangangahasan mong magbukas ng sarili mo at maglantad ng lahat tungkol sa iyong sarili? Lubus-lubusan kang walang pag-aalinlangan sa Diyos? Totoong nangangahas kang tanggapin sa iyong mga salita at gawa na walang kang pansariling layunin?” Pagkarining ko nito, ako’y naging mapanghamon at nagpaliwanag na pasanggalang: “Hindi ba’t sinabi sa itaas na ang mabubuting tao ay mayroon ding mga masamang disposisyon at maaaring magpakita ng lahat ng uri ng katiwalian—‘di ba’t ito’y nasa tao lamang?” Ganap na ayaw kong magpatalo sa aking sariling opinyon.
Pagkaraang mangyari ito, pinag-isipan kong maigi ang mga sinabi ng pinuno: Totoo bang mailalabas ko ang lahat tungkol sa sarili ko? Hindi ko ito magagawa. Ang mga bagay na inilahad ko tungkol sa akin ay maliliit lamang na walang epekto sa aking reputasyon o pansariling kapakanan. Ang personal na katiwalian na inilahad ko ay isang pagpapahayag ng karaniwang katiwalian na taglay ng lahat, at hindi ko kailanman pinangahasang ilahad ang mga pangit, maruruming bagay sa kaibuturan ng aking puso. Lubos ba akong ganap na walang pag-aalinlangan sa Diyos? Hindi. Kung hindi magbubunga ang aking mga ginawa, kapag ako’y mahina at walang paniwala, hindi ko naunawaan ang Diyos at naniwalang ako’y naglingkod lamang, at walang kabuluhan ang magpatuloy dito. At hindi ako naniwala nang lubos sa mga salita ng Diyos, sa disposisyon ng Diyos. Hindi ako naniwala na gagantimpalaan at parurusahan ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang mga salita, kaya madalas kong sinubukan ang Kanyang disposisyon. Kapag ako ay nasa labas na umiikot at nagtatrabaho, lahat ay pakikipagkasundo lamang sa Diyos upang sa hinaharap ako ay mapagpapala at makakaiwas sa sakuna; hindi ito pagtupad sa katungkulang dapat gampanan ng bawat nilalang. Kahit na may pagpapakita ng mabuting ugali, iyon ay para makita ng ibang tao, mabigyan sila ng magandang pagkakilala. … Sa pag-iisip ng kung ano ang naibinunyag nito, hindi ba’t ito’y isang mapanlinlang na paglalahad? Gayunman, inisip ko na talaga namang ako ay isang simple at tapat na tao—‘di ba’t ito’y hindi lubos na pagkakakilala sa aking sarili? Isipin kung ano ang sinabi ng Diyos: “Ang mga tao ay may lubhang napakababaw na pagkaunawa sa kanilang sariling kalikasan, at may napakalaking pagkakaiba sa pagitan nito at ng mga salita ng paghatol at pahayag ng Diyos. Hindi ito isang pagkakamali sa kung ano ang ibinubunyag ng Diyos, kundi ito ay ang kakulangan sa malalim na pagkaunawa ng mga tao tungkol sa sarili nilang likas na pagkatao. Ang mga tao ay walang pangunahin o malaking pagkaunawa sa kanilang mga sarili; sa halip, sila ay nakatuon at naglalaan ng kanilang lakas sa kanilang mga pagkilos at panlabas na mga pagpapahayag. Kahit may nagsabi ng isang bagay paminsan-minsan tungkol sa pagkaunawa sa kanyang sarili, hindi ito magiging napakalalim. Walang sinuman ang kailanma’y nag-isip na siya ay ganitong uri ng tao o may ganitong uri ng kalikasan sanhi ng pagkakagawa ng ganitong uri ng bagay o pagkakabunyag ng isang bagay. Naibunyag ng Diyos ang likas na pagkatao at diwa ng sangkatauhan, subali’t nauunawaan ng mga tao na ang kanilang paraan nang paggawa ng mga bagay-bagay at kanilang paraan ng pananalita ay may kapintasan at depektibo; samakatuwid, isang nakapapagod na gawain para sa mga tao na isagawa ang katotohanan. Iniisip ng mga tao na ang kanilang mga pagkakamali ay pansamantalang mga pagpapakita lamang na nabubunyag nang walang ingat sa halip na pagiging mga kapahayagan ng kanilang kalikasan. … samakatuwid, kapag isinasagawa ang katotohanan, sila ay basta sumusunod lamang sa mga tuntunin. Hindi itinuturing ng mga tao na lubhang tiwali ang kanilang sariling likas na pagkatao…; subali’t, sa katunayan, napakalayo nila sa pag-abot sa pamantayan, sapagka’t ang mga tao ay mayroon lamang ilang mga pagkilos na sa panlabas ay hindi lumalabag sa katotohanan, kapag hindi nila aktwal na isinasagawa ang katotohanan” (“Pag-unawa sa Likas na Pagkatao ng Isang Tao at Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa pamamagitan ng kaliwanagan mula sa mga salita ng Diyos, noon ko natanto na ang pagkakilala ko sa aking sarili ay sadyang mababaw—sinusubukan kong kilalalanin ang sarili ko mula sa aking mga pagkaunawa at aking sariling isip, nang walang paghahambing sa mga salita ng Diyos upang makilala ko ang aking satanikong disposisyon ng pagiging may kakayahan sa pagsisinungaling, pandaraya at pagiging mapanlinlang at ang aking sariling masamang kalikasan mula sa Kanyang mga salita. Naniwala akong ako’y simple, tapat at may mabuting kalooban; subalit iyon ay pagtanaw lamang mula sa labas, wala akong ginawang anumang lubhang makasakit sa disposisyon ng Diyos. Sa pagiging tapat na tao tumigil ako sa panlabas na pagpapakita at naisip kong ang pagsasabi ng kaunting katotohanan at paggawa ng ilang mga bagay ay sapat na upang matugunan ang sukatan ng pagiging tapat na tao. Sa totoo ako’y naging lubhang palalo; hindi ko tunay na kilala ang aking sarili! Hindi ko totoong alam na hindi ko pala taglay ang mga katangian ng isang tapat na tao, at napakalayo ko sa pamantayan ng Diyos. Noon ay naisip ko si Pedro na nakilala ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Lagi niyang mahigpit na inihambing ang sarili sa mga salita ng Diyos kung saan inilantad Niya ang mga tao, kaya sa lahat ng tao, alam ni Pedro ang kanyang sariling katiwalian nang higit kaninuman at siya ang naging pinakamatagumpay sa kanyang mga karanasan. Sinundan ko ang Diyos nang ilang taon at hindi ko pa rin kilala ang sarili ko. Ang kakayanan kong makapasok ay lubhang kulang pa rin; ako ay totoong isang kahihiyan.
Nagpapasalamat ako sa kaliwanagan at paggabay ng Diyos na nagpakita sa akin ng aking sariling karalitaan at kahabag-habag na kalagayan, at nagpaunawa rin sa akin na ang lubos na pagkilala sa sarili ay hindi isang madaling bagay. Ang payak na katotohanan ay ang pagkilala sa sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Mula sa araw na ito, nakahanda akong kilalanin ang aking sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at kapag ang salita ng Diyos ay naglantad ng masamang kalikasan ng tao, handa akong masusing ihambing ang aking sarili doon. Hindi ko na susukatin ang sarili ko gamit ang sarili kong pananaw, pipilitin kong magbago ng disposisyon, at aaliwin ko ang puso ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging tunay na matapat na tao.