Ang Pagkaunawa sa Puso ng Diyos ay Makapag-aalis ng Maling Pag-aakala

Oktubre 1, 2019

Ni Chen Gang, Hebei Province

Sinabi sa mga salita ng Diyos, “Ang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang kadakilaan, kabanalan, pagpaparaya, pag-ibig, at iba pa—lahat ng detalye ng bawat isa sa iba’t ibang aspeto ng disposisyon at diwa ng Diyos ay nakakakita ng praktikal na pagpapahayag tuwing ginagawa Niya ang Kanyang gawain, ay nakapaloob sa Kanyang kalooban para sa tao, at natutupad at nasasalamin din sa bawat tao. Nadama mo man dati ito o hindi pa, inaalagaan ng Diyos ang bawat tao sa bawat posibleng paraan, gamit ang Kanyang tapat na puso, karunungan, at iba’t ibang kaparaanan upang mapainit ang puso ng bawat tao, at magising ang espiritu ng bawat tao. Ito ay isang di-matututulang katunayan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I). Matapos kong mabasa ang mga salita ng Diyos, nakita ko na ang lahat ng ginagawa Niya ay nag-uumapaw sa Kanyang pagmamahal at awa gayundin sa Kanyang pagmamalasakit sa atin. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay lubos na kapaki-pakinabang sa atin, at siyang lubos na kailangan natin; hangga’t hinahangad at nararanasan natin ito nang taimtim, madarama natin ang pagmamahal Niyang ito. Gayunpaman, dahil sa aking kamangmangan sa disposisyon at diwa ng Diyos, madalas na nabubuhay ako nang may maling pagkaunawa, paghihinala, at pagkadepensibo sa Diyos, at hindi ko maipaubaya sa Kanya ang aking puso. Sa tuwing may tungkuling dapat gampanan, lagi ko itong iniiwasan o tinatanggihan, kaya nawalan ako ng maraming oportunidad na matamo ang katotohanan. Kamakailan, dahil sa naranasan kong mga tunay na pangyayari na nagpadama sa akin ng paghatol at pagkastigo mula sa salita ng Diyos, napagtanto ko ang likas na kasamaang taglay ko gayudin ang ilang aktwal na kaalaman sa kagandahan at kabutihang taglay ng Diyos; noon ko lamang inalis sa aking sarili ang ilan sa maling pag-aakala ko tungkol sa Kanya.

Noong simulan ko nang maniwala sa Diyos, sa tuwing makakakita at makakarinig ako noon na may sinumang inalis sa tungkulin sa pamumuno at pinalitan—kung minsan ay itiniwalag pa dahil sa napakaraming nagawang kasamaan—palagi akong nakakaramdam ng damdaming hindi ko lubos na mailarawan, at hindi ko mapigilang isipin sa aking sarili, “Ang pagganap sa tungkulin ay napakalaking responsibilidad; maaaring alisin o palitan ang isang tao kapag hindi niya nagawa nang sapat ang isang bagay, at namimiligro pang matiwalag o matanggal. Tila kapag mas mataas ang posisyon ng isang tao, mas mapanganib ito. May bahid ng katotohanan sa kasabihang, ‘malungkot sa itaas’ at ‘kapag mas mataas ang lipad, mas malakas ang lagapak.’ Palagay ko mas ligtas kapag ang tungkuling ginagampanan ay hindi masyadong mataas na posisyon; hangga’t hindi ako binibigyan ng mas mataas o mas mababang tungkulin, wala akong dapat ipag-alala. Sa ganyang paraan maiiwasan kong makagawa ng maraming kasamaan at malantad at matanggal dahil dito, at may pananampalataya hanggang huli pero walang napala sa bandang huli.” Dahil doon, sa tuwing nais ng simbahan na itaas ang aking posisyon o nagbabalak na pabahagiin ako sa halalan, gumagawa ako ng lahat ng dahilan para maligtasan ito at matanggihan. Unti-unting nagkaroon ng puwang sa pagitan namin ng Diyos. Sa isang pulong noong Abril ng taong ito, tinanong ako ng aking lider, “Kapatid, malapit nang ganapin ang taunang halalan ng maliit na distrito natin. Ano ang masasabi mo tungkol dito?” Nang marinig ko na may halalang malapit nang ganapin, kinabahan ako at hindi ko alam ang isasagot. Naisip ko kung paano inalis at pinalitan ang ilang mga kapatid dahil hindi sila nagtrabahao nang husto, at hanggang ngayon ay hindi pa nagagampanan ang kanilang mga tungkulin. Natakot ako na kung ako ay mahalal, baka mangyari din sa akin iyon, kapag dumating ang panahon na hindi ko rin magampanan ang anumang trabaho. May tungkulin na ako noon, pero hindi ko kailangang mag-alala na mawalan ng posisyon at mapalitan. Habang nasasaisip ito, dali-dali akong sumagot sa aking pinuno, “Napakarami kong pagkukulang sa maraming bagay. Madali rin akong kabahan at maasiwa kapag nagpupulong tayo ng ating mga kapatid. Marahil mas magiging angkop para sa akin na ipagpatuloy ang kasalukuyan kong tungkulin, kaya hindi ako kakandidato sa halalang ito.” Nang makita niya na hindi ako ganap na pabor na mahalal, ilang beses pa akong kinausap ng lider namin sa pag-asang lalahok ako sa nalalapit na halalan, pero lagi ko itong magalang na tinatanggihan.

Isang gabi pagkaraan ng ilang araw, hinanap ko ang aking mga lider dahil may gusto akong talakayin sa kanila. Kasalukuyan nilang binabasa ang isang sulat mula sa matataas na pinuno hinggil sa halalan. Dahil sa kaba, parang nanikip ang lalamunan ko, naisip ko, “Kailangan kong tumakbo palayo at magtago, dahil baka kausapin na naman nila ako tungkol sa pagtakbo sa halalan.” Kaya nagtago ako sa banyo at nagpalipas ng oras, pero habang naghihintay ako, nangati ako at kinamot ito, pero aksidenteng nakamot ko ang sugat ko na hindi pa magaling, at napuno ng dugo ang kamay ko. Dali-dali ko itong pinunasan ng tissue at dininan ang sugat para maampat ang dugo, pero maya-maya pa ay babad na sa dugo ang tissue. Takot na takot ako: Ano ang gagawin ko kung hindi ko maampat ang dugo? Habang nakadiin pa ang isang kamay sa sugat, nagmamadali akong bumalik sa silid para patingnan ito sa aking mga lider at alamin kung ano ang dapat gawin para maampat ang pagdugo. Nasulyapan ito ng isang kapatid at nagsabi, “Ang lakas ng dugo; hindi maaampat iyan. Kapag pinunasan mo iyan, mas lalong dudugo!” Nang marinig ko ito lalo akong nagtaka: Ganito ba ito talaga kalala? Maliit na sugat lang ito, bakit ang lakas ng pagdugo? Kung hindi ko maaampat ang dugo, magpapatuloy ba ito hanggang kinabukasan hanggang sa maubusan na ako ng dugo at mamatay? Bigla na lang akong nakaramdam ng pinaghalu-halong takot, pagkabalisa, at kawalang-pag-asa, at hindi ko malaman ang gagawin. Parang kakapusin na ako ng hininga. Maya-maya pa, napagtanto ko ang posibilidad na ang di-inaasahang pangyayaring iyon ay hindi aksidente, at dapat akong tumalima agad at pagnilayan ang mga ikinikilos ko upang mas makilala ko ang aking sarili! Kasunod niyon ay kumalma na ako at pinagnilayan kung nasaktan ko ba ang kalooban ng Diyos sa anumang paraan nitong mga nakalipas na araw, ngunit kahit anong pilit ko, wala akong maiisip. Pagkatapos ay naalala ko ang isang talata na naglalahad ng mga sinambit ng Diyos: “Kapag nagkakasala ang mga tao sa Diyos, maaaring ito ay hindi lamang dahil sa isang pangyayari, o isang bagay na kanilang sinabi, nguni’t sa halip ito ay sanhi ng isang saloobin na kanilang pinanghahawakan at isang kalagayan na kinaroroonan nila. Ito ay isang bagay na sobrang nakakatakot(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII). Ang patnubay ng mga salita ng Diyos ang nagdala sa akin sa Kanya upang hanapin ang katotohanan: “Diyos! Naging labis ang pagkabulag at kahangalan ko. Hindi ko maunawaan ang nagawa ko para saktan ang kalooban Mo. Hinihiling ko, ipakita sa akin ang daan; ihayag sa akin ang Iyong kalooban, upang matukoy ko ang aking kasutilan at pagtutol. Nais kong makapagsisi sa harapan Mo.” Matapos akong magdasal, nakadama ako ng kapayapaan, at sinimulan kong pagbulayan ang mga nagawa at naisip ko noon, inaalam kung saan ba ako nalihis mula sa kalooban ng Diyos. Maya-maya pa, bigla kong naaalala ang mga inasal at saloobin ko sa bagay na may kinalaman sa halalan: Paulit-ulit na hinanap ako ng aking mga lider para sabihin na dapat akong makibahagi roon, subalit hindi nagbago ang sariling pagkaintindi ko; dahil natakot na ilalantad ako kung hindi ko nagampanan nang mahusay ang aking tungkulin, paulit-ulit akong gumawa ng lahat ng pangangatwiran at dahilan para makatanggi. Wala ako ni kaunting na pagnanais na tumanggap at sumang-ayon. Alam na alam ko na ang demokratikong halalan na idinadaos sa iglesia ay kinakailangan para makapagpatupad ng mga gawain, ito ay mahalagang bahagi ng gawain ng pamilya ng Diyos, at kinapapalooban ito ng kagustuhan ng Diyos. Gayunpaman, hindi ko hinangad ang katotohanan; para maipagtanggol ang aking sarili, paulit-ulit kong iniwasan ang halalan at tumangging kumandidato rito. Ang pag-uugaling ito na nasa kaibuturan ko—ang maging kaaway ng Diyos—ay ginawa akong kasuklam-suklam at kapoot-poot sa Kanyang mga mata, at higit pa riyan, ay nagdulot sa Kanya ng hinanakit at pagkabigo. Ang di-inaasahang pagdanas ko ng ganitong uri ng problema ay paraan ng pagdidisiplina sa akin ng Diyos. Nang matanto ko ito, nadama ko na ang matwid na disposisyon ng Diyos ay hindi hahayaang masalungat ng mga tao, kaya ginusto kong itama ang pagkakamali kong ito at magsisi sa harapan ng Diyos. Dahil dito, masusi kong inilahad sa aking mga lider ang lahat-lahat ng napagnilayan ko sa aking sarili, mula sa simula hanggang sa huli. Matapos akong pakinggan, ibinahagi sa akin ng kapatid ang saloobin at mga paghahayag na nadama niya nang lumahok siya sa halalan. Salamat sa Diyos! May natutuhan akong aral sa insidenteng ito, at pagkaraan ng isang oras, tumigil na ang pagdugo ng sugat. Ipinaisip nito sa akin na sa panahong nabubuhay ako sa katiwalian at pagsalungat, ipinakita sa akin ng Diyos ang Kanyang matwid at matatag na disposisyon, at nang muli akong bumaling sa Kanya nang may pagnanais na hanapin ang katotohanan, inihayag Niya ang Kanyang nakangiting mukha, at nahiwatigan ko na ang disposisyon ng Diyos ay malinaw at makatotohanan.

Pagkatapos noon, hindi ko maiwasang pagnilayan na sa tuwing magdadaos ng halalan ang iglesia, lagi ko itong iniiwasan at nagdadahilan para hindi makabahgi rito. Ayokong kumandidato noon, natatakot ako na baka kung mahalal ako na mamuno at makagawa ng labag sa Diyos, ay mapaalis o matanggal ako. Bakit ba lagi na lang tumatakbo sa utak ko ang mga bagay na ito? Sa aking espirituwal na pag-aaral, nilayon kong saliksikin ang mga salita ng Diyos sa paksang ito, upang akoy mapakain at mapainom ng mga salitang ito. Isang araw nabasa ko ang sinambit na ito ng Diyos: “Sabi ng ilan, ‘Ang pananalig sa Diyos sa Kanyang presensya—para iyang paglalakad sa ibabaw ng mga balat ng itlog! Parang pamumuhay sa gilid ng talim!’ Sabi ng iba, ‘Ang pananalig sa Diyos ay katulad ng kasabihang iyon ng mga walang-pananalig, ‘Kapag kasama ka ng hari, parang malapit ka sa tigre.’ Nakakatakot! Kung may sinasabi o ginagawa kang mali, tatanggalin ka; itatapon ka sa impiyerno at wawasakin!’ Tama ba ang mga kasabihang iyon? Saan ba posibleng gamitin ang kasabihang, ‘Kapag kasama ka ng hari, parang malapit ka sa tigre’? At saan tumutukoy ang ‘paglalakad sa ibabaw ng mga balat ng itlog’? Ano ang ibig sabihin ng ‘pamumuhay sa gilid ng talim’? Dapat ninyong malamang lahat ang literal na kahulugan ng mga iyon; nagpapahiwatig iyong lahat ng malaking panganib. Para iyong pagpapaamo sa leon o tigre: Bawat araw ay parang paglalakad sa ibabaw ng mga balat ng itlog o pamumuhay sa gilid ng talim; ang ganitong klaseng sitwasyon ang tinutukoy ng mga kasabihang iyon. Ang likas na kabangisan ng mga tigre at leon ay maaaring sumiklab anumang sandali. Walang-awa ang mga hayop na ito na walang pagmamahal sa mga tao, kahit ilang taon pa sila nagkasama. Kung gusto ka nilang lamunin, lalamunin ka nila; kung gusto ka nilang saktan, sasaktan ka nila. Sa gayon, tama bang gamitin ang mga pariralang iyon para ilarawan kung ano ang pakiramdam ng manalig sa Diyos? Hindi ba kayo nag-iisip kung minsan sa ganitong paraan? ‘Ang pananalig sa Diyos ay talagang parang paglalakad sa ibabaw ng mga balat ng itlog; maaaring sumiklab ang galit Niya sa isang iglap. Maaari siyang magalit anumang oras, at maaari Niyang tanggalin sa posisyon ang isang tao anumang oras. Sinuman ang ayaw ng Diyos ay ilalantad at aalisin.’ Ganito ba ang sitwasyon? (Hindi.) Mukhang nakaranas na kayo nito at nauunawaan ninyo ito, kaya hindi kayo dapat malinlang. Isa itong kamalian; talagang nakakatawang sabihin ito(“Makakamtan Mo ang Katotohanan Matapos Ipagkaloob sa Diyos ang Iyong Tunay na Puso” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Sinasabi ng ilang tao, ‘Huwag kang mamuno, at huwag kang humawak ng posisyon. Mapapahamak ang mga tao sa sandaling nagtamo sila ng posisyon, at ilalantad sila ng Diyos! Sa sandaling sila ay malantad, ni hindi sila magiging kwalipikado na maging mga karaniwang mananampalataya, at hindi na magkakaroon kailanman ng pagkakataong maligtas. Hindi makatarungan ang Diyos!’ Ano ba namang klaseng pananalita iyan? Naglalarawan ito ng maling pagkaintindi sa Diyos, at ang malala pa, ito ay kalapastanganan sa Diyos(“Para Malutas ang mga Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao, Dapat na Mayroon Siyang Tiyak na Landas ng Pagsasagawa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Unti-unti akong naantig ng mga salita ng Diyos, sapagkat nailarawan nito nang eksakto ang aking sitwasyon. Hindi ko talaga nasabi nang tahasan na ang paniniwala ko sa Diyos ay “parang nasa tabi ako ng tigre” o “nasa maligalig na sitwasyon,” ngunit patungkol sa aking saloobin sa mga halalan ng simbahan, ako ay ganap na depensibo at puno ng maling pagkaunawa. Ipinakita nito na iyan ang mismong sitwasyon na kinalalagyan ko. Nang makita ko ang pagdurusa at pasakit ng ilang kapatid na babae at lalaki na inalis bilang mga lider, na ang ilan ay itiniwalag dahil sa napakaraming kasalanang nagawa, lagi akong nahihintatakutan sa ideya na gagampanan ko ang isang pagiging lider, na mas gugustuhin ko pang lumayo na lang, dahil para sa akin kaakibat ng pagiging lider ang paghawak ng posisyon, at kakakabit na niyan ang peligro na malantad at matanggal. Dumating pa ako sa puntong lumabis na ang pag-iingat at pagkaumid at pag-aatubili ko kapag gumaganap ng sarili kong mga tungkulin, at hindi kailanman naging interesado sa halalan, lubhang natatakot na kung mahalal ako na maglingkod bilang lider at nagkamali ako, ay baka ikatanggal ko ito. Sa pakiwari ko, ang tingin ko sa Diyos ay tulad ng tingin ko sa mga opisyal ng Chinese Communist Party na may hawak na kapangyarihan; hindi ko tinangka kailanman na magpakalapit-lapit sa Kanya o galitin Siya. Iniisip ko na agad na sinumang magpagalit sa Kanya ay tiyak na dadanas ng matinding kalamidad, at naisip ko pa na ang mga kapatid na lalaki at babae na naalis o natanggal ang naglagay mismo sa kanilang sarili sa gayong sitwasyon dahil sa kanilang posisyon bilang lider. Parang sa tingin ko ang pagiging “mga lider,” ang posisyong itinatag sa istruktura ng administratibo ng pamilya ng Diyos, ay paraan ng paglalantad at pagtatanggal sa mga tao. Ngayon ko lamang napag-isip-isip, sa pamamagitan ng salita ng Diyos, na ang mga nakakintal sa isipan ko ay nagpapakita ng kawalan ko ng karunungan sa banal na diwa ng Diyos. Ang mga sapantaha kong ito patungkol sa Diyos ay napakalaking kalapastanganan! Nang mapagtanto ko ito, tumindi ang takot ko, at hindi ko mapigilang lumuhod para manalangin sa Diyos: “Diyos! Bagama’t maraming taon na akong sumusunod sa Iyo, hindi kita kilala. Ang mga sinasabing iyon sa akin ng mga kapatid na makibahagi sa mga halalan ay mga oportunidad na ipinagkaloob Mo sa akin upang sanayin ako, at dalisayin at baguhin ako—ngunit bukod pa sa hindi ko pag-unawa sa Iyong kalooban, sadyang tinanggihan at iniwasan ko ang mga ito, at kasabay nito ang pagiging depensibo at mapagsalungat ko sa Iyo. Hindi kita itinuring na Diyos. Ang pananaw kong iyan ay karaniwang nagmumula sa isang di-naniwala—isang likas na kasamaan! Diyos! Kung hindi Mo ako inilantad sa ganitong paraan, hindi ko sana napagnilayan ang sarili kong mga pagkakamali, at nanatiling salungat at mali ang pagkaunawa ko. Kung nagpatuloy iyan, baka ako ay kinapootan, kinasuklaman, at itinakwil Mo. Diyos! Handa akong magsisi. Nawaý gabayan ako upang maintindihan ko ang katotohanan at ang Iyong kalooban. …”

Matapos iyan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Sa sandaling magtamo ang mga tao ng katayuan sa lipunan—sino man sila—sila ba ay nagiging mga anticristo? (Kung hindi nila hinahabol ang katotohanan, kung gayon sila ay magiging mga anticristo, nguni’t kung hinahabol nga nila ang katotohanan, hindi sila magkakagayon.) Samakatwid, hindi pa ito lubos na natitiyak. Kung gayon, ang mga tumatahak ba sa landas ng mga anticristo ay nabibitag sa katayuan sa lipunan? Nangyayari iyan kapag hindi tinatahak ng mga tao ang tamang landas. May mabuting landas silang sinusundan, subalit hindi nila ito sinusunod; sa halip, ang sinusunod nila ay ang masama. Maitutulad ito sa gawi ng mga tao sa pagkain: May ilang hindi pinipili ang pagkain na nagpapanatiling malusog ng kanilang katawan at nagpapanatili ng kanilang normal na buhay, at sa halip ay umiinom ng mga gamot. Sa huli, nalulong na sila sa gamot at ikinamatay nila ito. Hindi ba’t ang mga tao mismo ang pumipili ng gusto nila?(“Para Malutas ang mga Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao, Dapat na Mayroon Siyang Tiyak na Landas ng Pagsasagawa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Pagkatapos ay may nabasa pa ako na isang ibinahagi, “Bakit nakaparaming tao ang nailalantad na gumagawa ng masama gamit ang kanilang katungkulan at kapangyarihan? Hindi dahil ang kanilang katungkulan ay nakakasakit sa kanila. Ang pangunahing problema ay ang diwa ng kalikasan ng tao. Ang katungkulan ay tiyak na magbubunyag sa mga tao, ngunit kung ang taong may mabuting puso ay may mataas na katungkulan, kung gayon, hindi sila gagawa ng iba’t-ibang gawain na masama” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Ang mga salita ng Diyos at ang mensaheng ito ay nagtulot sa akin na mapagtanto ang ilang bagay. Lumalabas na ang mga kasamahan na iyon sa paglilingkod ay naalis o natanggal hindi dahil sa posisyon nila bilang lider, kundi dahil habang tumutupad sa kanilang tungkulin ay patuloy silang nagkulang sa paghahanap ng katotohanan o pagtahak sa tamang landas; iyan ang dahilan kaya sila nalantad at natanggal. Hindi ko maiwasang isipin ang mga nalantad na lider at kasamahan sa trabaho sa paligid ko. Isang kapatid ang labis na nagmagaling na inisip na mas mabuti siya kaysa iba, at hindi ginampanan ang tungkulin nang naaayon sa prinsipyo. Harapan niyang tinangkilik ang mga taong gusto niyang mamuno na bagama’t may mga talento at katangian ay walang taglay na katotohanan. Hindi niya tinanggap ang paulit-ulit na paaalala at tulong mula sa ating mga kapatid, at dahil dito ay nakapagdulot sng ligalig sa iglesia, hinadlangan ang ang mga kapatid sa pagpasok sa buhay . Labis na umasa sa kanyang sariling opinyon ang kapatid na ito, hanggang sa puntong binalewala na niya ang payo ng kapwa niya mga manggagawa. Iginiit niya na dapat iimbak ang pera ng iglesia at ari-arian sa tahanan na wala namang seguridad, na humantong sa pagkasamsam ng lahat ng ito ng Chinese Communist Party. May isa ring kapatid na babae na wala nang inisip kundi ang katayuan, at habang ginagampanan niya ang tungkulin bilang kapwa manggagawa, hindi niya magawang tanggapin ang nakakatulong na pamumuna ng lahat ng tao. Nagmatigas at sinalungat pa niya ang mga tao na nagpayo sa kanya, at hindi tinanggap nang maraming beses. ang ibinabahagi at tulong mula sa mga nakatataas sa kanya. Sa huli, binigyan siya ng babala, subalit hindi pa rin niya pinag-isipan ang kanyang mga ikinikilos para makilala ang kanyang sarili, lalo pa ang tanggapin ang katotohanan; hindi siya kailanman nagsisi o nagbago, at sa halip ay nagmatigas na tinahak ang landas ng isang anticristo. … Ipinakita sa akin ng mga halimbawang ito ng mga pagkukulang na hindi inalis o tinanggal ng iglesia ang sinuman nang walang matibay na pinagbabasehan. Matapos kong masusing alamin ang pag-uugali ng mga naalis o natanggal na mga indibiduwal na ito, noon ko lamang nakita na karamihan sa kanila ay matinding sumalungat sa kanilang disposisyon at hindi kailanman isinagawa ang gawain ng iglesia nang naaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Ginawa lang nila ang makasisiya sa kanila, at dahil dito ay nagdulot ng pagkaantala at gambala sa gawain ng iglesia, lubhang nahahadlangan ang ibang mga kapatid sa pagpasok sa buhay. Sa huli, kinailangan silang alisin at palitan. Maliwanag na bago alisin ang sinuman, binigyan muna sila ng Diyos ng maraming pagkakataong magsisi, at maraming beses silang tinulungan at sinuportahan ng mga kapatid; kaya lang hindi kailanman nagpakita ang mga lider na iyon ng anumang intensyon na magbago, at lubhang inantala, ginambala, at hinadlangan ang gawain ng iglesia bago sila lubusang maalis at mapalitan. Ang mga sarili lamang nila ang masisisi nila sa kanilang pagkukulang, di ba? Hindi ba’t ito ay ,mapait na bunga ng kanilang kagagawan? Gayunpaman, sa kanilang mga pagkukulang at pagbagsak, hindi ko nahiwatigan ang maling landas na tinahak ng mga taong ito ni hindi ko nakita nang malinaw ang pinagmulan ng pagsalungat nila sa Diyos, at kasunod nito ay hindi ko rin pinagnilayan ang sarili kong mga ginawa at hindi ginamit ang kanilang halimbawa bilang babala sa aking sarili. Hindi ko rin nalaman na ang disposisyon ng Diyos ay matatag, kaya hindi ako nagkaroon ng mapamitagang takot sa Diyos na nag-iwas sana sa akin sa pagsunod sa kanilang mga yapak; sa halip, itinulot ko ang maling pagkaunawa at pagiging depensibo sa Diyos. Nakagawa ako ng masama at ibinunton ang sisi sa Diyos. Nakita ko na totoong naging isa akong mangmang at bulag, kasuklam-suklam at kaawa-awa, at nasaktan ang kalooban ng Diyos nang labis. Naalala ko rin na may isang grupo ng mga tao sa iglesia na, kahit hindi humawak ng anumang mataas na posisyon sa iglesia, ay nanatiling walang hangaring hanapin ang katotohanan at nagdulot ng mga pagkaantala at pagkagambala sa iglesia at hindi rin nagawang mabuti ang kanilang layunin; sila rin ay inilantad at tinanggal ng Diyos. Ang pagkatantong ito ay nagbigay sa akin ng mas malinaw na pang-unawa na hangga’t tayo ay sumusunod sa Diyos, inilantad o tinanggal man tayo o hindi ay walang kinalaman sa tungkuling ating ginagampanan o posisyong ating hinahawakan. Kung hindi natin patuloy na hahanapin ang katotohanan o lalakad sa landas na magpapabago ng ating mga disposisyon, kung gayon anuman ang posisyong hinahawakan o hindi natin hinahawakan, tayong lahat ay malamang na makontrol ng disposisyon ni Satanas, at sa anumang oras ay makagawa ng mga bagay na makakasakit o sasalungat sa kalooban ng Diyos at samakatwid ay malalantad at matatanggal. Ito ang eksaktong kumpirmasyon ng mga salita ng Diyos: “Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos.” Nagpapasalamat ako sa kaliwanagan at patnubay ng Diyos, na nagtulot sa akin an magtamo ng ilang pagkaunawa at pahiwatig sa maling pananaw na kinimkim ko, at mapasalamatan din ang kahalagahan ng patuloy na paghahanap ng katotohanan habang naniniwala sa Diyos at nagsisikap na mabago ang disposisyon. At kasabay nito, naisip ko kung gaano ako naging nagpakahangal at nawalan ng katuwiran dahil nabuhay ako sa maling pag-aakala at imahinasyon.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang talata sa isang pakikibahagi na ganito ang isinasaad: Tinanong ko ang isang kapatid, ‘May nangyari na bang progreso sa iyo sa nakalipas na ilang taon?’Sabi niya, “Ang pinakamalaking progresong nagawa ko ay nangyari mula nang natiwalag ako.’ Bakit nangyari sa kanya ang pinakamalaking progreso mula sa pagkatiwalag sa kanya? Tiyak na taimtim siyang nanalangin sa Diyos, at walang dudang nag-ukol ng maraming oras sa pagninilay ng kanyang mga ikinilos at pagkilala sa kanyang sarili. Gayundin handa siyang magsisi, at ayaw niyang itakwil siya ng Diyos. Ang taimtim na panalangin sa Diyos ay ay nagdulot ng matinding kaliwanagan at katanglawan, pati na pagkilala sa sarili; napagtanto niya kung ano ang ikinilos at inasal niya sa paglipas ng mga taon, at anong landas ang kanyang tinahak. Dahil sa pagkatutong ito sa di magandang paraan, natanto niya nang may kahustuhan kung paano siya dapat maniwala sa Diyos at kung paano niya patuloy na hahanapin ang katotohanan. Pagkatapos noon, nagsisi siya nang tapat sa harapan ng Diyos, at handa nang pagpunyagian ang paghahanap sa katotohanang ito, magpasakop sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, at umayon sa Kanyang pagsasaayos. Sa ganitong paraan, napanibago ang kanyang paglalakbay sa paniniwala sa Diyos, at pormal na niyang tinahak ang landas ng pananampalataya. Kaya, maaaring itanong ninyo, kung may anumang kapakinabangan ba o wala ang ang gayong pagtiwalag, at kung ito ba ay talagang paraan o hindi sa pagdadala sa mga tao sa kaligtasan” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Mula sa pakikibahaging ito, nakita ko ang matinding awa at kaligtasang inihatid ng Diyos sa mga tao, Ang ilan ay itiniwalag ng iglesia dahil sa kasamaang nagawa nila, ngunit kapag sila ay nagsisi nang tapat at handang tanggapin at magpasakop sa pagdisiplina at pagkastigo ng Diyos, magninilay upang mas makilala ang sarili, at sisimulang hanapin ang katotohanan, kung gayon may pag-asa pa sa kanilang kaligtasan. Kasabay niyan, naintindihan ko na ang mahigpit na paghatol ng Diyos, mga paraan ng pakikitungo sa mga tao, pagkakastigo, at pagdidisiplina ay mga uri din ng kaligtasan para sa mga taong taimtim na nagsisi. Ang kanilang layunin ay tulutan ang mga tao na mas makapagnilay-nilay at intindihin ang kanilang likas na kasamaan na humantong sa pagsalungat nila sa Diyos at pagturing sa Kanya bilang kaaway. Ito ay upang maipadama sa kanila ang pagkasuklam sa sarili at itakwil ang kanilang laman upang simulan na nilang magtaglay ng mapitagang takot sa Diyos at humanda sa paghanap sa katotohanan. Para sa mga taong tapat na nananampalataya sa Diyos at naghahanap sa katotohanan, anuman ang kanilang karanasan—sila man ay inalis at pinalitan, o itiniwalag, o ano pa man—walang paglalantad o pagtatanggal na naganap dito, bagkus ay naging mga sandali ng kanilang pagbalik-loob sa paniniwala sa Diyos! Hindi sinasadyang naalala ko ang isang talata na naglalahad ng mga salita ng Diyos: “Hindi masamang mabigo at madapa nang maraming beses; gayundin ang malantad. Napangaralan ka man, tinabas, o nalantad, kailangan mong tandaan ito sa lahat ng oras: Hindi komo inilalantad ka ay isinusumpa ka na. Mabuting bagay ang malantad; ito ang pinakamagandang pagkakataon para makilala mo ang iyong sarili. Maaari nitong baguhin ang karanasan mo sa buhay. Kung wala ito, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon, ng kundisyon, ni ng konteksto para maunawaan mo ang katotohanan ng iyong katiwalian. Kung malalaman mo ang nasa iyong kalooban, lahat ng aspetong iyon na nakatago sa iyong kaibuturan na mahirap mapansin at matuklasan, mabuti iyan. Ang tunay na makilala ang iyong sarili ang pinakamagandang pagkakataon para mabago mo ang iyong mga pag-uugali at maging isa kang bagong tao; ito ang pinakamagandang oportunidad para magkaroon ka ng bagong buhay. Kapag tunay mong nakilala ang iyong sarili, makikita mo na kapag ang katotohanan ay naging buhay ng isang tao, mahalagang bagay iyon talaga, at mauuhaw ka sa katotohanan at papasok sa realidad. Napakagandang bagay niyan! Kung maaari mong samantalahin ang pagkakataong iyan at taimtim kang magninilay-nilay sa iyong sarili at magtatamo ng tunay na kaalaman tungkol sa iyong sarili tuwing ikaw ay mabibigo o madadapa, sa kabila ng pagiging negatibo at kahinaan, magagawa mong tumayong muli. Kapag nakaraan ka na sa pintuang ito, makakaya mo nang gumawa ng malaking hakbang at pumasok sa katotohanang realidad(“Para Tamuhin ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka Mula sa Mga Tao, Mga Pangyayari, at Mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nang pinag-isipan ko ito, nagkaroon ako ng mas malalim na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Kung tayo man ay Kanyang tinutuligsa, dinidisplina, o inaalis at itinitiwalag, lahat ng ginagawa Niya sa atin ay base sa sarili nating mga pag-uugali at tiwaling diwa. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay layong dalisayin at baguhin ang mga tao; para sa atin, ang lahat ng ito ay pawang mga kaligtasan, at lubhang kapaki-pakinabang. Mula pa sa simula, itinuring ko ang tungkulin ng pamumuno na isang nakakatakot na bagay dahil ang mga taong iyon ay inilantad, inalis, at tinanggal, at binalaan ko ang aking sarili na huwag pumayag kailanman na gampanan ang tungkuling may posisyon, dahil sa paraang iyan hindi ako babagsak o magkukulang, ni mabubuhay sa masakit na pagpapadalisay. Ang matwid na disposisyon ng Diyos ay kinapapalooban ng ating pagkahatol, pagkastigo, at pagdisiplina, ngunit kabilang din dito ang pagpaparaya at tiyaga at pinakadakilang pagmamahal para sa ating lahat. Hindi ko nakita ang mga bagay na iyan noon, sa halip namuhay ako nang may maling pagkaunawa at sapantaha sa Diyos na batay sa sarili kong mga haka-haka at imahinasyon. Ayokong makibahagi sa halalan, at mas lalong wala akong anumang hangaring gampanan ang tungkulin sa pamumuno, at bunga nito, marami akong napalampas na mga oportunidad na matamo ang katotohanan at makilala ang Diyos. Ngayon ko lamang nakita nang malinaw na ang aking mga pagkaunawa noon na “malungkot sa itaas”at “kapag mas mabigat, mas malakas ang lagapak” ay mapanlinlang na pananaw ni Satanas na matinding humadlang sa paghahanap ko ng katotohanan at ng aking hangaring makilala ang Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa Kanyang kaliwanagan at patnubay, na nagtulot sa akin na alisin ang ilang maling pag-aakala ko sa Kanya. At kasabay niyan, nabatid ko kung gaano ako talaga kasama, kasuklam-suklam, at mapagsalungat, at mangmang noon.

Kalaunan, hindi ko mapigilang pagbulay-bulayan sa aking sarili kung bakit napakadepensibo ko sa Diyos at bakit naging likas sa akin ito. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos, na nagsabi, “At kung may gawi kang pagdudahan ang Diyos at maghaka tungkol sa Kanya, kung gayon walang kaduda-dudang ikaw ang pinakamapanlinlang sa lahat ng mga tao. Ipinagpapalagay mo kung maaaring maging katulad ng tao ang Diyos: makasalanang di-mapapatawad, makitid ang isip, salat sa pagiging makatarungan at katwiran, walang muwang sa katarungan, mahilig sa mapanirang mga kaparaanan, taksil at tuso, nalulugod sa kasamaan at kadiliman, at iba pa. Hindi ba’t ang dahilan kaya may ganitong kaisipan ang mga tao ay sapagkat wala sila ni bahagyang kaalaman sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa). Nabasa ko rin ang pagbabahagi na nagsabi, “Lahat ng depensibo sa Diyos kapag dumaranas ng mga pagsubok ay nagiging taksil, makasarili, at masama, at iniisip lamang nila ang kanilang sarili at hindi itinatanggi ang Diyos sa kanilang mga puso. Ang ganoong mga tao ay ang mga nakikibaka sa Diyos. Sa sandaling makaranas sila ng problema, nagiging depensibo na sila sa Diyos at inuurirat Siya, itinatanong, ‘Ano ang ibig sabihin dito ng Diyos? Bakit Niya hinayaang mangyari ito sa akin?’ Pagkatapos ay tinatangka nilang mangatwiran sa Diyos. Hindi ba matwid ang intensyon ng ganoong mga tao? Ang paghahanap ba ng katotohanan ay madali ba para sa mga taong ito? Hindi. Hindi pangkaraniwang tao ang mga ito; likas sa kanila ang kasamaan, at lubhang walang kakayahang makibagay kaninuman” (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay). Ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahaging ito ay nagbunyag sa pinakaugat ng aking problema ng pagiging depensibo sa Diyos at haka-haka tungkol sa Diyos. Dahil likas sa akin ang pagiging sobrang mahiyain, sa tuwing nanaisin ng iglesia na sanayin at itaas ang katungkulan ko, hindi lamang ako naging manhid sa pagmamahal ng Diyos sa akin ni naunawaan ang Kanyang mabuting intensyon, kundi inakala ko rin na ang pagganap ng tungkulin ng isang lider ay magiging lubhang delikado at sa sandaling hawak ko na ang posisyon at nakagawa ng masama, palagi akong namimiligrong maalis at matanggal. Inisip ko kung paano ko matatamasa ang kalangitan at kalupaan at ang lahat ng nilikha ng Diyos—mula sa sikat ng araw at ulan—pati na ang lahat ng katubigan at panustos mula sa napakaraming sinambit ng Diyos, subalit ni bahagya ay hindi ko sinubukang pahalagahan ang pagmamahal at kaligtasan na inilaan Niya sa mga tao. Palagi akong depensibo sa Kanya at mapanakit sa Kanya, naghihinala na tulad ng tao ay hamak din ang Diyos at walang awa o pagmamahal sa atin. Totoong naging mapanlinlang at mapanghamak ako, at hindi kinakitaan ni katiting ng mabuting pagkatao sa buhay ko. Di nagtagal, nadama ko na napakalaki ng kasalanang nagawa ko, at muli kong inaalala ang mga salita ng Diyos: “Tahimik na ginagawa ng Diyos ang lahat para sa tao, tahimik na ginagawa ang lahat ng ito sa pamamagitan ng Kanyang pagiging taos-puso, katapatan, at pag-ibig. Ngunit wala Siya kailanman na anumang pangamba o pagsisisi para sa lahat ng Kanyang ginagawa, ni wala rin Siyang pangangailangang bayaran ng ninuman sa anumang paraan o layunin kailanman na may makuha mula sa sangkatauhan. Ang tanging layunin ng lahat ng ginawa Niya kailanman ay upang matanggap Niya ang tunay na pananampalataya at pag-ibig ng sangkatauhan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I). “Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan; nagawa man silang tiwali o sumusunod sa Kanya, itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang mga pinakaitinatangi Niyang minamahal—o gaya ng sinasabi ng mga tao, ang mga taong pinakamahalaga sa Kanya—at hindi bilang mga laruan Niya(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I). “Mula sa simula hanggang ngayon, tanging tao lamang ang may kakayahang makipag-usap sa Diyos. Sa lahat ng mga nabubuhay at mga nilalang ng Diyos, walang iba pa, maliban sa tao, ang nagawang makipag-usap sa Diyos. Ang tao ay may mga tainga na nagbibigay sa kanya ng kakayahang makarinig, at mga mata para siya ay makakita. Mayroon siyang wika, sariling mga ideya, at malayang kalooban. Nagmamay-ari siya ng lahat ng kailangan upang marinig ang Diyos na nangungusap, maintindihan ang kalooban ng Diyos, at tanggapin ang tagubilin ng Diyos, kung kaya’t ipinaaalam ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga hangarin sa tao, sa kagustuhan Niyang gawin ang tao na isang makakasama na kaisa Niya sa pag-iisip at makakasama Niya sa Kanyang paglalakad. Mula pa nang nagsimula Siyang mamahala, hinihintay na ng Diyos na ibigay ng tao ang kanyang puso sa Kanya, na hayaan Siyang gawin itong dalisay at ihanda ito, upang ito ay maging kasiya-siya sa Diyos at mahalin ng Diyos, upang sambahin niya ang Diyos at layuan ang kasamaan. Ang Diyos ay lubos na umasa at nag-abang sa kahihinatnang ito(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Sa mga linya at salita ng mga sinambit ng Diyos ay naihahayag ang pagmamahal at malasakit sa sangkatauhan, gayundin ng mga inaasam at inaasahan. Tinatrato ng Diyos ang mga tao na gaya ng isang mahabaging ina sa kanyang mga anak, tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa bawat isa sa atin. Upang magkaroon ng grupo ng mga tao na nakaayon sa Kanyang kalooban, ang Diyos ay nagkatawang-tao nang dalawang beses, nagtiis ng napakalaking kahihiyan at nagbayad ng pinakasukdulang halaga upang maihatid ang pagkatubos at kaligtasan ng sangkatauhan. Sa kabila ng pagsalungat, pagtutol, maling pagkaunawa, at pagrereklamo na ipinakita natin sa Diyos, nagpatuloy Siya, nang may pagpaparaya at tiyaga, na tahimik na gawin ang gawain ng kaligtasan para sa sangkatauhan. Naparito ang Diyos sa ating piling upang ilahad ang katotohanan, nagpapainom at nagtutustos at umaakay sa atin, sa pag-asang balang araw ay maiintindihan natin ang Kanyang mabubuting layunin sa pagliligtas sa mga tao at ipapaubaya ang ating mga puso sa Diyos, magpapasakop sa Kanyang paghatol at pagkastigo, iwawaksi ang ating mga tiwaling disposisyon, at magiging uri ng mga tao na iniligtas ng Diyos na mapitagan sa Kanya at lumalayo sa kasamaan. Nakita ko na ang diwa ng Diyos ay napakaganda at mabuti, at ang Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan ay tunay na tunay! Ako, sa kabilang banda, ay naging bulag at hangal, wala ni katiting na kaalaman tungkol sa Diyos; hindi ko rin maintindihan ang Kanyang mabubuting intensyon. Naging depensibo at mali ang pagkaunawa sa Diyos, walang pagsasaalang-alang na tinatanggihan ang Kanyang pagliligtas nang paulit-ulit, iniiwasan at inilalayo ang aking sarili mula sa Diyos na parang Siya ay kaaway, at pawang pasakit at pagdurusa lamang ang ibinibigay sa Kanya. Gayunpaman, hindi pinansin ang Diyos ang aking pagsalungat, kahangalan, at kamangmangan, kundi sa halip ay naglagay ng sitwasyon na magkakastigo at didisiplina sa akin. Binigyan din Niya ako ng kaliwanagan at patnubay sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, upang sa gayon ay maialis Niya sa akin ang pagiging depensibo at ang maling pagkaunawa sa Kanya at tinulutan akong ipaubaya ang aking puso sa Kanya. Nanlilit ako sa pagmamahal ng Diyos sa akin, at hindi ko mapigilang magpatirapa sa lupa sa Kanyang harapan at sabihing, “Diyos! Sinabi ko na may pananampalataya ako sa Iyo, subalit ni bahagya ay hindi Kita kilala. Sa bawat aspeto ay naging depensibo at mali ang pagkaunawa ko sa Iyo. Lumabis na ang pagtatatwa ko; Paulit-ulit kong sinaktan ang kalooban Mo, at hindi ako karapat-dapat na humarap sa Iyo. Diyos! Ngayon, dahil sa Iyong paghatol at pagkastigo ay napagtanto ko ang Iyong intensyon na maghatid ng kaligtasan sa mga tao, at inalis sa akin ang maling pagkaunawa tungkol sa Iyo nang paunti-unti! Diyos! Ayokong palampasin pa ang anumang oportunidad na magtamo ng katotohanan at magawang ganap. Ang tanging nais ko lang ay hanapin ang katotohanan at gampanan ang aking tungkulin upang magantihan ang Iyong pagmamahal!” Pagkatapos kong manalangin, nadama ko sa aking puso na napakalapit ko sa Diyos, at ngayon ay may hangarin ng maghanap ng paraan na mabigyang-lugod Siya.

Paglipas ng ilang araw, kinausap akong muli ng aking mga lider tungkol sa nalalapit na halalan sa pag-asang makakalahok ako. Alam ko na ito ang opotunidad na ibinigay sa akin ng Diyos para makapagsisi, at nais kong gawin ang lahat ng aking makakaya upang mapahalagahan ito, kaya masaya akong sumagot ng “oo.” Ilang araw matapos kong baguhin ang aking maling pag-aakala at iwaksi ang pagiging depensibo ko noon sa Diyos, at kumandidato sa halalan, pinili ako ng aking mga kapatid na gampanan ang tungkulin sa pamumuno. Nang sandaling iyo labis akong naantig, at napuno ng luha ng pasasalamat ang aking mga mata. Alam ko sa aking kalooban na ito ang pagmamahal ng Diyos na ipinagkaloob sa akin, ang tanging nais ko lang ay pagpunyagiang hanapin ang katotohanan at magampanan ang aking katungkulan at talagang gawin ang nararapat upang magantihan ang pagmamahal ng Diyos.

Sa pagbabalik-tanaw ko sa karanasang ito, alam ko na ang kaliwanagan at patnubay ng Diyos ang unti-unting pumawi ng maling pagkaunawa ko tungkol sa Diyos at nagbigay sa akin ng pagpapahalaga sa kadakilaan at karangalan ng Kanyang disposisyon. Hangga’t ginagawa ng Diyos ang gawain ng kaligtasan, gaano man katindi ang pagsalungat, katiwalian, o maging pagtutol na makita sa atin, hangga’t may kaunting pagnanais tayo na magbago, hindi tayo pababayaan ng Diyos. Sa halip, maghahatid Siya ng lubusang kaligtasan sa bawat isa sa atin. Kahit naglalaman ng paghatol at pagkondena ang mga salita ng Diyos, ipinagkakaloob Niya sa atin sa tuwina ang pinakatunay na pagmamahal at kaligtasan; ito ang tanging paraan na madarama natin nang mas masidhi ang pagkapoot sa ating katiwalian at kasamaan, at magsisikap na hanapin ang katotohanan at magkaroon ng pagbabago ng disposisyon. Sinabi sa mga salita ng Diyos, “Ang diwa ng Diyos ay hindi lamang upang paniwalaan ito ng tao; higit pa rito, para mahalin ito ng tao. Subalit marami sa mga yaon na naniniwala sa Diyos ang hindi kayang tuklasin ang ‘lihim’ na ito. Hindi nangangahas ang mga tao na mahalin ang Diyos, 0 sumusubok na mahalin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos; hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat mahalin ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag). Ang diwa ng Diyos ay maganda at mabuti, at napakaraming bagay ang mamahalin ninyo sa Kanya. Kailangang mapahalagahan at matanto natin ito sa pamamagitan ng karanasan. Mula ngayon, sa kapaligirang isinaayos sa akin ng Diyos, nais kong mag-ukol pa ng mas maraming panahon sa paghahanap sa katotohanan, sinisikap na maunawaan ang kalooban ng Diyos, mas tuklasin pa ang kalugud-lugod na mga katangian ng Diyos, at sikaping makilala ang Diyos upang maalis ko ang aking tiwaling disposisyon sa lalong madaling panahon hangga’t maaari at maging kaayon ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Mga Gapos ng Katiwalian

Ni Wushi, Tsina Marso 2020 nagpunta ako para magsagawa ng halalan sa isang iglesia na pinamamahalaan ko, at si Sister Chen ay nahalal...

Isang Sandali ng Pagpili

Ni Li Yang, Tsina Isinilang ako sa probinsya at lumaki ako sa isang mahirap na pamilya. Mga simpleng magsasaka lang ang aking mga magulang...

Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, USA Noong Oktubre ng 2016, nasa ibang bansa kami ng asawa ko noong tinanggap namin ang gawain. Makalipas ang ilang buwan, si...

Leave a Reply