May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan

Mayo 17, 2018

Gan’en Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui

Sa buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala” sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon ng masyadong maaga. Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang “mabuting tao.”

Kahit pagkatapos kong natanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nanatili ako sa kasabihang ito sa aking mga pakikitungo sa iba. Nang nakita ko na hinihingi ng Diyos na tayo ay maging inosente, marangal at matapat, marangal lamang ako sa maliliit na bagay na walang personal na interes sa akin. Hindi ko halos kailanman ibabahagi ang mga aspeto ng aking disposisyon na nakita kong totoong masama, dahil sa takot na hahamakin ako ng aking mga kapatid. Nang ibukod ako ng aking lider dahil sa paggawa ng walang sigasig sa aking gawain, ako ay puno ng paghihinala at pag-aalinlangan at inisip sa sarili ko, “Bakit palagi akong ibinubukod ng aking lider at dumadako sa mga detalye ng aking kalagayan sa harapan ng lahat ng aking mga kapatid? Hindi ba halata na mapapahiya ako nito at mapapahiya ako sa harap ng lahat? Marahil ang aking pinuno ay hindi masyadong masigasig sa akin, kaya nagpasiya siyang sisihin ako.” Lubhang masakit at hindi mabata na makita ang iba pang mga kapatid na itinataas habang ako ay nananatili sa parehong posisyon. Ipinalagay ko na hindi ako itinaas sa posisyon dahil hindi ako karapat-dapat na sanayin. Ang aking puso ay napuno ng mga maling pag-unawa at mga pagdududa; Nadama ko na wala akong kinabukasan, na wala nang kabuluhan sa pagpapatuloy sa landas na ito. Sapagkat lagi akong nagbabantay at naghihinala sa iba, pahigit nang pahigit na hindi ko naunawaan ang Diyos at naramdamang paunti nang paunti ang kaugnayan sa Kanya. Ang aking kondisyon ay naging higit at higit pang hindi karaniwan at sa huli ay nawala ang aking kaugnayan sa gawain ng Banal na Espiritu at nahulog sa kadiliman.

Sa kalaliman ng pagdurusa, nawala at walang direksyon, dumating ako sa siping ito ng salita ng Diyos: “Kung mapanlinlang ka, magiging malihim at mapaghinala ka sa lahat ng mga tao at mga bagay, at sa gayon, ang pananampalataya mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananampalataya. Sa kakulangan ng tunay na pananampalataya, mas lalo kang salat sa tunay na pagmamahal. At kung may gawi kang pagdudahan ang Diyos at maghaka tungkol sa Kanya, kung gayon walang kaduda-dudang ikaw ang pinakamapanlinlang sa lahat ng mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa). Habang pinag-iisipan ko ang salita ng Diyos, bigla akong nagbulay sa aking mga sariling aksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa una pa lamang, naisip ko: “Hindi ba’t nabubuhay ako na may ‘magiging malihim at mapaghinala ka sa lahat ng mga tao at mga bagay’?” Kung gayon, hindi ba’t ako ay isang tusong tao sa paningin ng Diyos? Sa sandaling iyon, ang mga salitang “tusong tao” ay tumagos sa aking puso tulad ng isang matalas na talim, na dinudulutan ako ng di mabatang pagdurusa. Palagi kong inisip na hangga’t pinanatili ko ang kasabihang “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala,” ituturing akong isang mabuting tao ng aking mga katulad, kaya ako ay nabuhay sa pamamagitan ng mga salitang iyon sa aking mga pakikitungo sa ibang mga tao at sa pagsasagawa ng tungkulin. Hindi kailanman, sa lahat ng aking mga taon, na pinaghinalaan ko na ang pamumuhay sa pamamagitan ng kasabihang ito ay gagawin akong isang taong may pagkatuso. Nangangahulugan ito na “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala,” ang kasabihang napakatagal kong itinaguyod, ay hindi tumalima sa katotohanan at nasa tuwirang pagsalungat sa salita ng Diyos. Nagulat ako na makita ang pilosopiyang ito ng buhay na aking itinaguyod sa hinaba ng aking matatandaan ay ibinagsak at pinabulaanan ng mga salita ng Diyos na tila sa magdamag. Gayunpaman, dahil ang mga bagay ay nagkagayon na, wala akong pagpipilian kundi ang tanggapin ang mga katotohanan. Kinalma ko ang aking sarili, nagsagawa ng ilang pag-iisip at muling sinuri ang kasabihang ito na pinanghawakan ko ng matagal. Sa paglipas ng panahon, salamat sa kaliwanagan ng Diyos, sa wakas ay nakakuha ako ng bagong pag-unawa at pananaw tungkol sa parirala. Sa ibabaw, ang “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala” ay tila isang sapat na makabuluhang ideya at alinsunod sa karamihan ng pagkaintindi ng mga tao tungkol sa tama at mali. Mukhang walang anumang bagay na mali sa ideya sa simula, sapagkat sinasabi lamang nito na dapat tayong magbantay laban sa iba, ngunit hindi mag-umpisang gumawa ng pinsala sa iba. Karagdagan pa, ang pamumuhay sa kasabihang ito ay pumipigil sa atin mula sa pagkahulog sa mga bitag habang kasabay na pinapayagan din tayo na matutuhan kung paano maging mabubuting mga tao. Gayunpaman, kapag isinailalim natin ang pariralang ito sa maingat na pagsusuri, nagiging malinaw na ito talaga ay isang lubos na nakatatakot na paraan kung saan ay pinasasama ni Satanas ang sangkatauhan. Ang pariralang ito ay lihim na nagsasabi sa atin na hindi ka maaaring magtiwala sa sinuman, na ang sinuman ay may kakayahang makapinsala sa iyo, kaya sa iyong mga pakikitungo sa iba, huwag mong ibibigay kailanman ang lahat. Sa ganitong paraan, nagbabantay ako laban sa iyo, ikaw ay naghihinala sa akin at walang sinuman sa atin ang talagang nagtitiwala sa isa’t isa. Ito ay naghahatid sa atin pababa sa daan tungo sa hindi pagkakaunawaan, kapootan, at pagpapakana, na nagdudulot sa sangkatauhan upang maging higit at higit pang masama, taksil, tuso at hindi matapat. Ang mas masama pa, ang pananalitang ito ni Satanas ay nagdudulot sa atin upang maging mapagbantay, mapaghinala at hindi mapagtiwala sa mga pakikipagtagpo sa ating mapagmahal at mabait na Diyos. Nagsisimula tayong mag-isip na ang Diyos din ay mapandaya, tuso at puno ng mga pakana—na ang Diyos ay hindi gumagawa para sa ating pinakamabuting kapakinabangan. Bilang resulta, gaano man tayo kamahal ng Diyos at kamaunawain sa atin, nag-aatubili tayo na ilagay ang ating pananampalataya sa Kanya, at mas malamang na hindi pahahalagahan gaano man ang Kanyang ginagawa para sa atin. Sa halip, pinag-aalinlanganan natin ang lahat ng ginagawa Niya nang may mapandayang puso, at pinapasa ang ating mga maling pag-unawa, pagdududa, kawalang-katapatan at pagtutol sa Kanya. Sa ganitong paraan, natutupad ni Satanas ang layunin nito na pagpapasama at paglason sa sangkatauhan at pagpapalayo sa atin o pagtataksil sa Diyos. Gayunpaman, nagkulang ako ng kabatiran at hindi naunawan ang masamang balak ni Satanas. Kinuha ko ang kamalian nito para sa isang matatag na pilosopiya sa buhay upang igalang at itaguyod at sa dakong huli ay naging higit at higit pang tuso, mapagtanong at mapagbantay. Sa halip na manindigan sa panig ng Diyos, at pakitunguhan ang mga bagay mula sa isang positibong pananaw, anuman ang sitwasyong naharap ko, ginamit kong lagi ang sarili kong mapandayang pag-iisip. Hindi ko naunawaan ang Diyos at pinag-alinlanganan ang Kanyang layunin. Sa wakas, habang ang aking maling pag-unawa sa Diyos ay naging lalo at lalong tiyak, nawala ang aking kaugnayan sa gawain ng Banal na Espiritu at nahulog sa kadiliman. Ngayong malinaw na, ang pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala” ay walang iba kundi isang kamalian na ginawa ni Satanas upang pasamain at linlangin ang sangkatauhan. Ang pamumuhay sa tinagurian na kasabihang ito ay pangungunahan lamang ang mga tao upang maging mas tuso at malihim, at walang katuwirang magtanong at magbantay laban sa mga iba, habang ganap na mali ang pag-unawa at tumatalikod sa Diyos. Ang buhay na labis nang pinangunahan ay mag-aani lamang ng pagkasuklam ng Diyos at pinangungunahan ang isang tao na mawalan ng kaugnayan sa gawain ng Banal na Espiritu at mahulog sa kadiliman. Sa huli, ang mga tagasuporta ng kasabihang ito ay magiging biktima ng kanilang sariling pagtataksil—ang kanilang mga magagandang kinabukasan ay napawi. Sa puntong ito, sa wakas ay naunawaan ko na ang pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala” ay hindi isang lehitimong pilosopiya ng buhay, kundi isang mapandayang balangkas ni Satanas upang linlangin at pahirapan ang sangkatauhan. Ang pariralang ito ay may kakayahang pasamain ang mga tao, na ginagawang mapariwara ang kanilang pagkatao at malihis o magtaksil sa Diyos. Ang mamuhay sa pariralang ito ay maaari lamang mag-akay sa isang tao na lumaban sa Diyos at sa gayon ay kasuklaman, tanggihan at alsin ng Diyos.

Nang maglaon, nakita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Matapat ang Diyos, at kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang mali at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya, kung kaya gusto ng Diyos yaong mga lubos na tapat sa Kanya. Ang katapatan ay nangangahulugang pagbibigay ng puso mo sa Diyos, pagiging wagas sa Diyos sa lahat ng mga bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi pagtatago kailanman ng katotohanan, hindi pagsusubok na malinlang yaong mga nasa itaas at nasa ibaba mo, at hindi paggawa ng mga bagay upang manuyo lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa mga kilos at mga salita mo, at hindi paglilinlang sa Diyos o sa tao. … Kung marami kang mga nakatagong kaalamang atubili kang ibahagi, kung lubos kang tutol na ilantad ang mga lihim mo—ang mga paghihirap mo—sa harap ng iba upang hanapin ang daan ng liwanag, sinasabi Kong isang kang taong hindi madaling matatamo ang kaligtasan, at hindi madaling makakaahon mula sa kadiliman. Kung nakalulugod sa iyong mabuti ang paghahanap sa daan ng katotohanan, isa kang taong palaging nananahan sa liwanag. Kung lubhang nagagalak kang maging isang tagapaglingkod sa tahanan ng Diyos, na gumagawa nang masigasig at matapat sa di-katanyagan, palaging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, sinasabi Kong isa kang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at nagsisikap lamang na maging tapat na tao. Kung handa kang maging matapat, kung handa kang gugulin ang lahat ng nasa iyo, kung kaya mong isakripisyo ang buhay mo para sa Diyos at tumayong matatag sa patotoo mo, kung tapat ka hanggang sa puntong pagbibigay-kasiyahan lamang sa Diyos ang alam mo at hindi pagsaalang-alang ng sarili mo o pagkuha para sa sarili mo, sinasabi Kong ang ganitong mga tao ay yaong mga pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay kailanman sa kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Mula sa salita ng Diyos ay naunawaan ko, na minamahal at pinagpapala ng Diyos ang matapat. Sa pamamagitan lamang ng pagiging matapat na ang isang tao ay makapamumuhay sa tamang paraan, kaayon ng layunin ng Diyos. Kaya, tanging ang matapat ang karapat-dapat tumanggap ng pagliligtas ng Diyos. Naunawaan ko rin kung paano kumilos bilang matapat na tao: Ang matatapat na tao ay nagsasalita nang simple, hayagan at walang panlilinlang—tinatawag nila ang ispada na ispada. Ang tapat ay hindi kailanman nandaraya sa iba, hindi sila kumikilos nang walang interes at hindi sila kailanman nandaraya o nagsisinungaling sa Diyos. Ang puso ng matapat na tao ay tapat at walang kataksilan o kabuktutan. Sa pagsasalita at pagkilos ay hindi sila nagkikimkim ng mga intensyon o lihim na motibo; hindi sila kumikilos para sa kanilang sariling pakinabang o upang masiyahan ang kanilang laman, kundi para sa kapakanan ng pagiging isang totoong tao. Ang puso ng matapat na tao ay may magandang kalooban, ang kanilang kaluluwa ay matapat, at handa silang ibigay ang kanilang puso at buhay sa Diyos. Wala silang hinihinging kabayaran, kundi nagsisikap lamang na matupad ang mga hangarin ng Diyos. Tanging ang mga nagtataglay ng mga katangiang ito ang maaaring tawaging matatapat na tao, mga taong namumuhay sa liwanag.

Sa sandaling naunawaan ko ang mga prinsipyong nakaugnay sa pagiging matapat na tao, sinimulan kong subukang isagawa ang mga prinsipyong iyon. Sa aking mga pakikitungo sa iba, sinadya kong subukan na huwag maging tuso, o manghula at maging maingat. Nang magtagumpay ako, nadama kong partikular akong malaya at napakawalan; tila mas lalong maaliwalas na mabuhay sa ganitong paraan. Kapag nagpakita ako ng katiwalian habang tinutupad ang aking mga tungkulin, maagap kong hinahanap ang aking kaparehang kapatid na babae upang ipaalam ang aking bagong pag-unawa sa aking sarili sa pakikipag-isa at gagawin din ito ng kapatid na babae. Habang nasa prosesong ito, hindi lamang sa hindi kami nagkaroon ng masasamang palagay sa isa’t isa, ngunit talagang kami ay naging mas magkaayon pa sa aming koordinasyon. Nang binanggit ko ang salita ng Diyos sa paglalantad ng aking katiwalian sa panahon ng mga pagpupulong, hindi ako hinamak ng aking mga kapatid na gaya ng naisip ko sa simula, sa halip ay itinuring nila ang aking salaysay bilang isang halimbawa ng mapagmahal na pagliligtas ng Diyos. Kapag, sa pagtupad sa aking mga tungkulin, gumawa ako hindi para sa aking sariling reputasyon at katayuan kundi upang matupad ang mga hangarin ng Diyos, nadama ko ang Banal na Espiritu na gumagawa sa pamamagitan ko at nagbibigay sa akin ng patnubay, upang makita ko ang layunin ng Diyos sa pagtupad sa aking mga tungkulin. Bilang resulta, napakabisa ko sa pagtupad sa aking mga tungkulin. Sa panalangin, sinadya kong subukan na ibahagi ang aking mga pinakaloob na kaisipan sa Diyos at magsalita mula sa kaluluwa. Nakita ko na nang gawin ko iyon, palapit ako ng palapit sa Diyos at nadama na ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig. Mangyari pa, ang lahat ng mga dating maling pag-unawa ko sa Diyos ay napawi sa proseso. Sa pamamagitan ng prosesong ito ng pagsasagawa ng katapatan, naranasan ko kung paanong ang pagiging matapat ay nagpapahintulot sa isang tao na mamuhay sa liwanag at tumanggap ng pagpapala ng Diyos. Ang pagiging matapat na tao ay tunay na makabuluhan at mahalaga!

Sa pagdaranas ng mga benepisyo ng pagiging matapat na tao, naging mas malinaw sa akin na ang kasabihan ni Satanas na, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala” ay nagpapasama at nagpapahirap sa sangkatauhan. Kung itinataguyod ng isang tao ang kasabihang ito, siya ay laging mabubuhay sa kadiliman, katiwalian at paghihirap. Sa pamamagitan lamang ng pagiging matapat na tao na makapamumuhay tayo sa liwanag, mapalalakas at tatanggap ng papuri ng Diyos. Mula ngayon, nangangako ako na magsimulang muli at lubusang iwan ang kasabihang ito ni Satanas na, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala.” Mula ngayon, ang katapatan ang aking magiging pamantayan sa aking pamumuhay at magsisikap akong makalugod sa Diyos sa pamamagitan ng aking katapatan.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagtalo kay Satanas sa Labanan

Chang Moyang    Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag nilalabanan mo ang laman,...