Hindi Na Ako Nabubuhay Para sa Pera
Ni Weixiao, Tsina Noong bata pa ako, napakahirap ng pamilya ko. Minamaliit kami ng lahat ng aming mga kamag-anak at kapitbahay, at hindi...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Nung bata pa ako, napakahirap ng pamilya ko at madalas kaming apihin ng ibang taganayon. Palaging sumasama ang loob ko ‘pag nakikita kong napapaiyak ang nanay ko dahil sa pang-aapi nila. Parang minamaliit kami ng lahat dahil sa wala kaming katayuan at hindi kami kailanman magkakaroon ng pagkakataong umunlad. No’ng panahong ‘yon, madalas sabihin sa’kin ng mga magulang ko, “‘Ang mga mahihirap ay nag-iisa kahit na sa pinakamalalaking lungsod, pero ang mayayaman ay magkakaroon ng mga bisita kahit na sa pinakaliblib na kabundukan,’ kaya paglaki mo, kailangan maging kilala ka at mahigitan ang mga kaedad mo para mabigyan ng karangalan ang ating pamilya.” Isinapuso ko ang mga salitang ito at nagsumikap ako para matamo ang katayuan at respeto ng iba.
Noong 1986, nakilahok ako sa isang recruitment training program para sa isang malaking pambansang kumpanya. Sa panahon ng pagsasanay, nag-aral akong mabuti at nakuha ko ang pinakamataas na marka kapwa sa mga grado at sa pag-uugali sa halos bawat buwan. Pero sa gulat ko, itinalaga ako sa isang mababang entry-level na posisyon, habang ang ibang mas mababa sa akin ang mga grado pero galing sa mas magagandang angkan ay binigyan ng mga posisyon sa pangangasiwa. Dinamdam ko talaga ang dagok na ito, at natanto ko na kung gusto kong mamukod-tangi, hindi sapat na maging mahusay lang, kailangan ko ring matutong magpalakas sa boss. Kaya pagkatapos nun, madalas akong tumulong sa boss sa trabaho sa kanyang bahay at no’ng nagkasakit siya at na-admit sa ospital, nandoon ako para tuparin ang bawat hiling at utos niya. Upang makuha ang pagkilala ng boss, bumili ako ng lahat ng uri ng libro at isinubsob ang sarili ko sa pag-aaral para mapabuti ang mga kasanayan ko sa pamamahala. Matapos ang ilang taong pagsusumikap, sa wakas ay napromote ako sa mataas na pamamahala. Sa pabrika, sinasalubong ako ng lahat ng manggagawa nang may mga pagtango at pagyuko at kapag umuuwi ako, dumaraan ang lahat ng kapitbahay para bisitahin ako. Kaya nang ganun-ganon lang, naging tanyag ako sa nayon namin. Parami nang parami ang lumalapit sa akin para humingi ng pabor at pati ‘yong mga dating minamaliit kami ay nag-iba na ng tono at ngayon ay talagang palakaibigan na sa akin. Sa aking banidad, lubos na kasiya-siya na maging sentro ng atensyon at mapaulanan ng paghanga.
Noong 1998, sa edad na 35, napromote ako bilang direktor ng pabrika. Sa kabila ng pagkakaroon ng katayuan at awtoridad, nakaramdam pa rin ako ng pagkabalisa. Nag-aalala ako na dahil wala akong personal na koneksyon, kung hindi ako gaganap nang maayos sa trabaho ko, baka hindi ko mapanatili ang kasalukuyan kong katayuan. At kaya, hinarap ko ang trabaho ko nang may matinding pag-iingat, na tila ba nasa mapanganib akong sitwasyon, labis na natatakot na matatanggal ako kapag may nangyaring mali. Upang mapalago ang aming negosyo, madalas akong umiinom at kumakain kasama ang aming mga kliyente, niyayaya ko silang uminom at mag-karaoke. Napagtanto kong sinusuhulan pa nga ng ilang manager ang mga kliyente ng pera at mga bayarang babae. Kinamumuhian ko ang ganitong paraan ng pagnenegosyo, pero pagkatapos pag-isipan nang ilang beses ang aking mga pagpipilian, sinakyan ko na lang ang realidad ng sitwasyon sa huli. No’ng panahong iyon, balisa ako at hirap makatulog. Dahil sa stress sa trabaho at sa sarili kong pagkabalisa, nagkaroon ako ng diabetes, hypertension at hyperlipidemia bukod sa iba pang mga sakit. Kalaunan, mula sa pagiging pag-aari ng publiko ay naging isang pribadong pag-aari na negosyo ang kumpanya ko. Dalawa o tatlong daang empleyado ang bumili ng mga share ng kumpanya at naging may-ari. Pagkalipas ng tatlong taon, upang mapalaki ang aming mga kita, binili namin ang parte ng mga minority shareholder alinsunod sa plano ng chairman, at, nang ganun-ganon lang, naging milyonaryo ako at ang ilan pang malalaking shareholder at naging pangunahing pinagmumulan ng kita sa buwis sa aming rehiyon ang kumpanya namin. Madalas akong kailangang dumalo sa mahahalagang pagpupulong sa county seat at lumalabas pa nga ako sa telebisyon. Lubos na nabigyang-kasiyahan ang banidad ko. Sa panlabas, tila nasa tuktok ako ng mundo at namumuhay gaya ng isang mataas na tao, pero sa loob-loob ko’y hungkag at balisa ang pakiramdam ko. Sa bawat gabi habang nakahiga ako sa kama, naiisip ko: “Sa mga taon na ito, isinubsob ko ang puso at kaluluwa ko sa aking trabaho at nakamit ko ang katayuan at reputasyon, pero nawala ang aking dignidad at kalusugan. Ganito ba talaga ako dapat mamuhay? Ano ang kabuluhan ng pamumuhay nang ganito?”
Pero dahil sa abala kong pamumuhay, hindi ako nagkaroon ng maraming oras para magnilay-nilay. Lubos akong nagapos ng aking katayuan at reputasyon kaya ang nagawa ko lang ay magpatuloy.
Pero sa gulat ko, kung kailan malapit na ako sa tuktok ng aking karera, isa sa aming mga produkto ang nagkaroon ng malaking isyu sa kalidad dahil sa sarili kong kamalian sa pamamahala, kung kaya’t nawalan ang kumpanya ng ilang milyong yuan. Nung panahong ‘yon, talagang napakasama ng loob ko. Sa lahat ng taon ko sa kumpanyang iyon, nakagawa ako ng tuluy-tuloy na mga pagpapabuti halos bawat taon, pero sa kabila ng pagtatrabaho nang labis-labis sa huling anim na buwan, sa huli ay nasira ang reputasyon ko. Para akong bumagsak mula sa pinakamataas papunta sa pinakamababa. Sa aking matinding pasakit at pagdadalamhati, ilang kapatid ang dumating para magbahagi sa akin ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nakita ko na sinabi ng mga salita ng Diyos na: “Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating nagmamadali at nag-aabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong mga sariling hinaharap, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, isa ka pa rin bang nilikha?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). “Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Matapos basahin ‘to, natanto ko na ang kapalaran natin sa buhay ay nasa mga kamay ng Diyos. Wala tayong kontrol kung magtatagumpay ba tayo o hindi sa ating mga karera. Sa pag-iisip tungkol dito, napagtanto kong totoo ito. Noong una ay nilalayon kong isulong ang karera ko sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap, pero sa halip, nabigo ako nang husto. Ipinakita nito sa akin na hindi natin kontrolado ang ating mga kapalaran. Para sa akin, ang mga salitang ito ay tunay na praktikal at tama. Sa matagal-tagal na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naging tiyak ako na ito ang gawain ng Diyos at tinanggap ko ang Makapangyarihang Diyos.
Pagkatapos nun, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hinihikayat Ko ang mga tao ng lahat ng bansa, lahat ng bayan, at maging lahat ng industriya na makinig sa tinig ng Diyos, masdan ang gawain ng Diyos at bigyang-pansin ang kapalaran ng sangkatauhan, upang magawa ang Diyos na pinakabanal, pinaka-kagalang-galang, pinakamataas, at tanging pag-uukulan ng pagsamba ng sangkatauhan, at magbigay-daan sa buong sangkatauhan upang mamuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos, tulad ng mga inapo ni Abraham na namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova, at tulad nina Adan at Eba, na orihinal na ginawa ng Diyos, na namuhay sa Hardin ng Eden” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Malaki ang epekto sa akin ng mga salita ng Diyos. Ginugol ko ang unang kalahati ng buhay ko sa pagsusumikap para magtagumpay at bagamat naabot ko ang layon kong mahigitan ang aking mga kaedad, nakagawa ako ng pangalan at napalugod ang sarili kong mga walang kabuluhang pagnanais, sa loob-loob ay hungkag at nagdadalamhati ang pakiramdam ko. Natanto ko na tanging ang paglapit sa Diyos para hanapin ang katotohanan at sambahin Siya ang tamang daan at ang makapagtatamo ng mga pagpapala ng Diyos. Kaya’t nanumpa ako sa Diyos na gagawin ko ang makakaya ko para manampalataya at sumunod sa Diyos magmula noon.
Pagkalipas ng dalawang buwan, naging lider ako ng grupo sa iglesia ko at nangasiwa sa pagdaraos ng mga pagtitipon ng grupo. Talagang nasasabik ako at handa akong sundin ang kalooban ng Diyos at gawin ang aking tungkulin. Dahil malapit ang lugar ng aming pagtitipon sa pinagtatrabahuhan ko, madalas kong nakakasalubong ang mga katrabaho ko habang papunta ako sa mga pagtitipon. Nung tumagal-tagal, nagsimula akong kabahan. Kung malalaman ng boss ko na isa akong mananampalataya, ang pinakamaliit na mangyayari ay mababatikos at mapapahiya ako, pero ang pinakamalala ay maaari pa akong masisante sa kumpanya. Kung magkagayon ay masisira ang reputasyon at katayuan na pinaghirapan kong makamit sa kalahati ng buhay ko. Pero naisip ko, “Pagkatapos manampalataya sa Diyos, dahil nauunawaan ko na ang ilang katotohanan, naiwasan ko ang maraming kasamaan. Lubos akong kumbinsido na ang pananalig sa Diyos, paghahanap sa katotohanan at paggawa ng aking tungkulin ang tamang daan, at ito ang pinakamahalaga at makabuluhang bagay sa buhay ko, kaya kahit anong mangyari, hindi ko ito pwedeng iwan.” Pagkatapos nun, hindi na ako napipigilan at nagpatuloy ako sa pakikipagtipon at paggawa ng aking tungkulin. Gaya ng hula ko, pagkaraan ng ilang panahon, nalaman ng boss na nananalig ako sa Diyos at dumadalo sa mga pagtitipon. Minsan, hindi ako sumipot sa isang pulong ng kumpanya namin, kaya nagpadala ang chairman ng mga tao para hanapin ako sa buong lugar, at nagtanong pa nga sa mga tao kung saan ang pagtitipon. Sa isa pang pagkakataon, papunta ako sa isang pagtitipon at nalaman ng chairman at sinadyang magpatawag ng pulong sa lahat ng middle-manager at umupo sa tabi ko para hindi ako makaalis. Talagang mahirap para sa akin ang buong sitwasyong ito at sa tuwing dumadalo ako sa mga pagtitipon, palagi akong napipigilan. No’ng panahong ‘yon, pakiramdam ko’y nasasakal talaga ako at natanto ko na hinahadlangan ako ng kasalukuyan kong sitwasyon na manalig sa Diyos at gawin ang aking tungkulin, kaya’t nagdasal ako sa Diyos para humingi ng patnubay Niya.
Kalaunan, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Dapat mo nang malaman kung paano mo Ako dapat bigyang-kaluguran ngayon, at kung paano mo dapat itakda sa tamang landas ang iyong pananampalataya sa Akin. Ang nais Ko ay ang iyong katapatan at pagkamasunurin ngayon, ang iyong pag-ibig at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo pa alam sa sandaling ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pag-ibig, dapat mong ibigay sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagkamasunurin. Dapat mong malaman na ang patotoo ng Aking paggapi kay Satanas ay nasa katapatan at pagkamasunurin ng tao, gayundin ang patotoo sa Aking ganap na paglupig sa tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na anuman ang pagdaanan natin sa ating buhay bilang mga mananampalataya, kailangan nating laging magsagawa ng debosyon at pagsunod sa Diyos at magpatotoo para sa Kanya. No’ng panahong ‘yon, dalawang taon na akong nananampalataya, at bagamat mukhang ginagawa ko ang tungkulin ko, napipigilan ako ng trabaho ko at palagi akong nag-aalala na sisisantehin ako at mawawala ang katayuan ko, kaya hindi ko talaga nagawang ibuhos ang sarili ko sa aking tungkulin, at minsan ay hinahayaan ko pa ngang maapektuhan ng trabaho ko ang pagtitipon at mga tungkulin ko. Nasaan ang aking patotoo? Kalaunan, isa pang sipi ng mga salita ng Diyos ang sumagi sa isip ko. “Sa kanyang paniniwala sa Diyos, hinangad ni Pedro na bigyang-kasiyahan ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinangad na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Wala ni katiting na reklamo, nagawa niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, gayundin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, at walang isa man dito na maaaring magpabago sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pagmamahal sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Sa kanyang pananampalataya, hinangad ni Pedro na magpasakop at mahalin ang Diyos. Nang tawagin siya ng Panginoong Jesus, agad niyang iniwan ang kanyang bangkang pangisda para sundan Siya, at nang maharap siya sa mga pagsubok at paghihirap, hinangad pa rin niyang palugurin ang kalooban ng Diyos. Sa huli, ipinako siya sa krus nang patiwarik at nakamit ang sukdulang pagmamahal sa Diyos at pagsunod hanggang kamatayan, nagbibigay ng kamangha-mangha at matunog na patotoo para sa Diyos, at namumuhay ng isang buhay na puno ng halaga at kabuluhan. Dahil nagpasya akong manampalataya at sumunod sa Diyos, dapat kong tularan si Pedro sa paghahangad na mahalin at palugurin ang Diyos—ito lamang ang magiging tamang desisyon. Naisip ko kung paanong sa unang kalahati ng buhay ko, tumanggap at nagbigay ako ng mga suhol, nalublob sa pagkabulok at nagsinungaling para sa katayuan at kapangyarihan, namumuhay sa lubos na paghihirap. Nang ganun-ganon lang, lumipas na ang aking kabataan. Bagamat sa wakas ay ginabayan na ako ng Diyos patungo sa tamang landas, napipigilan pa rin ako ng trabaho ko at hindi ako makatuon sa pananampalataya at paggawa ng aking tungkulin. Kung magpapatuloy ako nang ganito, makakausad ba talaga ang buhay ko? Lalo na nung naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Hindi naghihintay ang oras kaninuman!” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X). Naramdam kong kailangang magmadali. Kung iisipin kung paanong pagkatapos ng mahigit 50 taon sa mundong ito ay nabigyan ako ng pagkakataong tanggapin ang nagliligtas na biyaya ng Diyos sa mga huling araw, hanapin ang katotohanan at makamit ang kaligtasan ng Diyos, ang lahat ng ito ay dahil sa kabaitan ng Diyos. Kailangan kong huminto na sa pagiging masyadong kaswal sa pananampalataya ko. Pagkatapos nun, naisip kong magbitiw na sa trabaho ko para maibigay ko ang lahat ng oras at lakas ko sa paghahanap sa katotohanan at paggawa ng aking tungkulin.
Pero pagkatapos ay naisip ko na ginugol ko ang mahigit kalahati ng buhay ko sa pagsusumikap at sa wakas ay naging isang malaking shareholder na na may ilang milyong yuan na portfolio at di-mabilang na tagahanga. Pero kung mawawalan ako ng trabaho, magiging karaniwang tao na lang akong muli, at kung magkagayon, sino ang papansin sa akin? Mamaliitin ako lahat ng mga kaibigan, kamag-anak, boss at katrabaho ko at sasabihin nilang isa akong hangal. Paano ko sila mahaharap nang may karangalan pagkatapos nun? Sa sandaling maisip ko ito, nagtalo ang kalooban ko kaya nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyan ako ng lakas na makawala sa mga gapos at paghadlang ng trabaho ko. Sa gitna ng aking paghahanap, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay katanyagan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at maghuhusga o magpapasya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at hirap na hirap silang sumulong. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at nagtataksil sa Kanya at lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng katanyagan at pakinabang ni Satanas. Kung titingnan ngayon ang mga kilos ni Satanas, hindi ba lubos na kasuklam-suklam ang masasamang motibo nito? Marahil ay hindi pa rin ninyo malinaw na nakikita ngayon ang masasamang motibo ni Satanas dahil iniisip ninyo na hindi mabubuhay ang tao kung walang katanyagan at pakinabang. Iniisip ninyo na kung tatalikuran ng mga tao ang katanyagan at pakinabang, hindi na nila makikita ang daan sa kanilang harapan, hindi na nila makikita ang kanilang mga layunin, na magiging madilim, malabo at mapanglaw ang kanilang hinaharap. Ngunit, unti-unti, balang araw ay mapapansin ninyong lahat na ang katanyagan at pakinabang ay malalaking kadenang ginagamit ni Satanas upang igapos ang tao. Pagdating ng araw na iyon, lubusan mong lalabanan ang pagkontrol ni Satanas at ang mga kadenang ginagamit ni Satanas upang igapos ka. Pagdating ng oras na nais mong iwaksi ang lahat ng bagay na naikintal sa iyo ni Satanas, ganap kang hihiwalay kay Satanas at talagang kamumuhian mo ang lahat ng naidulot ni Satanas sa iyo. Saka lamang magkakaroon ng tunay na pagmamahal at pananabik sa Diyos ang sangkatauhan” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang dahilan kung bakit hindi ko magawang iwan ang trabaho ko at ituon ang lakas ko sa aking tungkulin ay dahil hindi ko nakikita kung paanong ang kasikatan at kayamanan ay ang mga tanikala na ginagamit ni Satanas para gapusin at kontrolin ang mga tao—naglagay ito ng bitag para sa akin. Ginamit ni Satanas ang kasikatan at kayamanan bilang paraan ng panlilinlang at pagtitiwali sa akin, para gawin akong hangarin ito, at lumayo at ipagkanulo ang Diyos. Dahil ang pamilya ko ay nabuhay sa kahirapan at inaapi at minamaliit na mula pa nung maliit ako, at dahil nalason ako ng mga satanikong pilosopiya tulad ng “Mamukod-tangi at magbigay karangalan sa iyong mga ninuno,” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” itinuring ko ang mga ideyang ito bilang pinakamataas na katotohanan at nanumpa na mamumuhay ako bilang isang elitista. Dahil do’n, nilunok ko ang pride ko at lumuhod ako sa harap ng boss ko at binola siya. Tapos, nang magkamit na ako ng katayuan, palagi akong nag-aalala na nagsasabwatan ang iba laban sa akin, kaya para patibayin ang katayuan ko, nilabag ko ang aking konsensya at sinuhulan ko ang mga kliyente ng pera at mga bayarang babae. Nakaramdam ako ng takot at kaba araw-araw, takot na baka makarma ako sa lahat ng ginawa ko. Para magkamit ng mas mataas pang katayuan, napakaingat kong pinalago ang aming negosyo, pero para itong paglangoy nang pasalungat sa agos—walang sandali ng pahinga kahit kailan, at sa huli ay napagod ako at nagkasakit. Nung wala pa akong anumang katayuan at kapangyarihan, sinikap kong matamo ang mga ito sa anumang paraan, pero nang sa wakas ay nakuha ko na ang gusto ko, naipit ako sa pag-inom at pagkain buong araw at wala akong ibang magawa kundi ang sumunod sa masasama at makamundong kalakaran, hindi man lang ramdam ang pagiging isang tao. Hindi ako nakaramdam ng kahit katiting na kapayapaan o pagiging makatwiran at araw-araw ay nangangamba ako at namumuhay ng isang napakasakit at nakakapagod na pamumuhay! Ginamit ni Satanas ang kasikatan at kayamanan para pahirapan ako. Naisip ko rin kung paanong sa kabila ng katunayan na ang mga sikat at mayayamang tao ay may yaman at reputasyon at nagtagumpay sila sa kanilang mga karera, ang ilan sa kanila ay nagdodroga pa rin, nagpapakamatay o nasesentensyahan na makulong. Maaaring nabigyan sila ng pansamantalang katanyagan ng kasikatan at kayamanan, pero nagdulot lang ito ng kahungkagan at pagdurusa ng kanilang isipan at katawan. Noon ko lang napagtanto na isang negatibong bagay na ikinikintal sa atin ni Satanas ang pagnanais na maghangad ng kasikatan at kayamanan—paraan ito ni Satanas para paglaruan at pinsalain ang mga tao at humahantong lamang ito sa katiwalian at kapahamakan. Ninanakaw nang ninanakaw nito sa mga tao ang kanilang pagkatao at ginagawa silang mga halimaw. Matapos matamasa ang pagtustos at pagdidilig ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang paghahanap lang sa katotohanan, paggalang sa Diyos, paglayo sa kasamaan at paggawa ng aking tungkulin bilang isang nilikha ang magbibigay-daan sa akin na mamuhay ng isang buhay na may kabuluhan at halaga. Hindi ako pwedeng mahulog sa bitag na lalo pang sayangin ang aking buhay sa paghahangad ng kasikatan at kayamanan. Kailangan kong umasa sa Diyos para maiwaksi ang mga gapos ng katayuan at reputasyon, gumawa nang maayos sa aking tungkulin, hanapin ang katotohanan at mamuhay nang may kabuluhan. Nang mapagtanto ko ito, nagpasya akong magbitiw sa trabaho ko.
Alam ko na dahil may mahalagang papel ako sa kumpanya, tiyak na hindi papayag ang chairman kung susubukan kong deretsong magbitiw. Kaya nagpasya akong mag-apply sa chairman ng pinahabang sick leave. Pero malamang nahulaan niya ang motibo ko kaya sinabi niyang, “Hindi ko pipirmahan ito. Kung hahayaan kitang mag-sick leave, pagkatapos ay magre-resign ka na lang.” Nang marinig ko ito, medyo nalito ako kung ano ang gagawin. Kung hindi ako papayagan ng chairman na mag-resign at ipipilit ko ang isyu, hindi ba’t mapapasama ko ang loob niya? Nakapuhunan pa rin sa kumpanya ang aking equity capital, paano kung pahirapan niya ako at hindi niya ako hayaang bawiin ang perang naipuhunan ko? No’ng panahong ‘yon, ang pagbibitiw sa trabaho ay naging walang-tigil na isyu para sa akin at hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin. Kaya’t patuloy akong nagdasal sa Diyos, humihingi sa Kanya ng patnubay.
Isang araw, biglang sumagi sa isip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak, nakita ba ng Diyos ang kanyang mga pagkilos? Oo, nakita Niya. Ang buong proseso—mula sa simula, nang hingin ng Diyos kay Abraham na ialay si Isaac, hanggang sa aktwal na pagtaas ni Abraham ng kanyang sundang upang patayin ang kanyang anak—ay nagpakita sa Diyos ng puso ni Abraham, at anuman ang kanyang dating kahangalan, kamangmangan, at hindi pagkakaunawa sa Diyos, noong sandaling iyon, ang puso ni Abraham para sa Diyos ay totoo, at tapat, at tunay ngang ibabalik niya si Isaac, ang anak na ibinigay sa kanya ng Diyos, pabalik sa Diyos. Sa kanya, nakita ng Diyos ang pagsunod, ang mismong pagsunod na nais Niya” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Labis na nakapagbibigay-inspirasyon sa akin ang karanasan ni Abraham. Nakita ko na gusto ng Diyos ang sinseridad at pagsunod ng mga tao. Nang hilingin ng Diyos kay Abraham na ialay ang kanyang kaisa-isang anak na si Isaac, nakayang pasanin ni Abraham ang pasakit at talikdan ang kanyang minamahal para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Sa pamamagitan nito, nakita ng Diyos na tapat ang puso ni Abraham sa Kanya. Tapos ay nagnilay ako sa sarili kong pag-uugali. Bagamit sinabi kong gusto kong maging pinakamalaking bahagi ng buhay ko ang aking pananampalataya, at ninais kong magbitiw para matupad ko nang husto ang aking tungkulin, lahat iyon ay hindi sinsero at hindi ko talaga naihandog ang tunay kong puso. Nag-alala ako na baka mapasama ko ang loob ng chairman dahil sa pagpipilit ko na magbitiw at na hindi ko makuha ang aking puhunan. Nag-alala lang ako para sa sarili kong mga interes. Inialay ni Abraham ang kanyang kaisa-isang anak sa Diyos, at ang kailangan ko lang gawin ay magbitiw sa trabaho ko, pero hindi ko ito magawa. Wala akong tunay na puso para sa Diyos—hindi ba’t nililinlang ko lang Siya? Nang mapagtanto ang lahat ng ito, medyo nakonsensya ako. Nanalangin ako sa Diyos: “Mahal na Diyos! Palagi kong gustong magbitiw, para makapagtuon ako sa pagtupad ng tungkulin ko, pero hindi ko lang talaga magawa. Diyos ko! Ayoko nang linlangin Ka. Handa na akong huminto sa trabaho ko at tuparin ang tungkulin ko nang full-time.” Pagkatapos magdasal, sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na talakayin sa chairman ang pagbibitiw ko. Sa huli, hinayaan niya lang akong mag-leave nang kalahating taon, pero desidido na akong mag-resign.
Lumipas ang kalahating taon nang ganun-ganon lang at binalak kong pahabain ang leave ko para mapanatili ang ugnayan ko sa kumpanya at sa huli ay mabawi ang perang naipuhunan ko. Pero sinabi ng chairman na nasa sales company namin siya sa kapital ng probinsya at hiniling niya sa akin na makipagkita nang personal sa kanya para pahabain ang leave ko. Pero, nang sa wakas ay magkita na kami, hindi man lang niya binanggit ang leave ko at inilibot lang ako sa lahat ng dibisyon ng kumpanya. Marangyang napapalamutian ang lahat ng opisina at napakaganda ng mga ito, abala ang lahat sa trabaho at mainit akong tinawag ng mga manager ng lahat ng dibisyon bilang “Director Wang.” Bago ko pa namalayan, nahulog na naman ako sa isang tukso. Naisip ko: “Kahit kalahating taon na akong nawala, may impluwensya pa rin ako sa kumpanyang ito. May bahagi ako sa napakalaking kumpanyang ito at isa pa rin akong pinuno sa negosyong ito! Palaki nang palaki ang kita ng kumpanya namin sa nakalipas na dalawang taon. Kung tatalikuran ko ang tungkulin ko at patuloy akong magtatrabaho rito, kikita ako ng napakalaking pera at makakapamuhay nang mayaman—maging ang mga inapo ko ay makakapamuhay nang may dignidad.” Nang sumagi ito sa akin, medyo natukso ako. Pero agad kong napagtanto na mali ang kalagayan ko kaya dali-dali akong tumawag sa Diyos sa puso ko. Nang sandaling ‘yon, naalala ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa mga kayamanan” (Lucas 16:13). Naalala ko rin ang isang kuwento mula sa Bibliya kung saan sinubukan ni Satanas na tuksuhin ang Panginoong Jesus: “Muling Siyang dinala ng diyablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa Kanya ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan, at ang kaluwalhatian nila; At sinabi nito sa Kanya, ‘Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa Iyo, kung Ikaw ay magpapatirapa at sasambahin Mo ako.’ Nang magkagayo’y sinabi sa kanya ni Jesus, ‘Humayo ka, Satanas: sapagkat nasusulat, “Sa Panginoon mong Diyos sasamba ka, at Siya lamang ang iyong paglilingkuran.”’” (Mateo 4:8–10). Hindi ba’t tinutukso lang ako ng chairman na manatili sa kumpanya sa pamamagitan ng pagpapasikat ng kanilang marangyang opisina at maayos na kapaligiran sa trabaho? Hindi ba’t minamanipula ni Satanas ang lahat ng ito mula sa likod ng mga eksena? Sinusubukan ni Satanas na gumamit ng katayuan at kayamanan para subukin at tuksuhin ako, para talikuran ko ang Diyos at ang tungkulin ko at patuloy na hayaan itong paglaruan at abusuhin ako. Hindi ako pwedeng mahulog sa tusong pakana ni Satanas.
Pagkatapos nun, pinalawig ko ang leave ko nang tatlo pang buwan. Nang malapit nang matapos ang tatlong buwan, naisip ko: “Hindi na ako pwedeng patuloy na humingi ng leave nang ganito. Kung gusto kong putulin ang ugnayan sa kumpanyang ito para mapayapa kong magawa ang tungkulin ko, kailangan kong ibenta ang lahat ng shares ko, pero may isang araw lang sa isang taon kung kailan pinapayagan ang mga ganitong pagbebenta. Paano kung hindi ako payagan ng chairman na ibenta ang shares ko? At nasa kanya pa rin ang aking 1.5 milyon na equity capital, kapag hindi niya ibinalik sa akin ‘yon, wala na akong pera. Kinita ko ang kapital na iyon gamit ang dugo, pawis at luha ng aking kabataan!” No’ng panahong ‘yon, buong araw akong nag-aalala tungkol dito at sa sobrang pagkabalisa ay hindi ko magampanan nang maayos ang tungkulin ko. Kaya’t tahimik akong nanalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanya na magbukas ng daan para mapalaya ko ang sarili ko mula sa pasaning ito.
Kalaunan, nakipagkita ako sa chairman para pag-usapan ang pagbebenta ng mga shares ko, pero ayaw niya akong payagang umurong. Pinahirapan niya ako, sinasabing: “Kung gusto mong umalis sa kumpanyang ito, kailangang mawala sa’yo ang ilan sa shares mo.” Hindi ko matanggap na mawala ang daan-daang libong yuan, nagsumikap ako para kitain ang perang ‘yon! Sa sandaling ‘yon, bigla kong napagtanto na sinusubukan na naman akong tuksuhin ni Satanas. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa kanyang puso, tunay na naniniwala si Job na ang lahat ng kanyang pag-aari ay ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi nanggaling sa sarili niyang paghihirap. Dahil dito, hindi niya nakita ang mga biyayang ito bilang isang bagay na dapat bigyan ng labis na pansin, at sa halip ay nakaangkla ang prinsipyo ng pananatili ng kanyang buhay sa buong lakas niyang pagkapit sa daan na dapat niyang pagtibayin. Itinangi niya ang mga pagpapala ng Diyos at nagpasalamat para sa mga ito, ngunit hindi niya inibig ang mga pagpapala, at hindi siya humingi ng karagdagan ng mga ito. Ganito ang kanyang saloobin tungo sa ari-arian. Wala rin siyang ginawa para lamang makatanggap ng mga pagpapala, o nag-alala, o nasaktan sa kakulangan o kawalan ng mga pagpapala ng Diyos; hindi rin siya naging mabangis at hibang sa kasiyahan dahil sa mga biyaya ng Diyos, hindi niya binalewala ang daan ng Diyos o nakalimutan ang biyaya ng Diyos dahil sa mga biyaya na madalas niyang tinatamasa. Ang saloobin ni Job sa kanyang ari-arian ay nagpapakita sa mga tao ng kanyang tunay na pagkatao: Una, si Job ay hindi isang sakim na tao, at hindi mapaghingi ng materyal na bagay sa kanyang buhay. Pangalawa, si Job ay hindi kailanman nag-alala o natakot na kukunin ng Diyos ang lahat ng mayroon siya, na kanyang saloobin sa pagsunod sa Diyos sa kanyang puso; iyon ay, wala siyang mga hinihingi o reklamo tungkol sa kung kailan o kung mayroon mang kukunin ang Diyos sa kanya, at hindi siya nagtanong ng dahilan kung bakit, kundi naghangad lamang siya na sumunod sa mga pagsasaayos ng Diyos. Ikatlo, siya ay hindi kailanman naniwala na ang kanyang mga ari-arian ay galing sa sarili niyang paghihirap, kundi ibinigay ang mga ito sa kanya ng Diyos. Ganito ang pananampalataya ni Job sa Diyos, at ito ay isang pahiwatig ng kanyang matibay na paniniwala” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos kung paanong sa kabila ng katunayan na nakapag-ipon ng malaking kayamanan si Job, hindi niya ito pinahalagahan. Sa halip, pinahalagahan niya ang pagpapasakop at pagsamba sa Diyos. Kaya, nang mawala ang lahat ng kanyang kayamanan at ari-arian, nagawa pa rin niyang itanyag at purihin ang Diyos. Labis na nagbibigay-inspirasyon sa akin ang kwento ni Job. Alam kong dapat kong tularan si Job, itigil na ang pagkapit sa kayamanan ko at sa halip ay piliing palugurin ang Diyos. Nang makapagpasya na ako, pumayag akong isuko ang 200,000 yuan na halaga ng shares, pero inisip ng chairman na hindi pa iyon sapat at hininging dagdagan ko pa. Hindi ko talaga matiis na bitawan ang ganoon kalaking pera kaya’t tahimik akong nagdasal sa Diyos. Noon ko napagtanto na sinusubukang gamitin ni Satanas ang pera upang igapos at kontrolin ako. Hindi ako dapat sumuko sa panunukso ni Satanas dahil lang sa hindi ko maiwan ang kayamanan ko, kailangan kong manindigan sa pagpapatotoo at ipahiya si Satanas. Pagkatapos nun, kinailangan kong isuko ang katumbas ng 500,000 yuan na shares bago niya ako pinayagang umalis sa kumpanya. Mula noon, sa wakas ay nakakatuon na ako sa pananampalataya at paggawa ng tungkulin ko.
Kalaunan, narinig ko na isang sekretarya ng county committee ang nakulong dahil sa mga kaso ng korapsyon at panunuhol at sa huli, nasiraan siya ng bait dahil sa stress ng pagkakakulong. Naisip ko: “Ito ang malulupit na kahihinatnan ng pagsusumikap para sa kasikatan at kayamanan.” Naisip ko kung paano rin ako nagbigay ng mga regalo, nagbigay at tumanggap ng mga suhol, at nalublob sa kabulukan at katiwalian para magkaroon ng katayuan. Kung hindi ako umalis sa kumpanya, baka naging ganoon din ang kapalaran ko sa huli. Pinalaya ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos mula sa mga gapos ng kasikatan at kayamanan at inilayo ako sa panunukso ni Satanas. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang biyaya at proteksyon mula sa kaibuturan ng puso ko.
Sa mga taong ito, tuloy-tuloy kong tinutupad ang aking tungkulin, at madalas na nakikipagtipon at nakikipagbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos sa mga kapatid ko. Naunawaan ko na ang maraming katotohanan at nagkaroon ako ng kabatiran sa maraming makamundong bagay. Madalas kong naiisip ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Ang buong buhay ng mga tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at kung hindi sa kanilang paninindigan sa harap ng Diyos, sino ang magiging handang mamuhay nang walang saysay sa hungkag na mundong ito ng tao? Bakit pa mag-aabala? Nagmamadali papasok at palabas sa mundo, kung hindi sila gagawa ng anuman para sa Diyos, masasayang ba ang kanilang buong buhay?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 39). Totoong napakaikli ng buhay. Ipinamuhay ko ang mahigit kalahati ng buhay ko na sakop ni Satanas. Hinangad ko ang kayamanan at kasikatan, nagsusumikap na makahigit sa iba. Pinaglaruan at inabuso ako ni Satanas at namuhay ako ng isang hungkag at miserableng pag-iral, na walang kabuluhan. Tanging ang awa at biyaya ng Diyos ang nagbigay-daan sa akin na matanggap ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw, at tinulutan akong gugulin ang sarili ko para sa Kanya at gawin ang aking tungkulin bilang isang nilikha. Kung hindi dahil sa Diyos, nasayang ko sana ang buong buhay ko. Sa paggawa ng tungkulin ko sa iglesia, maaaring wala akong parehong katayuan at kayamanan na meron ako noon, pero namumuhay ako nang maaliwalas at malayang buhay, at panatag ang konsensya ko. Pakiramdam ko’y naisabuhay ko ang kaunting wangis ng tao. Lahat ng ito’y dahil sa paggabay sa akin ng Diyos sa tamang landas. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang pagmamahal at pagliligtas!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Weixiao, Tsina Noong bata pa ako, napakahirap ng pamilya ko. Minamaliit kami ng lahat ng aming mga kamag-anak at kapitbahay, at hindi...
Ni Mo Wen, Tsina Habang lumulubog ang araw sa kanluran, sa oras ng takipsilim, bukas ang pinto ng isang maliit na bahay sa bukid, na may...
Ni Su Wen, Tsina Noong kabataan ko, madalas na mababa ang tingin sa pamilya namin dahil kakaunti lang kaming magkakapatid. Noong panahong...
Ni Yang Qing, Tsina Noong bata pa ako, napakahirap ng pamilya ko. Paralisado ang aking ina, nakaratay, at buong taong umiinom ng gamot, at...