Alam Mo Ba ang Tatlong Pangunahing Punto para Masalubong Natin ang Panginoon at Makaligtas sa mga Sakuna sa mga Huling Araw?
Ang kakayahang salubungin ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus ang pinakadakilang pagnanais ng mga tunay na naniniwala sa Panginoon. Kaya’t paano natin sasalubungin ang Panginoong Jesus? Ang sumusunod ay pagbabahaginan ng tatlong pangunahing mga daan tungo sa sabay-sabay na pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon.
- Mga Nilalaman
- 1. Magpakumbabang maghanap, tanggapin at sundin ang Diyos, at huwag basta na lamang tukuyin ang Kanyang pagbabalik nang walang katwiran
- 2. Aktibong maghanap at mag-imbestiga kapag naririnig ang isang taong nangangaral ng pagbabalik ng Panginoon
- 3. Magbigay ng pansin sa pagkilala sa tinig ng Diyos mula sa Kanyang mga paghahayag upang masundan ang Kanyang mga yapak
1. Magpakumbabang maghanap, tanggapin at sundin ang Diyos, at huwag basta na lamang tukuyin ang Kanyang pagbabalik nang walang katwiran
Sinasabi ng Diyos, “Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ni Jehova. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip” (Isaias 55:8–9). “Dapat nating kilalaning lahat na ang mga tao, na siyang galing sa laman, ay napasamang lahat ni Satanas. Kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano ginagabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat magpasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagka’t ang tao ay alabok lamang” (“Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos”). Ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at ang Kanyang gawain at mga salita ang naghahayag ng Kanyang awtoridad, kapangyarihan, pagkamangha-mangha, at kaalaman. Maging kaayon man o hindi ang mga gawa ng Diyos sa ating mga pagkaunawa at maintindihan man natin ito o hindi, dahil sa Siya ang Lumikha, dapat tayong maghanap, tumanggap, at magpasakop nang may pusong may takot sa Diyos. Ito ang uri ng katwiran na dapat taglayin natin bilang mga tao. Kapag tayo ay mapagmataas, umasa sa ating sariling pagkaunawa at palagay upang limitahan ang gawain ng Diyos, kapag patuloy nating panghawakan ang marami nating mga kaisipan patungkol sa pagbabalik ng Panginoon, umaasang gagawin ng Diyos ang mga bagay, mas madali tayong makagagawa ng mga bagay na laban sa Diyos. Katulad na lang nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa—tahasang nawalan ng paggalang para sa Diyos ang mga Fariseo, kaya’t hindi sila nakilahok sa paghahanap patungkol sa Kanyang gawain. Alam na alam nila na ang mga salitang binigkas ng Panginoong Jesus ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan, nguni’t may pagmamataas pa rin nilang tinanggap ang kanilang sariling pagkaunawa at mga palagay bilang katotohanan, na naniniwalang kapag dumating ang Diyos ang Kanyang pangalan ay Mesias, at Siya ay ipanganganak sa isang maharlikang lipi upang maging Hari ng mga Hudyo. Nguni’t nang dumating ang Diyos, ang pangalan Niya ay Jesus at ipinanganak Siya sa isang karaniwang pamilya. Hindi Siya kumilos bilang isang hari, kaya’t hinatulan Siya ng mga Fariseo, inisip na hindi Mesias ang Panginoong Jesus at hindi Siya Diyos. At batay sa kanilang palagay, naniwala ang mga Fariseo na kapag dumating ang Mesias, paliliwanagan muna sila at ihahayag Niya ang Kanyang sarili sa kanila, at Siya ay gagawa mula sa templo. Hindi nila naisip na Siya ay gagawa at mangangaral kasama ng mga mababang tao tulad ng mga masasamang babae, mga maniningil ng buwis, at mga mangingisda; ang paniniwala nila ay patuloy Niya silang gagabayan upang mapanatili ang mga batas ng Lumang Tipan. Nguni’t sa gawain ng Panginoong Jesus, lumabas Siya sa templo at kadalasang umupo kasama ang mga makasalanan upang pagsaluhan ang tinapay. Nangaral Siya at gumawa kasama ng mga karaniwang tao. Gumawa Siya sa araw ng Sabbath, hinayaan Niya ang Kanyang mga alagad na mamitas at kumain ng butil sa araw ng Sabbath, at inatasan ang Kanyang mga tagasunod na manatili sa mga katuruan ng bagong panahon, at iba pa. Nguni’t may pagmamataas, pagmamatigas na nanatili ang mga Fariseo sa kanilang sariling pagkaunawa at mga palagay, kinalaban, hinatulan, hinusgahan, at nilapastangan ang Panginoong Jesus nang buong lakas. Sa huli, nakipagsabwatan sila sa pamahalaan ng Roma sa pagpako sa Kanya; ito’y lubhang nagbigay ng pasakit sa Diyos at sila’y nagdusa sa makatarungang kaparusahan ng Diyos. Ang kabiguan ng mga Fariseo ay malinaw na nagpapakita sa atin na ang umasa sa ating sariling pagkaunawa at mga palagay sa paglapit natin sa mga salita ng Diyos at sa Kanyang gawain ang magbibigay-daan upang magiging madali para sa atin ang lumaban sa Diyos at manakit sa Kanyang kalooban. Ito ang magiging daan upang tayo ay tanggihan at parusahan ng Diyos. Kaya’t, sa pagsalubong sa pagdating ng Panginoon, hinding-hindi natin pwedeng limitahan o hatulan ang pagdating ng Diyos batay lamang sa ating sariling pagkaunawa at mga palagay. Sa halip, dapat bitawan natin ang mga bagay na iyon, panatilihin ang isang puso na may paggalang para sa Diyos, at hanapin ang katotohanan na bukas ang isipan batay sa mga salita ng Panginoon. Ito lang ang tanging paraan na magagawa nating malugod na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Katulad nga ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. … Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila’y bubusugin” (Mateo 5:3, 6).
2. Aktibong maghanap at mag-imbestiga kapag naririnig ang isang taong nangangaral ng pagbabalik ng Panginoon
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). Ipinapakita ng talatang ito na nais ng Panginoong Jesus na tayo’y maging katulad ng mga maalam na birhen; hangga’t may isang sumisigaw na dumating na ang Lalaking Ikakasal, iyan ay, sa mga huling araw kapag may nangangaral na nagbalik na ang Panginoon, kailangan nating aktbong maghanap at magsiyasat. Kailangan nating pagtuunan ang pakikinig sa tinig ng Diyos. Ito lang ang tanging paraan na malugod nating masasalubong ang Panginoon at madadala tayo sa harapan ng Kanyang trono. Subali’t may mga kapatiran na binalewala ang mahalagang pangangailangang ito ng Panginoon. Nakikinig lamang sila sa sinasabi ng mga pastor at mga nakatatanda, at naniniwalang hangga’t pinanghahawakan nila ang pangalan ng Panginoon, nananalangin at nagbabasa ng Bibliya nang madalas, at masigasig na ginagawa ang gawain ng Panginoon, kapag dumating Siya magagawa na nilang salubungin Siya—hindi na nila kailangang lumabas upang maghanap at magsiyasat. May mga pastor pa nga at mga matatanda na nagsasabi sa mga kapatiran na tayo ay nasa mga huling araw na, kaya’t parami nang parami ang mga bulaang Kristo at mga Antikisto, kaya’t dapat huwag silang makinig, mag-abang o makipag-ugnayan sa sino mang nagpapakalat ng balita ng pagbabalik ng Panginoon. Sinasabi nila na ito lang ang paraan upang hindi sila malinlang. Nakikita ko na kumpara sa mga hinihingi ng Panginoong Jesus sa atin, ang paraan ng ating pag-iisip ay hindi kalinya ng katotohanan o hindi ayon sa kalooban ng Panginoon. Doon sa napakahalagang panahon ng pagdating ng Panginoon, kapag nakarinig tayo na may nagpatotoo na nagbalik na ang Panginoong Jesus nguni’t wala tayong ginawa kundi maghintay sa halip na aktibo tayong maghanap at magsiyasat, paano natin masasalubong ang Panginoon? Kung pagsasarhan natin ang tunay na Kristo dahil sa takot nating malinlang ng mga bulaang Kristo, hindi ba’t para na ring gumawa tayo ng bagay na makasasakit sa atin? Hindi ba’t makakaligtaan natin ang pagkakataon na salubungin ang pagdating ng Panginoon? Nangako sa atin ang Panginoong Jesus: “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Mateo 7:7). At sinasabi sa Bibliya: “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:17). Makikita natin dito na kapag tayo’y aktibong nakinig sa mga sermon at itinuon ang pansin sa paghahanap at pagsisiyasat at saka natin matatanggap ang paggabay ng Diyos. Dapat tapat tayong manalangin sa Panginoon lalo na sa pagsalubong sa Kanyang pagdating, at kapag nakarinig tayo ng balita sa Kanyang pagdating, aktibo nating hanapin; sa ganoong paraan, matatanggap natin ang kaliwanagan at paggabay ng Banal na Espiritu at malugod na masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Katulad ni Pedro sa Panahon ng Biyaya, bago siya tinawag ng Panginoon, narinig niya ang mga gawain ng Panginoong Jesus at naghangad na makita ang nagbahagi ng ebanghelyo ng kaharian ng langit. Nang marinig niya ang kanyang kapatid na si Andrew na nagsabing, “Nasumpungan namin ang Mesias” (Juan 1:41). Nagkusa si Pedro na sumunod kay Andrew upang tumungo at tingnan ang Panginoong Jesus, at sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita, natukoy na Siya ang Mesias. Sa huli, isinuko niya ang lahat para sumunod sa Panginoong Jesus at natamo ang Kanyang kaligtasan. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ang aktibong paghahanap at pagsisiyasat kapag narinig natin na may nagbabahagi ng balitang nagbalik na ang Panginoong Jesus.
3. Magbigay ng pansin sa pagkilala sa tinig ng Diyos mula sa Kanyang mga paghahayag upang masundan ang Kanyang mga yapak
Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Maraming beses din ang ganitong propesiya sa Pahayag kabanata 2 at 3: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” At sa kabanata 3, talata 20, sinabing: “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” Matutukoy natin mula sa mga salita ng Panginoong Jesus at sa mga propesiya sa Pahayag na kapag dumating ang Panginoong Jesus sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mga salitang didilig at magbibigay-lakas sa atin, magpapaliwanag sa atin ng mga katotohanang hindi natin naunawaan. Kapag narinig natin ang balita ng pagbabalik ng Panginoon at makilala natin ang tinig ng Diyos mula sa Kanyang mga pahayag, masusundan natin ang mga yapak ng Panginoon at makadadalo sa pagdiriwang ng Tupa. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagang pagtuunan ang pakikinig sa tinig ng Diyos upang salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.
Kaya’t paano natin makikilala ang tinig ng Diyos? Hindi ito nakasalalay sa kung gaano kataas ang ating kalibre o kung gaano katagal na tayong mananampalataya, nguni’t nakasalalay ito sa ating kawatasan, sa pakiramdam ng ating mga espiritu, ang kabahaging pakiramdam sa ating mga puso. Ang sino mang may puso at espiritu ay walang pasubaling mararamdaman ito. Katulad ng sinabi ni Jehovah: “…dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin; at pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos” (Deuteronomio 5:9–10). Nang nangako ang Diyos na Jehovah kay Abraham, sinabi Niyang: “At gagawin kitang isang malaking bansa…At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa” (Genesis 12:2–3). At sinabi ito ng Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin” (Mateo 5:10–11). Gayundin, nang isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, sinabi Niya: “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!” (Mateo 23:13). “Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?” (Mateo 23:33). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, makikita nating lahat na ito ang katotohanan, na may taglay itong kapangyarihan at awtoridad at ito’y mga bagay na hindi maaaring magmula sa bibig ng tao. Nagbubukas ng mga misteryo ang mga salita ng Diyos at nagsasabi sa atin ng plano ng pamamahala ng Diyos, na hindi pa natin nalaman noon. Deretso sa puso ng taong may katiwalaan ang mga salita ng Diyos at maaaring maglantad ng pinakatagong katiwalaan sa ating mga puso. Ito ang nagbibigay-daan upang makita natin ang tunay na pagkatao ng lahat ng uri ng mga tao. Dagdag pa dito, nagkakaloob ng dagdag na lakas para sa ating mga buhay ang mga salita ng Diyos, nagtuturo ng isang tiyak na daan ng pagsasagawa para sa atin at kalutasan sa ating mga praktikal na kahirapan, gaya ng pangaral ng Panginoong Jesus sa mga katotohanan tulad ng kung paano dapat tratuhin ang ibang tao at kung paano lalapitan ang ating mga kaaway. Iyan ang nagbibigay sa atin ng malinaw na daan ng pagsasagawa sa ating mga pakikipag-ugnayan sa iba at sa gayon malaman natin kung paano tratuhin ang ibang tao. Ito ang mga prinsipyo kung paano mababatid kung ito nga ay tinig o hindi ng Diyos.
Sa katunayan, ang mga alagad na sumunod sa Panginoong Jesus sa Panahon ng Biyaya tulad nina Pedro, Juan, at Santiago ay mga taong nakarinig sa Kanya na nagsalita at nangaral at nakaramdam na ang Kanyang mga salita ay puno ng awtoridad at kapangyarihan, na ang mga ito ay nagtataglay ng katotohanan. Naramdaman nila na ang Diyos ang nagsasalita, at ito ang dahilan kung paano nila nakilala na ang Panginoong Jesus ang darating na Mesias, kaya’t sumunod sila sa Panginoon at nagtamo ng Kanyang kaligtasan. At nandiyan din si Natanael, na nabatid ng kanyang puso na ang Panginoong Jesus ang Anak ng Diyos nang marinig niya ang Panginoon na nagsabi sa kanyang: “Narito, ang isang tunay na Israelita, na sa kaniya’y walang daya!” (Juan 1:47). “Bago ka tinawag ni Felipe, nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos, ay nakita kita” (Juan 1:48).
Alam niya na ang Panginoon ang Hari ng mga Israelita dahil bagama’t hindi pa siya nakatagpo ng Panginoong Jesus noon, alam Niya na tahimik siyang nananalangin, at sinabi Niyang walang artipisyal sa kanya. Naisip ni Natanael na tanging ang Diyos lamang ang makapagsisiyasat sa puso ng mga tao; walang ganoong kakayahan at awtoridad ang karaniwang tao. Ito ang dahilan kung bakit kapag nakatagpo natin ang mga salitang binigkas ng Panginoon sa mga huling araw, hangga’t makatotohanan at maingat natin itong pinag-iisipan at pinakikinggan sa ating mga puso, makikilala natin ang tinig ng Diyos. Yaong mga nakaririnig sa tinig ng Diyos, at tumanggap at nagpapasakop sa Kanya ang malugod na sasalubong sa pagbabalik ng Panginoon at madadala sa harapan ng trono ng Diyos upang dumalo sa pagdiriwang ng kasal ng Tupa. Ang lahat ng mga taong ito ay mga maalam na birhen at mga lubos na pinagpala sa lahat.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.