Ang Pananampalataya ba sa Makapangyarihang Diyos ay Pagkakanulo sa Panginoong Jesus?

Abril 1, 2026

Nagpakita na at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagpapahayag ng mahigit sampung milyong salita. Maraming tao, pagkatapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na nakararamdam na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salitang ito at na ang mga ito ang katotohanan, at tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kinikilala rin ng ilang mananampalatayang Katoliko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan. Gayumpaman, naniniwala sila na sa pananampalataya sa Diyos, dapat nilang igalang ang tradisyon at kasaysayan ng Katolisismo, at dahil sumali na sila sa Katolisismo, hindi na sila puwedeng lumipat sa ibang denominasyon. Iniisip nila na ang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay pagkakanulo sa Katolisismo at pagkakanulo sa Diyos, at na isa itong kasalanan. Kaya naman, hindi sila nangangahas na tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kaya, ang pananampalataya ba sa Makapangyarihang Diyos ay talagang pagkakanulo sa Panginoong Jesus? Pagdating sa tanong na ito, ang unang bagay na dapat nating maunawaan ay kung, bilang isang Katoliko, nananampalataya ka ba sa Diyos o sa Katolisismo. Kung nananampalataya ka sa Diyos, hindi ka dapat magpalimita sa Katolisismo. Isa pa, ang mga patakaran ba at kasabihan ng Katolisismo ay itinakda ng Diyos o ng tao? Galing ba ang mga ito sa Diyos o sa tao? Dapat nating linawin ang mga bagay na ito. Sa pananampalataya sa Diyos, dapat mong malaman na ang Diyos ang katotohanan; ang Katolisismo ay hindi ang katotohanan, ang mga obispo at paring Katoliko na iyon ay hindi rin ang katotohanan, at hindi kinakatawan ng Katolisismo ang Diyos. Kung nananampalataya ka sa Diyos, hindi ka dapat magpalimita sa Katolisismo, at lalong hindi sa mga obispo at pari. Kung palagi kang nagpapalimita sa kanila, hindi mo makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Sa partikular, pagdating sa pagsalubong sa Panginoon, kaya mo pa bang salubungin ang Diyos kung palagi kang nagpapalimita sa mga obispo at pari? Tayo ay mga nilikha, at tama lang na sumunod tayo sa mga salita ng Lumikha. Hindi ba’t kahangalan na palaging sumunod sa mga salita ng tao at sa mga patakaran ng denominasyon? Dapat ay may pagkilatis ka tungkol sa mga bagay na ito. Kung utos ito ng Diyos, dapat natin itong sundin. Pero kung patakaran ito ng Katolisismo, hindi natin ito kailangang sundin; sapat na ang sumunod lang sa mga salita ng Diyos. Iniisip mo na dapat sundin ng mga tao ang mga patakaran ng Katolisismo at na ang pagkabigong gawin ito ay isang kasalanan. Saan ba ito nakabatay? May sinabi ba ang Diyos na ganoong bagay kailanman? Wala kailanman. Pinapatunayan nito na ang mga patakarang ito ay hindi galing sa Diyos, kundi ginawa ng mga obispo at paring iyon ng Katolisismo. Hindi kinakatawan ng mga obispo at pari ang Diyos, kaya ang mga regulasyon at kasabihang naisip nila ay hindi rin kumakatawan sa Diyos. Kung ganoon, kailangan pa ba nating sundin ang mga regulasyong iyon? Makakamit mo ba ang pagsang-ayon ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga regulasyong ginawa ng tao? Isa pa, dapat mo ring kilatisin: Ang mga obispo at paring Katoliko ba na iyon ay mga taong minamahal ng Diyos? Pinili ba sila ng Diyos? Sila ba ay mga taong pinatototohanan ng Diyos? Hinding-hindi. Marami pa nga sa kanila ang nakagawa ng napakaraming kasamaan, at alam na alam ito ng mga Katoliko. Matagal nang walang gawain ng Banal na Espiritu ang Katolisismo. Hindi mo pa rin ba malinaw na nakikita ang mga bagay na ito? Kung talagang hindi mo malinaw na nakikita ang mga bagay na ito, napakagulo na ng isip mo! Wala ka talagang pagkilatis.

Noon, nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, ang mga punong saserdote, eskriba, at Pariseo ng mundo ng relihiyon, pati na ang mga nasa kapangyarihan, ay pawang lumaban at kumondena sa Panginoong Jesus. Nagpakalat din sila ng mga walang batayang tsismis na nagsasabing isang ordinaryong tao lang ang Panginoong Jesus at hindi Diyos. Maraming relihiyosong tao ang nailigaw. Hindi sila nangahas na siyasatin ang gawain ng Panginoong Jesus, at dahil dito, hindi nila nakamit ang pagliligtas ng Panginoon. Ngayon, nasa mga huling araw na tayo. Kung nananampalataya tayo sa Diyos pero hindi natin Siya kayang salubungin, ano ang mga kahihinatnan? Masasadlak tayo sa mga sakuna, mapaparusahan, at mamamatay! Kaya naman, ang prinsipyong dapat nating sundin sa pananampalataya sa Diyos ay ang makinig lang sa mga salita ng Diyos at hindi sa mga salita ng tao. Walang salita ng tao na katotohanan; tanging ang mga salita ng Diyos ang katotohanan. Kung hindi nagpapasakop ang mga tao sa mga salita ng Diyos, naghihimagsik sila at lumalaban sa Diyos. Kung palagi kang kumakapit sa mga patakaran at regulasyon ng Katolisismo at hindi ka nakikinig sa mga salita ng Diyos, anong kahihinatnan ang idudulot niyan sa iyo? Dapat malinaw sa iyo ang usaping ito. Kung matuklasan mo na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Diyos, pero hindi ka naglalakas-loob na tanggapin Siya dahil natatakot kang lumabag sa mga patakaran ng Katolisismo, naging isa kang hangal na dalaga, at masasadlak ka lang sa mga sakuna at tatangis at magngangalit ng iyong mga ngipin. Lumalaban at kumokondena ang Katolisismo sa Makapangyarihang Diyos—ang Cristo ng mga huling araw, kaya dapat kang maghimagsik laban sa Katolisismo, kumalas mula rito, at hindi na magpagapos dito. At saka ka lang magiging isang matalinong dalaga, na kayang sumalubong sa Diyos at dumalo sa piging ng kaharian ng langit. Kung palagi kang natatakot na magkasala sa Katolisismo at natatakot na mapatalsik ng Katolisismo, pinapatunayan nito na naniniwala ka sa Katolisismo at hindi sa Diyos. Kaya ba ng Katolisismo na akayin ka para salubungin ang Diyos? Kaya ba nitong iligtas ka at dalhin ka sa kaharian ng langit? Kaya ba nitong ipagkaloob ang katotohanan at buhay sa iyo? Kaya ba nitong tulutan kang magkamit ng buhay na walang hanggan? Walang magagawa ang Katolisismo sa mga bagay na ito, at wala itong maipagkakaloob sa iyo. Kaya ka lang iligaw at saktan ng mga patakarang Katolisismo na iyon, kaya ano pa ang silbi ng pagsunod mo sa mga ito? Kung ipipilit mong sundin ang mga regulasyong Katolisismo, isa kang hangal na dalaga.

Nagpakita na at gumagawa ang Diyos para iligtas ang tao. Hinihingi ng Diyos sa mga tao na tanggapin lang ang Diyos, makinig lang sa tinig ng Diyos, at hindi magpalimita sa relihiyon. Anuman ang denominasyon mo, basta’t naririnig mo ang tinig ng Diyos at sinasalubong mo ang Panginoon, dapat agad kang lumabas sa relihiyon. Ito ang tamang gawin. Anuman ang gawin mo, huwag kang lilingon; kung hindi, magiging haligi ka ng asin tulad ng asawa ni Lot. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Yamang nananampalataya ang tao sa Diyos, dapat niyang malapit na sundan ang bawat yapak ng Diyos; dapat siyang ‘sumunod sa Kordero saan man pumaroon ang Kordero.’ Tanging ang mga tao na gumagawa nito ang talagang naghahanap sa tunay na daan, ang mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong matigas na sumusunod sa mga salita at mga doktrina ay iyong mga itiniwalag na ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na ‘si Jehova ang Diyos’ at ‘si Jesus ang Cristo,’ na mga katotohanan na bawat isa ay aplikable lamang sa iisang kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, kung ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at sumusunod nang mabuti, kung gayon, paano maititiwalag ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga’t ang tao ay nakatitiyak na ito ang gawain ng Banal na Espiritu at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang anumang pag-aalinlangan, at sinusubukang tugunan ang mga hinihingi ng Diyos, kung gayon, paano siya maparurusahan? Hindi nahinto kailanman ang gawain ng Diyos, hindi kailanman natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matapos ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging abala, at hindi kailanman tumitigil. Ngunit iba ang tao: Pagkatapos magkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuturing niya ito na parang hindi kailanman magbabago; pagkatapos magkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpapatuloy sa ‘pagsubaybay’ sa mas bagong gawain ng Diyos; pagkatapos makakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, agad niyang nililimitahan ang Diyos sa pagiging isang partikular na rebultong kahoy, at naniniwala siya na palaging pananatilihin ng Diyos ang imaheng ito na nakikita niya, na ganito rin sa nakalipas at laging magiging ganoon sa hinaharap; pagkatapos magkamit lamang ng kaunting mababaw na pagkakilala, napakayabang ng tao kaya’t nakakalimutan niya ang kanyang sarili at nagsisimulang walang pakundangang ipahayag ang isang disposisyon at ang pagiging Diyos ng Diyos na hindi talaga umiiral; at kung natitiyak ang tungkol sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang nagpapahayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao. Ang mga taong gaya nito ay hindi kayang tumanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu; masyado silang makaluma, at hindi kayang tumanggap ng mga bagong bagay. Ang gayong mga tao ay nananampalataya sa Diyos ngunit tinatanggihan din ang Diyos. Naniniwala ang tao na mali ang mga Israelita na ‘maniwala lamang kay Jehova at hindi kay Jesus,’ ngunit karamihan ng mga tao ay gumaganap ng papel kung saan sila ay ‘naniniwala lamang kay Jehova at tinatanggihan si Jesus’ at ‘nananabik para sa pagbabalik ng Mesiyas, ngunit tinututulan ang Mesiyas na tinatawag na Jesus.’ Hindi na nakapagtataka, kung gayon, na ang mga tao ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas matapos tanggapin ang isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa rin tinatanggap ang mga pagpapala ng Diyos. Hindi ba’t ito ang bunga ng pagiging mapaghimagsik ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman