Ang Kaligtasan Ba Sa Pamamagitan ng Pananampalataya’y Makapagpapapasok sa Kaharian ng Diyos?
Isang pandemya ang kumakalat nang walang humpay, at nagsimula nang magkaroon ng mga lindol, pagbaha, pananalasa ng mga insekto at...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Maraming taong nananampalataya sa Panginoon ang nag-iisip, “Pinatawad na ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, at pinawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng pananalig. Nakikita tayo ng Panginoon na walang kasalanan, kaya bakit hindi tayo puwedeng direktang madala paitaas sa kaharian ng langit?” Ngayon, magbahaginan tayo tungkol sa tanong na ito. Totoong napapatawad ang mga kasalanan ng mga tao sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa Panginoon, pero bakit madalas pa rin silang nagkakasala pagkatapos mapatawad ang kanilang mga kasalanan? Bakit, kahit pa manampalataya sila sa Panginoon sa buong buhay nila, hindi sila makalaya mula sa pagkaalipin ng kanilang makasalanang kalikasan, namumuhay pa rin sa kasalanan at hindi makaalpas? Isa pa, pagkatapos mapatawad ang kanilang mga kasalanan, bakit kaya pa rin ng mga tao na kondenahin ang Diyos, labanan ang Diyos, at ipagkanulo ang Diyos? Ano ba ang problema rito? Nag-alay ang mga Hudyo ng mga handog na sinusunog pagkatapos nilang magkasala, at napatawad ang kanilang mga kasalanan. Bakit, kung ganoon, nagawa pa rin nilang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, na nagpahayag ng katotohanan? Sapat na ito para patunayan na ang pagkapatawad sa mga kasalanan ng isang tao ay hindi nangangahulugang nakalaya na siya mula sa kasalanan, lalong hindi nangangahulugang pinabanal na siya. Ito ay dahil pagkatapos mapatawad ang mga kasalanan ng isang tao, umiiral pa rin ang makasalanang kalikasan sa loob niya; ibig sabihin, umiiral pa rin ang kalikasan niyang nagkakasala. Namumuhay pa rin siya sa kasalanan araw-araw, namumuhay ng buhay ng pagkakasala at pagkukumpisal, pagkukumpisal at pagkakasala. Sabi sa Bibliya: “Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal” (Levitico 11:45). Kaya, kalipikado ba ang mga ganitong tao na tamasahin ang mga pangako at pagpapala ng Diyos? Kalipikado ba silang madala paitaas sa kaharian ng langit? Hinding-hindi.
Sa Kapanahunan ng Biyaya, walang sinuman ang malinaw na nakakita na ang gawaing ginawa ng Panginoong Jesus ay gawain ng pagtubos lang, hindi ang gawain ng paglilinis sa mga tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, lalong hindi ang gawain ng ganap na pagliligtas sa sangkatauhan mula sa impluwensiya ni Satanas. Nagsilbi lang ang Panginoong Jesus bilang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Basta’t nanalangin, nagkumpisal, at nagsisi ang mga tao sa pangalan ng Panginoong Jesus, napatawad ang kanilang mga kasalanan at hindi na sila kinondena ng kautusan. Ito ang tunay na kahulugan ng “kaligtasan” na madalas nating pinag-uusapan sa Kapanahunan ng Biyaya. Walang kinalaman ang kaligtasang ito sa pagiging malinis at pagpasok sa kaharian ng langit; masasabing ganap na dalawang magkaibang bagay ang mga ito. Kaya naman, hindi ibig sabihin na dahil tinanggap mo ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay ganap ka nang ligtas at makakapasok na sa kaharian ng langit. Sabihin niyo sa akin, sinabi ba kailanman ng Panginoong Jesus na ang mga taong napatawad na ang mga kasalanan ay ligtas na at kalipikadong pumasok sa kaharian ng langit? Kailanman ay hindi sinabi ng Panginoong Jesus ang ganoong bagay, ni ng Banal na Espiritu. Pero may sinabing napakahalagang bagay ang Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo kakayanin. Gayon man ay kapag Siya, ang Espiritu ng katotohanan, ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). Ano ba ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Sinasabi ng mga ito sa atin na ang pinakamahalaga sa pagsalubong sa Panginoon ay ang pagsalubong sa Espiritu ng katotohanan. Sino ba ang Espiritu ng katotohanan? Siya ang Diyos, na paparito para ipahayag ang katotohanan at gagabay sa inyo sa buong katotohanan. Ngayon, napatawad lang ang mga kasalanan ninyo, at kailangan pa rin na gumawa ang Diyos ng isa pang yugto ng gawain bago kayo mapabanal. Dapat ninyong hintayin ang Diyos, na paparito para ipahayag ang katotohanan—gagawin Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Sa pagtanggap lang sa mga salitang ipinahayag ng nagkatawang-taong Diyos na ito kayo makakapasok sa buong katotohanan, malilinis, at ganap na makakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas; saka lang kayo magiging kalipikadong pumasok sa kaharian ng langit. Sa propesiyang ito, sinabi lang ng Panginoong Jesus: “Kapag Siya, ang Espiritu ng katotohanan, ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan.” Anong mensahe ang ipinaparating nito? Na pagbalik ng Panginoon, ipapahayag Niya ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol, iyon ay, ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Sa pagdanas lang ng paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo ninyo tunay na malalaman ang katotohanan ng katiwalian ninyo at malilinis kayo mula sa mga tiwali ninyong disposisyon; saka lang kayo magkakaroon ng tunay na pagpapasakop sa Diyos at makakasunod sa kalooban ng Diyos. Tinutupad nito ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Gawin Mo silang banal sa pamamagitan ng Iyong katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan” (Juan 17:17). Ibig sabihin nito, sa Kapanahunan ng Biyaya, napatawad lang ang mga kasalanan ng mga tao. Hindi pa nila nakakamit ang katotohanan, ni hindi pa sila napabanal, at kailangan pa ring gumawa ang Diyos ng isa pang yugto ng gawain para linisin sila. Tingnan niyo, ibinubunyag ng mga salitang ito ang misteryo ng pagpasok sa kaharian ng langit. Gustong ganap na iligtas ng Diyos ang sangkatauhan, kaya paano Niya ginagawa ito? Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos at ginagabayan tayo sa buong katotohanan, para maiwaksi natin ang ating mga tiwaling disposisyon at magtamo tayo ng ganap na kaligtasan. Kung hindi tayo gagabayan ng Diyos sa buong katotohanan, hindi magkakamit ng ganap na kaligtasan ang sangkatauhan, at hindi sila magiging kalipikadong pumasok sa kaharian ng langit. Kaya naman, hindi kailanman sinabi ng Panginoon na ang pagkapatawad ng mga kasalanan ang kondisyon para makapasok sa kaharian ng langit. Kahit pa napatawad na ang mga kasalanan mo, at nakakapangaral at nakakagawa ka para sa Panginoon, at nakakagawa rin ng maraming himala, hindi ka pa rin kalipikadong pumasok sa kaharian ng langit. Hindi lang iyan, sasabihin din ng Panginoong Jesus: “Kailanman ay hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:23). Lahat sila ay mga taong nangangaral at gumagawa, nagpapagaling ng mga may sakit, nagpapalayas ng mga demonyo, at gumagawa ng maraming himala sa pangalan ng Panginoon. Bakit sasabihin pa rin sa kanila ng Panginoong Jesus, “Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan”? Ano ba ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ibig sabihin nito, kung hindi mo tatanggapin ang pagbabalik ng Panginoon, at hindi mo tatanggapin ang gawaing ito ng Espiritu ng katotohanan na gumagabay sa iyo sa buong katotohanan, kahit pa mangaral at gumawa ka, magpagaling ng mga may sakit, magpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng maraming himala sa pangalan ng Panginoong Jesus, isa kang manggagawa ng katampalasanan sa paningin ng Panginoon. Kailanman ay hindi ka nakilala ng Panginoon, at hindi ka kalipikadong pumasok sa kaharian ng langit! Iyan ang ibig sabihin ng mga salita ng Panginoong Jesus. Kahit ilang taon ka nang nananampalataya sa Panginoon—kung hindi mo tatanggapin ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw, isa kang manggagawa ng katampalasanan sa paningin ng Diyos—dapat kang matiwalag, at masadlak sa sakuna. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang sumusunod sa kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Ano ba ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin, ang mga tao lang na sumusunod sa kalooban ng Diyos ang mga kayang sumalubong sa pagbabalik ng Panginoon, sumalubong sa Espiritu ng katotohanan, pumasok sa buong katotohanan, tumanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos at malinis, at nakakatupad sa kanilang misyon at nakakagampan nang maayos sa tungkulin ng isang nilikha. Sila lang ang mga taong makakapasok sa kaharian ng langit sa huli.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng gabay ng Diyos. Bagama’t dumating si Jesus sa gitna ng mga tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis sa tao ang lahat ng tiwaling disposisyon nito. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas dakila pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang disposisyon nito na ginawang tiwali ni Satanas. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na antas. Lahat ng nagpapasakop sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at makakamit nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Isang pandemya ang kumakalat nang walang humpay, at nagsimula nang magkaroon ng mga lindol, pagbaha, pananalasa ng mga insekto at...
Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpakita para gumawa at magpahayag ng maraming katotohanan. Nalathala...
Ngayon, maraming taong nananampalataya sa Panginoon sa mundo ng relihiyon ang sabik nang salubungin Siya at sinisiyasat nila ang tunay na...
Hello, mga kapatid. Napakapalad natin na makapagsama-sama—salamat sa Panginoon! Tayong lahat ay mga taong mahilig makinig sa mga salita ng...