Hindi Dapat Pigilan ng mga Lider ang mga Taong May Talento
Ni Cecilia, EspanyaNoong Agosto ng 2020, nahalal ako bilang lider at pinangangasiwaan ko ang gawain ng iglesia na may kinalaman sa paggawa...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Sa nakalipas na ilang taon, ginagawa ko ang tungkulin ko bilang isang aktor, gumagawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. Kalaunan, ang ilang kapatid na kapareho ko ng tungkulin ay nagsimulang magsanay sa pagkanta at pagsayaw bukod sa paggawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. Sobra akong nainggit nang makita ko kung gaano karami ang kanilang talento, at naisip ko, “Ang sarap siguro sa pakiramdam na magkaroon ng napakaraming kaloob at talento. Puwede kang lumabas sa lahat ng uri ng video at makukuha mo ang paghanga at papuri ng mas maraming kapatid. Palaging pinag-uusapan ng mga tao ang mga indibidwal na maraming talento nang may ganoong pagkainggit at pagkagiliw.” Nagsimula akong umasa na balang araw, makakasama rin ako sa ibang mga video at makukuha ko ang paghanga ng aking mga kapatid. Iyon ay tila kahanga-hangang paraan ng pamumuhay. Ilang panahon ang nakalipas, nakita kong isinaayos ng lider na mag-record ng demo ang dalawang sister para sa isang himno sa banyagang wika, at naisip ko, “Nag-aral naman ako ng mga banyagang wika dati, kung gayon hindi ko rin ba puwedeng kantahin ito? Bakit hindi hiniling sa akin ng lider na subukan ito?” Nang makita ko ang mga sister na nag-eensayo, medyo nadismaya ako, iniisip na, “Napakakahanga-hanga siguro kung makakaakyat ako sa entablado para kumanta! Talagang hahangaan ako ng mga kapatid kapag nagkagayon.” Pagkatapos, narinig ko na tatlo pang kapatid ang aawit ng mga himno sa banyagang wika. Muli akong nakaramdam ng pagkadismaya at lungkot, at nagreklamo pa ako nang kaunti, “Wala akong ibang talento, kaya ang tanging magagawa ko lang ay gumawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. Hindi na ako makakaalis sa kahong ito. Ano na lang ang iisipin ng iba sa akin? Sigurado akong hindi ako gaanong mahalaga sa puso ng mga kapatid.” Pagkatapos, tinitingnan ko ang mga kapatid na marunong kumanta at sumayaw, na kahanga-hanga at prominente sa entablado. Hinahangaan sila ng lahat at napakalaki ng atensyong ibinibigay sa kanila. Talagang pinasama nito ang loob ko, at pinanabikan ko na lang ang araw na makagagawa rin ako ng tungkulin sa pagkanta o pagsayaw.
Sa wakas, isang araw, dumating ang pagkakataon ko. Isang sister ang humiling sa akin na mag-record ng demo sa pagkanta para tingnan kung kaya kong gumawa ng tungkulin sa larangang iyon. Tuwang-tuwa ako. Naisip ko, “Kailangan ko talagang sunggaban ang pagkakataong ito. Kung mapipili ako, makakaawit na rin ako sa entablado. Sobrang nakakahanga siguro iyon! Tiyak na hahangaan at kaiinggitan ako ng mga kapatid.” Pero nang subukan ko na talagang kumanta, napagtanto ko kung gaano ako kalayo sa inaasahan. Sintunado ako kung minsan, at limitado ang kaya ng boses ko. Ipinadala ko sa sister ang natapos na demo, kumakapit sa katiting na pag-asa na makakatanggap ako ng mensahe na nagsasabing puwede akong kumanta nang part-time. Pero sa huli, walang nangyari dito; wala na akong narinig pa muli sa kanya.
Hindi nagtagal, hiniling ng lider sa akin at sa isa pang sister na gumawa ng mga solo dance demo, sinasabing nagpaplano silang gumawa ng video para sa isang programa ng sayaw na Yangge sa susunod. Naisip ko, “Ang sayaw na Yangge ay isang katutubong sayaw mula sa bayan ko. Kahit hindi ko ito propesyonal na pinag-aralan, madalas ko itong sinasayaw noong bata pa ako. Ang ganda sana kung mapipili ako para sa sayaw na iyon.” Pero nang sumayaw na talaga ako, nahirapan akong balansehin ang sarili ko, hindi sabay-sabay ang galaw ng mga braso’t binti ko, at hindi naaayon sa pamantayan ang mga galaw at kilos ko. Dalawang sesyon ng pagsasanay ang kinailangan para halos matutuhan ko ito, pero hindi maganda ang pagsayaw ko, at may mga pagkakataon na nagsasabay ang galaw ng braso at binti ko sa iisang panig. Kalaunan, ang sister na kasama kong kumuha ng mga demo ang napili. Ang sister na ito ay hindi lang marunong gumawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan kundi kaya ring magtrabaho bilang isang direktor. Dati siyang nagtatanghal ng crosstalk comedy, magaling siyang kumanta, at nag-aral pa nga siya ng mga instrumentong pangmusika. At ngayon, nagsisimula na siyang sumayaw. Talagang napakarami niyang talento! Napakaraming talento ng iba! Noong panahong iyon, madalas kong pangarapin na magkaroon ng sari-saring kaloob at talento—hindi lang marunong kumanta at sumayaw, kundi marunong ding tumugtog ng iba’t ibang instrumentong pangmusika, na magmumukhang talagang nakakahanga sa entablado. Isang araw, nagsasandok ako ng pagkain sa kusina nang marinig kong masiglang sinabi ng isang sister sa isa sa mga mananayaw, “Malapit ka nang umakyat sa entablado para sumayaw, ang ganda niyan! Nasubukan mo na ba ang costume mo? …” Nang marinig ko ang pag-aalala niya para sa sister, nakaramdam ako ng inggit na may halong pagkadismaya. Habang nakatayo roon, medyo naasiwa ako, iniisip na, “Laging ang mga taong maraming talento ang nakakakuha ng lahat ng atensyon. Kung ikukumpara naman, hindi ako marunong kumanta o sumayaw. Ang kaya ko lang gawin ay gumawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan, na wala talagang dating!” Sobrang sama ng loob ko. Unti-unti, naging mas mapagwalang-bahala ang saloobin ko sa paggawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. Hindi ko na isinapuso ang pag-asa sa Diyos para maibahagi nang maayos ang mga patotoo at parang robot na lang akong gumawa ng video. Ayaw ko na ring gaanong makipag-usap sa mga kapatid na marunong kumanta at sumayaw. Nakaramdam ako ng nakaharang sa pagitan namin sa puso ko, pakiramdam ko ay mas mababa ako sa kanila; nainggit din ako at nagselos sa kanila. Isang araw, naisip ko ang isang sipi ng kasulatan: “Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito? O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa’y sa ikahihiya” (Roma 9:20–21). Talagang naantig ako sa siping ito, at napagtanto kong masyado akong kulang sa katwiran. Ang mga kaloob at talento ko ay pauna nang inorden ng Diyos; hindi ako dapat magkaroon ng mga di-makatwirang hiling o maluluhong pagnanais. Ang palaging hindi pagiging kuntento sa sarili kong mga abilidad ay pagsalungat at paglaban sa Diyos! Noong panahong iyon, madalas akong manalangin sa Diyos, gustong malutas ang problema ko.
Isang araw, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa mga pananaw sa likod ng aking mga hinahangad. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Maraming tao ang hindi nakakaunawa sa katotohanan o naghahangad sa katotohanan. Paano nila tinatrato ang pagganap ng isang tungkulin? Tinatrato nila ito bilang isang uri ng trabaho, isang uri ng libangan, o isang pamumuhunan ng kanilang interes. Hindi nila ito tinatrato na isang misyon o isang gawaing ibinigay ng Diyos, o isang responsabilidad na dapat nilang tuparin. Lalong hindi nila hinahangad na maunawaan ang katotohanan o ang mga layunin ng Diyos sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, para magampanan nila nang maayos ang kanilang mga tungkulin at makompleto ang atas ng Diyos. … Makakamit ba ng mga taong tulad nito ang katotohanan? Hindi sila nagsisikap para sa katotohanan, at hindi nila isinasagawa ang katotohanan pagdating sa pagganap ng kanilang mga tungkulin. Para sa kanila, palaging mas luntian ang damo sa kabilang bakod. Ngayon gusto nilang gawin ito, bukas gusto nilang gawin iyon, at iniisip nilang mas mabuti at mas madali ang mga tungkulin ng lahat ng iba pa kaysa sa kanila. Gayumpaman, hindi sila nagsisikap para sa katotohanan. Hindi nila iniisip kung ano ang mga problema sa mga ideya nilang ito, at hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga problema. Palaging nakatuon ang isipan nila sa kung kailan matutupad ang sarili nilang mga pangarap, kung sino ang nasa sentro ng atensiyon, kung sino ang nakakakuha ng pagkilala mula sa ang Itaas, kung sino ang nagtatrabaho nang hindi pinupungusan at inaangat. Puno ng ganitong mga bagay ang kanilang isipan. Matutupad ba ng mga tao na laging nag-iisip tungkol sa mga bagay na ito ang kanilang mga tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan? Hindi nila ito kailanman maisasakatuparan. Kaya, anong uri ng mga tao ang gumaganap ng kanilang mga tungkulin sa ganitong paraan? Sila ba ay mga taong naghahangad sa katotohanan? Una, isang bagay ang tiyak: Ang mga taong tulad nito ay hindi naghahangad sa katotohanan. Hinahangad nilang tamasahin ang ilang pagpapala, maging sikat, at maging sentro ng atensiyon sa sambahayan ng Diyos, tulad noong nakararaos sila sa lipunan. Pagdating sa diwa, anong uri sila ng mga tao? Sila ay mga hindi mananampalataya. Ginagampanan ng mga hindi mananampalataya ang kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos tulad ng sa paggawa nila sa labas na mundo. May pakialam sila sa kung sino ang itinataas ng posisyon, kung sino ang nagiging lider ng pangkat, kung sino ang nagiging lider ng iglesia, kung sino ang pinupuri ng lahat para sa kanilang trabaho, at kung sino ang itinaas at binanggit. May pakialam sila sa mga bagay na ito. Katulad lang ito sa isang kumpanya: Kung sino ang itinataas ng posisyon, kung sino ang tinataasan ng sahod, kung sino ang nakatatanggap ng papuri ng lider, at kung sino ang nagiging pamilyar sa lider—may pakialam ang mga tao sa mga bagay na ito. Kung hinahangad din nila ang mga bagay na ito sa sambahayan ng Diyos, at abala sa mga bagay na ito sa buong araw, hindi ba’t katulad sila ng mga walang pananampalataya? Sa diwa, sila ay mga walang pananampalataya; sila ay mga karaniwang hindi mananampalataya. Anumang tungkulin ang kanilang ginagampanan, magtatrabaho lang sila at kikilos nang pabasta-basta. Anumang sermon ang kanilang naririnig, hindi pa rin nila tinatanggap ang katotohanan, at lalong hindi nila isinasagawa ang katotohanan. Nananampalataya sila sa Diyos sa loob ng maraming taon nang hindi dumaranas ng anumang pagbabago, at kahit ilang taon nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, hindi nila magagawang ialay ang kanilang katapatan. Wala silang tunay na pananalig sa Diyos, wala silang katapatan, sila ay mga hindi mananampalataya” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Labis akong napahiya sa mga paglalantad sa mga salita ng Diyos. Ang mga walang pananampalataya sa lipunan ay laging naghahangad ng pagpapahalaga mula sa kanilang mga nakatataas o paghanga mula sa iba. At narito ako, isang mananampalataya sa loob ng maraming taon, na hinahangad pa rin ang mga bagay na ito tulad ng isang walang pananampalataya. Hindi talaga nagbago ang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Palagi akong nakatuon sa kung sino ang nakakakanta, kung sino ang nakakasayaw, o kung sino ang may partikular na talento na nakakakuha ng paghanga at papuri ng mga kapatid. Araw-araw akong nakatuon sa mga bagay na ito. Nang makita ko ang mga kapatid sa paligid ko na may maraming talento, na kayang makipagtulungan sa paggawa ng iba’t ibang tungkulin, labis akong nainggit. Gusto ko rin talagang magkaroon ng mga kaloob at talentong ito, para makapagtanghal ako sa entablado at makapagpakitang-gilas ako. Nang kalaunan ay hilingin sa aking mag-rekord ng mga demo sa pagkanta at pagsayaw, nadismaya at nabagabag ako dahil wala akong ganoong mga talento at hindi ko kayang gawin ang mga tungkuling iyon. Nagreklamo ako kung bakit hindi ako binigyan ng Diyos ng mga kaloob at talentong iyon at napaisip kung bakit mas mababa ako sa iba. Nagsimula pa nga akong tratuhin nang pabasta-basta ang kasalukuyan kong tungkulin. Palagi kong hinahangad na magkaroon ng iba’t ibang kaloob at talento para matugunan ang ambisyon at pagnanais kong mamukod-tangi at mapansin. Pinababayaan ko ang wastong gawain ko at hindi ako tumatahak sa tamang landas! Ang totoo, anuman ang talentong gamitin mo sa anumang tungkulin, lahat iyon ay para sa layunin ng pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, upang mas maraming tao ang makabalik sa harap ng Diyos at tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Ito ang layunin ng Diyos, at wala itong kinalaman sa reputasyon o katayuan. Pero palagi kong iniisip na sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng malawak na hanay ng mga talento, pagiging magaling sa pagkanta at pagsayaw, at pagkakaroon ng maraming talento ako makakakuha ng paghanga ng mas maraming tao. Kapareho ng sa isang walang pananampalataya ang perspektiba ko—perspektiba iyon ng isang hindi mananampalataya!
Kalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa pinakaugat ng palagi kong paghahangad ng mga kaloob at talento. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nakapaloob sa kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o ang lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang layong hinahangad nila sa buong buhay nila. … Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Ang mga anticristo ay hindi walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. Para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, anuman ang kapaligiran na tinitirhan nila, anuman ang gawain na kanilang ginagawa, anuman ang kanilang hinahangad, anuman ang kanilang mga layon, anuman ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). “Bakit mo pinahahalagahan nang husto ang katayuan? Ano ang mga kapakinabangang makukuha mo mula sa katayuan? Kung naghatid sa iyo ng kapahamakan, mga paghihirap, kahihiyan, at pasakit ang katayuan, pahahalagahan mo pa rin ba ito? (Hindi.) Napakaraming kapakinabangang nagmumula sa pagkakaroon ng katayuan, mga bagay na tulad ng inggit, paggalang, pagpapahalaga, at pambobola mula sa ibang mga tao, pati na ang kanilang paghanga at pagpipitagan. Nariyan din ang pakiramdam na superyor ka at may pribilehiyo na dulot ng iyong katayuan, na nagbibigay sa iyo ng dangal at pakiramdam ng pagpapahalaga sa sarili. Dagdag pa rito, matatamasa mo rin ang mga bagay-bagay na hindi natatamasa ng iba, tulad ng mga pakinabang ng katayuan at espesyal na pagtrato. Ito ang mga bagay na ni hindi ka nangangahas na isipin, at ang mga inaasam-asam mo sa iyong mga panaginip. Pinahahalagahan mo ba ang mga bagay na ito? Kung hungkag lamang ang katayuan, walang tunay na kabuluhan, at walang tunay na silbi ang pagtatanggol dito, hindi ba kahangalang pahalagahan ito? Kung kaya mong bitiwan ang mga bagay na tulad ng mga interes at tinatamasa ng laman, kung gayon hindi ka na matatali sa kasikatan, pakinabang, at katayuan” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na higit na pinahahalagahan ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan. Anuman ang sabihin o gawin nila, lahat iyon ay para makuha ang paghanga at suporta ng iba, at para matamasa ang pakiramdam ng pagiging nakatataas na kasama ng reputasyon at katayuan. Sa pagninilay sa sarili ko, nakita kong tinatahak ko ang landas ng isang anticristo. Namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason tulad ng “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa.” Itinuring kong napakahalaga ng reputasyon at katayuan, at palagi kong gustong hangaan ako ng iba sa karamihan, naniniwalang ito lang ang tanging paraan para magkaroon ng halaga ang buhay. Sa nakalipas na ilang taon, marami akong nagawang mga video ng patotoong batay sa karanasan. Ang ilang kapatid na unang beses pa lang akong nakilala ay nagsasabi ng mga bagay tulad ng, “Madalas kitang nakikita sa mga video,” o “Pinanood ko ang mga video na ginawa mo noong nagsisimula pa lang akong manampalataya sa Diyos.” Sa tuwing nakakarinig ako ng ganoong mga salita, sobrang saya ko at talagang natutuwa akong mapansin at hangaan ng iba. Talagang nadidismaya at nababagabag ako kapag nakikita ko ang mga kapatid sa paligid ko na kumakanta at sumasayaw, na talagang nakakahanga at tinatamasa ang lahat ng atensyon, habang ako naman, hindi marunong kumanta o sumayaw at ang kaya ko lang gawin ay gumawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan, na hindi gaanong nakakakuha ng atensyon. Lalo na nang marinig kong magiliw na binabati ng isa pang sister ang isang mananayaw habang ako’y nakatayo lang sa tabi na hindi pinapansin, mas lalo pang sumama ang loob ko. Pakiramdam ko, wala akong presensiya. Nagsimula akong hilingin na sana ay maryoon akong malawak na hanay ng mga kaloob at talento, para makasama rin ako sa iba’t ibang video at makatanggap ng paghanga at espesyal na pagtrato mula sa mga nasa paligid ko, tulad ng ibang mga kapatid. Kalaunan, binigyan nga ako ng pagkakataon ng iglesia na mag-record ng demo sa pagkanta at pagsayaw, pero napatunayan na hindi talaga ako magaling sa mga iyon. Dahil dito, mas lalo akong nawalan ng pag-asa na mamukod-tangi pa, at nadismaya at nabagabag ako dito. Naging mapagwalang-bahala na ang saloobin ko sa paggawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan, at nagreklamo pa ako na isinilang ako sa probinsya sa isang mahirap na pamilya, at hindi kailanman natutong kumanta, sumayaw, o tumugtog ng anumang instrumentong pangmusika. Ang totoo, ang mga reklamo at kawalan ko ng kasiyahan sa kasalukuyan kong sitwasyon na ito ay mga reklamo at kawalan ng kasiyahan sa Diyos. Ang makagawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan ay isa nang malaking biyaya mula sa Diyos, pero hindi ako nakuntento. Palagi kong ikinukumpara ang sarili ko sa iba, walang-tigil na hinahangad ang reputasyon at katayuan, at sinisisi ko ang Diyos kapag hindi ko ito makuha. Talagang napakamapaghimagsik ko! Nang mapagtanto ko ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa mga walang-katotohanang perspektiba sa likod ng aking paghahangad, at naunawaan ko rin na ibinibigay ng Diyos sa mga tao ang mga kaloob at talento para tulungan silang mas mahusay na magawa ang kanilang mga tungkulin. Pero palagi kong gustong gamitin ang aking mga talento at kaloob para hangarin ang paghanga at suporta ng iba, at para hangarin ang pagkakaroon ng katayuan sa kanilang mga puso. Ito ay paglaban sa Diyos, isang bagay na kinapopootan at kinamumuhian ng Diyos, at kung magpapatuloy ako sa landas na ito, isusumpa at parurusahan ako ng Diyos. Medyo natakot ako at naging handa akong baguhin ang maling kalagayan ko.
Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at naunawaan ko ang Kanyang mga layunin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ginawa kang hangal ng Diyos, kung gayon ay may kabuluhan sa iyong kahangalan; kung ginawa ka Niyang matalino, kung gayon ay may kabuluhan sa iyong katalinuhan. Anumang mga kalakasan ang ibinigay ng Diyos sa iyo, saan ka man magaling, gaano man kataas ang iyong IQ, may layon ang Diyos sa paggawa nito. Ang lahat ng bagay na ito ay paunang inorden ng Diyos. Ang papel na ginagampanan mo sa iyong buhay at ang tungkuling maaari mong gawin ay matagal na ring paunang inorden ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Sariling Asal ng Isang Tao). “Kung binibigyan ka ng Diyos ng katamtaman na kakayahan, hindi ka puwedeng gumawa ng masyadong malakihang gawain, kaya hindi ka puwedeng maging mapagmataas. Isa itong proteksyon para sa iyo. Sa katamtamang kakayahan na ibinigay sa iyo, wala kang kapital para magyabang, ni hindi ka makakapag-ambag nang kagila-gilalas. Palagi mong kailangang mag-isip na, ‘Katamtaman ang kakayahan ko; hindi ako magaling sa larangang ito, ni sa larangang iyon. Dapat akong maging maingat at hanapin ko ang mga katotohanang prinsipyo sa paggawa ng tungkulin ko.’ Kapag nadarama mo na nagkukulang ka sa lahat ng aspekto, umaasal ka nang labis na mas maayos at mas lalo kang sumusunod sa mga tuntunin, mas lalo kang nagiging hindi kapansin-pansin. Halimbawa, anumang gawain ang ginagawa ninyo, kayo man ay isang superbisor o isang ordinaryong miyembro, kung sa loob ng ilang panahon ay medyo nagiging maayos ang takbo ng iyong gawain, nagbubunga ito ng ilang resulta, at ang mga nakakamit ay medyo katangi-tangi, at nakakatanggap ka ng pagsang-ayon mula sa ang Itaas, ano ang iyong magiging pag-iisip? (Magiging kampante kami, madarama namin na mahusay kami, at hindi na namin madaling hahanapin ang katotohanan.) Pagkatapos ay magiging mahirap para sa iyo na sumunod sa mga tuntunin at manatiling nakatapak sa lupa sa iyong pag-asal. Isa itong napakamapanganib na tukso para sa iyo; hindi ito isang magandang palatandaan” (Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (7)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung anong mga kaloob at talento ang mayroon ang bawat tao at kung anong tungkulin ang kaya nilang gawin ay pauna nang inorden ng Diyos. Dapat akong magkaroon ng katwiran, lumugar sa posisyon ng isang nilikha, at alamin ang lugar ko habang ginagawa ko nang maayos ang sarili kong tungkulin. Ito lamang ang naaayon sa layunin ng Diyos. Higit pa rito, Sabi ng Diyos: “Isa itong proteksyon para sa iyo.” Sa pagninilay sa mga salitang ito, naantig ako nang hiusto. Magkakaiba ang mga pangunahing kahinaan at tiwaling disposisyon ng bawat isa. Ang ilang tao, na gumagawa ng tungkulin tulad ko, ay mayroong maraming kaloob at talento at kaya pa ring lumakad sa tamang landas, hangarin ang katotohanan, at gawin nang maayos ang kanilang tungkulin sa isang praktikal na paraan. Gayumpaman, napakatindi ng pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan, at sa loob ng maraming taon ay palagi kong hinahangad na mamukod-tangi at hangaan. Kung talagang marami akong kaloob at talento, malamang ay matagal na akong naligaw ng landas at nabunyag at natiwalag ng Diyos. Naisip ko kung paanong dalawang taon na ang nakalipas, naging mapagmataas ako at hindi ko alam ang aking lugar sa sansinukob dahil matagal na akong nagsasanay sa paggawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. Nagmamalaki ako sa aking tungkulin at ayaw kong tanggapin ang paggabay at tulong ng mga kapatid. Sa huli, mahigpit akong inilantad, pinungusan, at binalaan na kung hindi ako magsisisi, tatanggalin ako. Noon lang ako mabilis na nagbalik-loob at nagnilay-nilay sa sarili ko. Ang kabiguang iyon ay sariwa pa rin sa isip ko hanggang ngayon, at idinulot iyon ng labis kong pagpapahalaga sa mga kaloob at talento at palagiang pakiramdam ng pagiging nakatataas. Ang pag-iisip tungkol dito ay nakatulong sa aking maunawaan na kung marami akong talento, mas lalo lang nitong pasisidhiin ang mapagmataas kong disposisyon, at mas matindi kong hahangarin ang reputasyon at katayuan. Tanging sa hindi pagkakaroon ng mga kaloob at talentong iyon ako makagagawa ng aking tungkulin sa isang larangan sa paraan na sumusunod sa mga alituntunin at maiiwasang tahakin ang landas tungo sa kapahamakan. Isa itong paraan ng pagprotekta sa akin. Nang mapagtanto ito, napuno ng pasasalamat ang puso ko. Gaano man karami ang ipagkaloob sa akin ng Diyos, napapaloob dito ang Kanyang masidhing pagsasaalang-alang at mabubuting layunin.
Pagkatapos, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at lumiwanag ang puso ko. Sabi ng Diyos: “Binigyan ng Diyos ang bawat tao ng iba’t ibang kalakasan at kaloob. Ang ilang tao ay may kalakasan sa dalawa o tatlong larangan, ang ilan ay may kalakasan sa isang larangan, at ang ilan ay walang anumang kalakasan—kung matatrato ninyo nang tama ang mga bagay na ito, mayroon na kayong katwiran. Ang isang taong may katwiran ay magagawang hanapin ang kanyang lugar, makakaasal ayon sa kanyang puwesto at makakagawa nang maayos sa kanyang mga tungkulin. Ang isang taong hindi kailanman matatagpuan ang kanyang lugar ay isang taong palaging may ambisyon. Palagi siyang naghahangad ng katayuan at mga pakinabang sa puso niya. Hindi siya kailanman nasisiyahan sa kung ano ang mayroon siya. Para makakuha ng mas maraming pakinabang, sakim siyang nanlalamang; palagi niyang gustong tugunan ang kanyang maluluhong pagnanais. Iniisip niya na kung mayroong mga kaloob at mahusay ang kakayahan ng mga tao, dapat silang higit na magtamasa ng biyaya ng Diyos, at na ang pagkakaroon ng ilang maluluhong pagnanais ay hindi isang pagkakamali. May katwiran ba ang ganitong klase ng tao? Hindi ba’t kawalanghiyaan ang palaging magkaroon ng maluluhong pagnanais? Nadarama ng mga taong may konsensiya at katwiran na kawalanghiyaan ito, at kaya nilang hanapin ang katotohanan para bitiwan ang kanilang maluluhong pagnanais. Kung nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, hindi niya gagawin ang mga kahangalang ito. Kung inaasam mong matupad ang iyong tungkulin nang may debosyon upang masuklian mo ang pagmamahal ng Diyos, hindi ito isang maluhong pagnanais. Ito ay naaayon sa konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao. Pinalulugod nito ang Diyos. Kung talagang nais mong gawin nang maayos ang iyong tungkulin, kailangan mo munang tumayo sa iyong tamang lugar, at pagkatapos ay gawin ang iyong makakaya nang buong puso, nang buong isip, nang buong lakas, at gawin ang pinakamakakaya mo—ito ay pasok sa pamantayan, at may debosyon sa paggawa ng tungkulin sa ganitong paraan. Ito ang dapat gawin ng isang tunay na nilikha. … Sa iglesia, may mga taong marunong tumugtog ng gitara, ang ilan ay marunong tumugtog ng erhu, at ang iba pa ay marunong tumugtog ng tambol. Kung may interes ka sa alinman sa mga larangang ito, puwede kang matuto. Anuman ang partikular na kasanayan o teknolohiyang ito, hangga’t masaya ka sa pag-aaral at may likas kang talino, maaari kang matuto. Sa sandaling matuto ka na ng panibagong kasanayan, maaari mo itong gamitin para gumanap ng karagdagang tungkulin, na hindi lang nakalulugod sa mga tao kundi nakalulugod din sa Diyos. Isang napakamapagpalang bagay ang magkaroon ng dagdag na kasanayan at mas mag-ambag pa sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Walang masama sa pag-aaral ng mga bagong bagay habang bata pa at magaling pa ang memorya. Pakinabang lamang ang mayroon dito at walang pinsala. Kapaki-pakinabang ito sa paggampan ng mga tungkulin at gawain sa sambahayan ng Diyos. Ang pagtutuon ng pansin sa pag-aaral ng iba’t ibang bagong bagay habang gumagawa ng tungkulin ay nangangahulugan na masigasig at responsable ang isang tao; siya ay mas mahusay kaysa sa mga taong hindi dedikado sa kanilang gawain. Gayumpaman, kung matagal-tagal ka nang nag-aaral ng isang bagay at hindi pa rin makaunawa, ipinahihiwatig nito na hindi mo tinataglay ang kakayahan sa larangang iyon. Katulad lamang ito ng kung paanong kayang sumayaw nang magaling ng ilang tao ngunit wala sila sa tono kumanta at walang pagkaramdam sa tinis—ito ay likas at hindi na mababago. Ang gayong sitwasyon ay dapat harapin nang tama. Kung marunong kang sumayaw, galingan mo sa pagsayaw. Kung mayroon kang pusong nagpupuri sa Diyos, kahit na kumanta ka nang wala sa tono, hindi ito alintana ng Diyos. Hangga’t mayroon kang kasiyahan sa iyong puso, sapat na iyon. Anuman ang personal mong mga kalakasan, mabuti ito kung magagamit mo ang mga ito. Ang pagtupad sa tungkulin na dapat mong gawin nang buong-puso ay ang pakahulugan ng pag-asal ayon sa iyong wastong posisyon” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Sariling Asal ng Isang Tao). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na gaano man karami ang mga kaloob o talento ng isang tao, o kung gaano man kahusay o kahina ang kanyang kakayahan, ang tanging pagkakaiba ay nasa kanilang mga tungkulin at mga gampaning tinutupad; sa loob ng mga tungkulin, walang pagkakaiba sa mataas o mababa, marangal o hamak. Bukod pa riyan, may iba’t ibang hinihingi ang Diyos sa mga tao batay sa iba’t ibang kaloob at talentong ibinibigay Niya sa kanila. Basta’t kaya nating ibigay ang lahat at debotong tuparin ang ating mga tungkulin, malulugod ang Diyos. Kung palagi kong hindi mahanap ang tamang lugar ko, laging nag-iimbot sa kung ano ang mayroon ang iba, at palaging namumuhay sa tiwali kong disposisyon habang hinahangad ang reputasyon at katayuan, hindi magtatagal ay mabubunyag at ititiwalag ako ng Diyos. Naisip ko ang mga kapatid na nagsusulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan. Ang ilan sa kanila ay gumagawa ng tungkulin ng pagpatuloy sa bahay, ang ilan ay gumagawa ng mga pangkalahatang gawain, at ang ilan ay matatanda na. Wala silang anumang kaloob o talento, pero sinsero at praktikal ang kanilang saloobin sa kanilang mga tungkulin. Lubos silang nag-iingat na magawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin, nakatuon sa paghahangad sa katotohanan, at nakapagsulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan sa buhay. Nagugustuhan ng Diyos ang mga taong tulad nito. Wala akong gaanong talento at ang kaya ko lang gawin ay gumawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan. Pauna na itong inorden ng Diyos, at ito ay isang bagay na kaya kong gawin. Kung isasapuso ko ito, mas magagawa ko pa ito nang mas mahusay, pero kung hindi ako praktikal, baka ni hindi ko magawa nang maayos ang tungkuling ito. Kaya, nanalangin ako sa Diyos, handang talikuran ang aking mga maling hinahangad at pahalagahan ang kasalukuyan kong tungkulin. Naisip ko kung paanong ang bawat artikulo ng patotoong batay sa karanasan ay isang patotoo ng karanasan ng isang kapatid sa gawain ng Diyos. Sa pagsasapuso sa paglalahad nang maayos ng mga patotoong batay sa karanasang ito, sa isang banda, nagpapatotoo ako sa Diyos, at sa kabilang banda, nagbibigay-daan para makinabang at mapatibay ang maraming tao sa pamamagitan ng mga patotoong ito. Isa itong napakahalaga at makabuluhang tungkulin! Nang gumawa ako ng mga video ng patotoong batay sa karanasan pagkatapos niyon, inayos ko ang aking kaisipan, nagtuon sa pagsisikap na maunawaan ang sikolohiya ng may-akda para gampanan ang karakter, at naging metikuloso sa bawat detalye. Bagama’t may mga pagkukulang at kakulangan pa rin ang mga natapos na video, napanatag ako at nasiyahan sa proseso sa puso ko. Napagtanto ko rin na anuman ang tungkuling gawin ko, basta’t ginagamit ko kung anong mayroon ako at ginagawa ang lahat ng makakaya ko, nasa tamang lugar ako. Kasabay nito, dapat akong magtuon sa paghahangad sa katotohanan para malutas ang aking mga tiwaling disposisyon sa proseso ng paggawa ng aking tungkulin, hindi umasa sa sarili kong mga kaloob at talento sa tungkulin ko, kundi umasa sa Diyos para makuha ang paggabay ng Banal na Espiritu, at pagbutihin ang aking mga propesyonal na kasanayan na nasasaklaw ng aking sariling kakayahan at isapuso ang paggawa nang maayos ng aking tungkulin. Naaayon ito sa mga layunin ng Diyos.
Kalaunan, isang sister na gumawa din ng mga video ng patotoong batay sa karanasan ang pumunta para kumanta ng mga himno sa banyagang wika. Muli akong nakaramdam ng kaunting pagkadismaya, pero napagtanto kong mali ang iniisip ko. Nanalangin ako sa Diyos sa puso ko na protektahan ako mula sa kaguluhan at hiniling sa Kanya na akayin akong bitiwan ang mga walang-katotohanang perspektiba sa likod ng aking paghahangad. Naisip ko na ito ay paunang pag-orden ng Diyos na magkaroon ng ganitong talento ang aking sister, at hindi ako dapat makipagkompetensiya o makaramdam ng pagkadismaya. Sa sambahayan ng Diyos, ginagampanan ng bawat isa ang kani-kanyang papel sa kanilang mga tungkulin. Sa pag-iisip nang ganito, medyo nagawa kong makabitiw. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Harapin nang tama ang iyong kakayahan. Huwag magreklamo. Gaano man karami ang ibinigay ng Diyos sa iyo, iyon ang hihingin Niya sa iyo. Kung ano ang hindi ibinigay ng Diyos sa iyo, hindi iyon hihingin ng Diyos sa iyo. Halimbawa, kung binigyan ka ng Diyos ng katamtamang kakayahan o mahinang kakayahan, hindi Niya hinihingi sa iyo na maging isang lider, lider ng pangkat, o superbisor. Gayumpaman, kung binigyan ka ng Diyos ng husay sa pagsasalita, ng abilidad na ipahayag ang iyong sarili, o ng isang partikular na kaloob, at hinihingi sa iyo na gumawa ng gawain na nauugnay sa kaloob na ito, dapat mo itong gawin nang maayos. Huwag mong biguin ang mga kondisyong ibinigay ng Diyos sa iyo. Dapat kang maging karapat-dapat sa pagkakaloob ng Diyos, nang ganap itong ginagamit at inilalapat ito nang maayos, inilalapat ito sa mga positibong bagay at naglalabas ng mahahalagang resulta ng gawain na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan. Magiging napakahusay niyon” (Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (7)). Pinainit ng mga salita ng Diyos ang puso ko. Bagama’t hindi ako marunong kumanta o sumayaw, binigyan ako ng Diyos ng mga kaloob sa larangan ng pag-arte. Sa loob ng maraming taon, hinayaan ako ng sambahayan ng Diyos na gumawa ng mga video ng patotoong batay sa karanasan at makilahok sa mga produksyon ng pelikula. Nagpakita na sa akin ang Diyos ng malaking biyaya. Dapat akong makuntento at hindi na gumawa ng mga bagay na kinapopootan ng Diyos. Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, handa akong magsumikap sa paghahangad sa katotohanan, upang gawin nang maayos ang aking tungkulin, tahakin ang landas ng pananampalataya sa Diyos ayon sa Iyong mga hinihingi, at tingnan ang mga tao at bagay ayon sa Iyong mga salita. Pakiusap, akayin Mo ako at gabayan Mo ako.” Pagkatapos ng panalanging ito, mas naging kalmado ang puso ko. Kapag nakikita ko ang ibang mga kapatid na pumupunta para kumanta o sumayaw, hindi na ako naaapektuhan o naguguluhan. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang paggabay, na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa mga walang-katotohanang perspektiba sa likod ng aking paghahangad at sa landas na tinatahak ko. Sa hinaharap, handa akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at na buong pusong gawin nang maayos ang tungkulin ko.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Cecilia, EspanyaNoong Agosto ng 2020, nahalal ako bilang lider at pinangangasiwaan ko ang gawain ng iglesia na may kinalaman sa paggawa...
Ni Lu Qiming, TsinaMatagal ko nang ginagawa ang aking tungkulin ng pagrerekord ng mga himno sa iglesia, at talagang maganda ang kalidad ng...
Ni Lei Bing, TsinaNoong 2023, isinaayos ng mga lider na mangaral ako ng ebanghelyo dahil mahina ang kakayahan ko at hindi ko kinaya ang mga...
Ni Yangmu, South KoreaDati, inggit na inggit ako kapag nakikita kong nagtatanghal ang mga kapatid, umaawit at nagsasayaw ng papuri sa...