Hindi Mo Maaaring Makilala ang isang Tao sa Kanilang Anyo

Mayo 15, 2018

Yang Rui Lungsod ng Yuci, Lalawigan ng Shanxi

Sa aking puso, lagi akong naniwalang ang aking ama ay isang mabuting tao. Ngunit isang araw, bigla kong narinig na ang aking ama ay itiniwalag mula sa iglesia. Ako ay lubos na nasindak sa oras na iyon at hindi ko ito mauunawaan. Sa aking puso, ang aking ama ang pinakadakilang tao sa mundo. Kahit na siya ay may mainiting ulo, siya ay lubhang nagmalasakit sa aming magkakapatid at hindi kami kailanman binugbog o pinagalitan. Sa kabila ng mga suliranin ng aming pamilya, hindi niya ipahihintulot na kami ay makaramdam ng pagkagalit kahit gaano kadami ang pagdurusa na dapat niyang tiisin. Matapos tanggapin ng aming buong pamilya ang gawain ng Diyos, ang aking ama ay lalong naging aktibo sa pagtupad sa kanyang tungkulin, at madalas na hinimok kami na tuparin ang aming sariling mga tungkulin nang maayos. Kahit na ang aking ama ay medyo mabagsik kung minsan, sa sandaling may tungkuling tutuparin, di alintana ang hangin at ulan o gaano man katindi, hahanap siya ng paraan upang makumpleto ito. Paanong matitiwalag ang ganoong mabuting tao? Kung hindi siya makatatanggap ng kaligtasan, kung gayon sino ang maaari? Pinuno ng sitwasyon ang aking puso ng pagdaramdam at pagtatalo, dahil naramdaman ko na ang iglesia ay hindi pinakitunguhan ang aking ama nang patas. Bagama’t hindi ko sinabi ito, nahirapan akong kalmahin ang puso ko at naghirap ako sa pagdurusa.

Ilang araw na ang nakakaraan, nakita ko ang mga sumusunod sa mga salita ng Diyos: “Maaaring sa lahat ng taon ng pagsampalataya mo sa Diyos, hindi ka pa nakasumpa ng sinuman o nakagawa ng masama kailanman, subalit sa pakikisama mo kay Cristo, hindi mo kayang magsabi ng katotohanan, kumilos nang tapat, o sumunod sa salita ni Cristo; kung gayon, sinasabi Ko na ikaw ang pinakamasama at walang-budhing tao sa mundo. Maaaring napakabait mo at tapat ka sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, asawa, anak, at magulang, at hindi ka nagsasamantala sa iba kailanman, ngunit kung hindi mo kayang umayon kay Cristo, kung hindi mo magawang makihalubilo sa Kanya nang maayos, kahit gugulin mo pa ang iyong lahat-lahat sa pagtulong sa iyong mga kapitbahay o sa masusing pag-aalaga sa iyong ama, ina, at mga miyembro ng inyong sambahayan, sasabihin Ko na masama ka pa rin, at bukod dito ay puno ka ng mga tusong panlilinlang. Huwag mong isiping nakaayon ka kay Cristo dahil lamang sa kasundo mo ang iba at gumagawa ka ng ilang mabubuting gawa. Akala mo ba makukuha mo nang may pandaraya ang pagpapala ng Langit dahil sa iyong mapagkawanggawang hangarin? Akala mo ba ang paggawa ng ilang mabubuting gawa ay kapalit ng iyong pagsunod?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). Pagkatapos magnilay sa mga salita ng Diyos, unti-unti kong naintindihan: Upang makita kung ang isang tao ay matuwid o masama, huwag tingnan kung ang kanilang panlabas na pag-uugali ay mabuti o masama o kung paano ang kanilang mga relasyon sa ibang mga tao. Sa halip, tingnan ang kanilang kaugnayan sa Diyos, at kung mayroon silang totoong pagsunod at takot sa Diyos, at kung sila ay kaayon sa Diyos. Maaaring ang isang tao ay may magandang kaugnayan sa iba, madalas na tumutulong sa iba at tinatrato sila nang may pagmamahal, ngunit kung hindi sila makaaayon sa Diyos, kung hindi nila hahangarin ang katotohanan sa kanilang pananampalataya, kung hahaluan nila ang kanilang tungkulin ng kanilang sariling personal na mga motibo, at kung hahatulan at tututulan nila ang Diyos kapag ang Kanyang gawain ay hindi kaayon sa kanilang mga pagkaunawa, kung gayon ang taong iyon ay mapagkunwari. Sila ay tuso, may dalawang mukhang masamang tao. Sa ganitong pagkaunawa, sinimulan kong maalala ang ilang pagpapahayag na ginawa ng aking ama. Sa kanyang dating denominasyon, ang aking ama ay isang lider. Matapos tanggapin ang yugtong ito ng gawain ng Diyos, hindi siya hinalal ng mga kapatid sa iglesia upang maging lider dahil ang kanyang kalikasan ay masyadong mapagmataas. Bagama’t nagmukha siyang masunurin sa panlabas at ginawa ang anumang sinabi sa kanya, ang kanyang nakatagong motibo ay makaupong muli sa “trono” ng lider. Nang maglaon, nang ang kanyang hangarin ay hindi natupad, ipinakita niya ang kanyang mga tunay na kulay, palaging kumikilos nang napakayabang sa iglesia, hindi kailanman nakikinig sa sinuman, at palaging pinipilit ang mga tao na makinig sa kanya kahit na ano pa man. Kapag nakita niya ang isang manggagawa na hindi umaakma sa gusto niya, hahatulan niya, mamaliitin, at pasasamain sila. Naghasik din siya ng kawalang-kasiyahan sa gitna ng mga kapatid na lalaki at babae, malubhang inaabala at ginugulo ang buhay sa iglesia. Maraming beses, ang mga pinuno at manggagawa ay nagbahagi ng katotohanan sa kanya, tinabas at pinakitunguhan siya, at binigyan siya ng mga babala—ngunit nanatili siyang lubos na wala sa loob. lalong hindi nagpakita ng anumang pagsisisi. Hindi ba ito ang pag-uugali ng masama? Gaya lang ng sinabi ng Diyos: “Nakabatay sa kanilang pag-uugali ang pamantayang ginagamit ng mga tao upang hatulan ang ibang mga tao; matuwid yaong ang asal ay mabuti, habang buktot yaong ang asal ay karumal-dumal. Ang pamantayan ng Diyos sa paghatol sa mga tao ay batay sa kung nagpapasakop ba o hindi sa Kanya ang kanilang diwa; matuwid na tao ang nagpapasakop sa Diyos, samantalang ang hindi nagpapasakop ay kaaway at isang buktot na tao, mabuti man o masama ang pag-uugali ng taong ito at kung tama man o mali ang kanyang pananalita(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Ayon sa mga salita ng Diyos, ang pag-uugali ng aking ama ay hindi pagsunod sa pagsasaayos at pagkakaayos ng Diyos, nagdudulot din ito ng pagkagambala sa iglesia. Gumawa siya ng lahat ng paraan ng pagiging masama alang-alang sa pakikipagtunggali para sa kapangyarihan at katayuan. Ang ganitong diwa ay lumalaban sa Diyos at nabibilang sa isang masamang tao. Ngunit ginamit ko ang kanyang panlabas na pag-uugali, tulad ng pag-aalaga sa akin at pag-aasikaso sa akin, sa pagiging kayang makatupad sa kanyang tungkulin, upang hatulan siya na isang mabuting tao, na iniisip na hindi siya dapat itiniwalag ng iglesia. Gayunpaman, ang kanyang mabuting gawa sa panlabas ay hindi tumutumbas sa pagsunod sa Diyos, at lalong hindi matatawag na matuwid. Tanging ang mga tunay na sumusunod sa pagsasaayos ng Diyos at maluwag sa loob na tinatanggap ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at naghahangad ng pagbabago ng disposisyon, ang makatatanggap ng kaligtasan. Tanging ang kanyang sarili ang masisisi ng aking ama sa pagbagsak sa kanyang kalagayan ngayon. Ito ay dahil sa kanyang napakasamang kalikasan at wala na siyang iba pang masisisi. Bukod pa rito, isa itong patunay ng matuwid na disposisyon ng Diyos.

O Diyos! Salamat sa paggamit sa kapaligirang ito at sa pagbibigay sa akin ng ganitong aspeto ng katotohanan upang baliktarin ang aking mga maling pananaw, at sa pagpapakita sa akin na ang Iyong kabanalan at ang Iyong matuwid at makaharing disposisyon ay hindi dapat saktan ng sinuman. Ito ay nagpaunawa sa akin na hindi ko makikilala o mauunawaan ang mga bagay nang wala ang katotohanan. Mula ngayon, anuman ang mangyari sa akin, hindi ko na hahatulan ang isang tao batay sa kanyang panlabas na anyo. Kailangan kong gamitin ang pananaw ng katotohanan at tanggapin ang lahat ng bagay na Iyong ginagawa. Kahit na hindi ko mauunawaan ang mga bagay na Iyong ginagawa, paniniwalaan ko na ang lahat ng ginagawa Mo ay tama. Hindi na ako mag-aanalisa at magsusuri mula sa pananaw ng isang tao. Maninindigan ako sa panig ng katotohanan, na patuloy na iniingatan ang aking sarili upang maging saksi para sa Iyo.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang mga Aklat ni Satanas ay Maaaring Makalason sa Atin

Akin ding naintindihan na ginagamit ni Satanas ang pag-aaral at pagkakatuto upang linlangin sila sa pagtanggap sa kanyang pangangaral at tanggapin ang lason at mga kalooban nito sa kanilang isip, at kapag ang lason ay naihatid na, lubusang nangingibabaw sa mga tao ang mga saloobin ng taong hindi naniniwalang may Diyos at mga kamalian na nagtatanggi at tumututol sa Diyos