Masisira Mo ang Iyong Sarili sa Pagiging Hindi Malamig o Mainit sa Iyong Pananampalataya

Nobyembre 3, 2024

Ni Mu Che, Tsina

Sa unang bahagi ng Pebrero 2024, gumagawa ako ng isang tekstuwal na tungkulin sa iglesia. Sa simula, punong-puno ako ng motibasyon; pakiramdam ko ay medyo mababaw ang aking buhay pagpasok, at na kulang ako sa lahat ng aspekto, kaya’t naisip ko na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng aking tekstuwal na tungkulin at higit na pag-unawa sa mga katotohanan at prinsipyo, mas mabilis akong magkakamit ng paglago sa buhay. Kalaunan, ipinareha ako ng superbisor sa isang kapatid na nagngangalang Qin Lan para pamahalaan ang gawain ng pagsusuri ng sermon ng isang grupo at ang pag-aaral ng mga miyembro nito. Mas matagal nang gumagawa ng tekstuwal na tungkulin si Qin Lan kaysa sa akin at mayroon siyang pag-arok sa mga prinsipyo at mga propesyonal na kasanayan. Napakasaya ko, dahil ang pagiging kapareha niya ay nangangahulugang maaari akong matuto ng mas maraming bagay at mas mabilis na lumago sa aking tungkulin. Dahil alam niyang kasisimula ko pa lang sa tungkuling ito, binigyan ako ni Qin Lan ng medyo detalyadong gabay sa aming gawain. Kapag sinusuri ang mga sermon, tinatanong niya muna ang aking pananaw sa mga ito, at kung hindi ko nauunawaan ang isang bagay, makikipagbahaginan siya sa akin sa bawat punto. Masigasig akong nag-aral at nagtala, medyo nakararamdam ng kapanatagan habang ginagawa nang ganito ang aking tungkulin. Kalaunan, habang sinusuri ang gawain, napagtanto kong marami pala talagang gagawin. Maliban sa pagpili ng mga sermon, kailangan naming subaybayan ang kasalukuyang sitwasyon ng mga miyembro ng grupo at ang pag-usad ng gawain nila, at kapag bumaba ang mga resulta ng gawain, kailangan naming suriin ang lahat ng paglihis at isyu. Kailangan din naming mag-aral ng mga propesyonal na kasanayan, maglinang ng talento, at iba pa. Naisip ko, “Napakakomplikado ng pamamahala sa lahat ng iba’t ibang proyektong ito; gaano ba karaming pag-iisip at enerhiya ang dapat kong ilaan dito at gaano kalaking halaga ba ang dapat kong bayaran para magawa ko nang maayos ang lahat ng gawaing ito?” Sa sandaling magkaroon ako ng mga kaisipang ito, parang naging sobrang sakit sa ulo lang ito at masyadong nakapapagod ito para sa aking laman. Kapag sinusuri ko at ng mga kapatid ang mga paglihis sa gawain, gusto kong makilahok at makibahagi rito, subalit kapag naiisip ko kung paanong bago pa lang ako sa tungkuling ito at hindi ko nauunawaan ang mga bagay-bagay, at pamilyar si Qin Lan sa lahat ng aspekto ng gawain, parang mas mabuting umasa sa kanya, at ayos na sa akin ang gampanan lang ang papel ng tagapakinig. Kapag sumusulat ng mga liham kaugnay sa pagwawasto ng mga paglihis, inaayos ko lang ang mga pangunahing punto na tinalakay ni Qin Lan, na nagligtas sa akin sa maraming abala. Kapag bumabagsak ang mga resulta ng gawain, labis na nag-aalala ang lahat ng kapatid at nagninilay sila sa kanilang sarili at nagbubuod ng mga paglihis sa kanilang gawain, subalit hindi pa rin ako nababahala, iniisip na ang mga resulta ng aming gawain ay walang kinalaman sa akin. Naisip kong bago ako sa tungkulin, hindi ko nauunawaan o hindi ko kayang gawin ang mga bagay-bagay, at mababaw kong tinitingnan ang mga problema, kaya tinanggap kong maging isang karaniwang tagasunod. Araw-araw, sinusuri ko lang ang gawain sa isang nakagawiang paraan, ayaw na masyado pa itong pag-isipan. Minsan, nagsisimula na akong antukin bago pa man mag-alas-9 ng gabi.

Noong simula ng Marso, nakaranas ako ng matinding sakit sa aking mga tuhod kasabay ng sakit sa dibdib sa loob ng ilang magkakasunod na araw. Pinaalalahanan ako ng isang kapatid, sinabing, “Hindi ka gaanong nagpakita ng pagpapahalaga sa pasanin sa iyong tungkulin kamakailan. Ngayong nagkasakit ka, medyo makapagninilay ka sa sarili.” Ginamit niya rin ang karanasan ng isa pang kapatid para magbahagi sa akin, sinasabi kung paanong ang kapatid na iyon ay palaging nakikinig at umaasa lamang sa iba sa kanyang tungkulin, walang sarili nitong mga pananaw sa mga bagay-bagay, at kalaunan ay tinanggal dahil sa hindi pagiging epektibo sa tungkulin nito. Pagkatapos lang matanggal saka ito nanghinayang dito at napagtanto ang kahalagahan ng tungkulin nito. Talagang sumama ang pakiramdam ko pagkarinig ko sa pagbabahagi ng kapatid na ito, iniisip na, “Hindi ba’t naging ganito rin ang kalagayan ko nitong nakaraan? Hindi ko ginustong maabala ng anuman at umasta lang ako na parang tagasunod.” Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko ilang araw na ang nakararaan: “May ilang tao na tila may pagpapasakop sa paggawa ng kanilang tungkulin, ginagawa nila kung ano man ang isinasaayos ng Itaas para sa kanila. Pero kapag tinanong sila, ‘Pabasta-basta mo bang ginagawa ang tungkulin mo? Ginagawa mo ba ito ayon sa mga prinsipyo?’ wala silang maibigay na tiyak na sagot, sasabihin lang nila, ‘Ginagawa ko ang mga itinatagubilin ng Itaas at hindi ako nangangahas na gumawa ng mga maling gawa nang walang ingat.’ Kapag tinanong kung natupad ba nila ang kanilang responsabilidad, sinasabi nila, ‘Hindi bale, ginagawa ko naman ang dapat kong gawin.’ Kita mo? Palagi silang may ganitong saloobin kapag ginagawa ang kanilang tungkulin—hindi sila nagmamadali, mabagal sila sa paggawa ng mga bagay, at wala silang pakiramdam ng pag-aapura. Wala ka talagang mahanap na kamalian sa kanila, pero kung susukatin mo ang paggampan nila ng tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ito mabisa at hindi sapat. Bagamat hindi ito sapat, may kaya pa rin silang gawin—pero hindi sila nagkukusang-loob na gawin ito. Hindi ba’t sobrang matigas ang ulo nila? Palagi silang may ganitong saloobin: ‘Kahit bugbugin o pagalitan mo ako, ganito pa rin ako. Dito lang ako—tingnan natin kung ano ang magagawa mo sa akin. Ito ang saloobin ko!’ Wala silang gaanong masamang gawa, pero wala rin silang gaanong mabuting gawa. Anong landas ang masasabi mong tinatahak nila? Mabuti ba ang saloobin nila sa pananampalataya nila sa Diyos at sa tungkulin nila? (Hindi.) Sa Bibliya, sinasabi ito ng Diyos: ‘Kaya naman sapagkat ikaw ay maligamgam, at hindi mainit ni malamig, isusuka kita sa Aking bibig’ (Pahayag 3:16). Ang pagiging maligamgam, hindi mainit ni malamig—mabuti ba ang ganitong saloobin? (Hindi.) Iniisip ng ilang tao, ‘Kung gagawa ako ng masama at magdudulot ng mga pagkagambala, agad akong makokondena; hindi ito magtatagal. Pero kung positibo at maagap kong gagawin ang mga bagay, mapapagod ako, at kung magkakamali ako sa paggawa ng isang bagay, maaaring mapungusan ako, o matanggal pa nga, masyadong nakakahiya iyon! Kaya, nananatili akong maligamgam, hindi mainit ni malamig. Anuman ang ipagawa mo sa akin, gagawin ko ito nang kaunti. Pero kung hindi mo sasabihin sa akin na gawin ang isang bagay, hindi ako makikialam. Sa ganitong paraan, hindi ako mapapagod, at dagdag pa roon, walang mahahanap na kamalian sa akin ang mga tao. Mahusay ang pamamaraang ito!’ Mabuti ba ang ganitong paraan ng pag-asal? (Hindi.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 11). Malalim ang naging epekto ng mga salita ng Diyos sa akin. Inilantad Niya ang aking tunay na kalagayan sa aking tungkulin. Sa panlabas, ginagawa ko ang anumang iniatas ng superbisor sa akin; kinukumusta ko ang gawain at pinipili ang mga sermon, ginagawa ang lahat ng bagay na ito, at hindi ako gumagawa ng kasamaan o nagdudulot ng mga kaguluhan. Gayumpaman, mayroon akong pasibong saloobin sa aking tungkulin. Mahigit isang buwan ko nang ginagawa ang aking tekstuwal na gawain, at pinalilipas ko ang bawat araw nang magulo ang isip at nang hindi nakararamdam na kailangang magmadali. Umasta lang ako na parang isang tagasunod sa aking tungkulin, sumasang-ayon sa mga pananaw ni Qin Lan sa aking mga sagot sa mga liham, at hindi nakikisali sa pagsusuri ng gawain. Kapag walang pag-usad sa gawain, hindi ako nag-aalala o nababalisa at nagpapalusot lang ako na “Hindi ko ito kayang gawin” o “hindi ko ito nauunawaan.” Nagkaroon ako ng pabayang saloobin sa lahat ng bagay at hindi ako nakaramdam ng ni katiting na pasanin sa aking tungkulin. Iyong mga nagdadala ng pasanin sa kanilang tungkulin ay nagagawang isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at isipin kung paano mabilis na maisasagawa ang gawain, at nagagawa nilang hanapin ang katotohanan para malutas ang mga isyu sa gawain, isipin ang mga wastong usapin, at magkaroon ng maagap na saloobin. Ako naman, inisip ko lang kung paano maiiwasang magdusa ang aking laman. Umasa lamang ako sa nakapareha kong kapatid sa lahat ng aking gawain at walang tinupad ni isang responsabilidad. Noon ko napagtanto na ang paalalang ito ng kapatid ay naglalaman ng layunin ng Diyos. Kung magpapatuloy ako nang may parehong saloobing ganito, magiging napakamapanganib nito, at mapapahamak ko ang aking sarili. Sa pag-unawa rito, pakiramdam ko ay nasa isa akong krisis at nagdasal ako sa Diyos nang nagsisisi: “O Diyos, masyado akong nakaasa sa iba at gusto ko lang na maging isang tagasunod. Hindi ako kailanman handang mag-alala tungkol sa mga bagay-bagay o magdusa at wala akong nararamdaman na kahit katiting na pasanin sa aking tungkulin. O Diyos, hindi ko gustong manatili sa ‘hindi malamig o mainit’ na kalagayang ito at maitiwalag Mo. Gusto kong magbago—pakiusap patnubayan Mo ako.” Pagkatapos niyon, sinadya kong baguhin ang saloobin ko sa aking tungkulin, pinanatili ko sa aking isipan ang mga seryosong usapin at hindi na ako naiidlip tuwing gabi.

Subalit dahil hindi ako nag-asikaso ng wastong gawain o nagdala ng pasanin sa aking tungkulin dati, hindi nagtagal ay kinaharap ko ang mga kinahinatnan nito. Ang gawaing pinangasiwaan ko ay hindi nagbunga ng anumang resulta, at may ilang kapatid na naging negatibo at pasibo sa kanilang mga tungkulin. Gaya nga ng sabi nila, “ang pulutong ay kasinghusay lang ng komandante nito.” Makalipas ang ilang araw, dahil walang nakausad sa pag-aaral ng grupo ng mga propesyonal na kasanayan na pinamamahalaan ko, inatasan ng superbisor si Qin Lan na pangasiwaan ang gawaing ito. Sumama talaga ang pakiramdam ko pagkarinig dito, at napagtanto kong hindi ako nagtakda ng mga tiyak na oras para sa pag-aaral at palaging pasibo lang akong naghintay na gumawa si Qin Lan ng mga pagsasaayos. Oo, may mga propesyonal na kasanayan si Qin Lan, subalit hindi ko man lang natupad ang aking responsabilidad sa simpleng pangangasiwa at pagpapaalala sa grupo. Kung ako ay naging mas maasikaso, nagdala ng kaunti pang pasanin, at nangasiwa sa mga pag-aaral sa napapanahong paraan, hindi sana ako nailipat ng posisyon. Ibinubunyag ako ng Diyos sa pamamagitan ng usaping ito, at nabagabag ako at sinisi ko ang aking sarili, iniisip na, “Paano ko nagawa ang tungkulin ko nang ganito? Hindi ba’t naging hindi ako mapagkakatiwalaan? Nasaan ang aking integridad at dignidad?” Kalaunan, nakita ko ang dalawang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Paano dapat kumilos ang mga tao, o mula sa anong kalagayan at kondisyon sila dapat gumawa ng mga makatarungang gawa, para masabing naghahanda sila ng mabubuting gawa? Sa pinakamababa, dapat mayroon silang positibo at maagap na saloobin, dapat maging tapat sila habang ginagawa ang kanilang tungkulin, dapat magawa nilang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang pagiging positibo at maagap ang susi; kung palagi kang pasibo, problema iyan. Para bang hindi ka kasapi ng sambahayan ng Diyos at hindi mo ginagawa ang iyong tungkulin, na para bang wala kang pagpipilian kundi gawin ito para kumita ng sahod sa ilalim ng hinihingi ng tagapag-empleyo—hindi kusa, kundi napakapasibo. Kung hindi lang sangkot ang mga interes mo, talagang hindi mo ito gagawin. O kung walang nagsabi sa iyo na gawin ito, tiyak na hindi mo ito gagawin. Kung gayon, ang paggawa ng mga bagay sa ganitong pamamaraan ay hindi paggawa ng mabubuting gawa. Kaya, napakahangal ng mga taong gumagamit ng ganitong pamamaraan; pasibo sila sa lahat ng ginagawa nila. Hindi nila ginagawa kung ano ang naiisip nilang gawin, ni ginagawa kung ano ang kaya nilang maisakatuparan sa loob ng ilang panahon at nang may pagsisikap. Naghihintay lang sila at nagmamasid. Problema ito at sobrang kahabag-habag. … Binigyan ka ng Diyos ng kakayahan at ng maraming mas nakakahigit na kondisyon, na nagtutulot sa iyong makilatis ang usaping ito at maging mahusay sa gawaing ito. Gayumpaman, wala kang tamang saloobin, wala kang katapatan at sinseridad, at ayaw mong gawin ang lahat ng makakaya mo para magawa ito nang maayos. Lubhang nadidismaya ang Diyos dito! Kaya, kapag nahaharap ka sa maraming sitwasyon, kung tamad ka at palagi mong nararamdaman na naaabala ka at ayaw mong gawin ang mga bagay-bagay, at palihim kang nagrereklamo na, ‘Bakit sa akin ito ipinapagawa at hindi sa iba?’ kung gayon, kahangalan ang iniisip mo. Kapag sa iyo ibinibigay ang isang tungkulin, hindi ito kamalasan; isa itong karangalan, at dapat mo itong tanggapin nang may kagalakan. Hindi ka mapapagod nang husto o hindi ka mamamatay sa sobrang pagkahapo sa gawaing ito. Sa kabaligtaran, kung maayos mong pangangasiwaan ang gawaing ito at gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya para magawa ito nang maayos, magiging payapa at matatag ang puso mo. Hindi madidismaya ang Diyos sa iyo, at kapag humarap ka sa Diyos, magkakaroon ka ng kumpiyansa at makakatayo nang nakataas-noo. Ngunit kung hindi mo gagawin ang gampaning ito o hindi mo ito gagawin nang maayos, at pipiliin mo na tipirin ang enerhiya at lakas mo, kung gayon, kahit na kayang gawin ng iba ang gampaning ito at kahit hindi nagdudulot ng anumang kawalan ang hindi mo paggawa nito, para sa iyo mismo, pagsisisihan mo ito habambuhay! Magiging isang malaking kawalan ito, na magdudulot sa iyo ng pasakit at pagkabalisa sa buong buhay mo. Sa tuwing binabanggit na dapat maging tapat at sinsero ang isang tao sa paggawa ng kanyang tungkulin at dapat niyang gawin ang kanyang buong makakaya, mararamdaman ng puso mo na para itong tinutusok ng mga karayom. Wala kang mararamdaman na kaligayahan, pagmamalaki, o karangalan tungkol sa usaping ito. Sa kabaligtaran, sasamahan ka ng pighating ito sa buong buhay mo. Kung may konsensiya ang isang tao, mararamdaman nila ang ganitong uri ng pighati. At ano naman ang perspektiba ng Diyos? Ginagamit ng Diyos ang mga katotohanang prinsipyo para matukoy ang usaping ito, na ang kalikasan ay higit na mas malubha kaysa sa nararamdaman mo. Alam Kong naiintindihan mo. Kaya, komprehensibong isasaalang-alang ng Diyos ang pang-araw-araw mong pag-uugali, ang saloobin mo sa katotohanan, at ang saloobin mo sa iyong tungkulin para masuri ang landas na tinatahak mo. Ipagpalagay na ang saloobin mo sa katotohanan at sa tungkulin mo ay palaging pabaya at palaiwas, at pumapayag kang gawin ang mga bagay-bagay sa panlabas pero sobra kang tamad na gawin ito kapag walang nakakakita, at nagpapatumpik-tumpik ka, at wala kang pag-aapura o positibong saloobin ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Bagamat hindi ka nanggagambala o nanggugulo, gumagawa ng masama, o kumikilos nang walang habas na pagkasutil at gumagawa ng mga maling gawa nang walang ingat, at mukha kang isang tao na taos-puso at may magandang asal, hindi mo positibo at aktibong nagagawa ang hinihiling ng Diyos sa iyo, sa halip, mapanlinlang kang tumatalikod sa responsabilidad at umiiwas sa totoong gawain. Kung gayon, anong landas ba talaga ang tinatahak mo? Kahit na hindi ito ang landas ng mga anticristo, sa pinakamababa, ito ang landas ng isang huwad na lider(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 11). “Walang sinuman ang gustong mamatay at mapunta sa impiyerno, pero nasusumpungan ng maraming tao ang sarili nila na paulit-ulit na tumatahak sa landas na tungo sa pagkawasak kahit labag sa loob nila. Paulit-ulit na binabalewala ng ilang tao ang mga pagkakataong magampanan ang tungkulin na ibinigay ng sambahayan ng Diyos, binabalewala nila ang pag-antig at pagsaway ng Banal na Espiritu, at binabalewala ang mga ekspektasyon ng Diyos. Iginigiit nila na maging pabasta-basta, gumagawa ng mga pabayang maling gawa, kumikilos nang may walang habas na pagkasutil, nanggagambala at nanggugulo, at nagiging mapanlinlang at tuso, at gumagawa ng kasamaan. Walang pumipilit sa kanila na gawin ang mga bagay na ito, hindi rin ito ang eskpektasyon ng Diyos sa kanila, o lalong hindi ito hinihingi ng Diyos sa kanila. Malinaw na personal nila itong pasya; ito ang handa nilang gawin, ang gusto nilang gawin, at ang kinasasabikan nilang gawin. Kapag sinasabi na papunta sa impiyerno at pagkawasak ang landas na tinatahak nila, nasasaktan at nagiging negatibo sila. Ano ba ang dapat nilang ikanegatibo? Hindi ba’t kasalanan nila ito? Hindi ba’t sarili nilang kagagawan ito? Hindi ba’t nararapat lang sa kanila ito? May ilang tao na nagsasabi, ‘Kapag gumagawa ako ng masama, ito ay dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto ko namang gumawa nang maayos sa bawat pagkakataon, pero pagkatapos kong gawin ang isang bagay, napagtatanto ko na hindi gaanong mabuti ang ginawa ko.’ Gumawa ka ng kasamaan at nagdulot ka ng mga pagkagambala at kaguluhan, na nagreresulta sa mga kawalan sa gawain ng iglesia. Maaaring hindi ka papanagutin sa mga pagsalangsang mo, pero lumilikha ng mga nakatagong panganib ang mga pagsalangsang mo, at maaaring maulit mo ang mga pagsalangsang mo sa hinaharap; napakamapanganib nito. Katulad lang ito sa isang tao na naglalakad sa isang landas—nag-iiwan ng bakas ang bawat hakbang. Nakikilala mo ba ang mga pagsalangsang na nagawa mo? Pinagsisisihan mo ba ang mga ito? Nakararamdam ka ba ng pagkakautang at kalungkutan? Umiiyak ka ba nang labis dahil sa mga ito? Itinuwid mo na ba ang landas mo? Tunay mo bang kinamumuhian ang iyong masasamang gawa? Isinuko mo na ba ang kasamaan mo at taos-puso ka na bang nagsisi sa Diyos? … Kung hindi mo kayang tunay na magsisi at patuloy mong nililinlang ang Diyos sa iyong mga panata, kung gayon, ang landas na tinatahak mo ay isang landas na patungo sa pagkawasak. Ang bawat isa sa iyong masasamang gawa ay isang pagkatok sa pintuan ng impiyerno; hindi natin masasabi kung aling katok ang magbubukas ng pintuang ito, pero kapag nagbukas na nga ito, dumating na ang katapusan mo. Masasabi na mula nang magsimulang manampalataya sa Diyos ang ilang tao hanggang ngayon, patuloy na silang nag-iipon ng masasamang gawa at kumakatok sa pintuan ng impiyerno sa pamamagitan ng lahat ng kanilang kilos at pag-uugali, habang nag-iipon din ng galit ng Diyos; hinihintay nila na sumapit sa kanila ang parusa ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 11). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, masyado akong nabahala. Sinabi ng Diyos na iyong mga pasibo sa kanilang tungkulin, bigong gawin kung ano ang kaya nilang gawin, at kumikilos nang pabasta-basta at nang walang pananagutan sa kanilang tungkulin ay mga tao na hindi gumagawa ng tunay na gawain, mga taong tumatahak sa landas ng mga anticristo, at kinokondena ng Diyos. Nagnilay ako rito, iniisip na: Sa kabila ng paggawa ko ng tungkulin, hindi ko itinuring ang sarili ko bilang miyembro ng sambahayan ng Diyos. Hindi lang ako hindi naging tapat sa aking tungkulin, hindi ko man lang natupad ang mga pinakasimpleng responsabilidad. Ang kapatid na nakapareha ko ang nagbuod ng gawain para maiwasto ang mga paglihis at magawa nang mas maayos ang aming mga tungkulin, subalit ako, hindi ako nakilahok o nagtanong. Hindi ako masigasig na tumugon sa mga liham at nagsulat lang ako batay sa mga sinabi ng kapatid tulad ng isang walang isip na robot. Hindi ko rin sineryoso ang pag-aaral ng lahat ng mga propesyonal na kasanayan at inantala ko ang kanilang progreso. Ang lahat ng ito ay dahil sa takot kong maingat na pag-isipan ang aking tungkulin at sa hindi ko pagdadala ng pasanin. Ang paggawa ng aking tungkulin sa ganitong paraan ay isang bagay na kinasusuklaman ng Diyos at kinamumuhian ng mga tao, at talagang hindi ako karapat-dapat sa kanilang tiwala. Isinaalang-alang ko lang ang sarili kong laman sa lahat ng aking ginawa, ayaw kong maingat na ikonsidera ang aking tungkulin o magbayad ng halaga, gusto ko lang na maging isang tagasunod at maisaayos ang lahat para sa akin, hindi talaga isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia at hindi nagmamalasakit sa layunin ng Diyos. Ang saloobin kong ito sa aking tungkulin ay labis na nagpadismaya sa Diyos. Umasa ako sa nakaperaha kong kapatid sa lahat ng bagay. Bagaman naging maalwan ang aking laman, nawala ko ang pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos para maghanda ng mabubuting gawa at hindi ko na ito kailanman mababawi pa. Nakaramdam ako ng pagkakautang at panghihinayang! Ang linya ng mga salita ng Diyos na nagsabing, “Ang bawat isa sa iyong masasamang gawa ay isang pagkatok sa pintuan ng impiyerno,” ay partikular na umantig sa akin. Inisip ko noon na si Hudas lang at ang iba pang gumawa ng kasamaan ang makapagbubukas ng pintuan patungong impiyerno, subalit itinatala pala ng Diyos ang bawat pagkakataong ako ay naghangad ng kaginhawahan, nabigong magdala ng pasanin sa aking tungkulin, at tumangging magsisi, at ang bawat tala ng Diyos ay unti-unting nagbukas sa pinto patungong impiyerno. Ang pintong patungong impiyerno ay nabubuksan sa paulit-ulit na kabiguang magsagawa ng katotohanan. Talagang kahindik-hindik ang kahihinatnang ito! Sa pagninilay rito, napagtanto ko sa wakas na talagang nasa panganib ako, at nakaramdam ako ng medyo pagsisisi, iniisip na, “Binigyan pa rin ako ng Diyos ng pagkakataong magsisi. Kailangan kong pahalagahan ang pagkakataong gawin ang aking tungkulin at bumawi sa aking mga pagsalangsang.” Nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, wala ako ni katiting na pagkatao o katwiran. Pinahahalagahan ko lang ang paghahangad sa mga kaginhawahan ng aking laman at wala akong nagawang kahit isa sa mga tungkuling dapat kong gampanan nang maayos. Labis Kitang napalungkot! O Diyos, alam ko na ang paggawa ko ng tungkulin ko sa ganitong paraan ay sisira sa akin at pipinsala sa gawain ng iglesia. Handa akong magsisi at tumanggap ng Iyong pagsisiyasat. Pakiusap, disiplinahin Mo ako at pahintulutan Mo ako na maunawaan ang aking sarili at iwaksi ang aking tiwaling disposisyon.”

Kalaunan, naisip kong, “Bakit ba palagi akong natatakot na maingat na ikonsidera ang mga bagay-bagay at gamitin ang aking isipan? Saan nag-uugat ang isyung ito?” Nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga taong tamad ay walang anumang nagagawa. Para ibuod ito sa isang salita, basura sila; mayroon silang matinding kapansanan. Gaano man kahusay ang kakayahang taglay ng mga taong tamad, paimbabaw lamang iyon; kahit na may mahusay silang kakayahan, wala itong silbi. Masyado silang tamad, alam nila ang dapat nilang gawin, ngunit hindi nila ito ginagawa; kahit alam nila na may problema, hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ito; alam nila kung anong mga paghihirap ang dapat nilang danasin para maging epektibo ang gawain, ngunit ayaw nilang tiisin ang mga karapat-dapat na paghihirap na ito. Dahil dito, hindi sila nagkakamit ng anumang mga katotohanan, at hindi sila gumagawa ng anumang tunay na gawain. Ayaw nilang tiisin ang mga paghihirap na dapat tinitiis ng mga tao; ang alam lamang nila ay magpakasasa sa kaginhawahan, magtamasa ng mga panahon ng kagalakan at paglilibang, at magtamasa ng malaya at maluwag na buhay. Hindi ba’t basura sila? Ang mga taong hindi kayang tiisin ang paghihirap ay hindi karapat-dapat na mabuhay. Iyong mga palaging nagnanais na mamuhay ng buhay ng isang parasito ay mga taong walang konsensiya o katwiran; mga hayop sila, at ang mga gayong tao ay hindi angkop kahit na gumampan ng trabaho. Dahil hindi nila kayang tiisin ang paghihirap, kahit na kapag gumagampan nga sila ng trabaho, hindi nila ito magawa nang maayos, at kung nais nilang makamit ang katotohanan, mas lalong wala silang pag-asang makamit iyon. Ang isang taong hindi kayang magdusa at hindi nagmamahal sa katotohanan ay basura; ni hindi siya kuwalipikadong gumampan ng trabaho. Isa siyang hayop, na wala ni katiting na pagkatao. Upang maging alinsunod sa mga layunin ng Diyos, dapat itiwalag ang gayong mga tao(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 8). “Anong uri ng mga tao ang basura? Ang mga taong magulo ang isip, mga taong walang ginagawa sa mga araw nila. Ang mga ganitong uri ng tao ay iresponsable sa anumang ginagawa nila, ni hindi nila ito sineseryoso; ginugulo nila ang lahat ng bagay. Hindi nila pinapakinggan ang mga salita mo kahit gaano ka pa makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan. Iniisip nila, ‘Magiging pabaya ako nang ganito kung gusto ko. Ano naman? Ano’t anuman, sa ngayon ay ginagawa ko ang aking tungkulin at may makakain ako, sapat na iyon. Kahit papaano ay hindi ko kailangang maging pulubi. Kung balang araw ay wala na akong makain, saka ko ito iisipin. Laging magbubukas ng pinto ang langit. Sinasabi mong wala akong konsensiya o katwiran, at na magulo ang isip ko—ano naman kung gayon? Hindi ko nilabag ang batas. Ang pinakamalala na ay medyo kulang ang aking karakter, pero hindi iyon kawalan sa akin. Hangga’t may makakain ako, ayos na.’ Ano ang palagay mo sa ganitong perspektiba? Sinasabi Ko sa iyo, ang mga ganitong taong magulo ang isip na walang ginagawa sa mga araw nila ay pawang nakatadhanang matiwalag, at imposibleng makamit nila ang kaligtasan(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 8). Inantig ng mahihigpit na salita ng Diyos ang manhid ko nang puso at inilantad ng mga ito ang diwa ng mga tamad na tao. Ayaw ng mga tamad na taong magdusa at magbayad ng halaga, at palagi nilang gustong mamuhay nang walang inaalala. Walang kakayahan ang mga taong ito na magkamit ng anuman, kaya ang pagkamit ng katotohanan at kaligtasan ay lalo nang imposible para sa kanila. Sinasabi ng Diyos na ang mga tamad na tao ay mga walang silbing, mga hayop at dapat itiwalag, at kumikilos ako tulad lang ng gayong walang silbing tao. Ayaw kong maingat na ikonsidera ang tungkulin ko at magbayad ng halaga at nabubuhay ako na parang isang parasitiko, umaasa sa iba para sa lahat at basta na lang sumusunod. Nang una akong magsimula sa tekstuwal na tungkulin ko, wala akong sinumang maasahan at nagawa kong umasa sa Diyos, masigasig na mag-aral at magkamit nang kaunti. Nang magsimula kong makapareha ang aking sister, hindi na ako naging kasingsigasig, naging maligamgam ako sa aking tungkulin at ayaw kong pag-isipan ang gawain o magbayad ng halaga, hinahangad lang na iraos ang aking mga araw nang nagpapahinga at naglilibang. Dahil hindi ako nagdadala ng pasanin sa aking tungkulin, hindi ko tinanggap ang anumang gawaing iniatas sa akin. Nag-alala sa akin ang ibang kapatid at kinailangan nilang akuin ang gawain ko. Gayumpaman, wala akong naging kamalayan. Likas akong nakaasa sa aking kapatid. Kahit pagkatapos kong gampanan ang aking tekstuwal na tungkulin nang mahigit isang buwan, nagpapalusot pa rin ako na kararating ko lang at hindi ko alam ang ilang bagay o hindi ko alam gawin ang mga iyon, at hindi ko kinukumusta ang gawain. Napakawalanghiya ko! Namuhay ako ayon sa satanikong pilosopiya na “Magpakasaya ka, dahil maigsi lang ang buhay,” at “Magpakasaya ka na ngayon, bukas ka na mag-alala.” Ginawa akong isang masamang tao ng mga mapagpalayaw at buktot na pananaw na ito. Inisip ko lang kung paano maiiwasang magdusa at mag-alala ang aking laman, at hindi ko inisip kahit kaunti kung paano gagawin nang maayos ang aking tungkulin. Nagdulot ako ng mga pagkaantala sa isang napakaimportanteng trabaho. Talagang ginagambala ko ang gawain ng iglesia at umaasta akong tagasunod ni Satanas! Sinasabi ng Diyos na iyong mga hindi sineseryoso ang kanilang mga tungkulin ay mas kahabag-habag pa kaysa kay Hudas at kinasusuklaman at kinamumuhian sila ng Diyos. Ang kalikasan ng gayong pagsalangsang ay napakaseryoso. Lubos akong natakot nang maisip ko ang kahihinatnan ng lahat ng ito. Ang isang taong tulad ko ay hindi mapagkakatiwalaan at kung patuloy akong magiging pabaya, mapapahamak ko ang aking sarili. Naisip ko kung paanong naghihintay ang mga baboy sa kulungan araw-araw para pakainin ng may-ari ng mga ito, mahimbing na natutulog pagkatapos kumain nang wala ni katiting na alalahanin, para lang makatay ng may-ari ang mga ito kalaunan. Kung patuloy akong mabubuhay gaya nang dati, tinatamasa ang mga kaginhawahan ng aking laman, hindi ako maiiba sa isang baboy at ang pagtiwalag sa akin ng Diyos ay sadyang mangyayari at mangyayari din! Hindi ko gustong magpatuloy na maging tamad at walang silbi, kaya nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, ayokong magpatuloy na maging pabasta-basta. Buktot na paraan ito ng pamumuhay at wala itong kuwenta. Gabayan Mo ako para maging mas masigasig ako at magawa ko nang maayos ang aking tungkulin.”

Kalaunan, nakahanap ako ng isang landas ng pagsasagawa sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang paggawa sa tungkulin mo nang hindi gumagawa ng masama ay isang bagay na dapat mong makamit bilang isang normal na tao. Pero ang paghahanda ng mabubuting gawa ay nangangahulugan na dapat aktibo at positibo mong isagawa ang katotohanan at tuparin ang iyong tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Dapat kang magkaroon ng katapatan, maging handang magtiis ng mga paghihirap at magbayad ng halaga, maging handang tumanggap ng responsabilidad, at dapat magawa mong kumilos nang positibo at aktibo. Karaniwang maituturing na mabubuting gawa ang mga kilos na ginagawa ayon sa mga prinsipyong ito. Malaki o maliit na mga usapin man ito, karapat-dapat mang gunitain o hindi ang mga ito, pinahahalagahan man ito ng mga tao o itinuturing nilang walang halaga, o kung iniisip man ng mga tao na kapansin-pansin ang mga ito, sa mga mata ng Diyos, mabubuting gawa ang lahat ng ito. Kung naghahanda ka ng mabubuting gawa, sa huli ay magdadala ito sa iyo ng mga pagpapala, hindi ng mga kapahamakan. Sabihin nating hindi ka naghahanda ng anumang mabuting gawa at kontento ka na sa ganitong saloobin: ‘Ginagawa ko ang anumang ipinapagawa sa akin at pumupunta ako kahit saan ako pinapapunta. Hindi ako kailanman nagsasalita o kumikilos nang pabigla-bigla, at hindi ako nananadyang gumawa ng problema o nagdudulot ng mga pagkagambala o kaguluhan. Masunurin at mabuti ang asal ko.’ Kung palagi mong pinanghahawakan ang ganitong saloobin nang hindi aktibong hinahanap ang katotohanan at itinataguyod ang mga prinsipyo sa paggawa ng iyong tungkulin, nang hindi maagap na tinutuwid o binabago ang iyong mga paglihis at pagkakamali kapag natutuklasan mo ang mga ito, at hindi mo kailanman postibo at aktibong hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga problema ng pagiging mapaghimagsik mo o ng iyong tiwaling disposisyon kapag napapansin mo sa sarili mo na nagbubunyag ka ng mga bagay na ito, sa halip ay ginagawa mo lang ang anumang nais mo, kung gayon, kahit hindi ka nakapagdulot ng anumang kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos o nakaapekto sa gawain ng iglesia, ang ginagawa mo ay walang iba kundi pagtatrabaho lamang. Ang pagtatrabaho, sa kalikasan nito, ay hindi maituturing na mabubuting gawa. Kung gayon, paano ba talaga natutukoy ang mabubuting gawa? Ito ay kapag, sa pinakamababa, nakakatulong ang ginagawa mo sa buhay pagpasok mo at ng mga kapatid, at kapag kapaki-pakinabang ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kung kapaki-pakinabang sa iyong sarili, sa iba, at sa sambahayan ng Diyos ang mga kilos mo, kung gayon, mabisa at sinasang-ayunan ng Diyos ang paggampan mo sa harap ng Diyos. Bibigyan ka ng Diyos ng marka. Kaya, suriin mo kung gaano karaming mabubuting gawa ang naipon mo sa paglipas ng mga taon. Mababawi ba ng mabubuting gawang ito ang mga pagsalangsang mo? Pagkatapos mabawi ang mga ito, ilang mabuting gawa na lang ang natitira? Kailangan mong bigyan ng marka ang sarili mo at tiyakin ito sa puso mo; hindi ka dapat malito sa bagay na ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 11). Nilalaman ng mga salita ng Diyos ang Kanyang layunin at mga hinihingi at sinasabi rin Niya sa atin ang landas ng pagsasagawa. Ang pagtupad ng isang tao sa kanyang tungkulin bilang isang nilikha ay napakahalaga. Ang pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin nang naaayon sa prinsipyo, ang pagiging masigasig, pagbabayad ng halaga at pagdadala ng pasanin—tanging sa maagap na pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin sa ganitong paraan siya makapaghahanda ng mabubuting gawa at makaaayon sa layunin ng Diyos. Kung magiging pabasta-basta ka lang sa paggawa sa iyong tungkulin at gagawin mo lang kung ano ang hinihingi, maaaring tila hindi ito paggambala o pang-aabala, subalit nabibigo kang ilaan ang iyong puso sa iyong tungkulin, kaya hindi ka pinupuri ng Diyos. Pinagnilayan ko kung paanong hindi ako naging malamig o mainit sa aking tungkulin, nabibigong gawin ang gawaing iniatas sa akin at nanggagambala at nanggugulo sa aking tungkulin. Hindi lang ako hindi naghanda ng mabubuting gawa, gumawa pa ako ng mga pagsalangsang. Ang tungkulin ko ay ang pumili ng magagandang sermon ng ebanghelyo, para makatulong sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, pagpapatotoo sa Diyos at pagdadalala ng mas marami pang tao sa harap ng Diyos para magkamit ng kaligtasan. Ito ay isang napakahalagang responsabilidad at kahit ang pinakakatiting na pagiging pabasta-basta ay hindi katanggap-tanggap. Kakasimula ko pa lang magsagawa at marami pa akong pagkukulang. Kailangan kong maglaan ng oras at pagsisikap sa pag-aaral at pag-iisip, at gampanan ang aking tungkulin nang naaayon sa mga hinihingi at prinsipyo ng Diyos. Kailangan ko ring matutuhang magpakita ng pagmamalasakit sa gawain at magtanong tungkol dito, tratuhin ang aking tungkulin nang may pananagutan at sigasig at magdala ng pasanin sa aking gawain. Ito lang ang aayon sa mga layunin ng Diyos!

Pagkatapos noon, nagdasal ako palagi sa Diyos, naghimagsik laban sa aking laman, tumigil sa pagkilos nang sobrang kampante at walang pagkokonsidera at nagawa kong maagap na tanggapin ang aking mga responsabilidad. Nagpagtanto ko rin na hindi ako ipinareha ng iglesia sa aking sister para magtamasa ako ng mga kaginhawahan ng laman, kundi para mapunan namin ang kahinaan ng isa’t isa at mapagsama ang aming mga kapaki-pakinabang na ideya. Ang pagganap sa aming tungkulin sa ganitong paraan ay babawas sa aming mga paglihis, magiging kapaki-pakinabang sa aming tungkulin, at makatutulong din sa aming buhay pagpasok. Nagsimula rin akong sadyang lumahok sa gawain ng aming grupo, pag-isipan ang pagsusuri ng aming gawain at magpahayag ng ilang partikular na ideya, at pinupunan ng mga kapatid kung saan ako may mga pagkukulang. Sa pagtutulungan nang magkakasama sa ganitong paraan, mas naging pino at nakatuon ang aming pagbabahaginan at nagtamo rin ako ng mga bagay-bagay mula sa prosesong iyon. Tumigil ako sa pagiging hindi mapagkonsidera at natutong maingat na ikonsidera ang aking tungkulin at ilapat ang aking nalalaman sa pagkilos. Mas panatag na ako ngayon. Pagkatapos ng ilang panahon, hindi na ako kasing naguguluhan gaya ng dati, nagkaroon ako ng mga pag-unlad sa katotohanan at mga propesyonal na kasanayan, at nararamdaman ko na ang kaliwanagan at pagpapatnubay ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Huwag Maghanap ng mga Bagong Pakana Habang Naglilingkod sa Diyos

Ano ang pinakamatinding ipinagbabawal sa paglilingkod ng tao sa Diyos? Alam mo ba? Gusto ninyo na mga naglilingkod bilang mga lider na laging magkaroon ng mas higit na kahusayan, na maging angat kaysa sa lahat, na makanahap ng mga bagong pamamaraan upang makita ng Diyos kung gaano ang kakayahan mo talaga. Subalit, hindi ka nagtutuon ng pansin sa pag-unawa ng katotohanan at pagpasok sa realidad ng salita ng Diyos.