Kung Paano Ako Napalaya Mula sa Kayabangan
Noong Hunyo 2019, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang isang taon, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagpapakita sa akin ng biyaya at pagbibigay sa akin ng pagkakataong ito na magsagawa, kaya masaya kong isinubsob ang sarili ko sa aking tungkulin, sinubaybayan at inunawa ang gawain, at nilutas ang mga problema at paghihirap ng aking mga kapatid sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga pagtitipon. Kalaunan, karamihan ng mga baguhan na hindi madalas dumalo sa mga pagtitipon ay nagsimula nang dumalo nang regular, at aktibong nagpalaganap ng ebanghelyo at nagsagawa ng kanilang mga tungkulin. Nagkaroon din ng ilang resulta ang iba pang gawain, at hindi ko mapigilang makadama ng kaunting pagmamalaki. Naisip ko, “Makalipas lang ang kaunting panahon ng paglilingkod bilang isang lider, nagawa ko nang lutasin ang ilang praktikal na problema, at iginagalang ako ng aking mga kapatid. Mas magaling siguro ako sa huling lider.” Unti-unti, nagsimula akong maging mayabang. Nang siyasatin ko ang gawain ng iba, napansin ko na hindi naunawaan ng ilan sa mga lider ng grupo ang sitwasyon sa mga team nila at nagpabukas-bukas sa mga tungkulin nila, at labis akong nawalan ng pasensya at pinagalitan ko sila. Nang makita ko na nahigpitan sa akin ang ilan sa kanila, natanto ko na naging mapusok ako, at medyo nakonsensya ako, pero pagkatapos ay naisip ko, “Ginagawa ko ang gawain ng iglesia, at hindi ako magtatamo ng mga resulta kung hindi ako mahigpit.” Pagkatapos niyon, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko, at lumipas na ang mga usaping iyon.
Bago ang isang pagtitipon, kinausap ko ang ilang miyembro ng grupo sa pagdidilig para talakayin kung ano ang ibabahagi sa mga baguhan sa pagtitipon. Hiniling ko na ibahagi muna nila ang kanilang mga pananaw, pero pagkaraan ng mahabang oras, wala pa ni isang nagsalita, at isang sister lang ang nagbigay ng kaunting pagbabahagi. Sa oras na iyon, galit na galit ako. Naisip ko na napakawalang-silbi nila na hindi man lang nila mapag-usapan ang nilalaman ng pagtitipon, at mainit na ang ulo ko sa kanila, pero natakot ako na baka mainis sila at makaapekto iyon sa pagtitipon noong gabing iyon, kaya nagdasal ako sa Diyos na palamigin ang ulo ko. Naisip ko, “Walang sinuman sa kanila ang may mga opinyon, kaya magpapasya ako kung ano ang ibabahagi sa pagtitipon batay sa sarili kong mga ideya.” Pero sa pagtitipon, nakita ko na hindi nagbahagi ang ilang sister tulad ng naipagbilin ko, at hindi man lang aktibong nagbahagi ang iba. Galit na galit ako at mainit na ang ulo ko, pero inisip ko na nasa isang pagtitipon pa kami, at natakot ako na mahigpitan sa akin ang mga baguhan, kaya nagpigil ako. Hindi natamo sa buong pagtitipon ang mga resultang inasahan ko. Nang matapos ang pagtitipon, sinabi ko, “Ano ang pakiramdam ninyo sa mga resulta ng pagtitipon ngayong gabi? Sabihin ninyo sa akin kung ano ang mga problema o pagkakamaling napansin ninyo.” Sinabi ng isang sister na hindi niya mapakalma nang sapat ang sarili niya para magbahagi, sabi ng isa pang sister napakaikli ng pagtitipon, at sumunod ang iba pang mga kapatid, sinasabing walang sapat na oras. Nang marinig ko iyon, muling lumabas ang galit ko. Naisip ko, “Hindi lang kayo walang kamalayan sa mga problema ninyo, kundi nagdadahilan pa kayo. Talagang kailangan ko kayong turuan ng leksyon.” Kaya, gumamit ako ng isang sipi ng salita ng Diyos para pangaralan sila at sinabi ko sa kanila na wala talaga silang kibo noong tinatalakay ang nilalaman ng pagtitipon at nagdahilan sila at hindi nagnilay tungkol sa kanilang sarili nang hindi naging maayos ang takbo ng pagtitipon. Walang sinuman sa mga kapatid ang nangahas na magsalita at natanto ko na masyadong naging marahas ang mga salita ko. Hindi nararapat na pagalitan ang mga kapatid. Pero naisip ko na ginawa ko ito para tulungan silang makilala ang kanilang sarili, kaya nga hindi ko pinagnilayan ang sarili kong mga problema. Pagkatapos niyon, iniulat ko sa lider ko na hindi gaanong mahusay at hindi responsable ang grupo ng mga tagadilig sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. Gusto kong padalhan niya ako ng ilang magagaling na tagadilig at gusto ko pa ngang ipatanggal ang isang sister. Pero nagbahagi sa akin ang lider ko, na sinasabing, “Hindi sila magkakapareho ng tayog at kakayahan. Hindi tayo maaaring humiling masyado, kailangan natin silang bahaginan pa at tulungan.” Sinabi rin niya na bawat iglesia ay maraming baguhang tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ngayon, kaya wala silang maibibigay na mga tagadilig para sa akin. Nang marinig ko ito, atubili ko itong tinanggap.
Kalaunan, natuklasan ko na hindi ako masyadong kinausap ng partner kong si Sister Eva tungkol sa gawain. Ayaw talaga niyang sabihin sa akin ang anumang mga problema sa gawain, at sa mga pulong ng mga kapwa-manggagawa, hindi aktibong nagbahagi ang ilang diyakono. Makalipas lang ang ilang araw, sinabi sa akin ng lider ko, “Isinumbong ni Eva na madalas mo raw pagalitan ang mga tao sa mga pagtitipon. Nagpapadama ito na hinihigpitan mo ang mga tao, kaya kailangan mong pagnilayan nang husto ang bagay na ito….” Naisip ko, “Itinuturo ko ang mga problema nila. Hindi nila kilala ang sarili nila, at sinasabi nila ngayon na hinihigpitan sila, pero hindi ko naging intensyon iyon kahit kailan. Kung nahihigpitan sila, problema nila iyon.” Kalaunan, nakonsensya ako, at pinagnilayan ko na lang kung paano ako nagpakita ng katiwalian nang makipagtulungan ako sa aking mga kapatid, kaya pakiramdam nila ay hinihigpitan sila. Pinuntahan ko si Eva para magtapat at magbahagi, at sinabi ko, “Medyo prangka akong tao, at madali akong magalit. Kung minsan, kapag nagtutulungan tayo sa pagsasagawa ng ating mga tungkulin, hindi ko tinatrato nang maayos ang mga katiwalian at pagkukulang mo, at masyado akong marahas magsalita, kaya pakiramdam mo ay hinihigpitan ka.” Nagulat ako nang sabihin ni Eva na, “Palagay ko mayabang ka, mapagmagaling, at mainitin ang ulo mo, at gustung-gusto mong hamakin at pagalitan ang iba!” Natulala ako nang marinig ko iyon. Naisip ko, “Inaamin kong mayabang ako, pero siguradong wala pa akong hinamak na sinuman sa inyo! Nagtapat ako at marami akong sinabi sa iyo ngayon lang, bakit hindi mo subukang kilalanin ang sarili mo, sa halip na magtuon ka sa mga kapintasan ko?” Hindi ko kayang lunukin iyon, kaya binanggit ko ang ilan sa mga problema niya sa pagsasagawa ng kanyang mga tungkulin, pero nabigla ako nang tanggapin kaagad ni Eva ang nasabi ko. Nang makita ko na tinanggap niya nang maayos ang aking puna, naisip ko sa sarili ko na hindi ako dapat makipagtalo, at dapat kong tanggapin na lang ang nasabi niya. Kaya, pinagnilayan ko ang sarili ko batay sa nasabi niya, na ako ay mayabang, mapagmagaling, at hinamak ko ang mga tao, pero matapos kong pag-isipan iyon nang tatlong araw, hindi ko pa rin iyon naunawaan. Pinuntahan ko si Eva at hiniling ko sa kanya na linawin iyon para sa akin. Sabi niya, “Noong ibinubuod natin ang ating mga isyu noong araw na iyon, hindi mo kami tinanong kung ano ang partikular na mga problema namin, bigla mo na lang kaming sinigawan. Hindi tamang pagalitan ang mga tao nang ganito at malamang na madama nilang hinihigpitan sila.” Naisip ko, “Dahil lang sa isang pangyayaring ito, sinasabi mo nang mayabang ako at gusto kong hamakin ang iba? Hindi ba medyo hindi patas iyon?” Mabilis akong nagpaliwanag, “May dahilan ako para punahin kayo. Noong una, ginusto kong ibuod ang mga pagkakamaling nagawa, uminit lang ang ulo ko nang makita ko na walang sinuman sa inyo ang nakakakilala sa sarili ninyo.” Akala ko mauunawaan iyon ni Eva, pero agad niyang sinabing, “Palagay ko napakayabang mo. Ipinipilit mo na pakinggan ka ng lahat, at itinuturing mong katotohanan ang sarili mong mga ideya.” Nang marinig ko siyang sabihin ito, naguluhan ako. Akala ko nagkamali ako ng dinig sa kanya, kaya tinanong ko siya para kumpirmahin, at sinabi niya sa akin nang napakalinaw, “Tama iyon!” Nagsimula akong matakot nang husto at naisip ko, “Paano ako nagkalakas ng loob na ituring na katotohanan ang sarili kong mga ideya? Hindi ko inisip iyon nang gayon kahit kailan.” Pero alam ko na ang mabubuting layunin ng Diyos ay nasa likod ng pagwawasto sa akin nang ganito, kaya mabilis akong nagdasal sa Diyos at hiniling kong bigyan Niya ako ng kaliwanagan para makilala ko ang aking sarili. Sa isang debosyonal, binasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Sinasabi ng ilang tao na wala silang tiwaling disposisyon, na hindi sila mayabang. Anong klaseng mga tao ito? Ang mga taong ito ay walang katinuan, at sila rin ang pinakahangal at pinakamayabang sa lahat. Sa katunayan, mas mayabang at suwail pa sila kaysa kaninuman; kapag mas sinasabi ng isang tao na wala siyang mga tiwaling disposisyon, mas mayabang siya at mapagmagaling. Bakit nagagawa ng iba na kilalanin ang sarili nila, at tanggapin ang paghatol ng Diyos, subalit ikaw ay hindi? Bukod-tangi ka ba? Santo ka ba? Namumuhay ka bang nakahiwalay sa ibang tao? Hindi mo inaamin na labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, na may tiwaling disposisyon ang lahat. Ibig sabihin nito ay hindi mo talaga nauunawaan ang katotohanan, at ikaw ang pinakasuwail, pinakamangmang, at pinakamayabang sa lahat” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Mayabang na Kalikasan ang Nasa Ugat ng Paglaban ng Tao sa Diyos). “Nalaman Ko na ang kaya lamang ng maraming lider ay sermunan ang mga tao, nagagawa lamang nilang mangaral sa mga tao mula sa mataas na posisyon, at hindi nila kayang makipag-usap sa kanila sa parehong antas; hindi nila nagagawang makisalamuha nang normal sa mga tao. Kapag nagsasalita ang ilang tao, para bang lagi silang nagtatalumpati o nag-uulat; lagi lamang nakatuon ang kanilang mga salita sa kalagayan ng ibang tao, at hindi sila kailanman nagtatapat tungkol sa sarili, hindi nila kailanman sinusuri ang sarili nilang mga tiwaling disposisyon, kundi sinusuri lamang ang mga isyu ng ibang tao upang malaman ito ng iba. At bakit nila ginagawa ito? Bakit malamang na ipangaral nila ang gayong mga sermon, na sabihin ang gayong mga bagay? Ito ang katunayan na hindi nila nakikilala ang kanilang sarili, na kulang na kulang sila sa katinuan, na masyado silang mayayabang at may labis na pagtingin sa sarili. Iniisip nilang ang kanilang abilidad na makilala ang mga tiwaling disposisyon ng ibang tao ay nagpapatunay na nakahihigit sila sa ibang tao, na mas may pagkakilala sila kaysa sa iba, na hindi sila kasing tiwali ng ibang tao. Ang magawang suriin at sermunan ang iba, subalit wala namang kakayahang ilantad ang sarili, hindi inilalantad o sinusuri ang sarili nilang mga tiwaling disposisyon, hindi ipinapakita ang tunay nilang pagkatao, walang sinasabing anuman tungkol sa sarili nilang mga motibasyon, at sinesermunan lamang ang ibang tao dahil sa maling bagay na ginawa nila—ito ay pagdadakila at pagtataas sa sarili” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tungkol sa mga Atas Administratibo ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). Inihayag ng mga salita ng Diyos ang tunay kong kalagayan. Ang buong sangkatauhan ay nagawang tiwali ni Satanas at puno ng mga satanikong disposisyon. Hindi ako naiiba. Nagawa rin akong tiwali ni Satanas. Paanong hindi ako magkakaroon ng mayabang na disposisyon? Itinulot ng Diyos na iwasto ako ng aking sister sa pagiging mayabang at paghamak sa mga tao, magkagayunman ay naisip ko na nagmalabis siya nang iwasto niya ako. Napakamanhid ko kaya hindi ko man lang kilala ang sarili ko. Sinasabi sa salita ng Diyos na kung hindi kayang ibahagi ng mga lider ang katotohanan, at tustusan ang iba, hindi kayang suriin, o kilalanin ang kanilang sarili, at pinagagalitan lang at hinahamak ang iba habang nagbibigay ng mga sermon, at laging iniisip na mas magaling sila kaysa sa iba, sila ang pinakamayabang at suwail na mga tao. Natanto ko na ganito ako kumilos habang ginagampanan ko ang aking tungkulin. Noong epektibo ang gawaing pinananagutan ko, o noong aprubahan ako ng aking mga kapatid, sinimulan kong hangaan ang aking sarili at pakiramdam ko ay mas magaling ako kaysa sa iba. Nang makita ko na mabagal sila sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, hinamak ko sila sa hindi paggawa ng mga nararapat nilang gawin, at sa halip na ibahagi ang katotohanan para tulungan sila, pinagalitan ko sila, sinisi ko sila, na iniisip na wala silang silbi. Ginusto ko pa ngang tanggalin ang isang sister na inakala kong hindi mahusay nang hindi man lang tinitingnan kung epektibo siya sa kanyang mga tungkulin. Nang talakayin namin ang nilalaman ng pagtitipon, tahimik ang aking mga kapatid, pero sa halip na itanong kung saan sila nahihirapan, isinisi ko lang iyon sa kanila. Sa oras ng pagtitipon, nang hindi sila magbahagi ayon sa plano ko, ginusto kong magalit sa kanila. Nang ituro ko ang mga problema nila, at hindi nila kinilala ang mga iyon, hinamak at minaliit ko sila sa aking isipan, at marahas ko pa nga silang pinagalitan. Hindi ko man lang isinaalang-alang ang kanilang tayog o mga paghihirap. Sinabi sa akin ng lider ko na nahihigpitan sa akin si Eva at hiniling na pagnilayan ko ang aking sarili, pero hindi ko iyon sineryoso, at inakala ko na pinuna ko si Eva para tulungan siyang mas makilala ang kanyang sarili. Sa puntong iyon, naalala ko na sinabing minsan sa akin ni Eva na may isang brother na kasisimula pa lang sa kanyang tungkulin at na hindi nangahas na magbahagi kapag naroon ako sa mga pagtitipon. Binalewala ko iyon noon. Ngayon ko lang nakita na iyon ay dahil lagi kong pinagagalitan ang mga tao kaya pakiramdam ng lahat ng aking kapatid ay mahigpit ako at hindi nangahas na magbahagi. Pero wala akong alam sa sarili kong mga isyu, at hinamak ko sila sa hindi paggawa ng nararapat nilang gawin. Talagang napakayabang ko! Hindi ko itinuring na kapantay ang aking mga kapatid, ni hindi ko rin sinubukang unawain o isaalang-alang ang kanilang mga paghihirap o sinubukang magbahagi tungkol sa katotohanan para tulungan sila. Sa halip, pinagalitan at pinuna ko sila nang may paghamak. Nang pungusan at iwasto ako ni Eva, hindi ko talaga kilala ang sarili ko at patuloy kong ipinagtanggol at ipinaliwanag ang sarili ko. Akala ko nagsalita lang ako nang diretsahan at maikli. Hindi ko kayang aminin na mapanghamak ako at pinagagalitan ko ang mga tao, at mas mahirap pa ngang aminin na itinuturing kong katotohanan ang aking mga ideya. Akala ko sobra lang magsalita si Eva. Hiniling ko palagi sa iba na kilalanin ang kanilang sarili, pero hindi ako nagnilay man lang tungkol sa mga paghahayag ng sarili kong katiwalian. Inisip ko palagi na tama ako at may kasalanan ang lahat ng iba pa. Napakayabang ko at hindi ako makatwiran.
Hindi nagtagal, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan sa iyong puso, malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan at sundin ang Diyos, at natural na matatahak ang landas ng paghahanap ng katotohanan. Kung tama ang landas na tinatahak mo, at nakaayon ito sa kalooban ng Diyos, hindi ka iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu—kung magkagayon ay mababawasan nang mababawasan ang pagkakataon mong pagtaksilan ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawan ka ng mga ito ng puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito para ilagay mo ang iyong sarili sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para igalang mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmataas at palalong kalikasan!” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga taong likas na mayabang at mapagmagaling ay dadakilain ang kanilang sarili, mamaliitin ang iba, iisipin na lagi silang tama, at magiging mataas ang tingin sa sarili nila. Itinuturing pa nga nilang katotohanan ang sarili nilang mga ideya at kayang gumawa ng kasamaan o lumaban sa Diyos anumang oras. Ginunita ko ang dati kong pakikipag-ugnayan sa iba pang mga kapatid: Hindi ko tinalakay kailanman ang sarili kong mga karanasan o inilantad at sinuri ang sarili kong katiwalian para gabayan sila sa pagkilala sa kanilang sarili. Sa halip, mapanghamak kong inilantad ang kanilang mga problema. Nang hindi sila makaunawa, nagalit ako, minaliit ko sila, at pinagalitan sila, kaya nahihigpitan sila sa akin. Hindi sila nangahas na sabihin sa akin kung may mga problema sila, na nakahadlang sa gawain at nakaapekto sa pagiging epektibo ng buhay-iglesia. Lahat ng ito ay dahil sa aking likas na kayabangan. Naisip ko kung paano ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para tustusan ang mga tao at ilantad ang ating katiwalian at pagsuway, pero hindi Niya tayo pinipilit kailanman na tanggapin o isagawa ang Kanyang salita. Sa halip, matiyaga Niyang ginagabayan ang mga tao at isinasaayos ang mga sitwasyon para maranasan nila ang Kanyang mga salita at gawain, na nagtutulot sa mga tao na unti-unting kilalanin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng karanasan, isagawa ang katotohanan, at lumago sa buhay. Bukod pa riyan, masyadong maprinsipyo ang Diyos sa paraan ng pakikitungo Niya sa mga tao. Tinatrato ng Diyos nang patas ang bawat tao batay sa kanilang tayog at kakayahan. Wala Siyang hinihiling sa atin na higit pa sa kaya nating gawin. Hindi mataas o mababa ang tingin Niya sa atin. Pero kapag nagkaroon ako ng ilang resulta sa aking mga tungkulin, pinipilit ko ang mga tao na makinig sa akin. Hindi ko isinaalang-alang ang iba’t ibang sitwasyon ng mga tao o tinrato sila nang tama ayon sa mga prinsipyo, at napakarami ko palaging hinihiling sa iba. Kapag hindi nila maabot ang aking mga pamantayan, hinamak, minaliit, at sinikap ko pa silang tanggalin at palitan ayon sa gusto ko. Nang pagnilayan ko ang diwa ng aking nagawa, nakita ko na talagang buong kayabangan kong itinuring na katotohanan ang sarili kong mga ideya, ipinagpilitan na tama ang aking pananaw anumang oras o saanmang lugar, at pinilit na makinig sa akin ang aking mga kapatid. Hindi ko man lang tinutupad ang aking mga tungkulin. Hindi ba nilalabanan ko lang ang Diyos? Hindi ko inasahan na aakayin ako ng aking likas na kayabangan na gumawa ng masasamang bagay tulad ng paglaban sa Diyos at pananakit sa aking mga kapatid. Napakasama ko at karapat-dapat akong parusahan ng Diyos! Nang matanto ko ito, labis akong nagpasalamat sa Diyos na iningatan Niya ako sa pagtutulot sa akin na pagnilayan ang aking sarili sa oras at hindi maligaw ng landas sa pamamagitan ng payo ng aking sister. Ngayon ko lang nakita na wala sa akin ang mga realidad ng katotohanan, na itinuring ko pang katotohanan ang sarili kong mga pananaw at pagkaunawa, at pinilit kong makinig sa akin ang aking mga kapatid. Talagang napakayabang ko at wala akong alam tungkol sa sarili ko.
Pagkatapos, nabasa ko ang isang sipi mula sa salita ng Diyos: “Magagawa mo bang ipaunawa sa mga tao ang katotohanan at mapapasok sila sa realidad nito kung inuulit mo lamang ang mga salita ng doktrina, at pinapangaralan ang mga tao, at iwinawasto sila? Kung hindi totoo ang katotohanan na ibinabahagi mo, kung mga salita lamang ito ng doktrina, kahit gaano mo pa sila iwasto at pangaralan, mauuwi lang ito sa wala. Iniisip mo bang kapag natatakot ang mga tao sa iyo, at sinusunod nila kung ano ang sabihin mo, at hindi sila naglalakas-loob na tumutol, ay pareho lang ito sa nauunawaan nila ang katotohanan at pagiging masunurin? Isa itong malaking pagkakamali; hindi ganoon kadali ang pagpasok sa buhay. Ang ilang lider ay parang isang bagong tagapamahala na sumusubok na magkaroon ng matinding impresyon, sinusubukan nilang ipatupad ang bago nilang taglay na awtoridad sa mga hinirang ng Diyos upang magpasakop ang lahat sa kanila, iniisip na mas mapapadali nito ang kanilang trabaho. Kung wala ang realidad ng katotohanan sa iyo, hindi magtatagal ay malalantad ang iyong totoong tayog, mabubunyag ang tunay mong pagkatao, at maaaring mapalayas ka. Katanggap-tanggap ang kaunting pagwawasto, pagtatabas, at disiplina sa ilang administratibong gawain. Pero kung wala kang kakayahang ibahagi ang katotohanan, sa huli, hindi mo pa rin magagawang lutasin ang problema, at maaapektuhan nito ang mga resulta ng gawain. Kung, kahit ano pang mga isyu ang lumitaw sa iglesia, patuloy mong sinesermunan ang mga tao at sinisisi sila—kung ang ginagawa mo lang ay magalit—ito ang tiwali mong disposisyon na ipinapakita ang sarili nito, at naipakita mo ang pangit na hitsura ng katiwalian mo. Kung palagi kang nakatayo sa pedestal at sinesermunan ang mga tao nang ganito, sa paglipas ng panahon, hindi makakatanggap ang mga tao ng panustos ng buhay mula sa iyo, wala silang anumang makakamit na totoo, at sa halip ay mamumuhi at masusuklam sila sa iyo. Dagdag pa rito, magkakaroon ng ilang tao na matapos mong maimpluwensiyahan dahil sa kawalan ng pagkakilala ay sesermunan din ang iba, at iwawasto sila at tatabasan sila. Magagalit din sila at iinit din ang kanilang mga ulo. Hindi lang sa hindi mo magagawang lutasin ang mga problema ng mga tao—mauudyukan mo rin ang kanilang mga tiwaling disposisyon. At hindi ba iyon pag-akay sa kanila sa landas tungo sa kapahamakan? Hindi ba’t isa itong masamang gawain? Ang isang lider ay pangunahing dapat manguna sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa katotohanan at pagtutustos ng buhay. Kung lagi kang nakatayo sa pedestal at sinesermunan ang iba, magagawa ba nilang maunawaan ang katotohanan? Kung gagawa ka sa ganitong paraan sa loob ng ilang panahon, kapag malinaw nang nakita ng mga tao kung ano ka talaga, iiwanan ka nila. Madadala mo ba ang mga tao sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan? Tiyak na hindi; ang magagawa mo lang ay sirain ang gawain ng iglesia at maging sanhi para kamuhian ka at iwanan ka ng lahat ng taong hinirang ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Bilang mga lider, inuutusan tayo ng Diyos na matutong makipagbahaginan tungkol sa katotohanan para lumutas ng mga problema at gabayan ang mga tao sa pag-unawa sa katotohanan, hindi para pagalitan kaagad-agad ang iba, ipagmalaki ang ating awtoridad, at takutin ang iba. Ito ay mga kilos ng isang huwad na lider at isang anticristo. Simula nang maging lider ako, hindi lang ako walang nagawang anumang praktikal na gawain, kundi hindi ako nakatulong sa pagpasok sa buhay ng aking mga kapatid sa anumang makabuluhang paraan. Basta ko lang pinagalitan at iwinasto palagi ang aking mga kapatid dahil sa galit ko, kaya pakiramdam nila ay gusto kong pigilin sila, matakot sila sa akin, at iwasan nila ako. Naisip ko ang isang huwad na lider na pinatalsik noong nakaraang buwan dahil wala siyang ginawang praktikal na gawain, hindi niya kayang lutasin ang mga paghihirap na hinarap ng kanyang mga kapatid sa kanilang mga tungkulin, at pikit-mata lang silang iwinasto at inakusahan na hindi maayos ang trabaho nila, hanggang sa umiyak ang isang sister, sinasabi na pakiramdam niya ay hinihigpitan siya nito. Namuhay siya sa isang mahina at negatibong kalagayan at inakala niya na wala siyang kakayahang gampanan ang kanyang mga tungkulin. Ang mga kilos ng huwad na lider na ito ay nagsanhi ng matinding pinsala sa gawain ng iglesia at sa pagpasok sa buhay ng kanyang mga kapatid. Hindi ba kapareho ko ang huwad na lider na ito? Hindi ko taglay ang mga realidad ng katotohanan at hindi ako nagtuon sa paghahangad ng katotohanan o pagbabago ng disposisyon. Kaya ko lang na bastang pagalitan at iwasto ang mga tao mula sa mayabang kong disposisyon. Tinahak ko ang landas ng mga huwad na lider at anticristo. Mapanganib ang magpatuloy nang ganito!
Kalaunan, nakita ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Dapat ay magawang ibahagi ng mga lider at manggagawa ang mga salita ng Diyos, dapat ay magawa nilang makahanap ng landas ng pagsasagawa mula sa mga salita ng Diyos, at dapat nilang akayin ang mga tao sa pag-unawa ng mga salita ng Diyos, sa pagdanas at pagpasok sa mga salita ng Diyos sa pang-araw-araw nilang buhay, sa paglalakip ng mga salita ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa paglutas sa mga problemang nakakaharap nila gamit ang mga salita ng Diyos; kaya, dapat din nilang akayin ang mga tao sa paggamit ng mga salita ng Diyos upang lutasin ang iba’t ibang paghihirap na kanilang nakakaharap habang ginagampanan ang kanilang tungkulin” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Mula sa mga salita ng Diyos naunawaan ko na ang mga lider at manggagawa ay kailangang makayang ibahagi ang salita ng Diyos, gabayan ang iba sa pag-unawa sa katotohanan at pagpasok sa realidad nito. Kailangan ding maunawaan at malutas ng mga lider at manggagawa ang mga suliranin at paghihirap na nararanasan ng iba sa kanilang mga tungkulin, upang habang ginagampanan ng mga kapatid ang kanilang mga tungkulin at sa kanilang tunay na buhay, matutuhan nilang isagawa ang katotohanan at umunlad sa buhay. Ito ang pinakamahalagang gawain ng mga lider at manggagawa. Gayunman, hindi ko naunawaan ang mga paghihirap ng mga tao, ni hindi ko naibahagi sa kanila ang katotohanan para malutas ang kanilang mga problema, at lagi ko silang pinuna at inutusan nang may saloobin ng paghamak. Bagama’t kung minsan ay kailangan nating pungusan at iwasto ang iba, kailangan itong ibatay sa prinsipyo at dapat tayong makatukoy sa pagitan ng iba’t ibang sitwasyon at pinagmulan ng mga tao. Kung may gumagawa ng isang bagay na nakakagambala o nakakaabala sa gawain ng iglesia, nakakasira sa pagpasok sa buhay ng kanilang mga kapatid, at hindi nagbabago matapos ang paulit-ulit na pagbabahagi, dapat silang pungusan at iwasto. Ang ilang tao ay palaging ginagawa ang kanilang mga tungkulin nang walang plano at hindi nagsisisi sa kabila ng pagbabahagi, at dapat silang pungusan at iwasto. Kapag sadyang nagkakasala ang mga tao o alam nila ang katotohanan pero hindi ito isinasagawa, kailangan din silang pungusan at iwasto. Kapag iwinawasto natin ang iba, hindi maaaring basta ulitin natin ang mga salita ng doktrina, ni hindi natin maaaring gawin iyon nang sadya o sa bugso ng damdamin, at lalong hindi natin sila maaaring pagalitan sa mapanghamak na paraan. Kailangan nating makita nang malinaw ang diwa ng problema at ibahagi ang katotohanan, upang malaman nila kung ano ang kanilang pagkakamali, anong tiwaling disposisyon ang kumokontrol sa kanila, at ang diwa ng kanilang mga kilos. Kapag iwinawasto ang mga kapatid at inilalantad ang kanilang katiwalian, kailangan tayong lumagay sa katayuan nila. Hindi natin maaaring ihiwalay ang ating sarili, na para bang hindi tayo tiwali. Pero hindi ko naunawaan ang mga prinsipyo ng pagpupungos at pagwawasto sa mga tao. Nang makita ko ang aking mga kapatid na iniraraos lang at ipinagpapabukas ang kanilang mga tungkulin, sa halip na magbahagi tungkol sa katotohanan para tulungan sila, pinagalitan at iwinasto ko sila nang may paghamak at pikit-mata. Dahil dito, sa halip na magtamo ng kaalaman tungkol sa kanilang sarili, pakiramdam nila ay hinihigpitan ko sila at naging pasibo at mahina. Ang totoo, sinabi sa akin ng mga lider ko na kasisimula pa lang ng ilang kapatid sa kanilang mga tungkulin, hindi nila naunawaan ang ilang prinsipyo, kaya tiyak na magkakaroon ng ilang pagkakamali at mali sa kanilang mga tungkulin, at hindi ko sila dapat palaging iwasto sa gayong mga sitwasyon. Sa halip, dapat kong unawain ang kanilang mga pagkukulang at problema, mapagmahal na suportahan at tulungan sila, at gabayan sila sa pag-unawa sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kung natulungan at nagabayan ko sila nang maraming beses, at kung alam na nila kung paano magsagawa, pero hindi sila nagsisi o nagbago, dapat ay naituro ko ang diwa ng kanilang mga problema, tinulungan silang makilala ang kanilang sarili ayon sa mga prinsipyo ng salita ng Diyos. Ang pagpupungos at pagwawasto lang nang ganito ang naaayon sa kalooban ng Diyos, nakakatulong sa gawain ng iglesia at sa pagpasok sa buhay ng ating mga kapatid.
Isang araw, nagpadala ang lider ko ng mensahe sa grupo para siyasatin ang kalagayan ng isang bahagi ng gawain, pero hindi tumugon sa oras ang partner ko at ang mga lider ng grupo. Naisip ko, “Bakit hindi nagkusang tumugon ang aking mga kapatid? Talagang napakapasibo nila tungkol sa kanilang mga tungkulin.” Noong oras na para sa pagtitipon namin, binanggit ko ang problemang ito, at nang tahimik ang lahat, hindi ko napigilang magalit ulit at inakusahan ko sila na masyado silang mabagal at pasibo sa kanilang mga tungkulin. Nang matapos ako, tahimik pa rin sila, at naisip ko, “Inilantad ko na naman ba ang mayabang kong disposisyon at naipadama sa aking mga kapatid na hinihigpitan ko sila?” Sa sandaling iyon, tiningnan ko ang computer ko at natanto ko na naka-mute ang mikropono ko nang magbahagi ako. Noon ko natanto na pinoprotektahan ako ng Diyos at hinadlangan akong mapinsala ang aking mga kapatid. Nakadama ako ng matinding pagsisisi at kinapootan ko ang sarili ko sa pagpapakitang muli ng kayabangan. Pagkatapos ay binuksan ko ang mikropono ko at kalmado silang tinanong kung bakit hindi nila sinagot ang mensahe sa oras. Noon ko nalaman na walang internet noon ang partner ko, at hindi naintindihan ng iba ang mga prinsipyo o hindi nila naunawaan ang sitwasyon, at hindi nila alam kung paano tumugon. Kaya, matiyaga akong nagbahagi sa lahat kung paano isagawa ang gawaing ito ayon sa mga prinsipyo. Nang magsagawa ako sa ganitong paraan, mas napanatag ako nang kaunti.
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Matapos malupig ng Diyos ang mga tao, ang pangunahing katangian ng diwa ng katwiran na dapat nilang taglayin ay ang tiyakin na hindi sila magsalita nang may kayabangan. Dapat silang tumanggap ng abang katayuan, ‘gaya ng dumi sa lupa,’ at magsalita ng ilang bagay na totoo; ito ang pinakamainam. Lalo na kapag nagpapatotoo para sa Diyos, kung maaari kang magsabi ng isang bagay na may katuturan mula sa puso, nang walang hindi makabuluhan o kalabisang salita at walang gawa-gawang mga kasinungalingan, tunay ngang nagbago na ang iyong disposisyon, at ito ang pagbabagong dapat maganap kapag nalupig ka na ng Diyos. Kung hindi mo kayang taglayin kahit ang ganitong dami ng katwiran, talagang wala kang anumang pagkakatulad sa isang tao. Sa hinaharap, kapag nalupig na ng Diyos ang mga taong hinirang ng Diyos mula sa lahat ng bansa at rehiyon, kung sa isang malaking pagtitipon para purihin ang Diyos ay nagsisimula ka na namang muling kumilos nang may kayabangan, tatanggalin ka at palalayasin. Mula ngayon, ang tao ay kailangang kumilos palagi nang maayos, kilalanin ang kanyang katayuan at posisyon, at huwag balikan ang kanyang mga dating gawi” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na isa akong munting nilalang ng Kanyang paglikha, isang taong masyadong naging tiwali, at na dapat akong lumagay sa katayuan ng aking mga kapatid at maayos na gampanan ang aking tungkulin. Ito ang klase ng pagiging makatwiran na kinailangan ko. Ngayon, kapag sumusubaybay ako sa gawain ng iglesia, hindi na ako sadyang nagagalit at hindi ko na pinagagalitan ang aking mga kapatid. Sadya kong pinagsisikapang unawain ang kanilang mga paghihirap, at hinahanap ko ang katotohanan para lutasin ang mga iyon na kasama ng lahat. Unti-unti, nagagawa namin ng aking mga kapatid na magtulungan nang maayos. Ang mga pagbabagong ito na nakaya kong gawin ay resulta ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagliligtas sa akin!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.