Bakit Napakahirap Tumanggap ng Payo?
Noong Hunyo 2021, nagdidilig ako ng mga baguhan sa iglesia. Pinamamahalaan ni Brother Jeremy ang aming gawain. Karaniwang tinatanong niya ako tungkol sa anumang mga isyu o paghihirap na mayroon ako sa aking tungkulin, ginagabayan ako kung paano makipag-usap sa mga bagong mananampalataya at tulungan silang lutasin ang mga isyu. Minsan, may mga pagkakamali o isyu sa aking gawain. Ipinapaalam niya ito sa akin kapag napapansin niya ang mga ito at sinasabi sa akin kung paano tutugunan ang mga ito. Nung una, masaya akong makatanggap ng mga payo ni Brother Jeremy, pero noong magbanggit na siya ng maraming problema, ayoko na talagang tanggapin pa ito. Naisip ko: “Sobrang abala ako sa pagdidilig ng mga baguhan araw-araw na minsan ay hindi na nga ako nakakakain sa oras. Ibinibigay ko ang lahat, kaya bakit lagi kang nagsasalita tungkol sa mga isyu ko? Pakiramdam ko ay mahusay ang kakayahan ko, alam ko ang gagawin at hindi ko kailangan ang sinuman para sabihan ako.”
Isang araw, isang bagong mananampalataya sa isang grupo ang nagpadala ng mensahe, na nanghihingi ng paumanhin na hindi siya nakadalo sa huling pagtitipon dahil sobrang abala siya sa trabaho. May iba akong ginagawa nang panahong iyon kaya hindi ako tumugon kaagad. Nang makita ko ang mensahe niya, nakatugon na si Brother Jeremy sa mensahe mula sa baguhan na ‘yon. Nagpadala rin siya sa’kin ng pribadong mensahe para paalalahanan ako na tumugon sa oras, at binigyan ako ng mga mungkahi sa pakikipag-usap sa kanila. Medyo nairita ako sa mensahe niya at pakiramdam ko ay parang ginugulo niya ako, iniisip ko, “Alam ko kung paano makipag-usap sa kanila, kaya bakit mo pinipilit na bigyan ako ng payo? Kung pakiramdam mo ay kaya mong magbahagi, ikaw na lang ang gumawa.” Nakaramdam pa nga ako ng sama ng loob, “Ginagawa ko ang lahat, hanggang sa puntong minsan ay nakakalimutan ko nang kumain, pero sinasabi mo pa rin na hindi maganda ang ginagawa ko sa ganito, hindi maganda ang ginagawa ko sa ganoon.” Nang tawagan ako ni Brother Jeremy para kumustahin ang gawain, hindi ako sumagot o nagpadala man lang sa kanya ng mensahe—hindi ko siya gustong pansinin. Pero patuloy siyang nagtatanong tungkol sa aking gawain at nagbibigay ng mga mungkahi. Isang beses, nang hindi sumagot ang isang bagong mananampalataya sa mensaheng ipinadala ko, hindi ko na siya kinumusta. Sinabihan ako ni Brother Jeremy na dapat patuloy akong makipag-ugnayan sa kanya, at sinabihan na kailangan ko ng pasensya sa mga baguhan, at na bigyan ko sila ng maraming tulong. Ayokong tanggapin ang payo niya. Iniisip ko, “Hindi sumasagot ‘yong baguhan, kaya hindi ko kailangang mag-aksaya pa ng oras. Walang masama roon, kaya bakit dapat akong makinig sa’yo?” Kaya, hindi ko tinanggap ang kanyang mungkahi. Tungkol naman sa mga taong hindi na tumugon sa akin, hindi na ako nag-abala pa sa kanila. Unti-unti, maraming baguhan sa mga grupong responsable ako ang nawalan ng interes na dumalo sa mga pagtitipon. Nang mapansin ko ito ay saka ko lang napagtanto na mali ang saloobin kong ayaw tumanggap ng payo. Naisip ko rin kung paanong hindi ko pinapansin si Brother Jeremy at tinatanggihan ang kanyang payo, pero palagi siyang sumasagot sa mga mensahe ko. Pakiramdam ko ay dapat humingi ako ng tawad sa kanya. At kaya naman, nanalangin ako, hinihiling sa Diyos na gabayan ako at bigyan ako ng lakas. Gusto kong talikuran ang sarili kong mga ideya at tanggapin ang payo ng brother.
Kalaunan ay nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Hindi kailanman naghahanap ng katotohanan ang ilang mga tao habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Ginagawa lamang nila kung anong gusto nila, kumikilos ayon sa kanilang sariling mga imahinasyon, at laging di-makatwiran at padalos-dalos, at hindi talaga sila tumatahak sa landas ng pagsasagawa ng katotohanan. Ano ang ibig sabihin ng pagiging ‘pabasta-basta at padalos-dalos’? Nangangahulugan ito na kapag nakakaharap ka ng isang usapin, ang kumilos sa paanong tingin mong naaangkop, nang hindi pinag-iisipan, o walang anumang proseso para sa paghahanap. Walang masasabi ang sinumang iba pa na makakaantig sa puso mo o magpapabago ng isip mo. Ni hindi mo matanggap kapag ibinabahagi sa iyo ang katotohanan, kumakapit ka sa sarili mong mga opinyon, hindi ka nakikinig kapag may sinasabing anumang tama ang ibang mga tao, naniniwala ka na ikaw ang tama, at kumakapit ka sa sarili mong mga ideya. Kahit tama ang iniisip mo, dapat mo ring isaalang-alang ang mga opinyon ng ibang mga tao, hindi ba? At kung hindi mo talaga gagawin ito, hindi ba ito pagiging masyadong mapagmagaling? Hindi madali para sa mga taong masyadong mapagmagaling at masuwayin na tanggapin ang katotohanan. Kung gumawa ka ng mali at punahin ka ng iba na sinasabing, ‘Hindi mo ito ginagawa ayon sa katotohanan!’ sumasagot ka, ‘Kahit hindi, ganito ko pa rin gagawin ito.’ Pagkatapos ay naghahanap ka ng dahilan para isipin nila na tama ito. Kung sawayin ka nila, na sinasabing, ‘Ang pagkilos mo nang ganito ay pakikialam, at makakapinsala iyan sa gawain ng iglesia,’ hindi ka lamang hindi nakikinig, kundi patuloy ka pang nagpapalusot: ‘Palagay ko ito ang tamang paraan, kaya gagawin ko ito sa ganitong paraan.’ Anong disposisyon ito? (Kayabangan.) Kayabangan ito. Ang mayabang na kalikasan ay ginagawa kang mapagmatigas. Kung mayroon kang mayabang na kalikasan, kikilos ka nang basta-basta at padalos-dalos, na hindi iniintindi ang sinasabi ninuman” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Malaki ang epekto sa akin ng mga salita ng Diyos. Ginagawa ko ang isang tungkulin, pero hindi ko hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan. Ginagawa ko lang ang mga bagay sa sarili kong paraan, sinusunod ang sarili kong mga ideya at ayokong tanggapin ang sinasabi ng sinuman. Pakiramdam ko ay mayroon akong mahusay na kakayahan at ginagawa ko ang mga bagay sa tamang paraan, kaya hindi ko kailangang tanggapin ang gabay o payo ng iba. Talagang suwail at mapagmagaling ako. Nang hindi ko pinansin ang mga mensahe ng mga baguhan, pinaalalahanan ako ni Brother Jeremy na asikasuhin sila, at binigyan ako ng payo sa pakikipag-usap sa mga bagong mananampalataya, pero hindi ko tinanggap ang mga mungkahi niya dahil pakiramdam ko ay alam ko na ang gagawin, at hindi ko siya kailangan para sabihan ako. Nairita ako sa kanya dahil d’on, kaya kapag gusto niya akong kausapin tungkol sa mga isyu ng mga baguhan, hindi ko sinasagot ang mga tawag niya o binabasa ang mga mensahe niya. Sinabihan niya ako na maging mapagmahal sa mga bagong mananampalataya, at kahit alam kong ito ang responsableng paraan para tratuhin sila, pakiramdam ko ay napakabuti ko na sa kanila, at ang pagpapadala ng mas marami pang mensahe ay aksaya sa oras. Ang pagiging sobrang bilib ko sa sarili ko at hindi pagtanggap sa payo ni Brother Jeremy ay humantong sa pagkawala ng interes ng maraming baguhan sa mga pagtitipon. Ang kinahantungang ito ay nagpakita sa akin na katulad talaga ako ng inilalarawan ng Diyos—matigas ang ulo, mayabang, at mapagmagaling. Ako ay walang prinsipyo, pabasta-basta at padalus-dalos sa aking tungkulin, at hindi ko hinanap ang katotohanan. Hindi ko ginagampanan ang aking mga responsibilidad. Kung nagawa kong isantabi ang aking ego at tanggapin ang payo ng iba, hindi sana naging masama ang paggawa ko sa trabaho ko. Sa pag-iisip nito, nasuklam talaga ako sa aking mayabang na disposisyon. Isinumpa ko na simula noon, tatalikdan ko na ang laman, isasagawa ang katotohanan, at matututong tumanggap ng mga mungkahi. Sisikapin kong maging magaling sa aking tungkulin. Pagkatapos nun, sinubukan kong gawin ang mungkahi ni Brother Jeremy at sinigurado kong manatiling nakikipag-ugnayan sa mga baguhang hindi tumutugon sa akin. Nagulat ako nang hindi nagtagal ay nagsimulang dumalo muli sa mga pagtitipon ang ilan sa kanila, at sa wakas ay nakita ko kung gaanong kapaki-pakinabang ang mga mungkahi ni Brother Jeremy, at na ito ang responsableng paraan para gawin ang tungkulin ko. Pagkatapos nun, sa tuwing may kapatid na nagbibigay ng mungkahi, sinusubukan kong tanggapin ito.
Nang maglaon, sinimulan kong ipalaganap ang ebanghelyo. Pinamamahalaan ni Sister Mona ang aming gawain. Sobrang kabado ako nung magsimula akong magbahagi ng ebanghelyo, pero ginawa ko ang aking makakaya para makipagbahaginan sa mga pakay ng ebanghelyo. Akala ko ay sapat na ang ginagawa ko, pero lumipas ang unang linggo, at wala man lang akong nakukuhang magagandang resulta. Tinanong ako ni Sister Mona kung nahihirapan ba ako at pinaalalahanan akong makipag-usap nang madalas sa mga pakay ng ebanghelyo upang malutas ang kanilang mga kuru-kuro at isyu. Nang marinig ko ang sinabi niya, medyo nairita ako at sinabing, “Nakipagbahaginan na ako, pero hindi sila tumutugon sa akin.” Nagpadala pa ako sa kanya ng mga screenshot upang patunayan na pinapadalhan ko sila ng mensahe. Pagkatapos ay pinadalhan ako ni Sister Mona ng rekord ng pagpapatotoo ni Brother Joseph sa gawain ng Diyos sa mga huling araw para matuto ako mula rito. Sabi niya ay napakahusay raw nito sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at talagang matagumpay rito. Nakakahiya ‘yon para sa akin. Pakiramdam ko ay kinukumpara niya ako kay Brother Joseph, na mahirap sa aking tanggapin. “Bakit niya ipapadala sa akin ang rekord na ‘yon? Mas maganda kaya ang pagbabahagi niya kaysa sa akin? Sa pagsasabing matagumpay siya, malamang ang ibig niyang sabihin ay hindi ako magaling.” Sabi ko sa sarili ko, “Maayos naman ang pagbabahagi ko, pero bago nga lang ako sa tungkulin at hindi pa ako pamilyar sa mga prinsipyo.” Pakiramdam ko, lahat ay mayroong sariling estilo, kaya ni hindi ko pinakinggan ang rekord. Tumugon ako kay Sister Mona, “May estilo ang ibang tao, at mayroon din akong akin. Kung mas gusto mo ang mga estilo ng iba, puwede akong bumalik sa pagdidilig ng mga baguhan.” Pakiramdam ko ay minamaliit ako ni Sister Mona, na pakiramdam niya ay hindi ako magaling na manggagawa ng ebanghelyo. Talagang malungkot at balisa ako, at ayokong tanggapin ang kanyang payo. Nasasaktan na tinanong ko siya, “Iba-iba ang paraan natin ng pangangaral. Bakit ipinadala mo sa akin ang rekord na ‘yon?” Hindi na ako sumagot sa kanya matapos nun.
Nang maramdamang wala ako sa mabuting kalagayan, pinadalhan ako ni Sister Mona ng ilang salita ng Diyos na talagang pumukaw sa akin. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Anupamang uri ng tungkulin ang iyong ginagampanan o anong kasanayang propesyunal ang iyong pinag-aaralan, dapat kang humusay rito sa paglipas ng panahon. Kung magagawa mong patuloy na pagsikapang umunlad, huhusay ka nang huhusay sa pagganap sa iyong tungkulin. … Anumang tungkulin ang iyong ginagampanan, kailangan mong isapuso ang pag-aaral ng mga bagay-bagay. Kung wala kang propesyonal na kaalaman, mag-aral ng propesyonal na kaalaman. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, hanapin ang katotohanan. Kung nauunawaan mo ang katotohanan at nakakakuha ka ng propesyonal na kaalaman, magagamit mo ang mga iyon habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin at makakakuha ka ng mga resulta. Ito ang isang taong may tunay na talento at tunay na kaalaman. Kung hindi ka man lang nag-aaral ng anumang propesyonal na kaalaman habang ginagampanan ang iyong tungkulin, hindi hinahanap ang katotohanan, at hindi pasado sa pamantayan ang iyong paglilingkod, paano mo magagampanan ang iyong tungkulin? Para magampanan nang maayos ang iyong tungkulin, dapat kang mag-aral ng maraming kapaki-pakinabang na kaalaman at sangkapan ang iyong sarili ng maraming katotohanan. Hindi ka dapat tumigil sa pag-aaral, sa paghahanap, at sa pagpapalakas sa iyong mga kahinaan sa pamamagitan ng pagkatuto mula sa iba. Anuman ang mga kalakasan ng ibang mga tao, o sa anumang paraan sila mas malakas kaysa sa iyo, dapat kang matuto mula sa kanila. At mas lalong dapat kang matuto mula sa sinumang nakakaunawa sa katotohanan nang higit kaysa sa iyo. Sa pamamagitan ng pagganap sa iyong tungkulin sa ganitong paraan sa loob ng ilang taon, mauunawaan mo ang katotohanan at makakapasok ka sa mga realidad nito, at ang pagganap mo sa iyong tungkulin ay makakapasa rin sa pamantayan. Magiging isa kang taong nagtataglay ng katotohanan at pagkatao, isang taong nagtataglay ng realidad ng katotohanan. Nakakamtan ito sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ipinakita sa akin ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos na upang umunlad sa tungkulin at maging matagumpay sa gawain ng ebanghelyo, kailangan kong matutunang tanggapin ang mga mungkahi ng iba at matuto mula sa kanilang mga kalakasan at matagumpay na pamamaraan. Napakaimportante nito. Mababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan, at marami akong pagkakamali at pagkukulang. Kahit ano pang tungkulin ito, kailangan kong matutunan ang mga nauugnay na prinsipyo at kasanayan. Hangga’t handa akong matuto at tanggapin ang payo ng iba, kaya kong bumawi at pagbutihin ang aking mga pagkukulang. Pero mapagmataas ako at sigurado sa sarili. Kasisimula ko pa lamang magbahagi ng ebanghelyo—hindi ko naintindihan ang mga prinsipyo at hindi ako masyadong matagumpay, pero pakiramdam ko ay mahusay na ang trabaho ko at hindi ako handang tumanggap ng payo. Kahit nang tukuyin ni Sister Mona ang aking mga problema, pinadalhan ko lang siya ng mga screenshot upang patunayan na alam ko ang ginagawa ko, at hindi ko kailangan ng anumang payo. Hindi ko tinanggap nang pinadalhan niya ako ng rekord ni Brother Joseph na nagbabahagi ng ebanghelyo dahil pakiramdam ko ay mayroon akong magagandang ideya at hindi ko kailangang matuto mula sa iba. Dahil sa kayabangan ko, ayokong tumanggap ng positibo at maagap na payo. Pareho ang naging saloobin ko sa mga mungkahi nina Sister Mona at Brother Jeremy, palaging lumalaban, tumatanggi, at naninindigan. Sa gan’ong klaseng saloobin, hindi ako makakakuha ng magagandang resulta sa anumang tungkulin o makakausad. Hindi rin aaprubahan ng Diyos ang tungkulin ko.
Kalaunan ay nabasa ko ang ilang salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kayabangan at pagmamagaling ang pinakahalatang satanikong disposisyon ng mga tao, at kung hindi nila tatanggapin ang katotohanan, walang paraan para malinis sila. Ang mga tao ay may mayabang at mapagmagaling na mga disposisyon, lagi silang naniniwala na tama sila, at sa lahat ng kanilang iniisip, sinasabi, at binibigyan ng opinyon, lagi silang naniniwala na tama ang sarili nilang pananaw at pag-iisip, na wala sa anumang sinasabi ng ibang tao ang kasinghusay at kasingtama ng sinasabi nila. Lagi silang nakakapit sa sarili nilang mga opinyon, at hindi nakikinig sa anumang sinasabi ng iba; kahit tama ang sinasabi ng ibang mga tao, at naaayon sa katotohanan, hindi nila iyon tinatanggap, mukha lamang silang nakikinig, ngunit wala silang naiintindihan. Kapag oras na para kumilos, ginagawa pa rin nila ang gusto nila; lagi nilang iniisip na tama sila at may katwiran. Maaaring tama ka, at may katwiran, o maaaring tama ang ginagawa mo, walang mga isyu, ngunit ano ang disposisyong ibinubunyag mo? Hindi ba kayabangan at pagmamagaling? Kung hindi mo maalis ang mayabang at mapagmagaling na disposisyong ito, makakaapekto ba ito sa pagganap mo sa iyong tungkulin? Makakaapekto ba ito sa kakayahan mong isagawa ang katotohanan? Kung hindi mo malutas ang ganitong klase ng mayabang at mapagmagaling na disposisyon, malamang bang makaranas ka ng malalaking balakid sa hinaharap? Walang dudang oo, hindi maiiwasan ito. Nakikita ba ng Diyos ang mga bagay na ito na namamalas sa mga tao? Kitang-kita Niya ito; hindi lamang sinusuri ng Diyos ang kaibuturan ng tao, kundi palagi ring minamasdan ang bawat binibigkas at ikinikilos niya. At ano ang sasabihin ng Diyos kapag nakita niya ang mga bagay na ito na namamalas sa iyo? Sasabihin ng Diyos, ‘Napakatigas ng ulo mo! Madaling unawain kung ayaw mong makipagkompromiso kapag hindi mo alam na mali ka, ngunit kung ayaw mo pa ring makipagkompromiso kapag alam na alam mo na mali ka, at ayaw mong magsisi, napakatigas ng ulo mo, at nanganganib ka. Kung, kaninumang mungkahi iyon, tumutugon ka nang negatibo at pagalit, at hindi mo talaga tinatanggap ang katotohanan—kung, sa puso mo, walang iba kundi galit, saradong isip, pagtanggi—katawa-tawa ka, isa kang kakatwang hangal! Napakahirap mong pakitunguhan.’ Anong mayroon sa iyo na napakahirap pakitunguhan? Ang problema sa iyo ay na ang pag-uugali mo ay hindi isang maling paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay o isang maling uri ng asal, kundi ibinubunyag nito ang isang partikular na uri ng disposisyon. Anong uri ng disposisyon ang ibinubunyag nito? Nayayamot ka sa katotohanan at napopoot sa katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko kung gaanong tunay na mayabang at sutil ang disposisyon ko. Pakiramdam ko palagi ay naiintindihan ko ang mga bagay at ginagawa ang mga ito sa tamang paraan. Muli’t muli akong binigyan nina Sister Mona at Brother Jeremy ng payo, pero kailanman ay hindi ko tinanggap ito, at inilaban ko ang sarili ko sa kanila at nayamot ako sa kanila. Ang tungkulin ko ay magpalaganap ng ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, kaya kung ang mga mungkahi nila ay makakatulong sa aking tungkulin, sa pagtanggap ng mga pakay ng ebanghelyo sa tunay na daan, dapat ay tinanggap at isinagawa ko ang mga ito. Pero hindi ko ginawa ‘yon. Akala ko ay alam ko ang mga bagay-bagay at nagawa kong magbahagi ng katotohanan, pero ang totoo, wala akong pagkaunawa sa mga prinsipyo at hindi magaling sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Hindi ako matagumpay sa aking tungkulin. Kapag tinutukoy ng mga kapatid ang aking mga problema o binibigyan ako ng mga mungkahi, kumikilos lang ako nang mayabang at mapagmagaling, at nahihirapang tanggapin ang mga ito. Minsan lumalaban at iritable pa nga ako. Hindi lamang ‘yon pagkakamali sa aking paimbabaw na asal, kundi kusang pagpapakita ng pagkayamot sa katotohanan. Ang paglaban at hindi ko pagsunod ay talagang pagtanggi at paglaban sa katotohanan—ito ay pagkapoot sa katotohanan. Pagkatapos ay naintindihan ko na ang Diyos ay hindi lamang tumitingin sa panlabas na asal ng mga tao, tumitingin Siya sa kanilang mga puso, sa kanilang mga saloobin sa katotohanan at sa Kanya. Ako ay isang mananampalataya, gumagawa ng tungkulin, at pumupunta sa mga pagtitipon, pero hindi ko tinatanggap ang mga mungkahi na naaayon sa katotohanan o tinatanggap ang mga positibong bagay. Tinanggihan, nilabanan, at kinapootan ko pa ang katotohanan. Wala akong anumang paggalang sa Diyos. Kung magpapatuloy ako nang ganoon, hindi ko lang hindi magagawa nang maayos ang aking tungkulin, kundi masusuklam pa sa’kin ang Diyos sa huli, kokondenahin at paparusahan Niya, at hindi magiging maganda ang kahihinatnan ko. Nabalisa at natakot ako nang makita ko ang sarili kong pangit at satanikong mukha. Hindi ko akalain na napakatiwali ko, at ang mayabang kong disposisyon ay magtutulak sa aking lumaban sa Diyos. Talagang napoot ako sa sarili ko nang mapagtanto ko ito.
Kinabukasan, nagbasa ako ng ilang salita ng Diyos na ipinadala ni Sister Mona sa grupo, at nakahanap ng isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “May ilang katangian ng pagbabago sa disposisyon sa buhay ng isang tao. Ang unang katangian ay ang magawang magpasakop sa mga bagay na tama at umaayon sa katotohanan. Sinuman ang nagbibigay ng opinyon, matanda man o bata, nakakasundo mo man sila o hindi, kilala man ninyo sila o hindi, pamilyar man kayo sa kanila o hindi, o maganda man ang relasyon ninyo sa kanila o masama, basta’t ang sinasabi nila ay tama, umaayon sa katotohanan, at kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos, maaari kang makinig, sumunod, at tumanggap, nang hindi naiimpluwensiyahan ng anumang bagay. Ang magawang tumanggap at magpasakop sa mga bagay na tama at umaayon sa katotohanan ang unang katangian. Ang pangalawang katangian ay ang magawang hanapin ang katotohanan kapag may nangyayari; hindi lamang magawang tanggapin ang katotohanan, kundi isagawa rin ang katotohanan, at huwag harapin ang mga bagay ayon sa sarili mong kagustuhan. Anumang isyu ang kinakaharap mo, kapag hindi mo nauunawaan, maaari kang maghanap, at tingnan mo kung paano haharapin ang isyu, at kung paano magsasagawa, upang umayon iyon sa mga prinsipyo ng katotohanan at matugunan ang mga hinihingi ng Diyos. Ang pangatlong katangian ay na isinasaalang-alang mo ang kalooban ng Diyos anumang isyu ang kinakaharap mo, nagrerebelde ka sa laman para makapagpasakop sa Diyos. Isinasaalang-alang mo ang kalooban ng Diyos anumang tungkulin ang iyong ginagampanan, at ginagawa mo ang iyong mga tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Anuman ang mga hinihingi ng Diyos para sa tungkuling ito, nagagawa mong isakatuparan iyon ayon sa Kanyang mga hinihingi, para mapalugod ang Diyos. Dapat mong maintindihan ang prinsipyong ito, at gampanan ang iyong tungkulin nang responsable at tapat. Ito ang ibig sabihin ng isaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Kung hindi mo alam kung paano isaalang-alang ang kalooban ng Diyos o kung paano palugurin ang Diyos sa isang partikular na bagay, dapat kang maghanap. Dapat ninyong ikumpara sa inyong sarili ang tatlong katangiang ito ng nagbagong disposisyon, at alamin kung taglay ninyo ang mga katangiang ito o hindi. Kung may praktikal na karanasan ka sa tatlong aspetong ito at may landas ka para isagawa ang mga ito, ito ang ibig sabihin ng magkaroon ng prinsipyo kapag humaharap sa mga usapin. Anumang bagay o problema ang kinakaharap mo, dapat mong hanapin palagi ang mga prinsipyo ng pagsasagawa, kung anong mga detalye ang kasama sa bawat prinsipyo ng katotohanan, at paano magsagawa nang hindi nilalabag ang mga prinsipyo. Kapag nalinaw na ang mga problemang ito, natural na malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maiwawaksi ng Isang Tao ang mga Gapos ng Isang Tiwaling Disposisyon). “Kung, kapag hindi mo nauunawaan ang isang katotohanan, may nagbibigay sa iyo ng suhestiyon, at sinasabi sa iyo kung paano kumilos ayon sa katotohanan, ang unang bagay na dapat mong gawin ay tanggapin ito, at hilingin sa lahat na sama-samang magbahaginan, para makita kung ito ang tamang landas, kung alinsunod ba ito sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kung natiyak mo na alinsunod ito sa katotohanan, magsagawa ka sa ganitong paraan; kung natiyak mo na hindi, huwag mo itong isagawa. Ganoon lang iyon kasimple. Dapat mong hanapin ang katotohanan mula sa maraming tao, pinapakinggan kung ano ang sasabihin ng lahat at sineseryoso ang lahat ng ito; huwag kang magbingi-bingihan o balewalain ang mga tao. Kasama ito sa iyong tungkulin, kaya dapat mo itong seryosohin. Ito ang tamang saloobin at kalagayan. Kapag tama ang kalagayan mo, hindi ka na magpapakita ng isang disposisyon ng pagkasawa at pagkapoot sa katotohanan; pinapalitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan ang iyong tiwaling disposisyon, at ito ay pagsasagawa ng katotohanan. At ano naman ang epekto ng pagsasagawa ng katotohanan sa ganitong paraan? (Nagkakaroon ng patnubay ng Banal na Espiritu.) Ang pagkakaroon ng patnubay ng Banal na Espiritu ay isang aspeto. Kung minsan, napakadali ng bagay na ito, at matatamo sa pamamagitan ng paggamit ng sarili mong talino; sa sandaling nagbigay ng mga suhestiyon sa iyo ang mga tao at naunawaan mo, ayusin mo ang mga bagay-bagay at magpatuloy ka lamang ayon sa prinsipyo. Para sa mga tao, maaaring tila wala itong halaga, pero sa paningin ng Diyos, malaking bagay ito. Bakit Ko ito sinasabi? Kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, nakikita ng Diyos na nagagawa mong isagawa ang katotohanan, na isa kang taong nagmamahal sa katotohanan, hindi isang taong sawa na sa katotohanan, at gayundin habang tinitingnan ang puso mo, nakikita rin ng Diyos ang iyong disposisyon. Malaking bagay ito. At kapag gumaganap ka ng tungkulin at gumagawa ng mga bagay-bagay sa harap ng Diyos, ang naisasabuhay at naipapakita mo ay ang realidad ng katotohanan na marapat masumpungan sa mga tao; sa harap ng Diyos, ang iyong saloobin, mga iniisip, at kalagayan sa lahat ng ginagawa mo ay napakahalaga talaga, ang mga ito ang masusing sinisiyasat ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Ang mga salita ng Diyos ay talagang nagpamulat din sa akin. Kung may magbibigay sa akin ng payo, kahit sino pa ito, basta’t tama sila at akma ito sa katotohanan, dapat ko itong tanggapin at isakatuparan, at kumilos nang ayon sa kalooban ng Diyos. Iyon ang pag-uugali ng pagtanggap at pagsasagawa ng katotohanan. Ito lang ang paraan upang mas madali kong makamit ang gabay ng Diyos at makakuha ng magagandang resulta sa aking tungkulin, at ang aking tiwaling disposisyon ay unti-unting magbabago. Dahil sa aking pagmamalaki at kayabangan noon, hindi ko hinanap ang mga prinsipyo ng katotohanan sa aking tungkulin, o tinanggap ang payo ng iba, na naging dahilan ng hindi magandang pagganap ko. Naiintindihan ko na ngayon ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos. Kailangan kong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos sa aking tungkulin, hanapin ang katotohanan, magsagawa ayon sa mga prinsipyo, at gampanan ang aking mga responsibilidad. Hindi talaga ako maaaring magpabaya sa anumang may kinalaman sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kailangan ko itong seryosohin at lutasin ang mga katanungan ng mga pakay ng ebanghelyo tungkol sa pagtanggap sa tunay na daan. Wala akong realidad ng katotohanan o pagkaunawa sa mga prinsipyo nito, kaya kailangan ko ng mga gabay at tulong mula sa iba. Kapag binibigyan nila ako ng payo, ito ay para ganap na tulungan akong umunlad sa aking tungkulin at nang maisakatuparan ko ang mga responsibilidad ko. Hindi nila ako minamaliit, kaya hindi ko dapat binabaluktot ang kanilang mga intensyon. Nang hapong iyon, pinadalhan ko si Sister Mona ng mensahe, humihingi ng tawad sa aking inasal. Hindi man lang siya nagalit sa akin, pero nakonsensya pa rin ako dahil pakiramdam ko ay ako ang dapat sisihin. Ang lahat ng ito ay dahil ayokong tanggapin ang katotohanan; masyado akong mayabang at matigas ang ulo. Mula noon, anumang uri ng payo ang ibigay ni Sister Mona sa’kin o anumang mga isyu ko ang tukuyin ng iba, basta’t tama sila at makakatulong ito sa aking tungkulin, sinusubukan kong tanggapin ito. Minsan, kapag nakakaranas ako ng mga hamon sa pagbabahagi ng ebanghelyo, maagap akong humihingi ng mga mungkahi sa iba. Kapag ginagawa ko iyon, nakakakuha ako ng mas magagandang resulta sa pagbabahagi ng ebanghelyo at nakapagdadala ng mas maraming tao sa pananampalataya. Isang beses, matapos kong magpatotoo sa ilang pakay ng ebanghelyo tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, gustong ipagpatuloy ng ilan sa kanila ang pagsisiyasat dito, pero ang ilan sa kanila ay hindi tumugon matapos basahin ang aking mensahe, kaya hindi ko na sila binigyang-pansin pa. Napansin ni Sister Mona na nagiging pabaya ako, at iminungkahing huwag ko silang sukuan kaagad. Hangga’t binabasa nila ang aking mga mensahe, dapat manatili akong nakikipag-ugnayan sa kanila at subukang mag-isip ng paraan upang hikayatin sila. Sa pagkakataong ito, hindi ko tinanggihan ang kanyang payo. Naalala ko ang isang bagay na sinabi ng Diyos: “May ilang katangian ng pagbabago sa disposisyon sa buhay ng isang tao. Ang unang katangian ay ang magawang magpasakop sa mga bagay na tama at umaayon sa katotohanan. Sinuman ang nagbibigay ng opinyon, matanda man o bata, nakakasundo mo man sila o hindi, kilala man ninyo sila o hindi, pamilyar man kayo sa kanila o hindi, o maganda man ang relasyon ninyo sa kanila o masama, basta’t ang sinasabi nila ay tama, umaayon sa katotohanan, at kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos, maaari kang makinig, sumunod, at tumanggap, nang hindi naiimpluwensiyahan ng anumang bagay.” Alam ko na kung gusto kong baguhin ang aking tiwaling disposisyon at gawin nang maayos ang tungkulin ko, kailangan kong matutunang tanggapin ang mga mungkahi ng ibang tao. Sinubukan kong sundin ang payo ni Sister Mona, at patuloy na nagpadala ng mensahe sa mga pakay ng ebanghelyo na ‘yon, nagtatanong tungkol sa kanilang mga paghihirap. Nagulat ako nang ang mga hindi tumutugon noon ay nagsimulang makipag-usap sa’kin tungkol sa kung ano ang napulot nila mula sa pangangaral. Nagsimula silang aktibong siyasatin ang tunay na daan. Napakasaya ko, at personal kong nakita kung gaanong kapaki-pakinabang ang pangtanggap ng payo ng iba. Marami akong natutunan sa ganoong paraan. Hindi lamang ako natuto ng ilang katotohanan tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo, kundi nalaman ko rin kung paano magbahagi ng katotohanan upang malutas ang mga paghihirap at katanungan ng mga pakay ng ebanghelyo. Hindi ko na nararamdamang mahirap ang makipag-usap sa kanila at mas gumagaling ako sa aking tungkulin.
Natutunan ko sa karanasang ito kung gaano kahalaga ang mga salita ng Diyos, na nakakatulong ang mga ito upang makilala natin ang ating sarili. Kapag nagsasagawa tayo ayon sa Kanyang mga salita, magbabago ang ating mga tiwaling disposisyon. Kahit na minsan ay nagpapakita pa rin ako ng kayabangan, handa akong isantabi ang aking ego, matutunang tanggapin ang katotohanan, tanggapin ang payo ng iba, at matuto ng mas maraming katotohanan. Nawa’y patuloy akong gabayan at suriin ng Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.