Paggising Mula sa Aking Kayabangan

Marso 2, 2022

Ni Johnny, Italya

Sinimulan ko ang pagpapalaganap ng ebanghelyo noong 2015, at nagtagumpay ako nang kaunti sa patnubay ng Diyos. Kung minsan ang mga naturuan ko ng ebanghelyo ay may matitinding haka-haka at ayaw nang magsiyasat pa tungkol sa ebanghelyo. Kaya nagdasal ako at umasa sa Diyos at matiyagang nagbahagi sa kanila ng katotohanan, at mabilis nilang tinatanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pagkaraang magkaroon ng kaunting tagumpay sa aking tungkulin, mas gumanda ang pakiramdam ko kaysa sa iba pang mga kapatid, na parang may pambihira akong talento.

Pagkatapos ay tinanggap namin ng partner kong si Liam ang gawain ng pagdidilig para sa isang iglesia. Ang iglesiang tinanggap ko ay malaki at marami-rami ang miyembro, kaya nang magsimula ako, lagi akong nagdarasal at umaasa sa Diyos at tinatalakay ko ang mga bagay-bagay sa mga kapatid. Hindi nagtagal, nagsimulang umayos ang mga bagay-bagay. Karamihan sa mga kapatid ay regular na dumadalo sa mga pagtitipon at talagang maagap sa kanilang mga tungkulin. Medyo nalugod ako sa aking sarili. Naisip ko na kahit ganoon kalaki ang iglesia at may napakaraming miyembro, napakabilis kong makakuha ng mga resulta, kaya maaaring mayroon akong kaunting kakayahan. Nakita ko rin na hindi gaanong maayos ang gawain ng pagdidilig ni Liam, na hindi angkop ang ilang tagadilig sa kanyang iglesia at kailangang baguhin ang kanilang tungkulin, at ang ilan ay kailangang bahaginan dahil negatibo ang kanilang kalagayan. Kaya, minaliit ko siya nang kaunti at inisip ko na malulutas lang niya ang mga problemang ito sa tulong ko. Pagkatapos niyon, nagsimula akong makialam sa kanyang gawain, na ibinubuod sa lahat ang mga pagkakamali at kapintasan sa mga pagtitipon, nagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos para makatulong sa iba na negatibo ang kalagayan, at binabago ang mga tungkulin ng mga miyembrong hindi angkop. Mabilis na umusad ang gawain. Nakikita kung gaano kabilis kong nalutas ang mga problema namin, lalo kong nadama na hindi ako maaaring mawala at pambihira ang talento ko. Pagkatapos nito, patuloy na tumindi ang kayabangan ko. Madalas akong magreklamo tungkol sa mga kapatid na hindi isinasapuso ang kanilang mga tungkulin at pinagagalitan ko sila, na sinasabing: “Naantalang masyado ang gawain ng pagdidilig. Mayroon bang isang taong nagbibigay-pansin sa kalooban ng Diyos at ginagawa nang maayos ang gawain? Lahat kayo’y naging napakairesponsable at pabaya. Mabuti na lang at nagkaroon ng kaunting pag-unlad nitong nakaraang dalawang linggo, kung hindi ay sino ang maaaring umako ng responsibilidad sa pagkaantalang ito?” Walang nangahas na magsalita. Inisip ko kung hindi tama ang naging reaksyon ko, pero inisip ko na wala silang pakialam maliban kung matapang ang tono ko. Dahil madalas kong minamaliit ang aking mga kapatid, at pinagagalitan sila at pinagagawa sa kanila ang sinabi ko kapag nakatagpo ako ng mga problema at paglihis sa kanilang gawain, sa paglipas ng panahon ay dumistansya sila sa akin at madalas ay hindi na nila ako kinakausap tungkol sa anumang bagay maliban sa mga bagay na may kinalaman sa gawain. Kung minsa’y nag-uusap-usap at nagtatawanan sila, pero sa sandaling magpakita ako, naghihiwa-hiwalay lang sila, na para bang takot sila sa akin. At dahil takot silang magkamali at mapagalitan, tinatanong muna nila ako kapag may nangyari, at hinihintay ang desisyon ko. Medyo hindi nga ako napalagay nang makita ko ang sitwasyon. Inisip ko kung ako ay naging diktador at tumatahak sa landas ng isang anticristo. Pero naisip ko na kailangan kong maging matatag sa gawain. Walang makikinig kung hindi ko sila hinihigpitan nang kaunti. Kung gayo’y paano kami uusad? Pakiramdam ko ang diretsahan kong pagtukoy sa mga problema ay dahil may pagkaunawa ako sa pagiging matuwid. Pagkatapos niyon, lalong tumindi ang kayabangan ko at kailangang ako ang may huling salita sa lahat ng bagay, malaki man o maliit, at kailangan kong subaybayan kung paano hinati-hati at isinaayos ang mga miyembro, dahil pakiramdam ko walang sinuman sa team ang kasinghusay ko. Kahit noong talakayin ko ang mga bagay-bagay sa kanila, humantong kami palagi sa paggawa ng gusto ko, kaya kung magdedesisyon ako kaagad, naisip kong makakatipid kami sa oras. Kung minsa’y nagpupunta ang lider ko sa isang pagtitipon, at hindi ko siya pinahahalagahan, iniisip na, “Ano ngayon kung lider ka? Kaya mo bang ibahagi ang ebanghelyo at magpatotoo? Magagawa mo ba nang mahusay ang kahit isang aspeto ng gawaing ito? Kung kaya mo lang magbahagi sa mga pagtitipon, nang hindi gumagawa ng praktikal na gawain, wala kang laban sa akin.” Kaya tuwing kinukumusta ako ng lider tungkol sa gawain namin, nagbabahagi ako nang mas marami kapag ganado akong magsalita, pero kapag wala akong ganang magsalita ay ilang salita lang ang sinasabi ko. Naisip ko na hindi kailangang pag-usapan iyon, dahil sa huli ay ako rin naman ang gagawa ng gawain. Inilantad ng lider ang kayabangan ko, sinasabi na laging ako ang may huling salita tungkol sa mga bagay-bagay at na hindi ko makasundo ang mga kapatid. Nang iwasto at pungusan ako sa ganitong paraan, harapan kong inamin sa kanya na mayabang ako, pero hindi ko talaga pinansin iyon. Naisip ko na mahusay ako at may kakayahan—kaya basta’t ginagawa ko nang maayos ang gawain ko, ano ang pakialam nila kung medyo mayabang ako? Bukod pa roon, ako ang namumuno sa halos lahat ng gawain ng iglesia, kaya ano ang gagawin nila—tanggalin ako? Hindi ko tinanggap ni bahagya ang pagwawasto at pagpupungos sa akin ng lider at patuloy kong ginawa ang tungkulin ko ayon mismo sa gusto ko, ganap na namumuno, hanggang sa ilantad ako ng Diyos.

Minsan, nangailangan ang isang bagong-tatag na iglesia ng marami pang taong gagawa ng pagdidilig, at kahit hindi ito tinatalakay kay Liam at sa iba pa, isinaayos ko lang na pumunta at tumulong sa kanila ang isang sister. Naisip ko na madalas silang sumang-ayon sa iminungkahi ko, kaya ayos lang na magdesisyon akong mag-isa. Pero nagulat akong malaman na napakababaw ng pagkaunawa ng sister na ito sa katotohanan, hindi niya kaya ang trabaho at hindi niya kayang lumutas ng praktikal na mga problema. Isang malaking hadlang ito sa gawain ng iglesia at kalaunan ay kinailangan siyang ilipat sa ibang tungkulin. Pero hindi pa rin ako nagnilay-nilay sa aking sarili. Pagkatapos niyon, dahil sa walang tigil kong kayabangan at kabiguang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo sa aking tungkulin, o gabayan ang iba na sumunod sa mga prinsipyo sa kanilang tungkulin, naging abala lang ang lahat sa pagparoo’t parito nang walang anumang tunay na mga resulta. Talagang hinadlangan nito ang pagsulong ng aming gawain. Magkagayunman, hindi ko pa rin nakita ang sarili kong mga problema—sinisi ko lang ang iba sa hindi pagbalikat sa kanilang mga pasanin. Sumandali akong nagkaroon ng di-maipaliwanag na kutob, na parang may mangyayaring nakakatakot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga pagtitipon o panalangin, at madalas akong antukin sa mga pulong sa gawain, at wala akong kabatiran tungkol sa anumang bagay. Pakiramdam ko’y malabo ang aking isipan at wala akong lakas para sa anuman, kundi gusto ko lang magpahinga. Nalaman ko na nawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu, pero hindi ko alam kung bakit. Nanalangin ako sa Diyos, na hinihiling sa Kanya na tulungan akong maunawaan ang aking sarili.

Ilang araw kalaunan, dumating ang isang lider sa isang pagtitipon at iwinasto ako at inilantad ang aking ugali. Sabi niya, “Mayabang ka. Lagi mong pinagagalitan nang may kayabangan ang mga tao, pinipigil sila, at madalas mong ipagmalaki ang taas ng ranggo mo. Hindi ka nakikinig kahit kanino at mahirap kang pakisamahan. Bukod pa riyan, ginagawa mo ang anumang gusto mo nang hindi iyon tinatalakay sa iba, wala ka sa katwiran at diktador ka. Batay sa kilos mo, nagdesisyon na kaming tanggalin ka.” Humiwa sa puso ko ang bawat salita niya. Inalala ko kung paano ako kumikilos. Ginawa ko lang ang gusto ko at naging isa akong diktador. Hindi ba katulad lang iyon ng isang anticristo? Talagang natakot akong isipin iyon at naisip ko sa sarili ko: “Inilalantad at pinalalayas ba ako ng Diyos? Ganito ba matatapos ang mga taon ng aking pananampalataya?” Sa loob ng ilang araw, parang zombie ang pakiramdam ko. Puno ako ng takot mula sa paggising ko, at hindi ko alam kung paano haharapin ang maghapon. Nagdasal ako sa Diyos, na sinasabing, “Diyos ko, alam kong narito ang Iyong mabuting kalooban, pero hindi ko alam kung paano ito malalagpasan. Diyos ko, lungkot na lungkot ako. Liwanagan Mo po sana ako para malaman ko ang Iyong kalooban.” Pagkatapos ay nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Walang pakialam ang Diyos sa kung ano ang nangyayari sa iyo sa bawat araw, o kung gaano karaming trabaho ang ginagawa mo, kung gaano ka nagsisikap dito—ang tinitingnan Niya ay kung ano ang saloobin mo patungkol sa mga bagay na ito. At sa ano nauugnay ang saloobin kapag ginagawa mo ang mga bagay na ito, at ang paraan kung paano mo ginagawa ang mga ito? May kaugnayan ito sa kung hinahangad mo ba ang katotohanan o hindi, at gayundin sa iyong buhay pagpasok. Tinitingnan ng Diyos ang iyong buhay pagpasok, at ang landas na tinatahak mo. Kung tumatahak ka sa landas ng paghahangad ng katotohanan, at mayroon kang buhay pagpasok, magagawa mong makipagtulungan nang maayos sa iba kapag ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, at madali mong magagampanan ang iyong mga tungkulin sa paraang nasasapat. Subalit kung lagi mong ipinagdiriinan na mayroon kang kapital habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, na nauunawaan mo ang linya ng gawain mo, na mayroon kang karanasan, at isinasaalang-alang mo ang kalooban ng Diyos, at hinahanap ang katotohanan nang higit kaysa sa iba, at kung iniisip mo na dahil sa mga bagay na ito, kwalipikado ka nang magkaroon ng huling salita, at hindi mo tinatalakay ang anumang bagay sa iba, at laging ikaw ang nasusunod sa sarili mo, at lumalahok ka sa sarili mong pamamahala, at laging gustong ‘ikaw lang ang bida,’ tinatahak mo ba ang landas ng buhay pagpasok? Hindi—paghahangad ito ng katayuan, pagtahak ito sa landas ni Pablo, hindi ito ang landas ng buhay pagpasok(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). “May isang taong nagpalaganap ng ebanghelyo sa loob ng ilang taon at may ilang karanasan tungkol dito. Nagdusa siya sa maraming paghihirap habang ipinapalaganap ang ebanghelyo, at nakulong at nasentensyahan pa nga nang maraming taon sa loob ng bilangguan. Matapos makalaya, ipinagpatuloy niya ang pagpapalaganap ng ebanghelyo, at nakumbinsi ang ilang daang tao, at ang ilan sa mga ito ay naging mahahalagang talento; nahirang pa nga ang ilan bilang mga lider o manggagawa. Bunga nito, naniwala ang taong ito na karapat-dapat siyang tumanggap ng malalaking parangal, at ginamit niya itong kapital na kanyang ipinagyayabang saanman siya magpunta, nagpapakitang-gilas at nagpapatotoo sa kanyang sarili: ‘Nabilanggo ako sa loob ng walong taon, at nanindigan ako sa aking patotoo. Maraming tao ang nakumbinsi ko habang ipinapalaganap ang ebanghelyo, at ang ilan sa kanila ay mga lider at manggagawa na ngayon. Sa sambahayan ng Diyos, karapat-dapat ako sa papuri, may naiambag ako.’ Saan man siya nagpapalaganap ng ebanghelyo, siguradong nagmamayabang siya sa mga lokal na lider o manggagawa. Sinasabi rin niyang, ‘Dapat kayong makinig sa sinasabi ko; kahit nga ang mga nakatataas ninyong lider ay dapat na magalang kapag nakikipag-usap sila sa akin. Tuturuan ko ng leksyon ang sinumang hindi gagawa niyon!’ Mapang-api ang taong ito, hindi ba? Kung ang taong kagaya nito ay hindi nagpalaganap ng ebanghelyo at hindi nakumbinsi ang mga taong iyon, mangangahas ba siyang maging napakahambog? Magiging napakahambog nga siya. Ang pagiging napakahambog niya ay nagpapatunay na likas iyon sa kanya. Ito ang kanyang kalikasang diwa. Nagiging napakayabang niya na wala na siya sa katinuan. Matapos magpalaganap ng ebanghelyo at makakumbinsi ng ilang tao, tumitindi ang mapagmataas niyang kalikasan, at lalo pa siyang nagiging hambog. Ipinagmamayabang ng gayong mga tao ang tungkol sa kanilang puhunan saanman sila magpunta, sinusubukang angkinin ang karangalan saanman sila magpunta, at ginigipit pa ang mga lider sa iba’t ibang antas, sinusubukang makipantay sa kanila, at iniisip pa nga na nararapat silang maging nakatataas na lider. Batay sa kung ano ang ipinamalas ng pag-uugali ng isang taong kagaya nito, dapat maging malinaw sa atin kung anong uri ng kalikasan ang mayroon siya, at kung ano ang malamang na kahahantungan niya. Kapag pinapasok ng isang demonyo ang sambahayan ng Diyos, gumagawa siya ng kaunting serbisyo bago ipakita ang tunay niyang pagkatao; hindi siya nakikinig kahit sino pa ang nagwawasto o nagtatabas sa kanya, at pilit siyang lumalaban sa sambahayan ng Diyos. Ano ang kalikasan ng kanyang mga ikinikilos? Sa paningin ng Diyos, inilalagay niya ang sarili sa labis na panganib, at hindi siya titigil hangga’t hindi niya napapatay ang kanyang sarili. Ito lamang ang pinaka-angkop na paraan ng pagsasalarawan nito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ay Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Nanginig ako sa takot nang mabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos. Pakiramdam ko inilalantad ako ng Diyos, nang harapan, inihahayag ang aking katayuan at ang pinakamalalalim na sikretong hindi ko sinabi kailanman sa kahit sino. Nakakuha ako ng ilang resulta sa mga taong ito ng pagbabahagi ng ebanghelyo, kaya inakala kong nakagawa ako ng isang napakalaking kontribusyon, na pambihira ang talento ko, at madalas kong bilangin ang lahat ng bagay na nagawa ko. Pakiramdam ko’y nararapat akong purihin at isa akong haligi sa iglesia. Itinuring kong personal na kapital ang mga bagay na ito, mayabang na hinamak ang lahat ng tao. Mahilig din akong mang-insulto kapag pinagagalitan ko ang mga tao, na nakakapigil sa mga kapatid. Kinailangang ako ang may huling salita sa lahat ng bagay at hindi nakikiisa sa aking tungkulin, at sa halip ay naging diktador ako at ginawa ko ang anumang gusto ko, na lubhang nakaantala at nakahadlang sa gawain ng iglesia. Kahit noong iwasto ako ng lider hindi ko iyon pinansin. Ipinagmalaki ko pa na mas mataas ang ranggo ko kaysa sa kanya. Mababa ang tingin ko sa kanya at naisip ko na hindi siya mas mahusay kaysa sa akin. Hindi ko tinanggap ang kanyang pangangasiwa o patnubay. Ginusto kong desisyunan ang lahat nang mag-isa. Pinangaralan ko ang mga kapatid kapag hindi nila nagawa ang aking mga inaasahan, na nagsasabi ng mga bagay na tulad ng “Matatanggal kayo at mapapalayas kung hindi ninyo gagawin nang maayos ang tungkulin ninyo.” Iyon ang nagpanatili sa kanilang maging abala sa gawain, sa takot na mawasto o mawala ang kanilang tungkulin kung magkamali sila, at mabubuhay sa maling kalagayan. Paano iyon naging paggawa ng tungkulin? Hindi ba paggawa iyon ng kasamaan, paglaban sa Diyos? Talagang natakot akong maisip iyon. Hindi ko inakala kailanman na magagawa ko ang gayong kasamaan, na pipigilan at sasaktan ko nang husto ang mga kapatid, na hahadlangan at guguluhin ko ang aming gawain nang gayon katindi. Nilalabanan ko ang Diyos, pero akala ko’y ginagawa ko ang aking tungkulin para palugurin Siya. Napakabulag ko, mangmang, at wala sa katwiran! Nakita ko sa mga salita ng Diyos na ang pagkilos sa gayong paraan ay paglalagay ng sarili sa labis na panganib. Sa parirala ng Diyos na “inilalagay ang sarili sa labis na panganib,” naunawaan ko kung gaano nakakasuklam, nakakainis, at nakakasuka sa Diyos ang gayong uri ng tao. Nakakadurog iyon ng puso, na para bang nahatulan na ako ng Diyos na mamatay. Akala ko nagawa kong isakripisyo ang lahat para sa aking tungkulin, na lagi akong matagumpay doon, kaya siguradong sasang-ayunan ako ng Diyos at halos hindi mahalaga ang kaunting kayabangan. Pero natanto ko na kung hindi ko hahanapin ang katotohanan at mabibigo akong magkaroon ng pagbabago ng disposisyon, gaano man ako magsakripisyo o gaano man karami ang makamit ko sa aking tungkulin, isa lamang akong tagapagsilbi. Ang paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos ay ipinakita sa akin ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi maaaring labagin. Nakita ko na ganap na maprinsipyo ang Diyos sa Kanyang mga kilos. Kung ang isang tao ay may natutupad na ilang bagay sa mundo, maaaring may kaunti silang kapital at bentahe. Pero sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan at pagiging matuwid ang nasusunod. Ang paggamit ng kapital at bentahe sa iglesia ay pagpatay sa iyong sarili at nilalabag nito ang disposisyon ng Diyos.

Kalaunan, pinagninilayan ko kung bakit pakiramdam ko ay mayroon akong ilang kapital at nagsimula akong maging napakawalang-ingat, mayabang at diktador matapos akong may makamtan sa aking tungkulin. Anong uri ng likas na katangian ang kumokontrol sa akin? Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan sa iyong puso, malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan at sundin ang Diyos, at natural na matatahak ang landas ng paghahanap ng katotohanan. Kung tama ang landas na tinatahak mo, at nakaayon ito sa kalooban ng Diyos, hindi ka iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu—kung magkagayon ay mababawasan nang mababawasan ang pagkakataon mong pagtaksilan ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawin ng mga ito ang puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito para ilagay mo ang iyong sarili sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para igalang mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmataas at palalong kalikasan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). “Maraming uri ng mga tiwaling disposisyon na kabilang sa disposisyon ni Satanas, pero ang isa na pinakahalatang-halata at pinakanamumukod-tangi ay ang mapagmataas na disposisyon. Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mapagmataas ang mga tao, mas hindi sila makatwiran, at kapag mas hindi sila makatwiran, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang itinuturing ng mga taong may mapagmataas na disposisyon ang lahat ng iba pa bilang mas mababa kaysa sa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos, at wala silang may-takot-sa-Diyos na puso. Bagama’t maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mapagmataas na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa iba—maliit na bagay iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mapagmataas na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging hilig ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos para sa kapangyarihan at kontrol sa iba. Ang ganitong tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya. Ang mga taong mapagmataas at may labis na pagtingin sa sarili, lalo na iyong mga nawalan na ng katinuan sa sobrang mapagmataas, ay hindi kayang magpasakop sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, at sarili pa nga nila ang kanilang pinararangalan at pinatototohanan. Ang gayong mga tao ang pinakalumalaban sa Diyos at talagang hindi nagtataglay ng may-takot-sa-Diyos na puso. Kung nais ng mga tao na magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso, kailangan muna nilang lutasin ang mapagmataas nilang disposisyon. Habang mas masinsinan mong nilulutas ang mapagmataas mong disposisyon, mas lalong magkakaroon ka ng may-takot-sa-Diyos na puso, at saka ka lang makakapagpasakop sa Kanya at makakapagtamo ng katotohanan at makikilala Siya. Ang mga nagkakamit lamang ng katotohanan ang siyang tunay na tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Itinuro sa akin ng mga salita ng Diyos na ang ugat ng pagsuway at pagsalungat sa Diyos ay kayabangan. Kapag may mapagmataas na kalikasan ang tao, hindi nila mapipigil ang kanilang sarili sa pagsalungat sa Diyos at paggawa ng kasamaan. Nang pagnilayan ko ang ipinakita ko sa panahong ito, sumasailalim iyon sa pagkontrol ng isang mapagmataas na kalikasan. Para akong naglalakad sa alapaap matapos kong makamtan ang ilang bagay, iniisip na mahusay ako, may kakayahan, at na hindi kakayanin ng iglesia na mawala ako. Mababa ang tingin ko sa iba pang mga kapatid, madalas kong gamitin ang aking posisyon para pagalitan at pigilan sila, na hindi iniisip ang kanilang kapakanan. Naging diktador ako at hindi makatwiran sa aking tungkulin, hindi ko tinalakay ang anumang bagay sa sinumang iba pa. Pakiramdam ko ayos lang na mag-isa ako at makakagawa ako ng mga desisyon nang ako lang mag-isa. Napakayabang ko at ganap na walang may-takot-sa-Diyos na puso. Nang iwasto ako ng lider, inamin ko nga ang aking kayabangan, pero wala talaga akong pakialam doon. Pakiramdam ko pa nga ay walang masama sa kayabangan, na iniisip na ang matawag na mayabang ay nangangahulugan na mayroon akong ilang kasanayan. Kung wala akong kaunting kapital, bakit ako magyayabang? Walang-wala ako sa katwiran at ganap na walang kahihiyan. Nabubuhay ako sa lason ni Satanas na “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa,” na kumikilos na parang ako ang pinakamataas sa iglesia, at ako lang ang may huling salita sa lahat ng bagay. Ano ang ipinagkaiba ko sa diktadurya ng malaking pulang dragon? Ang malaking pulang dragon ay mayabang at walang kinikilalang batas, bumabaling sa wala pang nakakagawang kaparaanan ng marahas na panunupil laban sa sinumang hindi nakikinig dito. Diktador ako at mailap sa iglesia, hindi ko tinatanggap ang pagkakamali ng sinuman. Hindi ba ang uring iyon ng disposisyon ay kagaya lang ng malaking pulang dragon? Saka ko lang natanto kung gaano ako kayabang, na wala akong pakialam tungkol sa sinumang iba pa o kahit sa Diyos, na wala akong malay na nilalabanan ko ang katotohanan, na nakikipagpaligsahan ako sa Diyos, at na nasa landas ako na laban sa Diyos. Kung hindi ako nagsisi, siguradong isusumpa at parurusahan ako ng Diyos sa huli tulad lang ng malaking pulang dragon. Pagkatapos ay talagang malinaw kong nakita kung gaano kalubha ang mga kahihinatnan ng likas kong kayabangan, na ang problema ko ay hindi kasingsimple ng paglalantad ng kaunting katiwalian, na tulad ng akala ko noon. Ipinaalala sa akin ng ideyang iyon noong pagalitan at hamakin ko ang iba at itinaas ko ang aking sarili, na nagsalita ako at nagprisinta ng aking sarili na para bang wala akong kapantay sa mundo. Pakiramdam ko nasusuka ako at naiinis sa sarili ko. Nagpasya ako na kailangan kong simulang hanapin nang wasto ang katotohanan, hanapin ang mga prinsipyo sa lahat ng bagay, magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso, at tigilan ang aking mapagmataas na kalikasan at paglaban sa Diyos.

Kalaunan, nang sikapin kong alamin kung paano angkop na ituturing ang anumang mga tagumpay na maaari kong matamo sa aking mga tungkulin, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa pagganap ninyo ng inyong tungkulin, nadarama ba ninyo ang patnubay ng Diyos at ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu? (Oo.) Kung nagagawa ninyong maramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu, pero mataas pa rin ang tingin ninyo sa inyong sarili, at iniisip ninyong nagtataglay kayo ng realidad, ano ang nangyayari rito? (Kapag nagbunga na ang pagganap natin ng ating tungkulin, iniisip natin na kalahati ng papuri ay para sa Diyos, at kalahati ay para sa atin. Pinalalaki natin nang walang hangganan ang ating pakikipagtulungan, iniisip natin na wala nang mas hahalaga pa kaysa sa ating naitulong, at na hindi naging posible ang pagbibigay-kaliwanagan ng Diyos kung wala ito.) Kaya bakit nga ba binigyan ka ng kaliwanagan ng Diyos? Mabibigyan din ba ng Diyos ng kaliwanagan ang ibang tao? (Oo.) Kapag binibigyang-liwanag ng Diyos ang isang tao, ito ay dahil sa biyaya ng Diyos. At ano naman ang kaunting naitulong mo? Dapat ka bang purihin para sa bagay na ito, o tungkulin at responsibilidad mo ba ito? (Tungkulin at responsabilidad namin ito.) Kapag kinikilala mong tungkulin at responsabilidad mo ito, wasto ang pag-iisip mo, at hindi mo maiisip na subukang umani ng papuri para dito. Kung lagi mong iniisip na ‘Kontribusyon ko ito. Magiging posible kaya ang pagbibigay ng Diyos ng kaliwanagan kung wala ang kooperasyon ko? Ang gawaing ito ay nangangailangan ng pakikipagtulungan ng tao; malaki ang bahagi ng ating pakikipagtulungan sa mga naisasakatuparan,’ kung gayon ay mali ka. Paano ka makikipagtulungan kung hindi ka naman binigyan ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at kung wala namang nagbahagi ng mga katotohanang prinsipyo sa iyo? Hindi mo malalaman kung ano ang hinihingi ng Diyos, ni hindi mo malalaman ang landas ng pagsasagawa. Kahit ginusto mong sundin ang Diyos at makipagtulungan, hindi mo malalaman kung paano. Hindi ba mga salitang walang kabuluhan lamang ang ‘kooperasyon’ mong ito? Kapag walang tunay na pakikipagtulungan, kumikilos ka lang nang ayon sa sarili mong mga ideya—kung ganito ang kaso, tumutugon kaya sa pamantayan ang tungkuling ginagampanan mo? Talagang hindi, na nagpapahiwatig ng kasalukuyang isyu. Ano ang isyu? Anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang tao, nagkakamit man siya ng mga resulta, tumutugon man sa pamantayan ang pagganap niya sa kanyang tungkulin, at nagtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos ay nakasalalay sa mga kilos ng Diyos. Kahit tuparin mo ang iyong mga responsabilidad at tungkulin, kung hindi gumagawa ang Diyos, kung hindi ka binibigyang-liwanag at ginagabayan ng Diyos, hindi mo malalaman ang iyong landasin, ang iyong direksyon, o ang iyong mga mithiin. Ano ang resulta niyan sa huli? Matapos magpagal sa loob ng buong panahong iyon, hindi mo nagawang gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, ni hindi mo nakamit ang katotohanan at ang buhay—nauwi lang sa wala ang lahat. Samakatuwid, ang paggawa ng iyong tungkulin na pasado sa pamantayan, na nakapagpapatibay sa iyong mga kapatid, at nagtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos ay lubos na nakasalalay sa Diyos! Maaari lamang gawin ng mga tao ang mga bagay na personal na kaya nilang gawin, na dapat nilang gawin, at na likas silang may kakayahang gawin—wala nang iba. Kung gayon, sa huli, ang pagganap sa iyong mga tungkulin sa epektibong paraan ay nakasalalay sa patnubay ng mga salita ng Diyos at sa kaliwanagan at pamumuno ng Banal na Espiritu; saka mo lamang mauunawaan ang katotohanan, at matatapos ang atas ng Diyos ayon sa landas na ibinigay sa iyo ng Diyos at sa mga prinsipyo na itinakda Niya. Ito ay biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at kung hindi ito nakikita ng mga tao, nabubulagan sila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang pagkakamit ko ng ilang bagay sa aking tungkulin ay dahil lahat sa biyaya ng Diyos at sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu. Naging tao ang Diyos at nagpahayag ng katotohanan upang diligan at tustusan ang tao, nagbahagi nang malinaw at tiyakan tungkol sa lahat ng aspeto ng katotohanang prinsipyo. Noon ko lamang naunawaan ang ilang katotohanan, nagtamo ng direksyon sa aking tungkulin, at nagkaroon ng landas ng pagsasagawa, at hindi talaga iyon dahil sa mahusay ang aking kakayahan o kaya kong gawin ang ilang gawain. Kung wala ang patnubay ng mga salita ng Diyos o ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, anuman ang aking kakayahan o gaano man ako kahusay magsalita, hindi ako kailanman magkakamit ng anumang bagay. At ang kaunting gawaing iyon na nagawa ko ay paggawa ko ng tungkulin ng isang nilalang. Responsibilidad ko iyon. Anumang tungkulin iyon, iyon ang dapat gawin ng isang nilalang. Anumang bagay na naisagawa ay siyang dapat lang gawin, at hindi dapat maging personal na kontribusyon o kapital natin. Gayunman, hindi ko alam kung ano ang bumubuo sa akin. Akala ko ang ilang tagumpay ay nangangahulugan na mahusay ang kakayahan ko at na mahusay ako sa ginawa ko, at itinuring iyon na isang bagay na maaari kong maging bentahe. Labis akong nalugod sa aking sarili, na sinusubukang nakawin ang kaluwalhatian ng Diyos. Napakayabang ko at hindi ako makatwiran! Sa katunayan, nang gunitain ko iyon, hindi lang ako nabigong isagawa ang anumang bagay noong nagtatrabaho ako nang may kayabangan, kundi madalas ko pang naantala ang aming gawain. Gaya noong walang-ingat kong inilagay ang maling tao sa posisyon ng pagdidilig, kaya maraming baguhang hindi nakatanggap ng pagdidilig at panustos na kailangan nila sa oras, na lubhang nakagulo sa gawain ng iglesia. Kasabay nito, hindi ako pumapasok sa mga katotohanang prinsipyo o hindi ko inaakay ang iba na sundin ang mga prinsipyo sa kanilang tungkulin. Ibig sabihin niyon ay hindi namin naisasagawa ang mga bagay-bagay sa aming gawain at nakaantala iyon sa pagsulong ng aming gawain. Pero hindi ko kailanman pinagnilayan ang lahat ng iyon. Sa halip, binati ko ang sarili ko at lalo akong naging mayabang, pakiramdam ko’y hindi makakaya ng gawain ng iglesia na mawala ako. Pero kung kaya akong liwanagan ng Diyos, siyempre pa kaya Niyang liwanagan ang iba, kaya’t hindi ba maaaring magpatuloy ang gawain ng iglesia na tulad ng dati matapos akong tanggalin? Inakala ko na walang magagawa ang iglesia kapag wala ako dahil napakayabang ko at mangmang ako. Naisip ko si Pablo sa Kapanahunan ng Biyaya. Inakala niya na mayroon siyang kaunting kapital matapos gumawa ng kaunting gawain, kaya hindi niya inisip ang kapakanan ng iba. Diretsahan niyang sinabi na siya ang pinakadakilang disipulo, at madalas niyang maliitin si Pedro. Sa huli, sinubukan niyang gamitin ang kanyang gawain para humiling ng gantimpala sa Diyos, ng isang korona. Mayabang siya hanggang sa punto na wala na siya sa katwiran. Hindi ba katulad lang ako ni Pablo? Iisa ang naging landas namin. Kung wala ang paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos, hindi ko pa rin malalaman ang aking mga problema, na iniisip na magaling ako. Nang makita ko ang lahat ng ito, talagang kinamuhian ko ang sarili ko. Gusto kong mangumpisal at magsisi sa Diyos.

Pagkatapos ay nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “May sinuman bang nakakaalam kung ilang taon nang gumagawa ang Diyos sa gitna ng sangkatauhan at lahat ng nilikha? Ang partikular na bilang ng mga taon na gumagawa at namamahala ang Diyos sa lahat ng sangkatauhan ay hindi alam; walang makapagbibigay ng tiyak na bilang, at hindi iniuulat ng Diyos ang mga bagay na ito sa sangkatauhan. Gayunpaman, kung gagawa si Satanas ng ganitong bagay, iuulat ba nito ito? Tiyak na gagawin nito iyon. Gusto nitong ipangalandakan ang sarili para linlangin ang mas maraming tao at ipaalam sa mas maraming tao ang mga kontribusyon nito. Bakit hindi iniuulat ng Diyos ang mga bagay na ito? May mapagkumbaba at nakatagong aspeto sa diwa ng Diyos. Ano ang kabaligtaran ng pagiging mapagpakumbaba at tago? Ito ay ang pagiging mayabang at pagpapakitang-gilas. … Sa paggabay sa sangkatauhan, isinasagawa ng Diyos ang ganoon kahusay na gawain, at pinamumunuan Niya ang buong sansinukob. Napakalawak ng Kanyang awtoridad at kapangyarihan, ngunit hindi pa Niya kailanman sinabi, ‘Ang Aking kapangyarihan ay katangi-tangi.’ Nananatili Siyang nakatago sa lahat ng bagay, namumuno sa lahat, nagtutustos at nagkakaloob para sa sangkatauhan, tinutulutan ang lahat ng sangkatauhan na magpatuloy sa bawat henerasyon. Katulad ng hangin at ng sikat ng araw, halimbawa, o lahat ng mga materyal na bagay na kinakailangan para sa pag-iral ng tao sa mundo—dumadaloy ang lahat ng ito nang walang tigil. Na ang Diyos ay nagkakaloob sa tao ay hindi mapag-aalinlanganan. Kung may ginawang mabuting bagay si Satanas, mananatili ba itong tahimik, at mananatiling isang hindi kilalang bayani? Hindi kailanman. Katulad ito ng kung paanong may ilang anticristo sa iglesia na dating nagsagawa ng mapanganib na trabaho, na tumalikod sa mga bagay-bagay at nagtiis ng pagdurusa, na maaaring napunta pa sa bilangguan; may ilan ding minsang nag-ambag sa isang aspeto ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi nila nakakalimutan ang mga bagay na ito, sa palagay nila ay karapat-dapat sila sa panghabambuhay na karangalan para sa mga ito, sa palagay nila ay panghabambuhay nilang puhunan ang mga iyon—na nagpapakita kung gaano kaliit ang mga tao! Ang mga tao ay talagang maliliit, at si Satanas ay walang kahihiyan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Masasama, Traydor, at Mapanlinlang (Ikalawang Bahagi)). “Mahal ng Diyos ang sangkatauhan, inaalagaan ang sangkatauhan, at nagpapakita ng malasakit para sa sangkatauhan, gayundin ay patuloy at walang-tigil na naglalaan para sa sangkatauhan. Hindi Niya kailanman nararamdaman sa Kanyang puso na ito ay karagdagang gawain o bagay na karapat-dapat bigyan ng malaking parangal. Ni hindi rin Niya nararamdaman na ang pagliligtas sa sangkatauhan, pagtutustos sa kanila, at pagbibigay sa kanila ng lahat ng bagay, ay pagbibigay ng napakalaking ambag sa sangkatauhan. Tahimik at walang-imik lamang Siyang naglalaan para sa sangkatauhan, sa sarili Niyang paraan at sa pamamagitan ng sarili Niyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya. Gaano man karami ang paglalaan at gaano man karaming tulong ang natatanggap ng sangkatauhan mula sa Kanya, hindi kailanman iniisip o sinusubukan ng Diyos na angkinin ang papuri. Ito ay itinatakda ng diwa ng Diyos, at tiyak rin na isa itong tunay na pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I). Pinagnilayan ko ang mga salita ng Diyos at nakita ko kung gaano kabuti ang Kanyang disposisyon at diwa! Ang Diyos ang Lumikha na namumuno at tumutustos sa lahat-lahat. Siya ay muling naging tao, na nagpapahayag ng mga katotohanan para iligtas ang sangkatauhan, nagbabayad ng malaking halaga para sa atin. Gayunman, hindi Niya naisip kailanman na ito ay isang malaking kontribusyon sa sangkatauhan. Hindi Siya kailanman nagmalaki o nagyabang tungkol sa anumang bagay. Tahimik lang Niyang ginagawa ang lahat ng sarili Niyang gawain. Ang diwa ng buhay ng Diyos ay napakabuti at walang anumang uri ng kayabangan o pagpapasikat. Karapat-dapat Siya sa ating pagmamahal at walang-hanggang papuri. Ako ay isang taong walang kabuluhan, wala talaga, pero napakayabang ko pa rin, laging nagnanais na akin ang huling salita sa mga bagay-bagay. Nalasing ako sa pinakamaliit na tagumpay, na para bang isang uri iyon ng isang malaki at mahalagang gawang-sining, isang uri ng malaking kontribusyon. Mababa ang tingin ko sa lahat ng tao at kinailangang masunod ang gusto ko sa mga bagay-bagay. Walang-wala ako sa katwiran at masyado akong mapagpaimbabaw. Masyadong mapagpakumbaba at tago ang Diyos, at may napakabuting diwa, kaya mas lalo kong nadarama kung gaano nakakasuka at nakakasuklam ang aking mayabang na disposisyon at talagang inasam kong malaman ang katotohanan para maalis na iyon kaagad, para makapamuhay ako sa wangis ng tao.

Pagkatapos, minsan sa isang pagtitipon, nabasa ko ang siping ito sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Ngayon ay hinahatulan ka ng Diyos, kinakastigo ka, at kinokondena ka, ngunit kailangan mong malaman na ang punto ng pagkondena sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Siya ay nagkokondena, nagsusumpa, humahatol, at kumakastigo para makilala mo ang iyong sarili, para magbago ang iyong disposisyon, at, bukod pa rito, para malaman mo ang iyong halaga, at makita na lahat ng kilos ng Diyos ay matuwid at alinsunod sa Kanyang disposisyon at mga kinakailangan sa Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano para sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na nagmamahal, nagliligtas, humahatol, at kumakastigo sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao). Nang mabasa ko ito, talagang naantig ako sa mga salita ng Diyos at mas naunawaan ko nang kaunti ang Kanyang kalooban. Ginagawa ko ang tungkulin ko na umaasa sa isang tiwaling disposisyon, na nakagulo sa gawain, kaya tinanggal ako ng iglesia batay sa mga prinsipyo. Naisip ko na inilalantad at pinalalayas ako ng Diyos, at naisip ko na isinusumpa Niya ako at na hindi ako maliligtas. Napagtanto ko sa wakas na ang matanggal ay hindi pagiging nalantad o napalayas. Napigilan ng pagkakatanggal na iyon ang masasamang hakbang na ginagawa ko nang maaga. Ipinabatid nito sa akin ang aking tiwaling disposisyon at ipinakita sa akin na ako ay nasa maling landas. Ito ay pagliligtas at pinakatunay na pagmamahal ng Diyos para sa akin.

Pagkatapos niyon, inilantad at sinuri ko ang aking sarili sa isang pagtitipon kung paano ako naging mayabang sa aking tungkulin noon, kung paano ko nasaktan ang mga kapatid, at kung paano ako nagnilay-nilay matapos akong matanggal. Akala ko noong una na kasusuklaman ako ng lahat kapag nakita nila kung gaano ako naging hindi makatao at hindi nila gugustuhing magkaroon ng kaugnayan sa akin, pero ang nakakagulat, hindi nila ako pinuna. Lalo ko pang nadama na may utang ako sa kanila noon. Sinasaktan ko ang lahat dahil sa aking mayabang na disposisyon, masyado akong naging hindi makatao. Kalaunan, nang tumanggap akong muli ng isang tungkulin na kasama ang mga kapatid, mas mapagpakumbaba na ako. Tumigil ako sa paghamak sa mga kapatid o sa pagsusuplado sa kanila dahil sa kanilang mga pagkakamali, at natatrato ko sila nang wasto. Sadya ko ring sinikap na makinig sa mga mungkahi ng iba tungkol sa mga isyu at itinigil ko ang labis na pagtitiwala sa aking sarili at pagkilos nang hindi makatwiran. Nagkaroon ako ng malaking pagbabago sa aking kalagayan pagkaraan ng maikling panahon at muling nahirang bilang isang superbisor. Alam ko sa aking kaibuturan na ang Diyos iyon na itinataas at binibiyayaan ako sa pamamagitan noon. Ginunita ko kung paano ako naging mayabang sa aking tungkulin noon, at kung paano ako nakagambala at nakahadlang sa gawain ng iglesia at sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid, at kung paanong binigyan pa rin ako ng iglesia ng isa pang pagkakataon para gumawa ng gayon kahalagang tungkulin. Talagang naranasan ko ang awa at kaluwagan ng Diyos. Sa aking tungkulin pagkatapos niyon, tumigil ako sa pag-asa sa sarili kong mayabang na disposisyon na kumilos nang hindi makatwiran, kundi nagkaroon ako ng medyo may-takot-sa-Diyos na puso, at palagi akong nagdarasal sa Kanya sa aking mga tungkulin. Nang may nakaharap akong problemang hindi ko malutas, tinalakay ko iyon sa iba para sama-sama naming mahanap ang mga katotohanang prinsipyo. Matapos gawin iyon sa maikling panahon, natanto ko na bumuti na nang kaunti ang paggawa ng buong team namin. Noong ginagawa kong mag-isa ang lahat, at hindi ako nakipag-partner o nakipag-usap sa iba tungkol sa mga bagay-bagay, talagang nakakapagod iyon para sa akin. Naparaming bagay na hindi ko pinansin o lubos na isinaalang-alang, kaya hindi kami nakakuha ng magagandang resulta. Pero ngayong tinatalakay ko na sa mga kapatid ang mga isyung dumarating at pinupunan namin ang mga pagkukulang ng isa’t isa, napakadali nang lutasin ng mga problema. Sa pakikipagtulungan sa iba, nakikita ko na talagang mayroon silang ilang kalakasan. Ang ilan sa kanila ay nakikinig para mahanap ang katotohanan sa kanilang mga tungkulin at nagtatrabaho alinsunod sa mga prinsipyo. Maaaring walang gaanong kakayahan ang ilan, pero masipag sila at pinaninindigan ang gawain ng iglesia. Mga kalasakan iyon na wala ako. Dati-rati, iniisip ko palagi na nakahihigit at mas malakas ako kaysa sa iba, na madalas na itinataas ang sarili ko at pinagagalitan sila, kaya pakiramdam ng lahat ay pinipigilan sila at malayo ang loob nila sa akin, na masakit para sa akin. Ngayo’y alam ko nang isa lang akong nilalang, isang tiwaling tao, at na walang anumang bagay na nagbubukod-tangi sa akin sa lahat ng iba pa. Nakikisalamuha ako nang normal at nakikipagtulungan nang maayos sa mga kapatid. Maaari akong matuto mula sa mga kalakasan ng aking mga kapatid para mapunan ang sarili kong mga pagkukulang. Isa itong mas malaya at mas madaling paraan para mabuhay.

Pagkaraan ng mga isang taon, isinaayos ng aming lider ang isang pangkalahatang pulong para maibahagi ng lahat ang natutunan at naranasan nila sa loob ng taong iyon. Tahimik akong nakinig, na pinag-iisipan kung ano ang natutunan ko sa taong iyon. Pagkatapos ay napagtanto ko na nailigtas na ako ng Diyos nang palitan Niya ako. Kung hindi dahil doon, hindi ko pa rin makikita kung gaano kalubha ang aking mapagmataas na kalikasan, na hambog ako at wala sa katwiran dahil lang mayroon akong ilang kaloob, at hindi ko pa rin matatanto na nilalabanan ko ang Diyos. Ang pagdidisiplina ng Diyos at ang paghahayag ng mga salita ng Diyos ang nagtulot sa akin na malaman ang aking mapagmataas na kalikasan. Tinuruan din ako nito nang kaunti tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos at nagkaroon ako ng medyo may-takot-sa-Diyos na puso. Labis akong nagpapasalamat sa pagliligtas ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Kapaki-pakinabang Na Ulat

Ni Ding Li, Estados Unidos Tag-init noon, dalawang taon na ang nakalilipas. Narinig ko na si Sister Zhou, isang lider, ay itinalaga si...

Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

Ipinagkakatiwala ng Diyos sa mga lider ang gawain ng pagtatampok sa Diyos, pagpapatotoo sa Diyos, pakikipagniig tungkol sa kalooban at mga kahilingan ng Diyos, na nagpapahintulot sa mga iba na kumilos alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos at, sa huli, maunawaan at masunod ang Diyos.