Pananampalatayang Ginawang Perpekto sa pamamagitan ng mga Pagsubok at mga Kapighatian
Nagkaroon ng problema sa kalusugan ang mama ko noong 1993, at ang resulta ay ang buong pamilya ko ay nagkaroon ng pananampalataya sa Panginoong Jesus. Pagkatapos n’on, nakaranas siya ng mahimalang paggaling at nagpunta ako sa simbahan tuwing Linggo kasama siya mula noon. At noong tagsibol ng 2000, ang masayang balita ng pagbabalik ng Panginoon ay umabot sa aming tahanan. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naging tiyak kami na Siya ang Panginoong Jesus na nagbalik at tinanggap namin ang mga gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagsimula kaming magbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos araw-araw, nasisiyahan sa pagdidilig at pagtustos na ibinibigay ng mga ito. Talagang inalagaan ako nito sa espirituwal na paraan. Sa pag-iisip tungkol sa kung gaano karaming tao na nananabik sa pagdating ng Panginoon ang hindi pa naririnig ang tinig ng Diyos o sinasalubong ang pagdating ng Panginoon, alam ko na kailangan kong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at ibahagi ang ebanghelyo ng kaharian sa kanila. Hindi nagtagal, nagsimula akong gawin ang aking tungkulin upang ibahagi ang ebanghelyo. Ngunit sa gulat ko, dahil doon inaresto ako ng CCP.
Enero 2013 noon habang nasa pagtitipon ako kasama ang anim na kapatid, nang biglang higit sa benteng pulis ang sumulpot. Dalawa sa mga lalaki ang sumugod sa harapan, hawak ang mga baril, at sinigawan kami, “Walang kikilos! Napapaligiran kayo.” Ang dalawa pa ay may de-kuryenteng batuta at sumigaw, “Taas ang kamay at talikod!” Sinabi ng isa sa mga pulis na may hawak na baril, “Sinusubaybayan namin kayo nang ilang linggo na. Ikaw si Xiaoxiao.” Natakot ako nang marinig ito. Paano nila nalaman ang alyas ko? At sinabi niya na ilang linggo na nila akong sinusubaybayan, kaya alam ba nila kung saan-saan ako nagpunta nito lang? Inaresto rin ba ang lahat ng kapatid na iyon? Hindi ko magawang isipin pa ito. Nanalangin na lang ako nang tahimik para sa iba. Sa ginawang paghahanda ng pulis, alam kong hindi nila ako basta pakakawalan. Balisa, tumawag ako sa Diyos. Pagkatapos itong mga salitang mula sa Diyos ay naisip ko: “Hindi ka dapat matakot sa ganito at ganyan; gaano man karaming hirap at panganib ang maaari mong harapin, kaya mong manatiling hindi natitinag sa Aking harapan, hindi nahahadlangan ng anumang balakid, upang ang Aking kalooban ay maisagawa nang walang sagabal. Ito ang iyong tungkulin…. Huwag matakot; sa suporta Ko, sino ang makakahadlang sa daan?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Binigyan ako ng kapayapaan ng mga salita ng Diyos. Alam ko na lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay, maging ang mga pulis na iyon. Ang Diyos ang pwersa sa likod ko, kaya kailangan kong manalangin sa Kanya at sumandal sa Kanya. Sa pagkatanto na madalas pala akong sundan ng mga pulis nang hindi ko namamalayan, na nagdala ng malaking problema sa iglesia, nagalit ako sa sarili ko dahil sa pagiging walang malay at hindi alam ang nangyayari. Ang magagawa ko na lang sa puntong iyon ay manalangin para sa mga kapatid. Pagkatapos maging determinado, sinabi ko ang panalanging ito, “Gaano man ako pahirapan ng mga pulis, hindi ko kailanman isusuplong ang mga kapatid. Hindi ako magiging Judas at pagtataksilan ang Diyos.” Hindi na ako nakadama ng takot pagkatapos ng panalanging iyon. Napuno ako ng pananampalataya at lakas.
Hinalughog ng mga pulis ang buong bahay, animo’y mga magnanakaw. Kinuha nila ang mga cellphone namin, walong video player, apat na tablet, dose-dosenang aklat ng ebanghelyo at 10,000 yuan. Dinala nila ako at ang dalawa pang sister sa sala at pinilit kaming mag-squat sa sahig. Pagkatapos ang ingay ng walang tigil na pagbugbog ng mga pulis sa mga brother ay nag-umpisang marinig mula sa isa sa mga kuwarto. Sa galit, sinabi ko, “Naniniwala lang kami sa Diyos, wala kaming ginagawang ilegal. Bakit n’yo kami hinuhuli?” Galit na sinabi ng isa sa mga pulis, “Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay labag sa batas, isa itong krimen. Kung sinasabi ng Communist Party na lumalabag kayo sa batas, kung gayon lumalabag kayo sa batas. Hindi pinapayagan ng Partido ang pananampalataya sa Diyos pero tinatangka n’yo pa ring gawin iyon sa kanilang teritoryo. Pakikipaglaban ito sa Partido. Gusto n’yong mamatay!” Sinabi ko, “Hindi ba’t ang kalayaan sa paniniwala ay tiyak na legal?” Tumatawa nilang sinabi, “Wala kang alam! Ang kalayaan sa paniniwala ay palabas lang, para makita ng mga dayuhan, pero ito ang matatanggap n’yong mga mananampalataya!” Nang sinabi niya ito, sinampal niya ako sa mukha at lumapit ang isang babaeng pulis at sinipa ako sa braso. Nagalit ako at ang mga salitang ito ng Diyos ay naisip ko: “Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Sa katunayan ang pamumuno ng Communist Party ay pamumuno ni Satanas. Lahat ng batas nila ay upang mandaya. Sinasabi nila sa mga taga-labas na may kalayaan ng paniniwala, pero ang realidad ay hindi nila pinapayagan ang sinuman na maniwala sa Diyos at tahakin ang tamang landas. Hindi nila papayagan ang anumang positibo. Maramihan nilang inaaresto at sinasaktan ang mga Kristiyano. Ang mga pulis na iyon ay mga tulisan lamang at mga salbaheng taong naka-uniporme. Kalokohan ang subukin kong mangatwiran sa kanila! Nang isinakay nila ako sa sasakyan ng pulis, nakita kong may higit isang dosenang sasakyan ng mga pulis ang nakapaligid sa amin.
Nang dinala na kami sa National Security Brigade ng probinsya, sinabi sa akin ng isang pulis, “Nakahuli kami ng malaking isda sa iyo. Alam namin ang lahat ng tungkol sa iyo. Alam namin ang bawat lungsod, bawat probinsya na pinuntahan mo sa mga nakaraang linggo. Malamang isa kang pinuno ng iglesia, kung hindi, hindi kami magpapakilos ng ganito kalaking pwersa para arestuhin ka. Hindi ka namin tatanungin dito. May ‘magandang lugar’ kami para diyan. Natatakot lang ako na labis-labis ito para sa iyo!” Noon ko lang napagtanto na napagkamalan nila akong pinuno ng iglesia. Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa, sa kaalaman na ang mga tunay na pinuno ay medyo higit na ligtas. Pero nag-alala pa rin ako. Alam ko na hindi nila agad ako pakakawalan, dahil akala nila isa akong pinuno ng iglesia. Hindi ko alam kung paano nila ako pahihirapan. Nanalangin ako sa Diyos para sa pananampalataya at lakas, na tulungan akong tumayong patotoo. Pagkatapos mag-alas onse ng gabing iyon, isinakay nila ako sa sasakyan ng pulis para dalhin sa “magandang lugar” na iyon. Sa sasakyan, sinabi ng isang pulis, “Hindi ninyo alam kung paano pakikitunguhan itong mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos. Kailangan mayroon talaga kayong mabigat na kamay para makakuha ng kahit ano sa kanila. Kailangan nating gawin ang anumang gagana, kung hindi, hindi sila aamin.” Sinabi ng isa pang pulis, “Oo, sigurado. May nagsabi na mayroon kang pinakamatinding panglansi sa mga mananampalatayang iyon. Kaya nga ikaw ang kinuha namin.” Pagkarinig nito, napaisip ako kung anong uri kaya ng pagpapahirap ang inihanda nila para sa akin. Tahimik akong nanalangin sa Diyos, at ang mga salitang ito mula sa Panginoong Jesus ang naisip ko: “At Huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y Siyang makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impiyerno” (Mateo 10:28). “Sapagka’t ang sinumang mag-ibig iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa Akin ay makakasumpong niyaon” (Mateo 16:25). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng lakas sa aking pananampalataya. Alam ko na ang buhay ko ay nasa mga kamay ng Diyos, na ang kaluluwa ko ay nasa mga kamay Niya. Nagpasya ako na magpasakop sa pangangasiwa ng Diyos at kailanma’y hindi Siya pagtaksilan, kahit pa na ang ibig sabihin nito ay kamatayan ko!
Dinala nila ako sa istasyon ng pulisya ng probinsya at sa sandaling pumasok kami sa interrogation room, narinig ko ang tunog ng mapait na pag-iyak ng isang brother. Nagbigay ng utos ang isang pulis na patayin ang surveillance equipment, pagkatapos dalawa pang pulis ang dumating at pinosasan ako, nang nakapilipit ang kanang braso ko sa likod ng aking balikat at ang kaliwang braso ko ay hinila paitaas mula sa baba sa likuran ko. Hinatak nila ang posas paitaas at paibaba, at naramdaman ko na parang mababali na ang mga braso ko. Pagkatapos niyon, itinulak nila ang patungan ng kamay ng tiger chair sa pagitan ng mga braso at likod ko. Naramdaman ko na parang pinupunit ang mga braso ko. Sobrang sakit nito na tumutulo na ang pawis sa mukha ko. Binatak ng isang pulis ang posas at sinabi, “Sobrang sakit? Anong pakiramdam?” Isa pa ang nagsabi habang tumatawa, “Bakit hindi ka na lang magtrabaho bilang escort? Kung ganoon, hindi ka namin aarestuhin.” Ang iba pa sa kanila ay nagtawanan lahat dahil doon. Nasuka ako dahil talagang wala silang kahihiyan. Hindi ko inakala na may ganoon kasuklam-suklam na bagay na lalabas mula sa bibig ng mga pulis. Mas mababa pa sila sa mga hayop! Pagkatapos sinabi ng isa sa kanila, “Huwag tayong magmadali sa interogasyong ito. Sa huli, gugustuhin niyang sabihin sa atin ang nalalaman niya. Mula ngayon, huwag n’yo siyang papakainin, patutulugin, o pagagamitin ng banyo. Tingnan natin kung gaano katagal siyang makakatiis!” Pagkatapos hinila niya nang matindi ang mga braso ko, pinilipit ang mga ito kahit nakaposas na sa isang bakal na baranda na singtaas ng baywang. Hindi ako makaluhod o makatayo, at hindi nagtagal ang likod at ang mga paa ko ay nagsimula nang sumakit. Hindi nila ako hinayaang matulog o kahit ipikit ang mga mata ko. Sa sandaling nagsimulang pumikit ang mga mata ko, hahampasin ng mga pulis ang mesa, sisipain ang upuan, o kakalampagin ang mga bakal na baranda. Kung hindi naman, sisigaw sila sa tainga ko o gagawa ng lahat ng uri ng kakaibang mga ingay para matakot ako. Kaya naging sobrang tensyonado ako at hindi ako makahanap ng sandaling kapayapaan. Tahimik akong nanalangin at tumawag sa Diyos nang walang tigil at pagkatapos naisip ko ito sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Binigyan ako ng pananampalataya ng mga salita ng Diyos. Ang kahit na anong pagdurusa ay karapat-dapat upang makamit ang katotohanan, at kailangan kong panindigan iyon, anuman ang aking pagdusahan. Determinado ako na tumayong patotoo at ipahiya si Satanas.
Kinaumagahan, anim o pitong pulis ang dumating para tanungin ako tungkol sa lokasyon ng pondo ng iglesia at kung sino ang mga matataas na pinuno. Malupit nila akong hinampas nang hindi ako nagsalita ng kahit ano. Pagkatapos nilang umalis, ang iba pa ay dumating para tanungin ako ng parehong tanong. Walang tigil nila akong tinanong, bente-kuwatro oras sa isang araw. Pagkatapos ng apat na araw, ang buong katawan ko ay namamaga na at ang mga binti ko ay lubhang maga na kung kaya’t naging singkapal na ng mga hita ko. Gutom na gutom na ako at pagod na pagod na. Isang babaeng pulis ang nakita akong naiidlip at sinipa nang malakas ang mga paa ko. Nawalan na ng pakiramdam ang buong ibabang bahagi ng katawan ko at ang likod ko ay sobrang sakit, na parang nabali na ito. Namamaga ang mga mata ko at sobrang hapdi. Naramdaman ko na parang luluwa na ang mga mata ko sa anumang sandali. Sobrang sakit nito. Ang ideyang maipikit ang mga mata ko o maipahinga ang mga binti ko kahit sandali ay parang isang luho. Hindi ko alam kung gaano katagal pa nila ako papahirapan. Pakiramdam ko ay naabot na ng katawan ko ang limitasyon nito, na hindi na ako tatagal pa. Pakiramdam ko ay labis na nanghihina ang aking puso. Nanalangin ako sa Diyos, humihingi sa Kanya ng pananampalataya at lakas. Pagkatapos ay naisip ko ang mga himnong ito ng mga salita ng Diyos: “Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob” (“Awit ng mga Mananagumpay” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). “Noon, si Pedro ay ipinako sa krus nang pabaligtad para sa Diyos; subalit dapat mong bigyang-kasiyahan ang Diyos sa katapusan, at ubusin ang lahat ng iyong lakas para sa Kanya. Ano ang maaaring gawin ng isang nilalang para sa Diyos?” (“Ang Nilikha’y Dapat Sakop ng mga Pagsasaayos ng Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Hinimok ako ng mga salita ng Diyos at pinalakas ako. Pinaranas sa akin ang malupit na pagpapahirap, pero nanatili ang Diyos sa aking tabi at pinapatnubayan Niya ako ng Kanyang mga salita. Alam ko rin na dumaranas ako ng ganitong uri ng kapighatian upang magawang perpekto ng Diyos ang aking pananampalataya, at na kailangan kong magbigay ng matagumpay na patotoo sa harap ng malaking pulang dragon. Kapag pinagtaksilan ko ang Diyos dahil sa takot sa pagdurusa ng laman, ang buhay ko ay mawawalan ng kabuluhan. Magiging isa itong malaking kahihiyan. Inisip ko ang lahat ng apostol at propeta sa mga kapanahunan—inusig at humarap sila sa kamatayan, ngunit nanatili ang pananampalataya nilang lahat sa Diyos at naging mga umaalingawngaw na mga saksi para sa Kanya. Pinahihirapan ako at winawasak ng mga pulis na may pahintulot ng Diyos. Ang tayog ko ay maliit at malayo akong maikumpara sa mga banal ng mga kapanahunan, pero napakaswerte ko na nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagpatotoo sa Diyos. Nakahanda ako na ibigay ang buhay ko upang tumayong patotoo para sa Diyos, upang bigyan ang puso ng Diyos ng kaunting ginhawa. Ang pag-iisip ng mga salita ng Diyos ay para ding nakakabawas nang kaunti ng sakit ng katawan ko. Nang makitang naiidlip ako, sinabunutan ako ng kapitan at pabalik-balik na inalog ang ulo ko, at sinuntok ng kanyang kamao ang ulo at dibdib ko. Hindi rin nila ako pinapagamit ng banyo, sinasabi na hindi ako maaaring gumamit hangga’t hindi oras. Noong nagpunta na ako sa banyo, may ilang lalaking pulis ang nakatayo malapit sa banyo at nagsabi ng lahat ng uri ng masasamang bagay. Labis akong napahiya. Pakiramdam ko ay parang gusto ko nang mamatay. Pagkatapos ay naisip ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: ‘Sapagka’t ang aming magaang na kapighatian, na sa isang sandali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng mas higit at walang hanggang bigat ng kaluwalhatian.’ Narinig na ninyong lahat dati ang mga salitang ito, subalit walang sinuman sa inyo ang nakaunawa sa tunay na kahulugan nito. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kabuluhan ng mga ito. Ang mga salitang ito ay isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw, at matutupad doon sa mga malupit na pinahirapan ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito nakahimlay na nakapulupot. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at kaaway ng Diyos, kaya nga, sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pang-aapi, at natutupad ang mga salitang ito sa inyo, ang grupong ito ng mga tao, dahil dito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Ang kaliwanagan mula sa mga salita ng Diyos ay ipinakita sa akin na ang pagkapahiya at pagpapahirap para sa aking pananampalataya ay pagdurusa alang-alang sa pagiging matuwid. Iyon ay ang pagbibigay sa akin ng biyaya ng Diyos ng pagkakataon na magpatotoo; isa itong karangalan para sa akin. Pero nang naramdaman ko ang kaunting pagkapahiya o naranasan ko ang kaunting pisikal na pagdurusa, nawala ang aking pananampalataya sa Diyos at naisip ko pa nga ang tungkol sa kamatayan. Masyado kong inisip ang personal na pagkakamit ng kaluwalhatian o pagkapahiya. Paano naging anumang uri ng patotoo iyon? Nagpasya ako na kahit na ang kahulugan nito ay ang aking kamatayan, tatayo akong patotoo sa Diyos, pero iniisip ko na tapusin ang lahat dahil lang sa kaunting pagdurusa ng laman. Hindi ba’t nahuhulog ako sa isa sa mga pandaraya ni Satanas? Hindi ba’t sinusubok ni Satanas na pagtaksilan ko ang Diyos? Hindi ako maaaring sumuko at maging katatawanan ni Satanas. Kailangan kong patuloy na mabuhay, tumayong patotoo para sa Diyos, at ipahiya si Satanas! Sa sandaling naunawaan ko na ang kalooban ng Diyos, sinabi ko ang panalanging ito: “O, Diyos, nakahanda akong ilagay ang sarili ko sa Iyong mga kamay. Kahit gaano man ako pahirapan ni Satanas, tatayo akong patotoo para sa Iyo at hindi Ka kailanman pagtataksilan. Susundin ko ang Iyong mga pangangasiwa at pagsasaayos sa lahat ng bagay!” Naramdaman kong lumakas ako pagkatapos ng panalangin ko.
Pagbalik sa interrogation room, binuksan ng mga pulis ang isang computer kung saan inilabas nila ang mga larawan ng ilang sister upang kilalanin ko. Sinabi rin nila na mga alas-dos ng hapon noong Enero 24, inaresto nila ang ilang kapatid sa iba’t ibang lokasyon. Isa iyong pinagtulungang operasyon. Labis akong nagalit. Nang makitang hindi ako sasagot, kapwa nila akong binantaan at hinikayat, sinasabi ang mga bagay gaya ng, “Alam na namin ang lahat ng tungkol sa inyo. Walang silbi ang paglaban. Nagsalita na ang lahat ng iba, kaya ano pang silbi sa iyo ng pananahimik mo alang-alang sa kanila? Kahit pakawalan ka namin ngayon, hindi ka na tatanggapin ng iglesia mo. Magpakatalino ka—sabihin mo sa amin kung sino ang matataas na pinuno at kung saan nakatago ang pondo ng iglesia. Pagkatapos ay pauuwiin ka namin nang abot sa pagdiriwang ng Bagong Taon.” Hindi pa rin ako nagsalita, kaya sinigawan nila ako, “Kapag hindi mo sinabi sa amin kung nasaan ang pera ng iglesia, huhubaran ka namin, ibibitin mula sa kisame at bubugbugin ka namin nang sobra. Nanamnamin namin bawat minuto nito.” Natakot ako nang marinig ito. Nakita ko na ang mga diyablong iyon ay kayang gawin ang anumang bagay at hindi ko alam kung makakayanan ko iyon. Talagang kinabahan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa akin sa gabing iyon. Dahil tinamaan ako ng sunod-sunod na takot at kalungkutan, nakaramdam ako ng labis na kawalan ng magagawa. Nagmadali akong manalangin sa Diyos at humingi ng Kanyang proteksyon. Naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos pagkatapos ng aking panalangin: “Kapag handang isakripisyo ng mga tao ang kanilang mga buhay, ang lahat ng bagay ay nagiging walang halaga, at walang makagagapi sa kanila. Ano ang maaaring maging higit na mahalaga kaysa buhay? Sa ganitong paraan nawawalan si Satanas ng kakayahang gumawa pa sa mga tao, walang anumang magagawa ito sa tao. Bagaman sa pakahulugan ng ‘laman’ ay sinasabi na ginawang tiwali ni Satanas ang laman, kung tunay na ibinibigay ng mga tao ang kanilang mga sarili, at hindi nahihimok ni Satanas, kung gayon walang sinuman ang makagagapi sa kanila” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 36). Sa pamamagitan ng pagbibigay-liwanag ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na labis akong takot na mapahiya at mamatay. Sinusunggaban ni Satanas ang mga kahinaan ko upang pagtaksilan ko ang Diyos. Iyon ang pandaraya nito. Kung kaya kong ilagay sa panganib ang aking buhay, ano pang hindi ko kakayanin? Nakita ko rin na ang pagtrato nila sa akin sa gayong paraan ay hindi nagbibigay sa akin ng kahihiyan, kundi pagiging masama at kasuklam-suklam lang ng mga pulis. Walang anumang kahalagahan ang aking laman. Naging handa akong isakripisyo ang buhay ko upang magpatotoo sa Diyos at ipahiya si Satanas. Alam ko na magiging sulit ito kung makakapagpatotoo ako para sa Diyos, na hindi ako mabubuhay nang walang kabuluhan. Sa kaisipang ito, hindi na ako natakot. Napuno ako ng lakas at pananampalataya.
Mga ala-una ng hapong iyon, nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at nahihirapan akong huminga. Nanghihina ang mga binti ko at hinimatay ako sa sahig. Nang makita ako sa ganoong hitsura, sinabi lang nila, “Wag kang umarte na akala mo’y mamamatay ka na. Hindi ka pa rin namin pakakawalan. Sinasabi ng Central Committee na hindi mahalaga kung saktan namin hanggang mamatay ang isang mananampalataya. Ibig sabihin ng isa pang patay ay bawas na isang mananampalataya! Maghuhukay lang kami ng butas at itatapon ang katawan mo roon. Walang makakaalam.” Kalaunan, nakita nila na hindi talaga ako maayos, at sa takot nilang mamatay ako at mawalan sila ng lead, dinala nila ako sa ospital para ipatingin. Sinabi ng doktor na naubos na ang lakas ko at ito ang naging dahilan para magkaroon ako ng problema sa puso. Sinabi niya na dapat kumain ako at magpahinga. Pero wala silang pakialam kung mabuhay man ako o mamatay. Kalahating oras pagkatapos makabalik mula sa ospital, ipinosas uli nila ako sa mga bakal na baranda. Nang makita na wala silang napapala sa malupit nilang paraan, pinalitan nila ito ng mas mahinahon. Sinabi ng isa sa mga pulis sa akin sa pekeng malumanay na tinig na hindi siya tutol sa pananampalataya sa Panginoon, at ang kanyang lola ay isang Kristiyano. Sinabi rin niya na wala siyang nobya, at dahil nakikita niya kung gaano ako kaganda, talagang gusto niyang maghanap ng nobyang gaya ko. Pagkatapos sinabi ng isa pa, “Kahit hindi mo iniisip ang sarili mo, isipin mo ang mga magulang mo. Halos Chinese New Year na at lahat ay kasama ang kanilang mga pamilya. Pero narito ka at nagdurusa. Sobrang malulungkot ang mga magulang mo kapag nalaman nila.” Isa pang pulis ang sumabat, “May anak akong kaedad mo at ayoko ring makita ka na naghihirap sa ganitong paraan. Sabihin mo lang sa akin ang kailangan mo—ako ang may huling salita sa lugar na ito. Kaya rin kitang tulungan na makahanap ng trabaho. Maaari mong sabihin lang sa akin anuman ang alam mo.” Nasusuka akong makita ang mga pambobola nila, at naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Dapat gising kayo at naghihintay sa lahat ng oras, at dapat kayong mas manalangin sa harapan Ko. Dapat ninyong makilala ang iba’t ibang balak at mga tusong pakana ni Satanas, makilala ang mga espiritu, makilala ang mga tao, at makayang makilatis ang lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 17). Sinusubukan ni Satanas na gamitin ang mga emosyon ko at ilang maliliit na pabor upang suhulan ako, para tuksuhin akong pagtaksilan ang Diyos. Nakakahiya at kasuklam-suklam iyon! Alam ko na hindi ako maaaring mahulog sa mga pandaraya ni Satanas. Pagkatapos niyon, kahit anong banta o tukso nila sa akin, hindi ako nagsasalita. Nasa grupo ng anim o pito ang pagpunta nila, at nagsalitan sila sa pagtatanong sa akin sa loob ng walong araw at gabi. Ginamit nila ang pananakot, mga banta, at pagpapahirap upang mapaamin ako, pero wala silang nakuhang anumang impormasyon sa akin. Sa huli, sinabi ng isa sa mga pulis, “Pambihira ang iyong determinasyon, at ang Diyos mo ay dakila.” Labis akong naging masaya nang marinig ko iyon—nakita ko nang napahiya at natalo si Satanas.
Dinala nila ako sa detention center pagkatapos niyon. Nang dumating ako roon, isang babaeng pulis ang pinaghubad ako para sa strip search habang bukas ang surveillance. Nang nakapunta na ako sa selda, lahat ng ibang nakakulong ay tiningnan ako nang mabagsik, at sinulsulan sila ng mga guwardiya ng kulungan, sinasabi, “Isa rin itong mananampalataya. Tiyakin n’yo na ‘aalagaan n’yo siyang mabuti.’” Bago pa man ako makapuwesto, isang preso ang inutusan akong maligo ng malamig na tubig, at nanginginig ako habang ilang palanggana ng malamig na tubig ang ibinubuhos sa katawan ko. Nagtatawanan lang sa gilid ang ibang mga preso. Kinailangan kong mag-igib ng ilang dosenang timba ng tubig araw-araw para maglinis ng banyo at gawin ang paglilinis, at tuwing kainan, sadya nila akong binibigyan ng mas kaunting pagkain. Hindi ako nabubusog. Sa gabi, sinisipa nila ang kama ko nang malakas para hindi ako makatulog. Natakot ako nito at bumilis ang tibok ng aking puso. Ang sama nito. Kalaunan, pinatulog nila akong mag-isa sa malamig na sementong sahig. Hindi lang iyon, sinulsulan pa ng mga guwardiya ang punong preso at ilang mamamatay-tao para pahirapan ako, at ang pulis ay lagi akong tinatanong at binabantaan ako, sinasabi, “Isa kang politikal na kriminal. Walang makikialam kung mamatay ka. Kung hindi ka magsasalita, ikukulong ka namin dito nang walang tiyak na katapusan. Huwag mong isipin na makakalabas ka pa rito!” Sobrang sama para sa akin na marinig iyon. Bawat araw ng apat na buwang iyon ay labis na pagpapahirap at hindi ko na talaga kinaya iyon. Hindi ko alam kung kailan iyon matatapos. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas upang magpatuloy. Talagang nanghihina ako. Hinihiling ko na ang kamatayan upang makatakas sa sakit. Sa sakit ay nanalangin ako sa Diyos, at mapait akong naiyak habang nananalangin. Naisip ko kung paano nagkatawang-tao ang Diyos, dumating sa mundo upang ipahayag ang katotohanan at iligtas ang tao. Nasisiyahan ako sa pagdidilig at pagtustos ng mga salita ng Diyos pero gusto kong umalis sa mundong ito bago ko masuklian ang pag-ibig ng Diyos. Napuno ako ng pagkakonsensiya at pagsisisi; ang sama ng pakiramdam ko, parang isang hampas ang tumama sa puso ko. Matapos ay naisip ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Kaya, sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). “Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro. … Kayo ay mga taong patuloy na naghahanap sa tamang landas, yaong mga naghahangad ng paglago. Kayo ay mga taong naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 2). Talagang nahiya ako sa pagharap sa mga salitang ito ng Diyos. Ang Diyos ay naging tao at dumating sa mundo upang ipahayag ang napakaraming katotohanan para tustusan tayo, at ngayon kailangan Niya ang mga tao na magpatotoo para sa Kanya, pero ninais kong tumakas sa sitwasyong iyon sa pamamagitan ng kamatayan, dahil lang dumanas ako ng kaunting pagkapahiya, dahil pisikal akong nagdusa. Hindi iyon tunay na pagsunod. Hindi ba iyon paglaban sa Diyos? Naisip ko kung paanong nawala lahat ng pag-aari at mga anak ni Job, at nagdusa siya sa pagpapahirap ng karamdaman, pero hindi niya sinisi ang Diyos kailanman. Patuloy siyang nagpupuri sa pangalan ng Diyos at nagpasakop siya sa Diyos. Isang umaalingawngaw na saksi siya para sa Diyos. At sa paglipas ng mga kapanahunan, ang mga alagad at mga propeta ay isinuko ang kanilang mga buhay at dumanak ang kanilang dugo para sa Diyos. Nagtamasa ako ng lubos mula sa Diyos, pero anong isinakripisyo ko para sa Kanya? Naging napakamakasarili at kasuklam-suklam ako, at hindi ko naaabot ang halagang ibinayad ng Diyos para sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat tawaging tao! Humarap ako sa Diyos sa pagsisisi at panalangin, sinasabi, “O, Diyos, nagkamali po ako. Hindi ko dapat iniisip ang kamatayan. Gusto kong maging gaya ni Job, ni Pedro, at anuman ang kailangang harapin ko, nais kong tumayong patotoo para sa Iyo.” Binigyan ako ng pananalangin ng lakas na harapin ang susunod. Hindi nagtagal ay nailipat ang punong preso sa kulungan upang tanggapin ang kanyang sentensya at may ilang ibang preso na inilipat, na nagsimulang alagaan ako. Nagbahagi sila sa akin ng ilang kinakailangan sa araw-araw at binigyan ako ng damit na isusuot para sa panahon. Alam ko na pangangasiwa at pagsasaayos ito ng Diyos. Gaya ng sinasabi sa mga salita ng Diyos: “Anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao).
Kalaunan, isang sister ang nakilala ko sa detention center. Talagang nakakapagpainit iyon ng puso para sa akin. Kinopya namin nang palihim ang ilang salita ng Diyos upang himukin ang isa’t isa at magbahagian. Naramdaman kong napuno at nagalak ang puso ko. Pagkatapos isang araw ng Setyembre, dumating ang mga pulis upang tanungin uli ako. Kinuhanan nila ako ng larawan sa sandaling pumasok ako sa interrogation room at sinabi nila na gagamitin nila ito online at hahanapin ang pagkakakilanlan ko. Binantaan nila ako, sinasabi, “Halos maaayos na ang kaso mo. Huwag mong isipin na makakalabas ka! Ang patakaran ng Communist Party para sa mga Kristiyano, ang isang taong sentensya ay gagawing tatlong taong sentensya, at ang tatlong taong sentensya ay gagawing pitong taong sentensya. Maaari nilang bugbugin sila hanggang mamatay at walang mananagot dito. Tingnan natin kung gaano ka tatagal.” Mas nagalit ako kay Satanas na diyablo nang makita ko kung gaano kasama at kasuklam-suklam ang CCP. Tiyak na hindi ako susuko at pagtataksilan ang Diyos kailanman. Sinabi ko sa kanila nang seryoso, “Kalimutan na ninyo ang tungkol diyan. Wala akong planong lumabas. Hangga’t kaya kong makilala ang Diyos at tumayong patotoo para sa Lumikha sa aking buong buhay, may kabuluhan ito, kahit mamatay pa ako rito!” Galit na lumabas ang mga pulis.
Pinalaya ako noong Nobyembre 2013, pagkatapos ng sampung buwan ng ilegal na pagkakulong ng mga awtoridad. Kahit na pisikal akong nagdusa sa karanasan ko ng pagkaaresto ng Communist Party, binibigyang-liwanag ako ng mga salita ng Diyos sa lahat ng oras, ginagabayan ako na magtagumpay laban sa mga tukso ni Satanas at tumayong patotoo. Talagang naranasan ko ang kapangyarihan at awtoridad ng mga salita ng Diyos at lumago ang pananampalataya ko sa Diyos. Malinaw ko ring nakita ang mala-diyablong diwa ng pagkapoot ng CCP sa Diyos at pagiging kaaway Niya. Ganap ko itong tinalikuran at tinanggihan, at pinalakas ko ang determinasyon ko na sundin ang Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.