Ang Aking Karanasan sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo sa Isang Paaralan

Marso 15, 2025

Ni Jonah, Myanmar

Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya sa hilagang Myanmar. Noong Disyembre 2018, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at dumadalo ako sa mga pagtitipon habang nag-aaral. Nagtapos ako noong 2021 at naatasan na magturo sa isang liblib at mabundok na rehiyon. Bagama’t isa akong guro, sundalo rin ako. Kailangan kong sundin ang mga nakatataas sa akin sa lahat ng ginagawa ko. Kung hindi, itatalaga ako sa mga kagubatan sa pinakamapanganib at malayong parte ng front line. Tinandaan ko ang mga sinabi ng mga nakatataas at ginugol ang mga araw ko sa masipag na pagtuturo. Dahil sa mabuti kong pag-uugali, hiniling sa akin ng pinuno ng paaralan na pangasiwaan ang unyon ng mga estudyante. Bagamat abala ako sa trabaho araw-araw, hungkag ang pakiramdam ko sa loob. Natuklasan ko rin na napakahina ng koneksyon ng internet sa rehiyon kaya hindi ako makasama sa iba sa pagtitipon. Dumating ako noong kakasimula pa lang ng pandemya, at dahil sarado ang lahat ng lungsod at kalsada, wala akong kontak sa iba nang buong semestre. Bagamat wala akong kontak sa iba, nagdarasal pa rin ako at nagbabasa ng salita ng Diyos. Isang beses, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na talagang nagbigay-motibasyon sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Alam mo ba ang pasaning nasa iyong mga balikat, ang iyong atas, at ang iyong responsabilidad? Nasaan ang iyong pakiramdam ng makasaysayang misyon? Paano ka magsisilbi nang sapat bilang isang panginoon sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang matibay na paninindigan ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng bagay? Ito ba talaga ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na nilalang at lahat ng pisikal na bagay sa mundo? Ano ang mga plano mo para sa pagsulong ng susunod na yugto ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo na maging pastol nila? Mabigat ba ang iyong gawain? … Naisip mo na ba kung gaano kalungkot at kabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niya matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan, na nilikha ng sarili Niyang mga kamay, na nagdaranas ng gayong paghihirap? Kunsabagay, ang sangkatauhan ang kapus-palad na mga biktimang nalason na. At bagama’t nanatiling buhay ang tao hanggang sa araw na ito, sino ang makakaalam na matagal nang nalason ng masamang nilalang ang sangkatauhan? Nalimutan mo na ba na isa ka sa mga biktima? Hindi ka ba handang patuloy na mabuhay, dala ng iyong pagmamahal sa Diyos, upang iligtas ang mga natirang buhay na ito? Hindi ka ba handang ilaan ang lahat ng iyong lakas upang suklian ang Diyos, na nagmamahal sa sangkatauhan na parang sarili Niyang laman at dugo? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, paano mo bibigyang-kahulugan ang pagkakasangkapan ng Diyos sa iyo upang maipamuhay mo ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang matibay na pasya at tiwala na ipamuhay ang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at mapaglingkod sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?). Pagkabasa sa salita ng Diyos, naunawaan ko ang apurahan Niyang pagnanais na iligtas ang sangkatauhan. Umaasa Siya na mas maraming tunay na mananampalataya ang makakapagkamit ng kaligtasan Niya. Ito ang pinakamalaking hiling Niya. Bilang isang mananampalataya, may obligasyon akong ipalaganap ang ebanghelyo. Ito ang tungkulin ko bilang isang nilikha. Halos tatlong taon na akong nasa pananampalataya, nakakain at nakainon ako ng salita ng Diyos, at naunawaan ko ang ilang katotohanan. Kahit hindi ako normal na makadalo sa pagtitipon dahil sa trabaho at mahinang internet, pwede ko pa ring ipalaganap ang ebanghelyo. Maaari akong magdala ng mas maraming tao sa harap ng Diyos para tanggapin ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Dumarami ang mga sakuna, at nasa rurok ang pandemya, pero napakaraming tao ang hindi pa nakarinig sa tinig ng Diyos o nakatanggap sa Kanyang pagliligtas, kaya puno ng lungkot at pag-aalala ang Diyos. Hindi ako pwedeng maging walang konsensya. Kailangan kong ibahagi ang ebanghelyo, dalhin ang mga may mabuting pagkatao na nananalig sa Diyos sa harap Niya, at gawin ang tungkulin ko para mapalugod Siya. Pero parehong limitado ang tayog ko at pagkaunawa ko sa katotohanan at hindi ko alam kung paano mangaral. Handa ako pero wala akong kakayahan. Kaya nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko! Maliit ang tayog ko at hindi ko alam kung paano mangaral. Pakiusap gabayan Mo ako na dalhin ang mga tunay na nananalig sa harap Mo. Alam kong hindi madali ang pagpapalaganap ng ebanghelyo, pero sa Iyong patnubay, sigurado akong madadala ko sila sa harap Mo.”

Pagkatapos ay nagplano akong ibahagi ang ebanghelyo sa mga kasamahan at estudyante ko. Pero noong panahong iyon, medyo nagtatalo ang kalooban ko. Dahil sinabi sa akin ng mga nakatataas ko na isa akong guro at sundalo, kaya hindi ako pwedeng gumawa ng anuman na walang kaugnayan sa pagtuturo, at kung mahuhuli ako, ipapadala ako sa front line, kung saan madalas na may mga labanan at pag-atake ng terorista, at maaari akong mamatay anumang oras. Nabalitaan ko rin na ang huling punong-guro ng paaralan ay isang Kristiyano at nainilipat siya sa ibang paaralan ng kanyang mga nakatataas dahil sa pangangaral niya sa kanyang mga estudyante, naibinaba ang ranggo niya at ginawa na lamang siyang isang ordinaryong guro, at na kung lalabagin niyang muli ang mga patakaran, ipapadala siya sa mga front line. Habang iniisip ang lahat ng ito, medyo natakot ako: “Nakapagturo pa rin ang punong-guro pagkatapos matanggal, pero isa lang akong ordinaryong guro. Kapag nalaman nilang nangangaral ako, ipapadala ako diretso sa front line, at mawawalan na ako ng pagkakataon na maging guro. Makakayanan kong mawala ang trabaho ko; ang totoong problema ay na maaari akong mamatay anumang sandali sa isang mapanganib na lugar.” Dahil sa mga isiping ito, lubha akong natakot na mangaral sa paaralan. Pero naisip ko na malapit nang matapos ang gawain ng Diyos at dumarami ang mga sakuna, at kung hindi ako mangangaral sa aking mga kasamahan, kaibigan, at estudyante, at hindi sila dadalhin sa harap ng Diyos, balang araw, masasadlak sila sa sakuna, maparurusahan at mawawalan ng pagkakataon na maligtas. Ang apurahang pagnanais ng Diyos ay ang ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian at iligtas ang mga maaaring mailigtas, pero nag-aalala lang ako sa sarili kong kinabukasan at kapalaran, at masyadong natatakot na ipalaganap ang ebanghelyo sa mga huling araw. Talagang binibigo ko ang Diyos! Nagtatalo ang kalooban ko. Nabasa ko kalaunan ang dalawang sipi ng salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng pananalig. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi ka dapat matakot sa ganito at ganyan; gaano man karaming hirap at panganib ang maaari mong harapin, kaya mong manatiling hindi natitinag sa Aking harapan, hindi nahahadlangan ng anumang balakid, upang ang Aking kalooban ay maisagawa nang walang sagabal. Ito ang iyong tungkulin…. Kailangan mong tiisin ang lahat; para sa Akin, kailangan mong maging handang bitawan ang lahat ng pag-aari mo at gawin ang lahat ng iyong magagawa upang sumunod sa Akin, at maging handang gugulin ang lahat ng mayroon ka. Ngayon ang panahon na susubukin kita: Ihahandog mo ba ang iyong katapatan sa Akin? Makasusunod ka ba sa Akin hanggang sa dulo ng daan nang may katapatan? Huwag matakot; sa suporta Ko, sino ang makakahadlang sa daan? Tandaan ito! Huwag kalimutan! Ang lahat ng nagaganap ay sa pamamagitan ng Aking mabuting hangarin, at ang lahat ay nasa ilalim ng Aking pagmamasid. Masusunod mo ba ang Aking salita sa lahat ng sinasabi at ginagawa mo? Kapag ang mga pagsubok ng apoy ay sumapit sa iyo, luluhod ka ba at tatawag? O yuyukod ka ba at hindi na kakayaning sumulong?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). “Bilang nilalang ng Diyos, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong gampanan ang iyong tungkulin, gawin ang nararapat mong gawin nang buong puso, isip at lakas mo. Ang iba—mga bagay na may kinalaman sa mga hinaharap at kapalaran, at ang kahahantungan ng sangkatauhan sa hinaharap—hindi ito mga bagay na mapagpapasyahan mo, nasa mga kamay ng Diyos ang mga ito, ang lahat ng ito ay idinikta at isinaayos ng Lumikha, at walang kinalaman sa anumang nilalang ng Diyos. … Dapat mong kilalanin ang isang katotohanan: Anumang uri ng pangako ito, mabuti man ito o pangkaraniwan, kalugod-lugod man ito o hindi interesante, ang lahat ay idinidikta, isinasaayos at itinatakda ng Lumikha. Ang pagsunod at paghahanap lamang sa tamang direksyon at landas na ipinakita ng Lumikha ang siyang tungkulin at obligasyon ng isang nilalang ng Diyos. Tungkol sa kung ano ang makakamit mo sa huli, at ang bahagi ng alin sa mga pangako ng Diyos ang matatanggap mo, nakabatay itong lahat sa iyong pinupursige, sa landas na iyong tinatahak, at sa kung ano ang idinidikta ng Lumikha(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikasiyam na Bahagi)). Malinaw na sinasabi sa akin ng salita ng Diyos na huwag matakot at na nasa mga kamay ng Diyos ang lahat ng bagay. Magpapatuloy man ako bilang guro o mapapadala sa front line ay hindi nakasalalay sa sinumang tao, kundi sa Diyos lang. Hindi ito nakasalalay sa punong-guro o sa mga lider. Kailangan kong manalig sa Diyos. Kapag nasa likod ko ang Diyos, wala akong dapat ikatakot, gaano man kahirap ipalaganap ang ebanghelyo. Palagi akong natatakot na kapag nalaman ng paaralan na nangangaral ako, ipapadala ako sa front line at lubhang manganganib, kaya hindi ako nangahas na ibahagi ang ebanghelyo. Wala talaga akong pananalig sa Diyos. Ang mga salitang ito ng Diyos ang pinakanakaantig sa akin: “Dapat mong gampanan ang iyong tungkulin, gawin ang nararapat mong gawin nang buong puso, isip at lakas mo. Ang iba—mga bagay na may kinalaman sa mga hinaharap at kapalaran, at ang kahahantungan ng sangkatauhan sa hinaharap—hindi ito mga bagay na mapagpapasyahan mo, nasa mga kamay ng Diyos ang mga ito, ang lahat ng ito ay idinikta at isinaayos ng Lumikha, at walang kinalaman sa anumang nilalang ng Diyos.” Mas lalo akong nagkaroon ng motibasyon. Bilang isang nilikha, dapat kong gawin ang tungkulin ko at tuparin ito nang buong puso. Anuman ang mangyari sa trabaho ko, ipadala man ako sa mga front line, o malagay man sa panganib ng kamatayan, ang lahat ng bagay na ito ay idinikta at isinaayos ng Panginoon ng paglikha. Palagi akong nag-aalala na ililipat ako ng mga lider sa mga front line kapag natuklasan akong nangangaral, dahil hindi ko naintindihan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, na para bang mapagpapasyahan ng mga lider ang kapalaran ko. Napakahangal ko. Parehong lumalala na ngayon ang mga sakuna at pandemya at hindi na talaga dapat mag-aksaya ng oras. Masuwerte akong matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, pero hindi ako nangangaral sa mga nasa paligid ko. May pagkakautang ako sa mga tao at naghihimagsik ako laban sa Diyos, at hindi mapayapa ang konsensya ko. Nang mapagtanto ang mga bagay na ito, nagkaroon ako ng pananalig. Naging handa akong isantabi ang aking mga alalahanin at gawin ang tungkulin ko—mangaral at magpatotoo sa Diyos.

Napaisip ako kalaunan, “Bakit ba sobra akong natatakot na mapadala sa front line hanggang sa puntong hindi ako naglalakas-loob na gawin ang tungkulin ko? Ano ba mismo ang pumipigil sa akin?” Nakita ko ito sa salita ng Diyos. “Ang pinakamalungkot na bagay tungkol sa paniniwala ng sangkatauhan sa Diyos ay na isinasagawa ng tao ang kanyang sariling pamamahala sa gitna ng gawain ng Diyos subalit hindi pinapansin ang pamamahala ng Diyos. Ang pinakamalaking kabiguan ng tao ay nasa kung paanong ang tao, kasabay ng paghahangad na magpasakop sa Diyos at sambahin Siya, ay bumubuo ng sarili nitong mainam na hantungan at nagpaplano kung paano matatanggap ang pinakamalaking pagpapala at pinakamagandang hantungan. Kahit nauunawaan ng isang tao kung gaano siya kahabag-habag, kasuklam-suklam, at kaawa-awa, ilan ang madaling makakatalikod sa kanyang mga mithiin at inaasam? At sino ang nagagawang pahintuin ang sarili niyang mga hakbang at patigilin ang pag-iisip lamang sa kanyang sarili? Kailangan ng Diyos yaong mga makikipagtulungan nang husto sa Kanya upang tapusin ang Kanyang pamamahala. Kailangan Niya yaong mga magpapasakop sa Kanya sa pamamagitan ng paglalaan ng kanilang buong isipan at katawan sa gawain ng Kanyang pamamahala. Hindi Niya kailangan ang mga taong maglalahad ng kanilang mga kamay para mamalimos sa Kanya araw-araw, lalong hindi Niya kailangan yaong mga nagbibigay ng kaunti at pagkatapos ay naghihintay na magantimpalaan. Kinamumuhian ng Diyos yaong mga gumagawa ng maliit na kontribusyon at pagkatapos ay nagpapakasasa sa kanilang mga tagumpay. Kinamumuhian Niya yaong mga taong walang damdamin na minamasama ang gawain ng Kanyang pamamahala at nais lamang pag-usapan ang tungkol sa pagtungo sa langit at pagtatamo ng mga pagpapala. Higit pa ang pagkasuklam Niya sa mga nagsasamantala sa pagkakataong hatid ng gawaing Kanyang ginagawa sa pagliligtas sa sangkatauhan. Iyon ay dahil hindi kailanman nagmalasakit ang mga taong ito sa nais ng Diyos na makamit at makuha sa pamamagitan ng gawain ng Kanyang pamamahala. Ang inaalala lamang nila ay kung paano nila magagamit ang pagkakataong laan ng gawain ng Diyos upang magtamo ng mga pagpapala. Wala silang malasakit sa puso ng Diyos, dahil lubos silang abala sa sarili nilang mga inaasam at kapalaran. Yaong mga minamasama ang gawain ng pamamahala ng Diyos at wala ni katiting na interes kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan at sa Kanyang kalooban ay ginagawa lamang kung ano ang ikinasisiya nila sa isang paraan na hiwalay sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Ang kanilang pag-uugali ay hindi tinatandaan ni inaaprubahan ng Diyos—lalong hindi pinapaboran ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Napagtanto ko pagkatapos pagnilayan ang salita ng Diyos na ang pangunahing dahilan kung bakit sobra akong natatakot na mangaral ay dahil sa alalahanin ko sa aking kapalaran. Natatakot ako na ipapadala ako ng mga lider sa front line kapag natuklasan nilang nangangaral ako, at kapag nangyari iyon, bukod sa hindi ako makakapagtipon o makakabasa ng salita ng Diyos, kakailanganin kong igugol ang mga araw ko sa pagpapatrolya sa mga kagubatan habang may dalang baril. Isa itong rehiyon na puno ng labanan at terorismo, at kung magkakamali ako roon, malamang na mamamatay ako at habang-buhay na mawawalan ng pagkakataong maligtas. Nakita ko na nananalig ako sa Diyos para magkamit ng mga pagpapala, hindi para hangarin ang katotohanan o gawin ang tungkulin ng isang nilikha. Ang pananalig at tungkulin ko ay para sa sarili kong mga interes. Handa akong gawin ang mga bagay na magbibigay sa akin ng mga pagpapala pero hindi ang mga bagay na wala akong mapapala. Katulad ito ng relasyon sa pagitan ng isang amo at manggagawa—nakatuon sa pakinabang at transaksyonal, walang pagmamahal o malasakit sa Diyos. Sobra akong makasarili at kasuklam-suklam. Nananalig ako sa Diyos pero ayaw kong tiisin ang katiting na pagdurusa o pinakamaliit na paghihirap. Inisip ko na sapat na ang nasa ginhawa ako habang nagbabasa ng salita ng Diyos at nagpupuri ako sa Kanya sa pamamagitan ng kanta at sayaw, pero ang pananalig kong ito ay hindi tunay na magpaparanas o magpapaunawa sa akin sa salita ng Diyos kahit kailan, hindi ko kailanman makikilala ang tiwali kong disposisyon, o matatamo ang kaligtasan. Sa ating pananalig, hinihiling sa atin ng Diyos na sundin ang kalooban Niya, mahalin Siya, at magpatotoo sa Kanya. Anuman ang ating kinakaharap, kailangan nating laging hanapin ang katotohanan, magpasakop sa Diyos, magkaroon ng takot sa Diyos at iwasan ang kasamaan, at saka lamang natin matatamo ang kaligtasan. Ang paghahangad ko sa mga pagpapala ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos at malayo sa Kanyang mga hinihingi. Bilang isang mananampalataya, dapat kong hangarin na mahalin at sundin ang Diyos, at ilaan ang sarili ko sa pagpapatotoo sa Kanyang gawain sa mga huling araw. Ito lang ang may halaga at makabuluhan. Kaya ipinagdasal ko sa Diyos na sana hindi ko na laging isipin ang sarili kong kinabukasan. Kailangan kong ipalaganap at patotohanan ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw.

Nagsimula ako sa pangangaral sa mga kasamahan ko, pero nakita kong talagang tutol silang manalig sa Diyos, kaya pinuntahan ko ang mga estudyante ko at pinangaralan sila. Binabasahan ko sila ng salita ng Diyos pagkatapos ng klase araw-araw tulad ng “Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao,” “Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan,” at tinatalakay ko ang mga bagay tulad ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Talagang sabik silang makinig. Salamat sa gabay ng Diyos, sa loob ng isang buwan, napabalik-loob ko ang mahigit 50 tao sa paaralan. Mas tumibay ang pananalig ko sa panahong ito. Nakita ko na sabik ang mga estudyanteng ito na magtipon at may mahuhusay silang pagkaunawa, kaya nangaral ako at nagpatotoo sa Diyos nang may mas matibay pang paninindigan. Hindi na ako gaanong kinakabahan o natatakot, dahil alam kong kasama ko ang Diyos at talagang naunawaan ko ang ibig Niyang sabihin nang sinabi Niya na: “Dapat kang manalig na nasa kamay ng Diyos ang lahat, at na nakikipagtulungan lamang ang mga tao sa Kanya. Kung taimtim ang puso mo, makikita ito ng Diyos, at bubuksan Niya ang lahat ng mga landas para sa iyo, gagawing magaan ang mga paghihirap. Ito ang pananampalatayang dapat mayroon ka. Samakatuwid, Hindi ninyo kailangang mabahala tungkol sa anumang bagay habang ginagampanan ninyo ang tungkulin ninyo, basta’t ginagamit mo ang lahat ng lakas mo at nilalagay ang puso mo rito. Hindi gagawing mahirap ng Diyos ang mga bagay para sa iyo o pipilitin kang gawin ang hindi mo kaya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananalig sa Diyos, ang Pinakamahalaga ay Isagawa at Danasin ang Kanyang mga Salita). Sinasabi sa atin ng Diyos na hangga’t taos-puso tayong nakikipagtulungan sa Kanya, magbubukas Siya ng landas para sa atin. Hindi ko kailangang masyadong mag-alala. Kailangan ko lang gawin ang lahat ng aking makakaya, ibigay ang lahat, at umasa sa Diyos habang gumagawa ako. Abot-kaya ko at hindi lampas sa tayog ko ang lahat ng hinihingi ng Diyos.

Habang parami nang parami ang mga estudyanteng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagsimulang manghimasok ang mga puwersa ni Satanas. Ang mga estudyante sa paaralan ay mula sa isang etnikong minorya, na nananalig sa Budismo, kaya’t simula’t sapul ay mga Budista sila. Sinabi sa akin ng ilang estudyante na pinagbawalan sila ng mga magulang nila na manalig. Sinabi ng isang estudyante na binalaan pa nga siya ng mga magulang niya na kapag natuklasan nilang nananalig siyang muli sa Diyos, palalayasin siya ng mga ito at itatakwil bilang anak. Marami sa mga estudyante ang hindi alam kung ano ang gagawin. Noong panahong iyon, nag-alala ako na baka masiraan sila ng loob at manghina dahil sa pang-uusig ng kanilang mga pamilya, o maramdaman pa ngang hindi nila makakaya o iiwan nila ang pananampalataya. Balisang-balisa ako at hindi alam kung ano ang gagawin. Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos. Kung iiwan nila ang pananampalataya, mawawala sa kanila ang pagliligtas ng Diyos. Paano ko ito mapananagutan sa harap ng Diyos? Ginugol ko ang mga araw ko sa pagdarasal at paghiling sa Diyos na gabayan ako. Kalaunan, nabasa ko ito sa salita ng Diyos. “Kapag ang Diyos ay gumagawa, nagmamalasakit sa isang tao, at nagmamasid sa taong ito, at kapag pinapaboran at sinasang-ayunan Niya ang taong ito, nakabuntot din nang malapitan si Satanas, tinatangkang linlangin ang taong ito at ilagay sa kapahamakan. Kung nais ng Diyos na makamit ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos, upang makamit ang natatagong layon nito. Ano ang layon nito? Ayaw nito na makamit ng Diyos ang sinuman; nais nitong agawin ang pagmamay-ari sa mga taong nais makamit ng Diyos, gusto nitong kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan, at labanan ang Diyos. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? … Sa pakikipagdigma sa Diyos at pagsunud-sunod sa likuran Niya, ang layunin ni Satanas ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, ang sakupin at kontrolin ang mga nais na makuha ng Diyos, ang ganap na puksain ang mga nais na makuha ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa, sila kung gayon ay aangkinin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Sa pagninilay-nilay sa salita ng Diyos, naunawaan ko na habang gumagawa ang Diyos para iligtas ang tao, nakasunod si Satanas sa likuran, ginagawang tiwali at pinipinsala ang tao, nanghihimasok at sinisira ang gawain ng Diyos. Ito ay tinutukoy ng masamang diwa ni Satanas. Nangangaral tayo at nagpapatotoo sa Diyos para iligtas ang mga tao, pero hindi pumapayag si Satanas dito. Patuloy na nagtatangka si Satanas na hadlangan at guluhin tayo nang may intensyong sirain ang gawain ng Diyos, nilalayo tayo sa Diyos at ipinapagkanulo sa atin ang Diyos. Pagkatapos ay mawawala sa atin ang pagliligtas Niya, at sasama tayo kay Satanas sa impiyerno. Kailangan kong matukoy ang mga panlilinlang ni Satanas at iwasan ang mga bitag nito. Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, binasa ko ang mga salita ng Diyos sa mga kapatid para ipaunawa sa kanila ang katotohanan at para matukoy nila ang mga panlilinlang ni Satanas. Nagbahagi ako sa kanila: “Alam niyo ba kung bakit nahaharap tayo sa napakaraming balakid sa sandaling manalig tayo sa Diyos? Ito ay dahil noon pa man ay napamumunuan na tayo ni Satanas, pero ngayong nananalig tayo sa Diyos, tinatanggap ang Kanyang pagliligtas, at nakikinig sa Kanyang salita, hindi na natin sinasamba si Satanas. Ayaw ni Satanas na maligtas tayo ng Diyos, kaya ginagamit nito ang mga nakapaligid sa atin para guluhin tayo, sa intensyong pigilan tayo sa pananalig sa tunay na Diyos, ibinabalik tayo sa pamumuno nito, ginagawa tayong tiwali, pinipinsala tayo, at ipinagkakait ang pagkakataon nating mailigtas ng Diyos. Kaya hindi tayo pwedeng mahulog sa mga panlilinlang ni Satanas.” Kalaunan, nagbahagi ako sa kanila sa mga katotohanan ng “ang pagkakaiba ng tunay na Diyos sa huwad na mga diyos,” “kung saan nagmula ang Budismo,” at “May nag-iisang tunay na Diyos.” Pagkatapos kong magbahagi, sinabi ng isang brother: “Naiintindihan ko na ngayon na sa sandaling manalig tayo sa Diyos at tanggapin ang Kanyang gawain, hinahadlangan at ginugulo tayo dahil hindi natin sinasamba si Satanas at ginagawa ni Satanas ang lahat ng makakaya nito para pigilan tayo na manalig sa Diyos at tumahak sa tamang landas. Kailangan nating magkaroon ng pagkakilala at hindi pwedeng mahulog sa mga bitag ni Satanas.” Sinabi ng isang sister: “Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang tunay na Diyos at kung ano ang mga huwad na diyos. Ang tunay na Diyos lamang ang may kakayahang lumikha ng langit at lupa at lahat ng bagay, gayundin ng sangkatauhan. Hindi lamang Niya nilikha ang lahat; Siya ang naghahari dito. Tinutustusan din Niya tayo ng masaganang pang-araw-araw na pangangailangan. Ang isang huwad na diyos ay hindi man lang kayang lumikha ng isang insekto, lalo na ng langit at lupa at lahat ng bagay, kaya hindi tayo dapat maniwala sa kanila.” Talagang naantig ako nang marinig kong sabihin ito ng mga kapatid. Sa espirituwal na labanan kay Satanas, naunawaan nila ang katotohanan mula sa salita ng Diyos at natukoy ang mga panlilinlang ni Satanas. Wala sa kanila ang nagkamali. Sa halip, mas naging determinado pa silang sumunod sa Diyos. Ang lahat ng ito ay nakamit sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Mas lalo ring tumibay ang pananalig ko sa Diyos pagkatapos.

Isang beses, talagang binatikos ako ng punong-guro. Sabi niya: “Jonah, makinig ka sa akin. Pangatlong beses na kitang ipinatawag dito. Paulit-ulit ko na lang sinasabi sa iyo ang bagay na alam mo naman na. Nagiging sikat ka na yata. Alam ng mga tao mula sa malalayong lugar na nangangaral ka sa paaralan! Mga guro tayo na kung sa dapat ay nagbibigay ng kaalaman sa mga estudyante, kaya bakit ka nagtuturo ng pananampalataya sa Diyos? Lahat ng taganayon dito ay mga Budista. Kailangan nating mas sumunod sa kanilang mga kaugalian at ituro sa kanila ang sarili nilang pananampalataya. Nakakaapekto nang husto sa paaralan natin ang pangangaral mo ng ganito—sinusubukan mo bang sirain ang reputasyon natin? Gusto mo bang hamakin ng mga estudyante at ng kanilang pamilya? Imoral at hindi propesyonal ang ginagawa mo! Hindi ka karapat-dapat maging guro! Kapag hindi ka tumigil, ililipat ka sa pagtatapos ng semestre!” Sobrang sama ng loob ko at alam kong nagmula sa diyablong si Satanas ang mga salitang ito. Nais lamang niya na sundin ng mga tao ang diyablo at hindi sila hinahayaang lumapit sa Diyos para sumamba. Ang pananalig sa Diyos ang pinakamatuwid na bagay pero sa kanyang mga mata, ito ay masama. Nakita ko na binabaluktot ng mga diyablong ito ang mga katunayan at hindi matukoy ang tama sa mali. Pagbalik sa dormitoryo, sobrang sama ng loob ko. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari at nang hindi namamalayan, isinaalang-alang kong muli ang kinabukasan ko. Ano ang mangyayari kung talagang ililipat ako? Ipapadala ba ako sa front line? Paano ko haharapin ang kakila-kilabot na kalagayan sa front line? Paano ako makakapanalig sa Diyos? Maliligtas pa kaya ako? … Naluha ako sa mga isiping ito. Hindi man lang ako inantok noong gabing iyon. Naupo lang ako sa may mesa buong gabi, paulit-ulit na nagdarasal sa Diyos: “Diyos ko, bakit hindi ko maiwasang matakot sa sitwasyong ito?” Naisip ko ang mga paraan ng pagtitiwali ni Satanas sa mga tao na binanggit sa salita ng Diyos. Sabi ng Diyos, “Ang una ay kontrol at pamumuwersa. Iyon ay, gagawin ni Satanas ang lahat ng maaaring gawin upang kontrolin ang iyong puso. Ano ang ibig sabihin ng ‘pamumuwersa’? Nangangahulugan ito ng paggamit ng pagbabanta at sapilitang taktika upang pilitin kang sumunod dito, na pinag-iisip ka sa mga maaaring mangyari kung hindi ka susunod. Natatakot ka at hindi nangangahas na salungatin ito, kaya nagpapasakop ka rito(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Sa pagninilay-nilay sa salita ng Diyos, mas naunawaan ko ang pangit na mukha ni Satanas. Alam ni Satanas na natatakot akong maipadala sa front line, kung saan palagian at lubha akong manganganib. Ang takot na iyon sa kamatayan ang pinakamatindi kong kapintasan at pinakamalaking kahinaan. Ginagamit ni Satanas ang punong-guro para guluhin ako at ang posibilidad ng paglipat para takutin ako, tinutulak ako para yumukod at makipagkompromiso kay Satanas sa pamamagitan ng pagsuko sa tungkulin ko at paghinto sa pagpapatotoo sa Diyos. Maaaring mukhang ginagawa ng punong-guro kung ano ang pinakamabuti para sa akin, pero ang totoo, pinipilit niya akong huminto sa pangangaral para pangalagaan ang reputasyon niya. Hindi niya ako pinahihintulutang ipangaral ang ebanghelyo ng pagliligtas ng Diyos, pero gusto niyang ipangaral ko ang kalakaran ni Satanas at makipagkompromiso kay Satanas. Nakita ko ang totoong masamang mukha ng punong-guro. Nagkaroon ako ng kaunting pagkakilatis at nalaman na ang mga ito ay panlilinlang ni Satanas. Alam ko na kung bakit masyado akong napipigilan kapag nangangaral ako. Ito ay dahil sa sobrang takot ko sa kamatayan. Natatakot ako na kapag inilipat ako sa front line para depensahan ang frontier, maaari akong mapatay anumang oras, at mas lalo ko pang kinatatakutan na pagkatapos mamatay, mawawalan ako ng pagkakataong manalig sa Diyos o mailigtas, kaya napaatras ako at nasiraan ng loob.

Pagkatapos nito, dinala ko ang kalagayan kong ito sa harap ng Diyos sa panalangin, hinihiling sa Kanya na gabayan ako na madaig itong pagkatakot sa kamatayan. Nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos. “Paano namatay ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Sa mga disipulo, may mga pinukol ng bato, ipinakaladkad sa kabayo, ipinakong patiwarik, pinaghiwa-hiwalay ng limang kabayo ang katawan—sinapit nila ang lahat ng uri ng kamatayan. Ano ang dahilan ng kanilang kamatayan? Naaayon ba sa batas ang pagpatay sa kanila dahil sa kanilang mga krimen? Hindi. Sila ay kinondena, binugbog, kinagalitan, at pinatay dahil ipinalalaganap nila ang ebanghelyo ng Panginoon at tinanggihan ng mga tao ng mundo—ganyan kung paano sila minartir. … Anuman ang paraan ng kanilang kamatayan at paglisan o kung paano man ito naganap, hindi ito ang paraan ng Diyos ng pagtukoy sa pangwakas na mga kahihinatnan ng mga buhay na iyon, ng mga nilikhang iyon. Ito ay isang bagay na dapat mong malinaw na makita. Sa kabaligtaran, ginamit nila mismo ang mga kaparaanang iyon upang kondenahin ang mundong ito at upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos. Ginamit ng mga nilikhang ito ang kanilang buhay na pinakamahalaga sa lahat—ginamit nila ang huling sandali ng kanilang buhay upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, upang magpatotoo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at upang ipahayag kay Satanas at sa mundo na tama ang mga gawa ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay Diyos, na Siya ang Panginoon, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos; hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, hindi nila kailanman itinatwa ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi ba ito isang anyo ng paghatol sa mundong ito? Ginamit nila ang kanilang mga buhay upang ipahayag sa mundo, upang tiyakin sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, na ang Panginoong Jesus ay Cristo, na Siya ang katawang-tao ng Diyos, na ang gawain ng pagtubos na isinagawa Niya para sa buong sangkatauhan ay nagpapahintulot sa sangkatauhan na patuloy na mabuhay—hindi nagbabago ang katotohanang ito magpakailanman. Yaong mga naging martir dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus, hanggang sa anong punto nila tinupad ang kanilang tungkulin? Hanggang sa pinakahuling punto ba? Paano naipakita ang pinakahuling punto? (Inialay nila ang kanilang buhay.) Tama iyan, buhay nila ang kanilang naging kabayaran. Pawang panlabas na mga bagay ang pamilya, kayamanan, at ang materyal na mga bagay sa buhay na ito; buhay ang tanging bagay na nakapaloob sa sarili. Sa bawat nabubuhay na tao, ang buhay ang bagay na pinaka-karapat-dapat na pakaingatan, ang pinakamahalagang bagay at, sa katunayan, nagawa ng mga taong ito na ialay ang pinakamahalagang pagmamay-ari nila—ang buhay—bilang patunay at patotoo sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Hanggang sa araw na sila ay mamatay, hindi nila itinatwa ang pangalan ng Diyos, at hindi rin nila itinatwa ang gawain ng Diyos, at ginamit nila ang kanilang huling sandali ng buhay upang magpatotoo sa pag-iral ng katotohanang ito—hindi ba ito ang pinakamataas na anyo ng patotoo? Ito ang pinakamahusay na paraan ng pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin; ito ang pagtupad ng isang tao sa kanyang pananagutan. Nang pagbantaan at takutin sila ni Satanas, at, sa huli, kahit pa nang ipabayad sa kanila ang kanilang mga buhay, hindi nila tinakasan ang kanilang pananagutan. Ito ang kahulugan ng pagtupad ng isang tao sa tungkulin hanggang sa pinakasukdulang punto. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Ibig Ko bang sabihin na gamitin ninyo ang ganoon ding paraan upang magpatotoo sa Diyos at upang maipalaganap ang ebanghelyo? Sadyang hindi kinakailangang gawin mo ang ganoon, ngunit dapat mong maunawaan na ito ay iyong pananagutan, na kung kinakailangan ng Diyos na gawin mo ito, dapat mo itong tanggapin bilang isang obligasyong moral. May takot at pag-aalala sa kalooban ang mga tao ngayon, ngunit anong silbi ng mga damdaming iyon? Kung hindi kailangan ng Diyos na gawin mo ito, para saan ang pag-aalala tungkol dito? Kung kailangan ng Diyos na gawin mo ito, hindi ka dapat umiwas o tumanggi sa pananagutang ito. Dapat kang maagap na makipagtulungan at tanggapin ito nang walang pag-aalala. Paano man mamatay ang isang tao, hindi siya dapat mamatay sa harap ni Satanas, at hindi mamatay sa mga kamay nito. Kung mamamatay ang isang tao, dapat siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos. Nagmula sa Diyos ang mga tao, at sa Diyos sila magbabalik—gayon ang katuturan at saloobing dapat taglayin ng isang nilikha. Ito ang panghuling katotohanang dapat unawain ng isang tao sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagganap sa kanyang tungkulin—dapat ibayad ng isang tao ang halaga ng kanyang buhay upang maipalaganap at magpatotoo sa ebanghelyo ng Diyos na nagkatawang-tao na gumaganap ng Kanyang gawain at nagliligtas sa sangkatauhan. Kung may ganito kang pagnanais, kung makakapagpatotoo ka sa ganitong paraan, kahanga-hanga iyon. Kung hindi ka pa rin nagtataglay ng ganitong uri ng pagnanais, kahit paano ay dapat mong maayos na tuparin ang pananagutan at tungkuling nasa harapan mo, ipaubaya na sa Diyos ang iba. Sa gayon marahil, habang lumilipas ang mga buwan at mga taon at dumarami ang iyong karanasan at nagkakagulang, at lumalalim ang iyong pagkaunawa sa katotohanan, matatanto mo na mayroon kang obligasyon at pananagutang ialay ang iyong buhay sa gawain ng ebanghelyo ng Diyos, maging hanggang sa dulo ng iyong buhay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ay Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Mula sa salita ng Diyos, nakita ko na sa Kapanahunan ng Biyaya, kinondena at inusig ang mga disipulo ng Panginoong Jesus dahil sa pangangaral ng ebanghelyo ng Diyos, pero anuman ang mga proseso o paraan ng kanilang pagkamatay, hindi iyon tumutukoy sa kanilang kinahinatnan sa huli. Ang buhay at pagkamatay ng katawan ng isang tao ay hindi nagpapahiwatig kung magiging mabuti o masama ang kanyang kahihinatnan. Bagamat tila masamang bagay ang pang-uusig hanggang kamatayan sa mga disipulo ng Panginoong Jesus, ang totoo, naging martir sila upang matupad ang atas ng Diyos, at ito ay ginugunita ng Diyos. Nang maharap sa masasamang puwersa ni Satanas, nagpatotoo sila sa gawain ng Diyos nang walang pagsasaalang-alang sa kanilang buhay o seguridad. Naging mas malakas ang kanilang patotoo dahil dito, nadaig nila si Satanas. Ang buhay ang pinakamahalagang bagay na mayroon ang isang tao, pero inialay nila ang kanilang pinakamamahal na buhay para magpatotoo sa Diyos at ipaalam sa mundo ang gawain ng Diyos. Ito ang pinakadakilang patotoo. Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, napahiya ako. Nang balaan ako ng punong-guro na ililipat ako kapag nangaral akong muli, sobra akong natakot. Natakot ako na ipadadala ako sa front line, at na kapag namatay ako, magiging katapusan ko na at hindi na ako maliligtas. Masyado kong pinahahalagahan ang buhay ko at wala akong paninindigan o patotoo. Kung ikukumpara sa mga apostol, talagang nagkukulang ako. Inisip ko kung saan nanggaling ang buhay ko at na ibinigay ito ng Diyos. Ang Diyos ang nagpapasya kung kailan tayo mamamatay, at walang nabubuhay ng kahit isang minuto na lagpas dito. Kung pinoprotektahan ng Diyos ang isang tao at hindi niya hinahayaang mamatay ito, kung gayon, kahit nasa pinakadelikadong lugar ito, hindi ito mamamatay. Ang mga tao ay walang kontrol sa kung kailan sila mabubuhay o mamatay, lalo na sa kanilang huling kahihinatnan. Mas lalong nakasalalay ito sa mga kamay ng Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagkat ang sinumang mag-ibig iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa Akin ay makakasumpong niyaon(Mateo 16:25). Kapag nangangaral tayo at nagpapatotoo sa Diyos, nahaharap tayo sa maraming pag-uusig at paghihirap. Tulad ng mga disipulo ng Panginoong Jesus, ang ilan ay maaaring usigin hanggang sa mamatay dahil sa pangangaral at pagpapatotoo sa Diyos, pero nasa mga kamay ng Diyos ang kaluluwa nila. Bagama’t maaaring patay na ang kanilang mga katawan, hindi ito nangangahulugan na wala na silang huling kahihinatnan. Ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at isinasaayos ng Diyos. Kung hindi ko gagawin ang tungkulin ko o ipapangaral ang ebanghelyo dahil inaasam ko ang buhay at natatakot sa kamatayan, kahit na hindi ako ipadala sa front line o kahit nasa matinding panganib ako, sa mga mata ng Diyos, ako ay isang bangkay na naglalakad, isang patay na tao na dapat palayasin sa huli. Dapat kong itaya ang lahat, maging ang sarili kong buhay, upang sundin ang Diyos at ipangaral ang ebanghelyo. Kung talagang ipadadala ako sa front line, dapat akong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Maaari rin akong mangaral sa mga sundalo sa front line para magdala ng mas maraming tao sa harap ng Diyos. Kahit na balang araw ay talagang uusigin ako hanggang sa mamatay dahil sa pangangaral at pagpapatotoo sa Diyos, ito ay may pahintulot ng Diyos at nanaisin kong magpasakop. Sa pag-iisip tungkol dito, nagpasya ako sa harap ng Diyos na magpatuloy sa pangangaral at pagpapatotoo sa Kanya, at na hindi ako dapat mapigilan ng sinuman.

Pagkatapos nito, nagdasal ako sa Diyos araw-araw at nagpatuloy sa pangangaral at pagpapatotoo sa salita ng Diyos sa iba. Pinangunahan ko rin sila sa pagbabalik-aral sa kanilang mga leksiyon at nagsaayos ako ng mga oras ng pagtitipon para sa kanila sa mga panahon ng bakasyon, at mas lalo silang naging aktibo kaysa dati. Pagkatapos ng kanilang mga pagsusulit, nakita ko na nakakakuha ng magagandang marka ang mga kapatid na ito, ang mga average nila sa bawat asignatura ay nasa pagitan ng 76 hanggang 98. Walang bumagsak sa kanila. Namangha ako! Nakita ng punong-guro ang magagandang marka ng klase ko at sinabi niya sa akin: “Nakakuha ng pinakamataas na marka sa paaralan ang klase mo, kaya napagpasyahan namin na ikaw ang magiging guro sa kanilang klase sa susunod na semestre. Nawa’y lalo kang palarin sa susunod na semestre!” Tuwang-tuwa ako nang marinig ito, dahil talagang hindi ko ito inaasahan. Ipinaalala nito sa akin ang isang parirala mula sa Aklat ng mga Kawikaan sa Bibliya: “Ang puso ng hari ay nasa kamay ni Jehova na parang mga batis ng tubig: ikinikiling Niya ito saanman Niya ibigin” (Kawikaan 21:1). Ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at kontrolado ng Diyos ang kapalaran nating lahat. Hangga’t nananalig ako sa Diyos at taos-pusong nakikipagtulungan sa Kanya, magbubukas Siya ng landas para sa akin. Ipinangangaral ko pa rin ang ebanghelyo sa kampus, pinangungunahan ang mga kapatid sa mga pagtitipon, at napakaraming tao na ang tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa pagbabalik-tanaw sa mga araw na ito ng pangangaral, marami akong nakamit at alam ko na lahat ito ay patnubay ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Liitan ang Font Size
Lakihan ang Font Size
Pumasok sa Full Screen
Lumabas sa Full Screen