Nakikilala Ko ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo sa mga Bulaang Cristo

Hunyo 1, 2022

Ni Xiangwang, Malaysia

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao(“Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Inihahayag ng salita ng Diyos ang pagkakatawang-tao at pa’no malalaman ang tunay na Cristo mula sa mga bulaan. Hindi ko naunawaan ang katotohanang ito nung sinusunod ko pa ang Panginoon. Nakinig din ako sa mga sinasabi ng pastor at mga elder. Takot akong mailigaw, kaya umiwas ako sa mga bulaang Cristo at nang sa gayon ay hindi mangyari ito. Inilagay ko lang ang sarili ko sa panganib. Hindi ko tinangkang hanapin ang gawain ng Diyos, muntik pang mawalan ng Kanyang pagliligtas. Muntik ko na ngang ikapahamak iyon.

Nagsisimba ako at nagbabasa ng Biblia mula pa nung maliit ako, at sumali sa grupo ng mga kabataan nang lumaki na ako. Tapos ng doctorate sa theology ang pastor namin, at saka lagi niyang sinasabi na mahirap ang maging pastor, at kailangan mong maantig ng Banal na Espiritu. Malaki ang paggalang namin sa kanya. Naniwala kaming naantig siya ng Banal na Espiritu at binigyang-lugod niya ang Panginoon. Madalas niyang banggitin ang mga talatang ito sa’min: “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Sabi niya sa’min, magkakaroon daw ng mga bulaang Cristo sa mga huling araw, kaya nag-ingat talaga kami. Lalo na yung mga walang kaalaman sa Biblia na maliit ang tayog, sinabi niya sa’min na huwag, makinig, magbasa, o magsiyasat sa ibang mga denominasyon dito. Maraming negatibong bagay ang sinabi ng pastor tungkol sa kumakalat na Kidlat ng Silanganan at sinabing iwasan namin ito. Sabi niya, dapat magbasa kami ng Biblia, mangumpisal at magsisi araw-araw, at maging handa na madala sa kaharian Niya sa pagdating ng Panginoon. Noong panahong iyon, pinaniniwalaan ko iyon, hindi ko tinangkang pumunta sa ibang simbahan. Ginawa ko ang lahat ng sabihin ng pastor namin. Naniwala ako na sa paggawa niyon, ligtas akong naghihintay sa pagdating ng Panginoon.

Isang araw, sinabi sa’kin ni Brother Hu na taga-simbahan na sumapi ang nanay at kapatid kong babae sa Kidlat ng Silanganan. Nagulat ako nang marinig ko ito. Naisip ko, “Hindi ba ang sabi sa’min ng pastor namin, iwasan namin ang Kidlat ng Silanganan? Bakit sumapi ang nanay ko sa kanila?” Pagkatapos, may sinabi sa’kin si Brother Hu na usap-usapan tungkol sa Kidlat ng Silanganan. Lalo akong natakot. Hindi ko na malaman ang gagawin ko. Pagkatapos, sinabihan ako ni Brother Hu na irekord ang sarili ko na nagtatanong sa nanay ko kung totoo nga ba ito tapos, ipadala ko raw sa kanya ang recording na iyon. Pumayag ako, natakot kasi ako na baka maligaw ng landas ang nanay ko.

At iyon na nga, pag-uwi ko, sinabi sa’kin ng nanay ko na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula, doon mismo sa bahay ng Diyos upang linisin at baguhin ang tao, at iligtas tayo mula sa kasalanan. Gusto niyang basahin ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at alamin ang Kanyang gawain. Nang marinig kong sinabi niya ito sa’kin, naisip ko ang nakakakilabot na usap-usapan tungkol sa Kidlat ng Silanganan. Talaga namang nag-alangan ako, pero dahil nirerekord ko siya, pinigilan ko ang sarili ko at pinakinggan siya.

Kinabukasan, hinimok niya akong alamin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Nang oras na iyon, paulit-ulit kong naiisip ang mga nakakakilabot na sinabi sa’min ng pastor tungkol dito. Talagang hindi ako nakikinig. Pinayuhan ko siya, “Laging sinasabi ng pastor sa’tin na huwag makinig sa Kidlat ng Silanganan. Iwasan mo sila hangga’t kaya niyo!” Pagkatapos, mahinahon siyang sumagot, “Bakit niya tayo binabawalang magsiyasat sa gawain ng Diyos ng mga huling araw? Iyan ba talaga ang gusto ng Panginoon? Sinabi sa’tin ng Panginoong Jesus: ‘Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit(Mateo 5:3). ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). Gusto ng Diyos na mapagkumbaba tayong magsiyasat. Ang Kidlat ng Silanganan ay sumasaksi sa pagbalik ng Panginoon, kaya dapat nating siyasatin ito. Pero tayo’y pinipigilan ng pastor sa pagsalubong sa Panginoon. Hindi ba’t salungat iyan sa mga turo ng Panginoon? Dapat tayong makinig sa ating Panginoon, at hindi bulag na makinig sa pastor. Nung panahon ng Panginoon, ang mga Judio ay hindi nakinig sa Kanyang tinig, bagkus, sinunod nila ang mga kasinungalingan ng mga saserdote, escriba’t Fariseo, kinukundena’t sinasalungat ang Panginoon. Ipinako nila sa krus Panginoong Jesus at sila’y pinarusahan ng Diyos. Tayo’y dapat matuto mula sa nangyari sa kanila! Sabi sa Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag mga Kapitulo 2, 3). Ibig sabihin, mangungusap ang Panginoon pagbalik Niya. Para masalubong Siya, dapat nating makilala ang tinig ng Diyos. Alamin kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinig ng Diyos, at kung Siya nga ba talaga ang Panginoong Jesus na nagbalik.” Dumampot siya ng aklat, Mga Pagbigkas ng Cristo ng mga Huling Araw. Talagang ikinabahala ko ito at pumasok ako sa kuwarto ko.

Kumalma ako at binalikan ang sinabi ng nanay ko sa’kin. Ang pagkatutong makilala ang tinig ng Diyos at mapagkumbabang pagsasaliksik ay ayon sa Kanyang mga turo. Dahil pinapatotohanan ng Kidlat ng Silanganan ang pagbalik ng Panginoon, ang pagsunod sa pastor nang hindi binabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tila maling pag-iisip. Kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus at hindi ko Siya tinanggap, di ba mawawalan ako ng pagkakataong masalubong ang Panginoon? Naalala kong sinabi ng pastor naming maglilitawan ang mga bulaang Cristo sa mga huling araw. Pag naligaw ako, masasayang ang pananampalataya ko. Hay naku. Problemado at naguguluhan ako noon. Di ko alam kung sinong pakikinggan. Kaya naman, lumapit ako sa Panginoon at hiniling sa Kanya na gabayan Niya ako.

Pinayuhan ako ng nanay kong makinig sa pagbabahagi mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nag-atubili ako, pero pumayag na rin. Talagang noong una, hindi ako--, interesado, pero nang banggitin nila ang mga misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos sa kaligtasan at tatlong yugto ng gawain, kaagad akong nagkainteres dito. Parang bago ito sa pandinig ko. Marami na akong sinalihang grupo na nag-aaral ng Biblia pero hindi ko pa narinig ito dati. Nagbago ang puso ko matapos ang pagtitipon. Ipinasiya kong siyasatin ang gawain ng Diyos at binura na ang recording ng nanay ko.

Sa pangalawa naming pagtitipon, nagsalita si Brother Zhang tungkol sa matalino at mangmang na mga dalaga. Sabi niya, “Ang matatalinong dalaga ay matalino inaasam nilang dumating ang Diyos at marinig ang Kanyang tinig. Nang narinig nila na dumating na nga ang Panginoon, masigasig silang nagsiyasat. Hindi sila napigilan, at hindi sila kumapit sa kanilang mga pagkaunawa. Nang matiyak nilang ito’y tinig ng Diyos, sinalubong nila at sinundan din nila Siya. Ang mga taong ito’y hindi malilinlang ng mga bulaang Cristo. Ang mga mangmang na dalaga’y hindi nakakahiwatig at hindi nagmamahal sa katotohan. Hindi nila sinikap na pakinggan ang tinig ng Panginoon para masalubong Siya, sa halip, sinamba nila ang katayuan at kapangyarihan, nakikinig sa mga pastor at elder. Nang kumakatok ang Panginoon, tinakpan nila ang tainga nila’t isinara ang pinto. Silang lahat ay talagang mangmang. May ilan namang nakikilala ang tinig ng Diyos ngunit hindi tinatangkang sundan Siya dahil natatakot silang tanggihan ng mga tao at simbahan nila. Hindi nila hinahanap ang katotohanan, kaya pa’no nila masasalubong ang pagbalik ng Panginoon?”

Nang marinig ko ito, talagang nagising ako. Natanto kong matagal na ‘kong nakikinig sa sinasabi ng mga pastor at elder, at hindi hinahangad ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Kung Siya nga ang Panginoong Jesus at hindi ko tinanggap, hindi ba, magiging mangmang na dalaga na rin ako? Sinabi ng Panginoong Jesus: “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan(Mateo 7:7). Umasa akong masalubong ang Panginoon. Pinatotohanan ng Kidlat ng Silanganan na Siya ay nagbalik na, Dapat isa akong matalinong dalaga na nagsisiyasat. Iyan ang kalooban ng Diyos! Kaya naman, sinabi ko sa kanila na naguguluhan ako. “Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Ginagamit ng mga pastor at elder ang mga talatang ito upang balaan kami laban ss bulaang Cristo sa mga huling araw at balita tungkol sa pagdating ng Panginoon. Hindi kami nagtatangkang siyasatin ang pagdating ng Panginoon, sa takot na maligaw ng landas, pero tila hindi ito ang nararapat naming gawin. Kaya naman pa’no natin dapat unawain ang sinabi sa’tin ng Panginoon? Anong gagawin natin para hindi mailigaw ng mga bulaang Cristo at masalubong Siya?”

Sabi ni Brother Zhang: “Sinasabi sa’tin ng Biblia na magkakaro’n ng mga bulaang Cristo’t propeta na manlilinlang sa pagbabalik ng Panginoon. Dahil ginagamit ng mga pastor ang Banal na Kasulatang ito para mag-ingat sa mga bulaang Cristo at propeta, karamihan ay itinuturing na napakahalaga nito sa kanilang pananampalataya. Tingin nila ‘di totoo ang balita tungkol sa pagdating Niya. Ngunit iyan ba ay nakaayon sa kahulugan ng mga salita ng Panginoong Jesus? Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Sinasabi nito sa’tin na binalaan tayo ng Panginoong Jesus laban sa mga bulaang Cristo’t propeta sa mga huling araw. Magpapakita sila ng dakilang tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao, kaya dapat marunong tayong kumilatis nito. Hindi Niya sinabi na lahat ng balita tungkol sa pagbalik ng Panginoon ay hindi totoo. Hindi natin dapat kalimutan na sinabi ng Panginoong Jesus na muli Siyang paparito, kaya sa pagsasabi na anumang balita sa pagbabalik ng Panginoon ay hindi totoo, ‘di ba’t tinatanggi nila ang Kanyang pagbabalik? itinatatwa at kinukundena ang mga salita, pagpapakita, at gawain ng Diyos? Hindi ba nila inililigaw ang mga tao at sinasalungat ang ating Panginoon? Kung uunawain natin ang mga talatang ito nang wala sa konteksto at mamaliin ang kahulugan, maniniwalang hindi totoo ang gayong balita, hindi ba’t pagkundena iyon sa pagpapakita at gawain ng Diyos? Kung gayon pa’no natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon?”

Namulat ako nang marinig ko ang pagbabahaging iyon. Sabi sa mga talatang iyon ang mga bulaang Cristo ay magpapakita ng mga tanda at kababalaghan sa mga huling araw para manlinlang ng mga tao. Alam na alam ng mga pastor ang Biblia ba’t hindi nila alam kung pa’no tukuyin ang mga bulaang Cristo na ito? Nagbasa si Brother Zhang ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. … Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng mga maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa iyo ang tungkol dito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). “Kung, sa mga huling araw, nagpakita ang isang ‘Diyos’ na kapareho ni Jesus, na nagpagaling ng maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, at ipinako sa krus para sa tao, ang ‘Diyos’ na iyon, bagama’t kamukha ng inilarawang Diyos sa Biblia at madaling tanggapin ng tao, sa kakanyahan nito, ay hindi magiging katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos, kundi ng isang masamang espiritu. Sapagkat prinsipyo ng gawain ng Diyos na hindi kailanman ulitin ang natapos na Niya. Kaya nga, ang gawain ng pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay iba sa gawain noong una(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos).

Matapos mabasa ito, ibinahagi niya ito sa’min: “Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma at hindi nag-uulit ng Kanyang gawain. Sa bawat bagong yugto ng gawain, inaakay Niya ang mga tao sa bagong landas ng pagsasagawa. Halimbawa, pagdating ng Panginoong Jesus, hindi Niya muling inilabas ang batas at mga kautusan, kundi ginawa Niya ang gawain ng pagtubos na nakabatay sa mga bagay na ito. Tinuro Niya ang pagsisisi tinuturo sa tao ang mangumpisal at magsisi magpatawad, magmahal, at iba pa. Siya’y ipinako bilang alay sa kasalanan para sa tao. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay hindi nagpapakita ng palatandaan o kababalaghan. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol at paglilinis na batay sa gawain ng pagliligtas. Inihahayag Niya ang mga katotohanan, inilalantad ang katiwalian at kalikasan ng tao, at hinahatulan ang kanilang pagiging di-matwid. Binibigyan Niya silang lahat ng mga katotohanang kailangan nila para malinis at maligtas. ganap silang inililigtas mula sa impluwensya ni Satanas at sa kanilang katiwalian upang sila’y matamo ng Diyos. Sa ganitong paraan natatapos ang gawaing pagliligtas ng Diyos sa tao.” “Ang gawain ng Diyos ay itinataas sa bawat yugto at hindi inuulit. Kung babalik ang Panginoon na nagpapakita ng mga tanda’t kabalalaghan at nagpapagaling, ang gawain Niya ay mauulit at mawawalang kabuluhan.” “Sinasabi ng ilan na ang magagawa lang ng Diyos ay magpakita ng mga tanda’t kababalaghan, at magpagaling ng maysakit. Nililimitahan nila ang Diyos at iniisip na hindi susulong ang Kanyang gawain. Iyan ang dahilan kaya hindi Siya kailanman nag-uulit ng gawain. at sinumang gumagawa ng lahat ng bagay na iyon ay tiyak na matatawag na isang bulaang Cristo.” “Karamihan sa kanila’y may sanib na masasamang espiritu. Hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan, magsimula ng bagong kapanahunan. Ang kaya lang nila ay gayahin ang Panginoong Jesus at magpakita ng karaniwang mapanlinlang na kababalaghan. Ngunit ang ginawa ng Panginoong Jesus, tulad ng pagkabuhay at pagpapakain sa 5,000 katao ng limang tinapay at dalawang isda, ay talagang hindi magagaya. Ang Diyos lang ang may ganyang kapangyarihan, hindi ang mga bulaang Cristo.” “Kung hindi maghahayag ng katotohanan, ang nagpapakita ng maliliit na palatandaan at kababalaghan pero ang turing sa sarili nila ay Cristo ay tiyak na huwad. Makikilala natin ang mga bulaang Cristo mula sa tunay na Cristo sa prinsipyong ito.”

Nalaman ko mula sa pagbabahagi ni Brother Zhang: Ang gawain ng Diyos ay bago hindi kailanman luma, at hindi kailanman inuulit. Hindi rin nila magaggawa ang gawain ng Diyos. Ginagaya nila ang Kanyang gawain at nagpapakita ng ilang kababalaghan para manlilinlang. Ang prinsiplyong ito ang makakikilatis sa mga bulaang Cristo. Para itong mga palsipikadong bagay sa mundo na pinagmumukhang tunay, pero maituturing pala na mga peke, tulad ng mga bulaang Cristo. Tunay ngang naliwanagan ako nito.

Ipinagpatuloy ni Brother Zhang ang pagbabahagi niya: “Ang pinakamahalagang prinsipyo para makilala ang mga bulaang Cristo’y ang malaman ang diwa ni Cristo. Ito ang pinakamahalagang bahagi.” Binasa niya ang ilang salita ng Makapangyarihang Diyos: “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si Cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, ngunit sinasagot at pinagpapasyahan ito ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Matapos basahin ito, ibinahagi niya sa’min: “Si Cristo ay Diyos sa laman. Siya ang Espiritu ng Diyos na binihisan ng laman, na may normal na pagkatao, at ganap na pagka-Diyos. Napakaordinaryo ng kaanyuan ni Cristo, ngunit napakabanal ng Kanyang diwa, kaya naman, ipinahahayag Niya ang katotohanan at matuwid na disposisyon ng Diyos. Nagsisimula ng bagong kapanahunan at tinatapos ang luma. Matutubos at maililigtas Niya ang sangkatauhan. Maipapahayag Niya ang katotohanan upang mapalakas at maalagaan ang mga tao. Wala nang sinuman ang tunay na makakapalit sa Kanya. Ang Panginoong Jesus ay si Cristo, Diyos na nagkatawang-tao. Kung titingnan, mukha lang Siyang karaniwang tao sa laman, ngunit sinimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan at ibinigay sa tao ang daan ng pagsisisi. Kaya Niyang magpatawad ng mga kasalanan. Ang pagkapako Niya sa krus ay tumubos sa mga kasalanan natin. Nagpakita Siya ng maraming tanda at kababalaghan tulad ng hmm, pagpapayapa ng unos, ang limang tinapay at dalawang isda, at pagpapabangon ng mga tao sa kamatayan. Nagpakita Siya ng awtoridad ng Diyos. Nangaral din siya sa lahat ng dako at nagpahayag ng mga katotohanan upang palakasin at gabayan ang mga tao batay sa kanilang mga pangangailangan. Ipinakita sa atin ng mga gawain at salita ng Panginoong Jesus na: Siya ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Lubos na pinatunayan ng Kanyang gawain at mga salita na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao at ang Manunubos ng sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang nagsimula ng Kapanahunan ng Kaharian at tumapos sa Kapanahunan ng Biyaya, gumagawa upang hatulan at linisin ang mga tao. Ipinahahayag Niya ang matuwid Niyang disposisyon na hindi nangungunsinti ng paglabag. Inihahayag ng mga salita Niya ang mga misteryo ng 6,000-taong plano ng pamamahala Niya at inilalantad ang ugat ng pagkakasala at pagsalungat ng tao sa Diyos, ang mga tiwali nilang disposisyon at inilalahad ang lahat ng katotohanang kailangan nila upang dalisayin at ganap din na maligtas. Kabilang dito kung pa’no hinahatulan at dinadalisay ng Diyos ang tao, pa’no sila dapat sumunod at maniwala sa Kanya, sinong nagbibigay-lugod sa Kanya, sinong kinamumuhian Niya, ang paghahanap sa kadalisayan at pagiging perpekto, ang kalalabasan ng sangkatauhan at iba pa. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakita natin ang katotohanan na ginawa tayong tiwali ni Satanas at nalaman ang matuwid at banal na disposisyon ng Diyos. Nagsisi tayo sa harapan Niya. Nagsimula tayong magpasakop sa Diyos at ang ating disposisyon sa buhay ay magbago. Pinapatunayan ng mga gawain at salita ng Makapangyarihang Diyos na Siya ang Diyos sa laman, at ang Cristo sa mga huling araw.” “Ang mga bulaang Cristo ay masasamang espiritu. Hindi nila kayang ihayag ang katotohanan, o iligtas ang sangkatauhan. Nagsasabi sila ng mga kasinungalingan at maling kuru-kuro upang iligaw at ipahamak ang mga tao. Sinumang sumusunod sa isang bulaang Cristo’y hindi magtatamo ng panustos ng buhay o ng gawain ng Banal na Espiritu. Ga’no man sila katagal na naniniwala, hindi nila mauunawaan ang Diyos o ang katotohanan ni mababago ang kanilang disposisyon. Ang pagsunod sa bulaang Cristo ay maituturing na pagsunod sa demonyo. Sinumang nagsasabing siya ang Diyos o Cristo ngunit hindi kayang ipahayag ang katotohanan ay tiyak na bulaang Cristo, at isa rin siyang demonyo. Hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan o gawin ang mga gawain ng Diyos. Kahit ipagdiinan pa nilang sila ang Cristo, hindi sila ang Cristo. Ang tunay at bulaan ay magkaibang-magkaiba. Hindi nakukuha iyan sa pagpapahayag nila. Nalalaman iyan sa Kanyang diwa at sa gawaing ginagawa Niya. Si Cristo lang ang katoohanan, ang daan, at ang buhay. Ipinapahayag Niya ang pagiging matwid ng Diyos, at ginagawa ang gawain ng Diyos. Natutukoy ‘yan sa pamamagitan ng Kanyang diwa. Lahat ng nagmumula sa Diyos ay umuunlad. Anumang paglaban, pagkundena’t pagtatwa ng mga tao sa gawain ng Diyos, tunay nga talaga na walang makakapigil dito. Ang diwa ni Cristo ay hindi maitatatwa ng sinumang tao. Siya ay at laging magiging si Cristo. Nang gumawa ang Panginoong Jesus, ang mga lider na Judio at pamahalaan ng Romano ay kinudena’t sinalungat Siya, at Siya rin ay ipinako pa sa krus. Tinanggihan Siya ng Kapanahunang iyan, ngunit ngayon 2,000 taon mula no’n, lumaganap na ang Kanyang ebanghelyo sa bawat sulok ng daigdig at ang buong mundo ng relihiyon ay tunay ngang kinikilala Siya. Ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay kinukundena ng CCP at ng iba pang mga relihiyon, ngunit ang katotohanan ay laging mananaig. Walang sinumang makapagtatatwa nito. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay matagal nang nasa online nagpapatotoo sa buong mundo. Nakikilala ng mga tao ang tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita nila na Siya ang Panginoong Jesus na nagbalik, at bumabaling sa Kanya. Wala sa mga bulaang Cristo ang katotohanan at hindi nila kayang lupigin ang mga tao. Ang mga salita at gawa nila ay hindi mailalantad at hindi sila kailanman magpapakita online para masiyasat ng lahat dahil sila ay madilim at masama, at hindi sila makakatagal sa liwanag. Nagpapakita sila ng maliliit na tanda’t kababalaghan at sila rin ay maghahasik ng kasinungalingan, inililigaw ang mga mangmang at hangal na mga tao mula sa dilim. Walang bagay mula sa bulaang Cristo o sa masamang espiritu ang nagtatagal. Makakalat sila at mawawala rin hindi magtatagal yan.”

Ipinakita sa’kin nito kung paano makilala ang mga bulaang Crsito at ang tunay na Cristo. Tuwang-tuwa talaga ako. Si Cristo lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Siya lang ang makapaghahayag ng katotohanan at makagagawa ng gawain ng Diyos. Ang nagsasabing siya ang Cristo pero hindi maipahayag ang katotohanan o mailigtas ang sangkatauhan ay bulaang Cristo. Talagang napakaganda na malaman ito! Sinunod ko nang hindi manlang nag-iisip ang pastor at naniwala sa lahat ng sinabi niya. Sa takot na maligaw, hindi ko tinangkang hanapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Akala ko ang paniniwala sa simbahan ko at sa pastor ko ay isang tamang desisyon at mapupunta ako sa kaharian ng Panginoon. Sabi ng pastor, anumang balita tungkol sa pagdating Panginoon ay hindi totoo at pinigilan kaming hanapin ang tunay na daan. Alam ko na ngayong sila’y mga manlilinlang, at mga bulag na tagaakay. Ako rin ay isang hangal. Hindi ako nakinig sa tinig ng Panginoon kundi naniwala sa kanila nang walang alinlangan. Inilagay ko lang sa panganib ang sarili ko at muntik nang mawalan ng pagkakataong masalubong ang Panginoon. Muntik na akong mapahamak!

Binasa ko pa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at mas nalaman ko pa ang tungkol sa pagkakatawang-tao, ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao, at ang kuwentong nakapaloob tungkol sa Biblia. Talagang naliwanagan ako nito. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik! Tinanggap ko ang Kanyang gawain ng mga huling araw.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Kapaki-pakinabang Na Ulat

Ni Ding Li, Estados Unidos Tag-init noon, dalawang taon na ang nakalilipas. Narinig ko na si Sister Zhou, isang lider, ay itinalaga si...