Sa Pagbabalik ng Tagapagligtas, Tatawagin Pa Rin Ba Siyang Jesus?
Sa mga huling araw, ang Tagapagligtas na Makapangyarihang Diyos ay naparito na sa lupa, nagpapahayag ng mga katotohanan, nagpapakita at gumagawa upang ganap na iligtas ang sangkatauhan. Mula nang ang aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay inilagay online para sa buong mundo, nakita ng mga tao mula sa lahat ng dako na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at narinig nila ang tinig ng Diyos. Maaaring hindi nila nakita ang mukha ng Makapangyarihang Diyos, subalit natitiyak nila na ang Kanyang mga salita ay ganap na mga salita ng Banal na Espiritu, na ito’y Diyos na nagsasalita sa sangkatauhan, at ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Sa wakas ay nasaksihan nila ang pagpapakita at gawain ng Anak ng tao, at natagpuan ang mga yapak ng Diyos. Masayang-masaya, nagmamadali nilang ibinabahagi ang balita, tinatanggap ang Makapangyarihang Diyos nang may kagalakan, at lumalapit sa harap ng trono ng Diyos. Kinakain at iniinom nila ang kasalukuyang mga salita ng Diyos araw-araw, nagkakaroon ng higit na kaliwanagan habang sila’y nagbabasa, at tinatamasa ang pagdidilig at pag-aakay ng mga salita ng Diyos. Natututo sila ng maraming katotohanan at lumalago ang kanilang pananampalataya. Nagmamadali silang ipalaganap ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos, nagpapatotoo na ang Tagapagligtas ay naparito sa mundo upang iligtas ang tao. Umaapaw sila sa pananampalataya at kalakasan at nakakatagpo ng ginhawa mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Meron silang tamang layunin sa kanilang hangarin at direksyon sa buhay, at ibinibigay ang kanilang lahat para sa Diyos, nagpapatotoo para sa Diyos. Parami nang parami ang tao sa buong mundo na nagsisiyasat sa tunay na daan. Ngayong nagsisimulang bumuhos ang lahat ng uri ng sakuna, napipilitan ang lahat na hanapin ang tunay na daan, ang mga yapak ng Banal na Espiritu, at ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas. Ito ang hindi maiiwasang kalakaran. Sa mga komunidad na pangrelihiyon mula sa bawat bansa sa mundo, marami ang tumatanggap sa tunay na daan at bumabaling sa Makapangyarihang Diyos araw-araw. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatatag sa maraming bansa, ganap na tinutupad nito ang talata sa Isaias: “At ito’y mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ni Jehova ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon” (Isaias 2:2). Habang marami ang gutom na sinisiyasat ang tunay na daan, merong ilan na nakakumpirma na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na ang mga ito’y may awtoridad at makapangyarihan, ngunit nakikitang ang Makapangyarihang Diyos ay may anyo ng isang normal na tao, na hindi Siya nagpakita bilang ang espirituwal na anyo ng Panginoong Jesus ni hindi rin Siya nagpakita ng mga palatandaan at kababalaghan, napako sila roon at tumatangging tanggapin Siya. At ilang tao ang nakakakita nang walang bahid ng pag-aalinlangan na ang lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ngunit dahil ang mga ito’y hindi nakatala sa Biblia, hindi nila matiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Dito sila natitigil, at hindi Siya tinatanggap. Meron namang iba na kumikilala na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at nanggagaling sa Diyos, pero nakikitang sinasabi ng Biblia “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman” (Mga Hebreo 13:8), naniniwala sila na ang pangalang Jesus ay hindi magbabago kailanman. Iniisip nila na ang Makapangyarihang Diyos ay hindi pinangalanang Jesus, at ang Biblia ay hindi kailanman binanggit ang pangalang Makapangyarihang Diyos, kaya hindi nila kinikilala na Siya ang Tagapagligtas na bumaba. Iniisip nila na ang pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos ay pagtataksil sa Panginoong Jesus, kaya natitigil sila rito, at hindi Siya tatanggapin. Ang tatlong sitwasyong ito ay bumabalik sa isang pinagbabatayang problema: Ang Makapangyarihang Diyos ay mukhang isang regular na tao, at lahat ng sinasabi Niya ay ang katotohanan, at makapangyarihan at may awtoridad, ngunit hindi Siya tinatawag na Jesus at hindi Siya nagpakita bilang espirituwal na anyo ni Jesus, kaya hindi nila kikilalanin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Ito’y mauunawaan batay lamang sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, ngunit ang pagpapakita at gawain ng Diyos ay naglalaman ng malalaking misteryo na hindi kayang maarok ng mga tao. Nang hindi hinahanap ang katotohanan, at tinutukoy ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanan ng Kanyang gawain, hindi mahahanap ng isang tao ang tamang sagot. Ang bulag na pagkapit sa literal na teksto ng Biblia at sa kanyang mga kuru-kuro, ang pagtangging tanggapin si Cristo na nagpapahayag ng mga katotohanan ay magdadala ng hindi maisip na mga kahihinatnan. Ito’y katulad ng mga nasa pananampalatayang Judio na tumangging tanggapin ang pagtubos ng Panginoong Jesus at isinumpa. Ang masakit na aral na ito’y nasa harap na natin sa loob ng mahabang panahon. Ngayong naparito na ang Tagapagligtas, maaari nating ipalagay kung ano ang magiging kahihinatnan ng pagkabigong hanapin ang katotohanan. Tatawagin pa rin bang “Jesus” ang Tagapagligtas sa Kanyang pagbabalik? Magbabahagi ako nang kaunti sa aking sariling pang-unawa sa paksang ito.
Una, kailangan nating maunawaan kung paano makukumpirma na ito ang Tagapagligtas na bumaba. Hindi lang natin dapat pagbatayan kung ang pangalan ba Niya’y Panginoong Jesus, at kung ang itsura ba niya’y gaya ng sa Panginoong Jesus. Ang susi ay kung kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng Diyos, kung kaya Niyang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Hangga’t kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang tinig ng Diyos, at gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, hindi mahalaga kung ano ang tawag sa Kanya at kung gaano ka-ordinaryo ang Kanyang anyo. Makatitiyak tayo na ito ang Diyos sa katawang-tao, ang Panginoong Jesus na nagbalik. Siya ang Tagapagligtas na pumarito sa lupa. Kung pagbabatayan lang natin ang Kanyang pangalan o Kanyang panlabas na anyo, napakadaling magkamali. Alam nating lahat na ang Diyos ay nakilala sa pangalang Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, at sa pangalang Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi na Siya tinawag na Jehova, sa halip ginagamit Niya ang pangalang Jesus, ngunit ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na si Jehova na nagkatawang-tao. Siya ang Diyos na si Jehova na dinamitan ng laman bilang Anak ng tao, pumarito sa sangkatauhan para magpakita at gumawa. Ang Panginoong Jesus at ang Diyos na si Jehova ay may iisang Espiritu, at Sila’y iisang Diyos. Ang daan ng pagsisisi at ang mga misteryo ng kaharian na inilantad ng Panginoong Jesus, kasama ng Kanyang gawain ng pagtubos, ay lubos na nagpapatunay na Siya ang Diyos sa katawang-tao, ang pagpapakita ng nag-iisang tunay na Diyos, at ang Tagapagligtas. Ang mga nasa loob ng Judaismo ay hindi iyon nakita nang panahong iyon. Bagama’t marami sa kanila ang nakakilala na ang paraan ng Panginoong Jesus ay makapangyarihan at may awtoridad, dahil hindi Siya tinawag na “Mesias,” at mukha Siyang regular na tao, itinatwa at kinondena nila Siya. Gaano man kataas ang paraan ng Panginoong Jesus, hindi nila ito hinahanap o sinisiyasat, kundi inakusahan Siya ng kalapastanganan at ipinapako pa Siya sa krus. Sila’y isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Saan sila nagkamali? Hindi nila alam kung ano ang pagkakatawang-tao, at hindi nila alam na ang pagka-Diyos ng Diyos na nagkatawang-tao ay ipinakita sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan, kaya gaano man karami ang katotohanang ipinahayag ng Anak ng tao o gaano man kadakila ang Kanyang gawain, hindi nila Siya kinikilala bilang Diyos. Tinukoy nila Siya na bilang isang tao; sila’y lubos na nakatitiyak dito at tumangging maniwala. Bilang resulta, napalampas nila ang kaligtasan ng Diyos at nauwi silang naparusahan at isinumpa. Hindi ba’t iyan ay kahangalan at kamangmangan ng tao? At ngayon, bagama’t marami sa relihiyosong mundo ang nakakakilala na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at mula sa Diyos, kumakapit pa rin sila sa literal na Kasulatan, sinusunod ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, iginigiit na ang Diyos ay pinangalanang Jesus at hindi iyon magbabago kailanman, at na iyon ang itatawag sa Kanya sa pagbalik Niya. Dahil ang Makapangyarihang Diyos ay hindi pinangalanang Jesus, at hindi Siya pumarito na sakay ng isang ulap sa wangis ni Jesus, ayaw talaga nilang tanggapin na Siya ang Panginoong Jesus na nagbalik. Hindi ba sila gumagawa ng parehong pagkakamali tulad ng mga Judio? Bilang resulta, hindi pa rin nila nasasalubong ang Panginoon, kaya mahuhulog sila sa malalaking sakuna, pinapalo ang kanilang mga dibdib, tumatangis, at pinagngangalit ang kanilang mga ngipin. Ang kanilang pag-asam na salubungin ang Panginoon at madala bago ang mga sakuna ay lubos na hindi matutupad. Hindi ba ang lungkot no’n? Totoo ba na ang pangalan ng Diyos na Jesus ay hindi kailanman magbabago? Suportado ba ito ng Biblia, ng salita ng Diyos? Sa katunayan, matagal nang ipinropesiya ng Biblia na paparito ang Panginoon na may bagong pangalan. Malinaw na ipinopropesiya sa Isaias: “At makikita ng mga Hentil ang iyong katuwiran, at ng lahat ng hari ang iyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ni Jehova” (Isaias 62:2). At sinasabi sa Pahayag: “Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). Ang mga talatang ito’y kapwa malinaw na binabanggit ang pagkakaroon ng bagong pangalan ng Diyos. Dahil ito’y bagong pangalan, isang pangalan na hindi pa Niya nagamit dati, tiyak na sa pagbabalik ng Panginoon, hindi Siya tatawaging Jesus. Kung gayon, ano ang Kanyang bagong pangalan? Ito ay Makapangyarihang Diyos. Ito ay ganap na naaayon sa propesiya ng Pahayag: “Ako ang Alpha at ang Omega … ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8). “Aleluya: sapagkat naghahari ang Panginoong ating Diyos na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6). At sa marami pang talatang tulad ng Pahayag 4:8, 11:17, at 16:7 ang pangalang “ang Makapangyarihan sa lahat” ay binanggit. Malinaw na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya’y tatawaging ang Makapangyarihan sa lahat, Makapangyarihang Diyos. Walang duda tungkol dito. Ang paniniwalang ito na ang pangalan ng Diyos na Jesus ay hindi magbabago kailanman, na ang Tagapagligtas natin sa mga huling araw ay tatawaging Jesus, ay ganap na kuru-kuro ng tao na malayong umaayon sa realidad.
Sa puntong ito, maaaring itanong ng ilan kung bakit papalitan ng Diyos ang Kanyang pangalan. Ano ang kahulugan sa likod nito? Inilantad ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryong ito ng katotohanan. Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para mas maintindihan natin ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sabi ng ilan, ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago. Kung gayon, bakit naging Jesus ang pangalan ni Jehova? Ipinropesiya na darating ang Mesiyas, kaya bakit dumating ang isang taong nagngangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba matagal nang isinagawa ang gawaing iyon? Maaari bang hindi makagawa ang Diyos ng mas bagong gawain ngayon? Ang gawain ng kahapon ay maaaring baguhin, at ang gawain ni Jesus ay maaaring sumunod mula roon kay Jehova. Kung gayon, hindi ba maaaring sundan ng ibang gawain ang gawain ni Jesus? Kung ang pangalan ni Jehova ay maaaring palitan ng Jesus, hindi ba maaaring palitan din ang pangalan ni Jesus? Walang kakaiba rito; kaya lang napakakitid ng isipan ng mga tao. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos. Paano man magbago ang Kanyang gawain, at paano man maaaring magbago ang Kanyang pangalan, hindi magbabago ang Kanyang disposisyon at karunungan kailanman. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay maaari lamang tawagin sa pangalang Jesus, napakalimitado ng iyong kaalaman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?).
“Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya gagawin ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya mananatili sa dati? Ang pangalan na Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan pagbalik Niya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lamang si Jehova at si Jesus, subalit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat Niyang gamitin ang pangalang ito upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).
“‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. … Si Jesus lamang ang Manunubos ng sangkatauhan, at Siya ang handog dahil sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”).
“Kung nananabik pa rin ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa mga huling araw, at inaasahan pa rin na darating Siya sa imaheng Kanyang tinaglay sa Judea, tumigil na sana ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na susulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, ay hindi sana darating, at hindi sana nawakasan ang kapanahunan kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para lamang sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalang gagamitin Ko upang wakasan ang buong sangkatauhan. Bagama’t ang Jehova, Jesus, at Mesiyas ay kumakatawang lahat sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay nagpapahiwatig lamang ng iba’t ibang kapanahunan ng Aking plano ng pamamahala, at hindi Ako kinakatawan sa Aking kabuuan. Ang mga pangalang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi maipaliwanag nang malinaw ang Aking buong disposisyon at ang Aking kabuuan. Iba’t ibang pangalan lamang ang mga iyon na itinatawag sa Akin sa iba’t ibang kapanahunan. Kaya nga, kapag ang huling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay sumapit, magbabagong muli ang Aking pangalan. Hindi Ako tatawaging Jehova, o Jesus, lalo nang hindi Mesiyas—tatawagin Akong ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito ay wawakasan Ko ang buong kapanahunan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”).
Ngayon sa palagay ko’y nakikita na natin ang kahalagahan ng pagbabago ng Diyos sa Kanyang pangalan. Ang Diyos ay laging bago, hindi kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay palaging sumusulong. Ang Kanyang pangalan ay patuloy na nagbabago habang nagbabago ang panahon, habang nagbabago ang Kanyang gawain. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, sa bawat bagong kapanahunan, gumagamit ang Diyos ng pangalan na may partikular na kahulugan upang kumatawan sa gawaing Kanyang ginagawa at sa disposisyong Kanyang ipinahahayag sa kapanahunang iyon. Nakikita ito, hindi natin lilimitahan ang Diyos sa loob lang ng dalawang pangalan na Jehova at Jesus. Hindi natin lilimitahan ang Diyos sa loob ng ating sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Alam nating lahat na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos ay sumasaklaw sa lahat ng bagay. Siya’y lubos na matalino at makapangyarihan! Walang wika ng tao ang makapagpapahayag nito, kaya paano ito magagawa ng isa o dalawang pangalan? Walang bilang ng pangalan ang maaaring lubos na kumatawan sa kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit gumagamit ang Diyos ng ibang pangalan sa bawat kapanahunan. Ang Diyos ay tinawag na Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan at nagpalabas Siya ng batas at mga kautusan sa ilalim ng pangalang iyon. Pinatnubayan Niya ang buhay ng sangkatauhan sa lupa, pinahintulutan silang malaman kung ano ang kasalanan, kung paano sila dapat mamuhay, at paano nila dapat sambahin ang Diyos na si Jehova. Jehova ang pangalan na itinakda ng Diyos para sa Kapanahunan ng Kautusan at ito’y kumatawan lang sa Kanyang gawain sa kapanahunang iyon, at sa Kanyang disposisyon ng awa, ng pagiging maharlika, at ng Kanyang poot na ipinahayag noon. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay mas lalong nagawang tiwali ni Satanas, at mas lalong naging makasalanan. Walang sinuman ang nakasunod sa kautusan. Kung nagpatuloy iyon, lahat sila’y kokondenahin at papatayin sa ilalim ng kautusan. Upang tubusin ang sangkatauhan, ang Diyos ay personal na naging tao bilang ang Anak ng tao upang magtrabaho, ginagawa ang gawain ng pagtubos sa ilalim ng pangalang Jesus. Pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Dinala ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang daan ng pagsisisi at pinatawad ang ating mga kasalanan, nagbigay ng kapayapaan at kagalakan, at ng hindi kapani-paniwalang biyaya sa atin. Sa huli, Siya’y ipinako sa krus, tinubos ang buong sangkatauhan. Jesus ang itinakdang pangalan ng Diyos para sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito’y kumakatawan sa Kanyang gawain ng pagtubos para sa kapanahunang iyon kasama ng Kanyang disposisyon ng pag-ibig at awa. Mula sa dalawang yugtong ito ng gawain ng Diyos makikita natin na ang bawat pangalan Niya’y may espesyal na kahulugan. Kumakatawan ang mga ito sa gawain at disposisyon ng Diyos para sa partikular na kapanahunang iyon. Pag-isipan natin ang tungkol dito. Kung pinanatili ng Panginoong Jesus ang pangalang Jehova sa Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Diyos ay huminto sana sa Kapanahunan ng Kautusan. Kung nagkagayon, ang tiwaling sangkatauhan ay hindi kailanman matutubos, at lahat tayo’y nakondena at pinatay sa ilalim ng kautusan para sa ating mga kasalanan. Hindi na sana tayo nakarating sa ngayon. Ganoon din sa mga huling araw—kung ang Panginoong Jesus ay bumalik na may pangalang Jesus, ang gawain ng Diyos ay mananatili lang sa yugto ng pagtubos, at makakamit lang ng mga tao ang pagtubos at pagpapatawad ng mga kasalanan ng Panginoong Jesus. Ang makasalanang kalikasan na taglay nating lahat ay hindi malulutas. Wala tayong paraan upang matakasan ang kasalanan at malinis, at hindi tayo kailanman magiging karapat-dapat sa kaharian ng langit. Ang Panginoong Jesus ay maraming beses na ipinropesiya ang Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, na ipahahayag Niya ang katotohanan at gagawin ang gawain ng paghatol upang linisin ang sangkatauhan, ganap na iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan, at dalhin tayo sa kaharian ng Diyos. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus, “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagkat hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). Kaya sa mga huling araw, kapag ang Diyos ay nagpasimula ng bagong kapanahunan at ng Kanyang bagong gawain, tatawagin pa ba talaga Siyang Jesus? Tiyak na hindi. Ang Panginoong Jesus ay nagbalik sa mga huling araw upang gumawa bilang Makapangyarihang Diyos, sinisimulan ang Kapanahunan ng Kaharian at tinatapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, upang ganap na iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at sa mga puwersa ni Satanas, upang kumpletuhin ang isang grupo ng mananagumpay. Pagkatapos nito, ibubuhos Niya ang malalaking sakuna para parusahan ang kasamaan at gantimpalaan ang mabuti, papawiin ang madilim, at masamang lumang kapanahunan, at pagkatapos ang kaharian ni Cristo’y maisasakatuparan sa lupa. Ganap itong tumutupad sa mga propesiya ng Pahayag: “Ako ang Alpha at ang Omega … ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8). “Aleluya: sapagkat naghahari ang Panginoong ating Diyos na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”).
Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakalinaw. Ang Jehova, Jesus, at Makapangyarihang Diyos ay mga pangalan ng nag-iisang tunay na Diyos. Gumagamit Siya ng iba’t ibang pangalan para sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Kahit na ang Kanyang gawain at Kanyang pangalan ay nagbabago kasabay ng kapanahunan, at Siya’y nagpapakita sa iba’t ibang paraan, ang Kanyang diwa ay hindi kailanman nagbabago, at ang Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Siya’y walang hanggang isang Diyos, isang Espiritu, gumagawa upang pamunuan, tubusin, at ganap na iligtas ang sangkatauhan. Sa mga huling araw, Siya’y nagkatawang-tao bilang Makapangyarihang Diyos, at kahit na hindi Siya tinatawag na Jesus, at Siya’y mukhang isang regular na tao, ipinahayag Niya ang lahat ng katotohanang naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan, ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Hinahatulan Niya at inilalantad ang mga tao gamit ang Kanyang mga salita, inilalantad ang ating malalim na katiwaliang gawa ni Satanas at ang ating mga satanikong kalikasan, at ipinapakita Niya sa atin ang lahat ng aspeto ng katotohanan na kailangan natin upang malinis at maligtas. Ang Kanyang hinirang na mga tao’y kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita araw-araw, tinatanggap ang paghatol, pagkastigo, pagwasto, pagsubok, at pagpino ng Kanyang mga salita, at ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay unti-unting nalilinis at nababago. Unti-unti silang nakakatakas sa kasamaan at sa mga puwersa ni Satanas, at sila’y ganap na iniligtas ng Diyos. Nakumpleto na ng Makapangyarihang Diyos ang isang grupo ng mananagumpay bago ang mga sakuna, ganap na ipinapakita ang karunungan at ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos. Sa panahon ng gawain ng Makapangyarihang Diyos, sa kabila ng walang tigil na brutal na pag-uusig at pag-aresto ng mga satanikong puwersa ng Partido Komunista dagdag pa ang hibang na pagkondena at kalapastanganan ng mga anticristong puwersa ng relihiyosong mundo, ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay lumaganap na mula Silangan hanggang Kanluran, tinatawid ang buong mundo. Ito’y nagpapakita na ang dakilang gawain ng Diyos ay nakukumpleto, na ang Makapangyarihang Diyos ay ganap na nagtatagumpay laban kay Satanas at natatamo ang lahat ng kaluwalhatian! Nagsimula na ang malalaking sakuna at ang relihiyosong mundo ay nagkakagulo, ngunit napakarami sa kanila ang nagmamatigas pa ring pinanghahawakan ang pangalan ng Panginoong Jesus, hinihintay ang Kanyang pagparito sakay ng isang ulap. Tumatanggi silang kilalanin at tanggapin ito, gaano man karaming katotohanan ang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos, gaano man kadakila ang Kanyang gawain. Hibang pa nilang kinokondena at nilalabanan ang Kanyang pagpapakita at gawain. Paano sila naiiba sa mga Fariseong kumapit sa pangalan ng Mesiyas, hibang na nilalabanan ang Panginoong Jesus? Hindi ba’t silang lahat ay talagang mga taong nagpapako sa Diyos sa krus? Kumakapit sila sa pangalan ng Panginoong Jesus para sa wala, pero hibang na nilalabanan at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos. Ano sa palagay ninyo ang naghihintay sa kanila sa bandang huli?
Sa pagtatapos, manood tayo ng isang video ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Pariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Pariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Pariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito? Tinatanong Ko pa kayo: Hindi ba napakadali para sa inyo ang gawin ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Pariseo, yamang wala kayo ni katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang mahiwatigan ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo lalabanan si Cristo? Nagagawa mo bang sundan ang gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung lalabanan mo si Cristo, sinasabi Ko na nabubuhay ka na sa bingit ng kamatayan. Yaong mga hindi nakakilala sa Mesiyas ay may kakayahang lahat na kalabanin si Jesus, na tanggihan si Jesus, na siraan Siya. Lahat ng taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kaya Siyang tanggihan at laitin. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at mas maraming tao ang huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagwasak ng mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at pagtanggi sa lahat ng ipinapahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litung-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus kapag bumalik Siya sa katawang-tao sakay ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag kilalanin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko ito sa inyo: Ang mga taong hindi tumatanggap ng katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sakay ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang kategoryang pupuksain” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.