Isang Hindi Mabuburang Desisyon

Marso 8, 2021

Ni Bai Yang, Tsina

Noong ako ay 15 taong gulang, namatay ang tatay ko dahil sa isang biglaang sakit. Hindi nakayanan ng nanay ko ang dagok na ito at nagkasakit siya nang malubha. Walang sinuman sa mga kamag-anak namin ang tumulong sa amin dahil natatakot silang gagastusan nila kami, at nawalan ako ng pag-asa. Wala na ang tatay ko, kaya kung may mangyari sa nanay ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin namin ng kapatid kong babae. Nang maglaon, may nangaral sa amin ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Sa biyaya ng Panginoon, umigi ang nanay ko pagkatapos lang dumalo sa dalawang kongregasyon. Ganoon kami simulang nanampalataya sa Panginoon. Noong malaman ko na ipinako Siya sa krus upang tubusin ang sangkatauhan, naantig ako sa dakilang pag-ibig ng Diyos. Sinabi ng Panginoon sa Kanyang mga alagad: “Sundan ninyo Ako(Juan 1:43). “Ang mga bagay na ito ay sinalita Ko sa inyo, upang sa Akin ay maaari kayong magkaroon ng kapayapaan. Sa sanlibutan ay magkakaroon kayo ng kapighatian: ngunit laksan ang loob ninyo; nadaig Ko na ang sanlibutan(Juan 16:33). Labis na gumaan ang pakiramdam ko sa mga salitang ito. Lalo akong napukaw noong marinig ko ang mga karanasan ng mga misyonaryo mula sa Kanluran na inialay ang kanilang mga buhay sa Panginoon, kaya nagpahayag ako ng pagpapasya sa Panginoon na igugugol ko ang aking sarili para sa Kanya at ibabahagi ang ebanghelyo sa mas marami pang tao. Noon, pakiramdam ko ay walang kabuluhan ang anumang makamundong hangarin. Tanging pagsunod sa Panginoon, paggawa at pangangaral para sa Kanya, at pag-akay ng mga tao sa Kanyang harapan ang may kabuluhan at mahalaga. Madalas kong inaasam ang araw na makakaalis ako ng bahay para mangaral at gumawa para sa Panginoon. Nang malaman ito ng nanay ko, pinagalitan niya ako, “Bakit napakahangal mo? Bakit mo ipagdarasal iyon? Dapat kang manalig sa Panginoon, pero hindi mo pwedeng isuko ang pag-aaral mo! Kaka-high school mo lang. Dapat ay tumutuon ka sa pag-aaral mo. Hindi magiging maganda ang tingin sa iyo ng mga kamag-anak natin kung hindi ka matagumpay.” Nag-atubili ako dahil dito. Naisip ko, “Tama siya. Lahat ng pag-asa ng pamilya ko ay nakaatang sa akin. Kung titigil ako sa aking pag-aaral para mangaral ng ebanghelyo, labis na masasaktan ang nanay ko. Naging labis nang mahirap para sa kanya ang suportahan kami, hindi ko siya maaaring saktan pa lalo.” Kaya tahimik kong ibinaon ang pagnanais kong mangaral at gumawa para sa Panginoon.

Noong Hulyo 2001, kakukuha ko lang ng entrance exam sa kolehiyo nang makilala ko ang ilang mga kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natukoy namin ng aking kapatid na babae na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na bumalik. Natuwa ako. Ang Panginoon na matagal ko nang hinihintay ay nagbalik na sa wakas, at tunay na ipinakita sa akin ng Diyos ang napakalaking biyaya sa pagpapahintulot sa akin na marinig ng sarili kong mga tainga ang Kanyang tinig at matanggap ang Kanyang personal na patnubay at pagliligtas. Kapag binabasa ko ang Bibliya, naiinggit ako dati sa mga alagad ng Panginoon dahil nakakapakinig sila sa Kanyang mga turo palagi. Hindi ko kailanman naisip na magiging kasing swerte ko sila. Pero maraming taong nananabik sa pagpapakita ng Panginoon ang hindi pa rin alam na nagbalik na Siya. Dahil narinig ko ang magandang balitang ito bago sila, alam ko na kailangan kong magmadali na ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian. Naisip ko: “Mabuti kung hindi ako makakapasok sa kolehiyo. Kung ganoon, magkakaroon ako ng napakainam na dahilan para sabihin sa nanay ko na lalabas ako para ipangaral ang ebanghelyo.”

Pagkalipas ng mahigit isang linggo, masayang sinabi ng aking guro na nakapasok ako sa isang magandang kolehiyo. Pinuri ako ng mga kaklase ko, sinasabing, “Sa libu-libong aplikante, sampung tao lang ang tinanggap nila mula sa probinsya natin. Talagang hinusayan mo para makapasok sa kolehiyong iyon.” Tuwang-tuwa ang nanay ko nang marinig niya iyon, ngunit ang sama ng loob ko. Natitiyak ko na hindi niya ako papayagan na talikuran ang aking pag-aaral para ipalaganap ang ebanghelyo. Nang malaman ng mga kamag-anak namin na nakapasa ako sa kolehiyo, pumunta silang lahat para batiin ako. Nang makita ko ang nanay ko na masayang nakikipagkwentuhan sa kanila, alam kong mas nirerespeto na siya ng mga kamag-anak namin dahil nakapasa ako sa kolehiyo, at na sobrang ipinagmamalaki niya ako. Kung pipiliin kong hindi magkolehiyo, tiyak na masasaktan ang nanay ko at muling mamaliitin ang pamilya namin ng lahat ng mga kamag-anak namin, tulad ng ginawa nila dati. Nang maalala ko kung paanong madalas na maghinaing ang nanay ko sa kung paano kami tinutuya ng aming mga kamag-anak, naisip ko: “Ang pagpapalaki sa amin ay naging sobrang hirap para sa nanay ko. Kung hindi ko gagawin ang gusto niya, hindi ba’t talagang bibiguin ko siya?” Kaya, naramdaman ko na wala akong magagawa: kailangan kong magkolehiyo. Noong nagsimula akong magkolehiyo, natuklasan kong malaki ang agwat sa pagitan ng mga mahihirap at mayayamang estudyante. Minamaliit ng mga anak mula sa mayayamang pamilya ang mga mahihirap na estudyante at inuutus-utusan sila. Nililinlang at ginagamit lang ng mga kaklase ko ang isa’t isa, at walang sinuman doon na makakausap ko nang tapat at mapagkakatiwalaan ko. Nasuklam ako sa lahat ng ito, lalo akong nangulila sa buhay-iglesia at sa mga kapatid sa bayan namin. Gustong-gusto ko nang umalis sa kolehiyo at bumalik sa kanila.

Matapos ang mahigit tatlong buwang paghihirap para makaraos sa buhay-kolehiyo, panahon na para sa winter break, at muli akong nakabalik sa buhay-iglesia. Tuwang-tuwa ako, at nagpasya akong sabihin sa nanay ko na hihinto na ako sa pag-aaral kahit anong mangyari.

Sa unang araw sa bahay, nakinig ako sa isang himno ng mga salita ng DiyosDalisay na Pag-ibig na Walang Dungis”:

1 Ang “pagmamahal,” ay tumutukoy sa isang damdaming dalisay at walang dungis, kung saan ginagamit mo ang iyong puso para magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pagmamahal walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang distansya. Sa pagmamahal walang paghihinala, walang panlilinlang, at walang katusuhan. Sa pagmamahal walang humihingi ng kapalit at walang karumihan. Kung nagmamahal ka, hindi ka manlilinlang, magrereklamo, magtataksil, susuway, maniningil, o maghahangad na magtamo ng isang bagay o ng isang partikular na halaga.

2 Ang “pagmamahal,” ay tumutukoy sa isang damdaming dalisay at walang dungis, kung saan ginagamit mo ang iyong puso para magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pagmamahal walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang distansya. Sa pagmamahal walang paghihinala, walang panlilinlang, at walang katusuhan. Sa pagmamahal walang humihingi ng kapalit at walang karumihan. Kung nagmamahal ka, masaya mong ilalaan ang iyong sarili, masaya mong titiisin ang hirap, makakasundo mo ang Diyos, tatalikdan mo ang lahat ng mayroon ka para sa Diyos, tatalikdan mo ang iyong pamilya, ang iyong kinabukasan, ang iyong kabataan, at ang iyong pag-aasawa. Kung hindi, ang iyong pagmamahal ay hindi talaga pagmamahal, kundi panlilinlang at pagtataksil!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang

Labis akong naantig at napukaw ng mga salita ng Diyos, ngunit nakaramdam din ako ng pagsisisi at pagkakasala. Nagpahayag ako ng pagpapasya na gugugulin ko ang buong buhay ko sa pagsunod sa Diyos, na hahangarin ang kaalaman tungkol sa Kanya at mamahalin Siya. Sa pagmamahal, walang panlilinlang o pagtataksil. Kung totoong mahal mo Siya, ilalaan mo ang iyong sarili sa Kanya at isusuko ang lahat para sa Kanya. Ngunit ang pagmamahal ko sa Kanya ay pawang salita lamang. Kapag tunay nang nangyayari, iniisip ko lang ang pamilya ko at ang emosyonal kong relasyon sa nanay ko. Nasaan ang pagmamahal doon? Nililinlang at pinagtataksilan ko lang ang Diyos. Pagkatapos ay binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Para sa bawat isa na naghahangad na ibigin ang Diyos, walang katotohanang hindi matatamo at walang katarungan na hindi nila mapaninindigan. Paano ka ba dapat mamuhay? Paano mo ba dapat ibigin ang Diyos, at gamitin ang pag-ibig na ito para bigyang-kasiyahan ang Kanyang kagustuhan? Walang bagay na hihigit pa sa iyong buhay. Higit sa lahat, ikaw ay dapat magkaroon ng ganitong mga hangarin at pagtitiyaga, at hindi dapat maging tulad ng mga walang gulugod, mga mahihinang nilalang. Dapat mong matutunan kung paano maranasan ang isang makahulugang buhay, at maranasan ang makahulugang mga katotohanan, at hindi dapat ituring ang iyong sarili na walang sigla sa ganitong paraan. Ang iyong buhay ay lilipas nang hindi mo namamalayan. At pagkatapos, magkakaroon ka pa ba ng isa pang pagkakataon para ibigin ang Diyos? Maaari bang ibigin ng tao ang Diyos pagkatapos niyang bawian ng buhay? Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng konsensya na katulad ng kay Pedro. Ang buhay mo ay dapat na maging makahulugan, at hindi mo dapat pinaglalaruan ang iyong sarili. Bilang isang tao, at bilang isang tao na naghahangad sa Diyos, dapat mong magawang maingat na isaalang-alang kung paano mo itinuturing ang iyong buhay, kung paano mo dapat ihandog ang iyong sarili sa Diyos, kung paano ka magkakaroon ng isang mas makabuluhang pananampalataya sa Diyos, at paano, dahil sa iniibig mo ang Diyos, dapat mo Siyang ibigin sa paraang mas dalisay, mas mainam, at mas mabuti(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Naramdaman ko ang mga inaasahan ng Diyos mula sa tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Napakabihirang makatagpo ang Diyos kahit isang beses sa ating buhay. Dalawang libong taon na ang nakalilipas, ang mga disipulo ng Panginoong Jesus ay nakipagkita sa Kanya, at ngayon, makalipas ang dalawang libong taon, inaalok ako ng Diyos ng isang pambihirang pagkakataon upang sundan Siya, hangarin ang kaalaman tungkol sa Kanya, at mahalin Siya. Kung patuloy kong tatahakin ang makamundong landas ni Satanas dahil hindi ko mapangibabawan ang emosyonal na ugnayan ko sa nanay ko at natatakot akong saktan siya, hindi ba’t inaaksaya ko ang panahon ko? Naisip ko si Pedro. Nais din ng mga magulang niya na maging opisyal siya pero hindi siya napigilan ng kanyang mga emosyonal na ugnayan sa kanila. Pinili niyang sundin at hangarin na mahalin ang Diyos at, sa huli, ginawa siyang perpekto ng Panginoon. Alam ko na dapat kong tularan ang halimbawa ni Pedro at hangarin ang kaalaman at pagmamahal sa Diyos. Iyon ang pinakamakabuluhang buhay. Pagkatapos niyon, hindi na ako napipigilan ng emosyonal kong ugnayan sa nanay ko.

Sa araw bago magsimulang uli ang eskwela, seryosong-seryoso kong sinabi sa nanay ko, “Ayaw ko nang bumalik sa kolehiyo.” Nang marinig niya ito, pinagalitan niya ako agad, sinasabing “Alam kong gusto mong tumigil sa pag-aaral at sa halip ay manalig sa Diyos, pero hindi pwede, kaya kalimutan mo na lang ang ideyang iyan!” Sinabi ko, “Nilikha tayong lahat ng Diyos. Dapat natin Siyang sambahin. Ito ang inorden ng Langit. Itinuturo rin sa atin ng Bibliya: ‘Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nasa sanlibutan. Kung ang sinomang tao ay umiibig sa sanlibutan, ay wala sa kanya ang pag-ibig ng Ama’ (1 Juan 2:15). Tayong mga mananampalataya sa Diyos ay hindi dapat tumahak sa sekular na landas ng paghahangad sa mga makamundong mithiin. Hindi iyon ang kalooban ng Diyos. Gusto kong sundin ang Diyos at gawin ang aking tungkulin.” Pagkatapos, sinabi ng nanay ko, “Hindi tayo tulad ng ibang pamilya. Maagang namatay ang tatay mo, wala tayong pera, at mababa ang tingin sa atin ng mga kamag-anak natin. Para sa ano ba ang pinagdurusa at pinagpapaguran ko sa lahat ng taon na ito? Ginawa ko ito para makapagkolehiyo ka, maging matagumpay, at magkaroon ng maayos na buhay! Naging napakahirap nito. Halos nasa dulo ka na pero gusto mong umalis sa karera. Paano mo ako nagagawang saktan nang ganito?” Nanghina ako nang sinabi niya iyon. Naisip ko: “Tama siya. Kung magtatapos ako ng kolehiyo at magkakaroon ng magandang trabaho, magkakapera ang pamilya namin, at hindi na hahamakin ng mga kamag-anak namin si nanay.” Pero naisip ko: “Maaaring mamuhay kami ng maayos na materyal na buhay at tingalain ng ibang tao, pero ano ang katuturan niyon? Kapag tapos na ang gawain ng Diyos, ang mundong ito ni Satanas ay mawawasak. Tanging ang kaharian ni Cristo ang matitira, at lahat ng kasiyahan at banidad ay mawawala sa isang iglap.” Kaya sinabi ko sa nanay ko, “Pansamantala lang tayong maninirahan sa mundong ito. Gaano man tayo magtrabaho nang husto, o gaano man tayo mabuhay nang maayos, kapag tapos na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, mahaharap sa malalaking sakuna ang sangkatauhan at mawawasak itong ‘maayos’ na buhay natin. Gaano man karami ang pera natin, hindi natin ito mapapakinabangan. Sabi ng Panginoong Jesus: ‘Ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?(Mateo 16:26).” Sumabad sa akin ang nanay ko, sinasabing, “Hindi ako tumututol sa iyong pagsampalataya sa Diyos. Huwag ka lang maging sobrang seryoso rito. Dapat kang manampalataya sa Diyos, pero huwag kang ganap na sumuko sa mundo, dahil kung hindi, paano ka magkakaroon ng masayang buhay? Paano ko kayong mapapalaking dalawa nang hindi kumikita ng pera?” Noong sinabi niya ito, napagtanto ko na ang pananampalataya niya sa Panginoon ay hanggang sa salita lang. Namamangka siya sa dalawang ilog: Gusto niyang maniwala sa Diyos at tumanggap ng mga pagpapala, ngunit gusto rin niya ang mundo. Ang tanging nagagawa ko lang ay patuloy na hikayatin siya, sinasabing, “Kung wala ang pagpapala ng Diyos, hindi yayaman ang mga tao gaano man sila magtrabaho. Inoorden ng Diyos kung gaano karaming yaman ang magkakaroon tayo sa buhay natin, at kung wala ang katotohanan, walang kabuluhan ang anumang halaga ng kayamanan.” Pero ayaw niyang makinig at determinado siyang tutulan ang mga kahilingan ko. Pagkatapos, tinawagan niya ang mga kamag-anak namin at hiniling sa kanilang pumunta at kumbinsihin akong itigil ito. Talagang sumama ang loob ko nang makitang hindi magpapatinag ang nanay ko. Wala akong ideya kung anong susunod na mangyayari, kaya nagmadali akong manalangin nang tahimik sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bantayan ako para patuloy akong makapanindigan.

Mabilis na dumating ang lahat ng kamag-anak namin. Pagkarating na pagkarating ng tito ko, galit niyang sinabi, “Ano ba itong mga usapin tungkol sa Diyos? Napakabata mo pa para maging labis na mapamahiin!” Sinabi ng tita ko, “Gusto lang ng nanay mo kung ano ang pinakamakakabuti sa iyo.” Nagkampihan silang lahat, sunud-sunod akong pinapagalitan. Alam kong mga ateista sila at hindi sila makikinig sa akin, anuman ang sabihin ko. Kung magsasalita ako, magsasabi lang sila ng higit na kalapastanganan at mga salitang kumakalaban sa Diyos, kaya wala akong sinabi. Hindi ko inaasahan na biglang sasabihin ng tito ko sa nanay ko sa sobrang bangis na paraan, “Nananampalataya siya sa Diyos dahil takot siyang mamatay sa mga sakuna, kaya hayaan mo siyang mamatay bago ang mga sakuna. Tawagin mo ang mga pulis at hayaan mo silang hampasin siya ng mga de-kuryenteng batuta, tingnan mo kung manampalataya pa rin siya!” Hindi ko kailanman inakala na ang sarilli kong tito ay magsasabi ng gayong kasamang bagay. Naisip ko: “Kamag-anak ko ba ito o isang diyablo?” Sa gulat ko, dumagdag pa ang nanay ko, sinasabing, “Kailangan niya ng disiplina, napakamasuwayin niya!” Nadurog ang puso ko nang makitang pumapanig siya sa kanila at sinusubukang pwersahin ako na isuko ang pananampalataya ko. Pagkatapos, nagsalita ang pinsan ko, sinasabing, “Kapag tumigil ka sa pananampalataya at tumuon sa pagtatapos sa kolehiyo, susuportahan ka naming lahat, tutulungan ka naming mag-alaga sa nanay mo at tutulungan namin ang kapatid mo na makahanap ng maayos na trabaho. Pero kung itutuloy mo ang pananampalataya mo, puputulin namin ang lahat ng ugnayan namin sa iyong pamilya, at simula niyon, anumang mga paghihirap ang kaharapin niyo, hindi namin tutulungan ang sinuman sa inyo. Hindi na tayo magiging magkamag-anak. Mag-isip ka nang mabuti!” Natitiyak kong gusto niya lang akong pigilan sa pagsunod kay Cristo. Walang sinuman sa kanila ang tumulong sa amin noong nag-aaral ako sa high school sa loob ng tatlong taon! Ngayon na gusto kong sundin ang Diyos at tumahak sa tamang landas, nagpunta silang lahat upang pigilan ako, sinasabi ang mga “magagandang” bagay upang iligaw ako. Pakana ito ni Satanas, at hindi ako pwedeng mahulog dito. Pero naisip ko: “Kapag hindi talaga ako bumalik sa kolehiyo, labis na masasaktan ang nanay ko. Labis na siyang nagdusa nitong mga nagdaang taon. Paano ko maaatim kung magdudulot pa ako ng higit na pasakit sa kanya?” Pagkatapos maisip ito, agad akong nanalangin nang tahimik sa Diyos, “Mahal na Diyos, alam ko po na ang pagsunod sa Iyo at paghahangad sa katotohanan ay ang tamang landas, pero nagtatalo ang loob ko kapag naiisip ko ang nanay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiusap, bigyan Mo po ako ng kaliwanagan at tulungan ako.” Pagkatapos, naisip ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabing: “Kung gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at kung gaano man kalayo ang dapat niyang lakarin sa kanyang landas ay itinakda ng Diyos, at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … 6). Bigla kong naunawaan. “Tama,” naisip ko. “Inorden ng Diyos kung gaano dapat magdurusa ang bawat tao. Hindi ito isang bagay na mapagpapasyahan ng sinumang tao, at hindi ko maiibsan ang pagdurusa ng nanay ko o mapipigilan ang kanyang pagdurusa sa pamamagitan lang ng pagkita ng maraming pera at pagbigay nito sa kanya. Ang ugat ng ating paghihirap ay ang katiwalian ni Satanas at ang lahat ng mga satanikong lason at mga makamundong pagnanasa na nasa loob natin. Kung hindi sasambahin ng mga tao ang Diyos ngayon at tatanggapin ang Kanyang paghatol upang malinis, hindi sila kailanman makalalaya mula sa pasakit. Ngunit kapag ang mga tao ay nananalig sa Diyos at hinahangad ang katotohanan, kahit na sila ay dumanas ng kaunting pisikal na pasakit, kung nauunawaan nila ang katotohanan, nagugugol ang kanilang sarili para sa Diyos, nakakapagpatotoo sa Diyos, nakakahanap ng kapayapaan at kagalakan, hindi na sila nalilinlang at nagagawang tiwali ni Satanas, at nakakamit nila ang kalayaan, magkakaroon sila ng napakasayang buhay.” Dati, iniisip ko na ang pag-aaral nang mabuti, pagkita ng maraming pera, at pagtamo ng paggalang ng iba ay maiibsan ang pagdurusa ng nanay ko. Pero iyon ay kahangalan lang. Muntikan na akong mahulog sa bitag ni Satanas. Sa mga kaisipang ito, mas tumibay ang pagpapasya ko. Kahit anong kalapastangan at paninirang-puri ang sinabi nila, wala itong epekto sa akin. Nang makita na nanatiling tahimik ako, talagang nagalit ang nanay ko. Itinulak niya ako at itinumba sa kama ko. Nagulat ako na magagawa niya ito sa akin. Talagang sumama ang loob ko at hindi ko napigilang umiyak. Patuloy akong nanalangin nang tahimik sa Diyos, hinihiling sa Kanya na tulungan akong magpatuloy, para makapanindigan ako sa pagpapatotoo sa kabila ng mga pangyayaring ito at huwag bumigay sa pamilya ko. Naisip ko ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga kabataan ay dapat magtiyagang magpatuloy sa daan ng katotohanan na pinili na nila ngayon—upang matanto ang kanilang naising gugulin ang kanilang buong buhay para sa Akin. Hindi sila dapat mawalan ng katotohanan, ni hindi sila dapat maging mapagpaimbabaw at makasalanan—dapat silang maging matatag sa wastong paninindigan. Hindi sila dapat magpatangay na lamang, kundi dapat silang magkaroon ng espiritung may tapang na magsakripisyo at makibaka para sa katarungan at katotohanan. Ang mga kabataan ay dapat magkaroon ng katapangang huwag sumuko sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman at baguhin ang kabuluhan ng kanilang pag-iral(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng pananampalataya, lakas, at kumpiyansa na manatili sa landas na pinili ko.

Pagkatapos niyon, hindi na pumasok sa trabaho ang nanay ko at nanatili sa bahay para bantayan kaming mabuti ng kapatid kong babae. Hinanap niya sa mga gamit ko ang mga libro ko ng mga salita ng Diyos at mga cassette ng himno at galit na sinabi, “Simula ngayon, pareho kayong hindi pwedeng pumunta sa mga pagtitipon. Mananatili ako sa bahay para bantayan kayo, at susundan ko kayo saanman kayo magpunta. Hahanapin ko ang lugar ng pagtitipon niyo.” Naramdaman ko na parang naka-house arrest ako. Hindi ako makapagbasa ng mga salita ng Diyos at hindi ako nangahas na kausapin ang kapatid ko tungkol sa aming pananampalataya, lalo na ang mamuhay ng buhay-iglesia. Sobrang nakakalungkot ito. Dasal ako nang dasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na ipakita sa amin ang solusyon. Isang tanghali matapos ang ilang araw, nasa banyo ang nanay ko, kaya sinunggaban ko ang pagkakataon para mabilis na makatakbo papunta sa bahay ni Sister Tang, na siyang lider ng iglesia namin. Sinabi ko sa kanya ang mga nangyari at ang mga iniisip ko tungkol dito. “Ang pagsunod sa Diyos ay ang landas ng liwanag at ng kaligtasan. Gusto kong gawin ang aking tungkulin sa iglesia, ngunit patuloy akong pinipigilan at hinahadlangan ng nanay ko. Ngayon ay hindi na kami makadalo nang normal sa mga pagtitipon ng kapatid ko. Sobrang sama ng loob ko. Bakit palaging nangyayari sa amin ang lahat ng ito?” Pagkatapos ay matiyagang nakipagbahaginan sa akin si Tang Hui, sinasabing, “Kapag ang isang tao ay nahaharap sa panggigipit mula sa kanyang mga kapamilya, sa katunayan, ito ay panggugulo at pagmamanipula ni Satanas. Gusto nating gugulin ang ating sarili para sa Diyos, pero ginagamit ni Satanas ang ating mga kapamilya upang pigilan tayo at pagsamantalahan ang ating mga kahinaan upang atakihin tayo para ipagkanulo natin ang Diyos at mawala ang ating pagkakataong mailigtas. Dapat tayong umasa sa Diyos upang makilala ang mga pakana ni Satanas.” Pagkatapos ay binasahan niya ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Ipinakita sa akin ng mga salitang ito na kung gusto kong sundan si Cristo sa madilim at masamang mundong ito, hindi ito magiging madali. Mapupuno ito ng mga labanang pang-espirituwal at mahihirap na desisyon. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang pinakahuli at pinakamahalagang yugto ng Kanyang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas sa tao. Umaasa ang Diyos na matatamo ng lahat ang katotohanan at ang buhay mula sa Kanya, na lahat tayo ay maililigtas at mananatiling buhay. Pero hindi Niya pinipilit ang mga tao, hinahayaan Niya tayong mamili para sa ating mga sarili. Naligaw at nalinlang ni Satanas ang nanay ko, kaya hindi niya makita kung gaano kahungkag ang paghahangad ng karangalan at katayuan, at patuloy akong pinipilit na pumasok sa kolehiyo, na mag-aral at maging matagumpay. Hindi ko siya pwedeng sundan sa pagpili ng maling landas. Nagpatuloy sa pagbabahagi si Tang Hui, sinasabing, “Nakikita mo kung gaano walang kabuluhan ang hangarin ang kaalaman at mga posibilidad sa hinaharap, nangako ka na gugugulin ang sarili mo para sa Diyos, at pinili mo ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Nakalulugod ito sa Diyos. Pero nasa sa iyo kung ano ang pipiliin mo para sa iyong sariling landas sa buhay, at dapat kang manalangin at mas maghanap hinggil dito.” Naisip ko: “Bagama’t nangako na akong sundin si Cristo, sa ngayon ay binabantayan ako nang mahigpit ng nanay ko, sinasabing aalamin niya kung saan kami nagtitipon. Kung igigiit kong huwag bumalik sa kolehiyo, tiyak na gagawa siya ng problema para sa mga kapatid.” Kaya, nangako ako sa nanay ko na babalik ako sa kolehiyo.

Pagdating ko roon, nagsumite ako ng aplikasyon sa kolehiyo para isuspinde ang pag-aaral ko. Inaprubahan ng kolehiyo ang aplikasyon ko, ngunit kailangan ko pa rin ang pahintulot ng aking tagapag-alaga. Nang malaman ito ng nanay ko, mahigpit siyang tutol dito. Umiyak siya nang umiyak tungkol sa kung paano siya nagdusa, at kung gaano kahirap ang pagpapalaki sa akin at sa kapatid kong babae, at hindi niya ako pinahihintulutan na tumigil sa pag-aaral ko. Nang makita ko siyang ganito, talagang nalungkot ako, at naisip ko, “Talagang nahirapan ang nanay ko upang palakihin kami at hindi ko pa siya nasusuklian. Kung hindi ko gagawin ang gusto niya, hindi ba’t lalo ko siyang bibiguin?” Agad-agad akong nanalangin sa Diyos, sinasabing, “Mahal na Diyos, ano ang dapat kong gawin? Pakiusap, bigyan Mo po ako ng kaliwanagan at tulungan Mo po ako.” Sa sandaling iyon, isang sipi ng mga salita ng Diyos ang sumagi sa isip ko: “Kapag dumating ang init ng tagsibol at namukadkad ang mga bulaklak, kapag lahat ng nasa silong ng kalangitan ay luntian at lahat ng bagay sa lupa ay nasa lugar, unti-unting papasok ang lahat ng tao at bagay sa pagkastigo ng Diyos, at sa panahong iyan lahat ng gawain ng Diyos sa lupa ay magwawakas. Hindi na gagawa o maninirahan ang Diyos sa lupa, sapagkat ang dakilang gawain ng Diyos ay natupad na. Wala bang kakayahan ang mga tao na isantabi ang kanilang laman sa maikling panahong ito? Anong mga bagay ang makakasira sa pagmamahalan sa pagitan ng tao at ng Diyos? Sino ang makapaghihiwalay sa pagmamahalan sa pagitan ng tao at ng Diyos? Ang mga magulang ba, mga asawang-lalaki, magkakapatid na babae, mga asawang-babae, o ang masakit na pagpipino? Mapapawi ba ng mga damdamin ng konsiyensya ang larawan ng Diyos sa kalooban ng tao? Sariling kagagawan ba ng mga tao ang pagkakautang at mga kilos nila tungo sa isa’t isa? Malulunasan ba ng tao ang mga iyon? Sino ang makakaprotekta sa kanilang sarili? Natutustusan ba ng mga tao ang kanilang sarili? Sino ang malalakas sa buhay? Sino ang nagagawang iwan Ako at mabuhay sa kanilang sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 24 at 25). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ang bawat tao ay nabubuhay sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at ordinasyon ng Diyos. Kung titignan ay ang nanay ko ang nagpalaki sa akin, pero ang totoo, ang buhay natin ay nagmula sa Diyos. Ang Diyos ang nagtutustos at nagpapalaki sa atin. Sa pagpapalaki sa kanilang mga anak, ang mga magulang ay gumaganap lang ng isang obligasyon at responsibilad na pangtao—walang sinuman ang may pagkakautang kaninuman. Ibinigay ng Diyos ang lahat ng kinailangan ko upang mabuhay at isinaayos Niya ang lahat ng uri ng mga tao, pangyayari, at bagay upang unti-unti akong akayin sa harap Niya at tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Napakadakila ng pag-ibig ng Diyos! Natamasa ko ang labis na pag-aaruga, proteksyon, at panustos mula sa Diyos, pero hindi ko man lang Siya nasuklian. At nang kumaharap ako sa ilang kahirapan, naging kasinungalingan ang pangakong binitiwan ko sa Diyos. Sa Diyos, ang Lumikha, ako may tunay na pagkakautang. Dahil naisip ko kung gaano magiging maiksi ang kasalukuyang gawain ng Diyos sa mundo, gaya ng naging gawain ng Panginoong Jesus, alam kong kailangan kong pahalagahan ang pambihirang pagkakataong ito upang gawin ang aking tungkulin bilang isang nilikha at suklian ang Kanyang pagmamahal. At noong nagdesisyon na akong sundin si Cristo, hindi inaasahang nagbago ang bagay-bagay. Nabalitaan ng nanay ko na kapag masyadong maraming klase ang hindi ko mapasukan, patatalsikin ako, at natakot siya na hindi na ako makakapagkolehiyo pa, kaya hinayaan niya akong itigil muna ang pag-aaral ko at umuwi. Nang umuwi ako, binalaan niya ako, “Hindi ka na pwedeng manampalataya pa sa Diyos. Magpapakatino ka, maghahanap ng trabaho sa malapit, at magtrabaho ng isang taon, at pagkatapos ay magiging masunurin ka at magbabalik sa kolehiyo.” Nangako ako sa kanya na gagawin ko iyon, pero sa loob-loob ko ay naisip ko, “Inorden ng Diyos na sundin ko na si Cristo ngayon, at ito ang pinili ko. Hindi ko ito isusuko basta-basta.”

Kaya nakahanap ako ng trabaho, pumasok sa trabaho at dumalo sa mga pagtitipon ng iglesia, at ipinangaral ang ebanghelyo sa ibang mga kapatid sa libreng oras ko. Sa pamamagitan ng pagsasagawa at pagdanas sa mga salita ng Diyos, unti-unti kong naunawaan ang ilang mga katotohanan at napagtanto ko na ang paghahangad sa katotohanan ang pinakamakabuluhang buhay at mas lumakas ang pananampalataya ko na sumunod sa Diyos. Hindi ko namalayan na panahon na para bumalik sa eskwelahan at kailangan ko nang magdesisyon nang pinal: pinili ko ang pananampalataya sa Diyos! Pagkauwi ko noong araw na iyon, nadatnan ko na nag-iimpake ang nanay ko ng kanyang mga gamit. Nalaman ko na may isang kapitbahay na nagpakilala ng isang lalaki sa nanay ko at magpapakasal siya rito. Talagang nagulat ako at nasaktan, tinanong ko siya kung ayaw na ba niya sa amin. Sinabi niya, “Ang problema ay hindi sa ayaw ko sa inyo, ang problema ay determinado kayong manampalataya sa Diyos at hindi ko na kayo maaasahan pa. Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Ito ang numero ng telepono ng pakakasalan ko. Kung babalik ka sa eskwelahan, tawagan mo ang numerong iyan kapag umuwi ka sa bakasyon at susunduin ka namin. Pero kung pareho niyong ipipilit ng kapatid mo na ipagpatuloy niyo ang pananampalataya niyo, hindi na ako mananatili pa para tulungan kayo.” Bago ko pa ito mapag-isipan nang husto, dinala kami ng nanay ko sa bus papuntang eskwelahan. Sa daan, nag-isip ako nang nag-isip. Sa loob lang ng isang araw, nawalan na kami ng tirahan ng kapatid ko at wala na kaming sinumang maaasahan pa. Talagang ang hirap nito. Walang magawang sinabi ng kapatid ko, “Ayaw na sa atin ni nanay. Anong gagawin natin kung hindi ka babalik sa eskwelahan?” Tumagos sa masakit na parte ng puso ko ang mga salita ng kapatid ko. Naisip ko, “Oo, iniwan na tayo ng mga kamag-anak natin, at mag-aasawa na ng iba si nanay. Paano kami mabubuhay kapag patuloy akong mananampalataya sa Diyos? Saan kami dapat pumunta? Anong dapat kong gawin?” Talagang nasaktan ako at nanghina, kaya nanalangin ako sa Diyos. Sinabi ko, “Mahal na Diyos, hindi ko po talaga kayang malagpasan ito. Nais Kitang palugurin, pero walang-wala na akong pananampalataya at lakas upang magpatuloy. Alam ko po na labis-labis na ang ginawa Mo para sa akin pero napakahina ko. Hindi ako karapat-dapat sa iyong pagliligtas.” Sa sandaling iyon, isang sipi ng mga salita ng Diyos ang malinaw na sumagi sa isip ko: Sabi ng Diyos: “Kapag dumating na ang araw para ang gawaing ito ay lumaganap, at nakita mo ang kabuuan nito, magsisisi ka, at sa sandaling yaon ikaw ay matitigilan. Mayroong mga pagpapala, gayunman ay hindi mo alam kung paano magtamasa sa mga yaon, at naroon ang katotohanan, gayunman ay hindi mo ito hinahabol. Hindi ka ba nagdadala ng sumpa sa iyong sarili? … Wala nang mas hahangal pa kaysa sa mga yaong nakakita sa kaligtasan ngunit hindi hinangad na makamit ito; sila ay mga taong nagpapakabusog sa laman at nasisiyahan kay Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Totoo ito. Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos at nakita ko na ang tunay na daan. Kung pipiliin ko na bigyang kasiyahan ang laman ko dahil hindi ko maatim na magdusa, kapag natapos na ang gawain ng Diyos, mapapalampas ko ang pambihirang pagkakataong ito na makamit ang katotohanan, at tiyak na pagsisisihan ko ito. Binalikan ko ang nakaraang taon na ginugol ko sa paggawa ng tungkulin ko sa iglesia. Matapos diligan at tustusan ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang ilang katotohanan at unti-unti akong nagkaroon ng kabatiran sa maraming bagay tungkol sa mundo. Nakita ko na tanging ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang maaaring maglinis at magligtas ng mga tao at na ang pagsunod kay Cristo ay ang landas ng liwanag at ng kaligtasan. Hindi ako maaaring patuloy na mag-atubili. Nagmula sa Diyos ang buhay ko at ibinigay Niya sa akin ang lahat. Ang paggawa sa tungkulin ko bilang isang nilikha ay ganap na likas at may katwiran! Hindi sinuportahan ng nanay ko ang pananampalataya ko at gusto niyang hangarin ko ang kaalaman at maging matagumpay. Kung ginawa ko ang gusto niya at pinili ang maling landas, mapapalalim lang nang mapapalalim ang paggawang tiwali sa akin ni Satanas, at sa huli ay maparurusahan ako at mawawasak. Hindi ako mapapalaya ng kaalaman sa aking mga tiwaling disposisyon, hindi rin ako nito malilinis o mababago. Tanging Diyos ang makapagliligtas sa atin. Kung ayaw sa akin ng pamilya ko, kasama ko pa rin ang Diyos. Nang magbalik-tanaw ako sa lahat ng nangyari, napagtanto ko na sa tuwing nakakaramdam ako ng pagkanegatibo at panghihina, ang mga salita ng Diyos ang sumuporta sa akin, tumulong sa akin, at nagbigay sa akin ng lakas. Noong tatalikuran ko na sana ang Diyos sa pinakamasakit at pinakamahina kong mga sandali, pinukaw ng Kanyang mga salita ang puso ko. Sa mundong ito, tanging ang pag-ibig ng Diyos para sa akin ang totoo! Nang naisip ko ito, bumalik ang aking pananampalataya. Pinahid ko ang mga luha ko at sinabi sa kapatid ko, “Ang Diyos ang Siyang tanging maaasahan natin. Dapat magkaroon tayo ng pananalig na gagabayan Niya tayo. Bumalik tayo sa mga kapatid.” Kinabukasan, sumakay kami sa bus pabalik sa bahay at pagkatapos noon ay sinimulan naming gumanap sa aming mga tungkulin sa iglesia. Salamat sa Diyos! Inakay ako ng mga salita ng Diyos upang malagpasan ang kahinaan ng laman at piliin ang maliwanag at tamang landas na ito.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman