Ang mga Salita ng Diyos ang Nangunguna sa Daan

Setyembre 30, 2019

Sinasabi sa mga salita ng Diyos: “Ang layunin ng Diyos sa paglalantad ng mga tao ay hindi para alisin sila, kundi para palaguin sila(“Sa Pagsasagawa Lamang ng mga Salita ng Diyos Nagkakaroon ng Mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Noong araw, dahil nagkamali ako sa pag-unawa sa hangarin ng Diyos na ilantad ang mga tao, kapag nakagawa ako ng anumang pagkakamali sa pagtupad sa aking tungkulin o pagharap sa anumang kahirapan, o naharap ako sa kabiguan o dumanas ng pagkatalo, palagi akong nag-iisip ng negatibo at maling pagkaunawa: tinatamad sa trabaho, hindi naghahangad ng kalooban ng Diyos, at hindi nagbubulay-bulay upang makilala ang sarili. Dahil dito, nawalan ako ng maraming pagkakataong makamit ang katotohanan. Dahil sa sitwasyong naisaayos ng Diyos, gayon din sa kaliwanagan at patnubay ng Kanyang mga salita, natuklasan ko sa huli ang mga paglihis sa aking sariling karanasan at napagtanto ko na hindi inilalantad ng Diyos ang mga tao upang alisin tayo, kundi upang hayaang lumago ang ating buhay. Nang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos, hindi na ako naging negatibo o nagkaroon ng maling pagkaunawa sa Diyos, at natagpuan ko ang isang daan kung saan maisasagawa at mararating ko ang katotohanan.

Sa simbahan, ang tungkuling ginagampanan ko ay mag-ayos ng mga dokumento. Ilang panahon na, dahil sa patnubay ng Diyos, nakamtan ko ang ilang resulta ng pagtupad sa aking tungkulin. Pagkatapos kong baguhin at tipunin ang mga materyal ng ebanghelyo para masuri ng mga kapatid, wala silang natuklasang anumang problema, subalit pagdating sa mga materyal ng ebanghelyo na sila mismo ang nagtipon, hindi lamang ako nakakita ng ilang isyu, kundi nabago at naayos ko rin ang mga isyung ito para sa kanila. Hindi naging maganda ang sitwasyon ng aking mga kapatid, subalit nagamit ko ang aking sariling karanasan upang maibahagi at masabi ko ito sa kanila ayon sa mga salita ng Diyos, kaya’t nakayanan nilang makaalis sa kanilang maling sitwasyon. Nang mapagtanto ko ito, tuwang-tuwa ako. Naramdaman kong nakagawa ako ng isang napakabuting gawain sa pagganap ko sa aking tungkulin, at talagang nakausad na ako. Gayunman, laking gulat ko nang paulit-ulit na naglitawan ang mga problema sa mga materyal ng ebanghelyo na natipon ko nitong nakaraang dalawang araw. Isang araw sabi sa akin ng isang kapatid, “Palaging mas makinis noon ang isinusulat mong mga pangungusap sa mga materyal ng ebanghelyo. Bakit napakaraming mali sa dokumentong ito?” Bilang isang tao na masasabing sanay sa pag-aayos ng mga pangungusap, nahirapan akong tanggapin ito. Naisip ko sa sarili ko, “Pinaghirapan ko ang pagrebisa sa materyal na ito ng ebanghelyo, bakit may mga problema pa rin sa mga pangungusap nito?” Nang makita ko ang mga pagwawastong nagawa ng kapatid na ito sa dokumento, medyo nalungkot ako. Gayunman, hindi ako naghangad ng kalooban ng Diyos; pinasadahan ko na lang ulit ang materyal na ito ng ebanghelyo at tinapos na ito. Kinabukasan, habang nirerepaso ko ang isa pang materyal ng ebanghelyo na narebisa ko na, hindi ko inaasahan na sasabihin ng kapatid ding ito na ang aking paraan ng pag-iisip ko sa aking rebisyon ay naging malabo at nabigo akong itatag ang pangkalahatang argumento nito. Sinabi pa niya na nakita rin ng namamahala ang materyal na ito, at pareho sila ng pananaw. Nang marinig ko ito, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Naisip ko sa aking sarili, “Paano nangyari ito? Paano ako nabigong itatag ang isang malinaw na paraan ng pag-iisip sa aking mga pangungusap, o nabigong ihatid ang kahulugan ng pangkalahatang nilalaman? Ngayon, hindi lang iniisip ng kapatid na ito na ang trabaho ko ay hindi kasinggaling ng inaasahan nila, kundi gayon din ang pakiramdam ng taong namamahala. Hindi ba iyan nagpapakita na talagang may malaking kamalian sa mga ideya sa buong dokumento? Ngayong hindi ko nakita ang gayon kalinaw na mga isyu, nawala na ba sa akin ang patnubay ng Banal na Espiritu? May problema ba sa aking kakayahan bilang isang tao? Hindi ba ako karapat-dapat na tumupad sa tungkuling ito? …” Nang lalo ko itong isipin, lalo akong nanghina; hindi ko lubos na naunawaan ang Diyos, at pakiramdam ko hindi na Niya ako ginagabayan at pinabayaan na Niya ako. Sa oras ng tanghalian, pinanood ko ang mga kapatid na nag-uusap-usap at nagtatawanan, ngunit hindi ko mapilit ang sarili ko na sumaya.

Noon din, naalala ko ang isa sa mga binigkas ng Diyos: : “Kapag hindi nauunawaan o isinasabuhay ng mga tao ang katotohanan, kadalasang nabubuhay sila sa gitna ng tiwaling disposisyon ni Satanas. Nabubuhay sila sa gitna ng iba’t ibang patibong ni Satanas, kinukulta ang utak sa kaiisip ng kanilang sariling kinabukasan, karangalan, katayuan, at iba pang makasariling interes. Nguni’t kung gagamitin mo ang pananaw na ito sa iyong tungkulin, sa paghahanap at paghahabol sa katotohanan, kung gayon iyong matatamo ang katotohanan(“Paano Lulutasin ang Suliranin ng Pagiging Pabaya at Kawalang ng Sigla Habang Gumaganap sa Iyong Tungkulin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ginising ako ng mga salita ng Diyos. Huminahon ako, at nagsimulang pag-isipan ang mga bagay-bagay. Sunud-sunod ang mga problemang lumitaw sa mga dokumento na narebisa ko noong nakaraang ilang araw, ngunit kahit naharap ako sa gayong paghahayag, hindi man lang ako naghangad ng kalooban ng Diyos. Hindi rin ako nagtangkang arukin kung bakit naglitawan ang mga problemang ito sa pagtupad ko sa aking tungkulin, kung lumitaw ba ang mga ito dahil mga isyu ito sa aking disposisyon at intensyon o dahil hindi pa ako sanay sa aking gawain at hindi ko pa lubos na naunawaan ang ilang prinsipyo, o tinangkang alamin kung paano ko mahahadlangang maulit ang gayong mga pagkakamali sa hinaharap upang magkamit ako ng mas magagandang resulta sa pagtupad ko sa aking tungkulin. Hindi ko nabigyan ng anumang konsiderasyon ang mga praktikal na katanungang ito; sa halip, lubos nang naging abala ang isipan ko sa pag-iisip kung ano ang tingin sa akin ng ibang mga tao, at kung gusto ba akong ilantad o alisin ng Diyos. Nagugol ko ang buong panahon ko sa pagninilay tungkol sa mga baluktot na paraang ito, na hindi man lang nag-iisip tungkol sa tamang landas, kaya’t ang naging resulta, nang lalo akong magnilay-nilay, lalo akong naging negatibo at malungkot, at nawalan ako ng interes sa pagtupad sa aking tungkulin. Noon ko lamang nakita ang mga paglihis sa aking karanasan. Matapos ilantad ng Diyos, hindi ako nagtuon sa paghahanap sa katotohanan at paglutas sa aking mga isyu, kundi sa halip ay naisip ko ang aking reputasyon at katungkulan, maging ang aking kinabukasan at tadhana. Nagawa akong tanga ni Satanas, na nag-akay sa akin na maniwala sa Diyos nang maraming taon nang hindi man lang natatamo kailanman ang pagpasok sa buhay. Hindi ako maaaring magpatuloy nang gayon kalungkot. Kinailangan kong hangarin ang kalooban ng Diyos sa ganitong klaseng kapaligiran, magbulay-bulay upang makilala ang aking sarili, at makapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos.

Humarap ako sa Diyos upang paglimiin ang aking sarili: Bakit palaging hindi ko matanggap ang mga katotohanang inihayag? Bakit lagi na lang akong nagdurusa tuwing may problema sa pagtupad ko sa aking tungkulin? Ano ba talaga ang dahilan nito? Sa pamamagitan ng panalangin at paghahanap, naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Sa loob ng tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, may praktikal na isyung hindi ninyo alam; isang napakabigat na problema, na karaniwan sa pagkatao ng bawat isang tao. Ito ang pinakamalaking kahinaan ng sangkatauhan, at isa ring elemento ng diwa ng likas na pagkatao na pinakamahirap tuklasin at baguhin. Ang mga tao mismo ay mga bagay na nilikha. Kaya ba ng mga bagay na nilikha na magkamit ng walang-hanggang kapangyarihan? Kaya ba nilang maging perpekto at walang anumang mali? Kaya ba nilang maging mahusay sa lahat ng bagay, maunawaan ang lahat ng bagay, at maisakatuparan ang lahat ng bagay? Hindi nila kaya. Gayunman, sa kalooban ng mga tao, may isang kahinaan. Sa sandaling matuto sila ng isang kasanayan o propesyon, pakiramdam ng mga tao ay may kakayahan sila, na sila ay mga taong may katayuan at may halaga, at na sila ay medyo mga propesyonal. Gaano man nila isiping ‘may kakayahan’ sila, nais nilang gawing kaakit-akit ang kanilang sarili, na nagpapanggap na matataas na tao sa lipunan, at magmukhang perpekto at walang anumang mali, wala ni isang depekto; nais nilang maging dakila, makapangyarihan, lubos na may kakayahan, at nakagagawa ng anumang bagay sa mga mata ng iba. … Patungkol sa kahinaan, pagkukulang, kamangmangan, kalokohan, o kawalan ng pang-unawa sa normal na pagkatao, babalutan nila ang mga iyon, ipapakete, hindi ipapakita sa ibang mga tao, pagkatapos ay patuloy silang magpapanggap. Laging lumilipad ang isip ng gayong mga tao, hindi ba? Hindi ba nangangarap sila nang gising? Hindi nila kilala kung sino sila mismo, ni hindi nila alam kung paano mabuhay nang normal. Ni minsa’y hindi sila kumilos na tulad ng praktikal na mga tao. Sa pagkilos nila, kung ang klase ng landas na ito ang pinipili ng mga tao—laging lumilipad ang isip nila sa halip na manatili silang nakatapak sa lupa, gusto nila palaging lumipad—malamang na magkaroon sila ng mga problema. Sa totoo lang, kung gagawin mo ito, paano ka man manalig sa Diyos, hindi mo mauunawaan ang katotohanan, ni hindi mo matatamo ito, dahil hindi tama ang klaseng ito ng landas sa buhay na pinipili mo, at mali ang simula mo. Kailangan mong matutuhan kung paano lumakad sa lupa, at paano lumakad nang matatag, sa paisa-isang hakbang. Kung kaya mong lumakad, lumakad ka; huwag mong subuking matutong tumakbo. Kung kaya mong lumakad sa paisa-isang hakbang, huwag mong subuking magdala-dalawang hakbang. Kailangan ay matatag kang nakatayo sa lupa. Huwag mong subuking maging pambihirang tao, matapang, o matayog.

Ang mga tao, natatalo ng kanilang mala-satanas na disposisyon, ay nagkakandili ng kaunting ambisyon at pagnanasa sa loob nila, na nakakubli sa loob ng kanilang mga pagkatao. Ibig sabihin, hindi kailanman nais ng mga tao na manatili sa lupa; palagi nilang gustong lumipad. Ang himpapawid ba ay isang lugar para tahanan ng isang tao? Iyan ay lugar para kay Satanas, hindi isang lugar para sa mga tao. Noong nililikha ang mga tao, inilagay sila ng Diyos sa lupa upang ang iyong pang-araw-araw na buhay ay maging ganap na normal at ang mga paraan ng pamumuhay ay disiplinado, at sa gayon matututuhan mo ang pangkalahatang kaalaman tungkol sa kung paano maging tao, at matututo kung paano mabuhay, at paano sambahin ang Diyos. Hindi ka binigyan ng Diyos ng mga pakpak; hindi ka Niya pinayagang manirahan sa himpapawid. Yaong mga may pakpak ay mga ibon, at yaong mga pagala-gala sa himpapawid ay si Satanas at masasamang espiritu at maruruming demonyo. Hindi tao ang mga ito! Kung patuloy na magkakaroon ng ganyang mga ambisyon ang mga tao, laging gustong maging pambihira at mas nakahihigit sa iba, naiiba sa iba, at espesyal, iyan ang problema! Una sa lahat, mali ang pinagmumulan ng pag-iisip mo. ‘Pambihira at nakahihigit sa iba’—anong klaseng pag-iisip iyan? ‘Mas magaling ka sa iba,’ ‘suwayin ang lahat ng pagkukumpara,’ ‘walang anumang mali at hindi nagkakamali,’ ‘walang kasingganda,’ ‘humuhubog ng kakaibang landas’—kapag ginamit sa mga mithiing pinagsisikapan ng mga tao, mabuti ba o masama ang mga pariralang ito? ‘Namumukod-tangi,’ ‘mahusay,’ ‘espesyal na talento,’ ‘makapangyarihang presensya,’ ‘kaakit-akit na personalidad,’ ‘kaakit-akit,’ ‘tanyag at magaling,’ ‘iniidolo’—mga mithiin ba ito na dapat pagsikapang matamo ng mga tao sa pamumuhay nila? May kahit isang salita man lang ba sa lahat ng katotohanan na nagsasabi sa iyo na maging gayong klaseng tao? (Wala.)” (“Ang Limang Kinakailangang Kalagayan Upang Mapunta sa Tamang Landas ng Pananampalataya ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Sa normal na mga kalagayan, walang sinuman na magaling sa lahat ng bagay, walang sinuman ang ‘bihasa sa lahat ng gawain.’ Gaano ka man katalino, gaano man kalawak ang nakikita mo, palagi pa ring magkakaroon ng mga bagay na hindi mo naiintindihan o wala kang kamalayan, mga trabaho o kasanayan na hindi mo alam; sa bawa’t negosyo o bawa’t trabaho, laging magkukulang pa rin ang nalalaman mo, may mga bagay na hindi mo kakayanin, o higit pa sa kakayahan mo(“Sa Pagsasagawa Lamang ng mga Salita ng Diyos Nagkakaroon ng Mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa pamamagitan lamang ng pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos at paghahambing nito sa aking sitwasyan natuklasan ko na hindi ko talaga natanggap na ilalantad Niya ako. Ito ay dahil sa nangibabaw sa akin ang aking maka-Satanas na katangian ng pagiging mapagmataas; lagi kong hangad na maging isang perpekto, walang depekto, matayog, magiting na tao. Saan man ako magpunta o saan man ako naroon sa pagtupad sa aking tungkulin, laging kong hinangad na maging pinakabantog at pinakamagaling na tao. Pakiramdam ko kailangan kong maging gayon para magtagumpay, at kung hindi, naging walang-kuwentang tao sana ako at bigo. Sa gayon, kapag may dumating na problema habang tinutupad ko ang aking tungkulin, hindi ako naging mahinahon sa pagharap dito, hindi ko tinanggap ang ganitong paglalantad ng Diyos, at inamin ang aking sariling mga pagkukulang. Sa halip, natuliro ako at hindi ako dapat nakagawa ng anumang mga pagkakamali, na nag-iisip kung paano ito nangyari—hanggang sa puntong namumuhay ako sa pagiging negatibo at mali ang pagkaunawa, na hindi matrato nang maayos ang sarili. Hindi ko talaga kilala nang husto ang aking sarili, at napakataas ng opinyon ko sa sarili! Nilinaw ng mga salita ng Diyos na lagi akong naghangad na maging perpekto, walang depekto, at matayog na tao; ito’y lubos na nagmula sa ambisyon at mga hangarin ni Satanas. Si Satanas ang nanunukso sa akin at ginagawa akong tiwali, samantalang ang totoo ay isa lamang akong nilikha, na hindi magiging perpekto magpakailanman. Hindi hiningi ng Diyos na maging matayog o perpekto tayo; gusto Niya tayong magpakatotoo, patuloy na umunlad, at kumilos nang may lubos na katapatan. Gamit ang anumang lebel at reputasyon ko bilang pundasyon, dapat kong isagawa ang aking tungkulin, matutuhang magpasakop sa gawain ng Diyos, at gawin ang lahat upang matupad ang aking tungkulin; saka lang ako magkakaroon ng katwiran na angkop sa isang nilikha. Walang sinumang perpekto; lahat ng karaniwang tao ay may sariling mga kapintasan at paraan na hindi matapatan ng kanilang kakayahan. Normal naman na lumitaw ang ganyang mga paglihis o problema sa pagtupad sa aking tungkulin, at sa pamamagitan ng aktuwal na paglalantad, natuklasan ko ang aking mga pagkukulang. Sa patuloy na pagpapakabuti at pagpupuno lamang sa mga kakulangang iyon ako tuluy-tuloy na susulong at makakagawa ng mas mabuting gawain sa pagtupad sa aking tungkulin. Kung hindi ko maaayos nang wasto ang aking mga isyu at pagkukulang, at hindi ko hinanap ang katotohanan upang malutas ang mga iyon, paano ako uunlad? Noon ko lamang napagtanto kung gaano ako napangibabawan ng aking mga pagnanasa at ambisyon. Naging lubha akong mapangahas hanggang sa hindi ko na makilala ang sarili ko; ang pagsisikap kong maging perpektong tao ay lubos na naging salungat sa kalooban ng Diyos at, dahil diyan, hindi posibleng makamit ko ang Kanyang mga pagpapala at patnubay.

Muli kong binasa ang mga salita ng Diyos: “Ang layunin ng Diyos sa paglalantad ng mga tao ay hindi para alisin sila, kundi para palaguin sila. Maliban pa riyan, iniisip mo kung minsan na inilalantad ka, nguni’t sa katunayan ay hindi. Kadalasan, dahil mahina ang kakayahan ng mga tao at hindi nila naiintindihan ang katotohanan, idagdag pa riyan ang kanilang kayabangan, gusto nilang magpakitang-gilas para mapansin ng iba, mapagrebelde ang kanilang disposisyon, walang matapat na intensyon, walang malasakit, at walang interes sa kapakanan ng iba, hindi mahusay magtrabaho, at hindi ginagampanan nang tama ang kanilang tungkulin. Sa kabilang banda, hindi mo inaalala kung minsan ang mga prinsipyong naituro sa iyo, na parang pumapasok lang sa isang tainga at lumalabas din sa kabilang tainga. Ginagawa mo kung ano ang gusto mo, mas inuuna ang sarili kaysa bahaginan ang iba at pagiging batas mo na sa sarili mo. Walang gaanong kabuluhan ang ginagawa mo at salungat sa prinsipyo. Sa bagay na ito, dapat kang disiplinahin—nguni’t paanong masasabi na ikaw ay naalis na? Dapat mong harapin ito nang wasto. Ano ang wastong paraan sa pagharap dito? Sa mga bagay na hindi mo naiintindihan ang katotohanan, dapat kang maghanap. Hindi mo lamang aalamin ang doktrina, at pagkatapos ay wala ka nang gagawin. Dapat mong maunawaan ang kalooban ng Diyos at unawain ang prinsipyo kung paano ginagawa ng pamilya ng Diyos ang isang gawain. Ano ang prinsipyo? Ang prinsipyo ay hindi doktrina. May ilang pamantayan ito, at dapat mong alamin ang kahatulan sa paggawa ng mga gayong bagay, ano ang naiutos ng nasa itaas pagdating sa gayong gawain, kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos tungkol sa pagganap sa ganitong uri ng tungkulin, at kung paano makakatugon sa kalooban ng Diyos. Ano ang mga pamantayan para makatugon sa kalooban ng Diyos? Pagkilos ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Sa pangmalawakan, ang tagubilin ay unahin ang mga kapakanan ng pamilya ng Diyos at ang gawain ng pamilya ng Diyos. Sa mas makitid na saklaw, sa lahat ng aspeto, hindi dapat magkaroon ng malalaking problema, at walang kahihiyan ang dapat madala sa Diyos. Kung makakabisa nang lubos ng mga tao ang mga prinsipyong ito, unti-unti bang mapapawi ang kanilang mga pag-aalala? At unti-unti rin bang mababawasan ang maling pagkaintindi nila? Kapag isinantabi mo ang mga maling pagkaintindi mo, at wala kang ideya na hindi makatwiran tungkol sa Diyos, mababawasan din ang matinding pagkontrol sa iyo ng mga negatibong bagay at matatanganan mo nang wasto ang mga gayong bagay. Kaya mahalagang saliksikin ang katotohanan at hangaring maunawaan ang kalooban ng Diyos(“Sa Pagsasagawa Lamang ng mga Salita ng Diyos Nagkakaroon ng Mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na ang Kanyang paglalantad sa akin ay hindi para alisin ako, kundi para tulutan akong matuklasan ang aking mga pagkukulang sa pagtupad sa aking tungkulin at matutunan ko kung aling mga bahagi ng aking tiwaling disposisyon ang pumipigil sa akin na gampanan ang aking tungkulin, upang malutas ko ang mga isyung ito sa napapanahong paraan, upang patuloy kong mapaganda ang mga resulta ng aking gawain, at mabago ang disposisyon ko sa buhay sa lalong madaling panahon. Pagkatapos kong maunawaan ang kalooban ng Diyos, pinayapa ko ang aking sarili at hinanap ko ang dahilan sa likod ng mga problemang naganap sa dalawang materyal ng ebanghelyo na nirebisa ko kamakailan. Nang pag-isipan ko itong mabuti, napagtanto ko na kapag nakakita ako ng kaunting paghusay sa pag-aayos ko ng mga dokumento, napapatigil ako sa pagpapahalaga at kasiyahan ko sa aking sarili. Hindi na ako nagsikap na umunlad pa, at sa sumunod na paghawak sa mga materyal, nagawa ko iyon nang lubhang walang-ingat, basta matapos na lang. Patungkol naman sa mga detalye ng katotohanang nakapaloob sa mga materyal, hindi ko na hinangad ang mga prinsipyo sa likod ng mga ito kahit hindi ko naunawaan ang mga iyon; may kaunting ideya lang ako tungkol sa kahulugan ng mga ito, at patuloy akong naguluhan. Sa gayon, nakapagtataka ba na naglitawan ang mga problema sa pagtupad ko sa aking tungkulin? Nang isip-isipin ko ito, napagtanto ko na kung hahanapin ko ang katotohanan upang malutas ang aking sariling katiwalian at mas pagsikapan kong masigasig na tapusin ang aking mga gawain, naiwasan sana talaga ang mga problemang ito. Sa paglalantad sa mga katotohanan, hinayaan ako ng Diyos na makilala ko ang aking sariling tiwaling disposisyon at ang aking saloobin sa pagtupad sa aking tungkulin, upang mahanap ko ang katotohanan na lulutas sa mga isyung ito. Hindi ba ito mismo ang pag-ibig na taglay ng Diyos para sa akin? Sumaya ang puso ko sa pagkatantong ito: kinilala ko na dapat akong huminto sa maling pag-unawa sa Diyos at na dapat akong magmadaling baguhin ang aking sitwasyon upang mailaan ko ang aking puso sa pagtupad sa aking tungkulin. Pagkatapos, nakipagkita ako sa taong namamahala rito upang mas masiyasat pa ang mga pangangatwiran sa materyal ng ebanghelyo at matukoy, batay sa mga prinsipyo, ang direksyon kung paano ito dapat marebisa. Kinabukasan, habang sinusuri ko itong muli, laking gulat ko nang may naidagdag nang ilang highlight, at nang makatapos ako sa pagrerebisa nito, nakadama ako ng higit na tiwala sa sarili at kapanatagan.

Sa karanasang ito, napagtanto ko na kapag may mga paglihis o problema sa pagtupad sa aking tungkulin, hindi ako dapat matakot, ni mangamba kung inilalantad ako ng Diyos. Ang nakakatakot ay kung hindi ko hahanapin ang katotohanan, pagkatapos malantad, upang malutas ang aking mga problema, at manatili ako sa pagiging negatibo habang palagi kong nililimitahan ang aking sarili, sa gayo’y lumalagpas ang maraming pagkakataong makamit ang katotohanan at naaantala ang pag-unlad ko sa buhay. Mula ngayon, ano mang sagwil o kabiguan ang aking kaharapin, hangad kong palaging hanapin ang katotohanan sa harapan ng Diyos, magnilay-nilay upang mas makilala ang aking sarili, gamitin ang mga salita ng Diyos upang lutasin ang aking tiwaling disposisyon, hanapin ang daan papasok sa katotohanan. Sa pagsasabuhay lamang sa ganitong paraan ako patuloy na uunlad sa buhay at makakatupad sa aking tungkulin nang may higit na kahusayan.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Sa mga salita ng Diyos nakita ko ang isang paraan para masanay sa pagpasok at nalaman ko kung paano maglingkod na kasama ng iba. Naunawaan ko ang mga kagustuhan ng Diyos: Lahat ay may kalakasan, at nais ng Diyos na gamitin ng lahat ang mga kalakasang iyon sa gawain ng pamilya ng Diyos, at sa paggawa nito ang mga kahinaan ng lahat ay mapupunan.

Isang Espirituwal na Labanan

Ni Yang Zhi, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Magmula nang maniwala ang mga tao sa Diyos, nagkimkim na sila ng maraming maling...