Bakit Gumagawa ng Panlilinlang Kapag Naglilingkod sa Diyos

Mayo 15, 2018

Hu Qing Lungsod ng Suzhou, Lalawigan ng Anhui

Nang makita ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Laging gusto niyaong mga naglilingkod bilang mga lider na magkaroon ng mas higit na katalinuhan, na maging angat kaysa lahat, na makahanap ng mga bagong pamamaraan upang makita ng Diyos kung gaano talaga ang kanilang kakayahan. Subali’t, hindi sila nagtutuon ng pansin sa pag-unawa ng katotohanan at pagpasok tungo sa realidad ng salita ng Diyos. Lagi nilang gustong magpakitang-gilas; hindi ba’t ito mismo ang kapahayagan ng isang mapagmataas na kalikasan?(“Kung Wala ang Katotohanan Madaling Magkasala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo), naisip ko sa sarili ko: Sino ang may sapat na lakas ng loob na sumubok maghanap ng mga mapanlikhang bagong panlilinlang? Sino ang hindi nakaaalam na hindi pinahihintulutan ng disposisyon ng Diyos ang pagkakasala ng tao? Tiyak na hindi ako maglalakas-loob! Naniwala ako mismo na mayroon akong pusong gumagalang sa Diyos, at sa aking paggawa ay hindi ako naglakas-loob na subukang maghanap ng mga panlilinlang. Gayunpaman, sa paghahayag lamang ng Diyos ng mga katotohanan napagtanto kong ang pagsisikap na makahanap ng mga bagong panlilinlang ay hindi kung ano ang tinatangka o hindi tinatangkang gawin ng isang tao—ito ay ganap na itinatakda ng isang mayabang na kalikasan.

Hindi pa katagalan, natuklasan kong may isang iglesia na may isang pinunong hindi nakakasapat. Siya ay natutulog sa panahon ng mga pagtitipon at walang mabait na kalikasan, habang ang kanyang kapareha ay may maraming responsibilidad. Kaya, ninais kong palitan ang pinunong ito ng iglesia at hayaan ang kanyang kapareha na gampanan ang gawain ng pinuno ng iglesia. Gayunpaman, nag-alala ako na magiging dahilan ito para maging negatibo, mahina, at tumigil sa kanyang pananampalataya ang pinuno ng iglesia, o na guguluhin niya ang mga bagay sa iglesia. Pagkatapos ng mahabang pagninilay-nilay, naisip ko ang isang “matalinong plano.” Lihim kong hahayaan ang kanyang kapareha na akuin ang buong saklaw ng trabaho; aasikasuhin ng kanyang kapareha ang lahat ng bagay na inayos ng iglesia, at magiging isa lamang tau-tauhan ang pinuno ng iglesia. Kaya hindi ko hinanap ang Diyos o tumingin sa mga kaayusan at prinsipyo ng gawain. Ginawa ko lang ito pagkatapos ipaalam sa kapareha ng pinuno ng distrito at sa pastor ng distrito. Pagkatapos nito, pinuri ko nang husto ang aking sarili, naniniwalang napakatalino ko at talagang may karunungan sa aking trabaho. Naisip ko: Kung alam ng pinuno ang tungkol dito, tiyak na sasabihin niya na may kakayahan ako sa aking trabaho, at malamang na maiisip niyang itaas ako sa tungkulin. Nguni’t hindi ko naisip na nang sabihin ko sa pinuno ang tungkol dito, sasabihin niya: “Sinusubukan mong maghanap ng mga bagong panlilinlang. Saan sa mga pagsasaayos ng gawain sinabi na maaari mo itong gawin? Ang isang hindi nakakasapat na pinuno ay maaaring mapalitan, nguni’t hindi natin maaaring isagawa ang gawain ayon sa ating sariling kalooban at isantabi ang mga prinsipyo ng iglesia. Ito ay seryosong paglaban sa Diyos. ” Matapos marinig ang mga salitang ito mula sa pinuno, ako ay nagulat. Talagang hindi ko kailanman naisip na hindi sinasadyang maghahanap ako ng mga bagong panlilinlang. Ang pinaniwalaan kong isang “matalinong plano” ay totoo palang seryosong paglaban sa Diyos, at talagang nahiya ako nang naharap sa mga katotohanan. Sa oras na iyon, wala akong magagawa kundi isipin ang mga pagbigkas ng Diyos: “Halimbawa, kung mayroon kang kayabangan at kahambugan, makikita mo na imposibleng hindi sumuway sa Diyos; mapipilitan kang sumuway sa Kanya. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na kayabangan at kahambugan. Dahil sa iyong kayabangan at kahambugan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, lagi kang magpasikat, at, sa huli, papalit ka sa lugar ng Diyos at magpapatotoo para sa iyong sarili. Sa huli, gagawin mong mga katotohanan ang iyong sariling mga ideya, ang iyong sariling pag-iisip, at ang iyong sariling mga pagkaintindi para sambahin ka. Tingnan mo kung gaano kalaking kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang likas na kayabangan at kahambugan!(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Totoo ito. Nang naharap sa usaping ito, hindi ko hinanap ang Diyos, ni hindi ko ito isinaalang-alang sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng iglesia. Kumilos ako ayon sa aking sariling kalooban lamang. Nakita ko ang aking mayabang at makasariling kalikasan, na wala akong pusong gumagalang sa Diyos, at walang taglay ang Diyos na puwang sa aking puso. Sa oras na iyon ko lamang napagtanto na ang paghahanap ng mga bagong panlilinlang ay hindi isang bagay na tinangka o di tinangka kong gawin, nguni’t ito ay isang bagay na itinakda ng aking sariling mayabang na kalikasan. Kung hindi ko nakilala ang aking sariling mayabang na kalikasan, hindi ko kailanman mapipigilan ang sarili ko. Baka isang araw makagagawa pa ako ng isang bagay para labanan ang Diyos na dahilan para makararamdam Siya ng pagkasuklam at galit. Sa panahong iyon ko lamang nalaman na ang paglilingkod sa Diyos ay hindi isang simpleng bagay. Kung wala akong katotohanan, kung walang pagbabago sa disposisyon, kung hindi ko nakikilala ang sarili kong mayabang na kalikasan, maaaring masaktan ko nang di-sinasadya ang disposisyon ng Diyos. Talagang napakamapanganib nito! Salamat sa kaliwanagan ng Diyos, naunawaan ko mula sa pangyayaring ito kung bakit paulit-ulit na hinihingi ng sambahayan ng Diyos na magtrabaho kami ayon sa mga kaayusan at prinsipyo ng gawain. Ito ay dahil hindi natin natamo ang katotohanan at hindi matitiyak na ang ating mga pagtingin ay tamang lahat at ang ating ginagawa ay kapaki-pakinabang para sa iglesia at mga taong hinirang ng Diyos, ngunit ang ating kalikasan ay palaging mayabang at lahat tayo ay naghahangad na magpasikat, na 'dalhin sa liwanag’ ang ating sariling mga kakayahan para makita ng Diyos. Kung gayon, sa pamamagitan lamang ng tapat na pagtatrabaho ayon sa mga kaayusan ng gawain natin mapoprotektahan ang ating mga sarili.

O Diyos! Salamat sa pagbubunyag ng aking mayabang at makasariling kalikasan. Magmula sa araw na ito, tiyak na ituturing ko ito bilang isang babala at higit ko pang pagsisikapang kilalanin ang sarili kong kalikasan. Magtatrabaho ako nang ganap ayon sa mga kaayusan ng gawain. Ako ay tunay na magiging isang taong makatwiran, sumusunod sa mga prinsipyo, at may pusong gumagalang sa Iyo.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman