Ang Mahirap na Desisyon ng Isang 21 Taong Gulang na Babae
Noong bata pa ako, sinabi sa akin ng aking ina at ama na nilikha ng Diyos ang tao at kaya dapat mabuhay ang tao na sumasamba sa Lumikha. Nang tumanda na ako, nagsimula akong dumalo sa mga pagtitipon. Pagdating ng taong 2017, pinatalsik ang nanay ko bilang isang masamang tao dahil ginulo at ginambala niya ang gawain ng iglesia at matigas ang ulo na tumangging magsisi. Magmula noon, hindi na niya ako gaanong sinuportahan sa aking pananampalataya. Nagsimula akong pumasok sa kolehiyo noong 2018, at sa tuwing uuwi ako o tatawag ang aking ina, palagi niya akong sinasabihan na mag-aral nang maigi at tinatanong ako kung ano ang mga plano ko para sa aking pag-aaral at sa buhay. Halos hindi niya nabanggit ang aking pananampalataya sa Diyos, at dagdag pa roon, abala ako sa aking pag-aaral at bihira akong kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, kaya unti-unti akong napalayo sa Diyos. Madalas akong nakararamdam ng pagiging matamlay at ng kahungkagan.
Isang araw, noong nasa bahay ako para sa bakasyon sa taglamig noong 2020, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Hindi lamang basta nagbabayad ng halaga ang Diyos para sa bawat tao sa mga dekada mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kasalukuyan. Tulad ng pagtingin dito ng Diyos, nakarating ka na sa mundong ito nang maraming beses, at muling nabuhay nang maraming beses. Sino ang namamahala rito? Ang Diyos ang namamahala rito. Hindi mo malalaman ang mga bagay na ito. Tuwing dumarating ka sa mundong ito, personal na gumagawa ng mga pagsasaayos ang Diyos para sa iyo: isinasaayos Niya kung ilang taon ka mabubuhay, ang uri ng pamilya kung saan ka isisilang, kung kailan ka magkakaroon ng pamilya at propesyon, gayundin kung ano ang gagawin mo sa mundong ito at kung paano ka maghahanapbuhay. Nagsasaayos ang Diyos ng paraan para makapaghanapbuhay ka, upang maisakatuparan mo ang iyong misyon sa buhay na ito nang walang hadlang. At patungkol naman sa dapat mong gawin sa iyong susunod na buhay, isinasaayos at ibinibigay ng Diyos ang buhay na iyon sa iyo ayon sa nararapat na mapasaiyo at ano ang nararapat na ibigay sa iyo…. Nagawa na ng Diyos ang mga pagsasaayos na ito para sa iyo nang maraming beses, at, sa wakas, isinilang ka na sa kapanahunan ng mga huling araw, sa iyong kasalukuyang pamilya. Nagsaayos ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo kung saan maaari kang maniwala sa Kanya, tinulutan ka Niyang marinig ang Kanyang tinig at bumalik sa Kanyang harapan, upang masundan mo Siya at makaganap ka ng tungkulin sa Kanyang sambahayan. Dahil lamang sa gayong patnubay ng Diyos kaya ka nabubuhay hanggang sa ngayon. … Inaako ng Diyos ang buong responsabilidad para sa bawat kaluluwang reinkarnado. Alisto Siyang nagtatrabaho, ibinabayad ang halaga ng Kanyang buhay, ginagabayan ang bawat tao at isinasaayos ang bawat buhay nila. Nagpapagal at nagbabayad ng halaga ang Diyos sa ganitong paraan para sa kapakanan ng tao, at ipinagkakaloob Niya sa tao ang lahat ng katotohanang ito at ang buhay na ito. Kung hindi gagampanan ng mga tao ang tungkulin ng mga nilalang sa mga huling araw na ito, at hindi sila babalik sa harap ng Lumikha—kung, sa bandang huli, ilang buhay at henerasyon man ang kanilang isinabuhay, hindi nila ginagawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin at nabibigo silang tugunan ang mga hinihingi ng Diyos—hindi ba’t magiging napakalaki ng kanilang pagkakautang sa Diyos? Hindi ba’t hindi sila magiging karapatdapat sa lahat ng ibinayad na halaga ng Diyos? Magiging masyado silang walang konsiyensiya, hindi sila magiging karapatdapat na tawaging mga tao, dahil magiging napakalaki ng pagkakautang nila sa Diyos. Samakatwid, sa buhay na ito—hindi Ko tinutukoy ang dati ninyong buhay, kundi ang buhay na ito—kung hindi ninyo nagagawang isuko ang mga bagay na minamahal ninyo o ang mga panlabas na bagay para sa kapakanan ng inyong misyon—tulad ng mga materyal na kasiyahan at pagmamahal at kagalakan ng pamilya—kung hindi ninyo isusuko ang mga kasiyahan ng laman para sa kapakanan ng mga halagang ibinayad ng Diyos para sa iyo o para suklian ang pagmamahal ng Diyos, masama ka talaga! Ang totoo, sulit ang anumang halagang ibayad mo para sa Diyos. Kumpara sa halagang ibinayad ng Diyos alang-alang sa iyo, ano ba ang halaga ng kakatiting na inihahandog o ginugugol mo? Ano ba ang halaga ng katiting na pagdurusa mo? Alam mo ba kung gaano nagdusa ang Diyos? Ang katiting na pinagdusahan mo ay ni hindi nararapat banggitin kapag ikinumpara sa napagdusahan ng Diyos. Bukod pa riyan, sa paggawa ng iyong tungkulin ngayon, natatamo mo ang katotohanan at ang buhay, at sa huli, makaliligtas ka at makapapasok sa kaharian ng Diyos. Napakalaking pagpapala niyan! Habang sumusunod ka sa Diyos, nagdudusa ka man o nagbabayad ng halaga, ang totoo ay nakikipagtulungan ka sa Diyos. Anuman ang ipagawa sa atin ng Diyos, nakikinig tayo sa mga salita ng Diyos, at nagsasagawa ayon sa mga ito. Huwag maghimagsik laban sa Diyos o gumawa ng anumang bagay na ikalulungkot Niya. Para makipagtulungan sa Diyos, kailangan mong magdusa nang kaunti, at kailangan mong talikuran at isantabi ang ilang bagay. Kailangan mong talikuran ang katanyagan, pakinabang, katayuan, pera, at mga makamundong kasiyahan—kailangan mo pa ngang talikuran ang mga bagay na tulad ng pag-aasawa, trabaho, at mga inaasam mo sa mundo. Alam ba ng Diyos kung natalikuran mo na ang mga bagay na ito? Nakikita ba ng Diyos ang lahat ng ito? (Oo.) Ano ang gagawin ng Diyos kapag nakita Niya na natalikuran mo na ang mga bagay na ito? (Mapapanatag ang Diyos, at masisiyahan Siya.) Hindi lamang masisiyahan ang Diyos at magsasabing, ‘Nagbunga na ang mga halagang ibinayad Ko. Handang makipagtulungan sa Akin ang mga tao, mayroon silang ganitong determinasyon, at nakamtan Ko na sila.’ Nalulugod man ang Diyos o masaya, nasisiyahan o naaaliw, hindi lamang gayong saloobin ang taglay ng Diyos. Kumikilos din Siya, at nais Niyang makita ang mga resultang nakakamtan ng Kanyang gawain, kung hindi ay mawawalan ng kabuluhan ang hinihingi Niya sa mga tao. Ang biyaya, pagmamahal, at habag na ipinapakita ng Diyos sa tao ay hindi lamang isang uri ng saloobin—katunayan din ang mga iyon. Anong katunayan iyon? Iyon ay na inilalagay ng Diyos ang Kanyang mga salita sa iyong kalooban, nililiwanagan ka, upang makita mo kung ano ang kaibig-ibig sa Kanya, at kung tungkol saan ang mundong ito, upang ang puso mo ay mapuspos ng liwanag, na nagtutulot sa iyo na maunawaan ang Kanyang mga salita at ang katotohanan. Sa ganitong paraan, nang hindi mo nalalaman, natatamo mo ang katotohanan. Gumagawa ang Diyos ng napakaraming gawain sa iyo sa napakatotoong paraan, na nagbibigay sa iyo ng kakayahang matamo ang katotohanan. Kapag natamo mo ang katotohanan, kapag natamo mo ang buhay na walang hanggan na siyang pinakanatatanging bagay, nasisiyahan ang mga layunin ng Diyos. Kapag nakikita ng Diyos na hinahangad ng mga tao ang katotohanan at handa silang makipagtulungan sa Kanya, masaya Siya at kontento. Sa gayon ay nagkakaroon Siya ng isang saloobin, at habang taglay Niya ang saloobing iyon, gumagawa Siya, at sinasang-ayunan at pinagpapala Niya ang tao. Sinasabi Niya, ‘Gagantimpalaan kita ng mga pagpapalang nararapat sa iyo.’ At pagkatapos ay matatamo mo na ang katotohanan at ang buhay. Kapag mayroon kang kaalaman sa Lumikha at natamo mo ang Kanyang pagpapahalaga, makadarama ka pa rin ba ng kahungkagan sa puso mo? Hindi na. Madarama mo na kontento ka na at may kagalakan. Hindi ba’t ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng halaga ng buhay ng isang tao? Ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang buhay” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagbabayad ng Halaga Para Makamit ang Katotohanan ay Mayroong Malaking Kabuluhan). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na ang lahat ng pag-aari ng tao ay nagmumula sa Diyos, na tayo ay nabubuhay ngayon dahil lamang sa pagmamalasakit at pagpoprotekta ng Diyos, at na ang mga tao ay magkakaroon ng konsensiya at mabubuhay lamang ng makabuluhang buhay kapag tinutupad nila ang kanilang mga tungkulin bilang mga nilikha. Na ang pagkasilang ko sa mga huling araw at pinalad na marinig ang tinig ng Diyos ay itinalaga ng Diyos bago ang mga kapanahunan, kasama ang mga responsabilidad at misyon na dapat kong gampanan. Bagama’t sinundan ko ang aking mga magulang sa pananampalataya mula pa noong bata ako, hindi ako kailanman nakagawa ng tungkulin. Nais kong gumampan ng isang tungkulin pagdating ko sa kolehiyo, ngunit hindi ko mabitiwan ang aking pag-aaral at mga inaasam sa hinaharap. Dumalo lang ako sa mga pagtitipon, dahil iyon ang regulasyon, ngunit ang aking puso ay hiwalay sa Diyos. Naalala ko noon, ang mga taong nakasama ko sa kolehiyo ay halos lahat walang pananampalataya, at sa paglipas ng panahon ay nagsimula akong sumunod sa mga buktot na uso, kumain at uminom at nagsaya. Paunti nang paunti ang oras na ginugugol ko sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at lalo akong naging makasarili at mapanlinlang. Wala akong pinagkaiba sa mga hindi naniniwala. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Lalago lamang ang mga tao sa buhay sa paghahanap sa katotohanan para malutas ang mga problema habang gumaganap ng tungkulin” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 1). Naunawaan ko na sa pamamagitan lamang ng paggawa ng ating tungkulin at pagdanas ng gawain ng Diyos maaari nating matamo ang katotohanan at patuloy na umunlad sa buhay at sa huli ay makamit ng Diyos. Paano natin matatamo ang kaligtasan kung hindi natin ginagampanan ang ating tungkulin at ang ating hinahangad ay ang mga makamundong uso? Pagkatapos, hindi sinasadyang narinig ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos: “Gising, mga lalaking kapatid! Gising, mga babaeng kapatid! Hindi maaantala ang Aking araw; ang oras ay buhay, at ang samantalahin ang panahon ay nakapagliligtas ng buhay! Hindi na malayo ang oras! Kung hindi kayo makapasa sa pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo, maaari kayong mag-aral at kumuha muli ng pagsusulit kahit ilang ulit ninyo naisin. Gayunman, ang Aking araw ay hindi na maaantala. Tandaan! Tandaan! Hinihimok Ko kayo sa pamamagitan ng mabubuting salitang ito. Nagaganap ang katapusan ng mundo sa harap mismo ng inyong mga mata, at matuling nagsisilapit ang malalaking sakuna. Ano ang mas mahalaga: ang buhay ninyo, o ang inyong pagtulog, ang pagkain, inumin, at kasuotan? Dumating na ang oras para timbangin ninyo ang mga bagay na ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 30). Matapos marinig ang himnong ito, napagtanto ko na wala na akong masyadong oras para gawin ang isang tungkulin. Noong kumuha ako ng pagsusulit para makapasok sa kolehiyo, maaari akong manatili sa paaralan ng isa pang taon at kumuha muli ng mga pagsusulit kung bumagsak ako. Ngunit may isang pagkakataon lamang para maligtas ng Diyos, at kung palalampasin natin ito, mawawala na ito magpakailanman. Naisip ko rin kung gaano kalubha ang pandemya, at kung paanong kung wala ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos ay maaari tayong mamatay anumang oras. Nadama ko na ang pandemya ay ang paraan ng Diyos ng pagbababala sa akin. Sinusunod ko ang mga makamundong uso sa loob ng maraming taon at nag-aksaya ako ng maraming oras, at napalampas ang napakaraming pagkakataon para gawin ang isang tungkulin at matamo ang katotohanan. Ngayon, ayaw ko nang palampasin ang anumang pagkakataon. Kung hindi ko gagamitin ang mahalagang oras na ito para gawin ang isang tungkulin at mas maghanda ng mabubuting gawa, kung gayon ay tatangayin ako sa kapahamakan at magiging huli na para sa pagsisisi. Nadama ko ngayon ang lumalaking pangangailangan ng agarang paggawa ng aking tungkulin, at nang matapos ang lockdown ng pandemya, sinimulan kong gawin ang tungkulin ng pagdidilig sa mga baguhan.
Dahil patuloy pa rin ang pandemya, pumapasok ako sa mga klase online at hindi masyadong marami ang mga iyon, para makapagklase ako at magawa ang tungkulin ko. Hindi ko inakala na ikalulungkot ito ng aking ina. Gusto niya kasing maghanap ako ng part-time na trabaho sa aking bakanteng oras. Isang gabi, galit na galit niya akong tinanong, “Sinabi ko sa iyo na maghanap ka ng trabaho, ano pa ba ang pinag-iisipan mo tungkol dito?” Sinabi ko, “Ang plano ko ay patuloy na gawin ang tungkulin ko.” Sobra siyang nagalit at sinabi, “Hindi ko naman hinihiling na ihinto mo ang iyong tungkulin; puwede mo namang sabay na gawin iyan at ang pagtatrabaho mo. Hindi mo dapat sobrang sineseryoso ang pananampalataya mo. Huwag kang tumulad sa akin; isinuko ko ang lahat at sa huli ay pinaalis ako.” Naisip ko sa aking sarili, “Hindi ba’t ang pagkapit sa mundo habang naniniwala din sa Diyos ay pamamangka sa dalawang ilog? Hindi iyan taos-pusong pananampalataya sa Diyos! At isa pa, ang pagsuko ng iyong trabaho at pamilya at ang pag-alis sa iyo ay dalawang magkaibang bagay. Inalis ka dahil ginawa mo ang lahat ng uri ng kasamaan at tumanggi kang magsisi.” Kaya sinabi ko sa aking ina, “Nag-aaral ako ngayon; kung kukuha rin ako ng trabaho, paano ako magkakaroon ng oras upang gawin ang aking tungkulin? Hindi ako maghahanap ng trabaho.” Pinagsalitaan ako ng nanay ko, at sinabi niya, “Nakikita kong hindi ka makikinig sa anumang sasabihin ko. Hindi mo ba makita na ang gusto ko lang ay ang pinakamabuti para sa iyo?” Sinabi ko naman, “Pakikinggan kita sa ano pang bagay; pero hindi dito.” Sa sobrang galit niya ay kinuha niya ang laptop ko at sinira iyon. Labis akong nasaktan at hindi ko maunawaan kung bakit siya nagalit nang ganoon. Pagkatapos, tuwing gusto kong dumalo sa isang pagtitipon o gawin ang aking tungkulin, binibigyan niya ako ng mga gawaing-bahay. Minsan ay magmamadali akong lumabas ng bahay at magagalit siya sa akin at pagagalitan ako.
Isang araw, tinanong niya ako, “Ano ang mga plano mo para sa hinaharap?” Sinabi ko, “Napagpasyahan kong gawin ang aking tungkulin sa sambahayan ng Diyos.” Nakita niya na inuuna ko ang aking tungkulin, kaya’t sinabi niya nang may seryosong ekspresyon, “Pinalaki kita sa buong panahon na ito, at wala itong magandang naidulot. Mas mabuti pa kung nag-alaga ako ng aso. Kaya kong pakainin ang asong iyon at ikakawag nito ang buntot niya sa akin. Ano ang nakuha ko kapalit ng lahat ng pagod na ginugol ko para sa iyo? Umalis ka na lang. Pumunta ka kahit saan mo gusto. Ayaw ko ng anumang pabigat sa bahay na ito!” Nang marinig ko ito, natigilan ako, at naisip ko, “Naniniwala lang ako sa Diyos; wala akong ginawang masama, pero gusto mo akong palayasin.” Nagpatuloy ang aking ina, at sinabi niya, “Kung magpapatuloy ka sa iyong pananampalataya at gagawin ang iyong tungkulin, masisira ang pamilyang ito. Wala na akong anak na babae mula sa araw na ito, at wala ka nang ina. Pinalaki kita para lang sa wala!” Sobra akong nasaktan at naghinanakit nang sabihin niya iyon, at naisip ko, “Naniniwala dati ang aking ina sa Diyos; hindi ba dapat ay sinusuportahan niya ako? Bakit niya ako pinipigilan?” Pakiramdam ko ay may dalawang landas na nasa harapan ko: ang landas ng paniniwala sa Diyos, paggawa ng aking tungkulin, at pagwawakas ng relasyon ko sa aking ina, at ang landas ng pagpapalugod sa aking pagmamahal, pagtataksil sa Diyos, at kawalan ng kakayanang magawa ang aking tungkulin. Nang maharap sa paggawa ng isang desisyon, ang aking puso ay parang nahati sa dalawa. Napakalalim ng pagmamahal ko sa aking ina. Minahal niya ako nang sobra sa buong buhay ko. Tiniis niya na wala siyang masarap na pagkain at bagong damit at ibinibigay niya sa akin ang pinakamagagandang bagay. Siya ang pinakamahalagang tao para sa akin. Pero hindi ko rin kayang iwan ang Diyos. Binigyan ako ng Diyos ng buhay. Ang Diyos ang nagbigay sa akin ng aking buhay na hininga, ang nag-alaga at nagprotekta sa akin habang ako ay lumalaki. Hindi naging maganda ang aking kalusugan, at madalas akong magkasakit. Kung wala ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, matagal na sana akong namatay at wala na ako rito ngayon. Kapag iniwan ko ang aking ina, mabubuhay naman ako. Pero kapag iniwan ko ang Diyos, hindi ba’t magiging naglalakad na bangkay na lang ako? Ano pa ang magiging kabuluhan ng buhay kung ganoon? Alam kong kailangan kong piliin na maniwala sa Diyos, pero kung pipiliin ko iyon, hindi ba’t wala na akong magiging ina sa hinaharap? Mawawala na ang mapagmahal at malambing kong pamilya. Nakaramdam ako ng sobrang panggigipit mula sa aking ina. Bakit kailangang mamili lang ng isa? Bakit kailangan kong gawin ang desisyong ito? Naisip ko pagkatapos ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko noon: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na bagaman sa panlabas ay tila pinipilit ako ng aking ina at pinapapili ako, sa likod ng lahat ng ito ay isang espirituwal na labanan. Ito ay panunukso rin ni Satanas. Alam ni Satanas ang kahinaan ko kaya ginamit niya ang pagmamahal ko para pilitin akong talikuran ang aking pananampalataya. Kung susundin ko ang aking ina, at isusuko ang pananampalataya ko at tungkulin, kung gayon ay mahuhulog ako sa pakana ni Satanas at mawawala ang aking pagkakataon sa kaligtasan. Paalisin man ako sa aking tahanan o hindi, hindi ko kayang ipagkanulo ang Diyos at talikuran ang aking tungkulin alang-alang sa pagmamahal. Naisip ko ang mas marami pang salita ng Diyos: “Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, kailangan mong mapalugod ang Diyos, bagama’t ikaw ay tatangis nang labis o nag-aatubili kang mawalay sa ilang bagay na minamahal mo. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at pananampalataya” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Lumakas ang puso ko. Anuman ang haharapin ko sa hinaharap, aasa ako sa Diyos upang makapagpatuloy. Kaya sinabi ko sa aking ina, “Noon pa man ay gusto ko na ang pamilyang ito, at noon pa man ay kayo ni itay ang gusto ko. Mas gugustuhin ko pang kumain at gumastos nang mas kaunti at maging mabuting anak sa iyo. Kung hindi ko matugunan ang mga hinihingi mo, iyon ay dahil hindi ko iyon kaya. Ito ang pinakamahusay na magagawa ko. Ngunit ang paniniwala sa Diyos at paggawa ng aking tungkulin ay ang tamang landas at hindi ko ito maaaring isuko.” Nagalit nang husto ang nanay ko at kalaunan ay lumipat siya at nangupahan sa ibang lugar.
Paminsan-minsan, pinapapunta ako ng nanay ko sa inuupahan niyang lugar para makipagkuwentuhan. Isang beses, sinabi niya sa akin, “Hindi maganda ang kalusugan ng papa mo. Dapat isipin mo rin siya. Ano ang gagawin mo kung isang araw ay magkasakit siya? Hindi kita pinagbabawalang maniwala sa Diyos. Pero si ganito at si ganyan ay kumikita habang naniniwala sa Diyos, ‘di ba? Hindi mo dapat masyadong sineseryoso ang pananampalataya. Hindi ba’t iniisip ko lang ang kinabukasan mo kapag sinasabi kong maghanap ka ng trabaho?” Sobrang sumama ang loob ko. Talagang hindi naging maganda ang kalusugan ng aking ama sa mga nakalipas na taon. Kapag tuluyan siyang nagkasakit, ano ang magagawa kong tulong bilang kanyang anak, na walang kahit anong pera? Habang iniisip ko ito, mas lalo akong nalulungkot. Sa aking puso, patuloy akong nanalangin sa Diyos, na sinasabing, “O Diyos ko, pakiprotektahan Mo ako mula sa mga patibong ni Satanas. Nais kitang paluguran, pero mahina ako. Malapit na akong gumuho sa ilalim ng pagkubkob na ito. Mangyaring bigyan Mo ako ng pananampalataya na makita ang mga pakana ni Satanas at manindigan sa aking patotoo sa Iyo.” Pagkatapos manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Bakit hindi mo ipinagkakatiwala ang mga ito sa Aking mga kamay? Wala ka bang sapat na paniniwala sa Akin? O ito ba’y dahil natatakot ka na gagawa Ako ng mga di-karapat-dapat na mga pagsasaayos para sa iyo?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 59). Biglang pinagliwanag ng mga salita ng Diyos ang puso ko. May kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat, at kinokontrol Nya ang ating buhay at kamatayan. Higit pa rito, siguradong may kataas-taasan Siyang kapangyarihan kung magkakasakit man o hindi ang isang tao. Kung magkakasakit man ang tatay ko o hindi sa hinaharap o kung ano man ang magiging kalusugan niya ay hindi ko makokontrol. Dapat ko siyang ipaubaya sa mga kamay ng Diyos at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Naunawaan ko rin na ang aking ina ay naging alipin ni Satanas. Nang mabigo ang pagiging malupit sa akin, sinubukan niyang diskarte ang pagiging mabait, na ginamit ang lahat ng paraan para tuksuhin at akitin ako na ipagkanulo ang Diyos. Kaya sinabi ko sa aking ina, “Nasa hustong gulang na ako ngayon. Kaya kong mag-isip para sa sarili ko at gumawa ng sarili kong mga desisyon. Desidido ako sa pananampalataya ko sa Diyos. Ang aking pananampalataya ay higit pa sa pagsasabi na kinikilala ko Siya at sa aking puso ay naniniwala ako sa Kanya. May pananampalataya ba talaga ako sa Diyos kung hindi ko gagawin ang aking tungkulin? Wala akong pakialam kung paano naniniwala sa Diyos ang mga taong binanggit mo. Kung padausdos sila, susundan ko rin ba sila? Hindi naman sa wala akong konsensiya. Dahil nga may konsensiya ako, alam ko kung ano ang dapat at hindi dapat gawin.” Natahimik ang aking ina pagkatapos marinig iyon. Alam kong hindi ko masasabi ang mga salitang iyon. Ang Diyos ang gumagabay sa akin upang labanan ang mga pakana ni Satanas.
Gayunpaman, nakaramdam pa rin ako ng sama ng loob sa aking pag-uwi. Paulit-ulit akong kinakausap ng nanay ko, at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang maging ganito palagi sa akin, o kung bakit gusto niya lagi akong papiliin sa pagitan ng aking pananampalataya at silang mga magulang ko. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Ayaw ko nang pagdaanan pa ito. Habang naglalakad ako, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag ang Diyos ay gumagawa upang pinuhin ang tao, nagdurusa ang tao. Kapag mas matindi ang pagpipino sa tao, mas lalong magtataglay sila ng pusong mapagmahal sa Diyos, at lalong mabubunyag ang higit pang kapangyarihan ng Diyos sa kanila. Sa kabaligtaran, kapag mas katiting ang tinatanggap na pagpipino ng tao, mas katiting ang tataglayin niyang pusong mapagmahal sa Diyos, at mas katiting na kapangyarihan ng Diyos ang mabubunyag sa kanya. Kapag mas matindi ang pagpipino at pasakit sa taong iyon at dumaranas siya ng mas malaking pahirap, mas lalago ang kanyang pagmamahal sa Diyos, magiging mas tunay ang kanyang pananampalataya sa Diyos, at mas lalalim ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Pinag-isipan ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos habang naglalakad ako at sumigla ang puso ko nang hindi ko namamalayan. Tiyak na ito ay dahil pinili ko na ngayon ang landas ng pananampalataya na sinusubukang hadlangan ni Satanas. Kung hindi ako naniniwala sa Diyos at hindi ko piniling gawin ang aking tungkulin, hindi ako pipinuhin sa ganitong paraan. Naisip ko ang maraming mga kapatid na nasa ilalim ng pag-uusig at dumaranas ng paghadlang mula sa kanilang mga pamilya dahil sa paniniwala sa Diyos, ngunit hindi sumuko sa kanilang pananampalataya o tungkulin. Sa halip, nanalangin sila sa Diyos at sumandal sa Kanya upang manindigan sa kanilang patotoo. Pinili ko na ngayon na sundin ang Diyos at gampanan ang tungkulin ng isang nilikha. Hindi papayag si Satanas na makatakas ako nang ganoon kadali, kaya’t sinisikap nitong paiwasin ako sa Diyos sa pamamagitan ng patuloy na pag-uusig sa akin ng aking ina. Ginagamit din ng Diyos ang pag-uusig na ito para gawing perpekto ang aking pananampalataya sa Kanya at upang matutuhan kong sumandal sa Kanya upang manindigan sa aking patotoo. Nang maintindihan ko ito, labis na naantig ang kalooban ko. Hindi ako iniwan ng Diyos noong negatibo ako kundi ginamit Niya ang Kanyang mga salita upang gabayan ako, pinahihintulutan akong manindigan at hindi mailigaw at maakit ni Satanas. Naramdaman kong nasa tabi ko ang Diyos, inaakay ako sa kamay. Naramdaman ko na matatag at sinusuportahan ako, at nagkaroon ako ng pananampalataya na malalampasan ko ang sitwasyong ito.
Pagkalipas ng isa at kalahating buwan, umuwi ang nanay ko. Isang umaga, pumasok ang aking ina sa aking silid at tinanong kung ano ang iniisip ko tungkol sa paghahanap ng trabaho. Sinabi ko, “Hindi nagbago ang isip ko. Pinipili kong gawin ang tungkulin ko sa sambahayan ng Diyos.” Tinawag niya akong walang utang na loob at sa galit niya, sinaktan niya ako. Hindi ko matandaan kung ilang beses niya akong sinampal. Hinawakan niya pa ako sa leeg at inuntog ako sa pader. Tumigil lang siya nang malapit na akong malagutan ng hininga. Hindi ko talaga maunawaan kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Hindi ba’t naniwala lang ako sa Diyos at ginagawa ang aking tungkulin? Wala akong ginagawang masama. Habang hinahampas niya ako, naisip ko ang mga kapatid na malupit na pinahirapan ng malaking pulang dragon Ang malaking pulang dragon ay ang hari ng mga diyablo, at lubos nitong pinahihirapan ang mga kapatid. Pero nanay ko ito. Siya ang pinakamalapit na tao sa akin, at para saktan ako tulad ng ginawa niya, hindi ako nakaramdam ng pisikal na sakit—dinurog nito ang puso ko.
Kalaunan ay tagsibol ng 2021 na. Isang araw, kakauwi ko lang galing sa aking tungkulin at sadyang nakipag-away sa akin ang nanay ko dahil sa kung anong walang kabuluhang bagay. Pinalo niya ako ulit at sumigaw siya, “Pinalaki kita sa loob ng mga taon na ito at wala akong mabuting napala. Dahil ganito na nga ang nangyari, umalis ka na lang. Lumayas ka! Magpapanggap akong hindi kita anak. Hindi ka nagmula sa akin!” Naisip ko, “Ang tanging paraan para magawa ko ang aking tungkulin ay ang umalis ako. Pero sa totoo lang, ayaw ko ring iwanan ang mga magulang ko. Ang pag-alis ay nangangahulugan ng pamumuhay nang mag-isa. Hindi talaga ako matapang. Nang maisip ko kung paano ako magiging isang bata na walang pamilya, labis na sumama ang loob ko. Kung tatalikuran ko ang aking pananampalataya, magagawa kong panatilihin ang aking tahanan, ngunit natamasa ko ang napakaraming biyaya ng Diyos at nakakain at nakainom ng napakaraming salita ng Diyos, nasaan ang aking konsensiya kung hindi ko magagawa ang aking tungkulin?” Sa pagkakataon na iyon, sobrang sumama ang loob ko, na parang may dumukot ng puso ko gamit ang isang kutsilyo. Sa labis na sakit, naisip kong mamatay na lang. Naisip ko na hindi ko na mararanasan ang sakit na ito kapag namatay ako. Noong sobrang nasasaktan ako, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa ngayon, karamihan sa mga tao ay walang gayong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang halaga, tinatalikuran sila ng mundo, puro problema ang buhay nila sa tahanan, hindi sila minamahal ng Diyos, at ang kanilang hinaharap ay malabo. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang sukdulan, at ang kanilang mga iniisip ay nagiging tungkol sa kamatayan. Hindi ito tunay na pagmamahal sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang lakas! Nasasabik ang Diyos na mahalin Siya ng tao, ngunit kapag lalo Siyang minamahal ng tao, lalong tumitindi ang pagdurusa ng tao, at kapag lalo Siyang minamahal ng tao, lalong tumitindi ang mga pagsubok ng tao. Kung minamahal mo Siya, lahat ng uri ng pagdurusa ay sasapit sa iyo—at kung hindi naman, marahil ay magiging maayos ang lahat para sa iyo at lahat ay magiging payapa sa paligid mo. Kapag minamahal mo ang Diyos, madarama mo na marami sa paligid mo ang hindi mo makakayanan, at dahil ang iyong tayog ay napakaliit ikaw ay pipinuhin; bukod dito, mawawalan ka ng kakayahang mapalugod ang Diyos, at lagi mong madarama na napakatayog ng mga layunin ng Diyos, na hindi kayang abutin ng tao ang mga ito. Dahil sa lahat ng ito ikaw ay pipinuhin—dahil maraming kahinaan sa iyong kalooban, at marami ang walang kakayahang mapalugod ang mga layunin ng Diyos, pipinuhin ang iyong kalooban. Ngunit kailangan ninyong makita nang malinaw na ang pagdadalisay ay natatamo lamang sa pamamagitan ng pagpipino. Kaya, sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo. … Makikita sa marami sa gawain ng Diyos na talagang mahal ng Diyos ang tao, bagama’t hindi pa ganap na mulat ang mga mata ng espiritu ng tao at hindi niya malinaw na nakikita ang marami sa gawain ng Diyos at ang Kanyang mga layunin, ni ang maraming bagay na kaibig-ibig tungkol sa Diyos; napakaliit ng tunay na pagmamahal ng tao sa Diyos. Naniwala ka na sa Diyos sa buong panahong ito, at sa ngayon ay pinutol na ng Diyos ang lahat ng paraan ng pagtakas. Sa totoo lang, wala kang pagpipilian kundi tahakin ang tamang landas, ang tamang landas na naakay kang tahakin ng mabagsik na paghatol at sukdulang pagliligtas ng Diyos. Pagkatapos lamang makaranas ng paghihirap at pagpipino nalalaman ng tao na ang Diyos ay kaibig-ibig. Sa pagdanas nito hanggang sa ngayon, masasabi na nalaman na ng tao ang isang bahagi ng pagiging kaibig-ibig ng Diyos, ngunit hindi pa rin ito sapat, dahil malaki ang kulang sa tao. Kailangang maranasan ng tao ang higit pa sa kamangha-manghang gawain ng Diyos, at ang higit pa sa buong pagpipino ng pagdurusang isinaayos ng Diyos. Saka lamang mababago ang disposisyon ng tao sa buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Nakaramdam ako ng matinding sakit pagkatapos kong basahin ito. Ang pagharap sa pagdurusa ay pag-ibig ng Diyos, ngunit palagi kong nararamdaman na masyadong masakit ang sitwasyon at ayaw ko nang ipagpatuloy ito. Napakarupok ko. Sinabi ko na gusto kong gawin ang aking tungkulin ngunit nang maging mahirap ang mga bagay-bagay, gusto kong umatras, at naisip ko pang mamatay na lang. Hindi ba ito iyong tiyak na pagkahulog ko sa pakana ni Satanas? Kasama ko pa rin ang Diyos kahit lumipat ako ng bahay. Ito ay perpekto para sa pagsasanay sa akin na mamuhay nang mag-isa at pagtuturo sa akin na sumandal sa Diyos kapag may mga problema. Naging kapaki-pakinabang ito sa aking buhay. Sa sandaling naunawaan ko ang layunin ng Diyos, hindi na ako nakaramdam ng pait sa aking puso. Handa na akong pagdaanan ang sitwasyon ko ngayon. Lumuhod ako at nanalangin sa Diyos, at sinabi ko, “O Diyos ko, gaano man kahirap ang daan sa hinaharap, determinado akong magpapatuloy. Pakigabayan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, mas nadama ko ang kapayapaan at ang pagiging kalmado. Kinabukasan, sinabi ko sa nanay ko na uupa ako sa isang lugar. Sa hindi inaasahan, biglang nagbago ang ugali niya at kinausap niya ako nang kusa. Bumait siya nang husto sa mga sumunod na araw. Naisip ko si Abraham. Noong sinabi sa kanya ng Diyos na ialay ang kanyang pinakamamahal na anak sa Diyos, kahit na nag-aatubili siyang gawin ito, nang magdesisyon siyang ialay ang kanyang anak sa Diyos, hindi ito kinuha ng Diyos. Ang nais ng Diyos ay ang katapatan at pagsunod ni Abraham. Habang iniisip ang karanasang ito, naramdaman ko na tila sinusubok ako ng Diyos. Sa sandaling maging determinado akong gampanan ang aking tungkulin, si Satanas ay nawalan ng makakatulong, at sa wakas ay magagawa ko na ang aking tungkulin nang walang hadlang.
Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting pagkilatis tungkol sa nanay ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Yaong mga kapatid na palaging nagbubulalas ng kanilang pagkanegatibo ay mga utusan ni Satanas, at ginugulo nila ang iglesia. Ang mga taong ito balang araw ay kailangang patalsikin at itiwalag. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso, kung wala silang pusong nagpapasakop sa Diyos, hindi lamang sila hindi makakagawa ng anumang gawain para sa Kanya, kundi bagkus ay magiging mga taong gumagambala sa Kanyang gawain at sumusuway sa Kanya. Ang paniniwala sa Diyos ngunit hindi nagpapasakop o natatakot sa Kanya, at sa halip ay nilalabanan Siya, ang pinakamalaking kahihiyan para sa isang mananampalataya. Kung kaswal lang at walang pagpipigil ang pananalita at pag-uugali ng mga mananampalataya na tulad ng mga walang pananampalataya, mas buktot pa sila kaysa mga walang pananampalataya; sila ay napakatipikal na mga demonyo. Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat walang dudang ititiwalag sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. Ang ilan ay walang anumang taglay kundi mga tiwaling disposisyon, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang nahahayag sa kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong mga diyablo at si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng Diyos, nakakagulo ito sa buhay pagpasok ng mga kapatid, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang alisin; hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga utusang ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas. Ang Diyos ay palaging nasa puso ng mga taong tunay na naniniwala sa Kanya, at palagi silang may takot sa Diyos na puso, isang pusong mapagmahal sa Diyos. Dapat gawin ng mga naniniwala sa Diyos ang mga bagay-bagay nang maingat at masinop, at lahat ng ginagawa nila ay dapat maging alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos at makalugod sa Kanyang puso. Hindi dapat maging matigas ang kanilang ulo, na ginagawa ang anumang gusto nila; hindi iyan nababagay sa banal na kaangkupan. Hindi dapat magwala ang mga tao, na iwinawagayway ang bandila ng Diyos kung saan-saan habang nagyayabang at nanggagantso kahit saan; ito ang pinakasuwail na uri ng pag-uugali. May mga panuntunan ang mga pamilya, at may mga batas ang mga bansa—hindi ba lalo na sa sambahayan ng Diyos? Hindi ba higit na mas mahigpit pa ang mga pamantayan nito? Hindi ba higit na mas marami pa itong atas administratibo? Ang mga tao ay malayang gawin ang gusto nila, ngunit ang mga atas administratibo ng Diyos ay hindi maaaring baguhin kung kailan gustuhin. Ang Diyos ay isang Diyos na hindi nagpapalampas ng kasalanan ng mga tao; Siya ay isang Diyos na nilalagay sila sa kamatayan. Hindi pa ba ito alam talaga ng mga tao?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Nakita ko na ang isinisiwalat ng Diyos at ang mismong ugali ng aking ina. Wala akong anumang pagkakilatis sa aking ina noon, at pakiramdam ko ay mauunawaan at susuportahan niya ako sa aking pananampalataya at sa paggawa ko ng aking tungkulin. Sa pamamagitan lamang ng kanyang mga pagharang at pag-uusig kaya ko nakita ang kanyang diwa na pagiging isang masamang tao. Naunawaan niya ang lahat ngunit inusig niya pa rin ako at hinadlangan ako sa aking pananampalataya. Ito ay tinukoy ng kanyang diwa na napopoot sa Diyos. Maaari akong mailigaw sa kanyang anyo noon, inisip ko na naniniwala siya sa Diyos sa loob ng maraming taon, tinalikuran niya ang pamilya at karera niya at nagdusa nang husto, kaya isa siyang tunay na mananampalataya. At bagama’t pinaalis na siya sa iglesia, marahil isang araw ay magbabago siya. Ngunit ang totoo, hindi lamang siya hindi nagsisi, nagkaroon pa siya ng mga kuru-kuro tungkol sa sambahayan ng Diyos at inilabas niya ang kanyang pagiging negatibo, at hinadlangan pa ako na maniwala sa Diyos at gawin ang aking tungkulin, at ninais niyang hangarin ko ang mundo at maniwala rin sa Diyos. Pinalabas niya na nagmamalasakit siya sa akin, ngunit sa diwa ay gusto niyang umiwas ako sa Diyos at mawala ang aking pagkakataong maligtas. Alam niya ang aking kahinaan, na natatakot akong mawalan ng tahanan, kaya ginamit niya ang lahat ng uri ng paraan para usigin ako sa aking pananampalataya. Kapag hindi ko ginawa ang sinabi niya, aatakihin niya ako ng masasakit na salita, at sasaktan pa ako. Nakita ko na ang katangian ng nanay ko ay iyong namumuhi sa katotohanan at mapanlaban sa Diyos. Nakita ko rin na ang relasyon sa kapwa ay nakabatay sa interes. Noong pinili kong gawin ang aking tungkulin at hindi maghanap ng trabaho, hindi ko nagawa ang gusto niya, tinalikuran niya ako at sinaktan at pinagalitan ako, gusto niyang itakwil ako, at pinalayas pa ako sa bahay. Nakita kong hindi niya talaga ako mahal. Sa sandaling nagkaroon ako ng kaunting pagkilatis sa diwa ng aking ina, nagawa ng puso ko na bitawan ang aking pagmamahal sa kanya.
Isang taon akong dumaan sa ganitong sitwasyon at inakay ako ng Diyos para malampasan ang mga panggugulo at pang-uusig ng aking ina. Naramdaman ko na may kapangyarihan at awtoridad sa mga salita ng Diyos. Paulit-ulit akong inakay ng mga ito mula sa pagiging negatibo at mahina at nagkaroon din ako ng ilang pagkilatis sa diwa ng aking ina na pagiging masamang tao. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagliligtas sa akin.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.