Naranasan Ko na ang Paghatol ng Diyos ay ang Pinakadakilang Kaligtasan

Hunyo 22, 2026

Ni Zhang Xin, Tsina

Noong 1995, nagsimula akong manampalataya sa Panginoong Jesus. Noong panahong iyon, ginamit ng isang mangangaral ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag para sabihin sa amin kung gaano kahanga-hanga ang banal na lungsod. Sinabi rin niya na malapit nang dumating ang Panginoong Jesus para dalhin tayo sa ating tahanan sa langit, at na sa pamamagitan lang ng pagtalikod at paggugol ng ating sarili para sa Panginoon tayo makakapasok sa banal na lungsod sa hinaharap. Tuwang-tuwa ako nang marinig ko ito. Pagkatapos niyon, sabik akong nagsimulang dumalo sa mga pagtitipon at mag-alay ng mga handog. Kahit na anong pilit na pagpigil sa akin ng asawa ko, o ng kapatid kong lalaki at ng kanyang asawa, walang nakatinag sa paninindigan kong sumunod sa Panginoong Jesus. Makalipas ang tatlong taon, humingi ng diborsyo sa akin ang asawa ko dahil pinanindigan ko ang pananalig ko sa Panginoon. Pumayag ako. Pagkatapos niyon, inialay ko ang lahat ng ari-arian ko sa simbahan at buong-pasyang iniwan ko ang aming tahanan para mangaral at gumawa para sa Panginoon. Makalipas ang dalawang buwan, naging katrabaho ako, na responsable sa mahigit pitumpung simbahan. Noong 2000, may sinabi sa amin ang isang lider sa isang pulong ng mga katrabaho, “Isang denominasyon na tinatawag na ‘Kidlat ng Silanganan’ ang lumitaw ngayon. Sinasabi nila na nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao bilang Makapangyarihang Diyos, at gumagawa ng isang bagong yugto ng gawain. Imposible ito! Ni hindi na nga sila nagbabasa ng Bibliya. Ang lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya; walang mga salita ng Diyos sa labas ng Bibliya. Ang pag-iwan sa Bibliya ay hindi na pananampalataya sa Panginoon! Nangangaral sila kahit saan at nagnakaw sila ng maraming mabuting tupa mula sa lahat ng denominasyon. Dapat tayong maging mga tapat na lingkod ng Panginoon at protektahan ang ating mga kapatid, para makapagsulit tayo sa ating sarili sa Panginoon sa hinaharap! Hindi kayo dapat maniwala kailanman sa daan ng Kidlat ng Silanganan. Kapag ginawa ninyo iyon, iiwan na ninyo ang daan ng Panginoon at aabandonahin na Niya kayo!” Nang marinig ko ang sinabi ng lider, naisip ko, “Kailangan kong mag-ingat, manatiling matatag sa daan ng Panginoon, at protektahan ang kawan.” Pagkatapos niyon, sinimulan kong selyuhan ang simbahan. Sa bawat lugar ng pagtitipon na responsabilidad ko, paulit-ulit kong idiniin na hindi dapat tumanggap ng mga estranghero at walang dapat maniwala sa daan ng Kidlat ng Silanganan. Pagkarinig nito, nagsimulang maging mapagbantay ang lahat ng mananampalataya laban sa mga taong mula sa Kidlat ng Silanganan. Hindi nagtagal, narinig kong tinanggap ng dalawang sister ang Makapangyarihang Diyos. Agad akong nagpunta sa mga bahay nila para hikayatin silang bumalik. Ayaw nilang makinig sa akin at ipinilit nilang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Galit na galit ako, at mas hinigpitan ko pa ang pagbabantay sa ibang mga kapatid. Pagkatapos, nalaman ko na isang mag-asawa ang tumanggap din sa Makapangyarihang Diyos. Nagmadali akong pumunta sa bahay nila at ibinalik sila. Noong panahong iyon, naniwala talaga ako na sa wakas ay nailigtas ko na ang mga tupa ng Panginoon, at na tiyak na sasang-ayunan ng Panginoon ang ginawa ko.

Noong Pebrero 2002, dinala ako ng isang sister sa bahay niya para talakayin ang Bibliya kasama ng mga kamag-anak niya. Tinalakay nila ang lahat, mula sa paglikha ng Diyos sa mundo hanggang sa gawain ng Diyos na si Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, at tungo sa gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Malinaw nilang ipinaliwanag ang pinagmulan at mahahalagang sandali ng pagbabago sa bawat yugto ng gawain. Nagbahagi rin sila tungkol sa kung anong uri ng mga tao ang pinagpapala ng Diyos at kung anong uri ang isinusumpa Niya. Lubos na nagbigay-tanglaw ang kanilang pagbabahaginan, at isang bagay na hindi ko pa narinig kailanman. Naisip kong napakahusay ng kanilang pangangaral. Pagkatapos niyon, nagpatotoo sila sa akin tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa pagbabahaginan ng mga kapatid, naunawaan ko na itinatala lang ng Bibliya ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Isa itong makasaysayang aklat at hindi maaaring kumatawan sa lahat ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman naluluma, at ang Kanyang gawain ay laging sumusulong. Kapag nagbalik ang Diyos sa mga huling araw, gagawa Siya ng bagong gawain na higit pa sa Bibliya. Sa yugtong ito, gagawin Niya ang gawain ng paghatol at pagdadalisay, na nakabatay sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, para lubusang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at dalhin ang mga tao sa isang magandang hantungan. Ang pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ng katotohanan para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay tumutupad sa mga propesiya ng Panginoong Jesus: “Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo kakayanin. Gayon man ay kapag Siya, ang Espiritu ng katotohanan, ay dumating, papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Lalo na nang makita ko na binuksan ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng hiwaga ng Bibliya, na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay ang “maliit na balumbon ng papel na binuksan ng Kordero” na ipinropesiya sa Pahayag, at na iyon ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, napagtanto ko na ang “Kidlat ng Silanganan” na palagi kong tinatanggihang tanggapin ay siya palang mismong pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kirot sa aking puso. Naisip ko kung paano, mula nang manampalataya ako sa Panginoon, nalampasan ko ang pang-uusig ng aking asawa at nag-alay ako tulad ng dukhang biyuda. Tinalikuran ko ang lahat para gumawa para sa Panginoon. Akala ko ay matatag ako sa daan ng Panginoon, debotong nagbabantay sa Kanyang kawan. Hindi ko kailanman inakala na hindi man lang ako maghahanap ng katotohanan kapag nagbalik na ang Panginoon. Pikit-mata akong kumapit sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon, sa paniniwalang imposibleng magkatawang-tao ang Diyos, na hindi maaaring lumampas sa Bibliya ang Kanyang gawain, at iba pa. Mapagmataas kong kinondena at nilabanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, sinelyuhan ang simbahan para pigilan ang mga kapatid na siyasatin ang tunay na daan, at ibinalik ko pa sa dati kong denominasyon ang isang mag-asawang tumanggap na ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sinaway ng Panginoong Jesus ang mga Pariseo, na sinasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). Hindi ba’t ang mga kilos ko ay katulad ng sa mga Pariseo? Hindi ko tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginawa ko rin ang lahat para pigilan ang ibang mananampalataya na tanggapin ito. Hindi ba’t paghila iyon sa kanila pababa sa impiyerno? Napakarami kong nagawang kasamaan—hindi ba’t nakatadhana rin akong para sa kasawian? Napuno ng pagsisisi ang puso ko. Pero naisip ko, ang magawang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay biyaya at awa ng Diyos sa akin. Kailangan kong mangaral ng ebanghelyo para makabawi sa aking mga pagsalangsang. Siguro kung mas ipangangaral ko ang ebanghelyo, hindi tatandaan ng Diyos ang mga pagsalangsang ko. Kalaunan, isinama ko ang isang sister para ipangaral ang ebanghelyo sa mag-asawang hinila ko pabalik. Hindi ko inasahan na tatanggi silang makinig anuman ang sabihin namin. Ibinalik pa nga nila sa akin mismo ang mga salitang ginamit ko noong sinelyuhan ko ang simbahan. Lalo pang nadurog ang puso ko at napuno ako ng pagsisisi. Para makabawi sa mga pagsalangsang ko, lalo pa akong nangaral ng ebanghelyo. Nagtiis ako ng maraming hirap noong panahong iyon pero hindi ako kailanman umatras. Naisip ko, “Siguro kung makikita ng Diyos ang aking debosyon at pagsisisi, hindi Niya ako pananagutin sa mga pagsalangsang ko at bibigyan pa rin Niya ako ng pagkakataong maligtas.”

Isang araw noong 2004, habang nagde-debosyonal ako, nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Hindi Ako maaaring magpakita ng kaluwagan sa sinumang umusig sa Akin, yaong mga walang kaalaman tungkol sa Akin (kabilang ang bago nasaksihan ang Aking pangalan), na naniwalang Ako ay tao, o yaong mga lumapastangan sa Akin at naninirang-puri sa Akin sa nakaraan. Kahit pa magbigay sila ng pinakamatunog na patotoo para sa Akin ngayon, hindi pa rin ito sapat. Ang pag-usig sa Akin sa nakaraan ay isang paraan ng pagbibigay serbisyo sa Akin, at yaong mga taong magpapatotoo sa Akin ngayon, magiging kasangkapan Ko pa rin sila(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 85). Pagkabasa ko sa mga salita ng Diyos, natigilan ako. Nablanko ang isip ko, at natagalan bago ako matauhan. Mula sa mga salita ng Diyos, nakita kong hindi nagpapakita ng kaluwagan ang Diyos kahit sa isang tao na umusig at nanira sa Kanya. Kahit nagpapatotoo na sila sa Diyos ngayon, hindi pa rin sila makatatanggap ng Kanyang kaluwagan; makapagseserbisyo lang sila para sa Kanya. Naisip ko kung paano ako kumapit sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon at hindi ko man lang hinanap o siniyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noon. Sa halip, siniraan at nilabanan ko ang Diyos, sinelyuhan ang simbahan para pigilan ang mga mananampalataya na siyasatin ang tunay na daan, at hinila ko pa pabalik sa dati kong denominasyon ang mga taong tumanggap na sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nakagawa ako ng napakalaking kasamaan; tiyak na hindi ako kailanman patatawarin ng Diyos. Hindi ba’t tapos na ako? Ano pang magandang kalalabasan ang maaari kong makuha? Pero kumapit pa rin ako sa katiting na pag-asa. “Maaari kayang mali ang pagkaarok ko? Nang sabihin ng Diyos na Siya ay ‘hindi maaaring magpakita ng kaluwagan,’ ang tinutukoy ba Niya ay ang mga taong lumapastangan at nanira sa Kanya matapos marinig ang Kanyang mga salita at malaman ang Kanyang gawain?” Sabik kong binasa muli ang mga salita ng Diyos, nang paisa-isa ang bawat salita. Napakalinaw ng sinabi ng Diyos. Kasama rin sa mga taong tinutukoy Niya iyong mga lumapastangan at nanira sa Makapangyarihang Diyos nang hindi man lang nakarinig sa Kanyang mga salita o nakilala Siya. Saka ko lang natiyak na ako nga ay isang taong hindi maaaring pagpakitaan ng Diyos ng kaluwagan. Tumama sa puso ko ang mabibigat na salita ng Diyos. Sobra akong natakot, at nanlambot ang buong katawan ko. “Mukhang ni wala akong pagkakataong magsisi,” naisip ko. “Kahit gaano pa ako maging mapagpasakop sa tungkulin ko, kahit gaano karaming paghihirap ang tiisin ko, at kahit pa magbigay ako ng pinakamatunog na patotoo, hindi pa rin ako makatatanggap ng kaluwagan ng Diyos. Ganap nang nawala ang pag-asa kong maligtas.” Sa panahong iyon, bagama’t ipinapangaral ko pa rin ang ebanghelyo, sa sandaling maisip kong hindi ako ililigtas ng Diyos, sobra akong nasisiraan ng loob, at hindi na ako kasing-aktibo sa pangangaral ng ebanghelyo tulad ng dati. Isang beses, tinutulak ko ang bisikleta ko sa kalye, pinagmamasdan ang mga nagdaraang tao. Naisip ko, “Lahat sila ay may sariling mga tahanan. Pero paano naman ako? Noong una akong nanampalataya sa Panginoon, itinuring kong tahanan ang simbahan. Hindi ko kailanman inisip na sa hindi ko pagkilala sa pagbabalik ng Panginoon, lalabanan ko Siya, makakagawa ng mga pagsalangsang na hindi mapapatawad, at mawawalan ng bahagi sa tahanang inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan—ang kaharian ng Diyos.” Nang sandaling iyon, nakaramdam ako ng kapanglawan.

Isang araw, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at labis akong naantig, at medyo nabago ang kalagayan ko na pagkasira ng loob. Sabi ng Diyos: “Bilang isang nilikha, dapat mong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha. Huwag kang kumilos nang laban sa iyong konsensiya; ang dapat mong gawin ay ilaan ang iyong sarili sa Lumikha(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa mga Inapo ni Moab). Isa akong nilikha; tungkulin kong ipangaral ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos. Hindi ko puwedeng itigil ang masigasig na paggawa ng tungkulin ko dahil lang sa hindi ako magkakaroon ng magandang kinalabasan. Hindi ba’t kawalan iyon ng konsensiya at katwiran? Pagkatapos niyon, patuloy akong nangaral ng ebanghelyo. Masaya ako kapag nakakakuha ako ng mga resulta, pero sa kaibuturan ko, palagi akong nakararamdam ng isang uri ng partikular na bigat. Naisip ko kung paano ako nakagawa ng pagsalangsang at naiiba ako sa iba—kapag nangangaral sila ng ebanghelyo, makukuha nila ang pagsang-ayon ng Diyos at may pag-asa silang maligtas, pero gaano man karami ang maipangaral kong ebanghelyo, hindi ako kailanman patatawarin ng Diyos. Paminsan-minsan, nasisiraan ako ng loob.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa aking kalagayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang inaalala lamang ng maraming sumusunod sa Diyos ay kung paano magtamo ng mga pagpapala o umiwas sa sakuna. Sa sandaling mabanggit ang gawain at pamamahala ng Diyos, tumatahimik sila at nawawalan ng lahat ng interes. Iniisip nila na ang pag-unawa sa gayong nakababagot na mga isyu ay hindi makakatulong sa paglago ng kanilang buhay o makakapagbigay ng anumang pakinabang. Dahil dito, bagaman nakarinig sila ng impormasyon tungkol sa pamamahala ng Diyos, hindi nila ito sineseryoso. Hindi nila ito nakikita bilang isang mahalagang bagay na dapat tanggapin, lalong hindi nila ito naaarok sa pamamagitan ng pagturing dito bilang isang bahagi ng kanilang buhay. Ang pakay ng mga taong ito sa pagsunod sa Diyos ay napakasimple, at ito ay para sa iisang layon: ang mapagpala. Hindi man lang nag-aabala ang mga taong ito na bigyang-pansin ang iba pang bagay na walang kinalaman sa layong ito. Para sa kanila, ang pagkakamit ng mga pagpapala ang pinakalehitimong layon sa pananampalataya sa Diyos—ito ang mismong halaga ng kanilang pananalig. Kung may isang bagay na hindi nakakatulong para makamit ang layong ito, anuman ito, nananatili silang hindi naaantig nito. Ganito ang kalagayan ng karamihan sa mga taong nananampalataya sa Diyos ngayon. Ang kanilang layon at intensiyon ay mukhang lehitimo, dahil habang nananampalataya sila sa Diyos, gumugugol din sila para sa Diyos, nag-aalay ng kanilang sarili sa Diyos, at ginagawa ang kanilang tungkulin. Isinusuko nila ang kanilang kabataan, tinatalikuran ang pamilya at propesyon, at gumugugol pa nga ng maraming taon na malayo sa tahanan nang nagpapakaabala. Para sa kapakanan ng kanilang pinakalayon, binabago nila ang kanilang sariling mga interes, ang kanilang pananaw sa buhay, at maging ang direksyong kanilang hinahangad; subalit hindi nila mabago ang layon ng kanilang pananampalataya sa Diyos. Nagpaparoo’t parito sila para sa pamamahala ng sarili nilang mga adhikain; gaano man kalayo ang daan, at gaano man karami ang mga paghihirap, panganib, at balakid sa daan, nananatili silang matiyaga at walang takot sa kamatayan. Anong kapangyarihan ang nagtutulak sa kanila na patuloy na ialay ang kanilang sarili sa ganitong paraan? Ang kanila bang konsensiya? Ang kanila bang dakila at marangal na karakter? Ang kanila bang determinasyong labanan ang mga puwersa ng kasamaan hanggang sa pinakahuli? Ang pananalig ba na taglay nila para magpatotoo sa Diyos nang hindi naghahanap ng gantimpala? Ang kanila bang debosyon ng pagiging handang isuko ang lahat upang tuparin ang kalooban ng Diyos? O ang kanila bang dedikadong diwa ng palaging pagtalikod sa personal na maluluhong kahilingan? Ang magawa ng isang tao na gugulin ang labis na dugo ng puso kahit hindi niya kailanman naunawaan ang gawain ng pamamahala ng Diyos, sa napakapayak na pananalita, ay isang napakalaking himala! Sa ngayon, huwag nating talakayin kung gaano kalaki ang naibigay ng mga taong ito. Gayumpaman, ang kanilang pag-uugali ay lubos na karapat-dapat nating himayin. Bukod sa mga pakinabang na lubos na nauugnay sa kanila, maaari kayang may iba pang dahilan kung bakit ang mga taong hindi kailanman nakakaunawa sa Diyos ay magbabayad ng gayong malaking halaga para sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang problema na dating hindi natukoy ng tao: Ang ugnayan ng tao sa Diyos ay isang ugnayan lamang ng hayagang pansariling interes. Isa itong ugnayan sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng mga pagpapala. Sa madaling salita, ito ang ugnayan sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho nang husto ang empleyado para lang makatanggap ng mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal na parang sa magkapamilya sa ganitong uri ng ugnayan na nakabatay sa pansariling interes, transaksiyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pag-unawa, tanging walang magawang paglunok sa galit at panlilinlang. Walang pagiging matalik, isang malaking agwat lamang na hindi matatawid. Ngayong umabot na ang mga bagay-bagay sa puntong ito, sino ang makapagbabaligtad ng gayong kalakaran? At ilang tao ang may kakayahang tunay na maunawaan kung gaano na kalala ang ugnayang ito? Naniniwala Ako na kapag ibinababad ng mga tao ang kanilang sarili sa masayang kapaligiran ng pagiging pinagpala, walang sinuman ang makakaisip kung gaano kahiya-hiya at kapangit tingnan ang gayong ugnayan sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Pagkabasa ko sa mga salita ng Diyos, naliwanagan ako at nahiya. Ang ugnayan ko sa Diyos ay tulad mismo ng Kanyang inilantad: isang ugnayang nakabatay sa hayagang pansariling interes. Noong nanampalataya ako sa Panginoon, nagtiis ako ng pag-uusig at tinalikuran ang aking pamilya para magkamit ng mga pagpapala at makapasok sa kaharian ng langit. Nagpatuloy akong mamuno sa mga simbahan at mangaral ng ebanghelyo sa gitna ng matinding lamig at nakapapasong init, gaano man ako nagdusa. Ngunit nang maharap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi lamang sa hindi ko ito hinanap o siniyasat, kundi kinondena at nilabanan ko rin ito, sinelyuhan ko pa nga ang simbahan upang pigilan ang mga mananampalataya na tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nalaman ko na gumawa ako ng masama at nilabanan ang Diyos. Ang una kong naisip ay hindi kung paano magsisi sa Diyos, kundi kung paano ko mas maipapangaral pa ang ebanghelyo upang makabawi sa aking mga pagsalangsang at upang makamit ang awa ng Diyos bilang kapalit, para bigyan Niya ako ng pagkakataong makapasok sa kaharian ng langit. Nang mabasa ko na ang Diyos ay “hindi maaaring magpakita ng kaluwagan” sa mga lumapastangan at nanira sa Kanya, naniwala ako na gaano man ako magsumikap sa aking tungkulin, hindi ko kailanman matatanggap ang kaluwagan ng Diyos, at nawala ang pag-asa kong maligtas. Naging negatibo at hindi na ako aktibo sa paggawa ng aking tungkulin. Mula simula hanggang wakas, ang tanging pinahahalagahan ko ay ang makatanggap ng mga pagpapala. Tinalikuran ko ang lahat, ginugol ang aking sarili, nagpakapagod at gumawa hindi para hangarin ang katotohanan o makilala ang Diyos, kundi para ipalit sa pagpapala na makapasok sa kaharian ng langit. Hindi ba’t ito mismo ang inilantad ng Diyos bilang “tanging walang magawang paglunok sa galit at panlilinlang”? Sa lahat ng taon ko ng pananampalataya sa Diyos, hindi ko kailanman hinanap ang mga layunin ng Diyos. Hindi ko kailanman inisip kung ano ang nais ng Diyos na hangarin ko, ano ang Kanyang mga hinihingi sa akin, kung paano ko dapat isaalang-alang ang Kanyang mga layunin at palugurin Siya, o kung paano ko dapat hangarin ang katotohanan upang makamit ang pagbabago sa aking disposisyon. Sa isip ko, ang paghahangad ng katotohanan sa aking pananalig ay parang dagdag lang, at ang paghahangad ng mga pagpapala ang tila pinakamakatotohanan. Talagang nabulag ako ng pagnanais para sa mga pagpapala at tumatahak ako sa maling landas noon pa man. Naisip ko si Pablo. Hindi siya nakinig o naghanap noong gumagawa ang Panginoong Jesus; sa halip, kinondena at nilabanan niya ang Panginoong Jesus, tinugis at pinatay ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, at gumawa ng maraming masasamang gawa. Matapos siyang hampasin ng Panginoon, hindi man lang niya pinagnilayan ang kanyang mga nakaraang kilos at diwang lumalaban sa Diyos. Hindi rin niya hinangad na makilala ang Panginoon, kundi ang gusto lang niya ay mangaral ng ebanghelyo at magkamit ng mas maraming tao para pagbayaran ang kanyang mga kasalanan. Matapos gumawa ng napakaraming gawain, tahasan niyang hiningi ang isang korona mula sa Diyos, sinasabing: “Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, napanatili ko ang pananalig: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Tinalikuran ko ang mga bagay-bagay, ginugol ang aking sarili, at ginawa ang aking tungkulin para humingi ng mga pagpapala mula sa Diyos; tinatahak ko ang landas ni Pablo. Nang mapagtanto ito, napuno ako ng pagsisisi at paninisi sa sarili, at umiyak ako at nanalangin sa Diyos, “O Diyos, nauunawaan ko na ngayon kung gaano ako kasuklam-suklam at kapangit. Bagama’t nangangaral na ako ng ebanghelyo at gumagawa ng aking tungkulin sa loob ng maraming taon, ginagamit ko lang talaga ang tungkulin ko para makamit ang aking layon na makatanggap ng mga pagpapala. Tunay na hindi ako karapat-dapat na mabuhay sa Iyong harapan. Mahal na Diyos, ipinananalangin ko na akayin Mo ako na hangarin ang pagbabago sa aking disposisyon at hangaring makilala Ka.”

Pagkatapos ay nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa Kanyang layunin na iligtas ang tao. Sabi ng Diyos: “Ngayon ay hinahatulan kayo ng Diyos, kinakastigo kayo, at kinokondena kayo, ngunit dapat mong malaman na ang punto ng pagkondena sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Siya ay kumokondena, sumusumpa, humahatol, at kumakastigo para makilala mo ang iyong sarili, para magbago ang iyong disposisyon, at, higit pa rito, para malaman mo ang iyong halaga, at makita na lahat ng kilos ng Diyos ay matuwid at alinsunod sa Kanyang disposisyon at mga pangangailangan ng Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano para sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na nagmamahal at nagliligtas sa tao, at humahatol at kumakastigo rin sa tao. Kung alam mo lamang na mababa ang iyong katayuan, na ikaw ay tiwali at mapaghimagsik, ngunit hindi mo alam na nilalayon ng Diyos na ibunyag ang Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo na Kanyang ginagawa sa iyo ngayon, wala kang paraan para makaranas ng mga bagay, lalong wala kang kakayahang patuloy na sumulong. Ang Diyos ay hindi naparito upang hampasin o lipulin ang mga tao, kundi upang hatulan, sumpain, kastiguhin, at iligtas sila. Hanggang sa matapos ang Kanyang 6,000 taong plano ng pamamahala—bago Niya ibunyag ang kalalabasan ng bawat kategorya ng tao—ang gawain ng Diyos sa lupa ay ganap na para sa pagliligtas; ang layon nito ay para lamang gawing lubusang ganap yaong mga nagmamahal sa Kanya at magpasailalim sila sa Kanyang kapamahalaan. … Ang Diyos ay naparito para gumawa sa lupa upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan; walang kasinungalingan dito. Kung hindi ito ang kaso, tiyak na hindi sana Siya naparito upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Dati-rati, ang Kanyang paraan ng pagliligtas ay may kasamang pagpapakita ng sukdulang awa at mapagmahal na kabaitan, kaya ibinigay Niya ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng buong sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay hindi kagaya ng nakaraan: Ang pagliligtas sa inyo ngayon ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, kung kailan ibinubukod-bukod ang bawat isa ayon sa kanilang uri; ang paraan ng pagliligtas sa inyo ay hindi awa o mapagmahal na kabaitan, kundi pagkastigo at paghatol, upang ang tao ay kayang mas lubusang maligtas. Sa gayon, ang natatanggap lamang ninyo ay pagkastigo, paghatol, at walang awa na paghampas, ngunit dapat ninyong malaman ito: Sa walang awa na paghampas na ito, wala ni kakatiting na kaparusahan. Gaano man kabagsik ang Aking mga salita, ang sumasapit sa inyo ay iilang salita lamang na maaaring magmukhang lubos na walang puso sa inyo, at gaano man katindi ang Aking galit, ang sumasapit sa inyo ay mga salita pa rin ng pagsaway, at hindi Ko layon na saktan kayo o patayin kayo. Hindi ba totoo ang lahat ng ito? Dapat ninyong malaman na sa panahong ito, matuwid na paghatol man o walang awang pagpipino at pagkastigo, lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Ibubukod-bukod man ngayon ang bawat tao ayon sa kanilang uri o mabubunyag man ang lahat ng uri ng tao, ang layunin ng lahat ng salita at gawain ng Diyos ay upang iligtas iyong mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Ang matuwid na paghatol ay pinasasapit upang dalisayin ang tao, at ang walang awa na pagpipino ay ginagawa upang linisin ito; ang masasakit na salita o pagtutuwid ay kapwa ginagawa upang magpadalisay at alang-alang sa kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Layunin ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao). “Naparito ang Diyos para gumawa sa pagkakataong ito hindi upang hampasin ang mga tao, kundi upang iligtas sila, sa pinakamataas na antas na posible. Walang sinuman na walang pagsalangsang—kung nahampas ang lahat ng tao, magiging pagliligtas ba iyon? Ang ilang pagsalangsang ay ginagawa nang sadya, samantalang ang iba ay hindi sinasadya. Kung kaya mong magbago pagkatapos mong malaman ang mga bagay na ginagawa mo nang hindi mo sinasadya, hahampasin ka ba ng Diyos bago mo iyon magawa? Ililigtas ba ng Diyos ang mga tao sa ganoong paraan? Hindi Siya ganoon gumawa! Mayroon ka mang mapaghimagsik na disposisyon o kumilos ka man nang hindi sinasadya, tandaan mo ito: Dapat kang magnilay-nilay at kilalanin ang iyong sarili. Itama mo ang iyong sarili, kaagad, at magpunyagi ka nang buong lakas mo para sa katotohanan—at, anumang sitwasyon ang dumating, huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang pagliligtas ng tao, at hindi Niya basta-bastang hahampasin ang mga taong nais Niyang iligtas. Tiyak ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Lubos akong naantig ng mga salita ng Diyos. Paghatol man, pagkondena, o pagsumpa ang mga salitang sinasabi ng Diyos sa mga tao, lahat ng ito ay alang-alang sa pagliligtas sa mga tao—upang sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, makilala ng mga tao ang sarili nilang mga tiwaling disposisyon at ang mga karumihan sa kanilang pananalig, makilala ang kanilang diwang lumalaban sa Diyos, at makilala ang matuwid, maharlika, at hindi nalalabag na disposisyon ng Diyos, upang magkaroon sila ng may-takot-sa-Diyos na puso. Sa ganitong paraan, mabibitiwan nila ang kanilang mga maling intensyon, maiwawaksi ang kanilang mga satanikong tiwaling disposisyon, at makakamit ang pagliligtas ng Diyos. Nanalig ako sa Diyos pero hindi ko Siya kilala o ang Kanyang gawain. Nilabanan ko ang Diyos sa pamamagitan ng mapagmataas kong disposisyon. Nang ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa dati kong denominasyon, hindi ko ito hinanap o siniyasat, at ginulo ko pa ang ibang mga mananampalataya at hinadlangan sila sa paggawa nito. Ang paghatol at pagkokondena ng Diyos sa aking mga kilos ay lubusang nagbunyag ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ngunit nang hatulan at kondenahin ako ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, hindi Niya itinakda ang aking kinalabasan, lalong hindi Niya ako inilagay sa kamatayan. Ang layunin ng Diyos ay para makilala ko ang Kanyang matuwid, maharlika, at hindi nalalabag na disposisyon, para magkaroon ako ng may-takot-sa-Diyos na puso. Ang Kanyang layunin ay para maunawaan ko rin ang kalikasan ng aking mga kilos, pagnilayan ang ugat na dahilan ng aking kabiguan, at makapagsisi at magbago. Ganito ako dinadalisay at inililigtas ng Diyos. Anuman ang sinabi ng Diyos, ang inaasam Niya ay pagnilayan at maunawaan ko ang aking mapaghimagsik at lumalaban-sa-Diyos na satanikong disposisyon, para makapagsisi at magbago ako. Tulad ng sinasabi ng Diyos: “Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang pagliligtas ng tao, at hindi Niya basta-bastang hahampasin ang mga taong nais Niyang iligtas. Tiyak ito.” Nilimitahan ko ang gawain ng Diyos sa Bibliya, kinokondena at nilalabanan ang Kanyang gawain sa mga huling araw, at pinipigilan pa nga ang mga mananampalataya na tanggapin ito. Nakita ko na bagama’t nananampalataya ako sa Diyos, wala talaga akong pagkakilala tungkol sa Kanya. Napakamapagmataas ng disposisyon ko, at wala akong kahit katiting na bakas ng may-takot-sa-Diyos na puso o mapagpakumbabang puso. Napakarami kong nagawang kasamaan na dapat sana ay isinumpa at pinarusahan ako ng Diyos. Ngunit hindi ako tinrato ng Diyos ayon sa aking masasamang gawa. Sa halip, dinala Niya ako sa Kanyang harapan sa pamamagitan ng ebanghelyong ipinangaral ng aking mga kapatid at pinahintulutan akong pagnilayan at kilalanin ang aking sarili sa pamamagitan ng paghatol, pagkondena, at paglalantad ng Kanyang mga salita. Kung hindi dahil sa paghatol ng Diyos, mananampalataya sana ako sa Kanya sa buong buhay ko nang hindi kailanman nagninilay o kumikilala sa aking sarili. Hindi ko sana makikilala ang aking mapagmataas na kalikasan o mapagtatanto na ang lahat ng aking mga pagsisikap at paggugol ay alang-alang sa pagtanggap ng mga pagpapala. Magpapatuloy lang sana ako sa maling landas, naghihimagsik laban sa Diyos, lumalaban sa Kanya, sumasalungat sa Kanyang disposisyon, at sa huli ay itataboy at ititiwalag Niya. Ang mabigat na paghatol ng Diyos ang nagligtas sa akin, na nagbigay sa akin ng pagkakataong makilala ang aking sarili at magsisi sa Kanya. Hinatulan lang ako ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita; hindi Niya ako pinarusahan, kundi pinayagan pa akong tamasahin ang napakaraming panustos ng Kanyang mga salita at inakay ako na maunawaan ang maraming katotohanan. Napakarami kong natanggap mula sa Diyos. Kahit na maging isang tagapagserbisyo lang ay biyaya at pagtataas ng Diyos. Kahit na wala akong magandang kinalabasan at hantungan sa hinaharap, kailangan ko pa ring gawin nang maayos ang aking tungkulin. Napakapalad ko na makarating sa harap ng Lumikha at marinig ang Kanyang tinig. Hindi nasayang ang buhay ko. Anuman ang maging kinalabasan ko sa hinaharap, nagpapasalamat at pumupuri ako sa Diyos!

Pagkatapos niyon, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos. Nagawa kong harapin nang tama ang aking mga pagsalangsang, at naging mas malinaw sa akin ang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hangga’t may kaunti pa kayong pag-asa ngayon, naaalala man ng Diyos o hindi ang mga pagsalangsang ninyo sa nakaraan, anong kaisipan ang dapat ninyong panatilihin? ‘Dapat akong maghangad ng pagbabago sa aking disposisyon, maghangad ng kaalaman tungkol sa Diyos, na hindi na muling maloko ni Satanas, at hindi na muling gumawa ng anumang bagay na magbibigay ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos.’ Ang mga tao ngayon ay ginawang tiwali nang napakalalim at walang anumang halaga. Anong mga pangunahing larangan ang nagtatakda kung sila ay maaaring maligtas at kung sila ay mayroong anumang pag-asa? Ang susi ay, pagkatapos makinig sa isang sermon, kung nauunawaan mo ang katotohanan o hindi, kung kaya mong isagawa ang katotohanan o hindi, at kung kaya mong magbago o hindi. Ito ang mga pangunahing larangan. Kung ikaw ay nakakaramdam lang ng pagsisisi, at kapag dumarating ang panahon para gumawa ng mga bagay ay ginagawa mo lang kung ano ang gusto mo, sa parehong mga dating paraan, hindi lang sa hindi hinahanap ang katotohanan, kumakapit pa rin sa mga dating pananaw, pamamaraan, at regulasyon, at hindi lang sa hindi pinagninilayan at sinusubukang kilalanin ang iyong sarili, pero sa halip ay sumasama pa nang sumasama, at ipinipilit pa ring lakaran ang dati mong landas, ikaw ay magiging walang pag-asa, at dapat isantabi. Sa mas malawak na kaalaman tungkol sa Diyos at mas malalim na kaalaman tungkol sa sarili mo, mas magiging kaya mong pigilan ang sarili mo sa paggawa ng masama at sa pagkakasala. Kapag mas lubusan ang kaalaman mo tungkol sa iyong kalikasan, mas mabuti mong mapoprotektahan ang iyong sarili, at pagkatapos ibuod ang mga karanasan at natutunan mo, hindi ka na muling mabibigo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Kung gusto ng mga tao na lutasin ang kanilang mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, sa isang banda ay dapat nilang alamin ang sarili nilang mga tiwaling disposisyon, at himayin at alamin ang mga pagkakamaling nagawa nila, at ang mga maling landas na tinahak nila, at ang kanilang mga pagsalangsang at kapabayaan. Sa ganitong paraan lang nila makikita nang malinaw ang sarili nilang kalikasan at magkakamit ng kaalaman dito. Bukod pa rito, dapat makita nila nang malinaw kung bakit nila tinatahak ang maling landas at bakit sila gumagawa ng napakaraming bagay na lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo, at kung ano ang kalikasan ng mga gawaing ito. Higit pa rito, dapat nilang maunawaan kung ano ba mismo ang mga layunin at mga hinihingi ng Diyos sa kanila, kung bakit laging wala silang kakayahan na kumilos ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at kung bakit lagi silang sumasalungat sa Kanyang mga layunin at ginagawa ang gusto nila. Dalhin ninyo ang mga bagay na ito sa harap ng Diyos at manalangin kayo, unawain ninyo nang malinaw ang mga ito, at pagkatapos ay mababago na ninyo ang inyong kalagayan, mababago na ninyo ang takbo ng inyong pag-iisip, at malulutas na ninyo ang maling pagkakaunawa ninyo sa Diyos. May mga tao na laging nagkikimkim ng mga di-wastong layunin anuman ang ginagawa nila, lagi silang mayroong masasamang ideya, at hindi nila masuri kung tama ba o mali ang lagay ng kanilang kalooban, ni makilatis ito ayon sa mga salita ng Diyos. Magulo ang isip ng mga taong ito. Ang isa sa mga pinakamalinaw na katangian ng isang taong magulo ang isip ay na matapos niyang gumawa ng isang masamang bagay ay nananatili siyang negatibo kapag naharap sa pagpupungos, nagpapakalugmok pa nga siya sa kawalang pag-asa at itinatakda na katapusan na niya at hindi na siya maililigtas pa. Hindi ba’t ito ang pinakakalunos-lunos na asal ng isang taong magulo ang isip? Hindi niya mapagnilayan ang kanyang sarili nang ayon sa salita ng Diyos, at hindi niya kayang hanapin ang katotohanan upang lutasin ang problema kapag nahaharap siya sa mahihirap na bagay. Hindi ba’t ito ay pagkakaroon ng napakagulong pag-iisip? Malulutas ba ng pagpapakalugmok mo sa kawalang pag-asa ang mga problema? Malulutas ba ng laging pakikibaka nang negatibo ang mga problema? Dapat maintindihan ng mga tao na kung magkamali o magkaproblema sila ay dapat nilang hanapin ang katotohanan para lutasin iyon. Kailangan muna nilang magnilay-nilay at maunawaan kung bakit sila nakagawa ng masama, kung ano ba ang layunin nila at ang pinagmulan ng paggawa niyon, kung bakit nila gustong gawin iyon at ano ang layon nila, at kung mayroon bang taong nanghimok, nag-udyok, o nanlihis sa kanila na gawin iyon o kung sadya nilang ginawa iyon. Ang mga tanong na ito ay dapat na mapagnilayan at malinaw na maintindihan, at pagkatapos ay malalaman na nila kung ano ang mga kamaliang nagawa nila at kung ano ba sila. Kung hindi mo makilala ang diwa ng masasamang gawain mo o hindi ka matuto ng leksyon mula roon, hindi malulutas ang problema. Maraming tao ang gumagawa ng masasamang bagay at hindi kailanman pinagninilayan at hindi kinikilala ang kanilang mga sarili, kaya ang gayong mga tao ba ay totoong makapagsisisi kailanman? May pag-asa pa ba silang maligtas? Ang sangkatauhan ay mga inapo ni Satanas, at sinalungat man nila o hindi ang disposisyon ng Diyos, ang kanilang kalikasang diwa ay pareho lang. Dapat nilang pagnilayan ang kanilang mga sarili at higit na makilala ang kanilang mga sarili, makita nang malinaw kung hanggang sa anong antas sila nagrebelde at lumaban sa Diyos, at kung matatanggap pa rin ba nila ang katotohanan at maisasagawa ang katotohanan. Kung malinaw nilang makikita ito, malalaman nila kung gaano sila nanganganib. Sa katunayan, batay sa kanilang mga kalikasang diwa, lahat ng tiwaling tao ay nasa panganib; kinakailangan ng matinding pagsisikap para matanggap nila ang katotohanan at hindi ito madali para sa kanila. May mga taong nakagawa ng masama at nagbunyag ng kanilang kalikasang diwa, samantalang may ilan na hindi pa nakagagawa ng masama subalit hindi naman ibig sabihin noon ay mas mabuti sila kaysa iba—hindi pa lang sila nagkaroon ng sitwasyon o pagkakataong gawin iyon. Yamang mayroon kang ganitong mga pagsalangsang, dapat na maging malinaw sa puso mo kung anong saloobin ang dapat mayroon ka ngayon, kung ano ang dapat mong panagutan sa Diyos, at kung ano ang gusto Niyang makita. Dapat mong alamin ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pananalangin at paghahanap; pagkatapos ay malalaman mo kung paano ka dapat maghangad sa hinaharap, at hindi ka na maiimpluwensiyahan o malilimitahan ng mga pagkakamaling nagawa mo dati. Dapat tahakin mo ang landas sa harapan at gampanan ang iyong tungkulin gaya ng nararapat, at huwag nang magpakalugmok sa kawalang pag-asa; dapat kang ganap na umahon mula sa pagiging negatibo at sa maling pagkakaunawa. Sa isang banda, ang paggawa mo ng iyong tungkulin ngayon ay para makabawi sa mga pagsalangsang at kapabayaan mo dati; ngunit kahit papaano man lang ay ito dapat ang mentalidadna mayroon ka. Sa kabilang banda, dapat ay positibo at maagap kang makipagtulungan, gawin mo ang lahat para magawa mo nang mabuti ang tungkuling dapat mong gampanan, at matupad ang iyong mga responsabilidad at obligasyon. Ito ang dapat gawin ng isang nilikha. Mayroon ka mang anumang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, o nagbubunyag ka man ng katiwalian, o sinasalungat mo ang Kanyang disposisyon, dapat mong lutasin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa sarili mo at paghahanap sa katotohanan. Dapat kang matuto mula sa mga kabiguan mo, at lubusan kang umahon mula sa anino ng pagiging negatibo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahangad Lamang sa Katotohanan Malulutas ng Tao ang Kanyang mga Kuru-kuro at Maling Pagkaunawa sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na tandaan man o patawarin ng Diyos ang aking mga pagsalangsang, hangga’t may katiting na pag-asa para sa kaligtasan, hindi ako dapat sumuko. Kailangan ko lang magtuon sa paghahangad ng katotohanan at sa pagbabago sa aking disposisyon. Ito ang tamang landas. Isang katunayan na nakagawa ako ng mga pagsalangsang, pero ngayon, hindi ako ibinigay ng Diyos kay Satanas, ni hindi rin Niya inalis ang pagiging karapat-dapat ko sa paggawa ng aking tungkulin. Maaari akong magbasa ng mga salita ng Diyos, gawin ang aking tungkulin, at may pagkakataon pa ring hangarin ang katotohanan at ang pagbabago sa disposisyon, kaya hindi ako puwedeng sumuko. Nasa sa Diyos kung tatandaan o patatawarin Niya ang aking mga pagsalangsang; hindi para sa akin na hulaan iyon. Ang kailangan ko lang gawin ay hangarin ang katotohanan. Ayaw ng Diyos na makulong ako sa aking mga pagsalangsang, na ginagawa ang aking tungkulin sa isang negatibong kalagayan. Ang Kanyang layunin ay para maunawaan ko ang sanhi ng aking kabiguan upang makapagsisi at magbago ako. Gusto Niyang ihinto ko ang paglilimita sa Kanya sa pamamagitan ng sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon, at ihinto ang pagtrato sa aking pagsisikap bilang isang bentahe para makakuha ng mga pagpapala. Anuman ang makaharap ko, malaki man o maliit, dapat ko itong tingnan ayon sa Kanyang mga salita at isagawa ang Kanyang mga salita. Iwinasto rin ng mga salita ng Diyos ang aking mga maling pananaw. Iniisip ko dati na naiiba ako sa iba—na may pag-asa silang maligtas sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, ngunit dahil sa aking mga pagsalangsang, maaari lang akong maging isang tagapagserbisyo at hindi kailanman maliligtas gaano man ako magsikap na maghangad. Ito ay isang maling pagkaunawa sa Diyos. Pagkabasa ko sa Kanyang mga salita, naunawaan ko na lahat tayo ay mga taong ginawang tiwali ni Satanas, at lahat tayo ay may parehong diwang lumalaban sa Diyos. Nagkataon lang na nakagawa ako ng mga pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos, na naging dahilan para mas maging malubha ang problema ko. Katunayan iyon. Hindi na maibabalik ang panahon. Ang nais makita ng Diyos ay ang aking saloobin ng pagsisisi at ang aking aktuwal na mga pagpapamalas. Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, nauunawaan ko na ang Iyong layunin ngayon. Sa bawat araw na mabubuhay ako, hahangarin ko ang katotohanan, hahangarin ang pagbabago sa aking disposisyon, at gagawin nang maayos ang aking tungkulin. Patawarin Mo man ako o hindi, isa akong nilikha. Kahit pa gawin Mo akong isang tagapagserbisyo, isa pa rin akong nilikha. Handa akong gawin ang aking tungkulin nang maayos sa isang praktikal na paraan.” Sa pagkaunawa nito, mas napanatag ang puso ko. Ngayon na sinabi na sa atin ng Diyos ang lahat ng aspekto ng katotohanan, nakikita ko na ang paghahangad sa katotohanan ang pinakamahalaga. Anuman ang aking kalalabasan sa hinaharap o kung paano ako tatratuhin ng Diyos, magtutuon ako sa paghahangad sa katotohanan habang ginagawa ang aking tungkulin at hahayaang maging buhay ko ang mga salita ng Diyos. Ito ang dapat kong hangarin. Matapos pagdaanan ang karanasang ito, tunay kong naramdaman na ang paghatol ng Diyos ang pinakamabuting kaligtasan para sa akin. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman