1021 Tanging sa Pamamagitan ng Pagsasagawa sa Katotohanan Maaaring Makamit ng Isang Tao ang Pagliligtas ng Diyos
I
Labis na tiniwali ni Satanas ang mga tao; puno sila ng mga tiwaling disposisyon, at punong-puno ng mga lason ni Satanas ang mga buto at dugo nila. Kung hindi nila matatanggap ang katotohanan, o ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, paano sila tunay na makapagpapasakop sa Diyos? Paano nila magagawa nang tapat ang mga tungkulin nila? Paano sila magkakaroon ng takot sa Diyos at makakaiwas sa kasamaan? Ang pagkamit ba ng kaligtasan ay maaaring maging kasingsimple na gaya ng iniisip ng mga tao?
II
Ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa loob ng libo-libong taon, hanggang sa puntong naging mga diyablo na sila. Ngayon ay pumarito na ang Diyos para iligtas sila, at gaano man karaming salita ang sinasabi Niya, isang napakahirap na gampanin ang gawing mga tunay na tao ang mga taong naging diyablo na. Bukod sa kailangang magpahayag ng Diyos ng maraming katotohanan, dapat ding gawin ng mga tao ang makakaya nila para makipagtulungan—naghahangad, tumatanggap, at nagsasagawa sa katotohanan—saka lang sila makakalaya sa impluwensiya ni Satanas at makakamit ang pagliligtas ng Diyos.
III
Minsang sinabi ng Diyos, "Marami ang tinawag, datapuwa't kakaunti ang nahirang." Bagama't maraming tao ang nananampalataya sa Diyos, tanging ang mga tunay na dumaranas sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at ganap na nagpapasakop sa Kanyang gawain, ang malilinis at magagawang perpekto. Iyong mga hindi tumatanggap ng kahit katiting na katotohanan ay tutol sa katotohanan sa puso nila; hindi nila kailanman makakamit ang pagliligtas ng Diyos, at maaari lang silang mabunyag at matiwalag ng gawain ng Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (20)