379 Likas sa Tao ang Pagkakanulo sa Diyos

1 Nanggagaling ang kalikasan ng tao sa kaluluwa, hindi sa laman. Tanging ang kaluluwa ng bawat tao ang nakakaalam kung paano nila naranasan ang mga panunukso, pagpapahirap, at katiwalian ni Satanas. Hindi malalaman ng laman ng tao ang mga bagay na ito. Kaya, di-sinasadyang nagiging padilim nang padilim, parumi nang parumi, at pasama nang pasama ang sangkatauhan, habang palaki nang palaki ang agwat sa pagitan Ko at ng tao, at padilim nang padilim ang buhay para sa sangkatauhan. Ang mga kaluluwa ng sangkatauhan ay hawak ni Satanas sa mga kamay nito, kaya, siyempre, ang laman ng tao ay nasakop na rin ni Satanas. Paanong hindi kakalabanin ng laman na tulad nito at ng sangkatauhang ito ang Diyos? Paano sila magiging likas na kaayon Niya? Itinapon Ko sa hangin si Satanas dahil ipinagkanulo Ako nito. Paano, kung gayon, mapapalaya ang mga tao sa pagkakasangkot nila? Ito ang dahilan kung bakit ang pagkakanulo ay kalikasan ng tao.

2 Hindi mahalaga kung gaano katagal ka nang tagasunod ng Diyos—kalikasan mo pa ring ipagkanulo ang Diyos. Sa ibang salita, nasa kalikasan ng tao na ipagkanulo ang Diyos, dahil hindi kaya ng mga taong magkamit ng lubos na pagkamaygulang sa mga buhay nila, at maaari lang magkaroon ng mga relatibong pagbabago sa mga disposisyon nila. Gaano man kamaygulang ang buhay mo, gaano man kalalim ang mga karanasan mo, gaano man kalaki ang kumpiyansa mo, saan ka man ipinanganak at saan ka man papunta, malamang na ibubunyag ng kalikasan mong ipagkanulo ang Diyos ang sarili nito anumang oras at saanmang lugar. Ang nais sabihin ng Diyos sa bawa’t isang tao ay ito: Katutubong kalikasan ng bawat isang tao ang ipagkanulo ang Diyos. Ang intensyon ng Diyos sa pagpapahayag ng mga salitang ito ay hindi upang humanap ng dahilan upang alisin o kondenahin ang sangkatauhan, kundi ang gawin ang mga taong mas may kamalayan sa kalikasan ng tao, upang maingat silang makapamuhay sa harap ng Diyos sa lahat ng oras upang matanggap ang patnubay Niya, na pipigil sa kanilang maiwala ang presensiya ng Diyos at tumapak sa landas na wala nang balikan.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 2

Sinundan: 378 Ang Pagkakanulo ay Kalikasan ng Tao

Sumunod: 380 Ang Mapanganib na mga Bunga ng Pagkakanulo sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito