627 Sisirain Ka Lamang sa Pagkapit sa mga Relihiyosong Kuru-kuro
Sa Diyos may walang katapusang
kasaganaan at karunungan,
kamangha-mangha Niyang gawain
at salita’y para matamasa ng tao.
I
Yaong may kuru-kurong pangrelihiyon,
na sinasabing nakatataas sila,
na ‘di kayang isantabi ang sarili nila’y
hirap tanggapin ang mga bagong bagay na ‘to.
Ang Banal na Espiritu’y
walang tsansang perpektuhin sila.
Kung ang tao’y ayaw sumunod,
‘di uhaw sa mga salita ng Diyos,
wala siyang paraan para tanggapin
ang mga bagong bagay na ‘to.
Siya’y magiging mas mapanghimagsik at tuso,
hahantong sa mali, hahantong sa maling daan.
Simula ngayon, peperpektuhin ng Diyos
yaong walang relihiyosong kuru-kuro,
yaong ‘sinasantabi ang dating gawi,
nananabik sa salita Niya’t
tapat na sumusunod sa Kanya.
Mga taong ito’y dapat manindigan
at maglingkod sa Diyos.
II
Sa gawain Niya, nais ng Diyos
na mag-angat ng mas maraming taong
mahal Siya’t kayang tanggapin
ang bago Niyang liwanag.
Pababagsakin Niya ang mga relihiyosong
‘pinagmamalaki’ng senyoridad nila,
ayaw Niya ng sinumang lumalaban sa pagbabago.
Naglilingkod ka ba
ayon sa sarili mong kagustuhan,
o ginagawa’ng hingi ng Diyos?
Isa ka bang relihiyosong opisyal
o bagong silang na sanggol
na pinerpekto ng Diyos?
Simula ngayon, peperpektuhin ng Diyos
yaong walang relihiyosong kuru-kuro,
yaong ‘sinasantabi ang dating gawi,
nananabik sa salita Niya’t
tapat na sumusunod sa Kanya.
Mga taong ito’y dapat manindigan
at maglingkod sa Diyos.
III
Lumang relihiyosong kuru-kuro’y
kayang sumira sa buhay ng tao,
maaari silang ilayo sa Diyos ng karanasan nila.
Kung ‘di mo ‘sinasantabi ang mga ‘to,
hahadlangan nito ang paglago mo.
Pineperpekto ng Diyos at ‘di pinalalayas
nang basta na lang yaong naglilingkod.
Kung tanggap mo’ng paghatol
at pagkastigo ng mga salita ng Diyos,
isinasantabi’ng mga lumang
relihiyosong gawi’t tuntunin mo,
‘di na gumagamit ng mga dating kuru-kuro
upang sukatin ang mga salita ng Diyos ngayon,
saka ka lang magkakaro’n
ng kinabukasan, ng kinabukasan.
Ngunit kung kumakapit ka sa dating gawi’t
‘tinuturing mo pang yaman ito,
walang paraan upang ika’y mailigtas.
‘Di pinapansin ng Diyos, ‘di pinapansin ng Diyos,
‘di pinapansin ng Diyos ang gan’tong mga tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon