36 Malalakas ang Tinig na Purihin ang Makapangyarihang Diyos

Ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,

ay nagpapakita sa Silangan ng mundo.

Sinasabi Niya ang katotohanan para iligtas ang sangkatauhan,

Siya ang pagpapakita ng Tagapagligtas.

Naririnig ng mga tao ng Diyos ang Kanyang tinig at sila ay itinaas sa Kanyang trono.

Kinakain at iniinom natin ang mga salita ng Diyos,

alam natin ang mga katotohanan at misteryo,

lubusan tayong nilupig ng mga salita ng Diyos.

Dumaraan sa mga pagsubok at pagpipino,

nagdurusa tayo ng matinding sakit at nalilinis ang ating katiwalian.

Sa pagtanggap sa pagsasanay ng kaharian,

nakakamit natin ang katotohanan at ang buhay.

Malakas nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos,

dahil nililinis at nililigtas Niya ang ating buhay.


Sa pamamagitan ng pag-uusig at mga pagsubok,

nakikita natin ang pangit na mukha ng diyablo.

Ginagamit ng Diyos si Satanas para sa serbisyo,

at ginagawang perpekto ang pananampalataya ng tao sa pamamagitan ng mga pagsubok.

Lubos nating kinamumuhian si Satanas, at susunod tayo sa Diyos hanggang sa katapusan.

Nagsasalita ang Diyos ng katotohanan at nilulupig ang sangkatauhan,

bagaman malalim ang katiwalian.

Ang mga salita ng Diyos ay hinahatulan at dinadalisay

ang anak ng malaking pulang dragon.

Sa lupain ng dragon, ginawa ang mga mananagumpay.

Sa pagtanggap sa pagsasanay ng kaharian,

nakakamit natin ang katotohanan at ang buhay.

Malakas nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos,

dahil nililinis at nililigtas Niya ang ating buhay.


Lubusan nang tinalo ng Diyos si Satanas,

at nakamit ng Diyos ang lahat ng kaluwalhatian.

Hindi mapabubulaanang

ang salita ni Cristo ay ang katotohanan, buhay at daan.

Dapat na siguradong mahalin at sambahin ng tao ang kababaang-loob ng Diyos.

Ang disposisyon ng Diyos ay matuwid,

tumitingala tayo sa Kanya nang may paggalang.

Ang Kanyang mga gawain ay kamangha-mangha, mahirap maarok,

lubusan natin Siyang pinupuri nang walang katapusan.

Ang kapangyarihan ng Diyos ay nagagawa ang lahat ng lupain na magpasakop at purihin Siya.

Sa pagtanggap sa pagsasanay ng kaharian,

nakakamit natin ang katotohanan at ang buhay.

Malakas nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos,

dahil nililinis at nililigtas Niya ang ating buhay.


Nakakamit natin ang daan ng buhay na walang hanggan

at nagpupuri sa Diyos nang may buong lakas na tinig.

Sa pagtanggap sa pagsasanay ng kaharian,

nakakamit natin ang katotohanan at ang buhay.

Malakas nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos,

dahil nililinis at nililigtas Niya ang ating buhay.

Sinundan: 35 Tumayo at Sumayaw para sa Diyos

Sumunod: 37 Natapos na ang Dakilang Gawain ng Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger