Pagsasagawa (5)

Sa Kapanahunan ng Biyaya, binigkas ni Jesus ang ilang salita at ipinatupad ang isang yugto ng gawain. Mayroong konteksto sa lahat ng iyon, at ang lahat ng mga iyon ay angkop sa mga kalagayan ng mga tao sa panahong iyon; si Jesus ay nagsalita at gumawa ng naaangkop sa konteksto sa panahong iyon. Siya rin ay nagsalita ng ilang propesiya. Hinulaan Niya na ang Espiritu ng katotohanan ay darating sa panahon ng mga huling araw, at magpapatupad ng isang yugto ng gawain. Na ang ibig sabihin, hindi Niya nauunawaan anumang labas sa gawain na gagawin Niya Mismo sa kapanahunang iyon; Samakatuwid, ang gawaing dala ng Diyos na nagkatawang-tao ay limitado. Kaya, ginagawa lamang Niya ang gawain ng kapanahunang kinaroroonan Niya at hindi gumagawa ng ibang gawaing walang kaugnayan sa Kanya. Sa panahong iyon, hindi gumawa si Jesus ng alinsunod sa mga damdamin o mga pangitain, kundi ayon sa angkop na panahon at konteksto. Walang kahit sinong nanguna o gumabay sa Kanya. Ang kabuuan ng Kanyang gawain ay ang kung ano Siya Mismo—iyon ang gawain na kailangang maipatupad ng nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos, na siyang lahat ng gawain na hatid ng pagkakatawang-tao. Si Jesus ay gumawa lamang ng alinsunod sa kung ano ang Kanya Mismong nakita at narinig. Sa ibang pananalita, ang Espiritu ay gumawa nang tuwiran; hindi kailangang may magpakitang mga sugo sa Kanya at bigyan Siya ng mga panaginip, o anumang dakilang liwanag para sinagan Siya at tulutan Siyang makakita. Siya ay gumawa nang malaya at walang pagpipigil, ito ay dahil sa hindi nakabatay sa mga damdamin ang Kanyang gawain. Sa ibang pananalita, nang Siya ay gumawa hindi Siya nag-apuhap o nanghula, ngunit ginawa ang mga bagay nang may kagaanan, gumagawa at nagsasalita alinsunod sa Kanyang sariling mga ideya at sa nakita ng Kanyang sariling mga mata, na nagbibigay ng agarang panustos sa bawat disipulong sumunod sa Kanya. Ito ang kaibahan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng mga tao: Kapag gumagawa ang mga tao, sila ay naghahanap at nag-aapuhap, palaging nanggagaya at nananadya batay sa saligang inilatag ng iba upang magtamo ng mas malalim na pagpasok. Ang gawain ng Diyos ay ang panustos ng kung ano Siya, at ginagawa Niya ang gawaing kailangan Niya Mismong gawin. Hindi Siya nagkakaloob ng panustos sa iglesia gamit ang kaalaman na nagmula sa gawain ng sinumang tao. Sa halip, ginagawa Niya ang kasalukuyang gawain batay sa kalagayan ng mga tao. Kung kaya, ang paggawa sa ganitong paraan ay ilang libong beses na mas malaya kaysa sa gawaing ginagawa ng mga tao. Sa mga tao, lumilitaw pa na hindi sumusunod ang Diyos sa Kanyang tungkulin at gumagawa sa kung paano Niya naisin. Ngunit lahat ng gawain na Kanyang ginagawa ay bago. Gayunpaman dapat mong malaman na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi kailanman nakabatay sa mga damdamin. Sa panahong, matapos makumpleto ni Jesus ang Kanyang gawain ng pagkapako sa krus, sa sandaling ang mga disipulong sumunod kay Jesus ay naabot ang isang tiyak na punto sa kanilang karanasan, nadama nila na dumarating na ang araw ng Diyos, at magtatagpo na sila ng Panginoon sa lalong madaling panahon. Yaon ang damdamin na mayroon sila, at sa kanila, ang damdaming ito ang pinakamahalaga. Ngunit sa katunayan, ang mga damdamin sa loob ng mga tao ay hindi maaasahan. Nadama nila na marahil ay malapit na nilang maabot ang katapusan ng daan, o lahat ng kanilang ginawa at tiniis ay itinalaga ng Diyos. Sinabi rin ni Pablo na natapos niya ang kanyang takbuhin, nakipagbaka siya ng mabuting pakikipagbaka, at mayroong nakalaan sa kanyang putong ng katuwiran. Iyon ang kaniyang nadama, at isinulat niya ito sa mga sulat at ipinadala sa mga iglesia. Ang gayong mga pagkilos ay nagmula sa mga pasaning kanyang pinasan para sa mga iglesia, at kaya hindi ito pinagtuunan ng pansin ng Banal na Espiritu. Nang sabihin ni Pablo ang mga salitang iyon, hindi siya nabalisa, ni nakadama ng pagsisisi, kaya naniwala siya na ang ganung bagay ay sadyang normal at sadyang tama, at ang mga iyon ay nagmula sa Banal na Espiritu. Ngunit sa pagtingin sa kasalukuyan, hindi ito talagang nagmula sa Banal na Espiritu. Ang mga iyon ay walang iba kundi ilusyon ng isang tao. Maraming ilusyon sa kalooban ng mga tao; hindi pinapansin ng Diyos ang mga ito o nagpapahayag ng anumang mga opinyon kapag nangyayari ang mga ito. Karamihan sa gawain ng Banal na Espiritu ay hindi ipinatutupad sa pamamagitan ng mga damdamin ng mga tao—ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa loob ng mga damdamin ng mga tao maliban sa mahirap, madilim na mga panahon bago naging tao ang Diyos, o ang panahon nang walang mga apostol o mga manggagawa. Sa panahon ng yugtong iyon, nagdudulot ang gawain ng Banal na Espiritu ng ilang natatanging mga damdamin sa mga tao. Halimbawa: Kapag ang mga tao ay walang paggabay ng mga salita ng Diyos, nagkakaroon sila ng hindi maipaliwanag na pakiramdam ng kaligayahan kapag nananalangin, may damdamin sila ng kasiyahan sa kanilang mga puso, at sila ay napapayapa, at napapanatag. Sa sandaling taglayin nila ang paggabay ng mga salita ng Diyos, nakadarama ang mga tao ng isang pagliwanag sa kanilang mga espiritu, mayroon silang landas ng pagsasagawa sa kanilang mga pagkilos at natural, taglay din nila ang mga damdamin ng pagiging payapa at pagiging panatag. Kapag ang mga tao ay nahaharap sa panganib, o pinipigil sila ng Diyos sa paggawa ng mga partikular na bagay, nakadarama sila sa kanilang mga puso ng pagkabahala at pagkabagabag. Ang mga ito ay pawang mga damdaming ibinigay sa tao ng Banal na Espiritu. Gayunpaman, kung ang isang salungat na kapaligiran ay nagdudulot ng isang kapaligiran ng takot, na nagsasanhi sa mga tao na maging labis na balisa at nangingimi, iyon ay isang normal na pagpapahayag ng pagkatao at walang kaugnayan sa gawain ng Banal na Espiritu.

Ang mga tao ay palaging nabubuhay sa gitna ng kanilang sariling mga damdamin, at ginawa ito sa loob ng maraming taon. Kapag sila ay payapa sa kanilang mga puso, kumikilos sila (naniniwala na ang kanilang kahandaan ay isang damdamin ng kapayapaan), at kapag sila ay hindi payapa sa kanilang mga puso, hindi sila kumikilos (naniniwala na ang kanilang kawalan ng pagnanais o hindi pagkagusto ay isang damdamin ng pagkabalisa). Kapag naging mainam ang mga bagay, iniisip nilang ito ang kalooban ng Diyos. (Sa katunayan, ito ay isang bagay na masyadong maayos na nangyari, ito ang likas na batas ng mga bagay.) Kapag hindi nagiging maayos ang mga bagay, iniisip nilang hindi ito ang kalooban ng Diyos. Kapag naharap sila sa isang bagay na hindi maayos, tumitigil sila. Ang mga nasabing damdamin ay hindi tumpak, at ang pagkilos ayon sa kanila ay magdudulot ng maraming pagkaantala. Halimbawa, tiyak na magkakaroon ng mga kahirapan sa pagsasagawa ng katotohanan at higit pa sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Maraming positibong bagay ang mahihirapang matanto. Kagaya lang ng kasabihan, “Ang pagsasakatuparan ng mabubuting bagay ay kadalasang kasunod ng mga paghihirap.” Napakaraming damdamin ang mga tao sa kanilang praktikal na mga buhay, iniiwan silang palaging nawawala at hindi tiyak sa maraming bagay. Walang malinaw sa mga tao hangga’t di nila nauunawaan ang katotohanan. Ngunit sa pangkalahatan, kapag sila ay kumikilos o nagsasalita ayon sa kanilang mga damdamin, hangga’t hindi ito isang bagay na lumalabag sa pangunahing mga prinsipyo, ang Banal na Espiritu ay hindi tumutugon sa anupaman. Ito ay kagaya ng “korona ng katuwiran” na naranasan ni Pablo: Sa loob ng maraming taon, walang naniwalang ang kanyang mga damdamin ay mali, ni si Pablo ay hindi naramdaman sa sarili niya na nasa kamalian ang kanyang mga damdamin. Saan nagmumula ang mga damdamin ng mga tao? Ang mga ito, siyempre, ay mga pagtugon na nagmumula sa kanilang mga utak. Ang iba’t ibang mga damdamin ay nalilikha ayon sa magkakaibang mga kapaligiran at magkakaibang mga bagay. Kadalasan, gumagawa ang mga tao ng mga pahiwatig na may pantaong lohika kung saan makakakuha ng isang kalipunan ng mga pormula, na nagbubunga sa pagkakabuo ng maraming damdamin ng tao. Pumapasok ang mga tao sa kanilang sariling lohikal na mga pahiwatig nang hindi namamalayan, at sa ganitong paraan, ang mga damdaming ito ang inaasahan ng mga tao sa kanilang mga buhay; nagiging pampagaan ng damdamin ang mga ito sa kanilang mga buhay, gaya ng “putong na katuwiran” ni Pablo o ang “pakikipagtagpo sa Panginoon sa himpapawid” ni Witness Lee. Wala halos paraan ang Diyos na mamagitan sa mga damdaming ito ng tao, at kailangang hayaan ang mga ito na lumago ayon sa gusto nila. Sa kasalukuyan, nagsasalita Ako sa iyo nang malinaw sa iba’t ibang aspeto ng katotohanan. Kung nagpapatuloy ka pa rin sa iyong mga damdamin, hindi ba’t nabubuhay ka pa rin sa kalabuan? Hindi mo tinatanggap ang mga salita na malinaw na itinakda para sa iyo, at palaging umaasa sa iyong personal na mga damdamin. Sa ganito, hindi ka ba kagaya ng isang taong bulag na kinakapa ang isang elepante? At ano ang iyong makakamtan sa bandang huli?

Ang lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa ngayon ay totoo. Hindi ito isang bagay na iyong madarama, o isang bagay na iyong maiisip, lalong hindi ito isang bagay na iyong mahihiwatigan—ito ay isa lamang bagay na magagawa mong maunawaan kapag dumating sa iyo ang mga katotohanan. Minsan, mangyari man ang mga ito, hindi mo pa rin makikita nang malinaw, at hindi mauunawaan ng mga tao hanggang ang Diyos ay kumilos nang personal upang dalhin ang malaking kalinawan sa tunay na mga katotohanan ng kung anong nagaganap. Noong panahong, maraming mga ilusyon sa pagitan ng mga disipulo na sumusunod kay Jesus. Sila ay naniwalang ang araw ng Diyos ay paparating na at malapit na silang mamamatay para sa Panginoon at magagawang makipagtagpo sa Panginoong Jesus. Si Pedro ay naghintay nang buong pitong taon, dahil sa damdaming ito, ngunit hindi pa rin ito dumating. Naramdaman nilang sumulong ang kanilang mga buhay; Dumami ang mga damdamin sa loob nila at tumindi ang mga damdaming ito, ngunit nakaranas sila ng maraming kabiguan at hindi nagawang magtagumpay. Sila mismo ay hindi alam kung anong nangyayari. Maaari ba na yaong tunay na nagmula sa Banal na Espiritu ay hindi matutupad? Ang mga damdamin ng mga tao ay hindi maaasahan. Sapagkat ang mga tao ay mayroong sariling mga saloobin at ideya, lumilikha sila ng isang mayabong na mga ugnayan batay sa konteksto at mga kalagayan sa panahong iyon. Sa partikular, kapag may nangyayaring isang bagay sa mga tao na ang saloobin ay malusog, labis silang natutuwa, at walang magawa kung hindi ang lumikha ng isang mayabong na mga ugnayan. Ito ay naaangkop lalo na sa “mga dalubhasa” na mayroong napakataas na kaalaman at mga teorya, na ang mga ugnayan ay nagiging mas masagana pa pagkatapos ng maraming taon ng pakikitungo sa mundo; hindi nila namamalayan, sinasakop ng mga ito ang kanilang mga puso at nagiging napakamakapangyarihang ng mga damdamin nila, at nasisiyahan sila sa mga ito. Kapag nais ng mga tao na gumawa ng isang bagay, lilitaw sa loob nila ang mga damdamin at mga guni-guni at iisipin nila na tama ang mga ito. Kalaunan, kapag nakita nila na hindi natupad ang mga ito, hindi malalaman ng mga tao kung anong mali ang nangyari. Marahil naniniwala sila na nagbago ang Diyos ng Kanyang plano.

Hindi maiiwasang lahat ng tao ay mayroong mga damdamin. Sa Kapanahunan ng Kautusan, maraming tao ang mayroon ding partikular na mga damdamin, ngunit ang mga pagkakamali sa mga damdamin nila ay mas kaunti kaysa sa mga tao sa kasalukuyan. Yaon ay dahil noon, nagawang makita ng mga tao ang kaanyuan ni Jehova; nakikita nila ang mga sugo, at mayroon silang mga panaginip. Hindi nagagawang makita ng mga tao sa kasalukuyan ang mga pangitain o ang mga sugo, kung kaya dumami ang mga kamalian sa kanilang mga damdamin. Kapag nararamdaman ng mga tao sa kasalukuyan na ang isang bagay ay talagang tama, at nagpatuloy na isinagawa ito, hindi sila sinisisi ng Banal na Espiritu, at sila ay masyadong payapa sa loob. Pagkatapos nito, tanging sa pamamagitan ng pagbabahagi o pagbabasa sa mga salita ng Diyos na lang nila natutuklasan na sila ay mali. Ang isang aspeto nito ay walang mga sugo ang nagpapakita sa mga tao, ang mga panaginip ay napakadalang, at walang nakikitang mga pangitain sa langit ang mga tao. Ang isa pang aspeto ay ang Banal na Espiritu ay hindi nagdaragdag ng Kanyang paninisi at disiplina sa loob ng mga tao; halos walang anuman sa gawain ng Banal na Espiritu ang nasa loob ng mga tao. Kaya, kung hindi kakainin at hindi iinumin ng mga tao ang mga salita ng Diyos, hindi naghahanap ng katotohanan sa isang praktikal na paraan, at hindi nauunawaan ang landas ng pagsasagawa, kung gayon wala silang mapapalang anuman. Ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu ay ang mga sumusunod: Hindi Niya pinagtutuunan ng pansin ang walang kinalaman sa Kanyang gawain; kung ang isang bagay ay wala sa loob ng saklaw ng Kanyang nasasakupan, talagang hindi Siya kailanman nakikialam o namamagitan, hinahayaan ang mga taong gumawa ng kahit na anong kaguluhang kanilang maibigan. Makakakilos ka paano mo man gustuhin, ngunit darating ang araw na matatagpuan mo ang iyong sariling lubhang natatakot, at nalilito. Ang Diyos ay gumagawa lamang nang puspusan sa Kanyang sariling katawang-tao, hindi kailanman nakikialam sa gawain ng tao. Sa halip, ibinibigay Niya sa mundo ng tao ang malawak na kinalalagyan, at ginagawa ang gawaing kailangan Niyang gawin. Ikaw ay hindi sisisihin kung gagawa ka ng isang bagay na mali ngayon, ni gagantimpalaan kung gagawa ka ng isang bagay na mabuti bukas. Ang mga ito ay mga bagay ng tao, at wala ni katiting na kaugnayan sa gawain ng Banal na Espiritu—ito ay sadyang wala sa saklaw ng Aking gawain.

Sa panahong si Pedro ay gumagawa, nagsalita siya ng maraming salita at gumawa ng maraming gawain. Maaari ba na wala sa mga ito ang nanggaling sa mga ideya ng tao? Imposibleng lubos itong manggaling sa Banal na Espiritu. Si Pedro ay nilikha lamang ng Diyos, siya ay isang tagasunod, siya si Pedro, hindi si Jesus, at ang kanilang mga diwa ay hindi magkapareho. Bagamat si Pedro ay isinugo ng Banal na Espiritu sa kanyang gawain, hindi lahat ng kanyang ginawa ay galing sa Banal na Espiritu, sapagkat siya, kung tutuusin, ay isang tao. Si Pablo ay nagsalita rin ng maraming salita at nagsulat ng napakarami sa mga iglesia, ang ilan ay nilikom sa Biblia. Ang Banal na Espiritu ay hindi naghayag ng anumang mga opinyon, sapagkat iyon ang panahong kinakasangkapan si Pablo ng Banal na Espiritu. Siya ay nagkamit ng ilang karanasan at kaalaman, at isinulat at ibinahagi niya ang mga ito sa kanyang mga kapatid sa Panginoon. Walang anumang pagtugon si Jesus. Bakit hindi siya pinigilan ng Banal na Espiritu sa panahong iyon? Ito ay sapagkat may ilang karumihan na nagmumula sa normal na saloobin ng mga tao; hindi ito maiiwasan. Dagdag dito, ang kanyang mga pagkilos ay hindi umabot sa punto ng pagiging panghihimasok o panggagambala. Kapag mayroong ilang ganitong uri ng gawain ng pagkatao, mas madali para sa mga tao na tanggapin ito. Sa kondisyong ang mga karumihan ng normal na mga saloobin ng tao ay hindi nanghihimasok sa anumang bagay, maituturing ito bilang normal. Sa ibang pananalita, ang mga taong mayroong normal na mga saloobin ay may kakayahang mag-isip sa gayong paraan. Kapag ang mga tao ay nabubuhay sa laman, mayroon silang sariling mga saloobin, ngunit walang paraan upang alisin ang mga ito. Gayunpaman, matapos maranasan ang gawain ng Diyos sa ilang panahon at maunawaan ang ilang katotohanan, magkakaroon ng mas kaunti ng mga ganitong saloobin . Kapag naranasan na nila ang mas maraming bagay, magagawa nilang makakita nang malinaw, at aabalahin sa gayon ang mga bagay nang mas madalang. Sa ibang pananalita, kapag ang mga guni-guni ng mga tao at makatwirang pagpapalagay ay pinabulaanan, ang kanilang abnormal na mga damdamin ay mababawasan. Lahat ng nabubuhay sa laman ay mayroong sariling mga saloobin, ngunit sa katapusan, ang Diyos ay kikilos sa kanila hanggang sa punto na hindi makagagambala sa kanila ang kanilang mga saloobin, hindi na sila aasa sa kanilang mga damdamin sa kanilang mga buhay, ang kanilang totoong tayog ay lalago, at magagawa nilang mabuhay sa mga salita ng Diyos sa loob ng realidad, at hindi na gagawa ng mga bagay na malabo o walang laman, at pagkatapos ay hindi na sila gagawa ng mga bagay na magdudulot ng mga pagkagambala. Sa ganitong paraan, wala na ang kanilang mga ilusyon, at mula sa panahong ito ang kanilang mga pagkilos ang kanilang magiging totoong tayog.

Sinundan: Pagsasagawa (4)

Sumunod: Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Kabanata 16

Mula sa pananaw ng isang tao, ang Diyos ay napakadakila, napakasagana, lubhang kamangha-mangha, lubhang di-maarok; sa mga mata ng mga tao,...

Kabanata 27

Hindi kailanman naantig ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naisip na mahalaga ito. Sa mga mata ng tao, lagi Akong...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito