180 Ipinapangako Ko na Hanggang Kamatayan Kong Tapat na Susundin ang Diyos
1 Inaresto ako ng CCP dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at sa pagpapatotoo sa Diyos. Nabitag sa isang pugad ng demonyo, nakahandusay ako sa malamig na sahig. Ginamit nila ang lahat ng klaseng instrumento para pahirapan ang aking mahinang katawan. Dahil pinahiya ako ng mga demonyo, mas gusto ko pang mamatay kaysa mabuhay. Maraming beses akong nanghina at humikbi sa pighati. Maraming beses akong pinahirapan at dumaing ako sa sakit. Nilukob ako ng kawalang-pag-asa at takot; lumuha ang puso ko. Hindi ko alam kung kailan magwawakas ang pahirap at pagdurusang ito. Maraming beses akong nanalangin sa Diyos sa kadiliman ng gabi. Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng pananalig na manindigan.
2 Naisip ko ang napakagandang panahong ginugol ko sa piling ng Diyos; naalala ko ang masayang panahong iyon. Paano ko malilimutan ang pangakong binitawan ko noon na magbibigay ako ng matagumpay na patotoo upang hiyain si Satanas? Kahit hindi pa inaalis sa akin ang sakit na ito, kundi nagpapatuloy, kahit na ang diyablo’y sinusubukang pareho ang gantimpala at parusa laban sa akin, kahit na ako’y maging martir sa sumunod na sandali, matatag akong naniniwala na ang aking buhay at kamatayan ay nasa mga kamay ng Diyos. Hindi ako susuko, gaano man ako pahirapan ni Satanas, at ako’y nanunumpa na magbibigay ng matunog na patotoo upang luwalhatiin ang Diyos.
3 Sa mga pagsubok at pagdurusa, nagising ako sa wakas. Nakita ko na kasuklam-suklam, malupit at masama si Satanas. Nag-apoy ang galit sa puso ko. Ipinangako ko ang aking buhay upang talikuran ang malaking pulang dragon at magbigay ng patotoo tungkol sa Diyos. Karangalan kong magawang sumunod ngayon kay Cristo ng mga huling araw. Ang mahatulan ng Diyos at makamit ang katotohanan ang pinakadakilang pagpapala. Sa salita ng Diyos sa aking tabi, hindi ko na nadarama ang pag-iisa o takot. Sa paggabay ng Diyos sa akin sa pamamagitan ng pagdurusa, mahinahon akong nagpapatuloy. Dahil napagdaanan ang mga pagsubok at pagdurusa, puspos ako ng pananampalataya sa Diyos. Ipinapangako ko na hanggang kamatayan kong susundin si Cristo hanggang wakas.