695 Ang Saloobin ni Pedro sa mga Pagsubok
I
Si Pedro ay dumanas
ng kayraming pagsubok ng Diyos.
Mga pagsubok na muntik na niyang ikamatay,
ngunit pananalig niya’y ‘di kailanman nawala.
Kahit sabi ng Diyos na siya’y ‘di Niya pupurihin,
at kay Satanas mahuhulog,
sinabing siya’y pinabayaan na,
‘di man lang siya pinanghinaan ng loob.
Patuloy niyang minahal ang Diyos
sa praktikal na paraan,
alinsunod sa mga prinsipyo noon;
siya’y patuloy na nagdasal.
Sa gitna ng gayong mga pagsubok,
hindi sa laman, kundi sa salita,
nanalangin pa rin si Pedro sa Diyos.
II
"O Diyos, Makapangyarihan, sa langit,
lupa’t lahat ng bagay,
hawak ng Iyong mga kamay
lahat ng nilalang at tao.
Kapag maawain Ka,
puso ko’y nagagalak sa Iyong awa.
Kapag hinahatulan Mo ako,
‘di man ako karapat-dapat,
ako’y nagkakamalay sa Iyong
di-maarok na mga gawa,
dahil Ika’y puspos ng karununga’t awtoridad.
Laman ko’y nagdurusa man,
espiritu ko’y naaaliw.
Pa’nong ‘di ako magpupuri
sa karununga’t mga gawa Mo?
Kahit sakaling ako’y mamatay
matapos Kang makilala,
paanong ‘di ko magagawa ‘yon nang masaya?"
III
Sa gayong mga pagsubok,
‘di lubos na naunawaan ni Pedro
ang kalooban ng Diyos,
ngunit ipinagmalaki’t ikinarangal niyang
siya’y ginamit Niya.
Dahil sa kanyang katapatan
at mga pagpapala ng Diyos,
siya’y naging isang modelo
sa tao sa loob ng libu-libong taon.
Hindi ba’t ito mismo ang dapat ninyong gayahin?
Pag-isipan kung bakit nagbigay ang Diyos
ng mahabang salaysay tungkol kay Pedro.
Ito dapat ang mga prinsipyo ng inyong pag-uugali.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 6