313 Walang Sinumang Nakakakilala sa Diyos na Nagkatawang-tao

1 Hindi Ako nakilala ng tao sa liwanag kailanman, kundi nakita lamang Ako sa mundo ng kadiliman. Hindi ba ganito mismo ang sitwasyon ninyo ngayon? Nasa rurok ng mga pagwawala ang malaking pulang dragon nang pormal Akong nagkatawang-tao upang gawin ang Aking gawain. Nang mahayag ang tunay na anyo ng malaking pulang dragon sa unang pagkakataon, nagpatotoo Ako sa Aking pangalan. Nang maglakad-lakad Ako sa mga landas ng sangkatauhan, wala ni isang nilalang ni isang tao ang nagising sa pagkagulat, kaya nga nang pumarito Ako na nagkatawang-tao sa mundo ng tao, walang sinumang nakaalam nito. Ngunit, sa Aking nagkatawang-taong laman, nang simulan Kong gawin ang Aking gawain, nagising ang sangkatauhan at nagulat mula sa kanilang mga panaginip sa dagundong ng Aking tinig, at mula sa sandaling ito, nagsimula silang mamuhay sa ilalim ng Aking patnubay.

2 Hindi lamang Ako hindi kilala ng tao sa Aking katawang-tao; higit pa riyan, nabigo siyang unawain ang kanyang sarili na nananahan sa isang katawang-taong may laman. Sa loob ng napakaraming taon, nililinlang na Ako ng mga tao, itinuturing Akong isang panauhing tagalabas. Napakaraming beses nang pinagsarhan nila Ako sa labas ng “mga pintuan papasok sa kanilang tahanan”; napakaraming beses nang tumayo sila sa Aking harapan, at hindi Ako pinakinggan; napakaraming beses nang itinakwil nila Ako sa gitna ng ibang mga tao; napakaraming beses nang itinanggi nila Ako sa harap ng diyablo; at napakaraming beses nang inatake nila Ako sa kadaldalan ng kanilang bunganga. Subalit hindi Ako naglilista ng mga kahinaan ng tao, ni hindi Ako humihiling, dahil sa kanyang pagsuway, na gantihan niya ang ginawa Ko para sa kanya. Ang tanging nagawa Ko ay lapatan ng gamot ang kanyang mga karamdaman, upang pagalingin ang kanyang walang-lunas na mga sakit, sa gayon ay manumbalik ang kanyang kalusugan, upang makilala niya Ako.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 12

Sinundan: 312 Yaon Lamang mga Taos na Naglilingkod kay Cristo ang Pinupuri ng Diyos

Sumunod: 314 Sino ang Masasamang Sumusuway sa Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito