95 Ang Tunay na Kahulugan ng “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
Ⅰ
Sa Kapanahunan ng Kaharian, sinasabi ng
Diyos na nagkatawang-tao ang mga salita
para lupigin ang lahat ng nananalig sa Kanya.
Ito ang “Salita na nagpapakita sa katawang-tao”;
dumating na ang Diyos sa mga huling araw
para gawin ang gawaing ito,
dumating na Siya para isagawa
ang tunay na kabuluhan ng
Salitang nagpapakita sa katawang-tao.
Sinasabi lang Niya ang mga salita,
at bihirang dumarating ang mga katotohanan.
Ito mismo ang diwa ng Salitang
nagpapakita sa katawang-tao,
at kapag sinasabi ng Diyos na nagkatawang-tao
ang Kanyang mga salita,
ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao,
at ang Salitang dumarating sa katawang-tao.
“Sa simula’y ang Salita,
at ang Salita’y kasama ng Diyos.
Sa simula’y ang Salita, at ang Salita ay Diyos,
at ang Salita’y nagkatawang-tao.”
Ito ang tutuparin ng Diyos sa mga huling araw.
Ⅱ
Sa mga huling araw, matutupad ng Diyos
ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao.
Ito ang huling kabanata ng Kanyang plano.
Kaya, kinakailangan Niyang bumaba sa lupa
at ipakita ang lahat ng Kanyang salita
sa katawang-taong Kanyang isinuot.
Lahat ng ginawa ngayon, at gagawin sa hinaharap,
yaong maliligtas o hindi,
ang huling kahihinatnan ng tao,
lahat ng isasagawa ng Diyos,
lahat ng ito ay niliwanag na sa Kanyang mga salita,
kaya ang kabuluhan ng Salitang nagpapakita
sa katawang-tao ay matutupad.
“Sa simula’y ang Salita,
at ang Salita’y kasama ng Diyos.
Sa simula’y ang Salita, at ang Salita ay Diyos,
at ang Salita’y nagkatawang-tao.”
Ito ang tutuparin ng Diyos sa mga huling araw.
Ⅲ
Ang mga utos at konstitusyong ‘binigay,
sino’ng pupuksain o papasok sa kapahingahan,
paano Niya inuuri ang Kanyang mga tao’t anak,
sa’n Niya ilalagay ang Kanyang
itinalaga o hindi itinalaga,
ano’ng mangyayari sa Israel at Egipto,
ito ang mga salitang dapat matupad.
Binibilisan ng Diyos ang Kanyang gawain.
Pinapakita Niya sa tao sa Kanyang salita
ang dapat gawin sa bawat panahon,
ang ministeryo ng Diyos
na nagkatawang-tao sa mga huling araw.
Lahat ng ito’y para isagawa ang kahulugan ng
Salitang nagpapakita sa katawang-tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos