Ang Buhay Pagpasok ay Nagsisimula sa Paggampan ng Tungkulin
Maraming tao ang nakakaramdam na malaki ang kakulangan nila pagkatapos nilang gampanan ang kanilang tungkulin, at na hindi nila taglay ang katotohanang realidad, kaya lagi silang nanghihingi ng mas maraming sermong pakikinggan, at na ang mga lider at manggagawa ay magdaos ng mas marami pang pagtitipon, na para bang iyon lamang ang makapagbibigay sa kanila ng buhay pagpasok at paglago sa buhay. Kapag ilang panahon silang hindi nakadalo sa isang pagtitipon o nakapakinig sa isang sermon, pakiramdam nila ay ganap na hungkag ang puso nila, na parang walang anumang laman ang loob nila. Sa puso nila, para bang ang araw-araw na pakikinig sa mga sermon at pagdalo sa mga pagtitipon lamang ang magbibigay sa kanila ng buhay pagpasok o magbibigay sa kanila ng kakayahan na lumago sa espirituwal na pagkahinog. Iniisip nila na kung hindi sila makikinig sa mga sermon o dadalo sa mga pagtitipon araw-araw, at sa halip ay magpapakaabala lamang sa paggampan ng kanilang tungkulin, walang magiging paglago sa kanilang buhay. Maling-mali ang ganitong uri ng pag-iisip. Sa realidad, bilang isang mananampalataya sa Diyos, ang magawang maunawaan ang katotohanan at makapasok sa realidad ay pangunahing nakasalalay sa pagdanas at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Sa partikular, kung sa tungkulin ng isang tao ay hinahanap niya ang mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng bagay at nagagawa niyang kumilos ayon sa mga prinsipyo, pinakamabilis na lalago ang kanyang buhay. Kung sinasabi mong taos-puso kang nananampalataya sa Diyos, ngunit ayaw mong gampanan ang iyong tungkulin, nasaan ang sinseridad sa pananampalataya mo sa Diyos? Yaong mga taos-pusong gumagampan ng kanilang tungkulin ay yaong mga may pananalig. Ang mga may pananalig lamang ang naglalakas-loob na ialay ang kanilang buong buhay sa Diyos, at handa silang talikuran ang lahat upang gumugol para sa Diyos. Nararanasan ng ganitong mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin; sila ay naliliwanagan, ginagabayan, at dinidisiplina ng Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ay nagbubunga ng karanasan sa buhay. Kaya, ang buhay pagpasok ay nagsisimula sa pormal na paggampan ng tungkulin ng isang tao.
Kung pabaya ang mga tao kapag ginagawa ang kanilang tungkulin, o laging magulo ang isip nila, anong uri ng saloobin ito sa tingin ninyo? Hindi ba’t pagiging pabasta-basta lang ito? Iyon ba ang pag-uugali ninyo sa inyong tungkulin? Isa ba itong problema sa kakayahan o sa disposisyon? Dapat malinaw ito sa inyong lahat. Bakit ba pabasta-basta ang mga tao kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin? Bakit hindi sila deboto kapag gumagawa sila ng mga bagay para sa Diyos? Nagtataglay man lang ba sila ng konsensiya o katwiran? Kung tunay kang nagtataglay ng konsensiya at katwiran, kapag ginagawa mo ang mga bagay-bagay, mas isasapuso mo ang mga ito, at lalakipan mo ng kaunti pang mabuting kalooban, responsabilidad, at pagsasaalang-alang, at magagawa mong mas magsikap pa. Kapag kaya mong mas magsikap, gaganda ang mga resulta ng tungkuling ginagampanan mo. Gaganda ang mga resulta mo at masisiyahan kapwa ang ibang mga tao at ang Diyos. Kailangan mong isapuso ito! Hindi maaaring lumipad ang isip mo, na parang nagtatrabaho ka sa sekular na mundo at kumikita lang ng pera batay sa oras na ginugugol mo. Kung ganoon ang ugali mo, magkakaproblema ka. Hindi mo posibleng magagampanan nang maayos ang tungkulin mo. Anong uri ng pagkatao ito? May pagkatao ba ang mga taong walang konsensiya? Wala. Kung sinasabi mong mayroon kang pagkatao, at nais mong isagawa ang katotohanan at gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, dapat kang mas magsikap sa tungkulin mo, at mas isapuso mo ito. Sinasabi mong mayroon kang konsensiya, pero hindi mo kailanman isinasapuso ang iyong tungkulin. Gumagana ba ang iyong konsensiya? Dapat mong ilagay sa tamang lugar ang puso mo. Dapat madalas ninyong pag-isipan ang mga bagay na ito—dapat maunawaan ninyo ang lahat ng ito. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagiging pabasta-basta kapag ginagampanan ang tungkulin mo. Kung palagi kang pabasta-basta habang ginagampanan ang iyong tungkulin, hindi mo magagampanan ang tungkulin mo nang pasok sa pamantayan. Kung gusto mong gampanan ang tungkulin mo nang may debosyon, dapat mo munang ayusin ang problema mo ng pagiging pabasta-basta. Dapat kang gumawa ng mga hakbang para itama ang sitwasyon sa sandaling mapansin mo ang mga pagpapamalas nito. Kung magulo ang isip mo, hindi kailanman nakakapansin sa mga problema, palaging iniraraos lang ang gawain, at pabasta-basta lang na ginagawa ang mga bagay-bagay, hindi mo kayang magampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kaya, dapat buong-puso mong tuparin ang tungkulin mo. Ang pagkakataon para sa mga tao na gampanan ang kanilang tungkulin ay mahirap dumating! Kapag binibigyan sila ng Diyos ng ganitong pagkakataon, ngunit hindi nila ito sinusunggaban, nawawala ang pagkakataong iyon—at kahit na sa kalaunan, naisin nilang makahanap ng ganoong pagkakataon, maaaring hindi na iyon muling dumating. Ang gawain ng Diyos ay hindi naghihintay sa sinuman, at hindi rin naghihintay sa sinuman ang mga pagkakataon para gampanan ang tungkulin ng isang tao. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko ginampanan nang maayos ang tungkulin ko dati, ngunit ngayon ay nais ko pa rin itong gampanan. Babangon lang akong muli.” Kahanga-hangang magkaroon ng ganitong kapasyahan, pero dapat maging malinaw sa iyo kung paano gampanan nang maayos ang iyong tungkulin: Dapat kang magsikap tungo sa katotohanan. Tanging ang mga nakakaunawa sa katotohanan ang makagagampan nang maayos sa kanilang tungkulin. Kung hindi nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, ni hindi magiging pasok sa pamantayan ang kanyang pagtatrabaho. Kapag mas malinaw sa iyo ang katotohanan, mas nagiging epektibo ka sa iyong tungkulin. Kung nakikita mo ang totoong sitwasyon sa usaping ito, kung gayon, pagsusumikapan mo ang katotohanan, at magkakaroon ka ng pag-asang magampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kakaunti ang mga oportunidad sa ngayon para gumampan sa isang tungkulin, kaya dapat mong sunggaban ang mga iyon hangga’t kaya mo. Kapag naharap ka sa isang tungkulin, doon mo dapat ibigay ang tunay na pagsisikap; doon mo kailangang ialay ang iyong sarili at igugol ang sarili mo para sa Diyos at kung kailan kailangan mong magbayad ng halaga. Ibigay mo ang lahat-lahat nang walang pagpipigil, huwag magkimkim ng anumang mga pakana, huwag mag-iwan ng anumang puwang, o maghanda ng malulusutan. Kung ikaw ay nag-iiwan ng anumang puwang, nanlalansi, o tuso at nagpapakatamad, tiyak na hindi magiging maganda ang trabaho mo. Ipagpalagay na sabihin mong, “Walang nakakita na nagiging tuso ako at nagpapakatamad. Ang galing!” Anong klaseng pag-iisip ito? Akala mo ba nalinlang mo ang mga tao, at pati na ang Diyos? Ngunit sa totoo lang, alam ba ng Diyos kung ano ang nagawa mo? Alam Niya. Sa katunayan, malalaman ng sinumang nakikipag-ugnayan sa iyo sa ilang panahon ang iyong katiwalian at kapangitan; sadyang maaaring hindi nila iyon sasabihin nang tahasan: Magkakaroon sila ng pagtatasa sa iyo sa kanilang puso. Marami nang taong nabunyag at naitiwalag dahil nakilatis ng karamihan sa mga tao ang diwa ng mga ito, at inilantad nila ang tunay na pagkatao ng mga taong ito at pinaalis ang mga ito sa iglesia. Kaya, hinahangad man nila ang katotohanan o hindi, dapat gampanan nang maayos ng mga tao ang kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya; dapat silang magabayan ng kanilang konsensiya at gumawa ng ilang tunay na bagay. Maaaring mayroon kang mga pagkukulang, ngunit kung kaya mong maging epektibo sa paggampan sa iyong tungkulin, hindi ka ititiwalag. Kung palagi mong iniisip na ayos ka lang, na tiyak na hindi ka matitiwalag, kung hindi ka kailanman nagninilay o nagsisikap na kilalanin ang iyong sarili, at binabalewala mo pa rin ang iyong mga wastong gampanin at palagi kang pabasta-basta, kapag talagang nawalan na ng pasensya sa iyo ang mga taong hinirang ng Diyos, ilalantad nila ang iyong tunay na pagkatao, at ititiwalag ka. Pagkatapos, magiging huli na ang lahat para sa pagsisisi, dahil nakilatis ka na ng lahat, at nawalan ka na ng lahat ng iyong dangal at integridad. Kung walang nagtitiwala sa iyo, magtitiwala ba sa iyo ang Diyos? Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao: Tiyak na hindi Siya magtitiwala sa gayong tao. Kung makatagpo ka ng isang taong hindi mapagkakatiwalaan, kahit ano pa ang mangyari, huwag ipagkatiwala sa kanya ang anumang gampanin. Kung hindi ka pamilyar sa isang tao, at narinig mo lang ang sabi ng ibang tao na maayos namang ginagawa ng taong ito ang mga bagay, pero sa puso mo ay hindi ka isang daang porsyentong sigurado, ang magagawa mo lang ay bigyan muna siya ng maliit o karaniwang gampanin na pangangasiwaan. Kapag matagumpay siya sa maliliit at karaniwang gampanin, saka mo lang dapat ipagkatiwala sa kanya ang mahahalagang gampanin. Kung pumalpak siya sa karaniwang gampanin, hindi mapagkakatiwalaan ang taong ito. Walang anumang bagay ang maaaring ipagkatiwala sa kanya, anuman ito. Kung may mapansin kang isang taong mabait at responsable, na hindi kailanman pabasta-basta sa kanyang ginagawa, na sineseryoso ang mga gampaning ipinagkatiwala ng iba sa kanya na para bang sarili niyang gampanin ang mga ito, na isinasaalang-alang ka kapag ginagawa niya ang bawat aspekto ng gampanin, iniisip ang mga pangangailangan mo, isinasaalang-alang ang mga bagay-bagay nang lubusan at komprehensibo, at pinangangasiwaan ang mga bagay-bagay sa tamang paraan, kaya lubos kang nasisiyahan sa kanyang gawain—kung gayon, ang ganitong uri ng tao ang mapagkakatiwalaan. Ang mga mapagkakatiwalaang tao ay ang mga may pagkatao, at ang mga taong may pagkatao ay nagtataglay ng konsensiya at katwiran, at dapat na maging napakadali para sa kanila na gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, dahil tinatrato nila ang kanilang tungkulin bilang isang bagay na nakaatang sa kanila at ibinubuhos nila ang kanilang puso sa paggawa nito. Ang mga taong walang konsensiya o katwiran ay tiyak na gagampan nang hindi mahusay sa kanilang tungkulin. Hindi sila kumikilos nang may pananagutan anuman ang tungkuling kanilang ginagampanan. Palagi silang kailangang alalahanin ng iba, pangasiwaan, at palaging kailangang usisain ang kanilang gawain; kung hindi, maaari silang magdulot ng mga problema habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, at makagawa ng masama habang gumagawa ng isang gampanin, na magdudulot ng higit na abala kaysa pakinabang. Sa madaling salita, dapat palaging suriin ng mga tao ang kanilang sarili kapag ginagampanan ang kanilang tungkulin: “Nagampanan ko ba ang tungkuling ito nang pasok sa pamantayan? Isinapuso ko ba ito? Nasa pabasta-bastang kalagayan ba ako?” Kung palagi kang pabasta-basta, nasa panganib ka. Sa pinakamababa, nangangahulugan ito na wala kang kredibilidad, at hindi ka mapagkakatiwalaan ng mga tao. Ang mas malala pa, kung palagi kang pabasta-basta kapag ginagawa ang iyong tungkulin, at kung palagi mong nililinlang ang Diyos, nasa malaking panganib ka! Ano ang mga kahihinatnan ng lantarang pakikibahagi sa panlilinlang? Nakikita ng lahat na sadya kang gumagawa ng mali. Namumuhay ka nang ganap na ayon sa sarili mong mga tiwaling disposisyon, at ikaw ay walang iba kundi pabasta-basta sa iyong tungkulin, at hindi mo isinasagawa ang katotohanan kahit kaunti—ang ibig sabihin nito ay wala kang pagkatao! Kung namamalas ito sa iyo sa lahat ng oras—hindi ka gumagawa ng anumang malalaking pagkakamali pero walang tigil sa maliliit, at hindi nagsisisi mula sa simula hanggang sa huli, kung gayon ay isa kang masamang tao, isang hindi mananampalataya, at dapat na paalisin—ito ay isang malubhang kahihinatnan. Ganap kang mabubunyag at maititiwalag bilang isang hindi mananampalataya at masamang tao.
Anumang tungkuling iyong ginagampanan ay kinapapalooban ng buhay pagpasok. Kung medyo palagian man o pabago-bago ang iyong tungkulin, nakakabagot man o masigla, dapat mong maabot palagi ang buhay pagpasok. Ang mga tungkuling ginagampanan ng ilang tao ay medyo walang pagkakaiba-iba; pare-pareho lang ang ginagawa nila araw-araw. Gayumpaman, kapag ginagampanan ang mga ito, ang mga kalagayang ipinapakita ng mga taong ito ay hindi gayong magkahalintulad. Kung minsan, kapag maganda ang lagay ng loob nila, medyo mas masipag ang mga tao at mas maganda ang kinalalabasan ng ginagawa nila. Kung minsan naman, dahil sa hindi nalalamang impluwensiya, nagdudulot ng gulo sa kanilang kalooban ang kanilang mga satanikong tiwaling disposisyon, na nagiging dahilan para magkaroon sila ng di-wastong mga pananaw; nasasadlak sila sa masasamang kalagayan at masasamang lagay ng loob, at humahantong sa pabasta-bastang paggampan sa kanilang mga tungkulin. Ang mga panloob na kalagayan ng mga tao ay magbabago ayon sa kanilang kapaligiran, pero paano man magbago ang mga ito, kung nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, makakakilos siya ayon sa mga prinsipyo. Maling gumawa ng mga bagay-bagay batay sa iyong lagay ng loob; iyon ay paggawa ng mga bagay-bagay batay sa iyong mga kagustuhan. Kapag maganda ang lagay ng loob mo, kaya mong bigyan ng kaunting pansin ang ginagawa mo, at kapag masama ang lagay ng loob mo, wala kang pakialam sa ginagawa mo, at kumikilos ka nang pabasta-basta—ito ba ay may-prinsipyong paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay? Tutulutan ka ba nito na gampanan ang iyong tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan? Anuman ang lagay ng loob nila, dapat alam ng mga tao na manalangin sa harap ng Diyos at hanapin ang katotohanan; sa ganitong paraan lamang sila makakaiwas na malimitahan at matangay nang paroo’t parito ng kanilang mga lagay ng loob. Kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, dapat mong suriin palagi ang iyong sarili upang makita kung ginagawa mo ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo, kung ang paggampan mo sa iyong tungkulin ay pasok sa pamantayan, kung ginagawa mo ito nang pabasta-basta o hindi, kung nagiging tuso ka man at nagpapakatamad, at kung may anumang mga problema sa iyong saloobin at sa paraan ng iyong pag-iisip. Sa sandaling nakapagnilay-nilay ka sa sarili at naging malinaw sa iyo ang mga bagay na ito, magiging mas madali ang pagtupad mo nang maayos sa iyong tungkulin. Anuman ang maranasan mo habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin—pagiging negatibo at mahina, o pagkakaroon ng masamang lagay ng loob matapos kang pungusan—dapat mo itong tratuhin nang maayos, at kailangan mo ring hanapin ang katotohanan at unawain ang mga layunin ng Diyos. Sa paggawa ng mga bagay na ito, magkakaroon ka ng isang landas ng pagsasagawa. Kung nais mong maging maganda ang iyong trabaho sa paggampan sa iyong tungkulin, hindi ka dapat magpaapekto sa lagay ng loob mo. Gaano man kanegatibo o kahina ang iyong nararamdaman, dapat mong isagawa ang katotohanan, tuparin ang iyong mga obligasyon at responsabilidad, at panghawakan mo ang mga prinsipyo sa lahat ng iyong ginagawa. Kung gagawin mo ito, hindi ka lamang sasang-ayunan ng ibang tao, kundi magugustuhan ka rin ng Diyos. Sa gayon, ikaw ay magiging isang taong responsable, na kayang umako ng responsabilidad, na tunay na mabuti, at na talagang gumagampan sa kanyang mga tungkulin nang pasok sa pamantayan, at lubos mong isasabuhay ang wangis ng isang tunay na tao. Ang gayong mga tao ay pinadadalisay at nagkakamit ng tunay na pagbabago kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, at masasabing sila ay matatapat na tao sa mga mata ng Diyos. Matatapat na tao lamang ang kayang magpunyagi sa pagsasagawa ng katotohanan upang makamit ang pagkilos nang may prinsipyo at magawang gampanan ang kanilang mga tungkulin nang pasok sa pamantayan. Ang mga taong kumikilos nang may prinsipyo ay ginagampanan nang maigi ang kanilang mga tungkulin kapag maganda ang lagay ng loob nila; hindi sila nagtatrabaho nang pabasta-basta, hindi sila walang-galang at hindi nagpapasikat para tumaas ang tingin sa kanila ng iba. Kapag masama ang lagay ng loob nila, nagagawa nilang tapusin ang kanilang pang-araw-araw na mga gampanin nang gayon din kasigasig at karesponsable, at kahit dumaranas sila ng isang bagay na nakakainis na nakakapresyur sa kanila o gumugulo sa kanila habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, nagagawa pa rin nilang patahimikin ang puso nila sa harap ng Diyos at manalangin, na sinasabing, “Gaano man kalaki ang problemang kinakaharap ko—kahit bumagsak pa ang kalangitan—basta’t ako ay buhay, dapat kong tuparin nang maayos ang aking tungkulin. Bawat araw na nabubuhay ako ay isang araw na dapat kong gampanan nang maayos ang aking tungkulin, nang sa gayon ako ay karapat-dapat sa tungkuling ito na ibinigay sa akin ng Diyos, gayundin sa hiningang ito na ipinasok Niya sa aking katawan. Gaano man ako nahihirapan, isasantabi ko ang lahat ng iyon, sapagkat ang pagtupad nang maayos sa aking tungkulin ang pinakamahalaga!” Yaong mga hindi apektado ng sinumang tao, anumang kaganapan, bagay, o kapaligiran, na hindi nalilimitahan ng anumang lagay ng loob o sitwasyon sa labas, at inuuna sa lahat ang kanilang mga tungkulin at atas na naipagkatiwala sa kanila ng Diyos—sila ang mga taong tapat sa Diyos at tunay na nagpapasakop sa Kanya. Ang ganitong mga tao ay nakamtan na ang buhay pagpasok at nakapasok na sa katotohanang realidad. Ito ay isa sa pinakatotoo at pinakapraktikal na mga pagpapamalas ng pagsasabuhay ng katotohanan. Magiging panatag ba ang isang tao sa pamumuhay nang ganito? Kailangan mo bang mag-alala kung ano ang tingin sa iyo ng Diyos? Sabihin ninyo, paano ninyo kailangang kumilos para maging panatag? (Huwag hayaang malimitahan ka ng sinumang tao, pangyayari, o bagay, at unahin mo ang iyong tungkulin. Ito ang tanging paraan para maiwasan mong biguin ang Diyos.) Tama, ito ang sikreto sa pagiging panatag. Natutunan na ba ninyong lahat ang sikretong ito? Kung may masamang ugali ang isang tao kapag nakikipag-usap sa iyo at tinatangka niyang isantabi ka o sinasadyang hanapan ka ng mali, hindi ka matutuwa, na para bang may isang kutsilyo na pinilipit sa loob mo. Hindi mo na gugustuhing kumain, at maaapektuhan ang pagtulog mo. Ano’t anuman, hindi magiging maganda ang lagay ng loob mo, at masasaktan ang puso mo. Sa puntong ito, ano ang gagawin mo? Maaari mong sabihin na, “Masama ang timpla ko ngayong araw, kaya ipagpapaliban ko muna ang tungkulin ko nang mga ilang araw,” o “Gagawin ko pa rin ang tungkulin ko, pero ayos lang kung gagawin ko ito nang wala sa loob o iraraos ko lang ito. Lahat ay may mga panahong hindi nangyayari ang gusto nila, kaya kung hindi maganda ang lagay ng loob ko, hindi ako labis na hihingan ng Diyos, hindi ba? Ipagpapaliban ko na lang saglit ang tungkulin ko ngayong araw. Ayos lang iyon, huhusayan ko na lang bukas. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa loob ng anim na libong taon, kaya talaga bang mahalaga pa sa Kanya kung ipagpapaliban ko ito ng isang araw?” Anong klaseng tao ang hinahayaan ang maliliit na bagay na makaapekto sa kanyang lagay ng loob, at pagkatapos ay di-maiiwasan na hinahayaan itong makaapekto sa kanyang tungkulin? Hindi ba’t parang bata at walang potensyal na pag-uugali ito? Kapag nangyayari sa kanila ang anumang bagay, naiinis sila, lubos na hindi makatwiran, hindi gumagawa ng kanilang tungkulin, walang kapasyahan, at nakakalimutan ang kanilang mga panata. Anong klaseng problema ito? Hindi ba ito problema ng pagiging sutil? Maaaring may ilang tao na hindi karaniwang kumikilos nang ganito, pero kapag masama ang lagay ng loob nila, sumusuko sila sa kanilang gawain. Masyadong madalas nangyayari ang ganitong mga bagay. May ilang tao na medyo naapektuhan ng pagiging may masamang lagay ng loob, at dahil dito ay wala silang sigla habang ginagawa ang kanilang tungkulin, at hindi nila magawang magkaroon ng anumang kasigasigan. Ano ang dapat gawin kapag nangyayari ito? Hindi ba’t kailangang lutasin ang mga problemang ito? Sinasabi ng ilang tao na, “Hindi malulutas ang mga ito. Sa ngayon, ayaw kong lutasin ang mga ito, at hahayaan ko na lang kung ano ang mangyayari. Ano’t anuman, masama ang lagay ng loob ko at ayaw kong may kumausap sa akin. Hayaan na lang ninyo akong maging malungkot saglit.” Bagama’t nandito pa rin sila, ginagawa ang kanilang tungkulin, naririto lamang ang katawan nila, hindi ang isipan. Hindi tiyak kung saan napunta ang kanilang mga puso. Hindi sila responsable sa kanilang tungkulin, hindi sila nagsisikap, at mahina sila. Gayumpaman, kapag bumuti ang lagay ng loob nila, nagsisimula silang maging masigasig muli; kaya nilang muling magtiis ng hirap at dumanas ng sobrang pagod, at hindi nila pinoproblema kung ano ang kanilang kinakain. Hindi ba’t medyo abnormal ang lahat ng ito? Bakit ba naiimpluwensiyahan ang mga tao ng napakaraming iba’t ibang damdamin at sitwasyon? Hinanap ba ninyo kahit minsan ang dahilan? Hindi ba’t madalas kayong nababagabag sa mga bagay na ito? Hindi ba kayo madalas naiipit sa mga kalagayang ito? Hindi ba’t ito ang problemang kinakaharap ninyong lahat? (Ito nga.) Kung hindi malulutas ang mga problemang ito, hindi kailanman magma-mature ang mga tao; palagi silang magiging mga bata. Halimbawa, kapag may sinabi ang isang tao nang hindi iniisip ang mararamdaman mo, isang bagay na bahagyang tumutukoy sa iyo, o kapag nagpahaging siya tungkol sa iyo, medyo hindi ka magiging komportable. Kapag kinausap mo ang isang tao at hindi ka niya pinansin, o hindi maganda ang ekspresyon sa kanyang mukha, hindi ka magiging komportable. Kapag may araw na hindi umaayon sa gusto mo ang iyong tungkulin, hindi ka magiging komportable. Kapag binangungot ka na tila isang masamang pangitain, hindi ka magiging komportable. Kapag nakarinig ka ng masamang balita tungkol sa pamilya mo, hindi ka magiging komportable, sasama ang lagay ng loob mo, at hindi mo mapapasigla ang sarili mo. Kapag may nakita kang ibang taong gumagawa nang maayos sa kanilang tungkulin, at nakatatanggap ng papuri at iniaangat sila sa pagiging lider, hindi ka rin magiging komportable rito, at maaapektuhan nito ang lagay ng loob mo…. Ang lahat ng bagay na ito na maaaring makaimpluwensiya sa iyo, malaki man o maliit, ay maaaring magkulong sa iyo sa pagkanegatibo, magdulot sa iyo na masiraan ng loob, at makaapekto sa abilidad mong gumawa ng iyong tungkulin. Ano ang problema ng mga taong ganito ang pag-uugali? (Hindi matatag ang kanilang mga disposisyon.) Ang hindi matatag na disposisyon ay isang aspekto nito. Ang pagkatao nila ay kulang pa sa gulang at parang bata, at wala silang malalim na pagkaunawa. Tungkol sa kanilang buhay pagpasok, palagi nilang dinaranas ang mga paglilimita ng lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay, kaya hindi madali para sa kanila na isagawa ang katotohanan. Kung hindi nila maisasagawa ang katotohanan, hindi sila makakapasok sa katotohanang realidad, at kung hindi sila makakapasok sa katotohanang realidad, hindi sila magkakaroon ng buhay pagpasok. Hindi ba’t ganoon iyon? Ano ang dahilan kung bakit sila nalilimitahan ng mga tao, pangyayari, at bagay? Ito ay dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan, dahil hindi nila matukoy kung ano ang totoo at kung ano ang huwad, at dahil hindi nila matukoy kung sino ang tama at kung sino ang mali. Dahil dito, hindi nila alam kung paano magsagawa, nang walang espasyo na sumulong o umurong. Iyon ang kahihinatnan. Karamihan sa mga bagong mananampalataya ay nasa ganitong kalagayan. Kapag nauunawaan nila ang katotohanan, nakikita nang malinaw ang mga bagay-bagay, at napag-iiba ang mga tao, talagang kusang malulutas ang problemang ito. Subalit, ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi naghahanap sa katotohanan kapag nangyayari sa kanila ang mga bagay-bagay. Magpakailanman ay hindi maiwawaksi ng ganitong uri ng tao ang mga paglimita ng lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Anong uri ng mga kalagayan ang ipinapamalas ng mga taong madalas dumaranas ng mga paglimita ng mga tao, pangyayari, at bagay? Madali silang maging negatibo, at kapag dumaranas sila ng mga balakid o nahihirapan sila, nadadapa sila. Naiimpluwensiyahan ng mga bagay na ito ang kanilang lagay ng loob at ang kanilang abilidad na gumawa ng kanilang tungkulin. Yaong mga hindi nakakaunawa sa katotohanan ay madaling nalilimitahan ng lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Napakabagal ng kanilang buhay pagpasok, at kahit ilang taon na silang nananampalataya, walang nakikitang pag-usad sa kanila. Hindi man lang sila nagbago, at halos kapareho lang ng mga walang pananampalataya. Lahat ng ito ay resulta ng hindi paghahangad sa katotohanan. Iyon ang dahilan. Sa madaling salita, kahit ilang taon ka nang nananampalataya sa Diyos, ano man ang kakayahan o edad mo, hangga’t hindi mo minamahal ang katotohanan o hinahanap ang katotohanan sa lahat ng bagay, madali kang malilimitahan ng lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Hindi mo malalaman kung paano kumilos nang tama, ni hindi mo malalaman kung paano isagawa ang katotohanan o maging alinsunod sa mga prinsipyo. Kahit kumilos ka ayon sa mga kuru-kuro ng mga tao at hindi gumawa ng masama, hindi mo pa rin malalaman kung naaayon ka ba sa mga layunin ng Diyos. Gaano man katagal nang nananampalataya ang ganitong uri ng tao, hindi siya makakapagsalita tungkol sa kanyang mga patotoong batay sa karanasan, dahil hindi niya nauunawaan kung paano danasin ang gawain ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan kahit katiting ang katotohanan. Ganito ang mga taong hindi naghahangad sa katotohanan; gaano man sila katagal nang nananampalataya sa Diyos, wala silang masasabing anumang patotoo. Napakaliit ng kanilang tayog, at wala silang katotohanang realidad.
Ngayon, aktibo ang mga tao sa paggawa ng kanilang tungkulin. Mayroon din silang determinasyon na gawin ang kanilang tungkulin, igugol ang kanilang sarili para sa Diyos at talikuran ang mga bagay para sa Kanya, at ialay ang kanilang sarili sa Kanya. Mayroon pa ngang ilang tao na sumumpa nang maraming beses na iaalay nila ang kanilang buong buhay sa Diyos, at igugugol ang kanilang sarili para sa Kanya. Taglay nila ang lahat ng bagay na ito, pero wala silang buhay pagpasok. Kung walang buhay pagpasok ang isang tao, kung gayon, sa lahat ng uri ng masalimuot na mga tao, pangyayari, at bagay, magiging mahirap para sa kanila na manatiling matatag o matugunan ang isyu. Hindi sila makakahanap ng direksyon, ni makakahanap ng landas, at madalas nilang nararamdaman na hindi nila maiwaksi ang kanilang negatibong kalagayan. Naiipit sila, nalilimitahan, nakokontrol, at nagagapos ng lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay, at hindi nila alam ang pinakatamang paraan ng pagsasagawa. Ngayon, sasabihin Ko sa inyo ang isang prinsipyo ng pagsasagawa: Ano man ang mangyari sa iyo, ito man ay isang pagsusulit o pagsubok, o pagpupungos, at paano ka man tratuhin ng mga tao, dapat mo munang isantabi ang mga bagay na ito at humarap sa Diyos, taimtim na nagdarasal at naghahanap sa katotohanan, para maiayos mo ang kalagayan mo. Dapat munang gawin ito. Dapat mong sabihin na, “Gaano man kalaki ang bagay na ito, kahit na ang langit mismo ay bumagsak, dapat kong gawin nang maayos ang tungkulin ko. Hangga’t may hininga ako, hindi ako susuko sa tungkulin ko.” Kaya paano mo gagawin nang maayos ang iyong tungkulin? Hindi puwedeng iniraraos mo lang ito, o kaya ay naroon nga ang pisikal mong katawan pero hinahayaan mong lumipad ang isip mo—dapat mong ituon ang puso at isipan mo sa iyong tungkulin. Gaano man kabigat ang mga bagay na sumasapit sa iyo, dapat mo munang isantabi ang mga ito at humarap sa Diyos para hanapin kung paano gawin nang maayos ang iyong tungkulin, para mapalugod nito ang Diyos. Dapat mong subukang isipin na, “Sa bagay na ito na nararanasan ko ngayon, paano ko gagawin nang maayos ang tungkulin ko? Noon, pabasta-basta ako kung kumilos, kaya ngayon ay dapat kong baguhin ang pamamaraan ko at magsikap na gawin nang maayos ang aking tungkulin, nang sa gayon ay maging walang kapintasan ang paggampan ko ng aking tungkulin. Ang mahalaga ay hindi ko dapat biguin ang Diyos. Dapat mapanatag ko ang puso Niya, upang kapag nakita Niya akong gumagawa ng tungkulin ko, malalaman Niya na hindi lang ako masunurin at mapagpasakop, kundi deboto din.” Kung isasagawa mo ito at magsusumikap ka sa direksyong ito, walang makakapagpaantala sa iyo sa paggawa ng iyong tungkulin, o makakaapekto sa pagiging epektibo ng iyong tungkulin. Habang patuloy kang nagdarasal, naghahanap sa katotohanan, at nagsisikap na pagbulay-bulayan ang mga salita ng Diyos, madali mong mauunawaan at malulutas ang mga emosyonal na bagay ng laman; pero hindi ito magagawa ng isang tao kung hindi niya tinatanggap ang katotohanan. Hangga’t nauunawaan mo ang katotohanan, anumang problema ay maaaring malutas. Ang kalungkutan, pagkasira ng loob, mga pag-aalala, mga pangangamba, at pagkanegatibo sa puso mo ay tuluyang malulutas. Unti-unting bubuti ang lagay ng loob mo, at tuluyan kang mapapalaya. Kung talagang mayroon kang tunay na mga paghihirap, dapat mong matutunang hanapin ang katotohanan at magpasakop. Kapag nahaharap ang isang tao sa ganitong mga uri ng bagay, isa itong pagsubok sa kanyang tayog at ibinubunyag nito kung sino siya, upang makita kung kaya ba niyang isagawa ang katotohanan.
Upang magampanan ang iyong tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan, kailangan mo munang magkaroon ng wastong mentalidad. Kapag nabubunyag ang iyong tiwaling disposisyon, kailangan mo ring ayusin ang sarili mong kalagayan. Kapag nagawa mong tratuhin nang tama ang iyong tungkulin, kapag naiwaksi mo na ang mga limitasyon at impluwensiya ng lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay, kapag lubusan ka nang nakakapagpasakop sa Diyos, kung gayon ay magagampanan mo na nang maayos ang iyong tungkulin. Ang sikreto sa paggawa nito ay ang laging unahin ang iyong tungkulin at responsabilidad. Sa proseso ng paggampan ng iyong tungkulin, dapat palagi mong suriin ang iyong sarili: “Mayroon ba akong pabasta-bastang ugali sa paggampan ng tungkulin ko? Anong mga bagay ang gumugulo sa akin at nagiging dahilan para pabasta-basta kong gampanan ang aking tungkulin? Ginagampanan ko ba ang tungkulin ko nang may buong puso at lakas? Magtitiwala ba sa akin ang Diyos kung kikilos ako nang ganito? Mayroon ba akong pusong nagpapasakop sa Diyos? Ang paggawa ba ng tungkulin ko sa ganitong paraan ay naaayon sa mga prinsipyo? Makakamit ba nito ang pinakamagagandang resulta?” Dapat madalas mong pagnilayan ang mga katanungang ito. Kapag nakatuklas ka ng mga problema, dapat aktibo mong hanapin ang katotohanan, at hanapin ang mga nauugnay na salita ng Diyos para malutas ang mga ito. Sa gayon, magagawa mo nang maayos ang tungkulin mo, at mapapayapa at magagalak ang puso mo. Kung madalas lumilitaw ang mga problema habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, nasaan ang ugat ng isyung ito? Isa itong problema sa iyong puso; isa itong usapin ng pagkakaroon ng mga tiwaling disposisyon. Kapag nabubunyag ang tiwaling disposisyon ng isang tao, magkakaroon siya ng mga problema sa kanyang puso at hindi magiging normal ang kanyang kalagayan, na direktang makakaapekto sa kung paano niya ginagampanan ang kanyang tungkulin. Ang mga problemang nakakaapekto sa tungkulin ng isang tao ay malalaki at mabibigat na problema; kayang direktang maapektuhan ng mga ito ang kanyang ugnayan sa Diyos. Halimbawa, ang ilang tao ay nagkakaroon ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos kapag sumasapit ang mga sakuna sa kanilang mga pamilya. Ang ilang tao ay nagiging negatibo kapag nagpapasan sila ng kaunting paghihirap sa kanilang tungkulin at walang nakakakita rito o pumupuri sa kanila para dito. Ang ilang tao ay hindi gumagampan nang maayos sa kanilang tungkulin, palaging pabasta-basta, at nagrereklamo sila laban sa Diyos kapag pinupungusan sila. Ang ilang tao ay hindi handang gawin ang kanilang tungkulin dahil palagi silang nag-iisip ng daan palabas. Direktang nakakaapekto ang lahat ng problemang ito sa isang normal na ugnayan sa Diyos. Ang lahat ng ito ay mga problema ng mga tiwaling disposisyon. Lahat ito ay nagmumula sa katunayang hindi kilala ng mga tao ang Diyos o ang Kanyang gawain, at na palagi silang nagpapakana at nagsasaalang-alang ng sarili nilang katayuan at reputasyon, ng kanilang kinabukasan at tadhana, at ng kanilang mga makalamang interes, na pumipigil sa kanila na maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, na humahantong sa lahat ng uri ng negatibong emosyon. Ganito talaga ang mga tao na hindi naghahangad ng katotohanan. Kapag nahaharap sa medyo mahihirap na sitwasyon, nagiging negatibo at mahina sila; kapag nakakaranas sila ng mga bagay na hindi umaayon sa gusto nila, ibinubulalas nila ang kanilang pagkadismaya sa kanilang tungkulin. Kapag ginagampanan ang kanilang tungkulin, palagi silang nagiging negatibo, nagpapakatamad, at kumikilos nang pabasta-basta; patuloy silang naghihimagsik at lumalaban sa Diyos, at gusto pa nga nilang isuko ang kanilang gawain bilang pagkakanulo sa Diyos. Ang lahat ng ito ay ang iba't ibang kahihinatnan na nangyayari kapag nalilimitahan ang isang tao ng kanyang mga tiwaling disposisyon. Ang isang taong nagmamahal sa katotohanan ay nagagawang isantabi ang kanyang sariling buhay, kinabukasan, at tadhana, at nais lamang niyang hangarin at kamtin ang katotohanan. Iniisip niya na wala nang sapat na oras, natatakot siya na mabibigo siyang magampanan nang maayos ang kanyang tungkulin at hindi siya magagawang perpekto, kaya nagagawa niyang talikuran ang lahat ng bagay at gugulin ang kanyang sarili para sa Diyos. Ang kanyang mentalidad ay ang tumuon lang sa Diyos at magpasakop sa Diyos. Walang paghihirap na makakapigil sa kanya, at kung nakakaramdam siya ng pagkanegatibo o panghihina, awtomatiko niya itong nilulutas sa pamamagitan ng pagbabasa ng ilang sipi mula sa mga salita ng Diyos. Ang mga taong hindi naghahangad ng katotohanan ay napakaproblematiko; paano man ibahagi ang katotohanan, hindi nito ganap na malulutas ang kanilang mga problema. Kahit na saglit silang matauhan at magawa nilang tanggapin ang katotohanan, kalaunan ay babalik pa rin sila sa dati, kaya napakahirap pangasiwaan ang ganitong uri ng tao. Hindi sa hindi nila nauunawaan ang kahit katiting na katotohanan; ito ay dahil hindi nila pinahahalagahan o tinatanggap ang katotohanan sa kanilang puso. Bilang resulta, hindi nila kailanman maisantabi ang sarili nilang kalooban, o mabitawan ang kanilang mga personal na interes, ang kanilang kinabukasan at kapalaran, at ang kanilang kalalabasan at hantungan. Ang kanilang puso ay palaging nagugulo at nalilimitahan ng mga bagay na ito, kaya hindi nila magawang gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin. Kung nagagawang tanggapin ng isang tao ang katotohanan, sa sandaling maunawaan niya ito, ang lahat ng bagay na nabibilang sa mga tiwaling disposisyon ay awtomatikong maglalaho, at magkakaroon siya ng buhay pagpasok at tayog; hindi na siya magiging isang mangmang na bata. Kapag may tayog ang isang tao, mas lalo niyang matatalos ang mga bagay-bagay, mas lalo niyang makikilatis ang lahat ng uri ng tao, at hindi siya malilimitahan ng sinumang tao, anumang pangyayari, o bagay. Hindi siya maiimpluwensiyahan ng anumang sasabihin o gagawin ng sinuman. Hindi siya sasailalim sa panghihimasok mula sa masasamang puwersa ni Satanas, o maililigaw o magugulo ng mga huwad na lider at mga anticristo. Kung mangyayari ito, hindi ba't unti-unting lalago ang tayog ng isang tao? Kapag mas nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, mas pagninilayan at makikilala niya ang kanyang sarili, mas matutuklasan niya ang pinsalang idinudulot ng kanyang mga tiwaling disposisyon, mas makakahanap siya ng landas ng pagsasagawa sa katotohanan, at mas magiging mabilis ang kanyang pagpasok sa katotohanang realidad; kasabay nito, magagawa rin niyang gampanan ang kanyang tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan. Kapag mayroon kang buhay pagpasok at unti-unting lumalago ang buhay mo, panormal nang panormal ang magiging kalagayan mo. Hindi ka na mamomroblema sa mga tao, pangyayari, at bagay na minsang nakagulo o nakapaglimita sa iyo. Hindi ka na mahihirapan sa paggampan ng iyong tungkulin, at panormal nang panormal ang magiging ugnayan mo sa Diyos. Kapag marunong kang umasa sa Diyos, kapag alam mo kung paano hanapin ang mga layunin ng Diyos, kapag alam mo kung saan ka lulugar, kapag alam mo kung ano ang dapat at hindi mo dapat gawin, at kung sa aling mga bagay mo kinakailangan o hindi umako ng responsabilidad, hindi ba’t panormal nang panormal ang magiging kalagayan mo? Hindi ka papagurin ng pamumuhay nang ganito, hindi ba? Hindi ka lamang hindi mapapagod, kundi makakaramdam ka rin ng lubos na ginhawa at kaligayahan. Hindi ba't liliwanag ang puso mo bilang resulta nito? Magiging normal ang mentalidad mo, lalaya ang espiritu mo, mas madalang kang magbubunyag ng mga tiwaling disposisyon, at mas magpapasakop ka sa Diyos. Sa ganitong paraan, magagawa mong palaging mamuhay sa presensya ng Diyos, at maisasabuhay mo ang normal na pagkatao. Kapag nakita ng mga tao ang iyong asal, mararamdaman nilang nagkaroon ng malaking pagbabago sa iyo. Magiging handa silang makipagbahaginan sa iyo, makakaramdam ng kapayapaan at kagalakan sa kanilang puso kapag nakikinig sa iyong pagbabahagi, at makikinabang din mula rito. Habang lumalago ang iyong tayog, ang iyong pananalita at mga kilos ay magiging mas maingat at may prinsipyo. Kapag nakita mo na ang isang tao ay negatibo at mahina, magagawa mong bigyan siya ng tunay na tulong. Hindi mo lamang magagawang lutasin ang mga problema ng mga tao, kundi maiiwasan mo rin ang paglimita o pangangaral sa kanila, at sa halip ay gagamitin mo ang sarili mong mga praktikal na karanasan para tulungan ang iba, nagbibigay sa kanila ng kaunting pakinabang. Sa ganitong paraan, hindi ka lang gugugol ng lakas sa sambahayan ng Diyos, magiging kapaki-pakinabang ka ring tao, magagawa mong magdala ng pasanin, at makagagawa ka ng mas makabuluhang mga bagay sa sambahayan ng Diyos. Hindi ba’t ito ang uri ng tao na gusto ng Diyos? Kung isa kang taong gusto ng Diyos, hindi ba’t magugustuhan ka rin ng lahat? (Magugustuhan ka nila.) Bakit nasisiyahan ang Diyos sa ganitong tao? Dahil nakagagawa siya ng mga totoong bagay sa harapan ng Diyos, hindi siya gumagamit ng mga hungkag at mabulaklak na salita, at nagagawa niya ang mga totoong bagay. Nagagawa niyang tumulong at mamuno sa iba sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa kanyang tunay na mga karanasan; nagagawa niyang tulungan ang iba na malutas ang anumang problema, at kapag may mga suliranin sa gawain ng iglesia, nagagawa niyang pangunahan ang daan pasulong, nang aktibong nilulutas ang mga problema. Ito ang ibig sabihin ng debotong paggampan sa kanyang tungkulin. Natutulungan niya ang kanyang mga kapatid na malutas ang mga problema ng mga ito, na nagpapatunay na mayroon siyang buhay pagpasok. Ang katunayang kaya niyang gumawa ng napakaraming praktikal na bagay ay nagpapatunay na isinasagawa niya ang katotohanan, at na namumuhay siya sa presensiya ng Diyos. Dahil nasa kanya ang katotohanang realidad, nagagawa rin niyang akayin ang iba na pumasok sa katotohanang realidad. Kung hindi mo taglay ang katotohanang realidad o wala kang mga tunay na karanasan, maaakay mo ba ang iba sa presensiya ng Diyos? Kung ikaw mismo ay hindi namumuhay sa presensiya ng Diyos, hindi mo maaakay ang iba sa Kanyang presensiya. Kung nagsusumikap ka lang habang ginagawa ang iyong tungkulin, nang hindi hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, at ayaw mong palugurin ang Diyos, kung gayon, hindi ka namumuhay sa presensiya ng Diyos. Nagagawa bang tanggapin ng yaong mga hindi namumuhay sa presensiya ng Diyos ang Kanyang pagsisiyasat? Nakakayanan ba nila ang mga pagsubok ng Diyos? Nagagawa ba nilang manindigan sa gitna ng mga pagsubok? (Hindi, hindi nila kaya.) Kaya ba ng ganitong uri ng tao na magpatotoo sa Diyos? Kaya ba niyang magpatotoo tungkol sa Kanya? (Hindi, hindi niya kaya.) Anong uri ng tao ang hindi kayang magpatotoo tungkol sa Diyos? Siya ba ay isang taong tunay na nananampalataya sa Diyos? Kahit paano, hindi pa siya nakapasok sa katotohanang realidad ng mga salita ng Diyos, at umiiral pa rin siya sa labas ng mga salita ng Diyos. Ang isang taong nananampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon nang walang anumang buhay pagpasok, hindi nakapagsasalita tungkol sa patotoong batay sa karanasan, lalong hindi nakapagpapatotoo sa Diyos, na hindi nakapagkakamit ng sinumang mabuting tao sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo—hindi siya karapat-dapat na tawaging saksi ng Diyos. Kaya, ang isang taong wala pang sapat na gulang ang tayog at walang buhay pagpasok ay hinding-hindi makapagpapatotoo sa Diyos. Ang hindi binabanggit na ipinapahiwatig dito ay na ang ganitong uri ng tao ay hindi namumuhay sa presensiya ng Diyos. Kung hindi ka namumuhay sa presensiya ng Diyos, wala kang buhay pagpasok, at hindi ka isang saksi ng Diyos, kung gayon, kikilalanin ka ba Niya bilang isa sa Kanyang mga tagasunod? Hindi ka Niya kikilalanin. Binigyan ka ng Diyos ng pagkakataong gampanan ang iyong tungkulin, at handa kang gawin ito, pero sa pamamagitan ng mga pagpapamalas mo ay nakita Niyang hindi mo kayang magpatotoo sa Kanya, kahit pagkatapos manampalataya sa Kanya nang napakahabang panahon. Bukod sa wala kang tunay na kaalamang batay sa karanasan, namumuhay ka rin ayon sa iyong mga kuru-kuro at imahinasyon; wala kang anumang katotohanang realidad, at sadyang hindi ka namumuhay sa presensiya ng Diyos. Kung bibigyan ka Niya ng pagsubok, hindi mo ito mababata; kung pupungusan ka Niya, hindi mo ito makakayanan; kung hahatulan at kakastiguhin ka Niya, kung gayon ay susukuan mo ang gawain mo at magmumukmok ka, at iisipin Niya na: “Ang taong ito ay parang isang osong hindi dapat kalabitin! Saanman Ako pumunta para gawin ang Aking gawain o magsalita, hindi karapat-dapat sumunod ang ganitong tao, hindi karapat-dapat na makasama Ko.” Bakit Ko sinasabi ito? Dahil hindi nauunawaan ng ganitong tao ang katotohanan, wala siyang dalisay na pagkaarok, wala siyang tunay na mga karanasan, at hindi niya nauunawaan ang mga layunin ng Diyos. Kung hindi niya nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, maaari ba siyang maging kaayon ng Diyos? Kung hindi niya nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, maaarok ba niya ang mga ito? Matatanggap kaya niya ang katotohanan? Mahirap sabihin, at ang lahat ng ito ay hindi batid. Kaya, kung ang ganitong uri ng tao ay kasama ng Diyos, magkakaroon ang taong ito ng mga paghihinala tungkol sa Kanya sa lahat ng bagay, at hindi nito mauunawaan ang Diyos, na magbubunga ng lahat ng uri ng mga maling pagkaunawa at reklamo, at ng mga panghuhusga sa Diyos tungkol sa bawat pagkakataon. Sa huli, magsasanhi ito ng pagkakanulo. Gugustuhin ba ng Diyos ang isang taong nagkakanulo sa Kanya? Pahihintulutan ba ito ng Diyos na maging tagasunod Niya? Hindi. Kung gusto mong kilalanin ka ng Diyos bilang isa sa Kanyang mga tagasunod, kung gayon, una sa lahat, dapat kang tumuon sa buhay pagpasok—nangangahulugan ito ng pagsisimula sa pagkilala sa iyong sarili. Habang mas nakikilala ng isang tao ang kanyang sarili, mas matatalos niya ang diwa at katunayan ng kanyang katiwalian, at mas mauuhaw siyang hangarin ang katotohanan sa kanyang kalooban; sa paggampan ng kanyang tungkulin, partikular niyang pahahalagahan ang paghahanap sa katotohanan, pagsasagawa ng katotohanan, at pagwawaksi sa kanyang mga tiwaling disposisyon, kaya magagawa niyang itaguyod ang kanyang tungkulin, at tuparin nang maayos ang kanyang tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Iyon ang dapat na maging pangunahing priyoridad mo. Ang layunin ng pagtuon sa buhay pagpasok ay ang gampanan nang maayos ang iyong tungkulin; sa esensya, ang lahat ng ito ay tungkol sa paggampan ng iyong tungkulin. Dapat mong simulan ang paghahangad sa buhay pagpasok sa pamamagitan ng paggampan ng iyong tungkulin, at sa pamamagitan ng buhay pagpasok, dapat mong maunawaan at makamit ang katotohanan nang unti-unti, upang umabot ka sa punto na mayroon kang tayog, kung saan unti-unting lumalago ang iyong buhay at mayroon kang mga praktikal na karanasan sa katotohanan. Pagkatapos ay kailangan mong maging dalubhasa sa lahat ng uri ng prinsipyo ng pagsasagawa, upang magampanan mo ang tungkulin mo nang hindi nalilimitahan o nagugulo ng sinumang tao, pangyayari, o bagay. Sa ganitong paraan, unti-unti kang mamumuhay sa presensya ng Diyos. Hindi ka magugulo ng anumang uri ng tao, pangyayari, o bagay, at magkakaroon ka ng karanasan sa katotohanan. Habang mas dumarami ang karanasan mo, mas magagawa mong magpatotoo sa Diyos, at habang mas nakapagpapatotoo ka sa Diyos, unti-unti kang magiging isang kapaki-pakinabang na tao. Kapag naging isa kang kapaki-pakinabang na tao, magagampanan mo ang iyong tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan sa sambahayan ng Diyos, magagawa mong akuin nang wasto ang iyong posisyon bilang isang nilikha at magpasakop sa mga pagsasaayos at pamamatnugot ng Diyos, at magagawa mong manindigan. Tanging ang ganitong uri ng tao ang na nilikhang pasok sa pamantayan at isang taong taglay ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung gayon, magiging karapat-dapat ka sa lahat ng ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.
Ano ang susi sa pagpasok sa katotohanang realidad? Dapat mong matutunan kung paano isagawa ang katotohanan para mapangasiwaan mo ang mga bagay sa maprinsipyong paraan. May anumang silbi ba sa palaging pagpapanata at pagpapahayag ng iyong kapasyahan? Kung palagi kang nagpapanata at nagpapahayag ng iyong kapasyahan, pero hindi mo pa rin naisasagawa ang katotohanan, wala talaga itong silbi. Ang pinakamahalaga at pinakatotoong bagay ay ang magkamit ng buhay pagpasok habang ginagampanan ang iyong tungkulin, sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan para malutas ang iba’t ibang problema na lumilitaw habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at para baguhin ang iba’t iba mong maling saloobin sa iyong tungkulin. Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng buhay pagpasok? Ang pagkakaroon ng buhay pagpasok ay nangangahulugang mayroon kang karanasan at kaalaman sa katotohanan, at naisasagawa mo ito nang tama. Lahat ba kayo ay mayroong buhay pagpasok ngayon? Kaya ba ninyong magpatotoo sa Diyos? Hindi ba’t kadalasan ay kaya lang ninyong magsabi ng ilang salita at doktrina, na ang inyong kaalaman sa katotohanan ay humihinto sa antas ng doktrina, walang anumang tunay na kaalaman o karanasan sa katotohanan? Kung hindi mo kayang makamit ang tunay na karanasan at kaalaman sa katotohanan, magkukulang ka sa pagpapatotoo sa Diyos. Kadalasan, mayroon ka lang kaunting kaalamang batay sa pakiramdam, pakiramdam mo kapag sinabi ito ng Diyos sa isang paraan, ito ay ang katotohanan, at kapag sinabi Niya ito sa ibang paraan, ito rin ay ang katotohanan—pakiramdam mo, lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan, at nag-a-amen ka sa mga ito at sinasang-ayunan mo ang mga ito. Pero hindi mo maiugnay ang mga ito sa iyong sarili. Kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay, nalilito ka pa rin, at hindi mo alam kung aling mga katotohanan ang dapat mong gamitin para lutasin ang iyong mga problema, ni hindi mo alam kung anong paraan ng pagkilos ang magiging pagsasagawa ng katotohanan. Hindi ba't ang karamihan sa inyo ay nasa ganitong uri ng kalagayan? Bagama't nakakapagsabi kayo ng maraming salita at doktrina, hindi ninyo mailapat ang mga ito sa inyong mga aktuwal na buhay. Hindi pa rin ninyo alam kung paano isagawa ang katotohanan, ni hindi ninyo alam kung paano ilapat ang mga salita ng Diyos sa inyong mga aktuwal na buhay, at anuman ang mangyari sa inyo, hindi ninyo alam kung paano hanapin ang katotohanan para lutasin ang inyong mga problema. Ito ay dahil masyadong mababaw ang buhay pagpasok ng mga tao, at masyadong mababa ang kanilang tayog. Kapag alam ninyo kung paano dumanas, magsagawa, at maglapat ng mga salita ng Diyos sa inyong mga aktuwal na buhay, at kapag alam ninyo kung paano hanapin ang katotohanan para malutas ang mga problema kapag may nangyari sa inyo, lalago ang buhay ninyo. Ang malaman kung paano isagawa ang katotohanan ay isang palatandaan na lumalago ang buhay ninyo. Balang araw, kapag nagawa mong lutasin ang mga problema gamit ang katotohanan, kapag mayroon kang kaunting kaalaman sa Diyos, kapag sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tunay mong kaalaman sa Diyos ay nagawa mong magpatotoo sa Kanyang gawain, sa Kanyang banal at matuwid na disposisyon, at sa Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at sa Kanyang karunungan, kung gayon ay magagawa mong tunay na magpatotoo sa Diyos, at magiging kalipikado kang gamitin ng Diyos. Kung iniisip mo na marami-rami na ang nauunawaan mo, at kaya mong magsalita nang walang katapusan tungkol sa doktrina, pero wala kang malutas na anuman na may kaugnayan sa sarili mong mga problema, at hindi mo rin alam kung paano hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito, pinatutunayan nito na ang nauunawaan mo ay hindi ang katotohanan, kundi mga salita at doktrina. Kahit pa nakakaugnay ang iba sa ilan sa mga doktrinang naririnig nilang sinasabi mo, nakakahanap sila ng kaunting pagpapatibay mula sa mga ito, at nakakamit ng mga doktrinang sinasabi mo ang ilang resulta, hindi mo lang talaga magawang ipaliwanag nang lubusan ang mga bagay-bagay, ni hindi mo ganap na malutas ang mga problema. Pinatutunayan nito na ang naipaparating lamang ng mga doktrinang sinasabi mo ay ang literal na kahulugan; sa pinakamataas, ang mga ito ay mga piraso lamang ng kaalamang batay sa pakiramdam, hindi pa umaabot sa antas ng makatwirang kaalaman; hindi masasabing ang mga ito ay ang katotohanang realidad, lalong hindi masasabing nakapasok ka na sa katotohanang realidad. Ngayon, paano mo lulutasin ang problemang ito ng pagsasabi ng mga salita at doktrina? Nangangailangan ito ng paglalaan ng pagsisikap sa pag-unawa sa katotohanan. Tanging kapag nauunawaan mo ang katotohanan saka mo pagninilayan ang iyong sarili, magagawang kilalanin ang mga tiwaling disposisyon na ibinunyag mo, at magagawang matuklasan ang ugat ng iyong mga problema. Pagkatapos, dapat mong hanapin ang katotohanan, at gamitin ang mga salita ng Diyos para lubusang lutasin ang mga tiwaling disposisyon na ibinunyag mo. Kung ang ibinubunyag mo man ay kayabangan at pagmamatuwid sa sarili o pagkabaliko at panlilinlang, o pagkamakasarili man ito at pagiging kasuklam-suklam man o pagiging pabasta-basta at panlilinlang sa Diyos, dapat mong pagnilayan ang mga tiwaling disposisyong ito hanggang sa malinaw mong makita ang mga ito. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung anong mga problema ang umiiral habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at kung gaano ka kalayo sa pagkamit ng kaligtasan. Kapag malinaw mong nakikita ang sarili mong mga tiwaling disposisyon, saka mo lang malalaman kung nasaan ang mga paghihirap at hadlang sa paggampan ng iyong tungkulin. Saka mo lang malulutas ang mga problema sa ugat ng mga ito. Halimbawa, sabihin nating hindi ka umaako ng responsabilidad sa paggampan ng iyong tungkulin, sa halip ay palagi kang kumikilos nang pabasta-basta, na nagdudulot ng mga kawalan sa gawain mo, pero inaalala mo ang pride mo, kaya ayaw mong bukas na magbahagi tungkol sa kalagayan at mga paghihirap mo, at magsagawa ng paghihimay at pagkilala sa mga ito, sa halip ay palagi kang naghahanap ng mga dahilan para harapin ang mga bagay-bagay nang pabasta-basta. Paano mo dapat lutasin ang problemang ito? Dapat kang manalangin sa Diyos at magnilay-nilay sa sarili mo, sabihin mong: “Diyos ko, nagnanais akong magsabi ng gayong mga bagay para protektahan ang pride ko. Ang tiwaling disposisyon ko ang nagsasalita. Hindi ako dapat magsalita nang ganoon. Dapat akong magbukas-loob tungkol sa aking sarili, ilantad ang aking sarili, at sabihin nang malakas ang mga tunay na saloobin ng aking puso. Mas gugustuhin ko pang mapahiya at masira ang reputasyon ko kaysa mabigyang-kasiyahan ang sarili kong banidad. Ang Diyos lamang ang gusto kong palugurin.” Sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng paghihimagsik laban sa iyong sarili at pagsasabi ng mga tunay na saloobin ng iyong puso nang malakas, isinasagawa mo ang pagiging isang matapat na tao, at higit pa rito, hindi ka kumikilos ayon sa sarili mong kalooban o sumusubok na depensahan ang pride mo. Naisasagawa mo ang mga salita ng Diyos, naisasagawa ang katotohanan ayon sa mga pagnanais ng Diyos, taimtim na natutupad nang maayos ang iyong tungkulin, at ganap na natutupad nang maayos ang iyong mga responsabilidad. Sa gayon, hindi mo lamang isinasagawa ang katotohanan at tinutupad nang maayos ang iyong tungkulin, kundi itinataguyod mo rin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, na nagpapalugod sa puso ng Diyos. Ang pamumuhay sa ganitong paraan ay bukas at matuwid, at ang iyong mga kaisipan at ideya, pati na rin ang iyong mga kilos at gawa, ay maaaring dalhin sa harap ng mga tao at sa harap ng Diyos. Napakaganda nito! Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay medyo mahirap, at baka humarap ka sa kabiguan nang maraming beses, pero kung magsasagawa at magsusumikap ka sa direksyong ito, tiyak na magtatagumpay ka. At ano ang ibig sabihin ng pagtatagumpay para sa iyo? Nangangahulugan ito na kapag isinasagawa mo ang katotohanan, nagagawa mo ang hakbang na ito na nagpapalaya sa iyo mula sa pagkakagapos ni Satanas, isang hakbang na nagbibigay-daan upang maghimagsik ka laban sa iyong sarili. Nangangahulugan ito na maisasantabi mo ang banidad at pride, maititigil mo ang paghahanap sa sariling kapakinabangan, at maititigil mo ang paggawa ng mga makasarili at kasuklam-suklam na bagay. Kapag isinagawa mo ito, ipinakikita mo sa mga tao na ikaw ay isang taong nagmamahal sa katotohanan, na may katotohanang realidad, isang taong nananabik sa katarungan at liwanag. Ito ang resultang nakakamit mo sa pagsasagawa ng katotohanan. Kasabay nito, naghahatid ka rin ng kahihiyan kay Satanas. Ginawa kang tiwali ni Satanas, ginawa kang makasarili, at idinulot na protektahan mo ang sarili mong mga interes at isipin ang iyong pride. Ngunit ngayon, hindi ka na magagapos ng mga bagay na ito ni Satanas, nakalaya ka na sa mga ito, hindi ka na kontrolado ng banidad, pride, o ng sarili mong personal na kapakinabangan, at isinasagawa mo ang katotohanan, kaya lubusan nang napahiya si Satanas, at wala na itong magagawa pa. Kapag hindi ka kayang kontrolin ni Satanas, hindi ba’t nagtagumpay ka na kung gayon? Kung matagumpay ka na, hindi ba’t makakapanindigan ka sa iyong patotoo para sa Diyos? Hindi ka ba nakipagbaka ng mabuting pakikipagbaka? Kapag nakipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka, mayroon kang kapayapaan at kagalakan, at isang pakiramdam ng kaalwanan sa iyong puso. Kung namumuhay ka nang may madalas na pakiramdam ng pag-aakusa sa iyong puso, nakakaramdam ng pagkabalisa, walang kapayapaan o kagalakan, at kung madalas kang nag-aalala at nababagabag tungkol sa lahat ng uri ng bagay, ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita lang nito na hindi mo isinasagawa ang katotohanan, at na hindi ka naninindigan sa iyong patotoo para sa Diyos. Kapag namumuhay ka sa gitna ng mga satanikong disposisyon, kumikilos ka ayon sa sarili mong kalooban, ayaw mong isagawa ang katotohanan, at ipinagkakanulo mo pa nga ang katotohanan, gumagawa ng anumang paraan para makamit ang iyong mga layon. Pinoprotektahan mo lang ang sarili mong banidad, pride, reputasyon, katayuan, at mga interes. Hindi ba’t ito ay pagiging makasarili at kasuklam-suklam? Kapag palagi kang namumuhay para sa iyong sarili at para sa sarili mong mga interes, nagiging puno ng pasakit ang buhay. Mayroon kang napakaraming makasariling pagnanais, gusot, gapos, pag-aalala, at pagkabagabag; walang katiting na kapayapaan o kagalakan sa iyo. Ang mamuhay para sa tiwaling laman ay walang iba kundi matinding pagdurusa. Yaong mga naghahangad ng katotohanan ay naiiba. Habang mas nauunawaan nila ang katotohanan, mas nakakahulagpos at malaya sila; habang mas isinasagawa nila ang katotohanan, mas higit ang kanilang kapayapaan at kagalakan. Kapag nakamit nila ang katotohanan, ganap silang mamumuhay sa liwanag at magtatamasa ng mga pagpapala ng Diyos, malaya sa pagdurusa.
Ngayon, sa aling kalagayan kayong lahat kadalasang namumuhay? Madalas ba ay namumuhay kayo sa positibong kalagayan o sa negatibong kalagayan? (Kadalasan ay namumuhay kami sa negatibong kalagayan.) Hindi isang simpleng bagay para sa isang taong laging namumuhay sa negatibong kalagayan na magpursige sa paggawa ng kanyang tungkulin nang hindi ito sinusukuan! Kayong lahat ay madalas na negatibo, pero hindi ninyo alam kung paano ito lulutasin. Minsan, kinakailangan ninyong magsikap nang husto para malutas ang inyong mga negatibong kalagayan, at kapag hindi nasusunod ang gusto ninyo, muli kayong nagiging negatibo. Palagi kayong pabalik-balik sa inyong pagkanegatibo, at hindi kayo nakatatayo kahit na gustuhin ninyo; hindi ninyo nagagawa nang maayos ang anumang tungkulin, at masyado kayong kulang sa kakayahan kaya walang nakatutulong sa inyo. Hindi ba’t nakakapagod ang mamuhay nang ganito? (Nakakapagod ito.) Kung gayon, paano mo ganap na haharapin ang problema ng pagkanegatibo? Tiyak na dapat mong maunawaan ang ilang katotohanan. Ang dami ng doktrinang kaya mong sabihin ay hindi makalulutas sa mga problema mo. Kapag tunay nang nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, at kapag nalulutas na niya ang anumang pagkanegatibo o mga paghihirap na kanyang nararanasan, hindi na magiging napakahirap para sa kanya na gampanan ang kanyang tungkulin. Sa pamamagitan lamang ng pagkamit sa katotohanan magiging malaya at pinalaya ang isang tao. Sa ngayon, ang bagay na pinakakulang sa inyong lahat ay ang katotohanan, pero ang pagkamit sa katotohanan ay hindi magagawa sa isang magdamag lamang. Kailangan ninyong magkaroon ng tunay na kaalaman sa gawain ng Diyos, at malinaw na makita ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Nangangailangan ito ng panahon, at dapat ninyong hanapin ang katotohanan para maunawaan ito. Nararamdaman ninyong lahat ang pasakit ng pamumuhay sa isang tiwaling disposisyon, mayroon kayong malalim na direktang karanasan nito. Naranasan na ba ninyo ang kapayapaan at kaligayahan na nabubuo sa puso ninyo pagkatapos ninyong maunawaan ang katotohanan, kapag nagagawa ninyong isagawa ang katotohanan at sundin ang mga katotohanang prinsipyo? Marami ba kayong gayong mga karanasan? Kung tunay na marami ang ganitong mga karanasan, nangangahulugan iyon na lubusan ninyong taglay ang katotohanang realidad. Mararamdaman ninyo ang pamumuhay sa liwanag at sa presensya ng Diyos. Kung paminsan-minsan ninyong tinatamasa ang kaunting kaliwanagan ng Diyos, lubos kayong masisiyahan. Kung paminsan-minsan kayong umaasa sa Diyos sa halip na sa mga tao, at binibigyan kayo ng Diyos ng kaunting liwanag, ng isang daan pasulong na hindi ninyo naisip, at napangasiwaan ang usapin, lubos kayong masisiyahan. Hindi sapat ang madalas na magkaroon ng maliliit na karanasang ito; kailangan ninyo pa ring patuloy na magsikap tungo sa katotohanan. Sa isang banda, dapat ninyong maunawaan ang katotohanan tungkol sa mga pangitain, magkaroon ng napakalinaw na pagkaunawa sa gawain ng Diyos, at tunay na magkaroon ng kaalaman sa disposisyon ng Diyos. Sa ganitong paraan, kapag muli kayong naharap sa mga suliranin habang ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin, kahit papaano ay hindi ito magdudulot ng mga kuru-kuro, at hindi rin ito magbubunga ng paghihimagsik. Isa itong aspekto ng mga bagay-bagay. Dagdag pa rito, dapat kayong magsikap tungo sa buhay pagpasok. Ang mga katotohanang dapat isagawa at pasukin ay dapat nakabuod, tulad ng pagkilala sa inyong sarili, pagiging matapat na tao, pagkatutong magpasakop sa Diyos, kung paano sumandig sa Diyos, kung paano debotong gawin ang inyong tungkulin, kung paano makilatis ang lahat ng uri ng tao, kung paano ninyo dapat tratuhin si Satanas, anong karunungan ang dapat ninyong taglayin, atbp. Sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagpasok sa iba’t ibang aspetong ito ng katotohanan kayo matatakot sa Diyos at makakaiwas sa kasamaan, at magiging isang perpektong tao. Kaya, gaano karaming aspekto ng katotohanang realidad ang napasok na ninyo ngayon? Aling mga aspekto ng katotohanang realidad ang hindi pa ninyo napasok? Dapat magkaroon kayo ng malinaw na ideya tungkol dito. Kapag nakapasok na kayo sa maraming katotohanan na may kaugnayan sa pagsasagawa, lumago na ang buhay ninyo, at tunay kayong magkakaroon ng tayog. Kapag lumago na ang inyong tayog sa isang partikular na antas, makapapasok na kayo sa daan ng pagpeperpekto ng Diyos, at magkakaroon kayo ng tunay na tayog. Hindi ito isang bagay na maaaring madaliin—hindi ninyo makakain ang isang elepante sa isang kagat. Ngayon, ano ang pinakakritikal at pinakamahalagang bagay na kailangan ninyong lutasin? Iyon ay ang dapat ninyong magampanan nang maayos ang inyong tungkulin, at magkaroon ng buhay pagpasok habang ginagawa ninyo ang inyong tungkulin. Ito ang susi. Hindi kayo maaaring magsikap lang—dapat ninyong isapuso ito. Ayaw ng Diyos na ibenta mo ang pagpapagal mo habang ginagawa mo ang tungkulin ng isang nilikha, sa halip ay nais Niyang ihandog mo sa Kanya ang iyong sinseridad. Habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, dapat kang magkaroon ng buhay pagpasok. Sa sandaling magkaroon ka ng buhay pagpasok, saka ka lang magkakaroon ng buhay, kapag nagkaroon ka ng buhay, saka ka lang lalago, at yaong mga may buhay lamang ang nagtataglay ng katotohanan.
Agosto 10, 2015